"Ate Janine, nariyan ho si Sir Patrick!""Ano?! Dalhin mo si Jace sa kwarto mo!" utos niya kay Duday na mabilis namang kinarga ang anak niya. Alas sais pa lang ng umaga at magbibihis pa lang dapat siya nang bigla silang nagkagulatan. Tinotoo ni Patrick na pupunta ito para isabay siya sa pagpasok. Niligpit niya ang lahat ng damit ni Jace sa kwarto na puwedeng makita ni Patrick. Wala naman itong karapatan na pumasok sa silid niya pero dahil arogante ito at masyadong mataas ang tingin sa sarili, hindi malabong basta basta na lang ito susulpot. Pupungas pungas tuloy anag anak niya na hinahanap siya. Samantalang si Patricia ang sarap pa rin ng tulog. Narinig niya ang pagsara ng kotse na ibig sabihin ay papasok na si Patrick sa bahay ng Mama niya. Maya maya ay ang boses naman ng Mama niya narinig niya.Napailing na lang siya sa pagiging magiliw ng ina kay Patrick. Ibinida pa nito ang niluto niyang omelette. Nagtungo siya sa cabinet para maghanap ng isusuot. Puro mini skirt na la
"Ma'am Janine, ipinapatawag ho kayo ni Sir Patrick sa opisina niya." Kaagad siyang tumango kay Lindsay. Alas dos na ng hapon at akahanda na ang listahan niya ng mga kliyenteng gusto niyang puntahan. Pagpasok niya sa opisina ni Patrick ay naroon ulit si Darius Romano. Hindi na siya makaatras. At alam niyang dadating din naman ang panahon na haharap siya sa matandang Romano para idepensa kung bakit hindi kailangang magsara ng shipping company."G-good afternoon, Mr. Romano..." pormal niyang bati sa matanda. Noon ay magiliw ang kaibigang ito ng Papa niya sa kanilang dalawa ni Jane. Ngayon ay halos ayaw siyang tingnan. "I am here to listen to your arguments," wika ng matanda na bumaling kay Patrick. "I only have..." Tumingin muna ito sa orasan. "Fifteen minutes.""Tulad ho ng sinabi ko, suhestyon ni Janine na maglagay ng bagong advertisement na magpapakilala ulit sa publiko kung sino si Romano Shipping Line, Papa," panimula ni Patrick. Nanginginig nang bahagya ang tuhod niya pero dahil
Kanina pa nakahiga si Janine sa kama niya pero tinatamad pa siyang bumangon. Alas siyete pa lang naman at alas diyes ang appointment niya sa TNS. Magkakaroon pa siya ng oras kay Jace na pakainin at paliguan ito na hindi nya nagagawa nitong mga nakaraang araw. Kagabi siya nagpuyat sa trabaho dahil gusto pa niyang mag-research sa marami pang kompanyang napabayaan na yatang serbisyuhan ng Romano Shipping Company. Alas dos na siya natulog dahil pati ang financial report ay kailangan niyang pag-aralan ulit.Puno ng pag-asa ang puso niya na maiaahon pa nila ni Patrick ang kompanya. Na-overwhelm pa nga siya sa dami ng ideyang pumapasok sa isip niya. Darius Romano doesn't trust her but Patrick does. Hindi niya alam kung bakit mahalaga iyon sa kanya. Malaking bagay na bawat suhestyon niya ay sinusuportahan ni Patrick. At gusto niyang patunayan ngayon kay Darius na hindi masasayang ang pagbibigay nila ng posisyon sa kanya bilang FInance Manager. Posisyon na hindi naman siya dapat huma
Sa isang mamahaling restaurant siya dinala ni Patrick. Tahimik lang siyang kumain habang ito ang panay ang salita nang salita."Do you want steak? Seafood?""Anything. Hindi naman ako maarte sa pagkain.""Masarap ang T-Bone nila dito at 'yung salad." Hindi na siya sumalungat nang um-order ito sa waiter. Maya maya pa ay nag-serve na ang mga ito ng red wine."Cheers to a job well done. Sinabi ko na kay Papa ang magandang balita at natutuwa siyang maganda ang resulta ng pakikipag-usap mo sa TNS.""Yes, I did my best to win them back. But I am curious, ano ang naging alitan niyo ni Harvey para umatras sila sa partnership sa atin?""Those were the times I found out that Jane was pregnant again with her second child. Palaging mainit ang ulo ko noon. May mga demands sila na hindi ko nagustuhan," paliwanag nito."How about this time? Paano kung may demands ulit sila na hindi mo magustuhan? Magagalit ka na naman at babalewalain mo ang lahat ng efforts ko na bumalik sila sa kompanya?""No," der
Mahirap kumawala sa mga bisig ni Patrick lalo na't para siyang kandilang nauupos doon. At mahirap itanggi ang damdamin niya lalo na't may alak ang katawan niya ngayon. Para siyang lalong nalalasing sa paglalaro ni Patrick sa pagkababae niya."Oh, f'ck. I want you now, Janine." Hinubad nito ang sariling polo at tumambad sa mga mata niya ang matipuno nitong dibdib. Hindi pa ganito ang katawan ni Patrick noong huli niya itong nakatalik. At ngayon ay dumagdag lang sa dibdib niya ang paghanga sa pisikal nitong anyo."I-i'm...d-drunk..."Itinaas ni Patrick ang mukha niya. Gusto man niyang salubungin ang mata nito ay hindi niya magawa. Lumunok siya habang nakatingin sa dibdib nito. Dinala naman ni Patrick doon ang kamay niya."Touch me. You can touch me in any way you wanted.""H-hindi ako m-marunong," pagtanggi niya. Sinisikap pa rin niyang labanan ang pagnanasang nararamdaman niya."What? I understand you were innocent when I first took you. You were a virgin. Pero nakailang boyfriend ka n
Pigil ni Patrick ang hininga sa bawat paglandas ng kamay niya sa katawan ni Jane. All of a sudden, flashbacks poured into his thoughts. Ilang gabi niyang ninamnam sa panaginip ang pinagsaluhan nila ni Janine noon na ibang-iba sa kung paano sila ni Jane. Never did he confuse himself who is who. Isang kurap lang ng mata niya ay kilala niya kung sino si Jane at kung sino si Janine. At ngayon ay maliwanag na rin kung sino ang pumupuno ng pagnanasa sa katawan niya.It was never Jane. It was, it is, and it will always be Janine.Kahit noong hindi pa niya alam na si Janine ang nakatalik niya nang dalawang beses, iba na ang pakiramdam niya nang si Jane ang nakatalik niya. It was completely different. Ni hindi siya nakaramdam ng kasiyahan kay Jane kung hindi lang nasa isip niya na iyon ang asawa niya. Ilang gabi man niyang naangkin ang babaeng pinakasalan, alam niyang hinahanap niya ang kasiyahang naramdaman niya noong si Janine ang kaulayaw niya.At ngayon ay malalasap niya ulit ang ganoong s
Hindi makaidlip si Janine kahit anong pilit niya. Alas kwatro pa lang ng hapon at si Patrick ay nasa balkonahe na tila nagtatrabaho dahil nasa ibabaw ng mesa ang laptop nito. Gustong-gusto niya nang umuwi. Makakalaro sana niya ang anak kapag ganitong maaga siyang natapos sa trabaho. Bukas ay sa Speedy Courier naman ang punta niya na kailangan din niyang puntahan.Sayang ang inilalagi niya sa condo ni Patrick na wala namang ibang gusto kung hindi ang gamitin siya kapalit ni Jane. Hindi nga siguro niya maitatanggi ang damdamin niya kay Patrick, pero maliwanag pa sa sikat ng araw na hindi siya dapat narito.Ramdam niya kaagad ang masakit na katawan nang pinilit niyang bumangon. Dahan-dahan lang ang hakbang niya nang hindi siya makagawa ng ingay. Pagdating sa banyo ay kaagad siyang naghilamos at naglinis ng katawan. Kailangang makauwi siya sa bahay ng Mama niya kahit alas sais ng gabi."I told you to rest. Bakit nagmamdali kang umuwi?"Kumabog ang dibdib niya nang marinig ang boses ni Pat
"Tumawag sa 'kin si Attorney. Ipinapaayos mo daw ang annulment niyo ni Jane?"Itinigil niya ang ginagawa para harapin ang Papa niya. Tinawagan niya kagabi ang abogado para ipa-annul na ang kasal nila ng babaeng pinakasalan niya. Napagdesisyunan niya iyon matapos niyang ihatid si Janine at ma-miss hindi pa man siya nakalalayo sa bahay ng biyenan niya. He wanted her. Hindi iyon dahil lang sa pangangailangan ng katawan. He wanted to be with her in his entire lifetime.Gusto niyang aminin na umiibig siya kay Janine. Pero saka na siya magsasabi sa Mama't Papa niya kapag maayos na ang kalagayan ng kompanya at naiproseso na rin ang annulment nila ni Jane. It will take time. But he will make sure it will come true."Gusto ko nang ayusin ang buhay ko, Papa.""That's great news! Finally, you've come to your senses. Napakarami diyang babae na higit pa ang katangian kay Jane.""Matutuwa na si Mama," pabiro niyang wika."Pero hindi siya natutuwa na pinagbigyan pa kita ng isang taon para ipagpatulo
Pagkagaling ni Patrick sa silid ng kapatid na si Dianne ay kaagad siyang dinaluhan sa kama. Balak sana niya itong tulugan kung sakaling magtagal ito sa silid ng kapatid. "I told you, no one's gonna sleep tonight." "Dalawang gabi na akong walang maayos na tulog mula nang hindi ka magparamdam habang nasa Cebu ka kuno. How can you be so inconsiderate?" Umupo siya sa kama at ikinulong sa mga hita niya si Patrick na nakadapa naman sa kandungan niya."I want to fulfill your honeymoon dream, wife. It took me years to give it but I promise to make it up to you.""Nakalimutan ko na nga 'yun, naalala mo pa.""Palagi kong inaalala ang nakaraan. Gusto kong alalahanin kung nasulyapan man lang ba kita noon. You were so shy and always sitting in the corner of your house. Pero naalala ko noon na kapag nagtatama ang mata natin, palagi kang nagbababa ng tingin.""You had a crush on Jane back then.""Because she was jolly and she loves attention. Kaya napansin ko siya. You were your twin sister's exact
"Where's Papa?" tanong pa ni Jace nang maalala ang ama na wala sa kabilang side nito. Napahugot tuloy si Patrick sa kamay na nasa ilalim ng unan."I'm here, baby. But it is time for you to sleep because we will be out on the beach early morning. Okay?""I want you here." Inilapat nito ang kamay sa kabilang side ng higaan."Now that Mama and Papa is married, I need to sleep beside Mama once in a while.""Kay..." Muli namang pumikit ang anak nila na hindi na nagtanong pa. Bumalik sa pwesto ang kamay ni Patrick at hinintay na pumikit na si Jace.Hindi na pinakawalan ni Patrick ang mga labi niya habang nakapatong ang kamay nito sa ibabaw ng kamison niya. Habang lumalalalim ang halik nito'y dumidiin din ang pagmasahe nito sa dibdib niya. Nang mainip ay ipinasok nito ang kamay sa ilalim ng kamison niya. "G-gising pa ang anak mo," bulong niya kay Patrick. "Stay still..." Hindi naman niya magawang hindi umayon ang katawan. Nang pisilin nito ang n'pple niya ay napahawak siya sa hita ng asawa
Nasunod nga ang gusto ni Janine na intimate wedding. Pamilya lang nila ni Patrick ang naroon, ilang pares ng ninong at ninang, at mga malalapit lag na kaibigan. Wala pang isandaang miyembro ang nasa wedding venue. At nagaganap ang kasal nila habang nagbubukang-liwayway. Walang pagsidlan ang tuwa sa dibdib niya. Higit para sa sarili niya, nakita niya kung paanong masayang-masaya si Jace dahil kasama nila ang totoo nitong ama. Maayos nang muli ang relasyon sa pagitan ng pamilya Edejer at Romano. Si Jace ang naging tulay para lumambot muli ang puso ng Mama't Papa ni Patrick sa pamilya nila. She and Patrick also helped restore that bond that faded when Jane cheated on Patrick.Pagkatapos ng kasal ay mamamalagi pa sila ng ilang araw sa Hacienda Luna kung saan puwede silang maglibot sa malawak na manggahan at bakahan doon. Puwede rin silang mamasyal sa palibot ng isla gamit ang yate ng resort. "I hope I made you happy, love... This isn't the wedding I first planned. Pero alam kong ito an
Pag-akyat nila sa suite ay muli niyang tinawagan si Patrick sa telepono. Hindi pa rin ito sumasagot kaya't tinawagan niyang muli ang Mama't Papa nito."Hindi ugali ni Patrick ang hindi sumasagot sa telepono, Papa. Puwede bang tawagan ang hotel na tinutuluyan niya ngayon?""We're going there now. Do you like to come with us?""Now? In Singapore?""Yes. You can bring Jace with you. Siguradong gusto rin niyang makita ang Papa niya.""P-paano? May flight bang---""Ang chopper ng Albano Hotel ang gagamitin natin patungong airport. Tatawagan ko ang kaibigan kong si Zane nang ma-assist kayo kaagad."Hindi pa lumilipas ang limang minuto ay may tawag na siyang natanggap sa receptionist ma may susundo sa kanilang mag-ina. Ilang sandali ulit ang lumipas, ang staff ng hotel naman ang nasa labas ng pinto ng suite.Panay ang tanong ni Jace kung saan sila pupunta pero hindi niya masagot. Ang tanging sinasabi niya lang ay makikita nito ang ama pagkatapos. At kahit ipinasundo na silang mag-ina sa chop
"Mama, where's Papa?" tanong ni Jace nang dalawang araw na ay wala pa rin si Patrick sa bahay ng mga magulang nito. Dalawang araw daw ang conference nito sa Singapore kaya't ilang araw nang hindi nagkikita ang mag-ama. Hindi pa siya pumapasok sa opisina dahil sinabi ni Patrick na dalawang linggo muna siyang sulitin ang oras sa anak bago sumabak sa trabaho.Hindi naman siya tumanggi dahil gusto rin niyang bigyan ng atensyon si Jace. At mula nang magkaayos sila ni Patrick ay lalo niyang nakita ang sigla sa mga mata ng anak niya. Ganoon pala 'yun. Iba pa rin ang kontribusyon ng isang ama sa mga anak. Bagama't kontento naman si Jace noon kahit silang dalawa lang ang palaging magkasama, may dagdag saya sa puso ng anak ngayong nakakasama rin nito ang ama.At pagdating sa pag-aalaga kay Jace ay wala siyang maipipintas kay Patrick. Hindi lang kay Jace. Sinisikap rin nitong maging ama kay Patricia dahil siya na ang kinilalang ama ng anak ni Jane. And speaking of Jane, nasa Hong Kong naman ito
"Then, admit that you love me. We will get married and we'll spend a honeymoon in Europe as I had planned. Kapag hindi ko narinig 'yang 'I love you' mo, uunahin ko talaga 'yang honeymoon natin.""Bakit lagi mo akong dinadaan sa pananakot?" Hindi na siya kumawala nang ikulong siya sa mga bisig ni Patrick. "Because it worked the first time I did?" natatawa nitong sagot. "Ah ganun...""I was just kidding. And I'm sorry. Defense mechanism ko lang 'yun dahil hindi ko alam tanggapin ang rejection na galing sa 'yo. I've failed in my first attempt to find my true love I don't want it to happen again to us. I want you to be my forever, Miss Janine Edejer.""Sige, pero sa isang kundisyon.""Ang babaeng mahilig sa kundisyon," natawa nitong sabi. "Gumaganti lang naman ako sa 'yo ah...""Okay, whatever it is.""Are you sure?""Wala naman akong magagawa kung 'yun ang gusto mo.""I want a simple wedding. No lavish celebration. Just you and me and our immediate families.""Why? Hindi mo ba gustong
Nakatulog na si Jace pero si Janine ay hindi pa. Nang bumangon si Patrick ay bumangon din siya para lumabas sa silid. Gusto niyang panindigan na naiinis siya. Hindi pa rin niya matanggap na siya pa ang umuwi imbes na si Patrick ang sumundo sa kanya sa Canada."Halika nga. Saan ka na naman pupunta?" Hinila ni Patrick ang kamay niya patungo sa balkonahe. "Matutulog na 'ko." Pilit siyang kumakawala pero nakayakap ito nang mahigpit sa katawan niya kasama ang dalawa niyang braso. "Kanina pa 'ko nanggigigil sa 'yo sa garden. Where's my kiss?""Kiss my ass...""Kiss your ass, really?""What do you want, Patrick? Nandiyan na ang anak mo, hindi ko naman ipinagkait sa 'yo.""I want you.""I'm not the girl I used to be." Hindi niya alam kung bakit siya nalulungkot. Kahit kanina pa ipinagdidiinan ni Patrick ang damdamin nito sa kanya, parang may kulang pa rin."What do you mean? Nabawasan na ang pagmamahal mo sa 'kin?""Hindi sa ganun...""I love you. I want to make things right for us. Kung an
"Are you sure you want to sleep here?" muling tanong ni Patrick kay Janine. Hindi siya sumasagot. Gusto pa niyang magmatigas dahil naiinis pa rin siya sa hindi nito pagsunod sa Canada kung totoong mahal pala siya nito. Kung noon ay nakuha siya ni Patrick nang mabilisan, ngayon ay pahihirapan talaga niya ito."I had no choice. Para na kaming hinostage dito eh," tila angal niya kay Patrick."Ikaw naman ang pinaka-maswerteng hinostage," sagot nito. "Ako ang alipin mo. Kahit anong iutos mo susundin ko.""Susundin?! Sabi ko ngang iuwi mo kami sa bahay ni Mama ayaw mo naman. Anong gagawin namin ni Jace dito?""Anong gagawin? Bukas pupunta tayo sa opisina para palitan mo si Jane sa posisyon niya.""Paanong maging maswerteng hostage ako kung isasalang mo din ako kaagad sa trabaho?""Ikaw ang maysabing gusto mo ng gagawin.""I want to visit my mother. And my friends.""Sige, saan mo pa gustong pumunta? I will go with you.""No! Ako na lang at si Jace," agad naman niyang tanggi."May nakita ka
"Kailan ba dadating? Baka naman araw na ng kasal ko wala pa akong engagement ring? I need to propose right away, Ivy." Hindi niya inaasahan na uuwi kaagad si Janine. Ang plano niya ay pupuntahan niya ito sa Canada para doon mag-propose at pauwiin ito sa Pilipinas. Dalawang buwan pa ang dating ng singsing na in-order niya kay Ivy Burman. Manggagaling pa kasi ang dyamante nito mula aa United Kingdom.Kampante naman siya na babalik si Janine sa Pilipinas. Ang sabi ni Jane ay nakipaghiwalay na ito kay Davis bago pa umalis sa Pilipinas ang dalawa. At bagama't may mga naiwan pang investment doon si Janine, desidido na daw itong umuwi na lang sa Pilipinas dahil hinahanap siya ng anak niya.Bagay na hanggang ngayon ay hindi niya mapaniwalaan. Sa sandaling panahon na nagkakilala sila ni Jace ay nagkaroon kaagad siya ng puwang sa puso ng anak niya."Nandito na nga 'yun sa susunod na araw. I will call you as soon as it arrives.""I hope so. Thank you, Mrs. Burman. Give my regards to Wael." Matap