“Angeline Severe, kung ito ay dati, hindi kami maglalakas-loob na hamunin ka, pero ngayon, ang Swallow City ay nabibilang na sa Pamilya Titus. Kung gagalitin mo ang Pamilya Titus at hindi ka namin tuturuan ng leksyon, para saan pa ang reputasyon na mayroon ang Pamilya Titus sa mundong ito?”Isang lalaki na mayroong suit at itsura na puno ng galit ang tumulak sa ibang mga bodyguard at naglakad patungo kay Angeline. Tinanggal niya ang kaniyang sunglasses at tumingin kay Angeline nang may malaswang ekspresyon.Pagalit na nagsalita si Angeline, “Tumigil ka nga sa kalokohan mo. Labanan niyo ako kung gusto niyo. Kapag natalo kayo, alisin niyo ang mga kotse niyo. Ang gate ng eskwela ay isang lugar kung saan mahalaga ang kaligtasan. Kahit ang Pamilya Ares ng Imperial Capital ay hindi maglalakas-loob na maging ganito kayabang, paano pa kaya ang Pamilya Titus.”“Alam kong nilabag namin ang patakaran ng trapiko, pero masunurin naman naming babayaran ‘yon. Ang Pamilya Titus ay mabubuti at masunuri
Si Angeline ay natuliro.Hindi niya alam kung ano ang mga talento ng taong ito, pero ang kaniyang bilis ay tila parang kidlat. Iyon ay parang isang pambihirang talento.Tumingin is Angeline kay Robbie na nasa tabi. Ang kaniyang Baby Robbie ay mayroon tinding matinding bilis. Sino’ng nakakaalam na kapag lumaki si Robbie, magiging tulad din niya ang lalaking nasa harap niya? Mukhang mahinhin at maamo sa labas ngunit parang isang leopard sa loob.Sinipa ni Cole ang mga guwardiya na nakahiga sa lupa at binalaan sila, sinasabing, “Bumalik kayo at sabihin niyo sa mga Titus na ang Pamilya Severe ng Swallow City ay nasa ilalim ng proteksyon ko. Kung maglalakas-loob ulit kayo na bastusin ang Pamilya Severe sa susunod, samsamin niyo na ang natitira niyong mga sandali. At saka, kapag kayong mayayabang ay naglakas-loob na tumingin ulit sa babae ko, tatanggalin ko ‘yang mga mata niyo.”Pagkatapos ng leksyon, ngumiti si Cole at tumingin sa nalilitong si Angeline. “Ayos ka lang ba?”Hindi pa rin nagi
Ninais na tumawa ni Cole. Mayabang talaga ang tingin sa kaniya ng babaeng ito.“Ako ang magiging asawa mo, hindi isang taga-labas. May obligasyon akong protektahan ka,” sabi ni Cole.Inirapan siya ni Angeline. Kung sinabi ni Cole ang kalokohan na ‘to noong nakaraan, baka namula na sa galit si Angeline at kinontra siya.Gayunpaman, alam ni Cole na siya ay nagkamali ngunit hindi pa rin tinama ang kaniyang mga salita, at sa paglipas ng oras, si Angeline ay naging manhid na. Masyado siyang tinatamad para itama ang mga salita ni Cole.Wala namang nangyayari sa kabila ng pagtama niya nang maraming beses kay Cole.Ang inaasahan lamang niya ang umalis si Cole sa lalong madaling panahon.Naalala niya na minsang sinabi ni Cole na pumunta siya sa Imperial Capital para may gawin at pagkatapos no’n, siya ay aalis na.“Oo nga pala, tapos ka na ba sa gagawin mo?” Tanong ni Angeline habang may tinatagong masamang intensyon.Nanlisik ang mga mata ni Cole. Bihira lang na makita siyang nagpapakita ng gan
Nararamdaman na ni Grayson ang papalapit na pagbabago ng langit ng Imperial Capital.Ang bata na nakatayo kung saan matindi ang hangin at alon… Ang malakas na batang nalalagpasan ang lahat ng paghihirap ay nagbabalik.Nooong tatalikod na si Grayson at aalis, bigla siyang pinigilan ni Jay. “Sandali lang.”Tumalikod muli si Grayson at tumingin sa kaniya.Sinabi ni Jay, “Ipadala mo ang impormasyon na nakolekta natin kay Angeline. Hayaan mo siyang pangalagaan ang trabaho ng pagpaparusa sa Pamilya Titus.”Tumigil siya nang sandali, at pagkatapos ay sinabi nang seryoso, “Matutuwa siguro siyang maghiganti para sa Pamilya Severe. At saka, ang kaniyang madrasta at ama ay hindi na maglalakas-loob na maliitin siya.”Si Grayson ay bahagyang nabigla. Talagang maraming ginagawa si President Ares para alagaan si Binibining Angeline. Hindi lamang niya ninanais na ngumiti ang missus, ngunit gusto rin niyang ipaglaban ni Binibining Angeline ang kaniyang posisyon.Sumagot si Grayson, “Opo. Ginoong Ares.”
Nag-tilt nang bahagya ang ulo ni Angeline at binulong kay Cole, “Ito ang masama kong madrasta. Pwede mo ba akong tulungan na pababain ang kayabangan niya?”Ngumiti si Cole na parang isang malamig na hangin. “Ikinagagalak kong tumulong.”Sinuri ni Anne nang matagal si Cole, at mayroong bakas ng pagdududa sa kanyang mga mata. “Hoy, Missy, sino ang ginoo na ito?”Tumingin si Angeline kay Cole, ang kaniyang boses ay mahina. “Mas maganda kung ikaw na ang magsasabi.”Si Angeline ay naniniwala na ang mayabang na bibig ni Cole ay kayang patahimik si Anne.Lumakid si Cole kay Anne sa isang maginoong paraan at pinakilala ang kaniyang sarili, “Hello, ang pangalan ko ay Cole Yorks. Ako ang bagong kasintahan ni Angeline. Ikaw si?”Ang mukha ni Anne ay bahagyang pumangit. Dahil sa kaniyang pagkakakilanlan, kahit kahanga-hanga pa siya sa labas, hindi niya magagawang tumingala sa bahay na ito.Siya ay isang kahiya-hiyang kabit.“Anne Connors,” hindi niya sinabi ang kaniyang pagkakakilanlan at sinabi l
Gayunpaman, walang kahirap-hirap na namigay si Cole ng isang daang bilyong dolyar. Ito ay isang Diyos kumpara kay Jay Ares!Siyempre, hindi ito tatanggapin ni Lady Severe. “Ginoong Yorks, iisa lamang ang anak kong babae, kaya ang kaniyang kasal ay isang mahalagang bagay. Ang kaniyang desisyon lamang ang ginagalang ko. Kung gusto mong pakasalan ang anak ko, basta’t gusto ka rin niya at pumapayag pa pakasalan ka, wala akong tutol doon. Wala akong interes sa pera na ito.”Ang pagkagusto ni Cole kay Lady Severe ay unti-unting tumitindi.Sa lipunan na puno ng kasikatan at kayamanan, ang isang babae na walang pakialam sa kasikatan at kayamanan tulad ni Lady Severe ay mahirap makita. Walang duda na siya ang nagpalaki kay Angeline na isang babae na walang pakialam sa pera.Akala ni Angeline ay umaarte lamang sila, kaya lumapit siya, kinuha ang card, at nakangiting sinabi, “Ina, tanggapin mo na. Simbolo ‘yan ng pagpapasalamat niya.”Umiling si Lady Severe at tinulak ang card kay Angeline. “Ikaw
Sinabi ni Cole, “Madali bawiin ang ama mo, basta’t maglalaho ang madrasta mo sa mundong ‘to.”Hindi alam ni Angeline kung matatawa ba siya o maiiyak. “Gusto ko talagang buksan ‘yang bungo mo at tingnan kung ano ang laman. Maliban sa pagnanais mong maglaho ang ibang tao sa mundong ito, wala ka bang ibang solusyon?”Nahihiyang hinimas ni Cole ang kaniyang ilong at ngumiti nang walang sinasabi.Ang taong nakatayo sa harap ni Angeline ay ang batas na kumokontrol sa buhay ng iba, ngunit siya ay hindi naniniwala!Tumingin si Shirley kina Angeline at Cole, ang kaniyang ngiti ay bahagyang may tinatago.Napansin na nagkaroon ng maling akala si Shirley sa relasyon nila ni Cole, tinuro ni Angeline ang pinto gamit ang kaniyang baba. “Pwede ka nang umalis.”Tinikom ni Cole ang manipis niyang mga labi, isang nasaktan na ekspresyon ang lumitaw sa gwapo niyang mukha. “Sinusunog mo ang tulay pagkatapos mong tumawid sa lawa. Sa tuwing tapos ka na sa paggamit ng iba, nagiging masama ka ulit at tumatanggi
Napabuntong-hininga si Angeline. Kaya pala ayaw siyang pakawalan ni Zayne.Nakangiting tumango si Angeline. “Sige.”Para sa tanghalian, ang mesa ay napuno ng masasarap na mga pagkain na gawa ni Angeline habang si Shirley ay ang kaniyang assistant.Pagkatapos imbitahan ni Angeline ang kaniyang lolo, ina, at si Cole na umupo, umupo na rin sila ni Shirley upang kumain.Kinuha ni Cole ang chopsticks at masigasig na nagtanong, “Angeline, aling pagkain ang niluto mo?”Niloko siya ni Angeline at binigyan siya ng isang piraso ng mamantikang baboy. “Ito, kainin mo.”Noong una ay inakala niya na ang lalaking ito na may magandang katawan na maikukumpara sa isang supermodel ay nagbibigay-pansin sa kaniyang mga kinakain, kaya dapat ay aayawan ni Cole ang ganitong pagkain.Sino’ng nag-akala na sisimulan ni Cole ang pagkain nito nang walang iniisip. “Tumutunaw sa bibig at nag-iiwan ng bango sa bibig. Angeline, hindi ko naisip na ang kakayahan mo sa pagluluto ay magiging ganito. Gusto ng nanay ko sa i
Sinadya ni Angeline na patunugin ang posas, ngunit hindi siya narinig ng matandang babae. Nakatuon lamang ito sa pagkuha ng kaniyang pulso.Napagtanto ni Angeline na ang doktor na ito ay kumakampi sa mas masamang panig. Siya ay isang doktor na walang moralidad.Pagkatapos ay bigla siyang naging walang galang sa matandang babae. Sinadya niyang pahirapan ang matanda. “Doc, hindi ba’t madalas nilang kinukuha ang pulso sa kanang kamay? Bakit mo ginagamit ang kaliwang kamay mo?”Wala talaga siyang alam tungkol sa medisina. Sinasadya lang niyang magreklamo.Tumingin sa kaniya ang doktor at ngumiti. “Ang mga mata ng babaeng ito ay maliwanag at puno ng enerhiya. Hindi naman mukhang may sakit siya sa utak.”Tumingin nang masama si Angeline kay Jay.Ang mukha ni Jay ay parang isang yelo. Tumingin naman nang masama si Angeline kay Finn na nakatayo sa isang gilid.Mukhang ang dalawang ito ay nagsinungaling sa matandang babae, sinasabi na siya ay may sakit sa utak. Kaya pala hindi nag-react ang mat
“Tumigil ka na sa pagpapanggap. Alam kong hindi ka na pwedeng mabuntis.” Nilantad ni Jay ang pagpapanggap ni Angeline.Nagulat na tumingin sa kaniya si Angeline. Biglang naalala ni Angeline noong siya ay kinawawa ng mag-amang Bell, ang kaniyang uterus ay napinsala at nawalan siya ng kakayahan na magkaroon pa ng anak.“Eh… Bakit ako nagsusuka?” Si Angeline ay nalito.Tumingin si Jay sa seryosong mga mata ni Angeline, at naramdaman niya ang pagsikip ng kaniyang dibdib.Hindi naman mukhang nagsisinungaling ang babaeng ito.Nagpadala siya ng mensahe kay Finn. ‘Papuntahin mo rito ang obstetrician-gynecologist.’Patuloy na nasusuka si Angeline. Ngayon, siya ay nakahiga na lamang sa kama. Ang kaniyang mukha ay payat at maputla.“May cancer ba ako?“Intestine cancer?“Stomach cancer?”Nagsimula siyang mag-overthink.“Hindi, bakit parang parehas ‘to ng nararamdaman ko noong pinagbubuntis ko sina Jenson?”…Napakunot ang kilay ni Jay bago siya tumalikod at umalis.Pagkatapos ng ilang sandali, pu
Si Jay ay nagalit. “Angeline, walang hiya ka talaga.”Nabaliw na si Jay. Kinuha niya ang braso ni Angeline at hinila siya patungo sa kabilang kwarto.Si Angeline ay nalilito. Si Jay ay nasa isang wheelchair. Paano niya nagawang magkaroon ng ganoon katinding aura?“Bitawan mo ako.” Nagpumiglas si Angeline sa hawak ni Jay. Sa sumunod na segundo, ang kaniyang mga kamay ay naipit sa dulo ng kama.Pagalit na tumingin sa kaniya si Jay. “Kaninong anak ‘yan?”Nakita ni Angeline ang pagkabaliw sa mga mata ni Jay. Bigla siyang natawa. “Ginoong Ares, ‘wag mong sabihin sa ‘kin na nag-aalala ka pa rin sa ‘kin. Ano’ng dapat kong gawin? Ang dami-daming pwedeng maging ama ng batang ‘to.”Ninais siyang sakalin ni Jay hanggang kamatayan. Gayunpaman, naalala niya na ang leeg ni Angeline ay sensitibo. Noong naisip niya kung paanong nagsusuka kanina si Angeline, lumambot ang kaniyang puso.Hindi niya kayang gawin iyon kay Angeline.Binawi niya ang kaniyang kamay. “Angeline, parang gusto mo atang maparusaha
Sinabi ni Angeline, “Ginoong Ares, maikli lang ang buhay at kailangan mong maging mabuti sa anumang oras. Ayaw ko nang magpanggap pa para sa mga bata.”Kapag mas bumibitaw si Angeline, mas nababaliw si Jay.Bigla niyang nilapitan si Angeline nang may agresibong itsura sa kaniyang mukha. Ang malaki niyang kamay ay humawak sa lalamunan ni Angeline. “Kung gusto mo talagang maging malaya, magpakamatay ka na lang.”Ang kamay ni Jay ay nasa leeg ni Angeline, nagsasanhi sa babae na makaramdam ng pagkahilo. Pagkatapos no’n, hindi na niya ito matiis pa. Nasuka siya sa puting damit ni Jay.Tumingin si Angeline sa dumi sa kwelyo ni Jay at napagtanto na siya ay nasa isang malaking gulo.Siya lang ang nakakaalam kung gaano ka-obsessed si Jay sa kalinisan.“Angeline Severe, ang kapal ng mukha mo?” Sigaw ni Jay.Noong nakita ni Angeline ang gulo, muli siyang nahilo.“Umalis ka sa harap ko!”Bago pa man makaalis si Jay, napasuka muli sa kaniya si Angeline.Ang itsura ni Jay ay para bang sumuko na siya
Tumingin si Angeline kay Jay na nasa sulok ng kwarto mula sa sulok ng kaniyang mga mata. Nakita niya ang walang emosyon na mga mata ni Jay at nagsimulang magrebelyo.Kung siya ay nakikisama sa ibang mga lalaki at wala pa ring pakialam si Jay, dapat na niyang tigilan ang lahat ng pantasya niya tungkol kay Jay.Mahinang tinanong ni Angeline si Gordon, “Alam mo ba kung paano humalik?”Tumingin si Gordon sa mapulang mga labi ni Angeline at nagkaroon ng pandidiri sa kaniyang mukha. “Binibini, hinihiling ko lang naman sa ‘yo na magpanggap na kasintahan ko. Hindi mo naman kailangang gawin ang lahat.”Sinabi ni Angeline. “Pekeng halik. Alam mo ba kung paano?”Napatingin si Gordon kung saan nakatingin si Angeline. “Para ba sa kaniya?”Tumango si Angeline.Napabuntong-hininga si Gordon sa ginhawa. “Sige.”Pagkatapos no’n, hinawakan nila ang isa’t isa. Ginamit ni Gordon ang kaniyang kamay upang takpan ang kaniyang mga labi, ngunit mula sa direksyon ni Jay, silang dalawa ay mukhang naghahalikan.B
Malamig na sinabi ni Jay, “Hindi mo kailangang mag-alala sa Grand Asia.”Walang maisagot na pambai si Sean kay Jay. Nababalisa niyang sinabi, “Sige, Master Ares, magsaya ka muna d’yan.” Pagkatapos no’n, naglakad siya palayo nang nalulugmok.Tumingin si Angeline kay Jay. Ang lalaking ito ay isang bisita, ngunit pinahiya niya ang host ng party. Nagawa pa rin niyang manatili at samsamin nang walang inaalala ang kaniyang wine.Hindi na ito matiis pa ni Angeline. Pinaalalahanan niya si Jay at sinabi, “Ginoong Ares, ‘wag mong kalimutan. Kailangan mong magtira ng dignidad para sa ibang tao para hindi nakakailang kapag nagkita ulit kayo sa susunod.”Tumingala si Jay upang tumingin kay Angeline. Mayroong bakas ng lungkot sa mga mata ni Angeline na hindi niya nagawang matago. Alam ni Jay na nag-aalala sa kaniya si Angeline.Sinabi ni Jay, “Hindi naman na kami magkikita sa susunod. Kaya, syempre, hindi ko kailangang magtira ng dignidad para sa kaniya.”Alam ni Angeline na hindi makatwiran si Jay.
Iyon ay isang party upang i-celebrate ang isang buwan ng pagkabuhay ng anak ni Sean.Naalala ni Angeline na si Sean ay isang dating kaibigan na nakipagtulungan sa kaniya dati. Walang dahilan para sa kaniya na hindi magbigay kay Sean ng regalo.Marahil ay pwede siyang makipagtulungan ulit kay Sean.Tulad ng kadalasan, pagkatapos magbihis ni Angeline, nagmaneho siya patungong Imperial Capital mula sa Swallow City.Ang party ng mga Bell ay nangyari sa isang five-star hotel.Noong pumasok si Angeline sa hall, agad niyang inakit ang atensyon ng lahat.Siya ay isang magandang babae, at nagpaganda pa siya para sa okasyon na ito.Siya ay may suot na backless lace dress na pinapakita ang perpekto niyang katawan. Mayroong dugo sa pula niyang “Ginoo.”Sa isang sulok, si Jay ay nakikipag-usap kay Sean noong biglan silang inistorbo ni Finn.Tumingin nang masama si Jay kay Finn. “Tumahimik ka nga.”Sinenyasan siya ni Finn gamit ang kaniyang mga mata upang sabihin sa kaniya na tumingin sa pintuan.T
Gumapang siya papalapit kay Jay at tinulungan ang lalaki sa kaniyang mga damit.Nakita ni Jay na ang mga kamay ni Angeline ay lubos na nanginginig. Halata naman na siya ay kinakabahan at natatakot.Agad na naglaho ang masamang binabalak niya kay Angeline. “Angeline, sa tingin mo ba ay dapat lang na ibenta ang katawan mo para sa kumpanya mo?”Si Angeline ay natuliro. Sinabi niya, “Wala nang pera ang kumpanya at higit pa sa isang daang mga empleyado ng Severe Enterprises ang mawawalan ng trabaho. At saka, wala akong pera para bayaran ang mga utang namain. Kapag nangyari ‘yon, kamatayan ko na lang ang makakapagbayad sa mga pagkakamali ko.”Biglang kinuha ni Jay ang braso ni Angeline. “Ano’ng sinabi mo?”Bayaran ang kaniyang mga pagkakamali gamit ang kaniyang kamatayan? Hindi siya nagpakahirap para kay Angeline para lang patayin niya ang kaniyang sarili.Matapang na tumingin si Angeline sa galit na mga mata ni Jay. “Ginoong Ares, ambisyoso ka at ayaw bigyan ang ibang mga kumpanya ng pagkak
Hindi siya nakakuha ng anumang resulta pagkatapos humingi ng tulong sa labas, kaya narito siya ngayon at bumalik kay Jay. Wala siyang ibang magagawa.Tulirong tumingin si Angeline kay Jay. Marahil ay mas nangingibabaw na ang itsura niya ngayon dahil siya ay lasing na.“Jay Ares, sabihin mo sa ‘kin. Ano ang dapat kong gawin para pagbigyan mo na ang Severe Enterprises?”“Ganito ka ba magmakaawa?” Haha, ang lakas naman ng loob ng babaeng ito na tawagin siya sa buo niyang pangalan? Sino ang nagbigay sa kaniya ng lakas ng loob na gawin ito?Umayos ng tindig si Angeline. Tumayo siya sa harap ni Jay na parang isang estudyante na may nagawang mali.Ganito siya tumayo sa tuwing may nagagawa siyang mali noong siya ay bata pa. Ngayon, siya ay nakatayo sa ganitong posisyon dahil lang sa nakasanayan.“Kung papayag ka na pakawalan ang Severe Enterprises, pwede mong kuhain ang buhay ko kung gusto mo.” Matigas na sabi ni Angeline.Nanigas ang mukha ni Jay. “Bakit ko kakailanganin ang buhay mo?”Gusto