Share

PAHINA 4

Author: Miss Vainj
last update Huling Na-update: 2020-07-27 21:41:28

Pahina 4

'Ganoon nga '

Sleepless night was hitting on me, I never sleep early in that moment. Naghintay ako ng reply n'ya kahit alam ko namang wala naman akong ere-reply rin sa kanya. Para akong nabaliw kasi nag-iimagine na ako ng kung anu-ano. Kung bakit n'ya ako ina-add right away after he helped me yesterday. Bakit n'ya nalaman ang facebook ko. Bakit s'ya nagka-interes bigla sa akin. Anong interes Ellen? Nagha-hallucinate ka na naman. Bulyaw ko sa sarili.

Sa gabi ring iyon 'di ko na nahintay si mama na makauwi, dahil dinalaw na ako ng antok. 'Di ko alam kung anong oras s'ya nakauwi kagabi o baka kaninang madaling-araw na siguro.

Kasalukuyan ako ngayong na sa aking kwarto at kagigising ko lang. Hindi ko namalayan ang oras. Pero tingin ko ay maaga pa naman. Dahil 'di pa nagpapakita si haring-araw.

Kinuha ko muna ang cellphone ko sa ibabaw ng aking lamesita. Tinignan ko kung may text ba. Pero wala naman. Sino ba namang magtetext sa akin? E, wala nga halos estudyante o kaklaseng lumalapit sa akin para makipagkaibigan sa paaralan. Mga nang-aaway siguro marami.

Sa araw-araw kong pagpunta sa eskwelahan, 'di ko pa rin mahihinuha kung bakit ang hirap makahanap ng isang kaibigan. 'Di matapos-tapos ang mga isyung pinupukol ng karamihan patungkol sa aking mama. Datapwat ay lalo pa itong lumala.

Sa pagtatapos ko bilang isang Grade 7 student ay 'di ko pa rin nakauusap si Greg upang personal s'yang pasalamatan, pero parang ang ilap ng tadhana na paglapitin kaming dalawa. Dahil rin siguro athlete siya kaya palaging busy sa training o laro.

Bilang isang honor student ay may award ako, kaya andito ako ngayon sa recognition upang lumahok sa pagbibigay-pugay ng mga kagaya kong may awards din.

Nandito ang mama ko sa awarding ceremony. 'Di maiiwasan ang mga bulong-bulongan ng mga tao sa paligid. Sa kaloob-looban ko ay nahihiya ako dahil nandito si mama at alam kong walang katotohanan lahat ng mga pasaring nila sa kanya.

Sa patuloy na bulungan ay tinitignan ko kung ano ang maaring ipakitang reaksyon ni mama sa mga naririnig. Pero para sa kanya ay balewala lang ito. Parang sanay na siya rito at 'di na niya inaalintana pa. Kung sabagay, kung ako nga rin eh, 'di ko na lang din pinapansin.

When our recognition is already done. Napagpasyahan namin ni mama na kumain sa isang magarang kainan. I don't think if it is necessary. Okay lang naman na sa bahay na lang. Pero pinipilit ako ni mama dahil minsanan lang naman daw itong mangyari.

Namangha ako sa laki ng retaurant na pinagdalhan ni mama sa akin. Akala ko simpleng fastfood lang ang kainan na sinasabi ni mama kaninang mamahalin. Dahil noon sa bubuyog o sa clown na fastfood niya ako dinadala.

Kaya masasabi kong sa buong buhay ko ngayon lang ako nakapasok sa ganitong kagarang lugar. Ang aking mga mata ay 'di magkaugaga sa pagkilatis at katitingin sa mga bagay na nakapagpapakinang ng aking mga mata.

Ang gaganda ng mga gamit. Sa isang tinginan lang, masasabi mo na talagang may taste sa arts ang gumawa at pumili ng bawat disenyo, bawat ukit ng mga nakakurbang bahagi ng poste at mga pader ay nakamamangha, 'di nakasasawang pagmasdan.

"Anak, congratulations." maligayang sambit ni mama.

"Ma, 'di ko pa po graduation." natatawa kong pasaring.

"Kahit na anak, masaya ako dahil honor student ka. At may award pa, Grade 8 ka na sa susunod na pasukan."

"Oo nga mama eh, lalo ko pa pong pagbubutihin ang aking pag aaral"

May lumapit sa aming waiter at binigyan kami ng menu. Pagtingin ko sa mga pagpipilian ay nanlaki ang mata ko sa mamahaling mga pagkain. Naisip ko kung paano kaya namin mababayaran ito. Pero I think baka pinag-ipunan na rin ito ni mama for a surprise treat n'ya para sa akin...sa amin.

Natapos kaming mag-order at kinuha rin ng waiter ang orders namin. Habang naghihintay na maserve iyon ay may lumapit kay mama na isang babaeng kaedaran rin niya.

"Rebecca? Is that you?" gulat na tanong kay mama.

"Daisy? Omaygash. Long time no see." mahigpit na yakapan ang salubong nila sa isa’t-isa at nagbebesohan pa.

"Kumusta ka na Reb?" si ma'am Daisy ay nagbigay-daan naman ang kanyang paningin sa akin.

"Iyan na ba ang anak mo? Ang laki na ah. Nagkita na ba sila ng papa n'ya?" biglang na estatuwa ako sa narinig.

"Ay. Sorry Rebecca, I didn't know akala ko alam n'ya" nagsusumamong mukha ng kaibigan ni mama.

"O-okay lang naman po madam." pagkaklaro ko na kahit papaano, okay lang sa akin na banggitin iyon. 'Di na rin naman bago iyon dahil kahit noon pa man ay may mga nadudulas rin na nagtatanong about sa 'min at kay papa.

Ngumiti ako kay Tita Daisy. Habang patuloy sila sa pag-uusap ay napagtanto ko sa isip ko kung bakit kami iniwan ni papa. Iresponsable ba s'yang kasintahan at 'di ako tanggap? Ano ang maaring pinakadahilan ng pag-iwan n'ya sa amin. Baka may ibang pamilya si papa kaya ganoon.

Simula pa lang, kahit litrato man lang ay 'di ko kilala ang papa ko, 'di ko alam kung ano ang mukha n'ya. ‘Pag nagtatanong ako kay mama tungkol kay papa ay 'di n'ya ako sinasagot. 'Di ko na lang pinipilit si mama dahil baka masakit pa rin para sa kanya hanggang ngayon ang pag iwan ni papa sa kanya o sa amin.

Umalis na rin si Tita Daisy at 'yon din ang paglapag ng waiter sa order namin. May sinabi ang waiter na nakapagbigay kuryosidad sa akin.

"Madam, sabi ni Sir sagot na n'ya lahat ng orders mo. Na sa kabilang table po siya." tumingin si mama sa sinabing mesa ayon nang waiter. Nag-angat rin ako ng tingin sa kabilang mesa at may napagtanto akong baka kakilala lang din si mama nang panauhin kaya ito na ang paunlak ng bayad. Pero ng nagkatitigan silang dalawa ng lalaki ay nag-iwas ng tingin si mama at kinuha ni mama ang kanyang cellphone sa kanyang pulang pouch at nagtipa roon. Hindi alam ni mama na sa bawat kilos niya ay nasusundan ko. Hindi naman ako ganito noon.

Nang nag-angat ng tingin si mama at tapos ng magtipa ay tumingin siya sa lalaki at agad ring tumingin sa kanyang cellphone at nag-angat na rin ng tingin kay mama at ngumiti pa ito at kumindat. What is that??

Parang may kung anong tanong na namuo sa aking isipan sa mga galaw ni mama at ng misteryosong lalaki. Nang magawi ako sa mesa ng lalaki ay may naaninaw akong isang pamilyar na mukha na sa ilang araw kong nais na makita ay ngayon ko lang napagmasdan ulit.

Tahimik lamang ito na nag-focus sa pagkain. Nakaharap ito sa akin kaya ng nag-angat siya ng tingin ay nahuli rin n'ya ang mga mata kong nakatingin rin sa kanya.

Ngingitian ko na sana siya pero bigla siyang yumuko ulit at kumain. Bahagya akong napahiya sa pagngiti ko dahil para akong baliw na nangingiti mag-isa at 'di naman n'ya nakita.

Baka 'di n'ya lang siguro ako namukhaan kaya ganoon. Tama. Tama. Ganoon nga 'yon. Pagpapagaan ko sa aking sarili.

Tahimik na rin akong kukamain at napansin yata ni mama ang bigla kong pagtahimik.

"May problema ba anak?"

"Wala po ma." ngumiti ako para 'di maapektohan si mama.

Napagtanto ko, baka 'di lang talaga siguro n'ya ako namukhaan. Ganoon nga siguro. Haays.

Kaugnay na kabanata

  • Shameless Hours (Tagalog)   PAHINA 5

    Pahina 5'Personal'Pagkatapos namin kumain ni mama sa isang exclusive na restaurant ay dinala na naman niya ako sa isang mall na malapit lang sa pinagkainan namin kanina. "Anak, maggo-grocery lang ako ha? Anong gusto mong bilhin ko para sa 'yo na mga sn

    Huling Na-update : 2020-07-27
  • Shameless Hours (Tagalog)   PAHINA 6

    Pahina 6'Halik'Unexpected encounter with him yesterday is the best among all the happenings in my life. As in wow. Did I really met him? 'Di ako nakatulog ng maayos kagabi sa kaiisip ko sa nangyaring interaksyon kay Greg kahapon. Never ko talagang ini-

    Huling Na-update : 2020-07-27
  • Shameless Hours (Tagalog)   PAHINA 7

    Pahina 7'Pasukan'Lumipas ang mga araw, linggo at buwan at ito na naman, nagsisimula na naman ang pasukan. Parang may iba e, kasi noon naman kapag pasukan na naiinis ako dahil para kasing ang bilis lang ng pahinga namin bilang mag-aaral.

    Huling Na-update : 2020-07-27
  • Shameless Hours (Tagalog)   PAHINA 8

    Pahina 8Fast ForwardDahil sa engkwentrong iyon sa isa sa mga nambubully sa akin sa eskwelahan. Kaya hindi natahimik ang buong taon ko bilang isang estudyante. Tuwing umaga, palagi nila akong inaabangan sa may gate ng paaralan at saka pagtutulungang kaladkarin papasok sa campus, dadalhin sa abandonadong bodega at doon itatali tapos e la-lock pa.

    Huling Na-update : 2020-07-27
  • Shameless Hours (Tagalog)   PAHINA 9

    Pahina 9 -WARNING (RATED SPG )Mga iilang minuto na ba akong nakatunganga rito sa kinatatayuan ko? Walang lakas ang mga paa kong humakbang pabalik sa clinic na pinagdalhan sa akin ni Greg. Sa halos ilang minuto kong pag-iisip may biglaan akong napagtanto. "Isa ka rin pala sa mga taong mapanlinlang Greg. Simula ngayon, ikaw ang pinakaunang taong nakalista sa mga paghihigantihan ko sa tamang panahon. Sa ngayon, ako muna ang lalayo sa 'yo. Dahil baka hindi ko

    Huling Na-update : 2020-07-27
  • Shameless Hours (Tagalog)   PAHINA 10

    Pahina 10Galit ako! Galit na galit! Sobrang galit ang namumutawi sa aking puso't-isipan! Para akong sasabog sa labis na puot na nararamdaman. Hindi ko mawari ang nais na gawin simula nang makita ko ang mga kahayupang pinaggagawa nila mama at no'ng hinayupak na matandang manyak! Malalakas na katok ang aking naririnig sa likod nitong pintuan sa aking silid. Matapos ko kasing makita ang mga kawalang moral nilang ginagawa ay hindi ko maatim na ipagkanulo ko an

    Huling Na-update : 2020-07-27
  • Shameless Hours (Tagalog)   PAHINA 11

    Pahina 11Okupado ang utak ko sa kaiisip nitong mga nakaraang araw no'ng nagkasagutan kami ni mama dahil sa nakita ko ang kanyang ka walang hiyang ina. Ano nga ba ang magagawa ko? Kapag naglayas ako, paano na ako makakapagtapos ng pag-aaral? Kung lalayo ako kay mama, paano ko naman tutuparin ang pangako ko sa sariling makamit ang aking mga pangarap. I am only a fourteen years old girl, and I don't have any money to spend? Kaya tiis-tiis na lang muna ako sa ngayon. Nawala ang pag-iisip ko nang may tumawag sa pansin ko.

    Huling Na-update : 2020-07-27
  • Shameless Hours (Tagalog)   PAHINA 12

    Pahina 12Kay bilis lumipas ng mga araw, linggo at buwan. Sa loob ng mahabang oras na ginugugol ko ay siya namang pagiging malapit namin ni Greg sa isa't-isa. Mas lalo pa siyang lumalapit sa akin. Hinahatid sundo na niya ako at pinupuntahan sa bahay kapag weekends. Para raw masulit namin ang mga araw na nagkikita pa kami. Baka raw kasi, kapag gumraduate na siya sa highschool ay roon na siya papag-aralin ng kanyang parents sa states. Iba rin talaga kapag may

    Huling Na-update : 2020-07-29

Pinakabagong kabanata

  • Shameless Hours (Tagalog)   PAHINA 68

    Kabanata 68 I decided last night to go on shopping ng mga kailangan ko rito sa bahay. Nabawi ko na naman ang lakas ko sa maghapong pagtulog. And now, I was tryin to pull my key na kanina ko pa ibinuhos ang buong lakas ko para mahila lang ito. Kinakalawang na rin kasi, that’s why, ipapagawa ko ang susi ng bahay. Ang susi na ito ay para sa doorknob. Nakakadena lang kasi ang pinto ng bahay kahit noon pa, dala na rin ng kalumaan, kaya nasira. Hindi pa naman kasi totally maayos ang bahay, kasi nga walang maintenance, pero in terms sa kalinisan sa labas at loob ng bahay, totoo namang maayos. Oh, damn! Nakalimutan ko pa lang tawagan si tita last night para pasalamatan siya about cleaning the house. Calling Tita Dina…

  • Shameless Hours (Tagalog)   PAHINA 67

    Pahina 67 Humigit-kumulang nineteen hours and five minutes ang naging biyahe namin ni Celestine at ang iba pang kasama namin. Staff siguro niya, nag-decide lang kasi ako na ako lang ang mag-isang uuwi rito sa Pilipinas. Kasi nga mas mapapagastos kung magsasama ako ng isang staff ko. Kaya ko naman i-handle mag-isa ang event. Saka may assurance naman si Celestine na may tutulong sa akin sa pag-aasikaso ng event. “Finally, we’re here.” Bakas sa boses niya ang saya. “Yeah, we are.” Kabababa ko lang sa plane na sinakyan namin kanina ay ramdam ko na ang labis na init. Iba talaga ang temperatura na mayroon ang Pilipinas. Tulog, kain at picture-picture lang ang ginawa ko sa buong araw naming nakasakay sa plane

  • Shameless Hours (Tagalog)   PAHINA 66

    Pahina 66 Nag-uusap kaming dalawa ngayon ni Kai sa beranda, si tita muna ang nag-asikaso kay Elliote. Kailangan ko kasing masabi kay Kai patungkol sa kinuhang offer ni Matt. “I know what you are up to, Elle. Saka…ikaw na nga ang nagsabi ‘di ba? Wala ka ng nararamdaman sa ex mo, At I know naman na you’re strong enough kung saka-sakaling magkaharap ulit kayo roon. I am not saying na magkikita kayo agad-agad, pero malay mo naman ‘di ba? Maliit lang ang Pilipinas, Elle. Lalo na at sa mismong probinsya niyo pa talaga i-held ang wedding na pina-appoint sa iyo.” Pinoproseso ng utak ko ang bawat salitang sinasabi sa akin ni Kai. May punto naman kasi siya na hindi maiiwasang magkrus ang landas namin ng ama ni E

  • Shameless Hours (Tagalog)   PAHINA 65

    Pahina 65 Ilang araw ang lumipas simula noong napanood ko ang interview ng kapatid ko sa isang TV report. Na-tempt nga ako noon na buksan ang aking account para lang makausap ang kapatid ko. Wala naman kasing kasalanan si Luis, saka isa pa, siya na lang ang kamag-anak kong nasa Pilipinas, maliban kay Tita Dina at sa anak ko na nandito ngayon sa Norway.

  • Shameless Hours (Tagalog)   PAHINA 64

    Pahina 64 Bumalik akong kusina para samahan si Kai roon at tapusin na rin ang naiwan na gawain, hindi kasi ako pumayag kay Kai na kumuha kami ng katulong para gumawa ng mga magagaan na gawain sa bahay, kaya ang mga kasambahay naming tatlong babae ay hindi ko talaga pinapagawa ang mga bagay na kaya ko namang gawain mag-isa, kagaya na lang ng paghuhugas o minsan ang magluto. Pero may kinuha talaga kami ni Kai na magbab

  • Shameless Hours (Tagalog)   PAHINA 63

    Pahina 63 Ilang taon ang lumipas nang dito na kami tumira ni Tita sa Norway, dahil sa tulong ni Kai, na nakilala ko lang noon sa mansiyon nila Greg. Na-supposedly ay akin naman talaga ang bahay na ‘yon, hindi ko na inabala ang sarili na kunin ang papeles, pero nagpakonsulta ako sa mga may alam, hinding-hind

  • Shameless Hours (Tagalog)   PAHINA 62

    Pahina 62 Tulala lang ako habang inaalalayan ako ni tita pauwi ng bahay, sumama sa amin si Doc. Kai rito sa labas ng hospital. “Sigurado po ba kayo na hindi ko na kayo ihahatid. Break time ko naman po ngayon.” Patuloy pa ring alok sa amin ni Kai. Pero pilit pa rin na tinatanggihan ito ni tita

  • Shameless Hours (Tagalog)   PAHINA 61

    Pahina 61 Napamulat na lang ako nang makarinig ako nang mga yabag ng paa na parang nasa loob ako ng kuweba, idagdag pa ang malamig na hangin na nanggaling sa aircon nitong silid. Teka? Bakit ako nandito? Kaninong silid ba ito? &n

  • Shameless Hours (Tagalog)   PAHINA 60

    Pahina 60 Dalawang araw lang ang lumipas nang nagdesisyon na kami ni Greg na bumalik sa siyudad. Kasi siya ay may gagawin pang importanteng trabaho, ako naman naghahanap na rin ng mapapasokan. Wala akong ideya kung saan ako magsisimulang mag-apply. Nag-offer sa akin si Greg na sa kompanya na lang nila ako magtatrabaho, pero hindi ko tinanggap, baka kasi ano pa ang masabi ng mommy niya sa akin. Baka gawan na naman ako

DMCA.com Protection Status