Share

Kabanata 731

Author: Yan An
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56
Pagkatapos magpa-check-up ni Old Master Severe, inalalayan siya ni Angeline na maglakad palabas ng medical department ng Grand Asia.

Sumunod sa kanila si Cole nang nakayuko na para bang mayroon siyang iniisip.

Biglang tumalikod si Angeline at pagalit na lumapit kay Cole. “Cole Yorks!” Ang tono na iyon ng boses ay inabala si Cole sa pag-iisip.

Napatingala si Cole at nakangising tumingin kay Angeline.

Kapag ang babaeng ‘to ay galit, lumolobo ang kaniyang mga pisngi, pinagmumukha siyang cute.

Siya ang kauna-unahang babae na naglakas-loob na tawagin si Cole sa buo nitong pangalan.

Dati ay hindi siya marunong magtiis sa mga babaeng hindi siya ginagalang. Gayunpaman, nagawa niyang tiisin si Angeline. Hinahangaan pa niya ang matapang nitong katauhan.

“Kailangan nating mag-usap.” Sabi ni Angeline at naglakad patungo sa gilid.

Nilagay ni Cole ang kaniyang mga kamay sa kaniyang bulsa at tinatamad na sinundan si Angeline.

Tumingin sa kaniya si Angeline nang may seryosong mukha, “Cole, nagpapasala
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

  • Sir Ares, Goodnight!    Kabanata 732

    Lumapit si Angeline at biglang sumipa pataas.Hindi inasahan ni Cole na gagawin ito sa kaniya ni Angeline at hindi iyon nagawang ilagan. Hindi niya mapigilang mapayuko at mapa-aray. “Angeline. Ang lakas naman ng loob mong—”Sinabi ni Angeline, “Ayaw ko sa masasamang tao na pagsasamantalahan at magdadagdag ng kamalasan sa mga taong naghihirap.” Pagkatapos no’n, tumalikod siya at pagalit na umalis.Si Angeline at ang Old Master ay tumawag ng taksi at umalis.Tumingin si Cole sa paalis na babae, ang ekspresyon sa kaniyang mukha ay mahirap ipaliwanag.Ang babaeng ‘to, may maayos na pananaw ba siya sa mundo?Pagkatapos ng ilang sandali, napangiti ang mga labi ni Cole. Mas nagugustuhan niya talaga si Angeline.Pumunta si Cole sa parking lot. Mayroong isang sport car na nakaparke sa tabi ng kaniyang Mercedes-Benz.Ang drayber ay mayroong suot na isang sumbrero, sunglasses, at mayroong earphones sa kaniyang mga tenga. Siya ay nakikinig sa musika, ang buo niyang katawan ay sumasabay sa tugtog.

  • Sir Ares, Goodnight!    Kabanata 733

    “Mag-usap tayo pagbalik mo,” sabi ni Jay.Noong bumalik si Tempest upang magsalaysay, sinabi niya kay Jay ang tungkol sa nangyari sa pagitan nila ni Cole.Si Jay ay mas interesado na ngayon sa pagkakakilanlan ni Cole.Gayunpaman, iniisip na hindi lamang gwapo ang kaniyang karibal ngunit mayroon ding matinding tapang at pwede ring mas mayaman pa sa kaniya, si Jay ay hindi nasisiyahan.Siya ay talagang nag-aalala na magsasanhi si Cole ng alitan sa pagitan nila ni Angeline at nanakawin ang puso ng babae.Upang maprotektahan ang kaniyang repolyo na makain ng gintong baboy, napagpasyahan ni Jay na gumamit ng pambihirang pamamaraan.Nagpadala siya ng mensahe kay Angeline, ‘May pupuntahan akong business trip. Pwede bang umuwi ka muna at alagaan ang mga bata? Miss na miss ka na nila.’Gagamitin niya ang tatlong bata upang ipaalala kay Angeline na siya ay isang kasal na babae.Si Angeline ay nakaupo sa conference hall ng Eminent Honor Co. Ltd. at kasalukuyang may meeting kasama ang mga empleyad

  • Sir Ares, Goodnight!    Kabanata 734

    Napatingin si Jay sa paligid ng opisina ni Angeline. Ang mga kagamitan doon ay simple lamang.“Pwede mo bang ipakita sa akin ang annual report ng mga Severe?” Dahil iyon ang lugar kung saan nagtatrabaho si Angeline, biglang naisip ni Jay na magkaroon ng pakialam sa performance ng mga Severe.Tumanggi si Angeline. “Hindi makikipagtulungan ang mga Severe sa inyong mga Ares. Kaya, hindi na kailangan na mangialam ni Ginoong Ares sa performance ng mga Severe.”Napabuntong-hininga si Jay. Galit pa rin sa kaniya ang babaeng ito.“Sabihin mo na, ano’ng ginagawa mo rito?” Pagalit na tanong ni Angeline.Si Jay ay bahagyang nabigla at sinabi, “Hindi mo ba nakita ang mensahe na pinadala ko sa ‘yo?”Sinabi ni Angeline, “Nilagay ko na sa blacklist ko ang numero mo. Hindi na ako kailangang kausapin pa ni Ginoong Ares sa susunod.”Tulalang tumingin sa kaniya si Jay.“Galit ka pa rin ba sa ‘kin?” Tanong niya.“Habang-buhay kitang kamumuhian,” sabi ni Angeline.Napangiti nang mahina si Jay. Ang kaakit-a

  • Sir Ares, Goodnight!    Kabanata 735

    Nagulat na tumitig sa kaniya si Jay. Ang magandang mga mata ni Angeline ay mahinhin at puro.“Ang malulupit at walang awang mga salitang sinabi mo ngayon lang, sinabi mo ba ‘yon dahil wala ka ring ibang magawa?” Pabalik na tanong ni Jay.Kumurap ang mga mata ni Angeline. “Syempre totoo ang lahat ng ‘yon.”Si Angeline ay natakot kay Jay na para bang siya ay naging isang pagod. Hindi madali para sa kaniya na ilabas ang kaniyang ulo, ngunit siya ay umaatras sa tuwing nakakaharap siya ng maliliit na harang.Siya ay natatakot na siya ay walang awang kukutyain ni Jay pagkatapos aminin ang nilalaman ng kaniyang isipan.Napabuntong-hininga nang malakas si Jay.Hindi niya pwedeng sabihin kay Angeline ang tunay niyang intensyon at ang tanging nagawa niya lamang ay ang iwasan ang paksa na ito.“Magiging abala kasi ako at hindi ko magagawang alagaan ang tatlo kong mga anak. Kung may oras ka, pumunta ka sa Garden of A Diary para samahan sila.”Nasampal ni Angeline ang sarili niyang noo. Ang bagay n

  • Sir Ares, Goodnight!    Kabanata 736

    Sa sandaling magsawa na si Angeline sa pambubugbog kay Zayne, pagalit siya ritong tumitig.Pinakawalan na ni Finn si Zayne.Sinabi ni Jay, “Tara na.”Sumigaw si Zayne sa likod ni Jay, “Jay, mahal na mahal ka ng kapatid ko. Paano mo nagawang makipaghiwalay sa kaniya?”Dumiretso nang bahagya ang likod ni Jay.Pakiramdam ni Angeline ay muling naglaho ang kaniyang dignidad. Siya ay lubos na nainis at pinagalitan si Zayne, “Ang nakaraan ay nakaraan na! Bakit ka ba nakikipag-usap sa kaniya? Mula ngayon, hindi na namin kilala ang isa’t isa.”Bigla niyang nilakasan ang kaniayng boses upang siya ay marinig ni Jay at upang mabawi ang kakarampot ng kaniyang dignidad.Ang lakas ng loob ni Zayne na sumigaw kay Jay, “Kung ayaw mo sa kapatid ko, babawiin na siya ng Pamilya Severe.”Napatalon si Angeline at tinakpan ang bibig ni Zayne.Pagkatapos makalayo ni Jay, pagalit siyang tiningnan ni Angeline.“Ang tanga mo talaga, eh, no. Kung sasabihin mo ‘yan, nagmumukhang may paki pa rin ako sa kaniya. Sigu

  • Sir Ares, Goodnight!    Kabanata 737

    Noong makapasok sina Angeline at Zayne sa Garden Of A Diary, nakita nila na mayroong mga gwardiya na nakatayo sa bawat sulok ng hardin. Ang mga mata ni Angeline ay nagpakita ng sindak.Matagal na niyang kilala si Jay, ngunit hindi pa niya nakikita si Jay na ganitong kinakabahan tungkol sa sarili niyang kaligtasan.Tinulak ni Jenson si Jay palabas. Nang makita ang kaniyang mommy, walang pagkagulat sa malamig niyang mukha. Sa halip, siya ay nababalot ng lamig.Noong una ay ninais ni Zayne na yakapin si Jenson. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakita niya ang batang ito bilang tito, eh.Gayunpaman, nag-alinlangan si Zayne noong nakita niya ang nakakatakot na kalamigan ni Jenson.“Jens, batiin mo si Mommy.” Malamig na paalala ni Jay.Si Jenson ay may madilim na mukha at sinabi nang mahina, “Mommy.”Malambing na hinimas ni Angeline ang ulo ni Jenson at nagtanong nang mahina, “Nasaan na ang mga kapatid mo?”“Tulog pa rin,” sabi ni Jenson.Tumingin si Angeline sa ikalawang palapag at nang

  • Sir Ares, Goodnight!    Kabanata 738

    Ang pakikipagkita sa kanila ngayong araw, iniisip ni Angeline kung ang dalawang bata ay nagawang tanggalin ang kanilang inis sa kaniya.“Baby Zetty.” Umupo si Angeline sa tabi ng kama. Nagulat na binuksan ni Zetty ang isa niyang mata at patagong tumingin kay Angeline.“Bumangon ka na kung gising ka na. Si Tita Kahit Ano ay narito para makita ka.” Ngumiti si Angeline.Bumangon si Zetty at tumitig sa kaniyang Mommy. Pagkatapos ay niyakap niya ang kaniyang Mommy at nagsimula sa pag-iyak. “Mommy, saan ka nanggaling? Bakit ang tagal mong nawala? Akala ko ay ayaw mo na sa ‘min!”Umiyak nang umiyak si Zetty sa puntong pati ang malungkot na nararamdaman ni Angeline ay kumawala. Niyakap niya si Zetty at binuhat ito.“Alam mo nang ako si Mommy? Sorry, Zetty, ang lahat ng ‘to ay kasalanan ni Mommy. Hindi dapat umalis si Mommy nang hindi nagpapaalam.”Niyakap ni Zetty ang leeg ng kaniyang Mommy, natatakot na aalis ulit ang kaniyang Mommy. Gayunpaman, ang kaniyang bibig ay patuloy na sinasabi ang b

  • Sir Ares, Goodnight!    Kabanata 739

    Para lang pala sa mga bata ‘yon.Ang puso ni Angeline na nainitan ng araw kanina ay muling lumubog sa isang nagyeyelong lawa.“Ah, sige. Kung wala nang ibang sasabihin si Ginoong Ares, aalis na kami.” Bumalik sa pagiging malamig ang ekspresyon ni Angeline.“‘Wag mong ipaalam sa mga bata ang tungkol sa inyo ni Cole Yorks,” ang tono ni Jay ay may bakas ng pangingibabaw.Tumingin sa kaniya nang masama si Angeline. “Problema ko ‘yon, at walang pakialam doon si Ginoong Ares.”Kung ito ay dati, baka maghinala siya na ang lalaking ito ay nagseselos. Ngayon, alam na niya.Ang gwapong mukha ni Jay ay nagpakita ng bakas ng galit noong sabihin niya sa isang seryosong tono, “Kapag sinaktan niyo ni Cole ang mga bata, hindi kayo makakatakas sa ‘kin.”Natawa si Angeline. Ang mga bata lang palaging inaalala ni Jay.Tumalikod si Angeline at umalis.Ang gwapong mukha ni Jay na nagpapanggap na walang emosyon ay bahagyang nawarak sa likod ni Angeline.Bumaba si Angeline, ninanais na tumakas sa nakasasakal

Latest chapter

  • Sir Ares, Goodnight!    Kabanata 848

    Sinadya ni Angeline na patunugin ang posas, ngunit hindi siya narinig ng matandang babae. Nakatuon lamang ito sa pagkuha ng kaniyang pulso.Napagtanto ni Angeline na ang doktor na ito ay kumakampi sa mas masamang panig. Siya ay isang doktor na walang moralidad.Pagkatapos ay bigla siyang naging walang galang sa matandang babae. Sinadya niyang pahirapan ang matanda. “Doc, hindi ba’t madalas nilang kinukuha ang pulso sa kanang kamay? Bakit mo ginagamit ang kaliwang kamay mo?”Wala talaga siyang alam tungkol sa medisina. Sinasadya lang niyang magreklamo.Tumingin sa kaniya ang doktor at ngumiti. “Ang mga mata ng babaeng ito ay maliwanag at puno ng enerhiya. Hindi naman mukhang may sakit siya sa utak.”Tumingin nang masama si Angeline kay Jay.Ang mukha ni Jay ay parang isang yelo. Tumingin naman nang masama si Angeline kay Finn na nakatayo sa isang gilid.Mukhang ang dalawang ito ay nagsinungaling sa matandang babae, sinasabi na siya ay may sakit sa utak. Kaya pala hindi nag-react ang mat

  • Sir Ares, Goodnight!    Kabanata 847

    “Tumigil ka na sa pagpapanggap. Alam kong hindi ka na pwedeng mabuntis.” Nilantad ni Jay ang pagpapanggap ni Angeline.Nagulat na tumingin sa kaniya si Angeline. Biglang naalala ni Angeline noong siya ay kinawawa ng mag-amang Bell, ang kaniyang uterus ay napinsala at nawalan siya ng kakayahan na magkaroon pa ng anak.“Eh… Bakit ako nagsusuka?” Si Angeline ay nalito.Tumingin si Jay sa seryosong mga mata ni Angeline, at naramdaman niya ang pagsikip ng kaniyang dibdib.Hindi naman mukhang nagsisinungaling ang babaeng ito.Nagpadala siya ng mensahe kay Finn. ‘Papuntahin mo rito ang obstetrician-gynecologist.’Patuloy na nasusuka si Angeline. Ngayon, siya ay nakahiga na lamang sa kama. Ang kaniyang mukha ay payat at maputla.“May cancer ba ako?“Intestine cancer?“Stomach cancer?”Nagsimula siyang mag-overthink.“Hindi, bakit parang parehas ‘to ng nararamdaman ko noong pinagbubuntis ko sina Jenson?”…Napakunot ang kilay ni Jay bago siya tumalikod at umalis.Pagkatapos ng ilang sandali, pu

  • Sir Ares, Goodnight!    Kabanata 846

    Si Jay ay nagalit. “Angeline, walang hiya ka talaga.”Nabaliw na si Jay. Kinuha niya ang braso ni Angeline at hinila siya patungo sa kabilang kwarto.Si Angeline ay nalilito. Si Jay ay nasa isang wheelchair. Paano niya nagawang magkaroon ng ganoon katinding aura?“Bitawan mo ako.” Nagpumiglas si Angeline sa hawak ni Jay. Sa sumunod na segundo, ang kaniyang mga kamay ay naipit sa dulo ng kama.Pagalit na tumingin sa kaniya si Jay. “Kaninong anak ‘yan?”Nakita ni Angeline ang pagkabaliw sa mga mata ni Jay. Bigla siyang natawa. “Ginoong Ares, ‘wag mong sabihin sa ‘kin na nag-aalala ka pa rin sa ‘kin. Ano’ng dapat kong gawin? Ang dami-daming pwedeng maging ama ng batang ‘to.”Ninais siyang sakalin ni Jay hanggang kamatayan. Gayunpaman, naalala niya na ang leeg ni Angeline ay sensitibo. Noong naisip niya kung paanong nagsusuka kanina si Angeline, lumambot ang kaniyang puso.Hindi niya kayang gawin iyon kay Angeline.Binawi niya ang kaniyang kamay. “Angeline, parang gusto mo atang maparusaha

  • Sir Ares, Goodnight!    Kabanata 845

    Sinabi ni Angeline, “Ginoong Ares, maikli lang ang buhay at kailangan mong maging mabuti sa anumang oras. Ayaw ko nang magpanggap pa para sa mga bata.”Kapag mas bumibitaw si Angeline, mas nababaliw si Jay.Bigla niyang nilapitan si Angeline nang may agresibong itsura sa kaniyang mukha. Ang malaki niyang kamay ay humawak sa lalamunan ni Angeline. “Kung gusto mo talagang maging malaya, magpakamatay ka na lang.”Ang kamay ni Jay ay nasa leeg ni Angeline, nagsasanhi sa babae na makaramdam ng pagkahilo. Pagkatapos no’n, hindi na niya ito matiis pa. Nasuka siya sa puting damit ni Jay.Tumingin si Angeline sa dumi sa kwelyo ni Jay at napagtanto na siya ay nasa isang malaking gulo.Siya lang ang nakakaalam kung gaano ka-obsessed si Jay sa kalinisan.“Angeline Severe, ang kapal ng mukha mo?” Sigaw ni Jay.Noong nakita ni Angeline ang gulo, muli siyang nahilo.“Umalis ka sa harap ko!”Bago pa man makaalis si Jay, napasuka muli sa kaniya si Angeline.Ang itsura ni Jay ay para bang sumuko na siya

  • Sir Ares, Goodnight!    Kabanata 844

    Tumingin si Angeline kay Jay na nasa sulok ng kwarto mula sa sulok ng kaniyang mga mata. Nakita niya ang walang emosyon na mga mata ni Jay at nagsimulang magrebelyo.Kung siya ay nakikisama sa ibang mga lalaki at wala pa ring pakialam si Jay, dapat na niyang tigilan ang lahat ng pantasya niya tungkol kay Jay.Mahinang tinanong ni Angeline si Gordon, “Alam mo ba kung paano humalik?”Tumingin si Gordon sa mapulang mga labi ni Angeline at nagkaroon ng pandidiri sa kaniyang mukha. “Binibini, hinihiling ko lang naman sa ‘yo na magpanggap na kasintahan ko. Hindi mo naman kailangang gawin ang lahat.”Sinabi ni Angeline. “Pekeng halik. Alam mo ba kung paano?”Napatingin si Gordon kung saan nakatingin si Angeline. “Para ba sa kaniya?”Tumango si Angeline.Napabuntong-hininga si Gordon sa ginhawa. “Sige.”Pagkatapos no’n, hinawakan nila ang isa’t isa. Ginamit ni Gordon ang kaniyang kamay upang takpan ang kaniyang mga labi, ngunit mula sa direksyon ni Jay, silang dalawa ay mukhang naghahalikan.B

  • Sir Ares, Goodnight!    Kabanata 843

    Malamig na sinabi ni Jay, “Hindi mo kailangang mag-alala sa Grand Asia.”Walang maisagot na pambai si Sean kay Jay. Nababalisa niyang sinabi, “Sige, Master Ares, magsaya ka muna d’yan.” Pagkatapos no’n, naglakad siya palayo nang nalulugmok.Tumingin si Angeline kay Jay. Ang lalaking ito ay isang bisita, ngunit pinahiya niya ang host ng party. Nagawa pa rin niyang manatili at samsamin nang walang inaalala ang kaniyang wine.Hindi na ito matiis pa ni Angeline. Pinaalalahanan niya si Jay at sinabi, “Ginoong Ares, ‘wag mong kalimutan. Kailangan mong magtira ng dignidad para sa ibang tao para hindi nakakailang kapag nagkita ulit kayo sa susunod.”Tumingala si Jay upang tumingin kay Angeline. Mayroong bakas ng lungkot sa mga mata ni Angeline na hindi niya nagawang matago. Alam ni Jay na nag-aalala sa kaniya si Angeline.Sinabi ni Jay, “Hindi naman na kami magkikita sa susunod. Kaya, syempre, hindi ko kailangang magtira ng dignidad para sa kaniya.”Alam ni Angeline na hindi makatwiran si Jay.

  • Sir Ares, Goodnight!    Kabanata 842

    Iyon ay isang party upang i-celebrate ang isang buwan ng pagkabuhay ng anak ni Sean.Naalala ni Angeline na si Sean ay isang dating kaibigan na nakipagtulungan sa kaniya dati. Walang dahilan para sa kaniya na hindi magbigay kay Sean ng regalo.Marahil ay pwede siyang makipagtulungan ulit kay Sean.Tulad ng kadalasan, pagkatapos magbihis ni Angeline, nagmaneho siya patungong Imperial Capital mula sa Swallow City.Ang party ng mga Bell ay nangyari sa isang five-star hotel.Noong pumasok si Angeline sa hall, agad niyang inakit ang atensyon ng lahat.Siya ay isang magandang babae, at nagpaganda pa siya para sa okasyon na ito.Siya ay may suot na backless lace dress na pinapakita ang perpekto niyang katawan. Mayroong dugo sa pula niyang “Ginoo.”Sa isang sulok, si Jay ay nakikipag-usap kay Sean noong biglan silang inistorbo ni Finn.Tumingin nang masama si Jay kay Finn. “Tumahimik ka nga.”Sinenyasan siya ni Finn gamit ang kaniyang mga mata upang sabihin sa kaniya na tumingin sa pintuan.T

  • Sir Ares, Goodnight!    Kabanata 841

    Gumapang siya papalapit kay Jay at tinulungan ang lalaki sa kaniyang mga damit.Nakita ni Jay na ang mga kamay ni Angeline ay lubos na nanginginig. Halata naman na siya ay kinakabahan at natatakot.Agad na naglaho ang masamang binabalak niya kay Angeline. “Angeline, sa tingin mo ba ay dapat lang na ibenta ang katawan mo para sa kumpanya mo?”Si Angeline ay natuliro. Sinabi niya, “Wala nang pera ang kumpanya at higit pa sa isang daang mga empleyado ng Severe Enterprises ang mawawalan ng trabaho. At saka, wala akong pera para bayaran ang mga utang namain. Kapag nangyari ‘yon, kamatayan ko na lang ang makakapagbayad sa mga pagkakamali ko.”Biglang kinuha ni Jay ang braso ni Angeline. “Ano’ng sinabi mo?”Bayaran ang kaniyang mga pagkakamali gamit ang kaniyang kamatayan? Hindi siya nagpakahirap para kay Angeline para lang patayin niya ang kaniyang sarili.Matapang na tumingin si Angeline sa galit na mga mata ni Jay. “Ginoong Ares, ambisyoso ka at ayaw bigyan ang ibang mga kumpanya ng pagkak

  • Sir Ares, Goodnight!    Kabanata 840

    Hindi siya nakakuha ng anumang resulta pagkatapos humingi ng tulong sa labas, kaya narito siya ngayon at bumalik kay Jay. Wala siyang ibang magagawa.Tulirong tumingin si Angeline kay Jay. Marahil ay mas nangingibabaw na ang itsura niya ngayon dahil siya ay lasing na.“Jay Ares, sabihin mo sa ‘kin. Ano ang dapat kong gawin para pagbigyan mo na ang Severe Enterprises?”“Ganito ka ba magmakaawa?” Haha, ang lakas naman ng loob ng babaeng ito na tawagin siya sa buo niyang pangalan? Sino ang nagbigay sa kaniya ng lakas ng loob na gawin ito?Umayos ng tindig si Angeline. Tumayo siya sa harap ni Jay na parang isang estudyante na may nagawang mali.Ganito siya tumayo sa tuwing may nagagawa siyang mali noong siya ay bata pa. Ngayon, siya ay nakatayo sa ganitong posisyon dahil lang sa nakasanayan.“Kung papayag ka na pakawalan ang Severe Enterprises, pwede mong kuhain ang buhay ko kung gusto mo.” Matigas na sabi ni Angeline.Nanigas ang mukha ni Jay. “Bakit ko kakailanganin ang buhay mo?”Gusto

DMCA.com Protection Status