Share

Chapter 2

Author: iamsimple
last update Huling Na-update: 2022-12-10 18:41:36

Savina's Pov

"Kumusta na ang pakiramdam mo, Savina?" tanong sa akin ng kaibigan kong si Julie. Nang mahimatay ako matapos kong makita ang ginawang pagpatay sa mga magulang ko ng Alpha ng Golden Wolf clan ay natagpuan ako ni Julie na wala pa ring malay at nakahiga sa damuhan. Nasa kagubatan kasi ito kasama ang kanyang ama at nangunguha raw ng panggatong nang makita nila ako. Kaagad nila aking dinala sa bahay nila at magmula nang araw na iyon ay dito na ako tumira sa kanila.

"Kahit paano ay okay na ang pakiramdam ko, Julie. Salamat sa concern mo," nahihiyang sagot ko sa kanya. Ayokong maging pabigat sa kanya at sa mga magulang niya kaya kahit gusto kong magmukmok at umiyak sa isang tabi ay pilit kong inayos ang aking sarili. Kailangan kong magpakatatag. Walang mangyayari sa akin kung patuloy akong magluluksa at ang magpapakahina-hina. Hindi ko magagawang makapaghiganti kung isa akong mahinang babae.

"Ang mabuti pa ay sumama ka sa akin sa gubat para manguha ng mga tuyong sanga na panggatong para naman malibang ka," suhestiyon ni Julie. Mabilis akong tumango sa kanya. Nakatira ako sa bahay nila kaya kailangan kong tumulong sa mga gawaing bahay. Nakakahiya kung wala akong gagawin habang ang buong pamilya ni Julie ay busy sa pagtatrabaho.

"Tutulungan kitang manguha ng mga panggatong," sabi ko sa kanya. Ngumiti si Julie at tumango sa akin. Magkasama kaming nagpunta sa gubat para mamulot ng mga tuyong sanga ng kahoy na naglaglagan sa lupa.

"Ano na ang balak mo ngayon, Savina?" tanong sa akin ni Julie habang naglalakad kami sa gubat. "Balak mo ba na ipaghiganti ang nangyari sa mga pamilya mo?"

"Oo, Julie. Magpapalakas ako at mag-aaral ng mabuti sa paggamit ng aming kapangyarihan nang sa gayon kapag kaya ko nang laban ang Golden Wolf Clan ay maigaganti ko na sa kanila ang sinapit ng aking pamilya at clan members," sagot ko habang nakakuyom ang isa kong kamao. Hindi na ako makapaghintay na makapaghiganti sa mga masasamng taong-lobo na nagwasak sa aking pamilya.

"Paano mo naman magagawa iyon kung nag-iisa ka lamang?" nag-aalalang tanong ni Julie.

"Huwag mo na akong alalahain, Julie. Kapag malakas na ang kapangyarihan ko ay makakaya ko silang talunin kahit mag-isa lamang ako," puno ng kumpiyansa sa sarili na tugon ko sa kanya.

Akmang magsasalita pa sana si Julie ngunit bigla siyang natigilan nang humangin ng malakas. Napatingala siya sa kalangitan at nakita ang mga ibon na nagliliparan na tila may kinakatakutan.

"Mukhang may malakas na bagyong parating, Savina. Kahit ang mga ibon ay natatakot sa bagyo," komento ni Julie habang nakatingala sa kalangitan.

"Ang mabuti pa ay umuwi na lamang tayo, Julie. Baka maabutan pa tayo ng malakas na ulan," sabi ko sa kanya. Ang totoo ay hindi malakas na bagyo ang parating kundi grupo ng mga mababangis na taong-lobo. Ngunit hindi ko na lamang ipinaalam sa kanya dahil ayokong matakot siya. Mas makabubuting bumalik na kami sa bahay nila para maiwasan namin ang makasalubong ang mga taong-lobo. Ayokong malagay sa panganib ang buhay niya nang dahil sa akin.

"Sa tingin ko ay tama ka, Savina. Mas magandang bumalik na lang tayo sa bahay. Ayokong maabutan ng ulan dito sa loob ng gubat dahil nakakatakot," sang-ayon ni Julie. Naglakad na lamang kami pabalik sa bahay nila. Marami pa namang araw kaya sa susunod na lamang kami mangunguha ng mga panggatong na kahoy.

Habang naglalakad kami pabalik sa bahay ng kaibigan ko ay bigla na lamang may malakas na hangin ang dumaan sa tabi namin na parang ipo-ipo. Sa sobrang lakas ay pareho kaming natumba ni Julie sa damuhan. Pareho kaming napapikit ng mga mata dahil pumapasok sa loob ng mga mata namin ang dumi na dala ng malakas na hangin na dumaan. Pagmulat ko ng mga mata ay nabigla ako nang makita ko sa harapan namin ang tatlong lalaki na nakatayo at nakatingin sa amin. Nagulat din si Julie sa nakita ngunit mabilis itong nakabawi ng pagkabigla. Inis na tumayo ito at nagpagpag ng mga dumi na kumapit sa suot nito pagkatapos ay matapang na hinarap ang tatlo.

"Hoy! Ano ba kayo bulag? Hindi niyo ba nakita na may mga tao sa tinatakbuhan ninyo?" galit na sita ng kaibigan ko sa tatlong lalaki.

"Hayaan mo na sila, Julie. Umalis na lamang tayo," sabi ko sa kaibigan ko. Hinawakan ko ang kanyang braso at pilit na hinihila paalis sa harapan ng tatlong lalaki.

"Bakit natin sila hahayaan, Savina? Nasaktan tayo dahil sa kanila. Parang sila ang may-ari ng gubat na ito kung makatakbo ng mabilis," inis na sagot sa akin ni Julie.

"Little Miss, magdahan-dahan ka ng iyong pananalita. Hindi mo kilala kung sino ang kaharap mo," kausap naman ng isa sa tatlong lalaki sa kaibigan ko. Halatado sa boses niya ang pagkainis kay Julie.

"Wala akong pakialam kung sino kayong tatlo as long as hindi kayo ang may-ari ng gubat na ito," matapang na sagot naman ni Julie habang  nanlalaki ang mga mata niya sa kausap na lalaki. Akmang papatulan ng lalaki ang sinabi ng kaibigan ko ngunit mabilis itong napigilan ng kasama nitong lalaki na seryoso ang mukha.

"Huwag mo nang patulan ang babaeng iyan, Faris. May mahalaga tayong sadya kaya tayo naparito," saway nito sa kasama.

"Pero Desmon—"

"Narinig mo ang sinabi ni Desmon, Faris. Gusto mo bang maparusahan dahil sa pagsuway sa kanyang ipinag-uutos?" sabi naman ng pangatlong lalaki na seryoso rin ang mukha.

Desmon, sambit ko sa pangalan ng lalaki. Hindi ko napigilan ang aking sarili na titigan siya. Matangkad at maganda ang pangangatawan niya. Halatado na batak ang katawan niya sa exercise. Makinis ang balat niya na bahagyang namumula dahil sa pagbibilad sa araw. Matangos ang ilong at mapupula ang mga labi niyang nakatikom. Ang panghuli kong napansin ay ang kanyang mga mata na kulay golden brown. Pamilyar sa akin ang mga mata niya ngunit hindi ko maalala kung saan ko nakita ang mga matang kagaya niya. Hindi maikakailang guwapo siya sa kabila ng pagiging seryoso ng kanyang mukha. Saglit na nagtama ang aming paningin bago mabilis siyang tumalikod sa amin at naglakad palayo. Agad namang sumunod sa kanya ang dalawang lalaki na kasama niya. Hindi ko maintindihan kung bakit kakaiba ang pakiramdam ko sa kanya. Parang hindi siya isang ordinaryong tao. Ang seryoso niyang anyo ay tila ba nagtatago ng kung anong hiwaga.

KASALUKUYAN akong nasa loob ng silid ni Julie na pansamantalang naging silid ko magmula nang sa bahay na nila ako tumira. Nakaupo ako ng pa-indian sit at nagko-concentrate dahil sinusubukan kong kontrolin ang dalawang baso ng tubig na nasa aking harapan. Naisip kong unahing aralin ang pag-kontrol ng mga bagay gamit lamang ang aking kamay.

May maliit na baston ang mga witch na katulad namin na ginagamit sa pagma-magic ngunit kung malakas ang aking konsentrasyon ay hindi ko na kailangang gamitin pa iyon. Saka wala rin naman akong baston dahil kasama na iyong natupok ng bahay namin. Kasalukuyang inaangat ko ang tubig mula sa baso gamit ang aking dalawang daliri nang makarinig ako ng tila komosyon sa labas. Agad kong inihinto ang aking ginagawa at nagmamadaling lumabas ng silid para alamin kung ano ang nangyayari.

"Ano ang nangyayari, Julie? Bakit tila nagpapanic ang mga tao?" tanong ko sa aking kaibigan nang makita kong nagtatakbuhan ang mga tao na tila ba takot na takot.

"Sinasalakay ng mga taong-lobo ang barangay natin, Savina. Pinapatay nila ang bawat taong makita nila!" hinatakot na wika ni Julie. "Mukhang ikaw yata ang sadya nila rito, Savina. Ang mabuti pa ay tumakas ka na bago ka pa nila mahuli."

Umiling ako sa kanya. Hindi ko sila iiwan. Walang puso ang mga taong-lobo at nag-aalala ako na baka kung ano ang gawin nila sa pamilya ni Julie. Ayokong mangyari sa pamilya niya ang ginawa ng mga taong-lobo sa aking pamilya. Ngunit hindi pa man ako nakakapagsalita para kontrahin ang sinabi ni Julie ay bigla na lamang dumating sa harapan namin ang lalaking nakasalubong namin sa loob ng gubat noong isang araw.

Desmon! sambit ko sa aking isip. Ibang-iba ang hitsura niya ngayon kaysa noong unang beses ko siyang nakita. Mas matapang ang mukha niya ngayon kaysa noong una kaming magkita na kalmado lamang siya. Tama ang aking hinala na hindi siya isang normal na tao. At kaya pala pamilyar sa akin ang kanyang mga mata dahil isa pala siyang taong-lobo. Isa siya sa mga kinamumuhian kong nilalang.

"Kung ayaw mong masaktan ang kaibigan mo ay sumama ka na lamang ng maayos sa akin, Savina," malamig ang boses na kausap niya sa akin.

"Walang puso! Papatayin—" Hindi ko natapos ang aking sasabihin dahil bigla na lamang niya akong hinila palapit sa kanya gamit ang kanyang latigo. Pagkatapos ay pinalo ng kamay niya ang likuran ng aking leeg kaya bigla na lamang nagdilim ang aking paningin at tuluyang lumungayngay ang aking ulo.

Kaugnay na kabanata

  • Slave By The Ruthless Alpha   Chapter 3

    Savina's PovAgad akong napabalikwas ng bangon nang pagbalikan ako ng aking malay. Mabilis na pumasok sa aking alaala ang mga nangyari bago ako nawalan ng malay. Sinalakay ng mga taong-lobo sa pangunguna ni Desmon ang village na tinitirahan ng kaibigan kong si Julie. Walang awang pinagpapapatay nila ang mga taong makita at makasalubong nila. Like father like son. Katulad din siya ng kanyang ama. Malupit at walang puso."Ang sarap ng tulog mo, Savina. Ang tagal mo kasing nagising. Kanina pa ako nakaupo rito at hinihintay kang magising ngunit ngayon ka lang gumising," kausap sa akin ng pamilyar na boses. Nilingon ko ang lalaking nagsalita at nakita kong nakaupo si Desmon sa gilid ng kama sa may ulunan. Hindi ko napansin na may tao pala sa aking tabi. Mali ako. Dahil hindi pala tao kundi hayop pala ang nasa tabi ko. Dahil maliban sa isa siyang taong-lobo ay asal hayop din ang kanyang pag-uugali.Nagmamadali akong tumayo para lumabas sa silid na aking kinaroroonan ngunit mabilis akong na

    Huling Na-update : 2022-12-10
  • Slave By The Ruthless Alpha   Chapter 4

    Savina's PovPagkatapos kong makatakas sa kuwarto na pinagdalhan sa akin ni Alpha Desmond ay hinanap ko saan nito ikinulong ang kaibigan kong si Julie kasama ang pamilya niya. Hindi ko mapapatawad ang aking sarili kapag may masamang mangyari sa kanila. Dahil sa akin ay nalagay sa panganib ang buhay nila kaya nararapat lamang na iligtas ko sila at sama-sama kaming umalis sa lugar na ito na puno ng aking mga kaaway.Alpha Desmon. Ipinapangako kong babalikan kita at papatayin kasama ang ama mo, nagngingit ang kalooban na pangako ko sa aking sarili. Ngunit bigla akong natigilan nang may pumasok sa aking isip. Kung si Desmon na ang alpha ngayon ay nasaan ang kanyang ama na siyang unang alpha bago ito? Bakit hindi ko yata narinig ang pangalan ng ama ni Desmon bilsbg alpha? Inagaw ba niya ang titulo ng kanyang ama? Sabagay, hindi na ako magtataka kung totoo ang aking naisip na inagaw ng anak ang trono ng kanyang ama dahil pare-pareho lamang silang masasama. At sa aking mga mata ay lahat ng

    Huling Na-update : 2022-12-10
  • Slave By The Ruthless Alpha   Chapter 5

    Savina's PovHindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi sa biglang pagdating ni Desmon. Isa siya sa kinamumuhian kong nilalang sa mundo ngunit mukhang siya pa ang magiging tagapagligtas ko ngayon laban sa isa pang nilalang na hindi ko gusto."Sinabi na nga ng babaeng ito na alipin ko siya pero gusto mo pa rin siyang patayin. Minamaliit mo ba ang kakayahan ko bilang alpha ng Golden Wolf clan?" kalmado ang boses na tanong ni Desmon sa kalabang miyembro ng ibang wolf clan. Bagama't kalmado ang kanyang boses habang nagsasalita ay halatado naman sa mukha ang panganib na dala nito."Hindi ko kailangan ang tulong mo," mariin ang boses na sabi ko kay Desmon. Hindi ko kasi matanggap na siya pa ang magiging tagapagligtas ko ngayon."Talaga? Kung hindi nga ako dumating ay mukhang papalahaw ka na ng iyak diyan sa kinatatayuan mo," nanunudyo ang boses na sagot niya sa akin. Pagkatapos ay hinawakan niya ako sa braso at hinila papunta sa kanyang likuran. "Hindi kita tinutulungan dahil nangangailanga

    Huling Na-update : 2022-12-12
  • Slave By The Ruthless Alpha   Chapter 6

    Savina's PovPabagsak na ibinaba ako ni Desmon sa ibabaw ng kama nang makabalik na kami sa kanyang mansion. Lalo lamang naragdagan ang galit ko sa kanya. Wala man lang pag-iingat. Ni hindi man lang niya inisip na nasaktan ako nang ibinaba niya ako na para bang nagbaba lamang siya ng isang sakong bigas na nasa balikat niya. Sabagay, ano naman ang aasahan ko sa katulad niyang ruthless. "Pakawalan mo ako, Desmon! Ayoko rito kaya puwede bng hayaan mo na akong umalis?" nilagyan ko ng pakiusap ang aking tono. Kahit alam ko nang hindi niya ako pakikinggan ay ginawa ko pa rin."Pakakawalan lamang kita kapag patay na ako. Kaya kung gusto mong makaalis sa poder ko ay magpalakas ka, Savina. Magpalakas ka at para makaya mo na akong patayin nang sa gayon ay makaalis ka na rito," kausap niya sa akin sa seryosong mukha.Lihim na lamang na naikuyom ko ang aking mga kamao. Matigas talaga ang puso ni Desmon. Kahit anong gawin kong pagmamakaawa sa kanya ay hindi niya ako pakakawalan. Ngunit may point a

    Huling Na-update : 2022-12-12
  • Slave By The Ruthless Alpha   Chapter 7

    Savina's PovPumasok sa loob ng silid ang babaeng lobo na tinakasan ko kahapon na Moira ng pangalan. Matalim ang kanyang mga titig at kung nakakasugat lamang ito ay tiyak na sugat-sugat na ngayon ang buo kong katawan."Kahit anong gawin mo ay hindi ka makakatakas kay Alpha Desmon," kausap sa akin ni Moira. Hindi ko sinagot ang kanyang sinabi. Salita siya ng salita ngunit nananatiling tikom pa rin ang bibig ko. Sa inis ni Moira ay itinapon niya sa mukha ko ang damit na isusuot ko bilang alipin. "Bingi ka ba o bigla kang naging pipi dahil hindi mo matanggap na hindi ka nakatakas dito?"Saka ko lamang pinansin si Moira nang marinig ko ang huling sinabi niya. "Obvious naman na hindi mo gusto na narito ako, Moira. Kaya bakit hindi mo na lang ako tulungan na makatakas dito? Nng sa gayon ay hindi mo na makita ang pagmumukha ko?" pangungumbinsi ko sa kanya. At sana ay makumbinsi ko siya. Ayaw niyang narito ako at ayoko rin namang narito ako kaya dapat ay magtulungan na lamang kami."Ibig mong

    Huling Na-update : 2022-12-12
  • Slave By The Ruthless Alpha   Chapter 8

    Savina's PovDala ang ilang piraso ng niluto kong bacon at ham na half-cook lamang ang pagkakaluto ay nakasimangot na nagtungo ako sa silid ni Alpha Desmon. Mabuti na lamang nasa first floor ang kanyang silid dahil kung nagkataong nasa itaas ay tiyak na mahihirapan akong magbuhat at mag-akyat ng tubig papunta sa kanyang banyo. May generator naman ang bahay niya dahil hindi kayang maabot ng supply ng kuryente ang lugar na ito ngunit bakit hindi na lang din ginamitan ng makina para nagkaroon sila ng gripo nang sa gayon ay hindi na mahihirapan ang mga alipin sa pagsalok ng tubig. Hindi kaya biro ang paulit-ulit na magsalok at magbuhat ng tubig mula sa ilog hanggang dito sa mansion. Kailangan ng matinding lakas at stamina para magawa ang trabahong iyon. Mabuti sana kung sobrang lapit lamang ng ilog ang kaso malayo. Ang laki ng mansion na ito ngunit walang gripo.Nang makarating ako sa tapat ng silid ni Alpha Desmon ay malakas na kumatok ako sa pintuan."Come in," pagalit na sagot nito mul

    Huling Na-update : 2022-12-12
  • Slave By The Ruthless Alpha   Chapter 9

    Savina's PovKahit nasa harapan ako ng puntod ng ama ni Desmon na dating alpha ng Golden Wolf clan ay hindi pa rin ako lubusang makapaniwala na wala na nga siya. Ano ang silbi ng kanyang paghihiganti kung hindi niya makikita at mararamdaman ang sakit na naramdaman ko nang mawala ang mga mahal ko sa buhay?"Ano pa ang hinihintay mo, Savina? Hukayin mo ang puntod ng ama ko at gawin mo kung ano ang gusto mong gawin sa kanyang mga buto para makaganti ka sa ginawa niya sa pamilya mo," mariin ang boses na wika ni Desmon sa akin. Ngunit hindi ako kumilos at nanatili lamang akong nakatingid sa puntod ng ama niya. "Ano pa ang hinihintay mo, Savina? Gawin mo na kung ano ang gusto mo?" sigaw ni Desmon nang hindi pa rin ako tumitinag sa kinatatayuan ko.Masama ang tingin na sinulyapan ko si Desmon. "Hindi ako masama katulad ninyo. Hindi man ako makapaghiganti sa kanya ay natitiyak ko na nabubuhay pa ang iba pa niyang mga kasama na lumusob sa tahanan namin.""So ano? Hindi mo na ako paghihigantiha

    Huling Na-update : 2022-12-12
  • Slave By The Ruthless Alpha   Chapter 10

    Dorco's Pov"Ano? May pinatay si Desmon na miyembro ng ating pack?" nanlilisik sa galit ang mga mata na tanong ko kay Arkin na aking kanang kamay. Si Desmon ay ang bagong alpha ng Golden Wolf clan at mortal na kaasay ng aming Silver Wolf clan. Gusto ko siyang patayin para ako na ang mamuno sa kanyang pack. Ako na ang magiging pinakamalakas at makapangyarihang alpha ng aming lahi."Opo, Alpha Dorco. Hindi sinasadyang nakita namin sa kagubatan ang katawan ni Allou na pinag-aagawan ng mga hayop. Nang suriin namin ang katawan niya ay natuklasan namin na wala na siyang puso. Dinukot ang kanyang puso at alam naman natin kung sino lamang ang nilalang na may kakayahang gumawa ng ganoong kalupit na pagpatay. Tanging si Alpha Desmon lamang ay nakakagawa niyon," paliwanag sa akin ni Arkin.Sa tindi ng galit ko ay itinapon ko ang mesang nasa harapan ko. Wala akong pakialam sa pinatay ni Desmon na miyembro ng aking pack dahil kinaiinisan ko rin namam si Alloy na anak ng aking beta. Palagi niya ako

    Huling Na-update : 2022-12-12

Pinakabagong kabanata

  • Slave By The Ruthless Alpha   Chapter 67 - WAKAS

    Savina PovPinuntahan ko si Desmon sa bahay niya. Kailangan naming magkaliwanagan. Umalis ako sa bahay nng hindi nalalaman ni Uncle Lucho. Alam ko kasi na hindi niya ako papayagan na makipagkitang muli kay Desmon kaya hindi na ako nagpaalam pa sa kanya. Hindi ako matatahimik hangga't hindi ko naririnig ang paliwanag ni Desmon. Kaya pagkatapos ng ilang araw kong pag-iisip ay nakahanda na akong harapin siya.Nang lumitaw ako sa loob ng bakuran ni Desmon ay walang nakapansin sa akin maski isa sa kanyang mga alipin. Palapit pa lamang ako sa pintuan ng bahay niya ay naririnig ko na mula sa labas ang boses ni Allana at nasisiguro ko na si Desmon ang kanyang kausap. Maingat akong lumapit sa may pintuan at idinikit ang aking tainga para mas marinig ko ang kanilang pinag-uusapan."Natitiyak kong alam na ni Savina ang lahat, Desmon. Alam na niya na nagpapanggap ka lamang na nagkaroon ng amnesia at nakalimutan mo siya. Alam na niya na binilog mo lamang ang ulo niya at pinaniwalang hindi ang ama

  • Slave By The Ruthless Alpha   Chapter 66

    Savina POVAgad kong inilabas sa loob ng kuweba si Uncle Lucho at dinala sa isang ligtas na lugar. Hindi kami masusundan ng kahit sino sa grupo ni Desmon maging grupo ni Allana. Ilqng araw nang gulong-gulo ang aking isipan matapos kong marinig ang mga sinabi sa akin ni Uncle Lucho. Wala akong lakas ng loob na harapin si Desmon at kausapin tungkol sa bagay na natuklasan ko. Natatakot akong marinig sa kanya ang pag-amin niya na totoo ang mga sinabi ni Uncle Lucho. Natatakot din ako na kapag sinabi niya na hindi totoo ang mga sinabi ng uncle ko ay baka maniwala ako sa kanya kahit na nagdudumilat ang katotohanan na talagang niloko lamang niya ako. Hangga't hindi ko pa kayang harapin siya ay hindi na muna ako magpapakita sa kanya. Hindi naman niya ako matatagpuan dahil kusang naalis sa aking kamay ang bracelet na inilagay niya. Naalis ito noong bumalik ang aking kapangyarihan ngunit hindi ko na lamang iyon ipinaalam sa kanya."Ano ang ginagawa mo rito sa dilim, Savina? Malalim na ang gabi

  • Slave By The Ruthless Alpha   Chapter 65

    Savina PovHinahanap ko si Desmon ngunit hindi ko siya makita. I wonder kung ano ang ginagawa niya ngayon at kung nasaan siya. Noong isang araw ay nabanggit ko sa kanya ang tungkol sa pagpapalaya niya sa mga witch na bihag nila. Ang sabi niya sa akin ay palalayain niya agad ang mga bihag.Habang naglalakad ako sa gubat ay hindi sinasadyang may nakita akong kuweba. Hindi ko alam kumg kulungan ba ang kuwebang iyon o hindi. Pero baka hindi kasi wala namang bantay sa labas ng kuweba. Akmang tatalikod na ako para umalis sa lugar na iyon nang bigla akong natigilan at saka lumingon sa kuweba. Para bang may enerhiya na pumipigil sa aking mga paa para humakbang palayo. Tila rin may nag-uudyok sa akin na maglakad papunta sa kuweba at pumasom. Hindi ko alam kung ano ng meron aa kuwebang iyon at hinihila niya ako papasok sa loob. Nagkibit na lamang ako ng balita. Wala namang masama kung papasok ako sa loob ng kuweba na iyan. Kung may panganib man sa loob ay hindi ako natatakot lalo pa ngayon na n

  • Slave By The Ruthless Alpha   Chapter 64

    Savina PovPaggising ko sa umaga ay wala na sa aking tabi si Desmon. Agad na sumilay sa aking mga labi ang matamis na ngiti nang maalala ko ang nangyari sa amin kagabi. Walang pag-aalinlangan na ibinigay ko sa kanya ang aking buong pagkatao. Nakaramdam man ako ng saya ngayon ay hindi ko pa rin maiwasan ang makaramdam din ng lungkot nang maisip ko si Donny. Tiyak na masasaktan siya kapag nalaman niyang nagkakaunawaan na kami ni Desmon. Ayoko mang saktan siya ngunit alam ko na hindi talaga maiiwasan ng masaktan siya. "Good morning," nakangiting bati sa akin ni Desmon nang pumasok siysa sa aking silid. Nilapitan niya ako at hinalikan sa aking noo. "Kumusta ang pakiramdam mo?""Okay lang kahit na pinagod mo ako kagabi," sagot ko sa kanya na may kasamang pilyang ngiti. Kinabig niya ako at binigyan ng isang malalim na halik."I'm sorry kung napagod kita kagabi. And I'm sorry ulit dahil muli kitang papagurin ngayon," sagot ni Desmon pagkatapos ay muli niyang inangkin ang aking mga labi. Bu

  • Slave By The Ruthless Alpha   Chapter 63

    Allana Pov"Aahhh!!!" lahat ng mga bagay na makita ko sa aking paligid ay dinadampot ko at ibinabato sa dingding. Gusto kong ilabas ang galit na aking nararamdaman. Gusto kong pumatay ng tao. At ang taong iyon ay walang iba kundi si Savina. Para tuluyan na siyang mawala sa landas ko at lalong-lalo na sa landas ni Desmon.Pinuntahan ko kanina sa bahay niya si Desmon para pag-usapan namin kung ano ang balak niyang gawin sa pack ng natalo naming kalaban na si Alpha Dorco. Sumuko ang mga kawal niya nang matapos mapatay ni Desmon ang kanilang alpha. Malaki nga ang panghihinayang ko kung bakit hindi pa tuluyang napaslang ni Alpha Dorco si Savina. Pagdating ko sa bahay niya ay sinabi sa akin ni Marsha na nasa loob ng silid ni Savina si Desmon. Palagi raw itong nasa loob ng babaeng iyon at hinihintay na magkamalay ito.Para mailigtas ni Desmon ang buhay ng witch na iyon ay sinalinan niya ito ng kanyang dugo. Mahigpit kong tinutulan ang gustong mangyari ni Desmon ngunit sa huli ay wala pa rin

  • Slave By The Ruthless Alpha   Chapter 62

    Savina PovNasa isang lugar ako na tanging kadiliman lamang ang aking nakikita. Hindi ko tuloy alam kong napikit ba ako o nakadilat ang aking mga mata. Sobrang dilim at tahimik ng paligid. Nakakatakot. Naalala ko ang nangyari sa akin kaya naisip ko na ito na yata ang hantungan ng mga namatay na. Pero ayoko ritong mag-isa. "Ama? Ina? Juni?" malakas na tawag ko sa aking mga magulang at nag-iisang kapatid. Patay na sila kaya dapat nandito sila ngayon at sinasalubong ako. Pero bakit wala sila? Bakit hindi ko sila makita? "Ina! Ama! Juni! Nasaan kayo?" muli kong tawag sa kanila. Ngunit gaano man kalakas ang boses ko sa pagtawag sa kanilang pangalan ay wala pa ring sumasagot sa akin. Kahit na hindi ko nakikita ang aking paligid ay nagpasya akong maglakad at baka makakita ako ng liwanag sa ibang dako."Savina..."Biglang nanlaki ang aking mga mata nang marinig ko ang boses na iyon na pinanabikan kong marinig. Kahit matagal na siyang patay ay hindi ko pa rin nakakalimutan ang kanyang tinig.

  • Slave By The Ruthless Alpha   Chapter 61

    Savina PovDinala ako ng lalaking nakahawak sa akin sa harapan nina Desmon at alpha ng Silver wolf pack na si Dorco. Parehong natigilan silang dalawa nang makita ako ngunit mabilis na nakabawi si Dorco at tumawa ng malakas."Nagkita tayong muli, Savina. At masaya ako na makita kang muli," nakangising kausap sa akin ni Alpha Dorco. Kinuha niya ako mula sa lalaking may hawak sa akin at iniharap kay Desmon na sobrang dilim ang mukha dahil sa galit."Ano ang ginagawa mo sa lugar na ito, Savina?" galit na tanong naman sa akin ni Desmon. Alam kong sa akin siya nagagalit dahil sinuway ko ang kanyang ipinag-uutos. Tiyak na parurusahan niya ako. Iyan ay kung makakaligtas ako ngayon sa mga kamay ni Alpha Dorco."Savina!" tawag sa akin ni Donny na biglang dumating na humahangos pa."Ikaw ang nagdala kay Savina sa lugar na ito?" mapanganib na tanong ni Desmon sa kanyang kapatid habang nakakuyom ang mga kamao."Wala siyang kasalanan, Desmon. Ako lamang ang nagtungo rito nang malaman kong nakikipag

  • Slave By The Ruthless Alpha   Chapter 60

    Savina PovMagmula nang hinalikan ako ni Desmon ay hindi ko pa siya muling nakakausap. Nakikita ko naman siya ngunit hindi niya ako kinakausap. Hindi ko alam kung iniiwasan ba niya ako o talagang ayaw lamang niya akong kausapin. Gustuhin ko siyang kausapin ngunit nahihiya akong gawin iyon. Baka kasi isipin niya na cheap akong babae. Galit-galitan ako tapos bibigay din pala ako sa kanyang mga halik."Hoy! Ano ang ginagawa mo ritong mag-isa, Savina?" panggugulat sa akin ni Edan, isa sa mga babaeng alipin na Desmon na naging kaibigan ko. Sa lahat ng mga alipin niya ay tanging si Edan lamang ang hindi nagpakita ng masamang ugali sa akin kahit na isa rin naman siyang taong lobo."Wala lang. Nagpapahangin lamang ako," sagot ko sa kanya sabay kibit ng aking mga balikat."Alam mo ba na may nangyayaring labanan ngayon ng dalawang pack ng mga taong lobo?" biglang tanong niya sa akin. Na-curious tuloy ako kung anong pack ang naglalaban. Napakatahimik at payapa ng gabi kaya hindi ko akalain na ma

  • Slave By The Ruthless Alpha   Chapter 59

    Savina PovNagpatuloy akong hanapin ang silid ni Allana ngunit ilang silid na ang aking pinasok ay hindi ko pa rin natatagpuan ang silid niya. Napakaraming silid sa bahay niya at mukhang hindi ko mahahanap ito bago pa siya bumalik kaya nagdesisyon akong umalis na lamang. Ngunit babalik ako kapag magkaroon ulit ako ng pagkakataon. Akmang tatalikod na sana ako nang umagaw sa aking atensiyon ang isang silid na nasa ikaapat na hanay mula sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung anong mayroon sa silid na iyon ngunit tila ba biglang hinatak ng kung anong enerhiya ang aking mga mata patungo sa silid na iyon. Hindi kaya iyan ang silid ni Allana? Dahan-dahan akong naglakad palapit sa pintuan ng silid. Hinawakan ko ang door knob at maingat na pinihit. Akmang itututulak ko na ang pintuan nang biglang may babaeng nagsalita sa aking likuran."Sino ka? Ano ang ginagawa mo rito? Ang lakas ng loob mong pagtangkaang pasukin ang aking silid," mapanganib ang tono na tanong sa akin ni Allana na siya palan

DMCA.com Protection Status