Paos na sinabi ni Jay, “Matulog na muna kayo. Maghahanap ako ng paraan para maibalik si Mommy.”Si Zetty ay umiiyak pa rin at nagwawala. “Ayaw, ayaw kong matulog, gusto ko si Mommy…”“Itong batang ‘to… Bakit ba ayaw mong sumunod?” Si Jay ay walang masabi sa pag-uugali ni Zetty.“Kapag umiyak ka ulit, hindi mo na makikita ang Mommy mo,” babala ni Jay.Si Zetty ay nagalit, ngunit hindi siya naglakas-loob na magsalita at malungkot lamang na tumitig kay Jay.Ngayong wala na ang kaniyang Mommy upang tulungan siya, si Zetty ay bahagyang natakot din.Nang makita na si Zetty ay sumusunod sa pamimilit at hindi sa panghihimok, pinatindi ni Jay ang kaniyang pananakot. “Ayaw na sa’ yo ng Mommy mo, kaya kailangan mo nang makinig kay Tito mula ngayon. Kung ‘di, ayaw na rin sa ‘yo ni Tito.”Tumigil si Zetty sa paghikbi, ngunit ang maliit niyang mukha ay puno ng takot.Hinawakan ni Robbie ang kamay ng kaniyang kapatid. “Zetty, ‘wag kang matakot. Nandito si kuya para sa iyo!”Sa wakas ay tumigil na sa
Sa sandaling dumating si Jay sa pinto ng Grand Asia, si Grayson ay naroon na at naghihintay nang magalang nang may hawak na mga papeles. Ang kaniyang noo ay pinagpapawisan.Ang masamang tingin ni Jay ay dumapo kay Grayson, nagsasanhi sa kaniya na manginig.Pagalit na sinabi ni Jay, “Ano na naman ang nagawa mong mali?”Sinabi ni Grayson nang may takot at pangamba, “Ginoong Ares, ngayon naman… Hindi ako ang may maling nagawa… ikaw naman.”Si Jay ay bahagyang nabigla. Ang kaniyang mga mata ay napatingin sa pink na folder sa kamay ni Grayson at ang mga ito ay nanliit. “Ano ‘yan?”“Ginoong Ares, ito ang genetic test report ni Zetty,” sabi ni Grayson.Noong maglakad si Jay patungo sa kaniyang opisina, inutusan niya si Grayson, “Hindi ba’t inutos ko sa ‘yo na gawin ang kaniyang genealogy record? Bakit ang bilis?”Tumawa nang pangit si Grayson. “Ginoong Ares, may ginawa akong mas mabilis.”Kung alam lamang ng presidente na ninakaw niya ito mula sa genealogy tree ng Pamilya Ares, ang kaniyang e
Kinuha ni Jay ang folder at nilapitan si Grayson. “May lakas ka ng loob na mag-shortcut? G*go ka, may lakas ng loob kang lokohin ako?”Umupo si Grayson sa sulok ng elevator nang tinatakpan ang kaniyang ulo gamit ang kaniyang mga braso, nagmamakaawang nakatingin sa presidente. “Ginoong Ares, higit pa kay Medea ang kawalan ng patas na binibigay mo sa ‘kin. Ang genealogy na ‘to, totoo ‘yan. Kung ayaw mo akong paniwalaan, tingnan mo ang genetic test report ni Zetty.”Nakita ni Jay na matigas pa rin ang ulo ni Grayson kahit nalalapit na ang kaniyang kamatayan, na nangangahulugan na mayroong mali.Binato niya nang malakas ang folder kay Grayson. “Hanapin mo d’yan.”Tumayo si Grayson, nilabas ang genetic test report ni Zetty, at binigay ito kay Jay.Sa sandaling ito, ang pinto ng elevator ay biglang bumukas at si Jay ay naglakas sa opisina nang hawak ang test report ni Zetty.Habang naglalakad- si Grayson ay napamura nang tahimik. Kapag nalaman ng presidente na si Zetty ay kaniyang tunay na a
Isang Rolls-Royce ang mabilis na nagmamaneho sa daan patungo sa labas ng siyudad.Sa upuan ng taga-maneho ay isang mapagmalaki at marangyang lalaki na mayroong perpektong katangian at mayroong isang itim na aura na nagsasanhi sa mga tao na matakot siyang lapitan.Noong ang Rolls-Royce ay mapaliko sa isang traffic rotary at pagkatapos ay dumaan sa aspaltong kalsada patungo sa Garden of A Diary, nakakita si Jay ng ilang maliliit na ulong nakalabas mula sa puting marmol na balkonahe sa kalayuan.Nang makita siya, ang maliliit na mga hugis ay agad na tumakbo palayo.“Nariyan na si Daddy. Bilisan mo pumasok, Zetty.”Binigay ni Zetty ang tsokolate kay Jay at tumakbo patungo sa maliit na madilim na silid sa sandaling iyon.Mabilis na kinandado ni Ginang Zonder ang pinto.Noong pumasok si Jay sa bahay, nakita niya si Ginang Zonder na nakaupo sa sofa kasama sina Jenson at Robbie na pumoposing para sa mga larawan nang may ‘di pa tapos na Lego na nakatumpok sa mesa.“Daddy, ba’t ang aga mo umuwi?
Lumitaw ang luha sa mga mata ni Jay. Siya ay lubos na nabigla sa malambot na puso ng bata.“Hindi na siya sasaktan ni Tito. Hindi ko rin siya pagagalitan. Mahal siya ni Tito,” sabi niya.Ang mga luha sa gilid ng mga mata ni Zetty ay bumagsak at malungkot niyang sinabi, “Sinungaling ka.”Walang masabi si Jay.“Simula noong bumalik si Mommy sa China, madalas mo na siyang pinapaiyak. Palaging umiiyak si Mommy sa gabi…”“...”“Masama kang tao.”“...”Ang mga salita ni Zetty ay nagsanhi sa kaniyang nararamdaman na bumigat sa ‘di niya malaman na dahilan. Mukhang kakaunti pa rin ang nalalaman niya tungkol sa paghihirap sa puso n Angeline.Kinarga ni Jay si Zetty, nagtungo sa unang palapag, at inutusan si Ginang Zonder, “Ginang Zonder, magluto ka nga ng masarap na pagkain para sa mga bata.”“Sige,” masayang sagot ni Ginang Zonder.Alam niya mas malakas tumahol ang Young Master kaysa ang mangagat.Binaba ni Jay si Zetty, at pagkatapos ay umupo ang bata sa sofa. Nang ang kaniyang mga pisngi ay n
Noong gabing iyon, si Zetty ay nagkaroon ng matinding lagnat.Siguro ay dahil nagiging mahina ang isang batang may lagnat, o dahil sa kawalan ng seguridad na nararanasan niya pagkatapos mawala ang kaniyang Mommy kaya si Zetty ay nakapulupot sa gilid ng kamay. Siya ay nagsimulang umiyak.“Mommy, nasaan ka na? Bakit ayaw mo na kay Zetty?” Sa pagtaas ng lagnat, hinahanap ni Zetty ang kaniyang Mommy kapag siya ay nagigising. Kapag siya ay walang malay, hihiga na lamang si Zetty at matutulog nang mahimbing.Si Jay ay nagtungo sa kwarto noong gabi at noong marinig niya ang pag-iyak ni Zetty, mabilis niyang binuksan ang pinto at binuksan ang ilaw.Nakita niya na ang mukha ni Zetty ay namumula na dahil sa lagnat. Si Zetty ay nakatingin sa kaniya nang matamlay at may nanliit na mga mata.Lumapit si Jay at hinawakan ang noo ni Zetty. Noong mapagtanto niya na si Zetty ay mayroong lagnat, binalot niya ang bata sa kumot nang walang sinasabi, dinala ito sa baba, at nagmaneho diretso sa Grand Asia Ho
Ang ina ni Jay ay nasaktan para sa kaniyang anak at lubos na nagalit. “Ang Rose Loyle na ‘to, bakit niya hinayaan ang Jay ko na alagaan ang kaniyang anak na iniwan niya rito?”Tumigil siya, pagkatapos ay sinabi nang pagalit, “Hindi ba’t masyadong nag-aalala si Jay kay Zetty? Hindi ba’t lagnat lang naman ‘yon? Gaano ba siyang kinakabahan para magmaneho nang ganoon kabilis?”Sinabi ni John, “Hipag, hindi mo ‘yon alam! Gusto ni Jay kay Rose, kaya natural, iba ang trato niya kay Zetty. Magmahal ka ng isang tao at mahalin ang kahit na sinong konektado sa kanila.”Sa Grand Asia Hospital.Dinala ni Jay si Zetty patungo sa emergency room. Noong makita ng doktor na mag-isang nagtungo rito si Ginoong Ares, tumitig siya rito sa kawalan ng paniniwala.Ito ba talaga ang kanilang mapagmalaking Ginoong Ares na palaging tinatanggihan ang tulong mula sa iba kahit sino pa ito?Siya ay may dala ring isang bata para ipagamot?Ito ay pagiging mapagkumbaba ni Ginoong Ares. Parang ‘di makatotohanan!“Ano’ng
Noong dumating ang isang physician, napansin ni Zetty ang kariton na tinutulak nito at inangat ang kaniyang mga braso. Tinaas niya ang kaniyang manggas at tinanong sa isang malambing na tono, “Binibining Doktor, kukuhaan mo ba ako ng dugo?”Binaba ni Jay ang kaniyang mga manggas at magiliw na pinaliwanag sa kaniya. “Hindi na nila kailangang suriin ang dugo mo. Gagamit kami ng natural na paggamot ngayon. Ang kailangan mo lang gawin ay makisama at hayaan mo ang tita na ‘to na imasahe ka.”Si Zetty ay bahagyang nagtaka. “Hindi ko kailangang uminom ng gamot?”“Hindi.”“Tito Jay, ito ba ay dahil ayaw mo nang gumastos ng pera sa ‘kin? Iyon ba ang dahilan kung bakit ayaw mo akong maturukan at uminom ng gamot? Mamamatay na ba ako?” Inosenteng tanong ni Zetty.Walang masabi si Jay.Hindi mapigilan ng physician na matawa. “Zetty, ang mga massage therapy ay mas mahal kaysa sa mga turok at gamot.”Alam ni Zetty na nagkamali siya ng intindi kay Jay. Kaya, nahihiya niyang sinabi, “Sorry, Tito Jay.”
Sinadya ni Angeline na patunugin ang posas, ngunit hindi siya narinig ng matandang babae. Nakatuon lamang ito sa pagkuha ng kaniyang pulso.Napagtanto ni Angeline na ang doktor na ito ay kumakampi sa mas masamang panig. Siya ay isang doktor na walang moralidad.Pagkatapos ay bigla siyang naging walang galang sa matandang babae. Sinadya niyang pahirapan ang matanda. “Doc, hindi ba’t madalas nilang kinukuha ang pulso sa kanang kamay? Bakit mo ginagamit ang kaliwang kamay mo?”Wala talaga siyang alam tungkol sa medisina. Sinasadya lang niyang magreklamo.Tumingin sa kaniya ang doktor at ngumiti. “Ang mga mata ng babaeng ito ay maliwanag at puno ng enerhiya. Hindi naman mukhang may sakit siya sa utak.”Tumingin nang masama si Angeline kay Jay.Ang mukha ni Jay ay parang isang yelo. Tumingin naman nang masama si Angeline kay Finn na nakatayo sa isang gilid.Mukhang ang dalawang ito ay nagsinungaling sa matandang babae, sinasabi na siya ay may sakit sa utak. Kaya pala hindi nag-react ang mat
“Tumigil ka na sa pagpapanggap. Alam kong hindi ka na pwedeng mabuntis.” Nilantad ni Jay ang pagpapanggap ni Angeline.Nagulat na tumingin sa kaniya si Angeline. Biglang naalala ni Angeline noong siya ay kinawawa ng mag-amang Bell, ang kaniyang uterus ay napinsala at nawalan siya ng kakayahan na magkaroon pa ng anak.“Eh… Bakit ako nagsusuka?” Si Angeline ay nalito.Tumingin si Jay sa seryosong mga mata ni Angeline, at naramdaman niya ang pagsikip ng kaniyang dibdib.Hindi naman mukhang nagsisinungaling ang babaeng ito.Nagpadala siya ng mensahe kay Finn. ‘Papuntahin mo rito ang obstetrician-gynecologist.’Patuloy na nasusuka si Angeline. Ngayon, siya ay nakahiga na lamang sa kama. Ang kaniyang mukha ay payat at maputla.“May cancer ba ako?“Intestine cancer?“Stomach cancer?”Nagsimula siyang mag-overthink.“Hindi, bakit parang parehas ‘to ng nararamdaman ko noong pinagbubuntis ko sina Jenson?”…Napakunot ang kilay ni Jay bago siya tumalikod at umalis.Pagkatapos ng ilang sandali, pu
Si Jay ay nagalit. “Angeline, walang hiya ka talaga.”Nabaliw na si Jay. Kinuha niya ang braso ni Angeline at hinila siya patungo sa kabilang kwarto.Si Angeline ay nalilito. Si Jay ay nasa isang wheelchair. Paano niya nagawang magkaroon ng ganoon katinding aura?“Bitawan mo ako.” Nagpumiglas si Angeline sa hawak ni Jay. Sa sumunod na segundo, ang kaniyang mga kamay ay naipit sa dulo ng kama.Pagalit na tumingin sa kaniya si Jay. “Kaninong anak ‘yan?”Nakita ni Angeline ang pagkabaliw sa mga mata ni Jay. Bigla siyang natawa. “Ginoong Ares, ‘wag mong sabihin sa ‘kin na nag-aalala ka pa rin sa ‘kin. Ano’ng dapat kong gawin? Ang dami-daming pwedeng maging ama ng batang ‘to.”Ninais siyang sakalin ni Jay hanggang kamatayan. Gayunpaman, naalala niya na ang leeg ni Angeline ay sensitibo. Noong naisip niya kung paanong nagsusuka kanina si Angeline, lumambot ang kaniyang puso.Hindi niya kayang gawin iyon kay Angeline.Binawi niya ang kaniyang kamay. “Angeline, parang gusto mo atang maparusaha
Sinabi ni Angeline, “Ginoong Ares, maikli lang ang buhay at kailangan mong maging mabuti sa anumang oras. Ayaw ko nang magpanggap pa para sa mga bata.”Kapag mas bumibitaw si Angeline, mas nababaliw si Jay.Bigla niyang nilapitan si Angeline nang may agresibong itsura sa kaniyang mukha. Ang malaki niyang kamay ay humawak sa lalamunan ni Angeline. “Kung gusto mo talagang maging malaya, magpakamatay ka na lang.”Ang kamay ni Jay ay nasa leeg ni Angeline, nagsasanhi sa babae na makaramdam ng pagkahilo. Pagkatapos no’n, hindi na niya ito matiis pa. Nasuka siya sa puting damit ni Jay.Tumingin si Angeline sa dumi sa kwelyo ni Jay at napagtanto na siya ay nasa isang malaking gulo.Siya lang ang nakakaalam kung gaano ka-obsessed si Jay sa kalinisan.“Angeline Severe, ang kapal ng mukha mo?” Sigaw ni Jay.Noong nakita ni Angeline ang gulo, muli siyang nahilo.“Umalis ka sa harap ko!”Bago pa man makaalis si Jay, napasuka muli sa kaniya si Angeline.Ang itsura ni Jay ay para bang sumuko na siya
Tumingin si Angeline kay Jay na nasa sulok ng kwarto mula sa sulok ng kaniyang mga mata. Nakita niya ang walang emosyon na mga mata ni Jay at nagsimulang magrebelyo.Kung siya ay nakikisama sa ibang mga lalaki at wala pa ring pakialam si Jay, dapat na niyang tigilan ang lahat ng pantasya niya tungkol kay Jay.Mahinang tinanong ni Angeline si Gordon, “Alam mo ba kung paano humalik?”Tumingin si Gordon sa mapulang mga labi ni Angeline at nagkaroon ng pandidiri sa kaniyang mukha. “Binibini, hinihiling ko lang naman sa ‘yo na magpanggap na kasintahan ko. Hindi mo naman kailangang gawin ang lahat.”Sinabi ni Angeline. “Pekeng halik. Alam mo ba kung paano?”Napatingin si Gordon kung saan nakatingin si Angeline. “Para ba sa kaniya?”Tumango si Angeline.Napabuntong-hininga si Gordon sa ginhawa. “Sige.”Pagkatapos no’n, hinawakan nila ang isa’t isa. Ginamit ni Gordon ang kaniyang kamay upang takpan ang kaniyang mga labi, ngunit mula sa direksyon ni Jay, silang dalawa ay mukhang naghahalikan.B
Malamig na sinabi ni Jay, “Hindi mo kailangang mag-alala sa Grand Asia.”Walang maisagot na pambai si Sean kay Jay. Nababalisa niyang sinabi, “Sige, Master Ares, magsaya ka muna d’yan.” Pagkatapos no’n, naglakad siya palayo nang nalulugmok.Tumingin si Angeline kay Jay. Ang lalaking ito ay isang bisita, ngunit pinahiya niya ang host ng party. Nagawa pa rin niyang manatili at samsamin nang walang inaalala ang kaniyang wine.Hindi na ito matiis pa ni Angeline. Pinaalalahanan niya si Jay at sinabi, “Ginoong Ares, ‘wag mong kalimutan. Kailangan mong magtira ng dignidad para sa ibang tao para hindi nakakailang kapag nagkita ulit kayo sa susunod.”Tumingala si Jay upang tumingin kay Angeline. Mayroong bakas ng lungkot sa mga mata ni Angeline na hindi niya nagawang matago. Alam ni Jay na nag-aalala sa kaniya si Angeline.Sinabi ni Jay, “Hindi naman na kami magkikita sa susunod. Kaya, syempre, hindi ko kailangang magtira ng dignidad para sa kaniya.”Alam ni Angeline na hindi makatwiran si Jay.
Iyon ay isang party upang i-celebrate ang isang buwan ng pagkabuhay ng anak ni Sean.Naalala ni Angeline na si Sean ay isang dating kaibigan na nakipagtulungan sa kaniya dati. Walang dahilan para sa kaniya na hindi magbigay kay Sean ng regalo.Marahil ay pwede siyang makipagtulungan ulit kay Sean.Tulad ng kadalasan, pagkatapos magbihis ni Angeline, nagmaneho siya patungong Imperial Capital mula sa Swallow City.Ang party ng mga Bell ay nangyari sa isang five-star hotel.Noong pumasok si Angeline sa hall, agad niyang inakit ang atensyon ng lahat.Siya ay isang magandang babae, at nagpaganda pa siya para sa okasyon na ito.Siya ay may suot na backless lace dress na pinapakita ang perpekto niyang katawan. Mayroong dugo sa pula niyang “Ginoo.”Sa isang sulok, si Jay ay nakikipag-usap kay Sean noong biglan silang inistorbo ni Finn.Tumingin nang masama si Jay kay Finn. “Tumahimik ka nga.”Sinenyasan siya ni Finn gamit ang kaniyang mga mata upang sabihin sa kaniya na tumingin sa pintuan.T
Gumapang siya papalapit kay Jay at tinulungan ang lalaki sa kaniyang mga damit.Nakita ni Jay na ang mga kamay ni Angeline ay lubos na nanginginig. Halata naman na siya ay kinakabahan at natatakot.Agad na naglaho ang masamang binabalak niya kay Angeline. “Angeline, sa tingin mo ba ay dapat lang na ibenta ang katawan mo para sa kumpanya mo?”Si Angeline ay natuliro. Sinabi niya, “Wala nang pera ang kumpanya at higit pa sa isang daang mga empleyado ng Severe Enterprises ang mawawalan ng trabaho. At saka, wala akong pera para bayaran ang mga utang namain. Kapag nangyari ‘yon, kamatayan ko na lang ang makakapagbayad sa mga pagkakamali ko.”Biglang kinuha ni Jay ang braso ni Angeline. “Ano’ng sinabi mo?”Bayaran ang kaniyang mga pagkakamali gamit ang kaniyang kamatayan? Hindi siya nagpakahirap para kay Angeline para lang patayin niya ang kaniyang sarili.Matapang na tumingin si Angeline sa galit na mga mata ni Jay. “Ginoong Ares, ambisyoso ka at ayaw bigyan ang ibang mga kumpanya ng pagkak
Hindi siya nakakuha ng anumang resulta pagkatapos humingi ng tulong sa labas, kaya narito siya ngayon at bumalik kay Jay. Wala siyang ibang magagawa.Tulirong tumingin si Angeline kay Jay. Marahil ay mas nangingibabaw na ang itsura niya ngayon dahil siya ay lasing na.“Jay Ares, sabihin mo sa ‘kin. Ano ang dapat kong gawin para pagbigyan mo na ang Severe Enterprises?”“Ganito ka ba magmakaawa?” Haha, ang lakas naman ng loob ng babaeng ito na tawagin siya sa buo niyang pangalan? Sino ang nagbigay sa kaniya ng lakas ng loob na gawin ito?Umayos ng tindig si Angeline. Tumayo siya sa harap ni Jay na parang isang estudyante na may nagawang mali.Ganito siya tumayo sa tuwing may nagagawa siyang mali noong siya ay bata pa. Ngayon, siya ay nakatayo sa ganitong posisyon dahil lang sa nakasanayan.“Kung papayag ka na pakawalan ang Severe Enterprises, pwede mong kuhain ang buhay ko kung gusto mo.” Matigas na sabi ni Angeline.Nanigas ang mukha ni Jay. “Bakit ko kakailanganin ang buhay mo?”Gusto