Share

Kabanata 0005

Habang pauwi si Amy, napagtanto niya na wala siyang nabiling mga regalo sa kanyang mga anak. Naunawaan nilang lahat ang kalagayan niya sa pananalapi at hindi siya kailanman inistorbo para sa mga regalo. Pero ngayon, nagpasya siyang sorpresahin sila. Para kay Abe, ayaw niyang isipin siya. Hindi siya ang CEO, tapos wala siyang magagawa sa kanya. Hindi man lang siya natakot sa kanya, sa halip, kinasusuklaman niya ang uri ng lalaki gaya niya.

Paano niya nagawang magnasa sa isang taong kakakkilala niya pa lang? Gaano siya ka iresponsable?

Huminto si Amy sa mall at pagkapasok na pagkapasok niya ay may nakita siyang matandang sinasampal

"Ano yun!" Bulalas niya. Naglakad siya patungo sa mga pulutong ng mga tao na nagkukumpulan doon at ipinuslit ang sarili sa gitna ng mga tao hanggang sa makarating siya sa kinaroroonan ng matanda.

Nakasuot ng suit ang matipunong lalaking sumampal sa matanda at may iba pang nakasuot na lalaki sa paligid.

Hinamon siya ni Amy, "Ang lakas ng loob niyong sampalin ang matandang ito? Wala ka bang respeto sa matatanda?"

Nagulat ang lahat ng naroon. Lahat sila ay nakatingin sa isa't isa at natatakot, hindi para sa kanilang sarili kundi para kay Amy na may tapang na tumayo laban sa lalaking naka-suit.

"Sino ka?" Tinignan lang ng lalaking nakasuit si Amy mula ulo hanggang paa, "hindi mo ba kami kilala?

"Wala akong pake kung sino kayo, hindi tamang manampal ng matanda! Magsorry kayo sa kanya at bayaran niyo ang ginawa niyo," giit ni Amy.

"O ano?" Galit na tanong ng lalaking naka-suit.

"O sasampalin kita bilang ganti," sabi ni Amy. Wala siyang pakialam sa kahihinatnan, handa siyang ipaglaban ang matandang ito.

"Ang kapal ng mukha nito! Sinisigurado ko sa'yo ikaw ang masisira sa ginagawa mo," sabi ng lalaki at isang matunog na sampal ang ibinato ni Amy sa kanyang mukha.

Nag-echo ang lahat sa gulat, marami ang nagpa-picture at marami ang nagre-record ng videos.

Matatalo ba siya sa publiko? Sino siya? Napaisip si Amy habang hinihintay ang planong gawin sa kanya ng lalaking nasampal niya?

"Naglakas-loob kang manampal," galit na itinaas ng lalaking sinampal ni Amy ang kanyang batuta at akmang ihahampas ito kay Amy. Pero isang marilag na boses ang nagsalita mula sa likuran, "Stop."

Lumingon siya at huminto sabay yuko at gusto niyang ipaliwanag ang nangyari pero winagayway ng lalaking nagsabi sa kanya na huminto ang kamay niya na senyales na tumahimik siya.

Nang humarap siya kay Amy, napagtanto ni Amy na ito pala ang 'espesyal na lalaki' na dumating para sa pagsusuri ng ngipin sa ospital kahapon.

Anong ginagawa niya dito?

Bumulong siya sa kanyang personal assistant at kaagad, pinaalis ng kanyang personal assistant ang lahat, naiwan si Amy na mag-isa kasama ang pinakamakapangyarihang tao sa NorthHill at ang kanyang entourage. Nandoon din ang matandang nasampal, hindi siya pinayagang umalis kasama ng iba.

"Sinusubukan mo ba talagang kunin ang atensyon ko, babae?" Tanong niya.

"Hindi...hindi po, hindi. Hindi ko nga po alam na andito kayo. Nakita kong sinampal ng lalaking ito ang matandang ito at hindi ko lang matiis, at lahat ay nakatingin kaya pumunta ako dito para ipagtanggol siya." sabi ni Amy.

"Ang matanda ay nagnakaw ng mga bagay mula sa akin," sabi niya at si Amy ay kumunot ang kanyang noo. Lumingon siya sa matandang lalaki na inosente ang mukha at tinanong, "Nagnakaw ba talaga kayo?"

“Oo,” nahihiyang pag-amin ng matanda.

ng pinakamakapangyarihang lalaki sa NorthHill, "malinaw na isa ka sa mga babaeng hindi na makapaghintay na isuko ang kanilang sarili sa akin. Alam ko na ang panlilinlang na yan. Dalawang beses ka nang nagpakita sa akin ngayon at ipinakita mo na kung gaano ka kadesperado." Iniabot niya ang kanyang kamay sa kanyang PA at nakipag-usap sa kanya sa pamamagitan ng kanyang facial language, ang kanyang PA ay nag-abot ng isang daang dolyar na papel sa kanya.

Pagkatapos ay inunat niya ito kay Amy, "kunin mo na 'to at huwag na huwag ka nang magpapakita pa sa akin. If I see you next time, I'll destroy you."

Nagulat si Amy sa sinabi nito, pero binibigyan ba niya ito ng pera dahil akala niya ay slut siya o isa sa mga babaeng nagkaka-crush sa celebrity?

"'Wag kang mag-alala, sir. Sa iyo na yang pera mo. Ginagawa ko lang naman ang alam kong tama. Mauna na po ako," sabi niya at tumalikod na para umalis.

Gustong pigilan ng PA niya si Amy pero sinenyasan niya itong bitawan siya. Ito na ang huling babala niya para sa babaeng ito. Sa susunod na makita niya ito, tuturuan niya ito ng leksyon na kahit habang buhay ay hindi sapat para kalimutan ito. Sa ngayon, hahayaan niya itong umalis.

"Dapat ba akong magcheck ng background niya?" Tanong ng PA niya, naghihinala na siya na baka may gagawin si Amy as regarding sa amo niya, kung hindi, bakit dalawang beses itong susulpot sa magkasunod na araw.

"'Di na kailangan. 'Di siya karapat dapat maging kaaway. Kalimutan mo na siya," deklara niya at naglakad palayo.

"At tungkol naman sa matandang nagnakaw?" tanong ng PA niya.

"Hayaan mo siya at sisantehin mo na rin ang nagtaas ng kamay sa babaeng iyon," utos niya.

"Understood boss." Napansin ng kanyang PA.

Nang makatakas si Amy sa paningin ng pinakamakapangyarihang tao sa NorthHill , inilagay niya ang kanyang kamay sa kanyang dibdib at nakahinga ng maluwag. Iyon ay isang narrow escape.

Bakit naman kasi kailangan pa niyang makita ang lalaking yun ng dalawang beses sa dalawang magkasunod na araw? Hindi niya gusto ang mga problema pero tila siya na ngayon ang nagdadala ng mga problema sa kanyang sarili. Pero bakit siya hinuhusgahan ng ganoon? Akala ba niya ay sinasadya nitong makipagkita sa kanya? Bakit niya gagawin iyon?

Pero gayunpaman, ito ay isang close call. Nagdasal si Amy na huwag na siyang makitang muli. Sa katunayan, pinipilit na niya ngayon na ang sariling business lang niya ang isipin. Magsisimula na siyang umiwas sa anumang malaking pagtitipon dahil tila kung saan man naroroon ang lalaki ay sa mga crowded na lugar.

Saglit na naghintay si Amy para kumalma ang abnormal niyang tibok ng puso. Pagkatapos, pumasok siya sa loob ng mall at kumuha ng cap para sa kanyang mga anak. Ang mga ito ay medyo mahal pero kung ito ay magpapasaya sa kanila ay wala siyang pakialam.

Pagdating niya sa bahay, ang anim niyang maliliit na bata ay nagtipon sa kanya at masayang tinanggap siya.

"Hulaan niyo kung ano ang binili ko para sa inyong lahat?" Tanong ni Amy, habang nakaupo sa sala kasama ang kanyang anim na anak.

Lahat sila ay nagsimulang magdala ng iba't ibang mga mungkahi habang si Amy ay patuloy na nagsasabing hindi. Frustrated na ang mga bata. Sabi nila ay sirit na.

"Walang nakahula, ano?" Tanong ni Amy at tinanggap na lang ng mga bata ang pagkatalo.

"Cap," biglang nagsalita si Debby na kanina pa tahimik at pinagmamasdan silang lahat.

"Matalino talaga ang anak ko!" Binati siya ni Amy at sinabing,"Tama, cap nga ito."

"Mama, ipakita mo sa amin." sabi ni Elijah.

"Hindi na ako makapaghintay na makita yan mommy, ilabas mo na," sabi ni Elisha.

"May cap si mommy! Oh my gosh! Isusuot ko ito kahit sa pagtulog ko," dagdag ni Moses.

"Mommy, patingin..." sabi ni Angel.

"Sigurado akong napakaganda nito," dagdag ni Queen.

Inilabas ni Amy ang mga takip at ang mga bata ay nagsimulang pumili nito nang sunud-sunod.

Natawa si Amy nang makitang random na namimili ang mga bata, "Ganito na lang, ito ay para sa mga boys at ito ay para sa mga girls."

Sa bandang huli, lahat ay nagkaroon ng magandang cap sa kanilang ulo, tuwang-tuwa sila at nagpasalamat kay Amy. Maging ang laging tahimik na si Debby ay nagpasalamat kay Amy.

Nakipagbiruan at nakipagtawanan pa si Amy sa kanilang lahat bago pumunta sa kanyang kwarto para magpahinga.

Kinabukasan, nagbihis si Amy at umalis para magtrabaho. Nakasalubong niya si Abe papunta sa desk niya at sa kabila ng nangyari sa pagitan nila kahapon ay magalang pa rin niya itong binati.

Hindi pinansin ni Abe ang pagbati niya at sinabing, "Nasa opisina ang CEO, mag-report ka agad sa kanya."

"Got it," sabi ni Amy at sabay lapag ng bag niya sa table niya, umalis na siya papuntang opisina. Marahan siyang kumatok pero walang sumasagot, bago pa man siya makatok sa pangalawang pagkakataon ay bumukas mag-isa ang pinto.

Naisip niya sa sarili na ito ay ang modernong pinto. Si Amy ay nakasuot ng isang palda ng opisina na huminto sa kanyang mga tuhod at isang puting long-sleeved na shirt, ang kanyang buhok ay kulay itim at mahaba. Naka-high heel siya and overall, maganda at disente ang itsura niya.

Nang makita niya ang isang lalaki na nakaupo sa opisina ng CEO, napabuntong-hininga siya. At least, hindi na siya tatayo nang ganoon katagal ngayon. Ang ulo ng lalaki ay nakabaon sa kanyang apple laptop na parang abala.

Hindi alam ni Amy kung magsasalita ba siya o hindi dahil mukhang busy siya pero hindi siya pwedeng tumayo na lang dito ng walang sinasabi.

"Good morning, sir. Ako po si Amy Owen, ang bagong employee sa..."

"Have your sit," putol niya nang hindi inaalis ang mukha sa laptop.

Itinulak niya sa gilid ang kanyang laptop makalipas ang ilang segundo at nagtama ang kanilang mga mukha.
Mga Comments (112)
goodnovel comment avatar
Yaret Rellived Relived
bakit ganun nasa 248 kabanata na Ako bumalik sa number 1
goodnovel comment avatar
كرامات ري دوارتي
mh byad pala
goodnovel comment avatar
Thess Avila
diba pwedeng ma unlock yan through ad vertisement
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status