ANNOUNCEMENT!
This week or next week, Shade of Wrath (story of Kei) and Shade of Envy (Story of Noelle) will be available here in GN. Separate po siya sa Shade of Lust.
Sadly, the katas-taasan doesn’t have a final say about my inquiry. As long as wala akong nari-receive na GO signal from them, so hindi ko pwedeng idugtong ang mga next series dito sa SoL.
However, if ever na payag ang kataas-taasan about sa concern ko, idudugtong ko dito ang story ni Noelle&Rio, and Shade of Lust will not be ended in Special Chapter 4. Though kay Kei WILL remain as separate book pa rin.
Hope suportahan niyo pa rin ang story ni Kei and Noelle and I hope it’ll catch your attention too like how Demi and Tei got it.
Again, nagpapasalamat ako sa pag support niyo sa Shade of Lust. Thank you for the gems. Thank you for the votes (pa stars at sa mga hindi pa nakabigay stars, baka naman. Haha), thank you sa comments. Always appreciated your comments. Lagi kong nababasa at minsan nakaka reply ako, minsan hindi.
Sana worth it ang Shade of Lust sa time and money niyo. Sana napasaya nila kayo. Salamat 100 level.
Ps. Sa next series, everyday update but hindi na 4-5 chapters ah. Mga 2-3 chapters nalang. Ayos lang ba ‘yon sa inyo? Dalawa na kasi silang need ko e update. haha
Sana ayos lang.
Daghang Salamat!
Love, MeteorComets.
Noelle Tejada, the one and only reserved woman for the guy who only see her as his sister. Mula pa man pagkabata, wala ng ibang ginusto si Noelle kun’di si Wisterio Pabelico lang. Wisterio or known as Rio grew up with Noelle and he’s 6 years older than her. He was a very overprotective brother to Noelle. Like how their parents wanted him to treat Noelle, iyon ang ginagawa ni Rio. He only sees Noelle as his younger sister. Upon growing up, nakikita ni Noelle ang mga girlfriends ni Rio. Kahit na nagdadalaga na siya, hindi pa rin siya magawang tignan ni Rio bilang isang babae. Due to heartaches, nagpakalayo si Noelle at pumunta ng New York para makalimutan ang nararamdaman niya kay Rio. When she came back, she’s 24 and Rio is 30. Ikakasal na rin si Rio sa girlfriend nito. But this time, it was different. Dahil sa pag-iwas ni Noelle kay Rio, nakuha niya ang attention ng binata. That’s the time that Rio starting to sees Noelle as a woman capable to do things like an adult. She sees Noel
NOELLE AT GRADE SCHOOL “Noelle, please watch your brother, Noah,” I nodded at mama before going back to what I’m reading. “Noelle, you like macha?” my face crumpled when I heard ate Nikolay offering me her Macha shake. “Ate, I don’t like Macha,” “Huh? Ang sarap kaya nito!” Sabi niya at ininuman ang macha na hawak niya. Ate Nikolay’s taste is weird. “You like Macha?” naagaw ni Noah ang attention namin na gaya ko ay nakangiwi rin kay Ate Nikolay na iniinom ang Macha na hawak nito. Napaayos ako ng upo at napatingin sa likuran ni Noah. “Give me that Nikolay, ayaw nila ng Macha,” nginisihan kami ni ate Nikolay saka niya binigay ang Machang hindi pa nagagalaw kay kuya Rio. “You like Macha, kuya?” tanong ni ate Nikolay. “Yes. It’s my favorite,” Tumingin si ate sa amin ni Noah. “See that? Kuya Rio likes Macha too.” Sumimangot si Noah. “I like Macha too,” aniya at kinuha ang macha na hawak ni Ate Nikolay saka tumakbo dahil alam niyang hahabulin siya ni ate sa pagbawi niya sa macha ni
“NOELLE!” Sigaw ni ma’am Luisa nang maabutan niya akong sinapak ang ka-klase kong lalaki. “Anong ginagawa mo?” galit na sabi ng teacher. Agad kong itinuro si Dharenniel, ang kaklase kong panay sabi na crush niya ‘ko. “He’s disturbing me!” “I just told you that I like your hair. What’s wrong with that?” “Noelle, gusto kong papuntahin mo dito ang magulang mo!” Sabi ni ma’am Luisa na galit sa ginawa ko. Sinamaan ko nang tingin si Daniel. Everyone calls him Daniel dahil ang haba ng pangalan niya. Instead of glaring me back, he apologetically looked at me. No’ng uwian, hindi ako dumiritso sa room ni Noah at ate Nikolay. Tumakbo ako papunta sa SHS building. Grade 6 na ako at si kuya Rio ay Grade 11. I want to ask some help from him dahil ayaw kong mapagalitan ako ni papa. Alam ko kung anong strand siya at anong room number. Maraming nagulat nang makita ang presensya ko. “Bakit may bata dito?” tanong no’ng lalaki. Mabuti at nakita ko kaagad si kuya Rio na papalabas ng room niya kasa
“CONGRATULATIONS!” Sabi nila sa amin tatlo ni ate Nikolay at Noah. Recognition namin sa grade school kaya may handaan sa bahay. Masaya rin ako dahil narito si lolo Fernandez. Kahit na wala ng buhok, kaya pa rin akong buhatin. Humagikgik ako nang sinabi niyang gusto ko ba raw ng spaceship at bibigyan niya ako. “Lolo puro kayo biro. Stop it!” Sumimangot ako. “What? I’m not,” natatawang sabi niya. “O sige, anong gusto ng paborito kong apo at ibibigay ni lolo,” Napatingin ako sa harapan at nakita ang kadadating lang na bisita na sina mama Kapilan, papa Grant at kuya Rio. Nawala ang ngiti sa labi ko nang pumasok si kuya sa utak ko. Tumingin ako kay lolo at umiling. Hindi nabibili ang gusto ko. “Wala kang gusto, apo? Sayang naman. Seryoso pa naman si lolo na ibibigay ko iyon sa ‘yo,” Ngumiti lang ako at yumakap kay lolo habang karga niya ako. Si Ate Nikolay kinidnap ni lola Roxanne habang si Noah ay nakabuntot kay lolo Xaver. Pareho kaming mahal ng mga lolo at lola namin pero may
Sabado ngayon at busy sa sportsfest ang lahat. Naka jogging pants at white shirt ako ngayon habang may suot na cap. Ang init kasi. Sophomore na ako at ngayon nga ay hinahanap ko si ate Nikolay. Nagtext siya sa akin kanina na nasa registration area siya. Sasaabay ako maglunch sa kanila ni Noah. Hindi ko alam saan ang registration area ng mga sophomore ngayon kaya naglibot libot nalang ako sa campus. Alam kong para sa buong high school students itong sportsfest pero nagulat ako nang makita ang ilan sa kaklase ni kuya Rio na napadpad dito. Bakit may college students dito? Agad siyang hinanap ng mata ko. No’ng freshmen ako, umiyak ako nang malaman na may girlfriend na siya. No’ng malaman ni papa na may crush ako kay kuya, sinabihan ako ni papa na umiwas sa kaniya. Hindi siya nagalit sa akin at hindi rin siya galit kay kuya Rio. Mas gusto nila mama na trinatrato lang ako ni kuya na kapatid dahil maliban sa age gap namin, gusto nilang lumaki kami ni kuya na kapatid ang turingan sa isa
Malakas na tumikhim si kuya Rio at kinuha ang pagkain na bigay ni Daniel. Agad niyang kinuha ang pagkain na nasa disposable bos. Binibenta ito sa mga booth sa loob ng campus dahil nadaan ko ito kanina. Pinanood namin siya ni Daniel na kinain ang isang stick ng hotdog roll na may egg. “Masarap,” sabi ni kuya. “Salamat, toy ah!” Aniya kay Daniel. “Kuya, Daniel po ang pangalan niya,” sabi ko kay kuya Rio. “Oh. Daniel pala ang pangalan ng totoy na ito?” Tumingin ako kay Daniel at nanghihingi ng pasensya ang mata ko sa kaniya. Kahit naman na naiinis ako sa kaniya, mabait pa rin siya sa akin. “Daniel, ito pala ang kuya ko,” sabi ko nalang kay Daniel. Umaliwalas ang mukha ni Daniel at agad na yumuko sa harapan ni kuya. Tipong nagbibigay galang sa matanda. Napanganga tuloy si kuya Rio sa nakita. “Hi po kuya ni Noelle. Ako si Dharreniel Glova. I’ll do my best para pwede kong ligawan si Noelle kapag malaki na kami,” Sabay kaming nagulat ni kuya Rio sa sinabi ni Daniel. Napatingin ako
Kinabukasan ay namulatan ko si kuya Rio sa dining table. Medyo nagulat ako nang makita siya. Sabog pa itong mukha kong kakagising lang. Pero imbes na mataranta ay pasimple kong kinapa ang bibig ko kung may laway ba sa bibig ko at sa mata kung may muta ba. “No worry, you look pretty,” nakangiting bulong ni ate Nikolay na dumaan sa tabi ko. “Good morning, Noelle,” sabi ni kuya na nakangiti sa akin. Nakita ko si papa at mama na nagkatinginan. Alanganin akong ngumiti kay kuya Rio. Dumiretso ako kay papa at mama para humaIik sa pisngi nila. Bakit nandito si kuya ng ganito ka aga? Sa harapan, nakita ko si Noah na nakasimangot sa akin. Problema nito? “Good morning kuya R-Rio,” nauutal kong sabi. Tumingin ako kay Noah at nakitang tinaasan niya ‘ko ng kilay. Tumikhim si mama sa harapan. “Your kuya Rio asked us na kung pwede ka ba raw niya isama mamaya,” Napatigil ako sa pagkuha sa hotdog dahil sa sinabi ni mama. “P-Po?” “I asked your parents kung pwede ba kitang hiramin mamaya after
Maraming pagbati ang naririnig ko mula sa mga tao na dumalo sa grad. Celebration ni kuya Rio. Graduate na siya ng college. I’m happy for him. Kanina pa kami dito pero hindi ako bumati kay kuya. Nakaupo lang ako sa table namin habang sina mama at papa ay kausap ang ibang kakilala. “Hindi mo ba babatiin si kuya, Noelle?” tanong ni Noah sa tabi ko. Wala si ate Nikolay dahil kinuha siya ni lola Roxanne. Mula no’ng sophomore ako, madalang nalang kami magkita ni kuya dahil sa busy na siya sa college life niya, busy rin ako sa amin. Mas maganda sana iyon pang move on kaya lang, wala naman akong ginawa kun’di e stalk siya lagi sa social media account niya. So ang ending, updated pa rin ako sa life niya. Nag dorm na rin siya kaya sa 2 years, kahit magkaibigan mga magulang namin, madalang lang kami magkita. Bale sa isang taon, tatlong beses lang. “Let’s go, samahan kita,” sabi ni Noah. Tumingin ako kay kuya na nakikipagtawanan sa mga kaibigan niya. Bumuntong hininga ako at tumango. Tum