Ramdam ni Lance ang bigat ng sitwasyon. Ang puso niya ay naguguluhan, ang isip ay puno ng mga tanong. Hindi niya kayang iwan si Monica sa ganitong kalagayan—hindi siya pwedeng maging dahilan ng ganitong paghihirap.Tiningnan niya si Monica, na patuloy pa rin sa paghikbi, ang mga mata ay puno ng lungkot at takot. Si Lance, kahit na puno ng kaguluhan sa kanyang puso, ay nagdesisyon na hindi niya ito kayang bitawan. "Monica," ang sabi ni Lance, ang boses niya ay puno ng pag-aalala, "Hindi ko kayang makita kang masaktan pa. Hindi ko kayang ikaw ang magdusa ng ganito." Iniangat ni Lance ang mukha ni Monica, pinunasan ang kanyang mga luha, at nagpatuloy. "I will stay, Monica. I won't leave you... not now, not ever. But we need time. We need to figure things out, separately and together."Si Monica, bagama’t patuloy ang mga luha, ay nagkaroon ng konting liwanag sa kanyang mga mata. "Hindi ko kaya mag-isa, Lance... I need you... please don't leave me." Tila nawalan siya ng lakas, at ang mga s
Kumilos si Apple at dahan-dahan itong nilapitan, at habang hawak ang box, naramdaman niya ang matinding tensyon sa kanyang dibdib. Nasa harap niya ngayon ang desisyon na hindi niya matanggap, ang muling pagbabalik ng mga alaala sa mga masakit na karanasan. Ibinukas niya ang kahon, ang mabigat na pakiramdam ay tumama sa kanya—isang maliit na damit na parang para kay Amara. Isa itong cute na pink dress na may ruffles sa laylayan, at may maliit na card na nakatago sa loob.Sa pagkakita niya sa card, hindi niya maiwasang magduda. Hindi siya sigurado kung dapat ba niyang tanggapin ito, o kung paano ito tatanggapin. "Para sa baby at sa iyo," ang nakasulat sa card. "Sana magustuhan mo."Bumangon siya mula sa kanyang pagkakaupo at naglakad papunta sa salamin. Habang tinitingnan ang sarili, ramdam niyang may gumugulo sa kanyang dibdib. Bakit ba hindi pa siya makaalis mula sa nakaraan nila ni Lance? Bakit ba siya pinipilit mag-isip ng mga posibilidad at magbigay ng pagkakataon kay Lance na muli
Pagdating sa condo unit ni Monica, tahimik si Lance habang inaakay siya papasok. Sa isip niya, kailangan niyang tiyakin na maayos ang kalagayan nito at hindi na muling sasaktan ang sarili. Kahit hindi malinaw ang damdamin niya para kay Monica ngayon, alam niyang may responsibilidad siyang siguraduhing ligtas ito.Pagkapasok nila sa loob, tumigil si Monica sa gitna ng sala, hawak pa rin ang sugat sa kamay na ginawa niya kanina. "Lance... natatakot ako na mawala ka," bulong niya, ang boses puno ng lungkot at desperasyon.Huminga nang malalim si Lance at tumingin sa kanya. "Monica, hindi ko gustong may mangyaring masama sa'yo. Kaya nandito ako. Pero kailangan mo ring tulungan ang sarili mo. Hindi pwedeng ganito lagi."Umupo si Monica sa sofa, ang mga luha muling dumaloy. "Paano ko gagawin 'yon, Lance? Mahal kita. At hindi ko kayang isipin na may iba kang iniisip bukod sa akin. Ano bang meron si Apple na wala ako?"Hindi makapagsalita si Lance agad. Alam niyang hindi magiging madali ang p
Hindi sumagot si Lance, sa halip ay hinigpitan ang yakap kay Monica. Alam niyang hindi madali ang sitwasyong ito. May bigat sa kanyang puso, ngunit sa ngayon, ang mahalaga ay siguraduhing ligtas si Monica at hindi na muling mapapahamak.Kinabukasan, isang mainit na sikat ng araw ang sumilip sa bintana ng kwarto ni Apple, tila pinapaalalahanan siya na may bagong simula sa kanyang harapan. Bumangon siya mula sa kama, hinaplos ang kanyang tiyan, at binigkas ng tahimik, "Good morning, baby Amara. Today, it's just you and me." Ngayon, mas ramdam niya ang kagaanan ng loob, na parang ang bigat na bumabalot sa kanya nitong mga nakaraang linggo ay unti-unting nawawala.Sa gitna ng kanyang pag-iisip, bumukas ang pinto, at pumasok si Mia, bitbit ang isang tray ng almusal. "Good morning, soon-to-be mommy!" masiglang bati nito habang inilalapag ang tray sa gilid ng kama.Ngumiti si Apple, tinanggap ang tasa ng mainit na kape at ang sandwich na inihanda ni Mia. "Good morning din. Salamat, Mia. Ikaw
Ang bawat hakbang ay tila isang paalala na hindi natatapos ang buhay sa mga sakit at pagkakamali ng nakaraan. Sa bawat hinga ng sariwang hangin, pakiramdam niya ay naaalis ang mga bigat na matagal nang bumabalot sa kanya."Alam mo, Mia," simula ni Apple habang patuloy silang naglalakad, "parang kahapon lang, pakiramdam ko hindi ko na kayang bumangon. Pero ngayon, parang may liwanag na akong nakikita sa dulo ng lahat ng ito. Para akong muling nabubuhay."Ngumiti si Mia at tinapik ang balikat ni Apple. "Tama yan, Apple. Isa kang mandirigma. Hindi madali ang pinagdaanan mo, pero tingnan mo, nandito ka pa rin, nakatayo. At para sa anak mo, mas lalo kang lalakas."Tumigil si Apple sa harap ng isang puno at saglit na tumingala, hinahayaan ang liwanag ng araw na humaplos sa kanyang mukha. "Hindi ko akalaing darating ang araw na ganito ulit ako kasaya, Mia. Na parang may pag-asa ulit. Alam ko, hindi madali ang landas na tatahakin ko bilang single mom, pero kay Amara, lahat kakayanin ko.""At
Alam niyang hindi niya pwedeng hayaan si Monica mag-isa, lalo na matapos ang muntikan nitong pagtatangka sa sariling buhay. Sa kabila ng bigat sa kanyang dibdib, naroon ang pakiramdam ng responsibilidad na hindi niya kayang ipagwalang-bahala.Habang nakaupo sa sofa, sinulyapan niya si Monica na nakahiga sa kama. Tahimik itong nakatingin sa kisame, ngunit halata ang lungkot at bigat sa kanyang mukha. Sinubukan ni Lance na magpakatatag, ngunit hindi niya mapigilan ang mag-isip ng tungkol sa sitwasyon nila ni Apple at ang anak nila. Pinilit niyang itaboy ang mga iniisip na iyon; ngayon, si Monica ang mas nangangailangan sa kanya.Lumapit siya kay Monica at naupo sa gilid ng kama. "Monica, kamusta ka? May kailangan ka ba?" tanong niya, ang boses niya ay puno ng pag-aalala.Bahagyang gumalaw si Monica at tumingin kay Lance, ang mga mata niya ay namamaga mula sa pag-iyak. "Lance... natatakot ako," mahinang sabi nito. "Hindi ko alam kung paano ko haharapin ang mga araw na wala ka. Paano kung
"Monica, huwag mong sabihin 'yan!" malakas na boses ni Lance, puno ng awa at kaba. Hinawakan niya ang mga kamay ni Monica at tinitigan ito. "Hindi mo kailangan gawin 'yan. Mahal kita bilang kaibigan, bilang tao na gusto kong alagaan, pero hindi bilang kapareha. Hindi mo kailangang sirain ang sarili mo dahil lang hindi mo makuha ang pagmamahal na gusto mo. May halaga ka, Monica. Hindi mo lang nakikita ngayon."Napaupo si Monica sa sahig, hawak ang ulo habang humahagulgol. "Hindi ko kaya, Lance. Hindi ko kayang tanggapin na hindi mo ako mamahalin. Sinira mo ako. Sinira mo ang puso ko."Lumuhod si Lance sa harap niya, hinawakan ang mga kamay nito nang mahigpit. "Monica, hindi ko intensyong saktan ka. Gusto ko lang na malaman mo na may dahilan pa para mabuhay. Huwag mong hayaan na ang mundo mo ay iikot lang sa akin. May iba pang tao na magmamahal sa'yo ng buo. Baka hindi mo pa sila nakikita, pero darating sila.""Walang ibang Lance sa buhay ko," mahina ngunit puno ng sakit ang boses ni Mo
Sa kabila ng paglaki ng tiyan ni Apple, patuloy pa rin siyang aktibo sa negosyo. Hindi niya alintana ang kanyang kalagayan at ang mga nararamdaman, dahil ang pangunahing focus niya ay ang negosyo at ang magiging kinabukasan ng anak niyang si Amara. Kasama si Mia, ang matalik na kaibigan, dumaan sila sa iba't ibang mga meetings at nagplano ng mga hakbang para mapalago pa ang kanilang negosyo.Habang sila ay nagtatrabaho sa isang café, tinitingnan ni Apple ang mga dokumento, ang mga projections, at mga plano para sa expansion. Kahit na may mga bagay na mas mahirap gawin habang siya ay buntis, hindi siya nagpapatalo sa mga pagsubok. Alam niyang marami pa siyang kailangang tapusin at marating bago siya magpahinga."Mia, napansin ko na 'to, pero parang mas naging determined pa ako ngayon," wika ni Apple habang sinusuri ang ilang papel. "Mas gusto kong maging matagumpay sa negosyo na 'to para kay Amara. Para na rin sa ating lahat."Ngumiti si Mia at pinuri ang dedikasyon ni Apple. "I know!
Lumapit si Rene, hawak pa rin ang teddy bear ni Lucien. “Anak… lumaban siya. Lumalaban siya, alam ko. Monica is a fighter.”“Pero paano kung hindi na siya magising, Tita? Paano kung... kung hindi ko na masabi sa kanya lahat ng hindi ko nasabi? Hindi ko pa siya napapangakuan ng kasal, hindi ko pa siya nadadala sa paborito niyang lugar sa Bohol, hindi ko pa siya nalalakad ng mahaba sa ulan—lahat ng gusto niyang gawin, hindi pa namin nagagawa.”pag-alalang saad ni Lance“May oras pa. Hindi mo ba naririnig sarili mong boses? Mahal mo siya, anak. At alam kong nararamdaman niya ‘yon. Hindi siya bibitaw. Hindi kayo bibitaw.”naiiyak na sabi ni Rene.Biglang bumukas ang pinto. Lumabas ang isang nurse, may bahid ng tensyon sa mukha."Family of Mrs. Monica Martin?"Tumayo agad si Lance. Nanlalaki ang mga mata niya at nanginginig ang kamay habang lumapit sa nurse."Ako! Ako po! Ano pong nangyayari? Buhay pa siya?"Tumango ang nurse, pero halata sa kanyang mukha ang lungkot at pag-aalala."Buhay pa
Tumango si Rene, sabay tayo. Lumapit siya sa crib at dahan-dahang kinuha si Lucien. Una niyang pagkakataon itong buhatin ang kanyang unang apo."Kamukha mo, Monica," bulong niya, habang hinahaplos ang pisngi ng sanggol. "Pero ‘yung mata… mana sa tatay. Matapang."Sa gilid ng silid, pumasok ang isang nurse na may dalang camera."Sir Lance, Sir Rene, gusto niyo po ba ng first family photo habang mahimbing pa si baby?"Nagkatinginan ang dalawa, sabay ngiti.At doon, sa simpleng kuha ng litrato, naiselyo ang panibagong simula—isang pamilya, puno ng pangakong hindi na muli magkakahiwalay.ROOM 407 – RECOVERY ROOMTahimik ang paligid. Marahang umuugong ang aircon, at ang tunog ng monitor ay tila kampanang dahan-dahang tumutugtog. Si Lance ay nakaupo sa tabi ni Monica, hawak ang kamay nito habang pinagmamasdan si Lucien na mahimbing pa rin sa crib. Katabi nila si Rene, na may ngiting abot-langit habang kinukunan ng larawan ang kanyang apo.Bigla—isang kakaibang tunog ang nagmula sa monitor.
Ligtas na nailipat si Monica sa recovery room. Si Lance naman ay hindi pa rin mapakali—abala sa pag-aasikaso ng birth certificate, sa pagkuha ng gamit, at paminsan-minsan ay sinisilip ang nursery kung nasaan ang kanilang baby boy.Pagbalik niya sa kwarto, nakita niyang gising na si Monica. Nakatingin ito sa kisame, tila malalim ang iniisip.“Moni?”“Lance, napag-isipan ko na ang pangalan niya,” agad na sambit ni Monica.“Talaga? Ano?”“Gusto kong pangalanan siya ng “Lucien.” Ibig sabihin ‘light’… kasi kahit ang dami kong kinatatakutan, pagdating niya, parang may liwanag na. Parang nawala ang dilim.”Napangiti si Lance. “Lucien… Lucien Martin. Maganda. Matapang. Puno ng liwanag.”Tumango si Monica. “Kasi kahit dumaan ako sa pinakamadilim na yugto ng buhay ko, binigyan mo ‘ko ng liwanag. Kaya ikaw ang gusto kong huling makasama sa lahat ng dilim ng buhay ko.”Napatingin si Lance kay Monica, tila ba bawat salitang lumalabas sa kanyang labi ay siniselyuhan sa puso niya.“Moni…” mahina ngu
At sa gabing iyon, hindi lang panaginip ang pag-ibig. Totoo ito.Sa mga bituin sa ibabaw ng Paris, sa mga ilaw ng lungsod, at sa katahimikan ng pagyakap—nabuo ang pangako.Isang pangakong kahit may kapirasong sakit, may puwang pa rin para sa paghilom.Samantala, sa kabilang panig ng mundo, sa Pilipinas, si Lance ay tahimik na nakaupo sa gilid ng kama ni Monica. Hawak-hawak niya ang kamay nito habang natutulog, pagod sa regular na check-up at paghahanda para sa nalalapit na panganganak. May kapayapaan sa mukha ni Monica, habang si Lance naman ay may halong kaba at tuwa sa dibdib.Tila isang eksena ito mula sa ibang buhay—malayo sa dating gulo, sakit, at panghihinayang. Ang lalaki na minsang takot sa pananagutan, ngayon ay buong pusong nakatutok sa bagong yugto ng kanyang buhay.“Hindi ko man nabigyan ng maayos na simula si Apple at Amara… pero sisiguraduhin kong sa pagkakataong ito, magiging buo ang lahat,” bulong niya sa sarili habang pinagmamasdan ang mukha ni Monica.Ilang buwan ang
Nathan, na ramdam na ramdam ang pag-aalala ni Apple, ay nag-abot ng kamay upang magpatuloy sa kanilang usapan. Pinisil niya iyon nang marahan—parang sinasabing, “hindi kita bibitawan.”“Apple, hindi mo kailangang kalimutan ang lahat,” aniya, marahan pero buo ang boses. “Basta’t tandaan mo, nandito ako. Kasama kita. Huwag mong bitawan ang pangarap mo. Huwag mong bitawan si Amara at ako.”Bumuntong-hininga si Apple. Pinilit niyang ngumiti, pero alam ni Nathan, may bigat pa rin sa puso ng babae.Hindi nagtagal, sumabad si Mia mula sa likuran habang karga si Amara. “Oo nga, Apple,” sabay ngiti, “ngayon tinutupad na natin ang mga pangarap natin. Nakapag-expand tayo dito sa Paris, sa tulong ng nobyo mong si Nathan. Dati, nangangarap lang tayo ng maliit na café. Ngayon may ‘Boulangerie de Amara’ na tayo. May brunch café pa tayong padating sa Montmartre. Look how far you’ve come.”Natawa si Apple, hindi dahil sa tuwa kundi sa tila hindi pa rin siya makapaniwala sa lahat ng nangyari.“Grabe, n
Habang si Monica at Lance ay nagsisimula ng bagong paglalakbay, ang kwento ni Apple ay patuloy na umuusad sa isang bagong kabanata. Sa kabila ng lahat ng naging pagsubok at sakit, siya at si Nathan ay nagpatuloy sa pagbuo ng kanilang buhay sa Paris, kasama ang kanilang anak na si Amara. Ang bawat araw sa bagong lungsod ay puno ng hamon, ngunit tila wala nang hadlang sa kanilang pagmamahalan.Sa isang tahimik na apartment sa Paris, ang araw ni Apple ay nagsimula tulad ng karaniwan—ang malambot na sikat ng araw na tumatama sa bintana, ang malamig na hangin na pumapasok sa mga siwang ng kurtina, at ang tunog ng mga kalderetang tumutunog mula sa kusina, kung saan si Nathan ay abala sa paghahanda ng almusal.“Apple, okay na ba ‘to?” tanong ni Nathan habang binabalanse ang isang mangkok ng itlog sa kanyang kamay at sinusubukang i-flip ang pancake.“Siguro nga,” sagot ni Apple, na kasalukuyang nakaupo sa sofa, naglalakad-lakad at tinatanggal ang mga laruan ni Amara mula sa sahig. Tinutulunga
“Pipilitin kong maniwala,” mahina niyang wika, sabay daplis ng palad sa sariling dibdib. “At sana… tulungan mo ‘kong buuing muli ‘yung babaeng minahal mo noon. Kasi ako, willing akong mahalin kang muli… pero sa paraang bago, sa paraang totoo. At sana tuluyan mo nang kalimutan si Apple. Andito na kami ng anak mo. Huwag mo sana akong bibiguin, Lance.”Tumigil si Lance sa gilid ng daan. Pinatay niya ang makina ng sasakyan, sabay harap kay Monica. Tinitigan niya ito ng mariin—hindi bilang babae lang ng kanyang anak, kundi bilang babaeng minsang minahal niya at ngayo'y muling nagpapaubaya, muli siyang tinatanggap sa kabila ng lahat.“Hindi kita bibiguin,” mahinang sagot ni Lance, halos pabulong. “Hindi na. Dahil kung babiguin pa kita ngayon, hindi ko na rin kayang mabuhay nang may ganung klase ng kasalanan. Ayoko na. Tapos na ako sa sakit. Gusto ko nang maging mabuting ama. At mabuting asawa… sa’yo.”Hindi na muling nagsalita si Monica. Bagkus, pumikit siya sandali, pinipigilan ang pag-ago
At habang binabaybay ng sasakyan ang tahimik na lansangan pauwi ng bahay, kapwa tahimik sina Lance at Monica. Wala mang salitang namutawi sa kanilang mga labi, sapat na ang presensya ng isa’t isa para magkaunawaan. Sa pagitan ng musika mula sa radyo at ingay ng kalsada, tumitibok ang tahimik na pag-asa—isa na namang simula, isa na namang pagkakataong ayusin ang mga nawasak na bahagi ng kanilang mga puso.Napalingon si Lance kay Monica na noo’y nakasandal sa bintana, banayad ang pagkakahawak sa kanyang tiyan habang nilalaro ang singsing sa kanyang daliri.“Monica,” mahinang tawag ni Lance.Lumingon si Monica, mabagal, may tamis at pangamba sa mga mata.“Hmm?” tugon niya, mahinang boses, tila pinipigilang masaktan muli.“Salamat,” bulong ni Lance. “Hindi mo alam kung gaano ako nagpapasalamat na kasama kita ngayon. Na kahit ang dami kong pagkukulang, nandito ka pa rin.”Napangiti si Monica, bagaman may bakas pa rin ng luhang naiwan sa gilid ng kanyang mata. “Hindi madaling magpatawad, La
Habang hawak ni Lance ang kamay ni Monica, naramdaman niya ang tensyon na bumangon sa pagitan nilang dalawa. Alam niyang maraming bagay ang kailangang linawin, at isa na rito ang patuloy na koneksyon niya kay Apple at ang anak nilang si Amara. Hindi niya alam kung paano niya dapat ipahayag ito, ngunit kailangan niyang gawin ito para maging tapat at upang maiwasan ang pagkakaroon ng hindi pagkakaintindihan."Bigyan mo ako ng chance na makapagmove on kay Apple," nagpatuloy si Lance, ang boses ay may kabuntot na kalungkutan ngunit puno ng determinasyon. "Sana huwag mo na itong pagselosan. Ina parin ng anak ko si Apple at anak namin si Amara. Sana matanggap mo si Amara at ituring mo ng anak. Lagi mong tandaan na ang koneksyon namin ay si Amara, at co-parenting kami."Si Monica ay nanatiling tahimik sa mga sinabi ni Lance. Ngunit ang mga mata ni Monica ay naglalaman ng mga magkahalong damdamin—pag-aalala, takot, at higit sa lahat, pagmamahal. Hindi madali para sa kanya na tanggapin ang mga