Share

Kabanata 5

Author: Celestine_Lemoir
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

FIVE

Pinagpag ko ang kamay ko matapos kong masagutan ang problem sa board. Matipid akong ngumiti sa teacher saka ko hinintay ang sasabihin niya.

Sir Guilder checked my answer on the board then motioned his hand. "Well done, Miss Devonaire." He mumbled with a slight smile written on his lips.

Andrei suddenlh clapped his hands then proudly shouted, "Hooh! Go Millana!"

Nagtawanan ang mga kaklase ko dahil sa ginawa niya. Si Sir Guilder naman ay mahinang sinipat ang kanyang desk bago inayos ang kanyang salamin.

"Mr. Colton, if you think this is a cheering competition then you are in the wrong place." He mumbled.

Umalingawngaw ang tawanan ng mga kaklase namin dahil sa sinabi ni Sir. Pati ako ay natatawa na pero pinilit kong pigilan dahil sa nakikita kong pamumula ng pisngi ni Andrei.

"Go take seat now, Miss Devonaire. Thank you." Ani Sir Guilder.

Tumango ako bago ko sinimulang lumakad patungo sa upuan ko. Perry and Erich smiled at me and gave me teasing look. Inirapan ko na lamang silang dalawa. There they go again with their "hey bitch, he's into you" kind of look.

Natapos ang klase namin na nakakuha ako ng mataas na score sa quiz. Thank God to my excuses with kuya Wesley. Dahil sa mga fake assignments ko naging advance ako kaya hindi ako nahihirapan lately sa mga topic sa klase.

Isinukbit ko ang shoulder bag ko sa aking balikat saka ko pinasadahan ng mga daliri ko ang silver-gray kong buhok na hanggang dibdib. I got my hair color from my Dad. Medyo kinukulot ko lamang sa dulo upang hindi magmukhang boring. Inayos ko ang butterfly clip sa kanang gilid ng aking ulo saka ako dinampot ang mga libro ko.

Palabas na kami nina Perry ng campus nang biglang sumulpot si Andrei hawak ang kanyang baseball bat. His uniform is already unbuttoned. Kitang-kita ko na ang kanyang puting sando sa loob.

"Millana, sasama ka ba bukas?" Tanong niya habang paatras na humahakbang para lang makasabay sa amin.

"Uhm, susubukan ko pa lang magpaalam mamaya. Siguro naman papayagan ako nina Daddy lalo na maganda ang performance ko sa mga klase." Nakangiti kong sagot.

"Great. I-text mo ako ha? Hindi ka naman nagrereply kapag tini-text kita." Untag niya.

Kumunot ang aking noo. "Wala naman akong natatanggap?"

Andrei's brows furrowed. "But I text you every night."

Umiling ako. "Wala eh. Pwedeng patingin no'ng number baka ang naiti-text mo ay 'ying nilagay ng kuya ko."

Huminto kami sa paglalakad. Dinukot niya sa bulsa niya ang kanyang phone saka hinanap sa contact list ang number ko.

"Ito oh." He mumbled then showed the number to me.

Napabuntong hininga ako nang makita ang number. "That's my brother's. Anong mga sinabi mo sa kanya sa mga texts mo?"

Andrei swinged his bat effortlessly. "Well, I just asked if you're still up. If you are busy or something. Last night I texted about the game."

Napabuntong hininga ako sa narinig. "Great. Mukha yatang mahihirapan akong magpaalam kung alam na ng kapatid ko."

"Eh malalaman din naman niya 'di ba? Kalaro namin ang team nina Rocky." Tugon niya.

"That's different. Okay lang malaman niya after na ng game para hindi niya ako pagbawalan." Untag ko.

Ngumisi si Andrei. "Lahat ba ng sinasabi ng kuya mo sinusunod mo palagi?"

"Uhm. H-Hindi naman." Nahihiya kong tugon.

"Oh, 'yon naman pala eh. Eh 'di dapat hindi ka matakot na malaman niya tutal wala naman siya dito. Hindi naman siya makakarating kaagad para pigilan ka kung sakali." Ani Andrei.

"Oo nga, girl. Loosen up. Masyado ka namang takot sa kuya mo." Ani Erich.

I sighed. "Hindi ako takot. I just don't want us to fight over simple things."

"Sus. Minsan lang naman 'to. Isa pa you're turning fifteen next week. Hindi ba at hindi rin naman siya makakauwi? Dapat ay pambawi niya na sayo ito." Perry mumbled.

Nagkibit-balikat na lamang ako. "Iti-text ko kayo mamaya kapag pinayagan ako."

"Alright!" Nakangising sagot ni Andrei bago nagpaalam sa amin.

Sumapit ang hapunan at napagkwentuhan namin nina Daddy ang tungkol sa school ko. Binalita pala sa kanila ng mga teachers na maganda ang performance ko lately.

"Ma, maganda naman ang performance ko baka pwede akong sumama sa friends ko bukas?" Malumanay kong tanong.

Mom wiped the side of her lips. "Saan, sweety?"

"Andrei's team and kuya's former team will be having a baseball game tomorrow. Gusto ko sanang manood." Untag ko.

"Ah, nasabi nga 'yan ni Wesley kanina." Ani Daddy.

Napalunok ako. "Tumawag sa inyo si kuya?"

Tumango si Daddy. "He said Andrei's asking you out."

Umawang ang aking bibig, hindi makapaniwalang nilalaglag na naman ako ng kapatid ko.

"Hindi kaya. I saw the text message. Andrei was casually asking me if I could watch the game with my girl friends." Depensa ko. I'm so not going to talk to you tonight, kuya.

Mom sighed. "Paranoid na naman kayong mag-ama. Andrei is a good kid, babe. Besides, Millana deserves a reward for doing good in school."

Napangiti ako nang marinig ang sinabi ni Mommy. "So can I go? Please?"

Dad looked at Mom in disbelief but Mom just gave him a deadly glare. Mayamaya'y napabuntong hininga na lamang si Dad. "Fine. Bahala kayong magpaliwanag sa panganay kapag tumawag 'yon." Tinaas ni Daddy ang mga kamay niya. "I have nothing to do with this, ladies."

Natawa kaming pareho ni Mommy. Wala silang magawa ni kuya kapag si Mom at ako na ang naging magkakampi.

Kinabukasan, dinaanan ako nina Perry at Erich sa bahay. I wore my favorite purple sleeveless dress and a pair of doll shoes. Ang daddy ni Perry ang naghatid sa amin sa field dahil maglalaro rin ang kakambal na lalake ni Perry na si Spencer.

Naupo kami ng mga friends ko sa may bleachers. Ilang minuto rin kaming nagkwentuhan doon habang hinihintay na magsimula ang game.

Jestin's team is already warming up on the field. They're in their maroon with black and white stripes uniform.

Mayamaya'y dumating ang team nina Andrei. Asul ang kanilang uniporme at halatang excited din silang maglaro. Nakita ko si Andrei suot ang number five niyang uniform. Nakasukbit sa mga balikat niya ang kanyang baseball bat.

Andrei scanned the place until his eyes finally met mine. Unti-unting kumurba ang kanyang mga labi nang kawayan ko siya.

Tumakbo siya papunta sa aming pwesto. Mabilis namang umurong ang mga kaibigan ko para bigyan ng mauupuan si Andrei.

Namula ang pisngi ko nang maupo siya sa aking tabi. Halod magkadikit na ang mga balikat namin at naaamoy ko ang panlalake niyang pabango.

"Buti na lang pinayagan ka. I feel so inspired to play today." He mumbled.

Umalingawngaw ang mga kantyaw ng mga kaibigan namin dahil sa sinabi ni Andrei dahilan para lalo akong pamulahan ng mukha.

"Ano ba kayo, nahihiya na si Millana baka mamaya umuwi pa 'to dahil sa inyo." Suway niya sa mga kaibigan namin pero mabilis lang ginulo ni Spencer ang kanyang buhok.

"Kunwari ka pa, Andrei gusto mo lang magpapogi-points kay Millana eh." Pang-aasar ni Spen. His curly brunette hair slightly covers his eyes.

Ngumisi si Andrei. "Bawal pa ngang ligawan si Millana."

"Eh di kung pwede pala siyang ligawan liligawan mo?" Asar ni Perry.

Tumingin sa akin si Andrei ng may ngiti. "Kung papayagan niya ako bakit naman hindi?"

Lalong nagsiakyat ang dugo sa aking mukha dahil sa narinig. Nakagat ko ang ibaba kong labi saka ko hinawi ang ilang hibla ng aking buhok patungo sa likod ng aking tenga. "B-Bawal pa eh."

"Kelan naman daw pwede?" Tanong ni Andrei. Ang mga loko-loko naming kaibigan, nakatutok pang animo'y nanonood ng teleserye.

"S-Sabi ni Mom kapag sixteen na ako saka lang ako allowed tumanggap ng manliligaw." Tugon ko.

"One year pa." Andrei whisled. "Hindi bale mabilis lang 'yon." Nakangisi niyang sabi.

Muling umalingawngaw ang kantyawan. Halos magpasalamat ako sa lahat ng mga santo nang tumunog ang pito ng ng referee senyales na magsisimula na ang game.

Tumayo si Andrei at inayos ang damit niya bago siya humarap sa akin ng nakangiti. "Give me five. Pampa-swerte." Untag nito.

Ngumiti ako at nakipag hi five sa kanya. Akala ko ay apir lang ngunit bigla nigang hinuli ang kamay ko saka niya dinampian ng halik ang likod ng aking palad.

Natulala ako ng ilang segundo dahil sa ginawa ni Andrei. Pakiramdam ko biglang bumayo ang dibdib ki at nawala sa katinuan ang aking sistema.

Bago pa man ako makapagsalita ay tumakbo na si Andrei papunta sa field. Binigay sa kanya ng team captain nila ang bola at gloves. Mukhang siya ang pitcher nila.

Nakatulala pa rin ako hanggang sa tuluyang makapwesto si Andrei at hindi pa ako matatauhan kung hindi niyugyog ni Perry ang balikat ko.

"Hoy, girl! Bakit nandito siya?" Hindi makapaniwalang untag ni Perry.

"Aray, Perry. Tama na ang yugyog." Suway ko.

Binitiwan niya ang mga balikat ko saka niya hinawakan ang aking ulo. Sapilitan niyang hinarap sa field ang aking mukha habang tinuturo ang lalakeng may hawak ng bat at magiging unang batter ng team nina Jestin.

Nanlaki ang mga mata ko at wala sa sarili akong napatayo dala ng matinding pagkagulat. Tinitigan ko ang jersey niya at malinaw na nakalagay doon ang kanyang apelyido at numero.

Devonaire 08. It really is him...

Nabaling sa direksyon ko ang kanyang tingin habang sini-swing niya ang kanyang bat. Kitang-kita ko ang galit at pagkadismaya sa mga mata niya. Bigla akong kinabahan. Nakita at narinig niya kaya kami kanina? Ang lakas pa naman ng mga boses ng mga kasama ko.

He gave me a deadly glare before he positioned himself for the first pitch. Hindi nakalusot sa mga mata ko ang talim ng tingin niya kay Andrei na siya ngayong pitcher ng kanilang team.

Inayos ni kuya ang kanyang sumbrero saka niya pwinesto ang bat niya sa kanyang balikat. Umayos siya ng tindig at hinintay ang unang bato.

Andrei's pitch was a good throw...at magaling na player ang kapatid ko. Tinamaan niya ang bola pero laking gulat ng lahat nang sa kanyang pagpalo ay dumiretso ang bola sa direksyon ni Andrei. Tinamaan siya sa sikmura at bahagyang nawalan ng balanse.

Napasinghap ang lahat dahil sa nangyari. Naging abala ang mga team members ni Andrei sa pagcheck sa kanya dahil alam na nilang kahit normal na tao si kuya Wesley, malakas siyang pumalo.

Marahas na tinapon ni kuya ang baseball bat sa lupa saka siya nagsinulang magmartsa papunta sa akin. Nagwala ng todo ang dibdib ko dahil sa nakikitang galit sa mga mata niya.

Nang marating niya ako ay mabilis nyang hinablot ang aking braso saka niya ako hinatak paalis ng field. Wala akong nagawa kung hindi ang magpatianod sa ginagawa niyang paglalakad.

Nang makalayo na kami sa field ay pilit kong binawi ang kamay ko pero hindi niya binitiwan kun'di ay lalo lang niyang hinigpitan ang hawak dito.

"Kuya, ano ba? Ano na namang problema mo?!" Asik ko.

Napahinto siya sa paglalakad at galit akong tinignan. "Problema ko? Ikaw! Ang bata mo pa pero hinahayaan mo 'yong gagong 'yon na halik-halikan ka sa kamay."

"Oh, for crying out loud, kuya Wesley sa kamay lang 'yon!" Asik ko.

Lalong umigting ang kanyang panga at gumuhit ang matinding galit sa mga mata niya. "At tapos ano? Saan na ang susunod? Will he kiss you on your cheeks? Your lips? Your fucking neck?!"

Bigla ko siyang nasampal dahil sa mga sinabi niya. Nabalot ng galit ang dibdib ko at tuluyang uminit ang gilid ng aking mga mata hanggang sa tuluyang nag-unahan ang mga luha ko sa pagpatak.

Parang natauhan si kuya Wesley nang makita ang pag-iyak ko. Lumambot ang ekspresyong nakaguhit sa kanyang mukha. "I'm--I'm sorry." He mumbled. Sinubukan niyang punasan ang basa sa aking pisngi pero iniwas ko ang aking mukha saka ko marahas na binawi ang braso ko.

Iniwan ko siya roon at tumakbo ako pauwi ng walang ibang maramdaman kun'di galit st matinding sama ng loob.

Related chapters

  • Seven Steps Away (Original Tales of Remorse)   Kabanata 6

    SIXBumuntong hininga ako saka ako humarap sa veranda nang marinig ko na naman ang katok ng katulong sa pinto. Pangalawang balik niya na ito. Hindi talaga nila ako tatantanan kahit pa sinabi ko na ngang hindi ako sasabay kumain."Miss Millana, pinapasabi ng Daddy niyong kailangan niyo raw sumabay sa hapunan," ani ng kasambahay."I said I'm not hungry. Sila na lang ang kumain. Bababa na lang ako mamaya!" sagot ko kahit pa ramdam ko na ang pagkalam ng sikmura ko. Well, I'd rather starve. Kuya Wesley was the last man I expected to think of me that way. At ano ang ginawa niya?Napailing ako nang magsimula na namang kumulo ang aking dugo. Nakakainis na sa tuwing nagagalit ako sa kanya, may kung ano sa loob kong tila nais kumawala. I haven'

  • Seven Steps Away (Original Tales of Remorse)   Kabanata 7

    SEVENWhen Kuya left, it felt like a part of me had lost its purpose. My wolf became so aggressive that I became physically tired just by trying to keep it from taking control. Parang nawalan din ako ng ganang gawin ang maraming bagay. Naging matamlay ang katawan ko at kahit na anong pilit kong alisin si Kuya Wesley sa aking isip, hindi ko magawa."Tapos 'yon. Tawa kami ng tawa nina Spen dahil sa nangyari." Andrei chuckled. Halos maiyak na siya sa kakatawa habang ikinikwento ang kalokohang ginawa nila ng pinsan ko noong nakaraang linggo.Nang mapansin niyang wala pa rin ako sa mood kahit na kanina pa siya kwento ng kwento, napahinto siya sa pagtawa at nag-aalalang hinawakan ang balikat ko.

  • Seven Steps Away (Original Tales of Remorse)   Kabanata 8

    Kabanata 8IT WAS THE MOST terrible training I ever experienced. Halos wala akong matutunan dahil puro away ang ginawa ng dalawang Alpha kaya nang magkagirian, dumating si Uncle Bjourne upang awatin ang dalawa."Well, he started it," angil ni Alpha Levi."Oh, yeah? Why don't you show me what you got, Grimmerson?" asik naman ni Alpha Pearce.Napasapo na lamang ng mukha si Perry habang si Spencer ay nakangisi lamang habang nakamasid si Uncle Bjourne. Nang mapansin niyang sumara ang mga mata ni Uncle saka ito humugot ng malalim na hininga, tumingin siya sa akin saka bumulong. "Now watch. This is the training that you need. You gotta see how to use the superiority of y

  • Seven Steps Away (Original Tales of Remorse)   Kabanata 9

    Sobrang sama ng loob ko kay kuya Wesley dahil sa phone call na iyon. Binigay ko kina Mom ang phone pero pinakita kong galit ako nang magtaka naman sila. Ayaw ko nang itago ang sama ng loob ko kay kuya. Alam ko namang may masama akong nasabi pero hindi na yata ito tama.Tinigilan ko ang pagti-text ko sa kanya. Ginawa kong busy ang sarili ko sa school at sa paglalaro ng baseball. Ni hindi ko na namalayan ang paglipas ng mga araw.Nang dumating ang sem break nina kuya ay sinundo siya nina Mon sa Clamence. Inalok ako ni Daddy na sumama sa kanila pero tumanggi ako. Naiinis pa rin ako kay kuya dahil sa phone call...at sa picture nila no'ng babae."Are you sure you don't want to come with us?" Tanong ni Daddy.

  • Seven Steps Away (Original Tales of Remorse)   Kabanata 10

    I stared at the fake butterflies on my ceiling as I kept on releasing sharp sighs. Simula noong nangyari ang dare, pakiramdam ko lalo kaming nagkaroon ng pader sa pagitan namin ni kuya Wesley. Like an invisible line nobody would want to cross.Kapag nagkakasalubong kami sa bahay, nakakaramdam ako ng pagkailang. Something inside me ache for him but my mind keeps on telling me it's wrong.Minsan ay siya na mismo ang gumagawa ng paraan para hindi kami magkita. Nagbakasyon nga siya pero halos maghapon naman siyang umaalis para puntahan ang mga kaibigan niya.Siguro kung katulad pa rin ng dati ang samahan namin, panigiradong magagalit ako ng sobra sa kanya pero sa mga panahong ito, ipinagpapasalamat kong siya na ang gumagawa ng paraan para lumaki ng lumaki ang pader na naghihiwalay sa amin.Hindi ko man direktang narinig kung ano ang ibig niyang sabihin sa katotohanang hindi ko maipagkakaila, pakiramdam ko, sa loob-loob ko ay naintindihan ko ito.I may

  • Seven Steps Away (Original Tales of Remorse)   Kabanata 11

    Did you ever regret not taking the same steps someone took away from you? His are backwards while yours are supposed to be towards him...I did...and still do.That night ended painfully. Umiyak ako ng umiyak hanggang sa tuluyan akong tinangay ng antok ko ngunit nang magising ako, wala na si kuya Wesley sa bahay.Bumalik siya ng Clamence ng mas maaga. Akala ko magiging maayos din kami pagkalipas ng ilang buwan. Inabangan ko ang pag-uwi niya sa semetral breaks at mga espesyal na okasyon ng pamilya namin pero hindi siya dumating.Huli na nang malaman kong nahanap pala siya ng mga kamag-anak ng tunay niyang daddy. Sabi ni Mommy nagcatch up sila sa mga taong hindi nila kasama si kuya Wesley kaya naman sa tuwing sumasapit ang holidays at sembreaks, hindi na siya sa amin umuuwi kung hindi sa pamilya Xavier.Pero kahit na ganoon, alam kong malaking parte ng pananatili niya kasama ng tunay niyang pamilya ay ang nangyari sa amin higit dalawang taon na

  • Seven Steps Away (Original Tales of Remorse)   Kabanata 12

    My girl friends and my Mom helped me dress up for the night. I don't know why but I suddenly got excited for the party. Mula nang malaman kong dadalo si kuya Wesley, hindi na ako mapakali.I am both excited and a bit tensed. It's been more than two years. Ano na kayang itsura niya? Will he talk to me? Will he dance me tonight?I don't know but I'll do everything just to have a talk with him. Bahala na siguro. Ang mahalaga ay dadalo siya at magkikita na kaming muli makalipas ang matagal na panahon.Perry and Erich put the mini purple and pink butterflies on my braided hair. Nakapaikot ang braid at may golden laurel leaf wih white pearls sa magkabilang gilid ng aking buhok.Erich, being the make up pro, did my face. Pinili niya ang kulay na babagay sa kutis ko. The make up wasn't that heavy. Shades of brown ang eyeshadow pero nagcomplement naman ito sa highlights na nilagay niya. She used bronzer that emphasized my cheek bones and narrow nose even more.

  • Seven Steps Away (Original Tales of Remorse)   Kabanata 13

    I was woken up from my sleep when I felt someone leaving trails of featherlight kisses on my shoulder. Nakadapa ako sa kamay at nakayakap sa unan at ang suot kong pantulog ay masyadong mababa ang likuran.Nararamdaman kong may humahalik sa akin at humahaplos sa aking buhok ngunit masyado pa akong inaantok para magawa kong imulat ang mga mata ko."Wake up, love. It's time to go now..." I heard a familiar voice whispered softly in my ear, his hot breath sent chills down my spine.I let out a sleepy groan. Tumihaya ako at pilit na iminulat ang inaantok ko pang mga mata.My vison was still blurry when I saw the image of a man with glasses smiling at me. Hinahaplos niya ang aking buhok habang nakapatong sa aking tiyan ang isa niyang braso.Bumaba ang kanyang mukha para gawaran ng halik ang aking mga labi. Doon lamang ako natauhang hindi panaginip ang nangyayari.Nanlaki ang mga mata ko at napabalikwas ako ng bangon nang makita si Wesley sa

Latest chapter

  • Seven Steps Away (Original Tales of Remorse)   Kabanata 60

    ◆ SEVEN ◆CHRISTELIbinabad ko ang katawan ko sa maligamgam na tubig na ihinanda ng mga taga-silbi. Hindi ko alam kung bakit ba ganito ang pakiramdam ko. Hindi naman gaanong maiinit ang tubig pero ramdam ko ang pamumuo ng pawis sa aking noo.My breathing are heavy. Paulit-ulit ang aking paglunok na tila palagi na lang nanunuyo ang lalamunan ko dahilan para madalas akong hindi mapakali.Kung hindi naman panunuyo ng lalamunan ay natatagpuan ko palagi ang sarili kong natutulala. Pakiramdam ko may hindi magandang epekto sa akin ang kagat ni Yvann ngunit kahit na gano'n, hindi ko pa rin maiwasang basain ng dila ko ang ibaba kong labi sa tuwing pumapasok sa isip ko ang sensasyong naibibigay ng bawat kagat niya.I inhaled deeply then shut my eyes. Nang hindi ako nakuntento sa temperatura ng tubig ay inabot ko ng aking paa ang gripo upang dagdagan pa ng malamig na tubig ang pinagbababaran ko.Unti-u

  • Seven Steps Away (Original Tales of Remorse)   Kabanata 59

    ◆ SIX ◆YVANN"Two weeks from now, the feast of blood will be celebrated pero dahil marami ang lumabag sa mga batas, mukhang marami pang problemang kailangang ayusin." Seryosong sabi ni kuya habang nasa hapagkainan.Dinampot ko ang goblet na may lamang sariwang dugo mula sa mesa saka ito inamoy. Awtomatikong ngumiwi ang mukha ko nang malanghap ang pinaka-ayaw kong amoy.Binalik ko ang baso sa mesa saka ko tinignan ang kapatid ko. "What part of I don't like verbane can't you understand?" I hissed.Kuya's eyes narrowed at me. "Seriously, Yvann? We are having this conversation again?"Umigting ang panga ko sa narinig. "Bakit ba hindi mo na lang ako pabayaan? Hindi ko naman ginugulo ang mga plano mo sa buhay?""Yes you do." He pointed his knife at me. "You are not following the simplest rule. Do not keep anyone here without giving them verbane."My eyes narrowed at him. Nagsisimula

  • Seven Steps Away (Original Tales of Remorse)   Kabanata 58

    ◆ FIVE ◆CHRISTELThe muffled moans, the giggles, the teasing words, the silent pleas for more that filled the whole room made me want to throw up. My eyes were covered with a piece of cloth but I can clearly imagine what is going on.This is torture. Why would he even keep me here? Bakit dito pa talaga niya ako ikinukulong gayong ang dami niyang babaeng inuuwi sa silid na ito?Hindi niya ba talaga alam ang salitang privacy? Hindi pa ba nakakahawak ng dictionary ang bampirang ito at hindi niya alam na may ganoong salita? I despise him even more for making me hear all his dirty acts.Lumipas ang mga oras at unti-unting tumahimik ang paligid. Ramdam ko na ang labis na pangangawit ng mga braso ko at pakiramdam ko, kaunti na lang ay tuluyan nang mamamanhid ang mga ito.Mayamaya'y naramdaman ko ang pag-ihip ng hangin, senyales na bumukas ang pinto sa may veranda. Humalik sa aking pisngi ang lamig

  • Seven Steps Away (Original Tales of Remorse)   Kabanata 57

    ◆ FOUR ◆YVANNGazing at the city lights of the nearest city from my spot, I licked the blood left on my lips. I am standing on top of a tower, feeling the cold breeze of the wind while savouring the taste of blood in my mouth."You pissed him again. Hindi ka ba natatakot sa magagawa ng kapatid mo? We both know who's more powerful between you two." Ani Sigfrid.Naningkit ang mga mata ko sa narinig pero kahit masama na ang titig na ipinupukol ko sa kanya, patuloy pa rin siya sa pagtungga sa bote ng alak sa kamay niya."He may be stronger but his foolishness will bring him nothing but his biggest downfall." I hissed.Umismid siya saka muling uminom sa kanyang bote. Pinasadahan niya ng mga daliri niya ang buhok niya bago siya bumaling sa syudad sa 'di kalayuan."Coming from someone who was never been foolish his entire life " He mumbled."Oh, shut the fuck up. Hindi ko kailangan n

  • Seven Steps Away (Original Tales of Remorse)   Kabanata 56

    ◆ THREE ◆CHRISTELPinasadahan ko ng tingin ang mga paintings sa dingding. Every piece shows a dark theme that suits pretty well to where it is. Most shows images of vampires sucking blood from women.Walang gana kong ibinaba ang kutsara saka ko dinampot ang baso ng juice. Matapos uminom ay binalingan ko ang babaeng kasama ni Jemimah.I scanned her from head to foot. She seem too innocent to be here. Kung tatantyahin, halatang mas bata siya sa akin. Her hair is braided perfectly then bunned it on the right side of her head. Her ash blonde strands suits her chestnut eyes."Wala bang alak? Kahit beer lang?" Walang gana kong tanong.Halatang nag-aalangan siyang sumilip sa pinto patungo sa kusina na tila nanghihingi ng permiso para magsalita.Napakamot siya sa gilid ng ulo niya. "M-Meron po pero baka magalit si Senyor Yvann."Tumaas ang aking kilay. "Anong masama roon? He sucks blo

  • Seven Steps Away (Original Tales of Remorse)   Kabanata 55

    ◆ TWO ◆CHRISTELMy limbs were already shaking the moment he let go of me. Baka kung hindi dahil sa aking mga kadena, tuluyan akong bumagsak sa malamig na sahig.The guy stood up and went straight to the single-seater sofa. May dalawa na namang babae sa kanyang kama. Hindi ko alam kung gaano na ako katagal dito. Basta nagigising na lang ako kapag gusto nuyang uminom mula sa aking dugo. Sa oras na makuntento na siya'y darating na ang mga tagasilbi upang kunin ako para linisin at pakainin.Inangat ko ang aking ulo upang tignan siya ngunit nang makita kong nakatitig pala siya sa akin ay muli akong napaiwas ng tingin.I gulped then tried to clear my throat. "B-Bakit hindi ka na lang sa kanila kumuha ng dugo? Sigurado ako, they will all be your willing victim..."Umismid siya. "Your blood is sweeter." Untag niya sa malumanay na tono ngunit hindi ko pa rin maiwasang panginigan ng kalamnan.

  • Seven Steps Away (Original Tales of Remorse)   Kabanata 54

    ◆ ONE ◆YVANNMy eyes shut the moment her blood started to fill my mouth. Damn. It tastes so good. Gumuguhit ang lasa sa sistema ko, binibigyang buhay ang nanunuyo kong lalamunan.Humigpit ang pagkakahawak ko sa balikat niya dahil sa lasa ng dugo niya. It's too sweet, when was the last time I had a taste of blood like this? Or is it's just a long time that I had a taste of fresh human blood with no drops of verbane on its system?Hindi ko inakalang gagana pa ang mind control ko kanina. My supply of blood doesn't satisfy me anymore lately, kaya nang magawa ko siyang pasunurin gamit ang isip kanina, hindi ko maiwasan ang ngisi ko.Perks of being a Garrison. Garrisons' tbe strongest vampire bloodline. The royals to be exact. We descended from the first generation vampire, Gimeno. The only bloodline of vampires who can compell through their minds and can do a lot of things ordinary or lower ranked vamp

  • Seven Steps Away (Original Tales of Remorse)   Kabanata 53

    Spin-off: Stained Innocence◆ PROLOGUE ◆CHRISTELHinawi ko ang ilang hibla ng buhok kong tumabing sa aking mukha saka ko dinampot ang bote sa aking harap. Marami na akong kalmot at pasa sa katawan. Pumutok na ang ibabang labi ko pero pasensyahan kami. Hindi ako aalis ng lugar na ito na hindi ko nagagawa ang pakay ko.My hand held the bottle tightly. Pagkaharap ko sa babae ay buong lakas ko itong ipinukpok sa kanyang ulo. Napaatras siya at wala pang ilang saglit, tuluyang umagos ang sariwang dugo pababa sa kanyang mukha.I smirked as I saw horror on her face. Nawala ang kayabangan niya dahil lang sa dugo. Maging ang tatlong alepores niya ay biglang nagsiatras nang makitang hindi ko pa rin binibitiwan ang basag na bahagi ng bote."Y-You bitch!" She huffed.Tinaasan ko siya ng kilay saka ko imwinestra ang kamay ko para palapitin siya. "Bring it on, slut. You can't scare Ch

  • Seven Steps Away (Original Tales of Remorse)   Kabanata 52

    EPILOGUEI don't like this, I don't like that.I hate girls like this, I hate girls like that.I used to set standards. Naalala ko pa nga no'ng sabihan ako ng mga kaibigan kong masyado raw akong mapili sa babae. I can't blame them, though. Maging ako minsan naiinis na dahil kahit na anong pilit kong ituon sa mga babae ang atensyon ko, hindi ko magawa. Hindi ko makita sa kanila 'yong mga bagay na gusto ko sa isang babae.But you wouldn't really know what you want until fate shows it to you.Seven years ago, I met the famous black sheep of the Gallivers.Malayong-malayo siya sa mga tipo kong babae. Kung manamit siya, madalas mga pantalong may punit, sandong may kung ano-anong kalokohang nakalagay gaya ng dirty sign, at 'yong kilay niyang palagi na lang tumataas na akala mo kaaway niya ang lahat ng nakakasalubong niya."Huwag kang KJ, Pearce. Tangina birthday mo ngayon. Eighteen ka na legal ka nang mag-inom sa bar."N

DMCA.com Protection Status