Nanginginig ang kamay ko at nag-u-umpisa na rin tumulo ang luha sa aking mga mata. Marahas ko iyong pinahid at mas binilisan ko pa ang paglalakad.
Tama na ang pag-iyak, Meadow. Hindi mo na dapat siya iniiyakan.
Nang makarating na ako sa classroom agad akong umupo sa tabi ni Honey. Nang mailapag ko na nang maayos ang bag ko ay sinubukan kong itago ang nararamdaman ko.
Ayaw kong umiyak dito sa classroom at gumawa ng eksena atsaka ayaw ko namang mag-alala pa sa 'kin si Honey kapag nakita niya akong umiiyak kaya naman kahit mahirap sinubukan kong umakto na para bang hindi ako apektado sa bigla na lang na pagsulpot ni Kenneth.
Bakit kasi sa lahat ng school dito pa siya nag-aral? Bakit kasi kailangan pang magtagpo ulit ang landas naming dalawa? Ayos na ako, nakakaya ko nang ngumiti ng totoo. Bakit kung kelan nasa proseso na ako ng pag-ayos sa sarili ko bigla na lang siyang susulpot at sisirain ang lahat?
Ang buong akala ko okay na ako, pero bakit gano'n? Nakita ko lang siya parang nadurog ulit ako. Hindi ko maintindihan.
"Meadow, okay ka lang?" tanong sa akin ni Honey.
"Ah, y-yeah."
Hindi ko nililingon si Honey baka kasi kapag tumingin ako sa kaniya mahalata niyang hindi ako maayos ngayon.
"You sure? Baka mamaya magulat ako mahimatay ka na lang d'yan. Ang putla mo kasi. Umihi ka lang namutla ka na pagbalik mo. Oh, baka naman may nakita kang multo sa comfort room? Balita ko kasi may multo rito sa school e. Hindi lang ako naniniwala kasi hindi ko naman nakikita. Bakit may nakita ka? Anong itsura? Nakakatakot?" pang-uusisa niya pa sa akin.
Kung alam lang ni Honey kung anong nakita ko kanina. Sana nga multo na lang nakita ko kanina pero hindi e, mas nakakatakot pa sa multo ang nakita ko kanina. May mas nakakatakot pa ba sa taong nang-iwan sayo sa ere na bigla na lang susulpot sa harapan mo na parang walang nangyari? Oh, di ba mas nakakatakot 'yon.
"Good morning, class!" masiglang bati sa amin ng isang guro.
Agad kaming nagtayuan lahat nang may pumasok siya sa loob. Hindi namin siya na-meet kahapon kaya naman medyo nabigla ako nang bigla na lang siyang sumulpot.
"Umupo na kayong lahat at may announcement ako," sabi niya sabay patong ng kaniyang kanang kamay sa teacher's desk.
"Sorry ma'am, I'm late."
May biglang pumasok na classmate ko na hindi ko pa kilala. Tinanguan lang siya no'ng teacher na para bang normal na sa kaniya na may nale-late na estudyante.
"It's alright, umupo ka na hijo. So, bumalik tayo sa announcement. Gusto ko lang malaman niyo na may bagong dadagdag sa klase niyo. He's not a transferred student nagkamali lang siya ng classroom na napasukan kahapon at hindi lang naisulat ang name niya sa section niyo kaya naman nagkaproblema siya. Alam kong kompleto na kayo pero wala naman sigurong magiging problema kung may madadagdag na isa sa inyo hindi ba?" malumanay na paliwanag at tanong sa amin ng guro sa harapan.
"Naku naman, ang init init na nga dito sa classroom para na tayong mga sardinas dito magdadagdag pa ng isa bwiset!" halos pabulong na reklamo ni Honey. Medyo natawa ako dahil doon. Sa lahat na lang kasi ng bagay may bad comment siya palagi.
"Okay lang po ma'am!" sagot ng mga classmates namin. Mukha namang wala silang pakielam kung may madagdag si Honey lang talaga ang hindi sang-ayon. Kung ako ang tatanungin bakit naman hindi? Isa lang naman ang idadagdag.
Atsaka nagkaproblema pa daw 'yong tao kahapon, first day pa naman, kawawa naman siya.
"Let's just wait for him pumunta kasi siyang comfort room kanina. While waiting for him magpapakilala na lang muna ako sa inyo...."
Nagtuloy-tuloy pa ang salita ni Ma'am Salvador. Siya naman ang magiging teacher namin para sa asignaturang Physical Education. Nakakatuwa nga siya e, mukha kasing ang cool lang niyang maging teacher. Hindi siya masyadong istrikto.
Sa maikling oras na iyon nakapalagayang loob na agad ni Ma'am ang mga classmates ko na tuwang-tuwa sa mga jokes niya.
"O, tulala ka na naman d'yan Meadow," sita sa akin ni Honey na siyang nakapagbalik sa aking wisyo.
"Pasensya na may iniisip lang," sagot ko sa kaniya sabay ayos sa aking pagkakaupo.
"Kung sa bagay ako rin may iniisip. Iniisip ko kung saan kaya napulot ni Ma'am Salvador mga jokes niya masyadong corny nakakairita lang. Tapos kung makatawa pa 'yong mga ulupong doon sa likod akala mo naman ipapasa sila niyan ni Ma'am kapag tinawanan nila mga jokes niya. Mga sipsip," iritableng sabi ni Honey habang nakatingin siya ng masama sa mga kaklase naming nagtatawanan.
Hindi ko na napigilan pa ang aking sarili at natawa na ako ng malakas. "Baliw ka talaga, ewan ko sayo."
Habang natawa ay napatampal ako ng mahina sa braso niya. Agad naman niya iyong nilayo sa akin at inirapan niya ako.
"May patampal sa braso, close tayo?"
"Ay pasensya na hindi ko naman kas—"
She chuckled. "Joke lang. Alam mo ang seryoso mo lagi. Para kang tanga d'yan."
"Seryoso kasi 'yong mukha mo," pagtatanggol ko sa sarili ko.
"Ewan ko sayo," sagot niya sa 'kin tapos inirapan na naman niya ako.
"O, nandyan na pala ang new classmate niyo. Halika dito hijo at magpakilala sa kanilang lahat."
Pagkalingon ko sa lalaking papasok ng classroom namin para bang binuhusan ako ng malamig na tubig nang makita ko ang mukha niya.
"Hello guys, my name is Kenneth Descallar. Sana maging kaibigan ko kayong lahat."
"Tsk, pa-cool talaga 'tong bwiset na 'to! Bakit sa dinami-rami ng classrooms dito sa atin pa siya napunta," rinig kong sabi ni Honey.
Dahil sa sinabi ni Honey nabuo ang katanungan sa isip ko na baka siya 'yong Kenneth na sinasaktan si Theo kahapon pero sana hindi, sana hindi siya 'yon.
"Meadow ayos ka lang? Maputla ka na naman."
"Wala ayos lang ako. T-Teka kilala mo ba siya Honey?" Nangangatog ang aking kamay kaya naman hinawakan ko na lang ang aking panyo ng mahigpit.
Tumingin ako kay Honey at nakita ko ang inis sa mukha niya.
"Oo naman, siya ang bully dito. Hindi ba nasabi ko na sa 'yo kahapon? Siya 'ykng Kenneth na sinasabi kong bully at 'yong taong walang ginawa kung hindi gawing punching bag si Theo," paliwanag niya sa akin habang nakatingin siya kay Kenneth na ngayon ay nakatayo pa rin sa harapan.
Siya nga.
Hindi ko akalain na ganito na pala siyang tao. Masyado na siyang naging bayolente.
Sinalubong ko ang tingin niya sa 'kin. Sinubukan kong hanapin si Kenneth. 'Yong Kenneth ko two years ago, pero hindi ko na siya mahanap sa katauhan ng lalaking nakatingin sa 'kin ngayon.
I ignored Kenneth's presence. Kahit pa nasa likuran ko lang siya nakaupo. Bukod kasi sa kadahilanang ayaw kong malaman pa ni Honey na kilala ko si Kenneth ay ayaw ko na talagang makausap pa siya. For what? Closure? No thanks. I'd rather live a life not knowing why he left me instead of hearing him out and know his nonsense reasons.Kahit pa magpaliwanag siya he can't undone what happened in the past. We can't do anything about it now. We just have to move on and continue with our life.I'm perfectly fine now. I hope he is too. We seriously need to just forget everything that happened between us in the past. We're so young back then, we thought we're really in love with each other, we're both stupid to think that what we have back then will lasts long. We got hurt, he left me without a single word, end of story.If he's doing this because he's guilty about leaving me I would recommend him to just stay away dahil kahit hindi pa siya humingi ng tawad sa 'kin sa mga
Nang makahanap na kami ng mauupuan ay agad kaming umupo doon. Katulad kahapon sa may bandang dulo na naman ang table namin. Masyado kasing maraming tao sa may unahan at kalimitan puro occupied na 'yong seats doon."Ako na lang ang o-order," presinta ko kay Honey."Sure ka? Baka naman magulat ako may pasa ka na pagbalik mo dito.""Grabe naman! Hindi naman siguro."Kinuha na ni Honey ang wallet niya at naglabas siya ng one hundred pesos."Wala akong barya e, pero cup noodles na lang ang sa 'kin. Wala ako sa mood magkanin ngayon.""Anong flavor?""Kahit ano basta cup noodles."Ibinalik ko ang pera niya."Libre ko na, pinasaya mo kasi ako kanina e. Pa-thank you ko lang," nakangiting sabi ko sa kaniya, siya naman ay nakakunot ang noo sa 'kin."You're weird."I just laughed at her pagkatapos ay umalis na ako sa may table namin para makipila na. Buti na lang mabilis magbenta iyong mga tindera kaya naman naging mab
After eating, naghiwalay na kami ni Honey ng daan; siya patungo sa classroom namin ako naman patungo sa abandunadong building.I'm not a fan of horror movies and anything related to that. Kaya naman hindi ko din maisip kung bakit pumayag akong pumunta dito ngayon. Bakit naman kasi sa lahat ng pwedeng maging tambayan dito pa naisip na tumambay ni Theo?Theo is recluse; I only see him by chance. Kaya naman ito lang ang pagkakataon na makikita ko siya. Ibibigay ko lang naman sa kaniya itong bracelet niya pagkatapos aalis na rin ako. Dahil kapag hindi ko pa nabigay itong bracelet baka sa susunod hindi ko na talaga siya mahagilap pa. Sa tingin ko nga kung alam niyang papunta ako sa tambayan niya baka umalis na iyon agad at hindi na tatambayan ulit sa abandunadong building para lang maiwasan ako.Hindi lang naman 'yong bracelet ang dahilan ng pagpunta ko sa kaniya. Hanggang ngayon kasi ay nag-aalala pa rin kasi ako sa kaniya dahil sa nangyari.
Huli na nang ma-realize ko na hindi pa pala ako nakakapagpasalamat kay Theo dahil sa ginawa niyang pagligtas sa 'kin. It's been weeks since that day. Hanggang ngayon hindi ko pa rin maiwasang makaramdam ng saya sa tuwing naaalala ko ang nangyari doon sa abandunadong building. Hindi man naging matagal ang pag-uusap namin pero sa sandaling mga oras na 'yon pakiramdam ko pinapasok na niya agad ako sa mundo niya. And he even let me borrow his book!"Bigla bigla kang nangiti d'yan? Nababaliw ka na?" Tinignan ko ngayon si Honey sa gilid ko. Naninibago nga ako sa itsura niya ngayon e. Wala kasi siyang make up tapos nakasuot pa siya ng oversized t-shirt na panglalaki tapos maong above the knee short at flip-flops.Papunta kami ngayon sa bahay namin. May pinagawa kasing two pages reaction paper na kailangan printed. Dahil walang laptop si Honey I suggested na pahiramin na lang siya. I have two laptops naman kaya okay lang kung hihiramin niya muna 'yong isa.
"Kuya she's my friend her name is Honey. And we're classmates so please be nice to her."Kuya Ivan's forehead creased before he spoke again. "I don't like your friend's attitude, Rain.""Do I looked like I like your attitude? Ha! Hindi din 'no," may gigil na sabi ni Honey pabalik kay Kuya Ivan."Escort her outside, Rain. We will talk as soon as your rude of a friend leaves." Iyon lamang ang tanging sinabi ni Kuya Ivan bago siya umalis ng living room at umakyat na sa ikalawang palapag ng bahay.Nang maiwan na lang kami ni Honey dito sa baba agad kong inabot sa kaniya ang laptop at ang charger no'n."Pasensya na talaga Honey. Gano'n kasi talaga 'yon e. Halika na."Kinuha ni Honey ang laptop at charger mula sa 'kin at tumayo na siya. We walked outside the house at pagkalabas na pagkalabas pa lang namin ni Honey ay sumabog na ito sa inis."Wow, gano'n ba talaga 'yong lalaking 'yon? Grabe ubod ng sama ng
"Dada, she's fine now. She's in pain when she woke up a while ago that's why the doctors injected painkillers to numb her at para makapagpahinga na po siya ng maayos. I asked the doctors kung pwede na siyang umuwi ang sabi okay lang naman na pong inuwi siya kasi may family doctor naman daw po si Tita Anastasia. Buti nga nadala agad si Tita sa hospital e. At buti na lang kakilala pala ni Tita 'yong doctor. So don't worry too much Dada. Everything's fine here.""Thank you so much, sweetheart. I'm so worried about her when I received the call. Thank God, she's okay now. Anyway, alam mo ba kung anong nangyari?""I asked the policeman about it ang sabi car accident daw po. Hindi ko na siya masyadong naintindihan kasi alalang-alala ako kay Tita Anastasia no'ng nakita ko siya. Sorry Dada, I promise kapag nagising na si Tita I'll ask her.""Alright, I gotta go. You take care okay? Update me about your Tita Anastasia's condition. For now, doon ka muna sa mansion ng
Ang daming nangyari ngayong araw parang bigla tuloy akong nanghina. Gusto kong magpahinga pero hindi pa naman ako inaantok. Hindi ko tuloy alam kung ano'ng pwede kong gawin. Ayaw ko namang mag-cellphonehindi ko naman masyadong ginagamit iyon atsaka sumasakit ang ulo ko kapag matagal na nakababad doon. Ayaw ko rin naman magbasa kasi pakiramdam ko hindi rin papasok sa utak ko 'yong mga salita sa libro kapag nagbasa ako."Oh, gising ka pa Meadow?" Napalingon ako sa tumawag sa akin.Si Nanay Selda pala. Siya ang pinakamatandang katulong dito sa bahay ni Tita Anastasia at siya rin ang ina ni Erin. Mabait si Nanay Selda kanina ko lang siya nakilala pero nakasundo ko agad siya katulad na lang ni Erin."Hindi pa po kasi ako inaantok, Nay e. Kayo po? Bakit po kayo nandito? May kailangan po ba kayo?"Umiling lamang siya sa 'kin. "Papunta sana ako sa kwa
Malamig ang hangin ngayong gabi. Iba't-ibang kulay ng ilaw ang naglalaro ngayon sa mga mata ni Theo habang nakasandal ang ulo nito sa may glass window ng bus. Malayo ang tanaw nito na tila ba malalim ang iniisip. Magmula ng umalis kami sa mansyon kanina nila Tita Anastasia walang lumabas kahit isang salita sa labi ni Theo. Nanatili lamang itong tahimik. Para sa akin mas mabuti nang ganito kasi hindi ko rin alam kung ano ba ang dapat kong sabihin sa kaniya. Bago kami umalis ng mansyon ay nagpaalam muna ako kay Kuya Landon na aalis muna at baka mga umaga na rin ako makauwi hindi naman siya nagtaka at pumayag na lang. Pagkatapos kong magpaalam ay kinuha ko ang cellphone at ang wallet ko na naiwan ko sa kwarto ni Tita Anastasia at bago ako umalis mahina akong bumulong kay Tita at nagpaalam kahit na alam kong hindi naman niya ako maririnig dahil mahimbing ang tulog niya. Nagpalit na rin muna ako ng damit dahil nakapangtulog na ako. Buti na lang at may hinandan
"Hay grabe! Ang bilis ng araw. Akalain mo 'yon limang buwan na pala ang lumipas," sabi ni Rachelle habang humihikab.She's right. Napakabilis nga ng oras at ng mga pangyayari. Hindi pa rin ako makapaniwalang limang buwan na pala ang lumipas. Gano'n siguro talaga kapag nage-enjoy ka.I could still remember my first day here. Hindi ko talaga inisip na magkakaroon ako ng kaibigan dito sa school. I'm not really approachable and I don't know how to start a conversation.Kaya naman sobra akong nagpapasalamat na kinausap ako noon ni Honey. Bago ko pa man makita si Rachelle sa comfort room ay sapat na sa akin noon kung si Honey lang ang maging kaibigan ko ngunit hindi ko akalaing may dadagdag pang isa which is Rachelle.I'm thankful that I have the best dad ever. Kung hindi dahil sa kaniya siguro hindi ko nakita ulit si Rachelle at hindi ko magiging kaibigan si Honey. Mabuti na lang at hindi talaga sinunod ni Dada si Mamu. Speaking of Mamu, pupunta nga pala kami
Inilagay ni Theo ang cellphone niya sa loob ng bulsa ng khaki short niya at naglakad siya patungo sa akin. Hindi ko tuloy alam kung tatakbo na ako paalis o iyuyuko ko na lang ang ulo ko. Kahit kailan talaga si Honey! "Hi," he murmured shyly. I gave him a smile. "Hi, uhm, sorry si ano kasi-" Napatigil ako sa pagsasalita nang tinawanan niya ako. "Okay lang. Pauwi ka na?" Pauwi na ba ako? Gusto ko na nga bang umuwi? Wala rin naman akong gagawin sa bahay at wala rin tao ro'n. Okay naman sigurong sumama ako kay Theo di ba? "Uhm, sana... Pero may kasama ka ba ngayon?" "Palagi naman akong mag-isa." "Ah, sorry nakalimutan ko." "Ano'ng meron sa 'yo ngayon at sorry ka yata ng sorry?" He smile at me and I feel butterflies dancing on my stomach. How can he manage to look handsome without even trying? "Huwag ka ngang ngumiti ng ganyan!" He laughed. "Bakit ano'ng masama sa pag-ngiti ko? Atsaka
Bago kami pumasok ay tinanong pa ni Honey kung pwede daw ba ang aso sa loob ng bahay namin ang sabi ko ay okay lang naman. Mukha naman kasing walang issue si Dada pagdating sa mga aso. Binuhat ni Honey ang aso niya at pumasok na kami sa loob.Nang makapasok na kami sa loob ng bahay ay tinanggal na muna ni Honey ang tali na nakasabit sa collar ng puddle niya. Pagkatanggal ni Honey ay agad namang tumakbo ang aso niya."Nakakayamot talaga 'tong aso na 'to.""Hayaan mo nang magpagala-gala dito sa bahay. Wala naman siyang ibang lulusutan palabas kasi wala naman kaming ibang pinto na pwedeng labasan.""Hay naku, subukan lang talaga niyang tumae dito sa inyo ipapakain ko talaga 'yon sa kaniya.""Ang sama mo."She rolled her eyes again. "Joke lang. Sa mahal ng aso na 'yan makakaya ko bang patayin 'yan? Eh di mas una akong pinatay ng mama 'ko."Umupo muna kami ni Honey sa couch dito sa living room dahil hinahanda pa ang breakfast namin. Nag-us
The aroma of newly baked cookies run through my nostrils. Dahil doon tila ba kumalam na agad ang aking tyan. Amoy pa lang mukhang masarap na. Saan ba nanggagaling 'yong amoy na 'yon?"Sweetheart, wake up." Kumapa ako ng unan habang nakapikit pa rin ang aking mata. Nang makahanap ako ay kaagad ko iyong pinatong sa aking tenga.Ayaw ko pang tumayo sa kama. Gusto ko pang matulog ulit.Naramdaman ko ang ginawang pagtanggal ni Dada sa unan na nasa tenga ko."Gumising ka na. I baked cookies for you. C'mon, get up, sleepyhead.""I'm still sleepy," I mumbled."Alright maybe I'll just give these to Ivan. Kanina pa naman niya 'to gustong lantakan."Agad akong bumangon at sinimangutan ko si Dada. Doon ko lamang nalaman na may tray na nakapatong sa gilid ng kama kung saan nakalagay ang cookies at isang baso ng tubig. Kinuha ko ang baso ng tubig at ininom iyon."How was your sleep?" Pagkatapos kong uminom ay binalik ko iyon sa tray.
Pagka-send ko pa lang ng message ay nabasa na niya agad iyon. Wala sigurong ginagawa ang isang 'to.Nicholls Scott: Kailangan naming gumawa ng facebook account para sa mga subject teachers namin. At isa pa, mas gusto kitang asarin sa personal.I rolled my eyes. Kahit kailan basag trip talaga itong isang 'to. Pero kabog siya mag-type huh with right punctuation marks and capitalizations. Para lang siyang nagsusulat ng essay assignment.Meadow Fabiana: Oo na basag trip ka bakit ka ba kasi nagchat?Nicholls Scott: Gusto ko lang ipaalam na pwede mong labhan 'yong handkerchief pero hand wash lang dapat.Dyusko! Nag-message siya sa 'kin para lang ipaalala 'yon? Nagsayang pa siya ng oras hanapin 'yong account ko sa facebook para lang ipaalala na kailangan i-hand wash 'yong handkerchief! Grabeng effort 'yon huh.Salamat sa paalala huh! Hindi ba pwedeng mag-chat siya dahil gusto niya akong i-
While drying my hair using my favorite towel I couldn't stop myself from smiling. Para na akong tanga na nakangiti dito mag-isa sa kwarto ko. Nang tanggalin ko ang panyo na binigay ni Theo sa buhok ko kanina bago ako maligo ay nilapag ko iyon ng maayos sa kama ko. Kelan niya kaya ito ginawa? I never thought that he can paint.Marami pa talaga akong bagay na hindi alam tungkol kay Theo.Umupo ako sa may swivel chair pagkatapos ay binuksan ko ang laptop ko. Marami kasi akong kailangang i-search. Tinatambakan na talaga kami ng mga gawain. Binato ko ang tuwalya ko sa may kama pagkatapos ay nag-search na ako sa google.Basa pa ang buhok ko at hindi pa ako nagsusuklay pero hinayaan ko na lang na gano'n iyon. Marami pa naman akong gagawin atsaka isa pa hindi pa naman ako inaantok.Kinuha ko ang assignment notebook ko at ipinatong iyon sa study table. Chineck ko kung ano pang mga assignment ang kailangan ko pang gawin. 'Yong iba lang kasi ang natatandaan ko.
"Ay Simba!" I jumped out of astonishment. Napahawak ako sa dibdib ko at dahan-dahan akong tumalikod at nakita ko si Theo na nakatayo sa likuran ko. Nakapamulsa ito at medyo nakahawi ang buhok nito dahil siguro sa lakas ng hangin."Bakit ka nandito?"Binuksan ko ang bag ko at kinuha mula sa loob no'n ang libro niyang The Great Gatsby. I smiled at him pagkatapos ay inabot ko sa kaniya ang libro."Tapos ko nang basahin." He just stand there, hands on his pocket while looking at me."Bakit?""M-May binili kasi akong isang pack ng marshmallow. Baka gusto mong kainin kasama ko?" Natawa naman ako dahil doon at agad akong tumango sa kaniya. He just smile at me too pagkatapos ay kinuha na niya ang libro mula sa 'kin.Inaya niya akong pumasok sa storage room kaya naman pumasok na ako agad at inilapag ang bag ko sa sahig. Katulad ng una kon
Buong byahe ay nag-usap lang kami ni Kuya Ivan tungkol sa mga bagay bagay. Dahil sa pag-uusap namin hindi ko namalayan na nasa tapat na pala kami ng school. Bago ako bumaba ay hinalikan ko muna si Kuya Ivan sa pisngi niya at bumaba na ako sa kotse niya.Pumasok na agad ako sa school dahil late na ako. Nag-iistart na siguro ang first subject namin. Tinakbo ko lang naman ang building namin at umakyat ako ng mabilis hanggang fourth floor kaya naman hingal na hingal ako nang makarating na sa tapat ng classroom namin. Una kong nakita si Honey na kumaway sa'kin. Wala itong make up ngayon at naka-oversized printed white t-shirt ito. Sa tingin ko ay nagbago na naman ang mood nito ngayong araw.I knock on the door to get my teacher's attention. Nag-uumpisa na kasi ang klase at may sinusulat si Ma'am Salvador sa blackboard kaya hindi niya ako napansin."Sorry ma'am I'm late.""Umupo ka
Naglakad na kami patungong cafeteria. Naging masaya naman ako dahil nagkasundo nga si Rachelle at Honey. Ang kaso nga lang parehas nila akong binabara. Pero ayos lang kaibigan ko naman silang dalawa e. At isa pa, sanay na ako sa mga ugali nila.Nang makahanap na kami ng available table ay agad na kaming umupo doong tatlo. As usual, si Honey na ang nag-order para sa aming tatlo. C2 at corn beef with rice na lang ang inorder ko dahil hindi naman ako nag-almusal kanina."Gusto ko si Honey. Good thing naging kaibigan mo siya.""Buti ka pa nagustuhan mo si Honey. Si Kuya Ivan kasi hindi niya gusto si Honey. Nagtataka nga ako kasi dati sinagot-sagot mo rin naman siya no'ng una niyong pagkikita pero hindi ka naman niya pinalayo sa 'kin pero si Honey pinapalayo niya sa 'kin.""Parang di mo naman kilala 'yong kuya mong topakin.""Sabagay."Ilang minu