Savina PovPagalit na itinulak ako ni Desmon paupo sa ibabaw ng kanyang kama. Sa loob ng kanyang silid niya kasi ako dinala matapos niya akong hilahin papasok sa bahay niya."Ano ba ang problema mo, Desmon? Bakit dinala mo ako rito sa silid mo sa halip na bigyan ako ng trabaho. Iyon lang naman ang dahilan kung bakit mo ako nais bumalik dito, hindi ba? Nais mo lang akong gawing alipin bago mo ako patayin pagsapit ng eclipse," galit na tanong ko sa kanya. Agad din akong tumayo matapos kong mapaupo sa gilid ng kanyang kama nang itinulak niya ako."Ano ang ginawa ninyo ni Donny sa bahay niya? At paano mo siya nakilala?" madilim ang mukha na tanong niya sa akin. Kung tinanong niya ako ng ganito noong hindi pa niya ako nakakalimutan ay tiyak na iisipin kong nagseselos siya kay Donny. Iyon kasi ang ipinahihiwatig sa akin ng kanyang tanong. Ngunit hindi pa niya ako maalala ngayon kaya hindi ko iisipin na nagseselos siya sa kapatid niya. Marahil iniisip niyang kaya ngayon lang ako bumalik sa
Savina PovPagmulat ko ng aking mga mata ay aking paligid ang agad kong sinuri. Nasa loob na ako ngayon ng aking silid. Buhay ako. Humihinga pa at walang sugat. Hindi ako pinatay ni Desmon. Muling nabuhayan ako ng pag-asa. Bumangon ako sa kama at lumabas sa aking silid para sana puntahan si Desmon at kausapin. Ngunit biglang nagbago ang aking isip nang mapansin kong ang tahimik yata ng buong paligid. Lumabas ako sa bahay niya at nakita kong manaka-naka lamang ang mga sundalong omega na nagpa-patrol sa labas ng bahay niya. Nagtaka ako kung bakit nabawasan yata ang mga sundalo ni Desmon. Ngunit hindi ko na masyadong inisip pa ang dahilan kung bakit kaunti lamang ang mga sundalo sa paligid. Bigla kasing pumasok sa aking isip ang isang ideya."Hey! Puwedeng magtanong?" tawag-pansin ko sa sundalong dumaan."Ano ang kailangan mo sa akin?" masungit na tanong ng sundalo. Pagkatapos ay biglang naging alerto ang hitsura nito. "Kung may binabalak kang hindi maganda ay huwag mo nang ituloy. Masa
Savina PovNagpatuloy akong hanapin ang silid ni Allana ngunit ilang silid na ang aking pinasok ay hindi ko pa rin natatagpuan ang silid niya. Napakaraming silid sa bahay niya at mukhang hindi ko mahahanap ito bago pa siya bumalik kaya nagdesisyon akong umalis na lamang. Ngunit babalik ako kapag magkaroon ulit ako ng pagkakataon. Akmang tatalikod na sana ako nang umagaw sa aking atensiyon ang isang silid na nasa ikaapat na hanay mula sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung anong mayroon sa silid na iyon ngunit tila ba biglang hinatak ng kung anong enerhiya ang aking mga mata patungo sa silid na iyon. Hindi kaya iyan ang silid ni Allana? Dahan-dahan akong naglakad palapit sa pintuan ng silid. Hinawakan ko ang door knob at maingat na pinihit. Akmang itututulak ko na ang pintuan nang biglang may babaeng nagsalita sa aking likuran."Sino ka? Ano ang ginagawa mo rito? Ang lakas ng loob mong pagtangkaang pasukin ang aking silid," mapanganib ang tono na tanong sa akin ni Allana na siya palan
Savina PovMagmula nang hinalikan ako ni Desmon ay hindi ko pa siya muling nakakausap. Nakikita ko naman siya ngunit hindi niya ako kinakausap. Hindi ko alam kung iniiwasan ba niya ako o talagang ayaw lamang niya akong kausapin. Gustuhin ko siyang kausapin ngunit nahihiya akong gawin iyon. Baka kasi isipin niya na cheap akong babae. Galit-galitan ako tapos bibigay din pala ako sa kanyang mga halik."Hoy! Ano ang ginagawa mo ritong mag-isa, Savina?" panggugulat sa akin ni Edan, isa sa mga babaeng alipin na Desmon na naging kaibigan ko. Sa lahat ng mga alipin niya ay tanging si Edan lamang ang hindi nagpakita ng masamang ugali sa akin kahit na isa rin naman siyang taong lobo."Wala lang. Nagpapahangin lamang ako," sagot ko sa kanya sabay kibit ng aking mga balikat."Alam mo ba na may nangyayaring labanan ngayon ng dalawang pack ng mga taong lobo?" biglang tanong niya sa akin. Na-curious tuloy ako kung anong pack ang naglalaban. Napakatahimik at payapa ng gabi kaya hindi ko akalain na ma
Savina PovDinala ako ng lalaking nakahawak sa akin sa harapan nina Desmon at alpha ng Silver wolf pack na si Dorco. Parehong natigilan silang dalawa nang makita ako ngunit mabilis na nakabawi si Dorco at tumawa ng malakas."Nagkita tayong muli, Savina. At masaya ako na makita kang muli," nakangising kausap sa akin ni Alpha Dorco. Kinuha niya ako mula sa lalaking may hawak sa akin at iniharap kay Desmon na sobrang dilim ang mukha dahil sa galit."Ano ang ginagawa mo sa lugar na ito, Savina?" galit na tanong naman sa akin ni Desmon. Alam kong sa akin siya nagagalit dahil sinuway ko ang kanyang ipinag-uutos. Tiyak na parurusahan niya ako. Iyan ay kung makakaligtas ako ngayon sa mga kamay ni Alpha Dorco."Savina!" tawag sa akin ni Donny na biglang dumating na humahangos pa."Ikaw ang nagdala kay Savina sa lugar na ito?" mapanganib na tanong ni Desmon sa kanyang kapatid habang nakakuyom ang mga kamao."Wala siyang kasalanan, Desmon. Ako lamang ang nagtungo rito nang malaman kong nakikipag
Savina PovNasa isang lugar ako na tanging kadiliman lamang ang aking nakikita. Hindi ko tuloy alam kong napikit ba ako o nakadilat ang aking mga mata. Sobrang dilim at tahimik ng paligid. Nakakatakot. Naalala ko ang nangyari sa akin kaya naisip ko na ito na yata ang hantungan ng mga namatay na. Pero ayoko ritong mag-isa. "Ama? Ina? Juni?" malakas na tawag ko sa aking mga magulang at nag-iisang kapatid. Patay na sila kaya dapat nandito sila ngayon at sinasalubong ako. Pero bakit wala sila? Bakit hindi ko sila makita? "Ina! Ama! Juni! Nasaan kayo?" muli kong tawag sa kanila. Ngunit gaano man kalakas ang boses ko sa pagtawag sa kanilang pangalan ay wala pa ring sumasagot sa akin. Kahit na hindi ko nakikita ang aking paligid ay nagpasya akong maglakad at baka makakita ako ng liwanag sa ibang dako."Savina..."Biglang nanlaki ang aking mga mata nang marinig ko ang boses na iyon na pinanabikan kong marinig. Kahit matagal na siyang patay ay hindi ko pa rin nakakalimutan ang kanyang tinig.
Allana Pov"Aahhh!!!" lahat ng mga bagay na makita ko sa aking paligid ay dinadampot ko at ibinabato sa dingding. Gusto kong ilabas ang galit na aking nararamdaman. Gusto kong pumatay ng tao. At ang taong iyon ay walang iba kundi si Savina. Para tuluyan na siyang mawala sa landas ko at lalong-lalo na sa landas ni Desmon.Pinuntahan ko kanina sa bahay niya si Desmon para pag-usapan namin kung ano ang balak niyang gawin sa pack ng natalo naming kalaban na si Alpha Dorco. Sumuko ang mga kawal niya nang matapos mapatay ni Desmon ang kanilang alpha. Malaki nga ang panghihinayang ko kung bakit hindi pa tuluyang napaslang ni Alpha Dorco si Savina. Pagdating ko sa bahay niya ay sinabi sa akin ni Marsha na nasa loob ng silid ni Savina si Desmon. Palagi raw itong nasa loob ng babaeng iyon at hinihintay na magkamalay ito.Para mailigtas ni Desmon ang buhay ng witch na iyon ay sinalinan niya ito ng kanyang dugo. Mahigpit kong tinutulan ang gustong mangyari ni Desmon ngunit sa huli ay wala pa rin
Savina PovPaggising ko sa umaga ay wala na sa aking tabi si Desmon. Agad na sumilay sa aking mga labi ang matamis na ngiti nang maalala ko ang nangyari sa amin kagabi. Walang pag-aalinlangan na ibinigay ko sa kanya ang aking buong pagkatao. Nakaramdam man ako ng saya ngayon ay hindi ko pa rin maiwasan ang makaramdam din ng lungkot nang maisip ko si Donny. Tiyak na masasaktan siya kapag nalaman niyang nagkakaunawaan na kami ni Desmon. Ayoko mang saktan siya ngunit alam ko na hindi talaga maiiwasan ng masaktan siya. "Good morning," nakangiting bati sa akin ni Desmon nang pumasok siysa sa aking silid. Nilapitan niya ako at hinalikan sa aking noo. "Kumusta ang pakiramdam mo?""Okay lang kahit na pinagod mo ako kagabi," sagot ko sa kanya na may kasamang pilyang ngiti. Kinabig niya ako at binigyan ng isang malalim na halik."I'm sorry kung napagod kita kagabi. And I'm sorry ulit dahil muli kitang papagurin ngayon," sagot ni Desmon pagkatapos ay muli niyang inangkin ang aking mga labi. Bu
Savina PovPinuntahan ko si Desmon sa bahay niya. Kailangan naming magkaliwanagan. Umalis ako sa bahay nng hindi nalalaman ni Uncle Lucho. Alam ko kasi na hindi niya ako papayagan na makipagkitang muli kay Desmon kaya hindi na ako nagpaalam pa sa kanya. Hindi ako matatahimik hangga't hindi ko naririnig ang paliwanag ni Desmon. Kaya pagkatapos ng ilang araw kong pag-iisip ay nakahanda na akong harapin siya.Nang lumitaw ako sa loob ng bakuran ni Desmon ay walang nakapansin sa akin maski isa sa kanyang mga alipin. Palapit pa lamang ako sa pintuan ng bahay niya ay naririnig ko na mula sa labas ang boses ni Allana at nasisiguro ko na si Desmon ang kanyang kausap. Maingat akong lumapit sa may pintuan at idinikit ang aking tainga para mas marinig ko ang kanilang pinag-uusapan."Natitiyak kong alam na ni Savina ang lahat, Desmon. Alam na niya na nagpapanggap ka lamang na nagkaroon ng amnesia at nakalimutan mo siya. Alam na niya na binilog mo lamang ang ulo niya at pinaniwalang hindi ang ama
Savina POVAgad kong inilabas sa loob ng kuweba si Uncle Lucho at dinala sa isang ligtas na lugar. Hindi kami masusundan ng kahit sino sa grupo ni Desmon maging grupo ni Allana. Ilqng araw nang gulong-gulo ang aking isipan matapos kong marinig ang mga sinabi sa akin ni Uncle Lucho. Wala akong lakas ng loob na harapin si Desmon at kausapin tungkol sa bagay na natuklasan ko. Natatakot akong marinig sa kanya ang pag-amin niya na totoo ang mga sinabi ni Uncle Lucho. Natatakot din ako na kapag sinabi niya na hindi totoo ang mga sinabi ng uncle ko ay baka maniwala ako sa kanya kahit na nagdudumilat ang katotohanan na talagang niloko lamang niya ako. Hangga't hindi ko pa kayang harapin siya ay hindi na muna ako magpapakita sa kanya. Hindi naman niya ako matatagpuan dahil kusang naalis sa aking kamay ang bracelet na inilagay niya. Naalis ito noong bumalik ang aking kapangyarihan ngunit hindi ko na lamang iyon ipinaalam sa kanya."Ano ang ginagawa mo rito sa dilim, Savina? Malalim na ang gabi
Savina PovHinahanap ko si Desmon ngunit hindi ko siya makita. I wonder kung ano ang ginagawa niya ngayon at kung nasaan siya. Noong isang araw ay nabanggit ko sa kanya ang tungkol sa pagpapalaya niya sa mga witch na bihag nila. Ang sabi niya sa akin ay palalayain niya agad ang mga bihag.Habang naglalakad ako sa gubat ay hindi sinasadyang may nakita akong kuweba. Hindi ko alam kumg kulungan ba ang kuwebang iyon o hindi. Pero baka hindi kasi wala namang bantay sa labas ng kuweba. Akmang tatalikod na ako para umalis sa lugar na iyon nang bigla akong natigilan at saka lumingon sa kuweba. Para bang may enerhiya na pumipigil sa aking mga paa para humakbang palayo. Tila rin may nag-uudyok sa akin na maglakad papunta sa kuweba at pumasom. Hindi ko alam kung ano ng meron aa kuwebang iyon at hinihila niya ako papasok sa loob. Nagkibit na lamang ako ng balita. Wala namang masama kung papasok ako sa loob ng kuweba na iyan. Kung may panganib man sa loob ay hindi ako natatakot lalo pa ngayon na n