Max's POVNakatanga ako ngayon dito sa dining table. Umagang umaga ay nagkakape ako. May trabaho na ako. Pero hindi ko naman alam kung ano magiging trabaho ko dahil yung HR na daw ang bahalang magpaliwanag sa akin sabi ni Chase. Siya ang boss di ba? Bakit di na lang niya sabihin ng derecho? Pero magiging mapili pa ba ako? Mas importante sa akin ang lupang ibebenta nito sa akin and exclusively mine ito. This is the biggest opportunity na pumasok sa akin at sobrang ganda ng pwesto doon. It was perfect. Reasonable na rin ang price na 50 million dahil malaki talaga ang lugar doon and city proper as well. Makati lang naman dapat siguro na sa hundred yun pero binigay lang ng ganoong price.Ngayong araw ako magsisimula. Sabi ni Chase, ay pwede naman daw akong magsuot ng kahit ano kasi wala naman daw uniform sa kompanya but usually ang alam ko dito ay nakacorporate attire ang mga ito pero sabi na nga ng big boss di ba? I can wear anything I like so pwede ang usual na pormahan ko.Naligo na ak
Max's POVI was just informed that I will be the new assistant of Chase. Napapataas lang talaga ang kilay ko, from business owner to assistant. Pero may karapatan pa ba akong magreklamo? I am only doing this for the sake of my business.Nandito pa rin ako hanggang ngayon sa HR department dahil nagbebrieffing si Mr. Fausto yung nag-interview sa akin kanina na nireject na ako at binawi pa. Ngayon naman ay para itong tuta na tila takot sa akin or to be exact he is being nice to me because he is afraid of something."Miss Lopez, your job will be accompanying the CEO to every appointments he has and doing minor errands." Saad nito sa akin.Napakunot naman ang noo ko. Minor errands? Bakit minor lang? Assistant ako di ba?"Are you sure?" Naitanong ko rito. "I mean, are you sure that is only my job?"He shrugged. "This is the message from the higher management Miss Lopez. This is the indication of your job and Our CEO has already two assistant and they do work differently. Our CEO has that bi
Max's POVI wore my most comfortable get up dahil hindi ako komportable na magsuot ng corporate uniform. At hindi naman ako briniefing kung may dress code at mga bawal na damit.I drove myself going to FCR tower at ipinark ko ang aking sasakyan sa bakanteng parking lot doon at agad na pumanhik ako sa entrance. Pero hinarang ako ng guard."Ma'am, pasensya na po hindi pwede ang damit niyo dito sa building. May dress code po, bawal po tattered at tshirt ma'am." Saad ni Manong guard sa akin.Tiningnan ko naman siya na parang di makapaniwala. Hindi ako ininform na may dress code pala! Sinabihan ako ng mismong amo nila na I can wear anything that I want! Ano to gaguhan lang?Tiningnan ko naman ang apelyido niya sa bandang kanan ng uniporme nito. "Eh Mang Calderon po, first day ko po ngayon tapos hindi naman ako sinabihan na bawal pala ito. Sabi lang sa akin, I can wear anything that I want kaya nga ito suot ko." Nagmakaawang saad ko rito. Mukhang mabait naman kasi si Manong Guard at ginagaw
Max's POVIlang minuto na ba akong pinagsisipat itong sarili ko? Di ko na mabilang. Maaga akong binulabog ni Kate dahil dala dala niya ang mga damit na pinamili niya at yung nakakagulat pa eh ang dami ng pinamili nito, isa lang naman ang kailangan ko. Siya pa mismo ang pumili pero. Pumalag pa nga ako dahil puro skirts ang pambaba, wala man lang slacks o kaya mahabang saya. Pero may magagawa pa ba ako, mahigpit na bilin yun ni Chase tapos wala na akong oras para mamili ulit.Isang kulay old rose ang coat at maikling pencil skirt na parang 4 inches above the knee ang ikli. Isang puting deep neckline naman na v-neck ang panloob na blouse. Puting pumps din ang itinerno ni Kate rito kaya nagmukha na ako ngayong barbie doll sa suot ko. Tss, pink?"Ang ganda mo na bestfriend!!!!" Tili naman ni Kate. "Pero nakaka-insecure ah, paanong mas maganda ka pa kesa sa akin?" Biglang naitanong nito sa akin."Ewan ko sayo Kate, dami mong alam." Satsat ko naman rito.One last time and I check myself agai
Max's POVNandito na kami ngayon sa harap ng building ng Dela Vega Group. We arrived at exactly 9am, bilis kasi magpatakbo ni Chase na akala mo siya ang may ari ng daan. Pumasok naman kami at agad kaming sinalubong ng mga personel roon. Halatang kilala doon si Chase. May mga napapahinto din doon na mga empleyado at napapatingin sa amin.Naramdaman ko na lang na bigla akong hinapit ni Chase hawak hawak ang bewang ko! Kaya napatingin ako rito with a clueless face! Bigla naman itong lumapit sa akin at may ibinulong."Let's not take the risk on you getting lost." Saad nito tsaka sabay na nginisihan ako.Aba itong gagong to. Ano akala niya sa akin mentally retard para maligaw? I am not a Yale Graduate for nothing! Tss. Pero hinayaan ko na lang siya. Wala na akong pakialam, kung ano man ang trip niya bahala siya.Agad naman kaming pumanhik sa private elevator at sinabayan kami ng secretary ng CEO ng Dela Vega Group. May edad na ito at mukhang mabait naman."Here are the files Max." Saad nam
Max's POVLagpas isang lingo na rin akong assistant ni Chase at buti naman ay malaya na akong nakakapasok sa building dahil nagbigay na ng instraksyon si Chase na papasukin ako kahit wala pa akong I.D o kahit ano pa ang suot ko. Mukhang nasagad ito dahil siya lagi yung kumakausap sa security para papasukin ako.Ngayong araw naman ang launching ng bagong modelo ng luxury car ng FCR. Kaya naging busy kaming lahat at halos nakabuntot ako kay Chase dahil ang dami nitong lakad. Ngayon naman ay papunta kami sa resort's world. Gabi kasi ang launching.Nagring naman ang cellphone nito kaya pinindot lang nito ang phone. Nakabluetooth device naman kasi siya."Yes?" Agad na sagot nito. "Okay, we're on our way......... Yes please tell them........ Nah, tell them to come.......... Of course there will be.......... Lots......... Okay see you there." Saad nito at naputol na ang tawag."The media is already over the place. This will be grand." Saad nito sa akin."That's good. I know this will be suc
Chase's POVKanina ko pa hinahanap si Max pero ni anino hindi ko nakita. I might be crazy but I am worried dahil baka kung ano na ang nangyari sa babaeng yun. Mas gugustuhin ko pa na sana busy ito sa kakatingin ng catalogue ng mga sasakyan ko. But I have no sight of her. Damn it!"Sir, the program is about to start." Saad sa akin ng event organizer.Tiim bagang akong tumango rito. Max, better to show up yourself, before I will use my private army to find you. Hindi ako nagbibiro, ipapahalughog ko talaga ang buong resorts world mahanap lang ito. She is not even answering her phone.I walked to the stage. Nagsimula na akong nagbigay ng speech at pasasalamat sa matindi at mainit na pagtanggap ng mga pinoy sa FCR Inc. Medyo naging mahaba din ang naging speech ko bago pa sinimulan ng emcee ang pagpapakilala sa mga naunang sasakyan.Inihawi ang nakatakip na silver cloth sa unang sasakyan. It was a yellow sports luxury car with a unique design. May babae din doon na nakadilaw and undeniably
Max's POVNaging matagumpay ang pagdadaos ng kauna-unahang launching ng FCR. May after party na naganap pero hindi na ako nag-aksayang umattend dahil pinauwi na ako ni Chase. Hindi ko alam kung bakit mainit ang ulo nito samantalang matagumpay naman ang launching ng mga sasakyan niya. Laking pasalamat ko lang din dahil ang araw na ito ay lingo. Ibig sabihin ay dayoff ko kaya pwedeng pwede ko na kalikutin magdamag ang kotse ko.Maaga naman akong nagising kaya nagkape at toasted bread lang ako dahil namimiss ko na ang pagkalikot ng kotse ko. Simula kasi ng nagtrabaho ako ay nawalan na ako ng oras para sa ganito. Ito talaga ang mahirap kung empleyado ka lang dahil hindi mo hawak oras mo at mawawalan ka rin ng time sa mga bagay na gusto mong gawin.Pumunta na ako sa garage dahil may garahe ako sa condo. Sadyang pinagawa ko ito at nagbayad pa ng pwesto para sa garahe. Ganun ako ka adik. Kasalukuyan naman akong nagbutinting ng biglang tumunog ang cellphone ko.Chrome Calling..... Yun ang nak
Selene's POVUmagang-umaga ay naglalakad na ako dito sa loob ng manggahan ng mga Montero. Kailangan ko kasing ihatid ang baon ni nanay na ngayon ay nasa manggahan din at tumutulong sa pag-aani. Oo natanggap si nanay sa mansyon ng mga Montero at dahil sa kakasimula pa lang ni nanay ay tumutulong muna siya sa manggahan pero pansamantala lang yun.Dito sa nilalakaran ko ay wala akong nakikitang mga tao. Lahat ng mga puno ng mangga dito ay tapos ng maani kaya sa kabilang bahagi ng Hacienda ang pupuntahan ko. Medyo malayo-layong lakaran yun at nakakahiya naman kung sasakay pa ako ng cart para sa personal na dahilan. Kaya mas pinili ko na lang na maglakad.Hindi naman gaanong mainit dahil marami naman ang lilim dito kaya okay na din sa akin. Sariwa din ang hangin kaya masarap sa pakiramdam ay hindi ako nakakaramdam ng pagod. Nakasuot lang ako ng isang manipis na pajama at isang t-shirt na may print ng Hello Kitty. Ipinangko ko rin ang aking buhok at bitbit ko ang basket kung saan laman ang
Halex's POVWe just got home from mounting climbing with my cousin Russel and staying in this small town that's own by my grandfather is giving me a headache. I don't want to stay in this small and boring country side of the Philippines. I still need to travel around the world and experience fun.I am Hephaestus Alexander Montero or famously known as Halex is as free as a bird. I don't want to be cage for something like this. This is what I fear when granddad is already demanding for me to take over the business.I was helping the business for years, but I don't stay long in one location. I get bored immediately and I am looking for something that will make me wanna stay in one place. Even I, I don't know what is that thing. Or I guess, that thing will never come.Last week, I was in Maryland to visit Natasha my longtime girlfriend and who's demanding marriage from me. She's already aware that I don't want to be tied with anyone else. Marriage is not my thing and I don't have any plan
Selene's POVNakatingin lang ako sa labas ng bintana dito sa sinasakyan namin bus palabas ng Maynila. Kanina pa kami nasa labas ng Maynila at hindi ko na alam kung saan na kami. Hindi ako pamilyar sa labas ng Maynila dahil ni minsan ay hindi ko pa nasubukan ang lumabas. Ni hindi ko nga alam ano ang itsura ng Laguna o kaya naman ng Bulacan.Basta ang nakikita ko lang ngayon ay isang two lanes na sementadong daan kasukalan na may mangilan-ngilan na mga bahay na gawa sa mga kawayan. Masasabi ko na isang probinsya na ang dinadaanan namin pero hindi ko alam kung ano ang tawag dito kaya napalingon ako kay nanay na nakatingin din pala sa labas ng bintana."Nay, anong lugar po ito?" Tanong ko sa kanya."Ito ang bayan ng San Isidro. Ito ang huling bayan na madadaanan natin bago tayo makakarating sa Tierra del Fuego." Sagot naman ni nanay sa akin.Napatangu-tango na lang ako kahit wala aking ideya kung saan banda ng luzon ang San Isidro. Pero sabi ni nanay ay huling bayan na madadaanan na daw n
Selene's POV"Ang kapal ng pagmumukha mong muchacha ka! Ang landi landi mo! Pagkatapos kitang patirahin sa pamamahay ko ay ito ang igaganti mo sa akin?!" Nangagalaiting sigaw ni Ma'am Florence sa nanay ko. Pilit niyang sinasaktan ang aking ina at wala itong ibang ginawa kundi ang salagin ang bawat atake ni Ma'am Florence."M-ma'am Florence, tama na po parang awa niyo na." Naiiyak na pakiusap ko sa kanya. Nakikita ko sa mga braso ni nanay ang mga bakas ng kalmot nito at may ibang parte na rin ng braso ang nagingitim dahil sa pasa. Magulo na din ang buhok ni nanay dahil sa pagkakasabunot nito kanina pa.Tumingin naman ng masama sa akin si ma'am Florence. "Tumahimik ka dahil hindi kita kinakausap! Alam mo ba ang ginawa ng nanay mo? Nilandi lang naman niya ang asawa ko!" Bumalik naman ang tingin ni ma'am florence kay nanay. "Hindi ka talaga nakontento no? Nagpabuntis ka na nga sa isang kano na nilayasan ka naman, ngayon naman ay ang asawa ko ang kakalantariin mo?! Higad ka talagang babae
Max's POVNauna na akong bumalik sa suite dito sa hotel kung saan idinaos ang venue ng aming kasal ni Chase. He was still stuck with his business partners na bumabati sa kanya kaya nauna na ako dahil inaantok na ako.Sa totoo lang, ngayon lang ako nakakita ng kasal na ang regalo ay puro cheke, mga vacation trip package, titulo ng bahay at lupa. Ganito ba talaga ang kasal ng mga mayayaman? Kasi yung nasanayan ko ay mga house wares yung mga regalo dahil kailangan yun ng mga bagong kasal. Hinubad ko na ang aking after wedding gown dahil gusto ko ng maligo at matulog. Pero pagkababa pa lang ng zipper ng gown ko ay bumukas naman ang pintuan at mabilis akong napapihit para tingnan kung sino yun.It was Chase, looking dazzling on his three piece suit. Agad na naglakad ito at niluwagan nito ang kurbatang suot suot. Alam ko na pagod na din siya pero hindi mo iyon makikita sa itsura niya."Akala ko matatagalan ka pa." Komento ko dahil hindi ko akalain na sumunod ito kaagad. Iniwan ba niya ang
Chase's POV"Babe, I need to go somewhere. I need to finish something. I'll be coming back late." I informed her after the fair was wrapped up. I need to move now while she's still not suspecting anything.She nodded. "Okay, I'll not wait for you. I'll sleep, just wake me up when you return." She answered while fixing her hair because of the strong wind.I smiled at her. She has this behavior that doesn't ask questions. Unlike with typical girlfriends, you will be bombarded with questions if you need to go somewhere. I am really a lucky one to find someone like her, in this world with 7 billion people. "Alright, I have to go ahead now babe. Love you and dream of me." And I kissed her. Thinking about not seeing her for hours, I am already missing her."Okay, ingat ka." She responded and sent her to the elevator.After I lost her from my sight I immediately called Adam."Did you already taken care of it?" I ask him with authority."Yes sir. The news already exploded but your identity w
Max's POVDumating na kami sa Sasa Wharf at wala pang gaanong tao at sasakyan na nakikita namin. Dumerecho lang kami at nagbayad na yung driver ng four hundred pesos para sa toll free at may nakita akong hindi naman kalakihan na mga barko pero hindi doon ang tungo namin. Dumerecho kami sa isang kulay puting yate na medyo maliit kesa sa mga regular na barko doon at mas higit na maganda ang itsura nito."Diyan tayo sasakay?" Agad na naitanong ko kay Chase. Wala akong ibang maisip kundi yun lang.Ngumiti naman sa akin si Chase na mas lalong ikinagwapo lang nito sa paningin ko. "Yes, babe. It's not mine though, but a friend of mine own this and he let me borrow it for the mean time while we are in Davao." Sagot naman nito sa akin.A friend. Sinong kaibigan naman nito? May kaibigan ito dito sa Davao?"Who's your friend?" Naitanong ko lang out of curiosity."Isabella. She was in the fair as well." Sagot naman ni Chase sa akin.Babae pala. Siya kaya yun nakita ko na sumalubong sa kanya sa un
Max's POVAgad na sumalubong sa amin ang mga nagkikispalang mga camera pero mabilis na humarang ang mga bodyguards ni Chase at ni Stephen para hindi kami makunan.Mahigpit akong hinawakan ni Chase at inilalayo sa mga kamay ng mga reporters na ngayon ay hindi magkamayaw sa pagtatanong pero ni isa ay walang sumagot sa kanila.Dere-derecho lang ang lakad namin papasok sa convention center at agad iyon isinarado ng mga bodyguards upang magsanhi ng gulo sa labas.Pero kahit nakaligtas na kami sa mga press sa labas ay hindi kami makakaligtas sa mga natitirang media sa loob ng convention center na ngayon ay nakaharap na sa amin at kinukunan kami ng mga litrato."Mr. Racinni, is it true that the feud between Ricinni and Buenaventura is because of a woman?" Tanong ng isa sa mga reporters."Mr. Racinni is it true that the woman is playing both of you and Mr. Buenaventura at the same time?" Tanong pa ng isa."Is it true that she's only after your wealth and fame?" At marami pang tanong na dumati
Max's POVNaalarma ako dahil sa talim ng tingin ni Chase kay Klein. Wag lang sana magsuntukan ang dalawa. Tumabi naman sa akin si Chase na ngayon ay pakiramdam ko ay inaakusahan niya ako sa pamamagitan ng kanyang mga mata."What is he doing here? I thought he's no longer in the Philippines?" Bulong ni Klein sa akin. He's aware with the things going on between me and Chase. Kaya nagtataka ito kung bakit nandito si Chase dahil ang huling sinabi ko sa kanya ay hiwalay na kami ni Chase dahil ayaw niya sa akin."It's a long story." Ganting bulong ko sa kanya pero nakarinig naman ako ng tikhim mula kina Stephen."Hello bro, I didn't know you're here." Naiilang na saad ni Klein kay Chase na hanggang ngayon ay tila susugod si Chase sa kung ano man away."Me too. If I know you're here, I won't let my girl go just by herself knowing there is wolf lurking around." Pasaring naman ni Chase.Gusto ko naman mapahilamos gamit ang mga palad ko. Why can't he act cool? Naghahamon ba siya ng away?Tila n