Share

Chapter One

Author: Jane Vauclain
last update Last Updated: 2021-09-02 16:09:25

Tracy

LABAG man sa loob ko ay ginawa ko ito.

Ano na nga lang bang meron ako kundi ang pamilya ko. Patay na ang mga magulang ko kaya ang mga Cysco na lang ang talagang maituturing kong malapit na pamilya sa akin.

Pulis ang Tatay ko at siya Oscario Martinez. Ang nanay ko naman ay si Anastacia Cysco, siya iyong klase ng mayaman na babae na nagkagusto sa isang ordinaryong lalaking gaya ng Tatay ko, parang istorya lang sa isang novella hindi ba? Pero hindi gaya ng ibang kwento na nababasa sa mga novella hindi naging ganun kaganda ang pagsasama nila.

Sabi ni Tatay hindi sanay ang Nanay ko sa klase ng pamumuhay na kaya niyang ibigay hanggang sa isang araw bumalik si Nanay sa mga Cysco, pinili niyang isama ako pero hindi pumayag si Tatay. Mayaman sila Nanay pero nagawa ni Tatay na itakas ako sa isang malayong probinsiya, simula nun lagi na kaming palipat-lipat ng ibang lugar.

Hindi ko masasabi na naging masamang Ama sa akin si Tatay pero alam ko nagkulang siya. Habang lumalaki ako hinahanap ko rin naman ang kalinga ng isang ina hanggang sa nagising na lang ako isang araw na hindi ko na maaring maramdaman yun, sinabi nila na namatay sa isang aksidente si Nanay at ng malaman namin iyon ay sobrang nagsisi si Tatay, nakita ko kung paano siya nagdusa dahil nabulag siya ng galit niya kay Nanay at dun pa lang pinatawad ko na siya, alam ko na hindi niya rin naman ginusto yung nangyari kay Nanay.

Araw-araw nakikita ko yung lungkot sa mukha ni Tatay at dun siya nagdesisyon na hindi na dapat siya maging makasarili, inisip ko na bakit pa? Huli na rin naman ang lahat dahil wala na ang Nanay pero ngayon nalaman ko na. Alam niya kasi na mawawala na rin siya at ayaw niyang mag-isa ako.

Kaya ito ako ngayon, kailangang patunayan ang sarili ko sa pamilyang hindi ko alam kung tatanggapin ba ako, sinisisi nila ang Tatay sa nangyari sa Nanay ko at kahit papano ay nakakaramdam ako ng ilang sa kanila dahil alam kong iniisip nila, na magkadugo kami ng Tatay ko at lumaki ako sa kanya kaya hindi rin nila ako pinagkakatiwalaan masyado. Ang hirap nung makisama ka sa kanila na puno ng tensyon at kaba pero saan ba ako lulugar? Wala naman akong mapagpipilian kundi dito.

Hindi pa ako tapos sa kolehiyo at kaka-eighteen ko pa lang kaya hindi wise na desisyon na magsarili ako sa buhay dahil hindi ko rin naman kakayanin at isa pa baka sabihin lang nila na masyado akong ma-pride kaya ang ginagawa ko na lang, utos nila sunod ko. Bago namatay si Tatay ako na rin naman ang nagpa-paaral sa sarili ko sa paraan ng pagwo-working student.

Mahirap din magworking student dahil minsan talaga kalaban ko ang antok pero kinakaya ko para sa kinabukasan ko. Yung kinikita ni Tatay noon ay tama lang para sa pang araw-araw hanggang nga sa mamatay siya at huminto ako sa pag-aaral.

Naalala ko si Lola Trinidad nung araw na sinundo niya ako pagkalibing kay Tatay. Isa rin siguro sa dahilan kaya naiilang ako sa kanila ay yung pagtanggi ko noon na sumama sa kanila bago ako pumasok sa kolehiyo. Sinabi nila sa akin na sumama na sa kanila pero mas pinili ko si Tatay, parang nasaktan ko rin sila pero hindi ko naman kasi kaya kalimutan si Tatay at iwan para lang sa mas marangyang buhay. Dahil nga sa galit sila kay Tatay ay ganun ang gusto nila noon, na mawalan na ako ng komunikasyon sa kanya.

Isang buwan pa lang ako rito sa mga Cysco at masasabi ko na punong-puno pa rin ako ng pagkailang. Nasa proseso na ako ng pagpapabago ng apelyido, kahit na sabihin ko man na ayokong gawin nila iyon, tingin ko mas masasaling ko lang ang pride nila. Gusto nila na Trinity Anastacia Cysco lang at hindi karugtong ang Martinez. Isinunod ang pangalan ko sa Lola at Mama ko, minsan pakiramdam ko rin na binubuhay nila si Nanay sa akin sa pagtawag nila ng Ana sa akin, yun kasi ang palayaw ni nanay, isa rin pala iyon sa kailangan kong baguhin, dapat Mommy o Mama ang itatawag ko pag patungkol sa Nanay ko. Hindi nila gusto ang tunog ng Nanay at ayaw din nilang may mga nababanggit akong kwento tungkol kay Tatay kaya madalas tahimik na lang ako.

Tracy Martinez. Napangiti ako habang binabasa ang pangalan na nakalagay sa resumé ko, ito naman talaga ang pangalan ko, noon pa man Tracy na ang tawag sa akin.

"Ms. Martinez?" napalingon ako sa tumawag sa akin. "You're next."

Tumango ako at pumasok na sa kwarto kung saan ako hinatid nung babaeng tumawag sa akin kanina. "Anong pangalan?" sigang tanong sa akin ng isang lalaki, teka babae? Masyado kasing maganda para sa isang lalaki ang itsura ng taong nasa harap ko ngayon.

"Miss pangalan?" tinaasan niya ako ng kilay, hanggang ngayon inaalisa ko pa rin ang itsura niya. Ito ba talaga ang nagi-interview kasi kung oo, alam ko na ngayon kung bakit parang kilig na kilig yung mga babaeng lumalabas kanina kahit pa sinabi nilang hindi sila tanggap. "Naga-apply ka ba o isa kang artist na planong i-drawing ang bawat detalye ng mukha ko?"

"Huh?" parang namalignong tanong ko. Napailing siya at tumawa.

"Resumé mo amin na," sabi niya at agad hinablot yung nasa kamay ko sabay tinignan.

"Hmm, Tracy Martinez," binasa niya yung laman nun at tumingin sa akin sabay nagbigay ng makahulugang ngiti. "Tanggap ka na."

"Ha?" Ganun kabilis? Ni hindi pa nga niya ako tinanong ng kahit ano maliban sa pangalan ko.

"Nakikita ko naman na maganda ang records mo at nagtrabaho ka sa Cysco Corporation. Actually rival company namin sila pero alam ko naman na pwede mo kaming matulungan hindi ba?" nagbigay ulit siya nung ngiti at titig na hindi ko mahulaan kung ano bang ibig sabihin.

"Neon!" napalingon ako sa likod ko. "Siraulo ko trabaho ng HR pati ba naman yan kinukuha mong loko-loko ka!"

"Kuya Ivan?" gulat na sabi nung kausap ko kanina lang, magkamukha silang dalawa kaya lang mas matapang ng konti yung kilay nung tinawag na Ivan, dun ko narealize na sila yung kambal na Ivan at Neon Simonne. Hinila siya nito pero bago yun ay nagsalita siya. "Guess what? May secretary na si Kuya Gael," tawa-tawang sabi niya.

Tumingin sa akin yung lalaking tinawag nila na Ivan at bumalik dun sa Neon. "Gago ka talaga! Alam mo bang nagtatrabaho ng matino ang mga tao dito tapos ginugulo mo!"

"Tinanggap ko na siya, hindi niyo pwedeng bawiin yun!" tumawa-tawa ulit ito at nakita ko ng batukan nung kapatid niya. "Puros ka kalokohan!" halos umusok na yung ilong nung isa pero puros ngisi lang naman yung Neon.

Nakita ko na pumasok ang isang lalaking mala-anghel sa pagkamaamo ang mukha, walang iba kundi si Gabriel Simonne. "Anong gulo ito? Anong ginagawa niyong dalawa rito?" mahinahong sita niya sa dalawa.

"Itong si Neon puros kalokohan na naman, tumanggap ng secretary para sayo. Hindi nga natin alam kung na-interview niya ng maayos," kung magsalita itong isa parang wala ako sa harap nila.

Tumingin sa akin yung Gael. "Pasensya na pero okay lang ba kung ako na mismo mag-interview sayo?" tumango ako.

Lumingon siya dun sa dalawa. "Kayong dalawa, underage pa kayo para rito."

"Mage-eighteen na rin naman kami!" sigaw nung Neon.

"Mage-eighteen pero hindi pa," itinulak niya yung dalawa palabas ng pinto. "Magtino kayo, lalo ka na Neon!"

Mas matanda pala ako ng ilang buwan dun sa kambal. Wala naman kasing masyadong impormasyon akong alam sa kanila dahil nga sabi ni Marc, mag-focus ako roon sa tatlo kaya nga ngayon ko lang din nakita yung dalawa. Sabi ni Marc kahit sikat ang mga Simonne ay kokonti lang ang kilala sila sa mukha dahil nga sa nangyari sa mga magulang nung kambal ay masyado na silang naging pribado sa mga buhay nila, marami kang mababasa sa kanila sa mga society pages magazine pero mga pictures nung mga magulang lang nila Gabriel at Jared Yael Simonne ang makikita mo.

Ang alam ko limang taon yung agwat namin nung Jared Simonne at magka-edad si Gabriel Simonne at Caleb na parehas nasa twenty ang edad, kung iisipin ang bata pa nila at dalawang taon lang ang tanda sa akin pero dahil dala nila ang mga apelyidong yun mas mataas na ang antas nila sa lipunan.

"Congratulations Ms. Martinez,"iInilahad niya ang kamay sa akin matapos ang interview, lihim akong napangiti. "Kailangan mong mag-stay-in sa hotel ng Isla Simonne, alam mo naman yun hindi ba?"

Tumango ako, isa ito sa napaliwanag na ni Marc sa akin. "But don't worry hindi gaya rito sa magulong siyudad ng Makati mas tahimik doon at magandang magtrabaho, at hindi naman ganun kabigat ang magiging trabaho mo roon maliban na lang pag maraming tourist, alam mo na naman. Kasama sa pagiging secretary mo pa sa akin meron ding mga benefits at priveleges yun so I hope you do your job well."

"I will Sir," napangiti ako.

"WE should celebrate Ana," napalingon ako kay Marc na nagsasalin ng champagne sa dalawang champagne glass sabay abot sa akin ng isa doon. "I told you, matatanggap ka ng walang kahirap-hirap hindi ba?"

Tumango na lang ako at ngumiti. "One more thing Ana, kailangan din nating linisin ang pangalan ng Mama mo."

Napayuko ako, ayokong marinig at pag-usapan pa ang bagay na ito sa ngayon pero dahil nabanggit na rin niya, tama na lang na ngayon na namin isipin ang susunod na gagawin.

Tama si Marc. Hindi ako papayag sa bagay na ito kung wala din akong makukuha pero higit pa ang pera sa dahilan noon, higit pa ang pagtanggap ng mga Cysco.

"You know your mom is not capable of being a mistress. They got it all twisted, pinalabas nila na naging kabit si Tita Ana ng isang Conrado Simonne," Nilagok niya yung laman nung champagne at nakita ko ang pagtangis ng bagang niya. "We know better Ana, madumi maglaro ang mga Simonne, gagawin nila lahat para magpagtakpan yung mga baho ng pamilya nila kaya nga hindi ako nagtataka na nakidnap dati yung kambal na Ivan at Neon at namatayan ng mga magulang dahil sigurado akong maraming galit sa kanila. Alam kong ginagawa mo rin ito para sa Mama mo, kaya alam ko kung nasaan man siya ngayon, she is proud of you."

Napangiti ako sa sinabi niya. Tama, ito ang dapat kong gawin, ang linisin ang pangalan niya na dinumihan nila. Sinasabi ng iba na nagsimula ang rivalry ng mga Cysco at Simonne dahil ang Cysco ang may kasalanan, sinusubukan daw nilang pantayan kung ano ang meron ang mga Simonne pero hindi nila alam higit pa doon yun.

Nung mga panahon na pinahahanap ako ni Nanay nakilala niya ang isang Conrado Simonne. Ayon sa mga kwento na kumalat ay inakit ng Nanay ko si Conrado at naging dahilan ng pagtatanan ng dalawa na sa huli ay nauwi sa isang car accident pero bilang anak hindi ako naniniwala na ganun yun, sabi nila Lola na ang totoong nangyari ay nagkakilala silang dalawa. Ang sinabi daw ni Conrado sa Nanay ko ay hiwalay na sila ng asawa niya  at tutulungan siya sa pagpapahanap sa akin pero hindi pa rin daw gusto ni Nanay si Conrado dahil kaibigan lang ang tingin niya rito, pero nung tumagal lagi na daw umuuwi si Nanay na may pasa at nalaman nila sa sulat nito bago ito umalis at maaksidente na ginahasa ito ni Conrado at tinakot na sasaktan kami pag hindi sumama si Nanay, mas mayaman ang pamilyang kinabibilangan nito kaya pumayag si Nanay sa kagustuhan nito.

Naiintindihan ko kung bakit sila galit sa mga Simonne at sa Tatay ko dahil pakiramdam nila ito ang mga dahilan kaya nawala sa kanila si Nanay. Hindi ko magawang magalit sa Tatay ko pero kay Conrado at dun sa pinalabas nila tungkol kay Nanay, hindi ko alam, kaya siguro kahit alam kong mali ang ginagawa ko ngayon na pagpayag sa mga plano ni Marc ay ginawa ko pa rin.

"May isang anak si Conrado dun sa asawa niya, sa tingin ko kung mas mapapalapit ka sa kanya mas marami tayong malalaman pero sa ngayon maayos na rin na yan ang posisyon mo. Isipin muna natin ang kumpanya at pag lumago na tayo gaya ng sa kanila o higit pa kaya na natin silang labanan."

Tinapik niya ang balikat ko, "Matagal-tagal na proseso ito Ana pero magagawan natin ng paraan. Makukuha natin ang tamang panahon para sa atin."

Tinignan ko ang larawan ng anak ni Conrado.

"Balang-araw magkakakilala rin tayo... Caleb Simonne."

Related chapters

  • Simonne Series 3: Amnesia For Love   Chapter Two

    Caleb..."JAYnakita mo na ba yung mga designs na pinakita ko sayo?" tanong ko sa pinsan ko sa phone."I'll check it later Caleb, sorry I'm kind of busy these past few days, na-approve na yung isa sa proposal ko kay Papa pero alam mo na pag na-approve kailangan ko na agad asikasuhin, kaya salamat na rin sa tulong mo.""Of course, kahit kailan.""So how's New York?""Fun.""Hmmm, fun?""Yeah," biglang pumasok yung kaibigan ko."Hey Vinny look what I got!" Excited niyang sabi at pinakita yung kulay pink dress na nakalagay sa isang paperbag, siya yung room mate ko na si Christy, well his name is really Christian pero gaya ko, he's gay. Sumenyas ako na tumahimik siya saglit at ginawa naman niya."Who was that?" Narinig kong sabi ni Jay."Oh no one, sa kabilang room yata yun, alam mo naman kasi itong inuupahan ko.""Bakit kasi nagtitiis ka sa ganyang lugar? You know you ca

    Last Updated : 2021-09-02
  • Simonne Series 3: Amnesia For Love   Chapter Three

    Tracy...BREATHEin, breathe out. Ilang beses kong ginawa yan bago kumatok sa pintuan nung Hotel Suite ni Mr. Caleb Simonne. Inasahan ko ng magkikita kami pero hindi ko inexpect na agad-agad, nanlaki ang mata ko pagkabukas ng pinto. Isang taong pulang-pula ang buhok ang nakatayo sa harap ko.Nakita ko na siya dati pero bakit nandito siya, "Ahm...""Ikaw yung?" Napangiti siya sabay turo sa akin, "So hindi ka natanggal?" Nakita ko ang pagngiti niya. Umiling ako."Si Caleb ba ang ipinunta mo?" Tanong niya kaya tumango naman ako, "Ganyan ka ba talaga? Parang walang boses?"Tumikhim ako at yumuko bilang paggalang, "Pasensya na po, nandito po ako ngayon kasi

    Last Updated : 2021-09-02
  • Simonne Series 3: Amnesia For Love   Chapter Four

    Caleb..PUMUNTAako kasama si Tracy sa Tagaytay para bisitahin ang pamilya ko doon, ang mga Criebo.Pagkarating pa lang ay sinalubong na ako ng Lolo at Lola ko, matagal ko rin silang hindi nakita kaya alam kong sobra nila akong namiss, nagpahanda sila ng makakain at ginusto pa nga na dun na ako magpalipas ng gabi, inakala din nila girlfriend ko si Tracy. Natutuwa ako na makita ulit sila pero hindi ko sinabi yung katotohanan tungkol sa sarili ko dahil na rin sa matanda na sila at tingin ko ay hindi na rin naman nila kailangang malaman pa."Pasensya ka na kung napagkamalan ka nilang girlfriend ko." Sabi ko kay Tracy habang nasa kotse na kami at nagmamaneho ako pauwi ng Makati."Okay lang po Sir, ganun nama

    Last Updated : 2021-09-02
  • Simonne Series 3: Amnesia For Love   Chapter Five

    Caleb...Isaw Ivan and Neon at the lobby of Hotel Simonne. They looked tense. Doon pa lang alam ko ng may mali pero bakit sa Hotel Simonne pa namin kailangang magkita-kita."What happened guys? Is this about business?" Tanong ko sa kanila ng makalapit na ako."No Caleb, pumunta na lang tayo dun." Hinila ako ni Ivan papasok ng elevator at kasama na rin si Tracy, umakyat kami sa 20th floor ng Hotel at pumasok sa isang kwarto. Nakita ko si Gael doon na kasama si Jay at iilan pang lalaki. Jay was talking to those men.Umupo ako sa tabi ni Gael na parang hindi pa napansin na nandun na ako kung hindi ko pa tinapik yung balikat niya, "Hey." Tumingin siya sa akin at nagbigay ng tipid na ngiti, "What's up?"

    Last Updated : 2021-09-04
  • Simonne Series 3: Amnesia For Love   Chapter Six

    5 years later...Tracy"CALEBsa tingin ko itong pagpapa-auction mo ng mga lalaki para maka-date front mo lang. Ang gusto mo naman yata talaga ay titigan sila habang pinagnanasaan mo." Natawa ako sa sinabi ko at tumingin sa kanya na nasa tabi ko habang pareho kaming nakatayo sa gilid ng backstage.Tumingin siya sakin at pinaningkitan ako ng mata sabay irap, "Whatever Trace. Kung gusto ko ang isa sa kanila matagal ko ng nakuha.""Paano mo naman nasabi?""I'm a Simonne. Marami akong pera at kung gugustuhin ko pwede kong isuhol yun sa kanila." Tumaas ang kilay niya sa sinabi, "Isa pa, napakagandang nilalang ko na kahit straight na lalaki nagkakagusto sa akin.""Turuuuy! Medyo humangin yata.""Alam mo Trace akala ko nung una kitang makilala ang tahimik mo, puros ka lang nga tango at iling sabi nga ni Neon tapos ngayon kung makapagsalita ka sa akin, you always judge me, na

    Last Updated : 2021-09-05
  • Simonne Series 3: Amnesia For Love   Chapter Seven

    Tracy...NAGISINGako dahil sa isang taong humahaplos sa buhok ko, napangiti ako, "Naiinggit ka na naman sa buhok ko Cal, bakit hindi mo kaya i-try ang magpaka-straight?""Ha?"Minulat ko ang kaliwang mata ko dahil ramdam kong inaantok pa rin ako, hinawakan ko yung malagintong kulot na buhok niya, "Sabi ko bakit hindi ka magpa-straight gaya ng sa mga pinsan mo?"Ngumiti lang siya, "Yung pagkakulot ko nakuha ko sa side ng mga Criebo, sa side ni Mommy. Mas gusto ko nang ganito ang buhok ko."Umiwas ako sa kanya at humikab. Hindi ko kayang matagal na malapit ako sa kanya lalo na't gising na siya dahil natatakot ako na baka malaman niya ang nasa isip ko atang nasa puso ko."Dito na pala tayo nakatulog dahil sa pagod. Gusto mo na bang mag breakfast tayo?" Tumango siya atsumunod sa akin patungo sakitchen. Naupo siya sa bar counter

    Last Updated : 2021-09-07
  • Simonne Series 3: Amnesia For Love   Chapter Eight

    Tracy..."HANGGANGngayon ba hindi mo pa rin nasasabi kay Caleb ang na mahal mo siya?" Napalingon ako kay Neon na biglang nagsalita sa likuran ko."Ssshh! Ano ka ba?!" Sumenyas ako sa kanya na 'wag maingay, "Baka marinig ka nung iba o ni Caleb. Anong ginagawa mo dito sa Simonne Clothing's designer's office?""Naisip ko lang dumalaw." Ngumiti siya, nakatingin lang ako sa pula niyang buhok na hanggang balikat na, "So ano na nga? Hindi mo pa nasabi sa pinsan ko na mahal mo siya?"Napairap ako sa kanya, "Pumunta ka lang yata dito para mang-intriga at maki-tsismis." Umupo siya sa sofa na malapit sa akin, "Hindi pa niya alam, tingin mo kung alam na niya nandito pa ako? Siguradong lalayuan na niya ako oras na malaman niya, alam mo naman kung ano si Caleb hindi ba?""I know, pero malay mo pag sinabi mo may magbago.""Kung may magbabago man, kami yun s

    Last Updated : 2021-09-08
  • Simonne Series 3: Amnesia For Love   Chapter Nine

    Tracy...MATAPOSang araw na iyon ay hindi ko na nagawang makipag-usap o tumingin man lang ng matino kay Caleb. It was my first kiss! Our first kiss!Kaya paano ko naman magagawang kausapin siya ng matino kung ganoon?"Trace." Nanlaki ang mga mata ko at napahigpit ang kapit ko sa mga folders na nasa kamay ko, "Trace, mag-usap naman tayo.""Ahm, kailangan na po itong mga papeles dun sa.. ano.. kailangan na po ni Miss Gretchen." Itinaas ko iyong folders na hindi pa rin lumilingon sa kanya, "Para ho magawa na para sa Simonne Clothings.""Trace kulang pa yan, hindi pa ako nakakapag-design ng maayos nitong mga nakaraang araw hindi ba?"

    Last Updated : 2021-09-09

Latest chapter

  • Simonne Series 3: Amnesia For Love   Epilogue

    Caleb... "I'Mglad Mr. Simonne na tinuloy-tuloy mo ang therapy kahit pa nga naalala mo na ang lahat." "Well Doc kayo na rin ang nagsabi na lacunar ang case ko, kahit na akala ko magaling ako hindi natin masasabi." Ngumiti ako. "Kaya nga may good news ako, sa mga recent tests na sinagawa namin lahat ay naging maayos ang kinalabasang resulta. I can finally say that you have completely recovered." "Thank you Doc." "GOODnews?" Huminga ako ng malalim at kunwari ay malungkot na umupo sa sofa, lumapit si Tracy sa akin at yumakap, "Okay lang naman, pwede mo pa namang ituloy yung therapy, gagaling ka rin, maniwala ka lang."

  • Simonne Series 3: Amnesia For Love   Chapter Thirty Three

    Tracy...NAKAUPOsi Caleb sa sofa habang nilalagyan ko ng pain relieving patch ang balikat niya na may pasa dahil na nga rin sa naging paghampas ng tungkod sa kanya ni Lolo Anastacio.Sumandal siya at ang sa bandang tiyan naman niya ang sunod na nilagyan ko, bahagya siyang napaigik sa nangyari kaya iniatras ko ang mga kamay ko at tumingin sa kanya, "Ayos ka lang ba? Baka kailangan ka ng dalhin sa ospital."Tumawa siya, "Ospital agad? Hindi ko naman ikamamatay ito.""Huwag ka ngang magbiro ng ganyan. Hindi mo alam kung anong nararamdaman ko pag nasasaktan ka, ilang beses ka na rin namang naisugod sa ospital at tuwing nangyayari iyon nag-aalala ako sa'yo."

  • Simonne Series 3: Amnesia For Love   Chapter Thirty Two

    Caleb...NARINIGko ang ringtone ng cellphone ko na may tumatawag, inaantok na pinatay ko iyon at inabot ng kamay ko ang katabing parte ng kama, nangunot ang noo ko ng wala akong mahawakan kaya't bahagya akong nagmulat ng mata. Wala si Tracy.Napabangon na ako at kinusot-kusot ang mata ko sabay napangiti sa sarili ko dahil naisip ko na siguro naghahanda na si Tracy ngayon ng agahan namin.Tinignan ko ang phone ko at nangunot ulit ang noo ko sa nakita.'10 messages? 3 missed calls?'Lahat ng iyon ay galing kay Neon.Binuksan ko iyon bawat isa, ang nakalagay sa pinakahuling message niya ay kung ayos lang ba kami at bakit hindi ko sinasagot ang tawag. Tinignan ko ang pinakaunang message niya.'Kuya Caleb hinahanap kayo ng mga Cysco, galing sila dito sa Hotel Simonne kanina at nagbanta na kung hindi natin ibabal

  • Simonne Series 3: Amnesia For Love   Chapter Thirty One

    Tracy...NAGISINGako at napatingin sa salamin ng kotse dahil gumagalaw ang paligid. Napabangon ako at napansin na may kumot ng nakatakip sa katawan ko, "Good morning love."Lumingon ako sa likod kung saan naroroon si Caleb at nagda-drive. Napangiti ako sa naging endearment niya, gaya iyon nung nasa isla kami."Good morning." Tumingin siya sa akin mula sa rearview mirror at ngumiti."How's your sleep?" Nagkibit-balikat ako habang nakangiti pa rin, "You look beautiful."Mas lumaki ang pagkakangiti ko at wala sa sariling hinawi ang buhok ko't nilagay sa likod ng tenga."Pero parang may kulang." Bigla akong napatingin sa kanya na ikinatawa niya.Ngumuso ako, "Ano na naman iyon?" Umiling siya habang nangingiti, sa inis ay ibinato ko sa kanya yung isang unan."Trace ano ba?! Nagda-drive ako!""Eh i

  • Simonne Series 3: Amnesia For Love   Chapter Thirty

    Tracy..."READYka na ba?" Napatingin ako kay Marc mula sa vanity mirror na nasa labas ko, "The party will start in a few seconds. Lalabas muna ako."Tumango ako at nagbigay ng pilit na ngiti. Nakatitig lang ako sa sarili ko sa salamin, kahit pa gaano kaganda ang nakikita kong naging ayos sa akin ay alam kong kitang-kita pa rin sa mga mata ko ang lungkot.Pagkatapos ng araw na ito ay magbabago na ang buhay ko, hindi na kami magkikita pa ni Caleb kahit kailan. Napatingin ako sa singsing na nasa kamay ko at hindi ko na napigilan ang pagpatak ng luha mula sa mata ko, he hates me, siguradong hindi na rin naman niya gugustuhing makita pa ako.Pwede na ring ma-annul ang kasal namin dahil naikasal siya sa akin habang wala siya sa tamang pag-iisip niya at wala naman akong karapatan pang tumutol kung sakaling magdesisyon nga siya na ipawalang bisa na iyon.

  • Simonne Series 3: Amnesia For Love   Chapter Twenty Nine

    Caleb..."WHAThappened Kuya Caleb?" Napatingin ako kay Neon ng bigla na lang siyang pumasok ng opisina ko ng hindi man lang kumakatok, "Ano na namang nangyari? Bakit wala si Trace? Malapit na yung event, kung may personal issues kayo pwede bang 'wag niyo na munang dalhin sa trabaho? Ngayon natin siya pinaka kailangan."Nagtagis ang bagang ko at matalim na tumingin kay Neon, "We don't need her, matutuloy ang event kahit wala siya dahil hindi naman siya kawalan, now leave, I'm busy."Nangunot ang noo niya, "Busy? Eh nakatulala ka nga lang diyan pagpasok ko, saka bakit ganyan ka magsalita? Si Tracy iyon Caleb, kaibigan mo.""Just stop.""Alam mo kung galit kayo sa isa't isa at nag-away na naman baka pwedeng isantabi niyo muna. Wait I'll call her.""I said stop!" Tumayo na ako at napasuntok sa lamesa, tumingin lang siya sa akin

  • Simonne Series 3: Amnesia For Love   Chapter Twenty Eight

    Caleb...NAGISINGako sa pakiramdam na parang may nakatitig sa akin. When I opened my eyes, I saw Tracy staring at me, "Good morning." Bati niya."Bakit nakatitig ka ng ganyan sa akin?" Inaantok pa na tanong ko."Dati kasi gumigising ako na kung hindi ako yung nakatitig sa'yo ay ikaw yung nakatitig sa akin." Hinaplos ng kamay niya ang mukha ko, "Saka gusto ko lang masiguro na hindi mo nakalimutan yung kagabi paggising mo o hindi kaya hindi iyon panaginip lang." Kinurot ko ang pisngi niya, "Aw! Bakit mo ginawa iyon?"Napahawak siya sa parte na kinurot ko, "Nasaktan ka ibig sabihin gising ka."Inirapan niya lang ako habang nangingiti.

  • Simonne Series 3: Amnesia For Love   Chapter Twenty Seven

    Caleb..."ANONGibig mong sabihin?" Nilapit ko ang mukha ko sa kanya. Our lips almost touching, "Caleb hindi ako nagbibiro.""Bakit ako nagbibiro ba?""Ay!" Kinarga ko siya kaya't napakapit siya sa leeg ko. Her legs wrapped around my hips, "Caleb!"Umupo ako sa kama at tinitigan ang dibdib niya, "You have nice breasts."Kahit pa madilim ay alam kong nahiya siya ng yumuko."Naiingit ka lang siguro."Natawa ako at yumuko para halikan ang kanan niyang dibdib.She sighed the moment my lips reached her ta

  • Simonne Series 3: Amnesia For Love   Chapter Twenty Six

    Caleb..."SAANka umuuwi these past few days? Nag-stay ka ba sa Hotel Simonne?" Tanong ko kay Tracy habang magkatabi kaming nakaupo sa loob ng isang convenience store. Dapat ay kasama namin sila Neon at Rain na magdi-dinner pero dahil sa sobrang lakas ng ulan at nagugutom na kami ay dito na lang kami nagpasyang kumain at sinabi naming hindi na kami makakasama."Sa condo ko." Sagot niya at kumagat sa hotdog sandwich na hawak, nag-iwas ako ng tingin at napalunok pero bumalik din ang mga mata ko sa kanya ng marealize ko ang sinabi niya."Condo mo? You have your own condo? Paanong hindi ko alam ito? Are you hiding something from me Trace?" Inis na tanong ko sa kanya. Hindi pa rin kasi talaga mawala-wala yung inis ko sa kanya.

DMCA.com Protection Status