Max's POVMedyo tumagal din ang biyahe namin kaya ng makarating kami sa Mandaluyong ay alas kwatro na ng hapon at pumasok kaagad kami doon sa indoor basketball court. Nadatnan naman namin ang apat na lalaki doon. Dalawa lang sa kanila ang kilala ko. It was Taylor and Trey at bukod sa kanila ay hindi ko na kilala ang mga kasam nito."Man, what took you so long I thought you won't be coming." Saad naman ni Taylor na para bang pinaghintay ng mahabang panahon."You should blame the traffic man." Sagot naman ni Chase na nakakunot noo."No, you should have use your chopper instead." Nakangising saad ni Taylor at lumipat naman ang mga mata nito sa akin. "Idol!" Bati nito sa akin.Gusto ko naman taasan ito ng kilay. Idol? Ano ako artista? "Shut up Taylor." Ingos ko rito.Ngumisi naman ito at humagod pa ang tingin sa kabuoan ko pero agad naman itong binatukan ni Chase."Damn man! That hurts!" Reklamo naman ni Taylor na sapo pa nito ang ulo."Tss." Tanging sagot lang ni Chase."Stop being too o
Max's POVIlang araw din akong naging balisa dahil sa naisip ko noong nakaraang naglaro kami ni Chase. Yung totoo hanggang ngayon ay hindi ko matanggap ang isiping yun. Heck, the likes of him is definitely not my type, yung tipong sasaktan ka lang sa huli. Oo gwapo siya, yung tipong mapapatili ka pero, ayoko talaga at hindi ko nagugustuhan ang nararamdaman ko.Max, relax hindi mo siya gusto. Gusto mo lang siyang maging kaibigan. Tama. Tama. Hindi ito pagkakagusto tulad ng kinatatakutan ko. Gusto ko lang siya bilang isang kaibigan. Tama, kaya wala dapat akong ipag-alala."Max?" Biglang untag naman sa akin ni Chase. "Are you okay?" Tanong pa nito sa akin.Napakurap naman ako rito habang nakatingin. Hindi ko man lang siya napansin na nakatayo na pala siya sa harapan ko. Ganun na ba kalalim ang iniisip ko?"Why?" Kalmadong tanong ko. Ayokong ipahalata rito na biglang nawala ako sa sarili kanina."I've been calling you but you're not answering." Sagot naman nito.What the fuck. Ganun ba ak
Max's POVNapapalatak na lang ako dahil sa traffic. Hindi kami magkasabay ni Chase papunta sa Macapagal dahil sa forbes pa ito galing samatalang ako ay sa Makati. Medyo wala ako ngayon sa mood dahil kinulang ako sa oras sa pagkalikot sa sasakyan ko. Usually ay whole day ang proseso ko sa pagkalikot ng aking sasakyan pero ngayon ay half day lang dahil galing ako sa trabaho. Pina-uwi ako ni Chase after namin sa pagbisita sa isa sa mga factory ng mga sasakyan dahil nga sa gaganapin na karera namin.Tumunog naman ang cellphone ko at hindi ko na pinagkaabalahan na tingnan pa yun. Agad ko ng sinagot gamit ang bluetooth."Oh?" Agad na tanong ko."Cuz! Nandito kami ngayon sa Macapagal, baka gusto mong humabol." Agad na sagot ni Chrome sa kabilang linya.Napakunot noo naman ako rito. "And why you are there?""Haha! Balita ko kasi may gaganapin na karera dito mamaya, kaya marami ang manonood." Sagot naman nito.Teka, anong sinasabi ng ugok na to? May magkakarera? Ako ba at si Chase ang tinutuko
Max's POV"So, where do you want to spend your whole week with me?" Tanong nito sa akin at nakikita ko ang mapaglarong ngisi sa kanyang mga labi.Napahawak lamang ako sa batok ko at nagpakawala ng buntong hininga. "Do I really have to? Dude, we better spend our week in the office, working our ass off." Sagot ko sa kanya. I grabbed one of the files on his table at nakita ko naman na mga design yun ng sasakyan."That's too boring. We can go to French Polynesia or in Maldives....Bahamas is also a great option." Inisa-isa pa nito ang mga lugar na nagkataon naman na gusto ko. Siguro ay paborito din niya ang mga iyon.Ngumisi naman din ako. Maganda ang mga sinabi niya, pero masyadong malayo ang mga yun."Let's limit the choices inside the Philippines, Chase. I think spending a week in your factory is a nice option." Sagot ko at iginalaw ko ang dalawang kilay ko. It would be a great idea, kung doon ako.Umiling naman kaagad ito. "We'll go to Palawan."Napakunot naman ang noo ko. Ano naman an
Max's POVIpinarke ko na ang sasakyan ko sa loob ng garahe ng aming bahay. Nandoon na rin ang ibang sasakyan na kilala ko. Even my brother's car is already there as well.Lumabas na ako mula sa sasakyan at kinuha ko ang susi at isinabit yun sa may kawit ng pantalon ko. Ipinangko ko naman ang buhok ko bago pumasok ng bahay."Busy talaga doon, kumare. My son has been busy running our business at minsan wala na nga din siyang oras para magliwaliw." Rinig kong usapan mula sa sala.Hindi ko kilala ang boses na iyon, kaya napaisip ako kung sino ito."Ang sipag naman pala ni Klein and at the age of 30, he's already successful." Tuwang saad naman ni mama."Thank you tita." Dinig ko naman na sagot ng isang baritonong boses na sa palagay ko ay ang nagmamay-ari ay ang tinawag ni mama na Klein.Pumasok ako sa living room at hindi kaagad nila ako napansin dahil tahimik lang ang pagpasok ko.Nakita ko doon sina mama at papa at pati na din si kuya. May nakita naman din ako na isang babaeng halos kae
Max's POV"Ma! Anong ibig sabihin nun? Marriage?!" Pakiramdam ko ay nanlalaki ang ulo ko dahil sa gulat. One moment, I just went home to have a family dinner and before it was ended, I already have been betrothed?"Yes anak. Since you were a child napagkasunduan na namin ni Gracie na pagnagka-anak kami ng magkaibang genders, ipapakasal namin sa isa't-isa. It happened na lalaki ang naging anak niya at si Klein yun at kuya mo naman ang naging panganay. Akala namin ay hindi na yun matutupad, not until I conceived you." Paliwanag naman nito sa akin. Like my mother is saying I cannot say no to this shit.Pakiramdam ko ay nawalan ako ng karapatan sa sarili kong desisyon. They are deciding for my future! They did not even think if I like it or not."Inisip niyo rin ba ma kung gusto ko ito? I am not marrying Klein ma! We are living in the 20th century at nauuso pa sayo ang arranged marriage na yan—""Max, do not raise your voice. Remember, you are talking to our mother." Sita naman ni Kuya sa
Max's POVTinulungan ako ni Kate na mag-empake ng mga gamit ko. Mostly siya na ang nag-asikaso sa mga maleta ko dahil hindi ako masyadong magaling mag-empake. Hindi ako mahilig magtravel kaya hindi ko rin nakasanayan ang mag-empake.Naging mabilis ang oras at lingo na din. Mamayang hapon ang flight namin at doon na kami magkikita sa NAIA three dahil doon nakaparke ang private jet na sasakyan namin.Sumakay na lamang ako ng taxi patungo doon. Hindi na ako nag-abalang magdrive dahil hindi ko kayang iwan ang sasakyan ko sa parking lot ng NAIA kahit may bayad pa yun. One week din akong mawawala.As usual ay naging traffic pa rin ang biyahe ko patungong airport pero nakarating din naman ako. Agad naman na tumunog ang cellphone ko at tiningnan kung sino ang caller.It's Chase na ikinasikdo ng dibdib ko. I am trying to bury this feeling dahil hindi ito tama pero mas lalo lang lumala dahil sa sinabi ni Kate."Chase." Sagot ko."Where are you? I went to your condo, but you're not there." Agad
Max's POVHALOS lumuwa ang mga mata ko ng makita ko ang isla, mula sa bankang sinasakyan namin. This is a private boat from the resort na sumundo sa amin dahil hindi pwede ang private yacht na dumaong doon sa mismong isla.Malakristal sa linaw ang tubig at kitang kita ko ang mga coral reefs at mga isdang lumalangoy sa ilalim. Marami din doong mga cottage na nasa dagat mismo. The area seems like french Polynesia's philippines version.Agad na dumaong kami sa dock at agad na sinalubong kami ng mga staff ng resort and they even put garlands around our neck. Ganito ba talaga dito?"Wow, this place is amazing." Turan naman ni Trey ngayon at halatang nabighani sa ganda ng Cauayan Island Resort."They refer this place just perfect for our seminar. There's no disturbance here since it doesn't have a cellphone signal—""What?! Walang signal dito?" Naibulalas ko iyon kaya agad na hinugot ko ang cellphone ko at fuck, wala ngang signal! How come, a very high end resort such as this doesn't have a
Selene's POVUmagang-umaga ay naglalakad na ako dito sa loob ng manggahan ng mga Montero. Kailangan ko kasing ihatid ang baon ni nanay na ngayon ay nasa manggahan din at tumutulong sa pag-aani. Oo natanggap si nanay sa mansyon ng mga Montero at dahil sa kakasimula pa lang ni nanay ay tumutulong muna siya sa manggahan pero pansamantala lang yun.Dito sa nilalakaran ko ay wala akong nakikitang mga tao. Lahat ng mga puno ng mangga dito ay tapos ng maani kaya sa kabilang bahagi ng Hacienda ang pupuntahan ko. Medyo malayo-layong lakaran yun at nakakahiya naman kung sasakay pa ako ng cart para sa personal na dahilan. Kaya mas pinili ko na lang na maglakad.Hindi naman gaanong mainit dahil marami naman ang lilim dito kaya okay na din sa akin. Sariwa din ang hangin kaya masarap sa pakiramdam ay hindi ako nakakaramdam ng pagod. Nakasuot lang ako ng isang manipis na pajama at isang t-shirt na may print ng Hello Kitty. Ipinangko ko rin ang aking buhok at bitbit ko ang basket kung saan laman ang
Halex's POVWe just got home from mounting climbing with my cousin Russel and staying in this small town that's own by my grandfather is giving me a headache. I don't want to stay in this small and boring country side of the Philippines. I still need to travel around the world and experience fun.I am Hephaestus Alexander Montero or famously known as Halex is as free as a bird. I don't want to be cage for something like this. This is what I fear when granddad is already demanding for me to take over the business.I was helping the business for years, but I don't stay long in one location. I get bored immediately and I am looking for something that will make me wanna stay in one place. Even I, I don't know what is that thing. Or I guess, that thing will never come.Last week, I was in Maryland to visit Natasha my longtime girlfriend and who's demanding marriage from me. She's already aware that I don't want to be tied with anyone else. Marriage is not my thing and I don't have any plan
Selene's POVNakatingin lang ako sa labas ng bintana dito sa sinasakyan namin bus palabas ng Maynila. Kanina pa kami nasa labas ng Maynila at hindi ko na alam kung saan na kami. Hindi ako pamilyar sa labas ng Maynila dahil ni minsan ay hindi ko pa nasubukan ang lumabas. Ni hindi ko nga alam ano ang itsura ng Laguna o kaya naman ng Bulacan.Basta ang nakikita ko lang ngayon ay isang two lanes na sementadong daan kasukalan na may mangilan-ngilan na mga bahay na gawa sa mga kawayan. Masasabi ko na isang probinsya na ang dinadaanan namin pero hindi ko alam kung ano ang tawag dito kaya napalingon ako kay nanay na nakatingin din pala sa labas ng bintana."Nay, anong lugar po ito?" Tanong ko sa kanya."Ito ang bayan ng San Isidro. Ito ang huling bayan na madadaanan natin bago tayo makakarating sa Tierra del Fuego." Sagot naman ni nanay sa akin.Napatangu-tango na lang ako kahit wala aking ideya kung saan banda ng luzon ang San Isidro. Pero sabi ni nanay ay huling bayan na madadaanan na daw n
Selene's POV"Ang kapal ng pagmumukha mong muchacha ka! Ang landi landi mo! Pagkatapos kitang patirahin sa pamamahay ko ay ito ang igaganti mo sa akin?!" Nangagalaiting sigaw ni Ma'am Florence sa nanay ko. Pilit niyang sinasaktan ang aking ina at wala itong ibang ginawa kundi ang salagin ang bawat atake ni Ma'am Florence."M-ma'am Florence, tama na po parang awa niyo na." Naiiyak na pakiusap ko sa kanya. Nakikita ko sa mga braso ni nanay ang mga bakas ng kalmot nito at may ibang parte na rin ng braso ang nagingitim dahil sa pasa. Magulo na din ang buhok ni nanay dahil sa pagkakasabunot nito kanina pa.Tumingin naman ng masama sa akin si ma'am Florence. "Tumahimik ka dahil hindi kita kinakausap! Alam mo ba ang ginawa ng nanay mo? Nilandi lang naman niya ang asawa ko!" Bumalik naman ang tingin ni ma'am florence kay nanay. "Hindi ka talaga nakontento no? Nagpabuntis ka na nga sa isang kano na nilayasan ka naman, ngayon naman ay ang asawa ko ang kakalantariin mo?! Higad ka talagang babae
Max's POVNauna na akong bumalik sa suite dito sa hotel kung saan idinaos ang venue ng aming kasal ni Chase. He was still stuck with his business partners na bumabati sa kanya kaya nauna na ako dahil inaantok na ako.Sa totoo lang, ngayon lang ako nakakita ng kasal na ang regalo ay puro cheke, mga vacation trip package, titulo ng bahay at lupa. Ganito ba talaga ang kasal ng mga mayayaman? Kasi yung nasanayan ko ay mga house wares yung mga regalo dahil kailangan yun ng mga bagong kasal. Hinubad ko na ang aking after wedding gown dahil gusto ko ng maligo at matulog. Pero pagkababa pa lang ng zipper ng gown ko ay bumukas naman ang pintuan at mabilis akong napapihit para tingnan kung sino yun.It was Chase, looking dazzling on his three piece suit. Agad na naglakad ito at niluwagan nito ang kurbatang suot suot. Alam ko na pagod na din siya pero hindi mo iyon makikita sa itsura niya."Akala ko matatagalan ka pa." Komento ko dahil hindi ko akalain na sumunod ito kaagad. Iniwan ba niya ang
Chase's POV"Babe, I need to go somewhere. I need to finish something. I'll be coming back late." I informed her after the fair was wrapped up. I need to move now while she's still not suspecting anything.She nodded. "Okay, I'll not wait for you. I'll sleep, just wake me up when you return." She answered while fixing her hair because of the strong wind.I smiled at her. She has this behavior that doesn't ask questions. Unlike with typical girlfriends, you will be bombarded with questions if you need to go somewhere. I am really a lucky one to find someone like her, in this world with 7 billion people. "Alright, I have to go ahead now babe. Love you and dream of me." And I kissed her. Thinking about not seeing her for hours, I am already missing her."Okay, ingat ka." She responded and sent her to the elevator.After I lost her from my sight I immediately called Adam."Did you already taken care of it?" I ask him with authority."Yes sir. The news already exploded but your identity w
Max's POVDumating na kami sa Sasa Wharf at wala pang gaanong tao at sasakyan na nakikita namin. Dumerecho lang kami at nagbayad na yung driver ng four hundred pesos para sa toll free at may nakita akong hindi naman kalakihan na mga barko pero hindi doon ang tungo namin. Dumerecho kami sa isang kulay puting yate na medyo maliit kesa sa mga regular na barko doon at mas higit na maganda ang itsura nito."Diyan tayo sasakay?" Agad na naitanong ko kay Chase. Wala akong ibang maisip kundi yun lang.Ngumiti naman sa akin si Chase na mas lalong ikinagwapo lang nito sa paningin ko. "Yes, babe. It's not mine though, but a friend of mine own this and he let me borrow it for the mean time while we are in Davao." Sagot naman nito sa akin.A friend. Sinong kaibigan naman nito? May kaibigan ito dito sa Davao?"Who's your friend?" Naitanong ko lang out of curiosity."Isabella. She was in the fair as well." Sagot naman ni Chase sa akin.Babae pala. Siya kaya yun nakita ko na sumalubong sa kanya sa un
Max's POVAgad na sumalubong sa amin ang mga nagkikispalang mga camera pero mabilis na humarang ang mga bodyguards ni Chase at ni Stephen para hindi kami makunan.Mahigpit akong hinawakan ni Chase at inilalayo sa mga kamay ng mga reporters na ngayon ay hindi magkamayaw sa pagtatanong pero ni isa ay walang sumagot sa kanila.Dere-derecho lang ang lakad namin papasok sa convention center at agad iyon isinarado ng mga bodyguards upang magsanhi ng gulo sa labas.Pero kahit nakaligtas na kami sa mga press sa labas ay hindi kami makakaligtas sa mga natitirang media sa loob ng convention center na ngayon ay nakaharap na sa amin at kinukunan kami ng mga litrato."Mr. Racinni, is it true that the feud between Ricinni and Buenaventura is because of a woman?" Tanong ng isa sa mga reporters."Mr. Racinni is it true that the woman is playing both of you and Mr. Buenaventura at the same time?" Tanong pa ng isa."Is it true that she's only after your wealth and fame?" At marami pang tanong na dumati
Max's POVNaalarma ako dahil sa talim ng tingin ni Chase kay Klein. Wag lang sana magsuntukan ang dalawa. Tumabi naman sa akin si Chase na ngayon ay pakiramdam ko ay inaakusahan niya ako sa pamamagitan ng kanyang mga mata."What is he doing here? I thought he's no longer in the Philippines?" Bulong ni Klein sa akin. He's aware with the things going on between me and Chase. Kaya nagtataka ito kung bakit nandito si Chase dahil ang huling sinabi ko sa kanya ay hiwalay na kami ni Chase dahil ayaw niya sa akin."It's a long story." Ganting bulong ko sa kanya pero nakarinig naman ako ng tikhim mula kina Stephen."Hello bro, I didn't know you're here." Naiilang na saad ni Klein kay Chase na hanggang ngayon ay tila susugod si Chase sa kung ano man away."Me too. If I know you're here, I won't let my girl go just by herself knowing there is wolf lurking around." Pasaring naman ni Chase.Gusto ko naman mapahilamos gamit ang mga palad ko. Why can't he act cool? Naghahamon ba siya ng away?Tila n