Tracy...
MATAPOS ang araw na iyon ay hindi ko na nagawang makipag-usap o tumingin man lang ng matino kay Caleb. It was my first kiss! Our first kiss!
Kaya paano ko naman magagawang kausapin siya ng matino kung ganoon?
"Trace." Nanlaki ang mga mata ko at napahigpit ang kapit ko sa mga folders na nasa kamay ko, "Trace, mag-usap naman tayo."
"Ahm, kailangan na po itong mga papeles dun sa.. ano.. kailangan na po ni Miss Gretchen." Itinaas ko iyong folders na hindi pa rin lumilingon sa kanya, "Para ho magawa na para sa Simonne Clothings."
"Trace kulang pa yan, hindi pa ako nakakapag-design ng maayos nitong mga nakaraang araw hindi ba?"
Tracy...PAGKAUWIko ay agad kong ini-empake ang mga gamit ko at nilagay sa mga maleta at bag na meron ako, marami-rami na rin akong gamit dito na yung iba ay sa tingin ko hindi na magkakasya pa.Nagulat ako ng biglang magbukas ang pintuan ng kwarto ko at biglang pumasok si Caleb, "Anong ginagawa mo?""Packing." Matipid na sagot ko."Alam ko, ang ibig kong sabihin bakit ka nage-empake?"Humarap ako sa kanya at saglit na tumigil sa ginagawa ko, "Tinatanong mo talaga sa akin yan? Alam mo na kung bakit hindi ba?" Bumalik na ulit ako sa ginagawa ko."Stop that Trace." Hindi ako nakinig sa kanya at tinuloy
Tracy...DUMATINGang ibang kapamilya ni Caleb mula sa side ng mga Criebo at ang iba ding Simonne na hindi nakapunta nung isang araw, sabay-sabay naming hinihintay na magising si Caleb dahil 36 hours na ang lumipas pero wala pa ring nangyayari kaya nagsisimula na lahat kaming mag-alala. Lumipas ang anim na oras at lahat sila ay kinakausap na si Caleb na gumising, ang ilan sa amin ay nagdadasal na ng himala pero lumipas ang anim na oras pa at nag-deklara na ang Doctor na na stado na coma si Caleb.Umiyak ang mga magulang nila Sir Gael, Sir Jay at maging ang mga lolo at lola ni Caleb, lahat kami ay nalungkot pero kasama ng lungkot na nararamdaman ko ay ang pagsisi ko sa sarili ko dahil alam kong ako ang may kasalanan ng lahat.Ilang oras pa silang nanatili bago nagsabi si Sir Gael na kailangan na naming magpahinga at siya mun
Tracy...BUONGaraw lang akong nakaupo sa sofa habang nakabukas ang TV na hindi ko naman naiintindihan ang palabas, sa totoo lang ay hinihintay ko na mag-message sa akin si Neon na gumising na ulit si Caleb at ayos na talaga siya.Dumating ang gabi at nag-ring ang cellphone ko, agad kong sinagot ng makitang si Neon ang tumatawag."Neon?""Tracy, saan ka na? Nagising na ulit si Caleb."Napangiti ako sa sinabi niya, "T-Talaga?""O-Oo." Parang hindi sigurado ang boses niya ng sumagot."Eh bakit parang nag-aalala ka pa? Maayos na siya hindi ba?" Hindi siy
Tracy...PATULOYlang akong naghintay sa labas ng pintuan pero maggagabi na ay hindi pa rin lumalabas si Caleb sa kwarto kaya't nagpasya akong magluto na muna at nang matapos ay saka ko kinatok muli ang pintuan niya."Caleb, kain na tayo." Walang sumagot, pinihit ko ang seradura ng pinto at bumukas iyon kaya pumasok na ako, nakaupo si Caleb sa kama at nakatitig lang sa kawalan, "Caleb."Lumingon siya sa akin pero halata sa mukha niya ang lungkot."Caleb, yung sinabi ko kanina, huwag mo na isipin iyon, I'm sorry, bati na tayo please?" Lumapit ako at umupo sa harapan niya, "Saka anong ginawa mo dito? Ang dilim pa ng kwarto, buksan mo kaya kahit itong lampshade." Yumuko ako para buksan yung ilaw sa tabi niy
Tracy...KUMAINkami sa isang restaurant matapos ang kasal, tahimik lang kami nila Neon habang nag-uusap ang judge pati na ang mga lolo at lola ni Caleb."This is my gift to the both of you." Iniabot ni Atty. Diaz ang isang box sa amin."Nag-abala pa po kayo." Nahihiya kong tinanggap iyon."Para ko na ring apo itong si Caleb dahil apo siya nitong si Calixto." Tinapik niya ang balikat ng lolo ni Caleb, "Matagal na kaming magkaibigan kaya pamilya na rin ang turingan namin." Pinunasan niya ang labi pagkatapos iyon at tumingin sa relong nasa kaliwang kamay at tumayo na, "Paano pa ba yan pare, may kailangan pa akong mga gawin, pasensya ka na.""Ayos lang iyon, sige na baka nakakaabala na kami ng sobra sa iyo." Nagkatawanan pa sila at umalis na si Atty. Diaz.Kinamayan niya kami bago umalis. Tahimik lang ulit
Tracy...PAGKADAONGng yate sa Isla Simonne ay inalalayan ako ni Caleb na bumaba, ang ibang mga gamit namin ay ipinalagay ni Ivan sa kwartong tutuluyan namin sa Hotel sa mga staffs."Sige enjoy kayo ah, pasensya na kayo hanggang dito ko lang kayo masasamahan, ayoko naman makaabala sa inyo at marami pa akong gagawin, enjoy the night, nakahanda na ang dinner niyo." Pagkasabi sa amin nun ni Ivan ay umalis na siya.Nakatingin lang si Caleb sa paligid, gabi na pero puno ng liwanag ang buong isla dahil sa mga ilaw."Kain na daw tayo, sigurado akong masarap yung pagkain dito lalo na yung seafoods." Ngumiti na ako at hinila ang kamay niya, hinatid kami ng isa sa mga staff sa isang parte ng isla kung saan mayroong lamesa sa gitna na napapaligaran ng ilaw at iba't ibang mga bulaklak.Napangiti ako ng makita ko ang mga seafoods na nasa isa pang la
Tracy...PABALIKna sana ako sa hotel room namin ng makasalubong ko ang isa sa mga naging kaibigan ko ng magtrabaho ako dito noon, si John na mas gusto magpatawag sa pangalang Joan."Joan!" Hindi siya lumingon sa akin, "John Ulgoton!"Dahil sa sinabi ko ang buo niyang pangalan ay nakuha ko ang atensyon niya, base sa suot niya ay mukha na siyang manager ng branch ng Love Pastries na ito."Tracy? Girl loka ka!" Tumakbo siya palapit sa akin, sa unang tingin ay mukha siyang lalaki, pati nga boses ay lalaki kung wala yung mga kulot sa pagsasalita niya, "Girl bakit ngayon ka lang bumalik? Ang tagal mong MIA dyusko ka!"Tumawa ako, "Hindi mo pa ako papansinin sana ah.""Kaloka ka, kung hindi mo ba naman ako tawagin sa buo kong pangalan.""Tinawag kitang Joan hindi ka lumingon." Tinuro ko ang mukha niya, "Dito ka pa rin pa
Tracy...BIGLAkong naitulak si Caleb at napabangon ako, kinabahan ako dahil pakiramdam ko na pag nagpatuloy na hayaan ko siyang halikan ako dito sa kama ay baka kung saan mapunta pa.Ngumiti ako sa kanya habang kinakabahan, "T-Tulog na tayo?"Tumitig siya sa akin at hindi ko na hinayaang may sabihin pa siya, tumalikod na ako at nagtalukbong ng kumot. Nang maramdaman kong yumakap siya sa akin ay hinawakan ko ang braso niya para hindi na niya maramdaman pa na nire-reject ko siya.Napasinghap ako ng magising na parang kinakapos ng hininga, nagmulat ako ng mata at nakita ko ang mukha ni Caleb na malapit sa akin saka ko lang na-realize na magkalapat ang dami naming dalawa. Napahawak ako sa balikat niya.Umatras siya at ngumiti, "Good morning."Humalik-halik siya sa labi ko, "G-Good..m-morning."Siniil niya ng halik ang
Caleb... "I'Mglad Mr. Simonne na tinuloy-tuloy mo ang therapy kahit pa nga naalala mo na ang lahat." "Well Doc kayo na rin ang nagsabi na lacunar ang case ko, kahit na akala ko magaling ako hindi natin masasabi." Ngumiti ako. "Kaya nga may good news ako, sa mga recent tests na sinagawa namin lahat ay naging maayos ang kinalabasang resulta. I can finally say that you have completely recovered." "Thank you Doc." "GOODnews?" Huminga ako ng malalim at kunwari ay malungkot na umupo sa sofa, lumapit si Tracy sa akin at yumakap, "Okay lang naman, pwede mo pa namang ituloy yung therapy, gagaling ka rin, maniwala ka lang."
Tracy...NAKAUPOsi Caleb sa sofa habang nilalagyan ko ng pain relieving patch ang balikat niya na may pasa dahil na nga rin sa naging paghampas ng tungkod sa kanya ni Lolo Anastacio.Sumandal siya at ang sa bandang tiyan naman niya ang sunod na nilagyan ko, bahagya siyang napaigik sa nangyari kaya iniatras ko ang mga kamay ko at tumingin sa kanya, "Ayos ka lang ba? Baka kailangan ka ng dalhin sa ospital."Tumawa siya, "Ospital agad? Hindi ko naman ikamamatay ito.""Huwag ka ngang magbiro ng ganyan. Hindi mo alam kung anong nararamdaman ko pag nasasaktan ka, ilang beses ka na rin namang naisugod sa ospital at tuwing nangyayari iyon nag-aalala ako sa'yo."
Caleb...NARINIGko ang ringtone ng cellphone ko na may tumatawag, inaantok na pinatay ko iyon at inabot ng kamay ko ang katabing parte ng kama, nangunot ang noo ko ng wala akong mahawakan kaya't bahagya akong nagmulat ng mata. Wala si Tracy.Napabangon na ako at kinusot-kusot ang mata ko sabay napangiti sa sarili ko dahil naisip ko na siguro naghahanda na si Tracy ngayon ng agahan namin.Tinignan ko ang phone ko at nangunot ulit ang noo ko sa nakita.'10 messages? 3 missed calls?'Lahat ng iyon ay galing kay Neon.Binuksan ko iyon bawat isa, ang nakalagay sa pinakahuling message niya ay kung ayos lang ba kami at bakit hindi ko sinasagot ang tawag. Tinignan ko ang pinakaunang message niya.'Kuya Caleb hinahanap kayo ng mga Cysco, galing sila dito sa Hotel Simonne kanina at nagbanta na kung hindi natin ibabal
Tracy...NAGISINGako at napatingin sa salamin ng kotse dahil gumagalaw ang paligid. Napabangon ako at napansin na may kumot ng nakatakip sa katawan ko, "Good morning love."Lumingon ako sa likod kung saan naroroon si Caleb at nagda-drive. Napangiti ako sa naging endearment niya, gaya iyon nung nasa isla kami."Good morning." Tumingin siya sa akin mula sa rearview mirror at ngumiti."How's your sleep?" Nagkibit-balikat ako habang nakangiti pa rin, "You look beautiful."Mas lumaki ang pagkakangiti ko at wala sa sariling hinawi ang buhok ko't nilagay sa likod ng tenga."Pero parang may kulang." Bigla akong napatingin sa kanya na ikinatawa niya.Ngumuso ako, "Ano na naman iyon?" Umiling siya habang nangingiti, sa inis ay ibinato ko sa kanya yung isang unan."Trace ano ba?! Nagda-drive ako!""Eh i
Tracy..."READYka na ba?" Napatingin ako kay Marc mula sa vanity mirror na nasa labas ko, "The party will start in a few seconds. Lalabas muna ako."Tumango ako at nagbigay ng pilit na ngiti. Nakatitig lang ako sa sarili ko sa salamin, kahit pa gaano kaganda ang nakikita kong naging ayos sa akin ay alam kong kitang-kita pa rin sa mga mata ko ang lungkot.Pagkatapos ng araw na ito ay magbabago na ang buhay ko, hindi na kami magkikita pa ni Caleb kahit kailan. Napatingin ako sa singsing na nasa kamay ko at hindi ko na napigilan ang pagpatak ng luha mula sa mata ko, he hates me, siguradong hindi na rin naman niya gugustuhing makita pa ako.Pwede na ring ma-annul ang kasal namin dahil naikasal siya sa akin habang wala siya sa tamang pag-iisip niya at wala naman akong karapatan pang tumutol kung sakaling magdesisyon nga siya na ipawalang bisa na iyon.
Caleb..."WHAThappened Kuya Caleb?" Napatingin ako kay Neon ng bigla na lang siyang pumasok ng opisina ko ng hindi man lang kumakatok, "Ano na namang nangyari? Bakit wala si Trace? Malapit na yung event, kung may personal issues kayo pwede bang 'wag niyo na munang dalhin sa trabaho? Ngayon natin siya pinaka kailangan."Nagtagis ang bagang ko at matalim na tumingin kay Neon, "We don't need her, matutuloy ang event kahit wala siya dahil hindi naman siya kawalan, now leave, I'm busy."Nangunot ang noo niya, "Busy? Eh nakatulala ka nga lang diyan pagpasok ko, saka bakit ganyan ka magsalita? Si Tracy iyon Caleb, kaibigan mo.""Just stop.""Alam mo kung galit kayo sa isa't isa at nag-away na naman baka pwedeng isantabi niyo muna. Wait I'll call her.""I said stop!" Tumayo na ako at napasuntok sa lamesa, tumingin lang siya sa akin
Caleb...NAGISINGako sa pakiramdam na parang may nakatitig sa akin. When I opened my eyes, I saw Tracy staring at me, "Good morning." Bati niya."Bakit nakatitig ka ng ganyan sa akin?" Inaantok pa na tanong ko."Dati kasi gumigising ako na kung hindi ako yung nakatitig sa'yo ay ikaw yung nakatitig sa akin." Hinaplos ng kamay niya ang mukha ko, "Saka gusto ko lang masiguro na hindi mo nakalimutan yung kagabi paggising mo o hindi kaya hindi iyon panaginip lang." Kinurot ko ang pisngi niya, "Aw! Bakit mo ginawa iyon?"Napahawak siya sa parte na kinurot ko, "Nasaktan ka ibig sabihin gising ka."Inirapan niya lang ako habang nangingiti.
Caleb..."ANONGibig mong sabihin?" Nilapit ko ang mukha ko sa kanya. Our lips almost touching, "Caleb hindi ako nagbibiro.""Bakit ako nagbibiro ba?""Ay!" Kinarga ko siya kaya't napakapit siya sa leeg ko. Her legs wrapped around my hips, "Caleb!"Umupo ako sa kama at tinitigan ang dibdib niya, "You have nice breasts."Kahit pa madilim ay alam kong nahiya siya ng yumuko."Naiingit ka lang siguro."Natawa ako at yumuko para halikan ang kanan niyang dibdib.She sighed the moment my lips reached her ta
Caleb..."SAANka umuuwi these past few days? Nag-stay ka ba sa Hotel Simonne?" Tanong ko kay Tracy habang magkatabi kaming nakaupo sa loob ng isang convenience store. Dapat ay kasama namin sila Neon at Rain na magdi-dinner pero dahil sa sobrang lakas ng ulan at nagugutom na kami ay dito na lang kami nagpasyang kumain at sinabi naming hindi na kami makakasama."Sa condo ko." Sagot niya at kumagat sa hotdog sandwich na hawak, nag-iwas ako ng tingin at napalunok pero bumalik din ang mga mata ko sa kanya ng marealize ko ang sinabi niya."Condo mo? You have your own condo? Paanong hindi ko alam ito? Are you hiding something from me Trace?" Inis na tanong ko sa kanya. Hindi pa rin kasi talaga mawala-wala yung inis ko sa kanya.