Sa ilalim ng tahimik na langit, tanging ang mahihinang huni ng mga kuliglig ang bumabasag sa katahimikan. Nasa beranda sina Lance at Monica, nakaupo sa isang mahabang upuan, ngunit may pagitan sa kanilang dalawa—isang pagitan hindi lang sa espasyo, kundi pati na rin sa puso.Pinagmamasdan ni Lance ang madilim na kalangitan, tila hinahanap ang sagot sa isang tanong na pilit niyang iniiwasan. Samantala, si Monica ay tahimik na nakatitig sa kanya, kita ang lungkot sa kanyang mga mata."Lance," mahina ngunit matigas ang boses ni Monica. "Kaya mo ba talagang bitawan siya?"Dahan-dahang napalingon si Lance sa kanya. Isang saglit silang nagkatitigan, ngunit hindi agad siya nakapagsalita."At kaya mo bang makita na may ibang lalaki si Apple?"Napalunok si Lance. Parang hinigpitan ang kanyang dibdib."Kaya mo bang makitang may ibang nagmamahal sa kanya… habang ikaw, nanonood lang mula sa malayo?"Ramdam ni Lance ang bigat ng tanong. Naramdaman din niya ang matinding takot—hindi dahil sa ideya
Maagang nagising si Apple kinabukasan. Ito na ang huling araw nila sa Singapore. Habang yakap ang kanyang anak na si Amara, malalim ang iniisip niya—ang desisyong magbabago sa takbo ng kanyang buhay at ng negosyo nila ni Mia."Apple, nakapagdesisyon ka na ba?" tanong ni Mia habang inaayos ang mga bagahe nila.Tumayo si Apple at lumapit sa bintana, tinitingnan ang tanawin ng Singapore sa labas. "Oo, Mia. Kailangan kong gawin ‘to."Napangiti si Mia at tumango. "I knew it. At hindi kita pipigilan. Big break natin ‘to, Apple. Hindi lang sa negosyo, kundi para sa'yo rin.""Pero Mia, sigurado ka bang okay lang sa'yo ‘to? Ayokong iwan ka sa lahat ng trabahong ito."Nilapitan siya ni Mia at hinawakan ang kamay niya. "Apple, huwag mo akong alalahanin. This is our dream. Kung saan ka mas magiging matagumpay, doon din ako. At isa pa, hindi mo naman ako iniiwan. Magkakasama pa rin tayo sa negosyong ‘to. Hindi ka nag-iisa."Damang-dama ni Apple ang suporta ni Mia. Hindi niya alam kung paano siya s
Naglakad si Apple papuntang lugar kung saan sila nagkasundong magtagpo. Ang bawat hakbang ay puno ng pag-aalinlangan, ngunit hindi na niya kayang pigilan ang nararamdaman. Ang huling pagkakataon na makakaharap niya si Lance—ang taong minsan niyang iniwasan ngunit hindi kailanman ganap na nakalimutan.Pagtapat niya sa kanto, nakita niyang naghihintay na si Lance sa isang maliit na coffee shop, ang paborito nilang lugar noong magkasama pa sila. Nang makita siya, tumayo siya mula sa upuan at naglakad papalapit, ang mga mata nitong puno ng emosyon."Apple," tawag ni Lance, ang tinig ay puno ng sakit at pagnanasa. "Salamat at pinayagan mo akong makita ka.""Tama ba ang desisyon ko, Lance?" tanong ni Apple, ang kanyang mga mata ay puno ng pag-aalinlangan.Lance ay ngumiti, ngunit ang ngiti ay may halong kalungkutan. "Hindi ko alam, Apple. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin, pero..." Umiling siya, parang naguguluhan. "Hindi ko kayang mawalan ka. Hindi ko kayang tanggapin na wala na tayo."
Pagkauwi ni Lance sa kanilang bahay, ramdam niyang bumigat ang paligid. Hindi pa man siya nakakapasok ng tuluyan, sinalubong na siya ng malamig at matalim na boses ni Monica.“Saan ka na naman galing, Lance?” tanong ni Monica, nakapamewang at halatang mainit ang ulo. “Alas-dos na ng hapon! Alam mong kailangan kong magpahinga, pero ikaw, parang wala kang pakialam!”Pinilit ni Lance ang sarili na huwag magalit, kahit alam niyang pagod na pagod na siya—sa damdamin, sa isipan, sa sitwasyon. Hinubad niya ang sapatos at tumingin kay Monica, na halatang mainit ang ulo.“Galing ako kina Apple. Sinamahan ko lang siya saglit para pag-usapan si Amara,” paliwanag niya, mahinahon ang boses.Napasinghap si Monica, at agad siyang naupo sa sofa habang hawak ang kanyang tiyan. “Si Apple na naman? Bakit parang mas may oras ka pa sa kanya kesa sa akin, ha, Lance? Ako ang asawa mo! Ako ang buntis dito!”“Monica…” bumuntong-hininga si Lance, at naupo sa tapat niya. “Hindi ko naman sinabing mas mahalaga si
Kinabukasan, dumating na ang araw na matagal nang iniiwasan ni Apple. Ang araw ng kanilang flight papuntang Europe, isang malaking hakbang patungo sa bagong buhay. Nasa Pilipinas na sila galing Singapore at ngayon, ang kanilang mga puso ay magaan, pero ang mga alaala ng mga oras na kanilang ginugol sa Singapore ay matindi pa rin ang epekto sa kanilang mga damdamin. Para kay Apple, napakasakit na iwan ang lahat ng iyon—lalo na si Lance.Habang abala si Mia sa paghahanda ng mga gamit, si Apple naman ay naglalakad-lakad sa loob ng kanilang kwarto, nakatingin sa mga gamit at mga pasalubong na binili nila. Maraming alaala—ang mga tawanan, ang mga pagsubok, at lahat ng mga magagandang bagay na nangyari. Ngunit ang masakit, si Lance ay hindi kasama sa lahat ng iyon ngayon."Apple, tapos ka na ba?" tanong ni Mia mula sa kabilang sulok ng kwarto, sabay abot ng bag na malapit sa kama. "May mga oras pa tayo, baka magmamadali tayo."Nagpatuloy sa paglilibot ng mata si Apple sa mga gamit sa paligi
Maaga pa lang ay gising na si Apple. Ang liwanag ng umagang iyon sa Paris ay tila kakaiba—parang may hatid na kaba at pananabik. Isang linggo na mula nang makatanggap siya ng email mula kay Nathan Callisto, ang dating manliligaw niya noon sa Singapore. Hindi niya inasahan na muling babalik ang lalaking minsang nagpangiti sa kanya, pero hindi niya pinili. Noon, may Lance pa siya. Pero ngayon… iba na ang lahat."Nandito na ako sa Charles de Gaulle Airport. See you soon."Ito ang huling text ni Nathan kagabi—maikli, diretso, pero may bigat.Napatitig si Apple sa salamin habang inaayos ang buhok. Simpleng coat lang ang suot niya, kulay beige, at itim na boots. Wala siyang suot na makeup maliban sa light blush sa pisngi. Gusto niyang maging simple—tulad ng pagkatao niya."Hinga lang, Apple. Professional lang 'to," bulong niya sa sarili, bagama’t ramdam niyang bumibilis ang tibok ng puso niya.Nakarating si Apple sa arrival area na may halong excitement at kaba. Maraming tao—may mga naghihi
Ilang araw matapos ang alok ni Nathan, nagdesisyon si Apple na tanggapin ito. Sinimulan na nila ang pagpupulong kasama ang iba’t ibang international creatives. Isang malaking wedding expo ang gagawin sa Vienna bilang soft launch ng Callisto Europe, at si Apple ang mamamahala sa Luxury Garden Wedding Booth—isa sa pinaka-importanteng segments ng event.“Apple, this is your vision,” ani Nathan habang pinapakita ang floor plan. “Use your story. I want people to feel something.”Nagtrabaho si Apple araw at gabi. Pinili niya ang mga bulaklak na may kahulugan—roses for passion, baby’s breath for innocence, lavender for healing. Gumamit siya ng mga vintage lace, crystal chandeliers, at handwritten vows sa wedding arch. Lahat ng elemento, may kuwento.Nang dumating ang araw ng event, napuno ng mga bisita ang hall. Lahat ay namangha sa booth ni Apple. May mga brides-to-be na napaluha, mga photographers na sunud-sunod ang kuha, at mga event organizers na gustong makipag-partner.“Nathan,” ani ng
Apple bit her lower lip. May bahagi sa kanyang gustong umiwas. Ayaw niya ng false hope. Ayaw niya ng panibagong sakit. Pero ramdam ng puso niya ang sinseridad ni Nathan. At sa unang pagkakataon matapos ang mahabang panahon, may liwanag siyang naramdaman. Hindi pilit. Hindi nakakatakot.“Hindi madali ‘to,” mahina niyang sabi. “May anak ako. May responsibilidad. At kahit anong ganda ng tanawin dito sa Europe, ang totoo, gulo pa rin ang puso ko.”Nathan smiled gently. “Then let me help you carry some of that weight. I won’t rush you, Apple. Hindi kita pipilitin. Pero gusto kong malaman mo na hindi ka na nag-iisa.”Later that evening, Apple stood on the balcony of her hotel suite, overlooking the moonlit waters of Lake Como. Sa tabi niya ay isang baso ng red wine, at sa mesa ang isang bukas na laptop—nakatanggap siya ng email mula sa isang sikat na bridal magazine sa Milan. They wanted to do a feature on her work.“From Makati to Milan,” sabi niya sa sarili, natatawa. “Grabe talaga ang bu
Lumapit si Rene, hawak pa rin ang teddy bear ni Lucien. “Anak… lumaban siya. Lumalaban siya, alam ko. Monica is a fighter.”“Pero paano kung hindi na siya magising, Tita? Paano kung... kung hindi ko na masabi sa kanya lahat ng hindi ko nasabi? Hindi ko pa siya napapangakuan ng kasal, hindi ko pa siya nadadala sa paborito niyang lugar sa Bohol, hindi ko pa siya nalalakad ng mahaba sa ulan—lahat ng gusto niyang gawin, hindi pa namin nagagawa.”pag-alalang saad ni Lance“May oras pa. Hindi mo ba naririnig sarili mong boses? Mahal mo siya, anak. At alam kong nararamdaman niya ‘yon. Hindi siya bibitaw. Hindi kayo bibitaw.”naiiyak na sabi ni Rene.Biglang bumukas ang pinto. Lumabas ang isang nurse, may bahid ng tensyon sa mukha."Family of Mrs. Monica Martin?"Tumayo agad si Lance. Nanlalaki ang mga mata niya at nanginginig ang kamay habang lumapit sa nurse."Ako! Ako po! Ano pong nangyayari? Buhay pa siya?"Tumango ang nurse, pero halata sa kanyang mukha ang lungkot at pag-aalala."Buhay pa
Tumango si Rene, sabay tayo. Lumapit siya sa crib at dahan-dahang kinuha si Lucien. Una niyang pagkakataon itong buhatin ang kanyang unang apo."Kamukha mo, Monica," bulong niya, habang hinahaplos ang pisngi ng sanggol. "Pero ‘yung mata… mana sa tatay. Matapang."Sa gilid ng silid, pumasok ang isang nurse na may dalang camera."Sir Lance, Sir Rene, gusto niyo po ba ng first family photo habang mahimbing pa si baby?"Nagkatinginan ang dalawa, sabay ngiti.At doon, sa simpleng kuha ng litrato, naiselyo ang panibagong simula—isang pamilya, puno ng pangakong hindi na muli magkakahiwalay.ROOM 407 – RECOVERY ROOMTahimik ang paligid. Marahang umuugong ang aircon, at ang tunog ng monitor ay tila kampanang dahan-dahang tumutugtog. Si Lance ay nakaupo sa tabi ni Monica, hawak ang kamay nito habang pinagmamasdan si Lucien na mahimbing pa rin sa crib. Katabi nila si Rene, na may ngiting abot-langit habang kinukunan ng larawan ang kanyang apo.Bigla—isang kakaibang tunog ang nagmula sa monitor.
Ligtas na nailipat si Monica sa recovery room. Si Lance naman ay hindi pa rin mapakali—abala sa pag-aasikaso ng birth certificate, sa pagkuha ng gamit, at paminsan-minsan ay sinisilip ang nursery kung nasaan ang kanilang baby boy.Pagbalik niya sa kwarto, nakita niyang gising na si Monica. Nakatingin ito sa kisame, tila malalim ang iniisip.“Moni?”“Lance, napag-isipan ko na ang pangalan niya,” agad na sambit ni Monica.“Talaga? Ano?”“Gusto kong pangalanan siya ng “Lucien.” Ibig sabihin ‘light’… kasi kahit ang dami kong kinatatakutan, pagdating niya, parang may liwanag na. Parang nawala ang dilim.”Napangiti si Lance. “Lucien… Lucien Martin. Maganda. Matapang. Puno ng liwanag.”Tumango si Monica. “Kasi kahit dumaan ako sa pinakamadilim na yugto ng buhay ko, binigyan mo ‘ko ng liwanag. Kaya ikaw ang gusto kong huling makasama sa lahat ng dilim ng buhay ko.”Napatingin si Lance kay Monica, tila ba bawat salitang lumalabas sa kanyang labi ay siniselyuhan sa puso niya.“Moni…” mahina ngu
At sa gabing iyon, hindi lang panaginip ang pag-ibig. Totoo ito.Sa mga bituin sa ibabaw ng Paris, sa mga ilaw ng lungsod, at sa katahimikan ng pagyakap—nabuo ang pangako.Isang pangakong kahit may kapirasong sakit, may puwang pa rin para sa paghilom.Samantala, sa kabilang panig ng mundo, sa Pilipinas, si Lance ay tahimik na nakaupo sa gilid ng kama ni Monica. Hawak-hawak niya ang kamay nito habang natutulog, pagod sa regular na check-up at paghahanda para sa nalalapit na panganganak. May kapayapaan sa mukha ni Monica, habang si Lance naman ay may halong kaba at tuwa sa dibdib.Tila isang eksena ito mula sa ibang buhay—malayo sa dating gulo, sakit, at panghihinayang. Ang lalaki na minsang takot sa pananagutan, ngayon ay buong pusong nakatutok sa bagong yugto ng kanyang buhay.“Hindi ko man nabigyan ng maayos na simula si Apple at Amara… pero sisiguraduhin kong sa pagkakataong ito, magiging buo ang lahat,” bulong niya sa sarili habang pinagmamasdan ang mukha ni Monica.Ilang buwan ang
Nathan, na ramdam na ramdam ang pag-aalala ni Apple, ay nag-abot ng kamay upang magpatuloy sa kanilang usapan. Pinisil niya iyon nang marahan—parang sinasabing, “hindi kita bibitawan.”“Apple, hindi mo kailangang kalimutan ang lahat,” aniya, marahan pero buo ang boses. “Basta’t tandaan mo, nandito ako. Kasama kita. Huwag mong bitawan ang pangarap mo. Huwag mong bitawan si Amara at ako.”Bumuntong-hininga si Apple. Pinilit niyang ngumiti, pero alam ni Nathan, may bigat pa rin sa puso ng babae.Hindi nagtagal, sumabad si Mia mula sa likuran habang karga si Amara. “Oo nga, Apple,” sabay ngiti, “ngayon tinutupad na natin ang mga pangarap natin. Nakapag-expand tayo dito sa Paris, sa tulong ng nobyo mong si Nathan. Dati, nangangarap lang tayo ng maliit na café. Ngayon may ‘Boulangerie de Amara’ na tayo. May brunch café pa tayong padating sa Montmartre. Look how far you’ve come.”Natawa si Apple, hindi dahil sa tuwa kundi sa tila hindi pa rin siya makapaniwala sa lahat ng nangyari.“Grabe, n
Habang si Monica at Lance ay nagsisimula ng bagong paglalakbay, ang kwento ni Apple ay patuloy na umuusad sa isang bagong kabanata. Sa kabila ng lahat ng naging pagsubok at sakit, siya at si Nathan ay nagpatuloy sa pagbuo ng kanilang buhay sa Paris, kasama ang kanilang anak na si Amara. Ang bawat araw sa bagong lungsod ay puno ng hamon, ngunit tila wala nang hadlang sa kanilang pagmamahalan.Sa isang tahimik na apartment sa Paris, ang araw ni Apple ay nagsimula tulad ng karaniwan—ang malambot na sikat ng araw na tumatama sa bintana, ang malamig na hangin na pumapasok sa mga siwang ng kurtina, at ang tunog ng mga kalderetang tumutunog mula sa kusina, kung saan si Nathan ay abala sa paghahanda ng almusal.“Apple, okay na ba ‘to?” tanong ni Nathan habang binabalanse ang isang mangkok ng itlog sa kanyang kamay at sinusubukang i-flip ang pancake.“Siguro nga,” sagot ni Apple, na kasalukuyang nakaupo sa sofa, naglalakad-lakad at tinatanggal ang mga laruan ni Amara mula sa sahig. Tinutulunga
“Pipilitin kong maniwala,” mahina niyang wika, sabay daplis ng palad sa sariling dibdib. “At sana… tulungan mo ‘kong buuing muli ‘yung babaeng minahal mo noon. Kasi ako, willing akong mahalin kang muli… pero sa paraang bago, sa paraang totoo. At sana tuluyan mo nang kalimutan si Apple. Andito na kami ng anak mo. Huwag mo sana akong bibiguin, Lance.”Tumigil si Lance sa gilid ng daan. Pinatay niya ang makina ng sasakyan, sabay harap kay Monica. Tinitigan niya ito ng mariin—hindi bilang babae lang ng kanyang anak, kundi bilang babaeng minsang minahal niya at ngayo'y muling nagpapaubaya, muli siyang tinatanggap sa kabila ng lahat.“Hindi kita bibiguin,” mahinang sagot ni Lance, halos pabulong. “Hindi na. Dahil kung babiguin pa kita ngayon, hindi ko na rin kayang mabuhay nang may ganung klase ng kasalanan. Ayoko na. Tapos na ako sa sakit. Gusto ko nang maging mabuting ama. At mabuting asawa… sa’yo.”Hindi na muling nagsalita si Monica. Bagkus, pumikit siya sandali, pinipigilan ang pag-ago
At habang binabaybay ng sasakyan ang tahimik na lansangan pauwi ng bahay, kapwa tahimik sina Lance at Monica. Wala mang salitang namutawi sa kanilang mga labi, sapat na ang presensya ng isa’t isa para magkaunawaan. Sa pagitan ng musika mula sa radyo at ingay ng kalsada, tumitibok ang tahimik na pag-asa—isa na namang simula, isa na namang pagkakataong ayusin ang mga nawasak na bahagi ng kanilang mga puso.Napalingon si Lance kay Monica na noo’y nakasandal sa bintana, banayad ang pagkakahawak sa kanyang tiyan habang nilalaro ang singsing sa kanyang daliri.“Monica,” mahinang tawag ni Lance.Lumingon si Monica, mabagal, may tamis at pangamba sa mga mata.“Hmm?” tugon niya, mahinang boses, tila pinipigilang masaktan muli.“Salamat,” bulong ni Lance. “Hindi mo alam kung gaano ako nagpapasalamat na kasama kita ngayon. Na kahit ang dami kong pagkukulang, nandito ka pa rin.”Napangiti si Monica, bagaman may bakas pa rin ng luhang naiwan sa gilid ng kanyang mata. “Hindi madaling magpatawad, La
Habang hawak ni Lance ang kamay ni Monica, naramdaman niya ang tensyon na bumangon sa pagitan nilang dalawa. Alam niyang maraming bagay ang kailangang linawin, at isa na rito ang patuloy na koneksyon niya kay Apple at ang anak nilang si Amara. Hindi niya alam kung paano niya dapat ipahayag ito, ngunit kailangan niyang gawin ito para maging tapat at upang maiwasan ang pagkakaroon ng hindi pagkakaintindihan."Bigyan mo ako ng chance na makapagmove on kay Apple," nagpatuloy si Lance, ang boses ay may kabuntot na kalungkutan ngunit puno ng determinasyon. "Sana huwag mo na itong pagselosan. Ina parin ng anak ko si Apple at anak namin si Amara. Sana matanggap mo si Amara at ituring mo ng anak. Lagi mong tandaan na ang koneksyon namin ay si Amara, at co-parenting kami."Si Monica ay nanatiling tahimik sa mga sinabi ni Lance. Ngunit ang mga mata ni Monica ay naglalaman ng mga magkahalong damdamin—pag-aalala, takot, at higit sa lahat, pagmamahal. Hindi madali para sa kanya na tanggapin ang mga