Para lang pala sa mga bata ‘yon.Ang puso ni Angeline na nainitan ng araw kanina ay muling lumubog sa isang nagyeyelong lawa.“Ah, sige. Kung wala nang ibang sasabihin si Ginoong Ares, aalis na kami.” Bumalik sa pagiging malamig ang ekspresyon ni Angeline.“‘Wag mong ipaalam sa mga bata ang tungkol sa inyo ni Cole Yorks,” ang tono ni Jay ay may bakas ng pangingibabaw.Tumingin sa kaniya nang masama si Angeline. “Problema ko ‘yon, at walang pakialam doon si Ginoong Ares.”Kung ito ay dati, baka maghinala siya na ang lalaking ito ay nagseselos. Ngayon, alam na niya.Ang gwapong mukha ni Jay ay nagpakita ng bakas ng galit noong sabihin niya sa isang seryosong tono, “Kapag sinaktan niyo ni Cole ang mga bata, hindi kayo makakatakas sa ‘kin.”Natawa si Angeline. Ang mga bata lang palaging inaalala ni Jay.Tumalikod si Angeline at umalis.Ang gwapong mukha ni Jay na nagpapanggap na walang emosyon ay bahagyang nawarak sa likod ni Angeline.Bumaba si Angeline, ninanais na tumakas sa nakasasakal
Sina Old Master Severe at George ay mahigpit noong sila ay naging ama. Sila ay lubos na mahigpit sa kanilang mga anak. Ngunit noong nakita nila ang mga apo nila ngayon, tila ninais nilang lambingin ang mga ito. Sila ay nananabik nang ipakita ang paglalambing nila sa mga batang ito.“Kamukha ng mga lalaki ang kanilang daddy. Mabuti, mabuti,” paputi ng matandang lalaki.Si Zayne ay lubos na nagtataka. “Lolo, ano ba ang kinagwapo ni Jay, ang taong yelo na ‘yon? Ang magandang lahi ng ating Pamilya Severe ay wala na, kaya ano ang dapat ikasaya rito?”Sinabi ni George, “Basta’t katulad ni Zetty ang kaniyang ina.”Agad na napakunot si Zayne. “Oo, katulad nga niya ang ina niya. Isa ring iyakin.”Si George ay nagalit at pinagalitan si Zayne, “Sa tingin ko ay mas magagaling pa ang mga batang ‘to kaysa sa ‘yo sa kahit anong aspeto.”Hindi na naglakas-loob pang magsalita si Zayne.Si Old Master Severe ay nagbigay ng matinding pagpapahalaga sa edukasyon ng isang bata, kaya nagtanong siya nang maing
Pagalit na tumitig si Angeline kay Anne. Pwede silang insultuhin ni Anne, ngunit ang atake sa kaniyang ina ay hindi katanggap-tanggap.Lumapit siya kay Anne, inangat ang kaniyang kamay, at sinampal si Anne sa pisngi. “Kahit walang kwenta pa ang ina ko, at least ay normal ang pag-uugali na tinuro niya sa mga anak niya. ‘Di tulad mong may anak na naturuang magnakaw ng lalaki ng iba, ginagawang kabit ang isa habang karga-karga ang anak ng lalaking ‘yon.”Ang impormasyon na ito mula kay Angeline ay parang isang bomba. Sa isang iglap, ang lahat ng nasa silid ay nagulat.Ang mga mata ni Anne ay namula at sinabi niya nang pagalit, “Naintindihan ko na. Iniwan ka ni Young Master Ares at ngayon ay hindi malinaw ang pag-iisip mo. Kaya ngayon ay sinisiraan mo ang Sera ko.”Sinabi ni Angeline, “Hindi ko siya sinisiraan. Pwede mo siyang tawagan at magtanong. Walo o siyam na buwan ko na siyang hindi nakikita. Kung bibilangin ko, malamang ay manganganak na siya sa buwan na ‘to.”Si George ay nagulat s
“Angeline, ano’ng masasabi mo?”“Nagsisinungaling ‘yan,” sabi ni Angeline.“Ikaw ang nagsisinungaling.” Malamang ay mas pinili ni Anne na makinig sa sarili niyang anak.Narinig ni Sera ang pag-uusap ni Angeline at ng kaniyang ina, na nangangahulugan na hindi maganda ang nangyayari. Mabilis niyang pinatay ang phone.Dahil dito, si Anne ay ayaw magpatalo.“George, tingnan mo ‘yang mabait mong anak. Talagang sinisiraan niya ang Sera natin.”Si George ay lubos na nagalit at hindi natutuwa kay Angeline. “Angeline, paano mo nagawang siraan ang kapatid mo? Naiintindihan mo naman ang kahalagahan ng kapurian sa isang babae, hindi ba?”“Ama, totoo ang sinabi ko. Si Sera ay naging kabit ni Jack at nasa Tourmaline Estate sa sandaling ito,” hiyaw ni Angeline.Tumayo si George at sinampal si Angeline sa mukha. “Ayaw ko nang marinig ‘yan ulit sa susunod, ah.”Pinikit ni Lady Severe ang kaniyang mga mata, ang mga luha niya ay tumutulo.Malungkot niyang sinabi, “Ang ganitong klase ng bagay, wala tayong
‘Bakit?’Mabilis na sumagot si Jay sa mensahe ng kaniyang anak.Alam ni Jenson na ang kaniyang Daddy ay lubos na kinakabahan sa kaniyang Mommy.Sumagot si Jenson, ‘Kinutya ni evil stepgrandmother si Mommy sa pagkakaroon ng maliit na utak dahil sa pag-ibig tapos sinampal naman siya ni Mommy.’‘Mabuti naman.’‘Pinagalitan ni Mommy si stepgrandmother, sinasabi na hindi niya tinuturuan nang maayos ang kaniyang anak at sinabi na naging kabit si Tita Sera.’‘Oo, mahusay.’Halos nakikita na ni Jenson ang itsura ng kaniyang Daddy na pinoprotektahan ang pagkakamali ni Angeline sa likod ng screen ng phone.‘Pero mababa ang ranggo ni Mommy, kaya akala ni Lolo ay nagsisinungaling si Mommy at sinisiraan si Tita Sera. Kaya, sinampal niya si Mommy.’...Matagal na hindi dumating ang mensahe ni Jay.Napabuntong-hininga si Jenson. Galit siguro si Daddy kay Lolo.‘Daddy, hinihintay ni Mommy ang kaniyang knight in shining armor na iligtas siya.’ Pagkatapos ipadala ang mensahe na ito, tahimik na tinago ni
“Natatakot ka ba na lumala ang kondisyon ko?” Sabi ni Jenson.Sinabi ni Angeline, “Jens, wala kang kondisyon. May mas malamig na pag-uugali ka lang, tulad ni Daddy. Maganda rin naman ‘to. Sadyang baka isipin ng mga kaklase mo na suplado ka at wala kang pakialam sa iba. Kung ayaw nila sa ‘yo at iiwasan ka, ‘wag kang malungkot. Habang-buhay kang mamahalin ni Mommy.”Sa wakas ay naintindihan na ni Jenson ang intensyon ng kaniyang Mommy at niyakap ito. “Sorry, Mommy, nag-alala ka pa sa ‘kin.”Walang masabi si Angeline.Bakit ang bait ng batang ‘to?Habang hinahatid ang tatlong bata sa eskwela, nakasalubong nila ang katulong ng Pamilya Titus na hinahatid ang anak ng Pamilya Titus sa gate ng eskwela. Ang kanilang kotse ay nagsanhi sa kalsada sa plaza sa harap ng school na agad na sumikip. Isang mahabang kotse ang sumisiksik sa daan patungo sa eskwela.Alam ng lahat na ito ay isang masamang pagmamaneho, ngunit ang mga gwardya sa gate ng eskwela at ang mga magulang na naaabala sa daan ay natak
“Angeline Severe, kung ito ay dati, hindi kami maglalakas-loob na hamunin ka, pero ngayon, ang Swallow City ay nabibilang na sa Pamilya Titus. Kung gagalitin mo ang Pamilya Titus at hindi ka namin tuturuan ng leksyon, para saan pa ang reputasyon na mayroon ang Pamilya Titus sa mundong ito?”Isang lalaki na mayroong suit at itsura na puno ng galit ang tumulak sa ibang mga bodyguard at naglakad patungo kay Angeline. Tinanggal niya ang kaniyang sunglasses at tumingin kay Angeline nang may malaswang ekspresyon.Pagalit na nagsalita si Angeline, “Tumigil ka nga sa kalokohan mo. Labanan niyo ako kung gusto niyo. Kapag natalo kayo, alisin niyo ang mga kotse niyo. Ang gate ng eskwela ay isang lugar kung saan mahalaga ang kaligtasan. Kahit ang Pamilya Ares ng Imperial Capital ay hindi maglalakas-loob na maging ganito kayabang, paano pa kaya ang Pamilya Titus.”“Alam kong nilabag namin ang patakaran ng trapiko, pero masunurin naman naming babayaran ‘yon. Ang Pamilya Titus ay mabubuti at masunuri
Si Angeline ay natuliro.Hindi niya alam kung ano ang mga talento ng taong ito, pero ang kaniyang bilis ay tila parang kidlat. Iyon ay parang isang pambihirang talento.Tumingin is Angeline kay Robbie na nasa tabi. Ang kaniyang Baby Robbie ay mayroon tinding matinding bilis. Sino’ng nakakaalam na kapag lumaki si Robbie, magiging tulad din niya ang lalaking nasa harap niya? Mukhang mahinhin at maamo sa labas ngunit parang isang leopard sa loob.Sinipa ni Cole ang mga guwardiya na nakahiga sa lupa at binalaan sila, sinasabing, “Bumalik kayo at sabihin niyo sa mga Titus na ang Pamilya Severe ng Swallow City ay nasa ilalim ng proteksyon ko. Kung maglalakas-loob ulit kayo na bastusin ang Pamilya Severe sa susunod, samsamin niyo na ang natitira niyong mga sandali. At saka, kapag kayong mayayabang ay naglakas-loob na tumingin ulit sa babae ko, tatanggalin ko ‘yang mga mata niyo.”Pagkatapos ng leksyon, ngumiti si Cole at tumingin sa nalilitong si Angeline. “Ayos ka lang ba?”Hindi pa rin nagi
Sinadya ni Angeline na patunugin ang posas, ngunit hindi siya narinig ng matandang babae. Nakatuon lamang ito sa pagkuha ng kaniyang pulso.Napagtanto ni Angeline na ang doktor na ito ay kumakampi sa mas masamang panig. Siya ay isang doktor na walang moralidad.Pagkatapos ay bigla siyang naging walang galang sa matandang babae. Sinadya niyang pahirapan ang matanda. “Doc, hindi ba’t madalas nilang kinukuha ang pulso sa kanang kamay? Bakit mo ginagamit ang kaliwang kamay mo?”Wala talaga siyang alam tungkol sa medisina. Sinasadya lang niyang magreklamo.Tumingin sa kaniya ang doktor at ngumiti. “Ang mga mata ng babaeng ito ay maliwanag at puno ng enerhiya. Hindi naman mukhang may sakit siya sa utak.”Tumingin nang masama si Angeline kay Jay.Ang mukha ni Jay ay parang isang yelo. Tumingin naman nang masama si Angeline kay Finn na nakatayo sa isang gilid.Mukhang ang dalawang ito ay nagsinungaling sa matandang babae, sinasabi na siya ay may sakit sa utak. Kaya pala hindi nag-react ang mat
“Tumigil ka na sa pagpapanggap. Alam kong hindi ka na pwedeng mabuntis.” Nilantad ni Jay ang pagpapanggap ni Angeline.Nagulat na tumingin sa kaniya si Angeline. Biglang naalala ni Angeline noong siya ay kinawawa ng mag-amang Bell, ang kaniyang uterus ay napinsala at nawalan siya ng kakayahan na magkaroon pa ng anak.“Eh… Bakit ako nagsusuka?” Si Angeline ay nalito.Tumingin si Jay sa seryosong mga mata ni Angeline, at naramdaman niya ang pagsikip ng kaniyang dibdib.Hindi naman mukhang nagsisinungaling ang babaeng ito.Nagpadala siya ng mensahe kay Finn. ‘Papuntahin mo rito ang obstetrician-gynecologist.’Patuloy na nasusuka si Angeline. Ngayon, siya ay nakahiga na lamang sa kama. Ang kaniyang mukha ay payat at maputla.“May cancer ba ako?“Intestine cancer?“Stomach cancer?”Nagsimula siyang mag-overthink.“Hindi, bakit parang parehas ‘to ng nararamdaman ko noong pinagbubuntis ko sina Jenson?”…Napakunot ang kilay ni Jay bago siya tumalikod at umalis.Pagkatapos ng ilang sandali, pu
Si Jay ay nagalit. “Angeline, walang hiya ka talaga.”Nabaliw na si Jay. Kinuha niya ang braso ni Angeline at hinila siya patungo sa kabilang kwarto.Si Angeline ay nalilito. Si Jay ay nasa isang wheelchair. Paano niya nagawang magkaroon ng ganoon katinding aura?“Bitawan mo ako.” Nagpumiglas si Angeline sa hawak ni Jay. Sa sumunod na segundo, ang kaniyang mga kamay ay naipit sa dulo ng kama.Pagalit na tumingin sa kaniya si Jay. “Kaninong anak ‘yan?”Nakita ni Angeline ang pagkabaliw sa mga mata ni Jay. Bigla siyang natawa. “Ginoong Ares, ‘wag mong sabihin sa ‘kin na nag-aalala ka pa rin sa ‘kin. Ano’ng dapat kong gawin? Ang dami-daming pwedeng maging ama ng batang ‘to.”Ninais siyang sakalin ni Jay hanggang kamatayan. Gayunpaman, naalala niya na ang leeg ni Angeline ay sensitibo. Noong naisip niya kung paanong nagsusuka kanina si Angeline, lumambot ang kaniyang puso.Hindi niya kayang gawin iyon kay Angeline.Binawi niya ang kaniyang kamay. “Angeline, parang gusto mo atang maparusaha
Sinabi ni Angeline, “Ginoong Ares, maikli lang ang buhay at kailangan mong maging mabuti sa anumang oras. Ayaw ko nang magpanggap pa para sa mga bata.”Kapag mas bumibitaw si Angeline, mas nababaliw si Jay.Bigla niyang nilapitan si Angeline nang may agresibong itsura sa kaniyang mukha. Ang malaki niyang kamay ay humawak sa lalamunan ni Angeline. “Kung gusto mo talagang maging malaya, magpakamatay ka na lang.”Ang kamay ni Jay ay nasa leeg ni Angeline, nagsasanhi sa babae na makaramdam ng pagkahilo. Pagkatapos no’n, hindi na niya ito matiis pa. Nasuka siya sa puting damit ni Jay.Tumingin si Angeline sa dumi sa kwelyo ni Jay at napagtanto na siya ay nasa isang malaking gulo.Siya lang ang nakakaalam kung gaano ka-obsessed si Jay sa kalinisan.“Angeline Severe, ang kapal ng mukha mo?” Sigaw ni Jay.Noong nakita ni Angeline ang gulo, muli siyang nahilo.“Umalis ka sa harap ko!”Bago pa man makaalis si Jay, napasuka muli sa kaniya si Angeline.Ang itsura ni Jay ay para bang sumuko na siya
Tumingin si Angeline kay Jay na nasa sulok ng kwarto mula sa sulok ng kaniyang mga mata. Nakita niya ang walang emosyon na mga mata ni Jay at nagsimulang magrebelyo.Kung siya ay nakikisama sa ibang mga lalaki at wala pa ring pakialam si Jay, dapat na niyang tigilan ang lahat ng pantasya niya tungkol kay Jay.Mahinang tinanong ni Angeline si Gordon, “Alam mo ba kung paano humalik?”Tumingin si Gordon sa mapulang mga labi ni Angeline at nagkaroon ng pandidiri sa kaniyang mukha. “Binibini, hinihiling ko lang naman sa ‘yo na magpanggap na kasintahan ko. Hindi mo naman kailangang gawin ang lahat.”Sinabi ni Angeline. “Pekeng halik. Alam mo ba kung paano?”Napatingin si Gordon kung saan nakatingin si Angeline. “Para ba sa kaniya?”Tumango si Angeline.Napabuntong-hininga si Gordon sa ginhawa. “Sige.”Pagkatapos no’n, hinawakan nila ang isa’t isa. Ginamit ni Gordon ang kaniyang kamay upang takpan ang kaniyang mga labi, ngunit mula sa direksyon ni Jay, silang dalawa ay mukhang naghahalikan.B
Malamig na sinabi ni Jay, “Hindi mo kailangang mag-alala sa Grand Asia.”Walang maisagot na pambai si Sean kay Jay. Nababalisa niyang sinabi, “Sige, Master Ares, magsaya ka muna d’yan.” Pagkatapos no’n, naglakad siya palayo nang nalulugmok.Tumingin si Angeline kay Jay. Ang lalaking ito ay isang bisita, ngunit pinahiya niya ang host ng party. Nagawa pa rin niyang manatili at samsamin nang walang inaalala ang kaniyang wine.Hindi na ito matiis pa ni Angeline. Pinaalalahanan niya si Jay at sinabi, “Ginoong Ares, ‘wag mong kalimutan. Kailangan mong magtira ng dignidad para sa ibang tao para hindi nakakailang kapag nagkita ulit kayo sa susunod.”Tumingala si Jay upang tumingin kay Angeline. Mayroong bakas ng lungkot sa mga mata ni Angeline na hindi niya nagawang matago. Alam ni Jay na nag-aalala sa kaniya si Angeline.Sinabi ni Jay, “Hindi naman na kami magkikita sa susunod. Kaya, syempre, hindi ko kailangang magtira ng dignidad para sa kaniya.”Alam ni Angeline na hindi makatwiran si Jay.
Iyon ay isang party upang i-celebrate ang isang buwan ng pagkabuhay ng anak ni Sean.Naalala ni Angeline na si Sean ay isang dating kaibigan na nakipagtulungan sa kaniya dati. Walang dahilan para sa kaniya na hindi magbigay kay Sean ng regalo.Marahil ay pwede siyang makipagtulungan ulit kay Sean.Tulad ng kadalasan, pagkatapos magbihis ni Angeline, nagmaneho siya patungong Imperial Capital mula sa Swallow City.Ang party ng mga Bell ay nangyari sa isang five-star hotel.Noong pumasok si Angeline sa hall, agad niyang inakit ang atensyon ng lahat.Siya ay isang magandang babae, at nagpaganda pa siya para sa okasyon na ito.Siya ay may suot na backless lace dress na pinapakita ang perpekto niyang katawan. Mayroong dugo sa pula niyang “Ginoo.”Sa isang sulok, si Jay ay nakikipag-usap kay Sean noong biglan silang inistorbo ni Finn.Tumingin nang masama si Jay kay Finn. “Tumahimik ka nga.”Sinenyasan siya ni Finn gamit ang kaniyang mga mata upang sabihin sa kaniya na tumingin sa pintuan.T
Gumapang siya papalapit kay Jay at tinulungan ang lalaki sa kaniyang mga damit.Nakita ni Jay na ang mga kamay ni Angeline ay lubos na nanginginig. Halata naman na siya ay kinakabahan at natatakot.Agad na naglaho ang masamang binabalak niya kay Angeline. “Angeline, sa tingin mo ba ay dapat lang na ibenta ang katawan mo para sa kumpanya mo?”Si Angeline ay natuliro. Sinabi niya, “Wala nang pera ang kumpanya at higit pa sa isang daang mga empleyado ng Severe Enterprises ang mawawalan ng trabaho. At saka, wala akong pera para bayaran ang mga utang namain. Kapag nangyari ‘yon, kamatayan ko na lang ang makakapagbayad sa mga pagkakamali ko.”Biglang kinuha ni Jay ang braso ni Angeline. “Ano’ng sinabi mo?”Bayaran ang kaniyang mga pagkakamali gamit ang kaniyang kamatayan? Hindi siya nagpakahirap para kay Angeline para lang patayin niya ang kaniyang sarili.Matapang na tumingin si Angeline sa galit na mga mata ni Jay. “Ginoong Ares, ambisyoso ka at ayaw bigyan ang ibang mga kumpanya ng pagkak
Hindi siya nakakuha ng anumang resulta pagkatapos humingi ng tulong sa labas, kaya narito siya ngayon at bumalik kay Jay. Wala siyang ibang magagawa.Tulirong tumingin si Angeline kay Jay. Marahil ay mas nangingibabaw na ang itsura niya ngayon dahil siya ay lasing na.“Jay Ares, sabihin mo sa ‘kin. Ano ang dapat kong gawin para pagbigyan mo na ang Severe Enterprises?”“Ganito ka ba magmakaawa?” Haha, ang lakas naman ng loob ng babaeng ito na tawagin siya sa buo niyang pangalan? Sino ang nagbigay sa kaniya ng lakas ng loob na gawin ito?Umayos ng tindig si Angeline. Tumayo siya sa harap ni Jay na parang isang estudyante na may nagawang mali.Ganito siya tumayo sa tuwing may nagagawa siyang mali noong siya ay bata pa. Ngayon, siya ay nakatayo sa ganitong posisyon dahil lang sa nakasanayan.“Kung papayag ka na pakawalan ang Severe Enterprises, pwede mong kuhain ang buhay ko kung gusto mo.” Matigas na sabi ni Angeline.Nanigas ang mukha ni Jay. “Bakit ko kakailanganin ang buhay mo?”Gusto