Share

Chapter 55

Savina Pov

Unti-unting nagbalik ang aking kamalayan. Sa tindi kasi ng inabot kong sakit sa katawan dahil sa ginawa sa akin ni Allana ay hinimatay ako pagkalabas ni Donny sa bahay ng babaeng iyon.

"Gising ka na pala, Savina. Kumusta na ang pakiramdam mo? Masakit pa ba ang mga latay mo sa katawan?" agad na tanong sa akin ni Donny nang makita niyang gising na ako.

Bumangon ako at naupo na lamang sa kama. "Hindi na. Para ngang hindi ako nakaramdam ng sakit. Ano ba ang ginamit mong gamot sa akin?" naisip ko na ang ginamit niyang gamot sa akin ay katulad ng gamot na ginamit ko naman kay Desmon.

"Miracle fruit. Dinurog ko ito at piniga ang katas saka paunti-unti kong ipinainom sa'yo kanina. May malay ka na kasi pero hinang-hina ka naman at dumadaing sa sakit," paliwanag sa akin ni Donny.

Akala ko ay hindi ako nagising nang mahimatay ako kanina. Ngunit may malabong alaala na pumasok sa aking isip. Tila naalala ko nga na may iniinom akong mapait na liquid kanina pagkatapos ay muling nawala
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status