Home / Romance / Seductress Unforgotten / Seductress Unforgotten Chapter 89

Share

Seductress Unforgotten Chapter 89

Author: MIKS DELOSO
last update Huling Na-update: 2025-01-31 21:10:05

Tahimik na nakatingin si Lance sa cellphone, hindi alam kung paano tutugon. Ang mga salitang sinabi ni Apple ay parang tinaga ang kanyang puso. Sa mga mata ni Apple, hindi na siya ang kailangan. Ang pag-asa na matagal niyang hinawakan ay unti-unting nawawala. Alam niyang hindi na siya pwedeng makialam pa.

"Palayain mo na ako..." Ang mga salitang iyon ay naglaro sa kanyang isipan, at parang may punit sa kanyang dibdib. Gusto niyang magalit, magtangkang kumapit pa, pero alam niyang hindi na iyon makikinig. Ni hindi na niya kayang humingi ng tawad para sa lahat ng pagkakamali niya sa nakaraan.

Mabilis na tumingala si Lance, tumingala sa kawalan ng kasagutan. "Ang sakit, Apple," bulong niya sa sarili. "Bakit ganito?"

Sa kabilang linya, narinig ni Apple ang pagbagsak ng bigat sa hangin. Nagbigay siya ng malalim na hininga bago nagsalita muli, ang boses niya puno ng tapang at sakit. “Hindi ko na kayang magpatuloy na parang wala nang nangyari. Hindi ko na kayang magpatawad sa sarili ko kung
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Kaugnay na kabanata

  • Seductress Unforgotten   Seductress Unforgotten Chapter 90

    Ngunit sa kabila ng matapang na pangakong iyon, bakit may bahagi pa rin ng puso niyang nanginginig?Napalunok si Apple, pilit pinipigil ang kirot na sumisirit sa kanyang dibdib. Pinatay na niya ang tawag, ngunit ang tinig ni Lance ay tila bumabalik-balik sa kanyang isipan. "Palayain mo na ako, Lance," ang sabi niya kanina. Pero totoo nga ba iyon? O sinusubukan lang niyang kumbinsihin ang kanyang sarili?Napatingin siya kay Amara, na payapang natutulog sa kanyang bisig. Ito ang buhay niya ngayon. Wala nang Lance. Wala nang sakit. Wala nang luha. Pero bakit sa kabila ng lahat ng desisyong ginawa niya, may isang bahagi pa rin ng kanyang puso ang tila nananabik?Hindi niya dapat maramdaman ito. Hindi siya dapat bumigay.Napasapo siya sa kanyang noo at pumikit. Ano ba, Apple? Tama na! Tama na ang pagpapakatanga!Ngunit bago pa niya tuluyang maisantabi ang kanyang emosyon, isang sunod-sunod na katok ang pumunit sa katahimikan ng gabing iyon.Tok. Tok. Tok.Mabilis na bumangon si Apple mula

    Huling Na-update : 2025-02-01
  • Seductress Unforgotten   Seductress Unforgotten Chapter 91

    Napabuntong-hininga si Mia. Alam niyang matigas ang puso ni Apple pagdating kay Lance, pero hindi niya rin maiwasang mapansin ang bahagyang pag-aalinlangan sa mga mata ng kaibigan.Kung talagang wala na, bakit hindi niya maisarang tuluyan ang pinto?Sa labas, si Lance ay hindi gumagalaw. Nakatayo pa rin siya sa ilalim ng ulan, basang-basa, tila walang balak umalis hangga’t hindi siya pinapakinggan ni Apple.Nagtagpo ang kanilang mga mata. Si Apple, na pilit ipinapakita ang kawalan ng interes. Si Lance, na desperadong ipakita ang tunay niyang nararamdaman.“Apple, lumabas ka!”Sigaw ni Lance mula sa ilalim ng ulan. Basang-basa na siya, nanginginig sa lamig, pero wala siyang pakialam. Hindi siya aalis dito hangga’t hindi siya pinapakinggan ni Apple.Sa loob ng bahay, mahigpit ang pagkakayakap ni Apple kay baby Amara. Pilit niyang pinapakalma ang kanyang puso. Huwag mong hayaang madala ka sa sakit ng nakaraan, Apple. Huwag kang bibigay.Ngunit ang tinig ni Lance ay patuloy na dumadagundo

    Huling Na-update : 2025-02-02
  • Seductress Unforgotten   Seductress Unforgotten Chapter 92

    “Wala kang karapatan banggitin si Amara! Naiintindihan mo ako, Lance? Paulit-ulit ko nang sinasabi sa’yo—hindi mo siya anak! Maghanap ka ng anak sa nobya mong si Mirasol!”Nanginginig sa galit at luha si Apple habang mariing hinawakan ang pintuan. Pilit niyang itinatago ang sakit sa likod ng matigas na pananalita. Ayaw niyang ipakita ang totoo—na sa kabila ng lahat ng sakit na idinulot ni Lance, may bahagi pa rin sa kanya ang gustong maniwala…Ngunit hindi siya maaaring bumigay.“Lubayan mo na kami! Umalis ka na, Lance! Pinapahiya mo lang ako sa harap ng kapitbahay. Please… umalis ka na!”Sa ilalim ng malakas na buhos ng ulan, si Lance ay nakatayo pa rin. Basang-basa, nanginginig, pero hindi natinag. Ang mga mata niya ay puno ng pakiusap, puno ng hinanakit.“Apple…” Mahina ang tinig ni Lance, halos hindi marinig sa tunog ng ulan. “Huwag mo namang gawin ito sa akin. Alam mong mahal kita—”“Huwag mo akong lokohin, Lance! Hindi mo ako mahal! Kung mahal mo ako, hindi mo ako ipagpapalit ka

    Huling Na-update : 2025-02-03
  • Seductress Unforgotten   Seductress Unforgotten Chapter 93

    Kinabukasan, abala si Apple sa pagsasampay ng damit nang makarinig siya ng malalakas na katok sa pinto.BANG! BANG! BANG!Napatigil siya. Tumingin siya kay Mia na noon ay may kargang si Amara."Sino ‘yan?" tanong ni Mia.Hindi sumagot si Apple. Bumilis ang tibok ng kanyang puso. Alam niyang iisa lang ang maaaring gumawa nito.Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto—at hindi nga siya nagkamali.Si Lance.At sa likod niya ay ang kanyang abogado."Apple," madiing wika ni Lance. "I need to talk to you.""Ano pa bang kailangan mo, Lance?" matigas niyang tanong. "Wala na tayong dapat pag-usapan.""May dapat kang ipaliwanag sa akin."Pumasok si Lance kahit hindi siya pinayagan ni Apple. Pumasok din ang abogado nito, may hawak na folder."Ano ‘yan?" nag-aalalang tanong ni Apple.Inilapag ni Lance ang dokumento sa mesa. "Custody papers."Nalaglag ang panga ni Apple. "Ano?!""Gusto kong makuha si Amara."Lumapit si Mia at mahigpit na hinawakan si Amara. "Lance, hindi mo pwedeng gawin ‘to!""Hindi

    Huling Na-update : 2025-02-04
  • Seductress Unforgotten   Seductress Unforgotten Chapter 94

    "Patahimikin mo na ang gulong ito, Apple," mahina ngunit matigas na sabi ni Lance. "Sabihin mo ang totoo." Pero tumalikod si Apple, mahigpit na niyakap ang natutulog na si Amara. "Wala nang ibang totoo, Lance. Tanggapin mo na lang." Pero ang alam lang ni Lance—hindi siya kailanman titigil. "Andito ang custody papers, Apple!" madiing sabi ni Lance, sabay hampas ng dokumento sa lamesa. "Pumayag ka na magpa-DNA! Saka sabihin mo na hindi sa akin si Amara!"Napalunok si Apple. Nanginginig ang mga daliri niyang nakahawak kay Amara, habang pilit niyang pinapakalma ang sariling dibdib na tila mabibiyak sa sobrang bilis ng tibok."Wala kang karapatan, Lance. Wala ka nang karapatan sa amin!""Kung hindi talaga ako ang ama, anong ikinatatakot mo, ha?" Lumapit si Lance, ang mga mata niya’y nagliliyab sa galit at desperasyon. "Kung sigurado kang hindi ako ang ama, pumayag ka sa DNA test! Bakit hindi mo kayang gawin?"Napapikit si Apple, pilit nilulunok ang nadarama. Alam niyang hindi siya bi

    Huling Na-update : 2025-02-04
  • Seductress Unforgotten   Seductress Unforgotten Chapter 95

    Lumapit si Mia at nag-aalala sa sitwasyon ni Apple at nagtanong, "Ano ang plano mo ngayon? Desidido si Lance na ipa-DNA si Amara." "Hindi ako makakapayag, Mia. Baka mas mabuting lumipat tayo ng matitirhan. Hindi ako makakapayag na makalapit siya sa amin. Baka paglingat ko, kukunin niya sa akin si Amara. Si Amara lang ang buhay ko.""Apple, hindi mo siya matatakasan habambuhay." Malungkot na sabi ni Mia habang nakatitig sa kaibigan."Kahit saan tayo lumipat, may paraan si Lance para hanapin ka.""Hindi niya kami mahahanap!" mariing sagot ni Apple. "Kailangan ko lang ng tamang plano. Hindi ko hahayaang makuha niya si Amara sa akin!""Pero paano kung may punto siya, Apple?" Bumuntong-hininga si Mia. "Hindi ba’t may karapatan din siya bilang ama?""Mia, ikaw pa talaga ang nagsasabi niyan?" Nanlilisik ang mata ni Apple. "Ikaw ang nakasaksi kung paano niya ako iniwan noon! Ikaw ang unang nakakaalam kung gaano ako nasaktan!""Oo, pero alam ko rin kung paano mo siya minahal, Apple." Isang mah

    Huling Na-update : 2025-02-05
  • Seductress Unforgotten   Seductress Unforgotten Chapter 96

    Matagal siyang nanatiling tahimik, nakatitig sa lumang larawan ni Apple at Amara na hawak niya. Dalawang taon. Dalawang taon niya silang hinanap, dalawang taon siyang nagtanong—at ngayong nasa harapan na niya ang sagot, bakit parang hindi sapat?Ano nga ba ang hinahanap niya? Hustisya? Paghihiganti? O… isang pangalawang pagkakataon?"Sir?" putol ni Greg sa katahimikan.Ibinalik ni Lance ang larawan sa drawer, pilit pinapatay ang emosyon sa puso niya. "Huwag kang magtanong ng bagay na hindi mo kailangang malaman, Greg.""Pero, Sir—""Patuloy mong bantayan si Apple at Amara," madiin niyang utos. "At siguraduhin mong hindi sila makakalayo sa akin."Nanlalamig ang kamay ni Apple habang pinagmamasdan ang anak na natutulog sa bisig niya. Para siyang nauubusan ng hininga. Hindi niya alam kung anong gagawin."Ano ang plano mo ngayon?" mahina ngunit nag-aalalang tanong ni Mia, na nakaupo sa tabi niya. "Alam mong hindi titigil si Lance hangga’t hindi siya nakakasigurado.""Hindi ko alam, Mia…"

    Huling Na-update : 2025-02-05
  • Seductress Unforgotten   Seductress Unforgotten Chapter 97

    Madilim ang kalangitan sa labas. Sa kabila ng katahimikan ng gabi, may isang aninong hindi natutulog. Nakaparada ang isang itim na sasakyan sa labas ng bagong condo ni Apple. Sa loob nito, tahimik na nagmamasid si Greg, ang tauhan ni Lance.Muling nag-vibrate ang cellphone niya.Lance: Nasaan na kayo?Greg: Nasa unit na sila. Mukhang settle na sila roon.Lance: Maghintay ka. Magkikita tayo bukas.Ibinalik ni Greg ang tingin sa mataas na palapag kung saan naroon si Apple at ang anak nitong si Amara. Hindi alam ni Apple… na nagsisimula pa lang ang laban.Sa loob ng unit, tahimik na pinagmamasdan ni Apple ang mahimbing na pagtulog ng kanyang anak. Si Amara—ang batang bunga ng isang pagmamahal na muntik na niyang ipaglaban, ngunit hindi niya nagawa.Lumapit si Mia sa kanya, mahina ang tinig. “Apple… hindi kita huhusgahan. Pero may hindi ka pa sinasabi sa akin, hindi ba?”Napalunok si Apple. Mahal niya si Lance noon. Mahal pa rin niya ito hanggang ngayon. Pero hindi niya maaaring aminin.“

    Huling Na-update : 2025-02-06

Pinakabagong kabanata

  • Seductress Unforgotten   Seductress Unforgotten Chapter 209

    Apple bit her lower lip. May bahagi sa kanyang gustong umiwas. Ayaw niya ng false hope. Ayaw niya ng panibagong sakit. Pero ramdam ng puso niya ang sinseridad ni Nathan. At sa unang pagkakataon matapos ang mahabang panahon, may liwanag siyang naramdaman. Hindi pilit. Hindi nakakatakot.“Hindi madali ‘to,” mahina niyang sabi. “May anak ako. May responsibilidad. At kahit anong ganda ng tanawin dito sa Europe, ang totoo, gulo pa rin ang puso ko.”Nathan smiled gently. “Then let me help you carry some of that weight. I won’t rush you, Apple. Hindi kita pipilitin. Pero gusto kong malaman mo na hindi ka na nag-iisa.”Later that evening, Apple stood on the balcony of her hotel suite, overlooking the moonlit waters of Lake Como. Sa tabi niya ay isang baso ng red wine, at sa mesa ang isang bukas na laptop—nakatanggap siya ng email mula sa isang sikat na bridal magazine sa Milan. They wanted to do a feature on her work.“From Makati to Milan,” sabi niya sa sarili, natatawa. “Grabe talaga ang bu

  • Seductress Unforgotten   Seductress Unforgotten Chapter 208

    Ilang araw matapos ang alok ni Nathan, nagdesisyon si Apple na tanggapin ito. Sinimulan na nila ang pagpupulong kasama ang iba’t ibang international creatives. Isang malaking wedding expo ang gagawin sa Vienna bilang soft launch ng Callisto Europe, at si Apple ang mamamahala sa Luxury Garden Wedding Booth—isa sa pinaka-importanteng segments ng event.“Apple, this is your vision,” ani Nathan habang pinapakita ang floor plan. “Use your story. I want people to feel something.”Nagtrabaho si Apple araw at gabi. Pinili niya ang mga bulaklak na may kahulugan—roses for passion, baby’s breath for innocence, lavender for healing. Gumamit siya ng mga vintage lace, crystal chandeliers, at handwritten vows sa wedding arch. Lahat ng elemento, may kuwento.Nang dumating ang araw ng event, napuno ng mga bisita ang hall. Lahat ay namangha sa booth ni Apple. May mga brides-to-be na napaluha, mga photographers na sunud-sunod ang kuha, at mga event organizers na gustong makipag-partner.“Nathan,” ani ng

  • Seductress Unforgotten   Seductress Unforgotten Chapter 207

    Maaga pa lang ay gising na si Apple. Ang liwanag ng umagang iyon sa Paris ay tila kakaiba—parang may hatid na kaba at pananabik. Isang linggo na mula nang makatanggap siya ng email mula kay Nathan Callisto, ang dating manliligaw niya noon sa Singapore. Hindi niya inasahan na muling babalik ang lalaking minsang nagpangiti sa kanya, pero hindi niya pinili. Noon, may Lance pa siya. Pero ngayon… iba na ang lahat."Nandito na ako sa Charles de Gaulle Airport. See you soon."Ito ang huling text ni Nathan kagabi—maikli, diretso, pero may bigat.Napatitig si Apple sa salamin habang inaayos ang buhok. Simpleng coat lang ang suot niya, kulay beige, at itim na boots. Wala siyang suot na makeup maliban sa light blush sa pisngi. Gusto niyang maging simple—tulad ng pagkatao niya."Hinga lang, Apple. Professional lang 'to," bulong niya sa sarili, bagama’t ramdam niyang bumibilis ang tibok ng puso niya.Nakarating si Apple sa arrival area na may halong excitement at kaba. Maraming tao—may mga naghihi

  • Seductress Unforgotten   Seductress Unforgotten Chapter 206

    Kinabukasan, dumating na ang araw na matagal nang iniiwasan ni Apple. Ang araw ng kanilang flight papuntang Europe, isang malaking hakbang patungo sa bagong buhay. Nasa Pilipinas na sila galing Singapore at ngayon, ang kanilang mga puso ay magaan, pero ang mga alaala ng mga oras na kanilang ginugol sa Singapore ay matindi pa rin ang epekto sa kanilang mga damdamin. Para kay Apple, napakasakit na iwan ang lahat ng iyon—lalo na si Lance.Habang abala si Mia sa paghahanda ng mga gamit, si Apple naman ay naglalakad-lakad sa loob ng kanilang kwarto, nakatingin sa mga gamit at mga pasalubong na binili nila. Maraming alaala—ang mga tawanan, ang mga pagsubok, at lahat ng mga magagandang bagay na nangyari. Ngunit ang masakit, si Lance ay hindi kasama sa lahat ng iyon ngayon."Apple, tapos ka na ba?" tanong ni Mia mula sa kabilang sulok ng kwarto, sabay abot ng bag na malapit sa kama. "May mga oras pa tayo, baka magmamadali tayo."Nagpatuloy sa paglilibot ng mata si Apple sa mga gamit sa paligi

  • Seductress Unforgotten   Seductress Unforgotten Chapter 205

    Pagkauwi ni Lance sa kanilang bahay, ramdam niyang bumigat ang paligid. Hindi pa man siya nakakapasok ng tuluyan, sinalubong na siya ng malamig at matalim na boses ni Monica.“Saan ka na naman galing, Lance?” tanong ni Monica, nakapamewang at halatang mainit ang ulo. “Alas-dos na ng hapon! Alam mong kailangan kong magpahinga, pero ikaw, parang wala kang pakialam!”Pinilit ni Lance ang sarili na huwag magalit, kahit alam niyang pagod na pagod na siya—sa damdamin, sa isipan, sa sitwasyon. Hinubad niya ang sapatos at tumingin kay Monica, na halatang mainit ang ulo.“Galing ako kina Apple. Sinamahan ko lang siya saglit para pag-usapan si Amara,” paliwanag niya, mahinahon ang boses.Napasinghap si Monica, at agad siyang naupo sa sofa habang hawak ang kanyang tiyan. “Si Apple na naman? Bakit parang mas may oras ka pa sa kanya kesa sa akin, ha, Lance? Ako ang asawa mo! Ako ang buntis dito!”“Monica…” bumuntong-hininga si Lance, at naupo sa tapat niya. “Hindi ko naman sinabing mas mahalaga si

  • Seductress Unforgotten   Seductress Unforgotten Chapter 204

    Naglakad si Apple papuntang lugar kung saan sila nagkasundong magtagpo. Ang bawat hakbang ay puno ng pag-aalinlangan, ngunit hindi na niya kayang pigilan ang nararamdaman. Ang huling pagkakataon na makakaharap niya si Lance—ang taong minsan niyang iniwasan ngunit hindi kailanman ganap na nakalimutan.Pagtapat niya sa kanto, nakita niyang naghihintay na si Lance sa isang maliit na coffee shop, ang paborito nilang lugar noong magkasama pa sila. Nang makita siya, tumayo siya mula sa upuan at naglakad papalapit, ang mga mata nitong puno ng emosyon."Apple," tawag ni Lance, ang tinig ay puno ng sakit at pagnanasa. "Salamat at pinayagan mo akong makita ka.""Tama ba ang desisyon ko, Lance?" tanong ni Apple, ang kanyang mga mata ay puno ng pag-aalinlangan.Lance ay ngumiti, ngunit ang ngiti ay may halong kalungkutan. "Hindi ko alam, Apple. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin, pero..." Umiling siya, parang naguguluhan. "Hindi ko kayang mawalan ka. Hindi ko kayang tanggapin na wala na tayo."

  • Seductress Unforgotten   Seductress Unforgotten Chapter 203

    Maagang nagising si Apple kinabukasan. Ito na ang huling araw nila sa Singapore. Habang yakap ang kanyang anak na si Amara, malalim ang iniisip niya—ang desisyong magbabago sa takbo ng kanyang buhay at ng negosyo nila ni Mia."Apple, nakapagdesisyon ka na ba?" tanong ni Mia habang inaayos ang mga bagahe nila.Tumayo si Apple at lumapit sa bintana, tinitingnan ang tanawin ng Singapore sa labas. "Oo, Mia. Kailangan kong gawin ‘to."Napangiti si Mia at tumango. "I knew it. At hindi kita pipigilan. Big break natin ‘to, Apple. Hindi lang sa negosyo, kundi para sa'yo rin.""Pero Mia, sigurado ka bang okay lang sa'yo ‘to? Ayokong iwan ka sa lahat ng trabahong ito."Nilapitan siya ni Mia at hinawakan ang kamay niya. "Apple, huwag mo akong alalahanin. This is our dream. Kung saan ka mas magiging matagumpay, doon din ako. At isa pa, hindi mo naman ako iniiwan. Magkakasama pa rin tayo sa negosyong ‘to. Hindi ka nag-iisa."Damang-dama ni Apple ang suporta ni Mia. Hindi niya alam kung paano siya s

  • Seductress Unforgotten   Seductress Unforgotten Chapter 202

    Sa ilalim ng tahimik na langit, tanging ang mahihinang huni ng mga kuliglig ang bumabasag sa katahimikan. Nasa beranda sina Lance at Monica, nakaupo sa isang mahabang upuan, ngunit may pagitan sa kanilang dalawa—isang pagitan hindi lang sa espasyo, kundi pati na rin sa puso.Pinagmamasdan ni Lance ang madilim na kalangitan, tila hinahanap ang sagot sa isang tanong na pilit niyang iniiwasan. Samantala, si Monica ay tahimik na nakatitig sa kanya, kita ang lungkot sa kanyang mga mata."Lance," mahina ngunit matigas ang boses ni Monica. "Kaya mo ba talagang bitawan siya?"Dahan-dahang napalingon si Lance sa kanya. Isang saglit silang nagkatitigan, ngunit hindi agad siya nakapagsalita."At kaya mo bang makita na may ibang lalaki si Apple?"Napalunok si Lance. Parang hinigpitan ang kanyang dibdib."Kaya mo bang makitang may ibang nagmamahal sa kanya… habang ikaw, nanonood lang mula sa malayo?"Ramdam ni Lance ang bigat ng tanong. Naramdaman din niya ang matinding takot—hindi dahil sa ideya

  • Seductress Unforgotten   Seductress Unforgotten Chapter 201

    Nakatayo si Apple sa isang glass window ng marangyang opisina sa Sentosa, Singapore, tinitingnan ang tanawin ng syudad. Sa likod niya, naroon si Mia, abala sa pagbabasa ng kanilang schedule."Sis, may lunch meeting tayo mamaya with the European investors. Then may exclusive gala tayo sa gabi para sa mga premium designers," ani Mia habang sinusuri ang planner niya. "This is it, Apple. Isa ka na sa mga bigatin sa industry."Hindi agad sumagot si Apple. Nakatitig lang siya sa malawak na kalangitan, pilit pinapakalma ang sarili sa dami ng nangyayari sa buhay niya."Apple?" tawag ni Mia, nang mapansing tahimik siya.Huminga nang malalim si Apple bago bumaling sa kaibigan. "Alam mo ba yung pakiramdam na nasa harapan mo na ang matagal mo nang pangarap, pero may bahagi pa rin sa’yo na parang may kulang?"Napakunot-noo si Mia. "Sis, please lang. Huwag mong sabihing iniisip mo pa rin si Lance."Napayuko si Apple at napabuntong-hininga. "Hindi siya, Mia. Hindi lang siya. Kundi ang lahat ng iniwa

Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status