Home / Romance / Seductress Unforgotten / Seductress Unforgotten Chapter 169

Share

Seductress Unforgotten Chapter 169

Author: MIKS DELOSO
last update Huling Na-update: 2025-03-19 22:01:19

Sa loob ng Wedding Imperial, abala si Apple sa pag-aayos ng mga wedding invitations nang biglang pumasok si Mia na may bitbit na folder. Napansin nitong seryoso ang kaibigan habang nakatutok sa mga disenyo.

"Apple, mukhang lumalakas lalo ang negosyo natin. Ilang bride-to-be na naman ang nag-inquire ngayong linggo?" tanong ni Mia habang binubuklat ang hawak na folder.

Hindi agad sumagot si Apple. Pinagpatuloy nito ang pag-aayos ng mga papel bago tumingin sa kaibigan. "Mga pito. Pero may tatlo na agad ang nagpa-schedule ng final meeting para sa contract signing."

Napangiti si Mia at umupo sa tapat ni Apple. "Wow! Hindi na ako magtataka kung maging top wedding planning business tayo sa loob ng isang taon."

Napabuntong-hininga si Apple at pinaglaruan ang hawak na ballpen. "Sana nga. Pero hindi ako nagpapaka-kampante. Madaming malalakas na competitors."

Muling binuklat ni Mia ang folder. "Pero iba ang passion mo dito, Apple. Kita sa mga disenyo mo at sa effort na binibigay mo. Hindi lang i
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Kaugnay na kabanata

  • Seductress Unforgotten   Seductress Unforgotten Chapter 170

    Sa mga sumunod na linggo, naging abala si Apple sa pagpapalaki kay Amara at sa negosyo nila ni Mia. Isang maliit na bridal shop ang itinayo nila ilang buwan na ang nakalipas, at ngayon ay unti-unti na itong nakikilala. Ang pangalan ng shop—Wedding Imperial—ay naging simbolo ng bagong simula niya.Sa kabila ng lahat, hindi niya kailanman ipinagkait kay Lance ang pagiging ama nito kay Amara. May schedule sila para sa co-parenting, at tinitiyak niyang may oras ang mag-ama sa isa’t isa. Ngunit sa tuwing susunduin ni Lance si Amara sa kanilang bahay, hindi maiiwasang mapansin ni Apple ang lungkot sa kanyang mga mata.Isang gabi, habang kinakarga niya ang walong buwang gulang na si Amara upang patulugin, dumating si Mia na may dalang mga papel."Apple, grabe! Ang daming nag-inquire sa shop natin! Ang dami rin nagpa-book ng wedding packages!" excited na balita nito habang inilapag ang mga dokumento sa lamesa.Napangiti si Apple at hinalikan sa noo si Amara bago ito dahan-dahang inilapag sa k

    Huling Na-update : 2025-03-20
  • Seductress Unforgotten   Seductress Unforgotten Chapter 171

    Habang yakap-yakap niya ang anak, naramdaman ni Apple ang katiyakan sa puso niya. Wala nang alinlangan, wala nang panghihinayang. Ang nakaraan ay isang kabanatang naisara na, at ngayon, si Amara na lang ang pokus niya.Napatingin sa kanya si Mia, kita ang lungkot ngunit may halong pag-unawa. "Apple, sigurado ka na ba talaga? Wala ka nang kahit katiting na pagdududa?"Napangiti si Apple, mahina ngunit matatag. "Mia, kung may natira mang pagdududa noon, nawala na lahat ‘yon ngayon."Tumango si Mia at marahang hinawakan ang kamay niya. "Mabuti kung gano’n. Gusto ko lang siguraduhin na hindi mo ito ginagawa dahil lang sa sakit o galit. Gusto kong siguruhing masaya ka talaga sa desisyon mo.""Masaya?" Napahagikhik si Apple nang mahina, pero agad ding lumalim ang kanyang tingin. "Hindi ko pa alam kung masaya ako. Pero ang alam ko, wala nang dahilan para bumalik pa ako sa nakaraan. Wala nang dahilan para panghawakan ang isang bagay na hindi ko naman talaga kailanman hinawakan nang buo."Muli

    Huling Na-update : 2025-03-21
  • Seductress Unforgotten   Seductress Unforgotten Chapter 172

    Ang malamig na ihip ng hangin ay tila hindi sapat upang palamigin ang tensyon sa loob ng bahay nina Lance at Monica. Matapos ang pag-uusap nina Lance at Rene Lenon, bumigat ang pakiramdam ni Lance. Para bang may isang bagay na unti-unting kumakain sa kanyang loob—isang bagay na hindi niya kayang ipaliwanag kay Monica.Samantala, si Monica naman ay hindi mapakali. Hindi niya maalis sa isip ang huling sinabi ng kanyang ama. Para bang may nais itong iparating, pero hindi niya magawang unawain nang buo.Habang nasa kusina siya at naghahanda ng hapunan, lumapit si Lance at yumakap mula sa kanyang likuran."Okay ka lang?" tanong nito, ramdam ang bigat sa katawan ng asawa.Nagpanggap si Monica ng ngiti at tumango. "Oo naman. Medyo napagod lang siguro ako."Ngunit alam niyang hindi iyon totoo.Lalong humigpit ang yakap ni Lance, pero sa loob-loob niya, isang pangalan ang gumugulo sa kanyang isipan—Apple.Ilang araw ang lumipas, abala si Lance sa kanyang opisina nang biglang tumunog ang cellph

    Huling Na-update : 2025-03-22
  • Seductress Unforgotten   Seductress Unforgotten Chapter 173

    Hindi na ito tungkol sa kanila ni Apple.Paulit-ulit niya iyong sinasabi sa sarili niya, pero parang hindi naniniwala ang puso niya.Habang nagmamaneho siya papunta sa park, panay naman ang kwento ni Amara tungkol sa mga bagong laruan niya, sa mga kwento ng guro niya sa school, at sa paborito niyang cartoon. Sinusubukan niyang itutok ang buong atensyon niya sa anak, pero sa likod ng isipan niya, bumabalik ang huling titig ni Apple bago siya umalis.Napapansin kaya nito ang paraan ng paghawak niya kay Amara? Nakikita kaya nito kung gaano siya kaseryoso sa pagiging ama? O baka naman sa paningin ni Apple, isa pa rin siyang taong madaling bumitaw at umalis?Napahigpit ang hawak niya sa manibela.Hindi na ito tungkol sa kanila.Tama na, Lance.Pagdating nila sa park, agad na bumaba si Amara at tumakbo papunta sa swings. Tuwang-tuwa ito, para bang ito ang pinakamasayang araw niya. Pinapanood lang siya ni Lance mula sa bench, hindi maiwasang mapangiti."Mahal na mahal kita, baby girl," bulon

    Huling Na-update : 2025-03-23
  • Seductress Unforgotten   Seductress Unforgotten Chapter 174

    Lumipas ang ilang araw at dumating ang Sabado ulit, ang araw na kukunin ni Lance si Amara upang makasama ito sa bahay nila ni Monica. Dumating siya sa bahay ni Apple nang maaga, bitbit ang mga paboritong laruan at gatas ng anak nila. Nang makita niya si Amara na nakadungaw sa kuna nito, malakas siyang natawa.“Ang baby ko!” masayang bati ni Lance habang binuhat si Amara.Humagikgik ang bata at inilapit ang munting mga kamay nito sa mukha ng ama. Mahigpit siyang niyakap ni Lance, tila binubura ang ilang araw na hindi sila nagkasama.“Napakakulit mo na, baby,” natatawang sabi niya habang nilalaro ang maliit na kamay ni Amara.“Syempre, mana sa’yo,” sagot ni Apple, nakangiti habang pinagmamasdan ang dalawa. Ngunit sa likod ng ngiting iyon, alam niyang may kaba siyang nararamdaman. Ito ang unang beses na makakasama ni Amara si Monica, at hindi niya maiwasang mag-alala.“Apple,” seryosong wika ni Lance, “Wala kang dapat ipag-alala. Hindi ko pababayaan si Amara.”Tumango si Apple ngunit hin

    Huling Na-update : 2025-03-24
  • Seductress Unforgotten   Seductress Unforgotten Chapter 175

    Humigpit ang hawak ni Lance kay Amara. “Monica, hindi mo kailangang magselos sa isang bata.”“Hindi ako nagseselos!” madiin niyang sagot. “Naiinis lang ako, Lance! Dahil habang nandito si Amara, pakiramdam ko… wala akong halaga sa’yo.”Napabuntong-hininga si Lance at marahang ibinaba si Amara sa playpen. Lumapit siya kay Monica at hinawakan ang kanyang kamay, pero agad niya itong binawi.“Ano na naman ba?” naiinis na tanong ni Lance.“Lance, kaya mo ba akong pakasalan kung hindi ako nabuntis?” deretsahang tanong ni Monica.Natahimik si Lance.Alam na niyang matagal na gustong itanong ito ni Monica, pero pilit niyang iniiwasan.“Monica, huwag mong gawing isyu ‘yan—”“Gusto ko ng sagot!” singhal ni Monica, nanginginig ang tinig. “Kung hindi kita nabuntis, pakakasalan mo ba ako?”Napahinga nang malalim si Lance at tumingin sa kanya nang seryoso. “Monica…”“Lance, sumagot ka!” halos pasigaw na sabi niya.Nakita ni Lance ang sakit sa mga mata ni Monica, at doon niya napagtanto na hindi na

    Huling Na-update : 2025-03-24
  • Seductress Unforgotten   Seductress Unforgotten Chapter 176

    Habol-hininga si Lance habang nakatitig sa pinto kung saan lumabas si Monica. Naiwan siyang nakatayo sa gitna ng sala, habang si Amara ay natutulog sa duyan niya sa gilid. Napalunok siya, ramdam ang bigat ng sitwasyon. Hindi niya ginusto ang ganito. Pero paano niya ipapaintindi kay Monica na wala siyang intensyon na ipagpalit ang anak niya para lang sa kanya?Dahan-dahan siyang lumapit sa duyan at marahang hinaplos ang maliit na kamay ni Amara. Napakaliit, napaka-inosente. Para bang hindi niya kayang intindihin kung paano nasasaktan si Monica sa presensya ng isang musmos.Napapikit siya. Mahalaga rin si Amara. Anak ko siya. Pero paano ko ipaparamdam ‘yon kay Monica?Mabilis na naglakad si Monica palabas, halos hindi na alintana kung saan siya pupunta. Nilalamon siya ng galit, ng sakit, at ng matinding hinanakit. Hawak-hawak niya ang tiyan niya, ramdam niya ang bahagyang pagkislot ng sanggol sa loob niya.“Shh… baby, huwag kang mag-alala. Hindi tayo pababayaan ng mama mo,” bulong niya,

    Huling Na-update : 2025-03-25
  • Seductress Unforgotten   Seductress Unforgotten Chapter 177

    "Monica, hindi iyon ang ibig kong sabihin," sagot ni Lance, pilit na pinipigilan ang galit sa kanyang tinig. "Ang gusto kong sabihin, hindi mo dapat idamay si Amara sa nararamdaman mo. Bata siya. Wala siyang kasalanan.""Bata siya. Wala siyang kasalanan," ginaya ni Monica ang sinabi niya, pero may halong sarkasmo ang tono niya. "Pero ako? Ako ba may kasalanan, Lance? Ako ba ang may kasalanan kung bakit hindi na buo ang pamilya ninyo? Ako ba ang may kasalanan kung bakit napilitan kang pakasalan ako?"Napapikit si Lance, halatang naiinis na sa usapan. "Monica, hindi ito ang tamang oras para—""Para saan?" pasigaw na putol ni Monica. "Para pag-usapan ang totoo? Para harapin ang katotohanang kahit kailan, hindi mo ako magugustuhan? Na habang-buhay akong magiging panakip-butas sa buhay mo?!"Napalakas ang kanyang tinig, at doon niya lang napansin ang munting iyak ni Amara mula sa duyan nito. Napakapit si Lance sa sinturon niya, halatang iniipit ang galit para lang hindi lumala ang sitwasyo

    Huling Na-update : 2025-03-25

Pinakabagong kabanata

  • Seductress Unforgotten   Seductress Unforgotten Chapter 212

    "Apple."Napalingon si Apple sa likuran niya, at nakita niya si Nathan, seryoso ang tingin, habang hawak ang stuffed bunny na iniwan ni Amara sa mesa. Saka siya dahan-dahang lumapit.“May kailangan ba tayong pag-usapan?” tanong niya.Hindi agad sumagot si Nathan. Tumitig lang ito sa kanya, tila ba sinusukat ang bawat emosyon sa kanyang mukha."Apple, gusto kong malaman mo na... hindi ako lalapit sayo kung hindi ako sigurado. Hindi ako nandito para lang guluhin ang buhay mo. Alam kong ayaw mo ng komplikado, pero... ako na siguro ‘yung pinaka-komplikado sa lahat ng puwedeng pumasok sa mundo mo ngayon.”Napakagat si Apple sa labi. Hindi siya agad nakapagsalita.“Hindi ko alam kung handa pa ako, Nathan,” bulong niya. “Kakatapos lang ng isang yugto sa buhay ko na halos ikawasak ko. May anak ako. May mga responsibilidad ako na hindi puwedeng isantabi. At ikaw…”“Ako?”“Ikaw ‘yung tipo ng lalaki na alam kong p’wede kong mahalin, pero hindi ko alam kung dapat.”Tumango si Nathan, bagama’t hal

  • Seductress Unforgotten   Seductress Unforgotten Chapter 211

    Umaga pa lang pero tila puno na ng kabigatan ang dibdib ni Apple. Nasa isang tahimik na café siya sa Paris, malapit sa Eiffel Tower. Sa kabila ng malamig na hangin, pinapawisan ang kanyang mga palad. Katapat niya ngayon si Mia, ang matalik niyang kaibigan, habang tahimik silang nagkakape.Tumitig si Mia sa kanya, seryoso ang mukha.“Apple… seryoso ka ba talaga sa ginagawa mo ngayon?”Napakunot ang noo ni Apple. “Anong ibig mong sabihin?”“Si Nathan. Alam mo kung gaano siya ka-seryoso sa ‘yo. Pero ikaw? Parang hindi ko pa rin makita kung ano talaga ang nararamdaman mo para sa kanya.”Napayuko si Apple, tinitigan ang tasa ng kape na tila gusto niyang magtago sa ilalim nito.“Naguguluhan lang ako, Mia. Ang daming nangyayari. Si Amara, ang trabaho, si Lance...”Napailing si Mia, saka bahagyang tumawa ng mapait. “Pero Apple, hindi mo na si Lance ang kasama mo ngayon. Si Nathan na. At kita ko kung paano ka niya tinitingnan. Puno ng pagmamahal. Halos sambahin ka.”Napasinghap si Apple at hum

  • Seductress Unforgotten   Seductress Unforgotten Chapter 210

    Kinabukasan.Nasa harap na ng hotel lobby si Apple at Nathan, hawak ang kamay ni Amara. Ang simpleng gesture ay may bigat ng mga salitang hindi pa nila kayang sagutin, pero sa bawat hakbang na tinatahak nila sa Paris, unti-unti ay parang mas maluwag ang pakiramdam ni Apple."So this is it," sabi ni Nathan, habang pinagmamasdan ang mala-makina ng hotel lobby at ang mga eleganteng design na naka-display. "Your big break."Lumingon si Apple kay Nathan at ngumiti. Hindi niya alam kung paano magsimula, ngunit sa mga sandaling ito, ramdam niyang lahat ng hirap at pagsubok ay para lamang sa pagkakataong ito."It feels like a dream," sabi ni Apple. "I never imagined I’d be here... With you, with Amara."Habang sila’y naglalakad papunta sa kanilang designated event space, si Amara ay nakatingin sa paligid, nangungusap ng malalaking mata, parang nararamdaman ang bago niyang mundo. "Taa-taaa," muling sambit ni Amara, habang itinataas ang mga kamay, ipinapakita ang kanyang kagalakan sa simpleng b

  • Seductress Unforgotten   Seductress Unforgotten Chapter 209

    Apple bit her lower lip. May bahagi sa kanyang gustong umiwas. Ayaw niya ng false hope. Ayaw niya ng panibagong sakit. Pero ramdam ng puso niya ang sinseridad ni Nathan. At sa unang pagkakataon matapos ang mahabang panahon, may liwanag siyang naramdaman. Hindi pilit. Hindi nakakatakot.“Hindi madali ‘to,” mahina niyang sabi. “May anak ako. May responsibilidad. At kahit anong ganda ng tanawin dito sa Europe, ang totoo, gulo pa rin ang puso ko.”Nathan smiled gently. “Then let me help you carry some of that weight. I won’t rush you, Apple. Hindi kita pipilitin. Pero gusto kong malaman mo na hindi ka na nag-iisa.”Later that evening, Apple stood on the balcony of her hotel suite, overlooking the moonlit waters of Lake Como. Sa tabi niya ay isang baso ng red wine, at sa mesa ang isang bukas na laptop—nakatanggap siya ng email mula sa isang sikat na bridal magazine sa Milan. They wanted to do a feature on her work.“From Makati to Milan,” sabi niya sa sarili, natatawa. “Grabe talaga ang bu

  • Seductress Unforgotten   Seductress Unforgotten Chapter 208

    Ilang araw matapos ang alok ni Nathan, nagdesisyon si Apple na tanggapin ito. Sinimulan na nila ang pagpupulong kasama ang iba’t ibang international creatives. Isang malaking wedding expo ang gagawin sa Vienna bilang soft launch ng Callisto Europe, at si Apple ang mamamahala sa Luxury Garden Wedding Booth—isa sa pinaka-importanteng segments ng event.“Apple, this is your vision,” ani Nathan habang pinapakita ang floor plan. “Use your story. I want people to feel something.”Nagtrabaho si Apple araw at gabi. Pinili niya ang mga bulaklak na may kahulugan—roses for passion, baby’s breath for innocence, lavender for healing. Gumamit siya ng mga vintage lace, crystal chandeliers, at handwritten vows sa wedding arch. Lahat ng elemento, may kuwento.Nang dumating ang araw ng event, napuno ng mga bisita ang hall. Lahat ay namangha sa booth ni Apple. May mga brides-to-be na napaluha, mga photographers na sunud-sunod ang kuha, at mga event organizers na gustong makipag-partner.“Nathan,” ani ng

  • Seductress Unforgotten   Seductress Unforgotten Chapter 207

    Maaga pa lang ay gising na si Apple. Ang liwanag ng umagang iyon sa Paris ay tila kakaiba—parang may hatid na kaba at pananabik. Isang linggo na mula nang makatanggap siya ng email mula kay Nathan Callisto, ang dating manliligaw niya noon sa Singapore. Hindi niya inasahan na muling babalik ang lalaking minsang nagpangiti sa kanya, pero hindi niya pinili. Noon, may Lance pa siya. Pero ngayon… iba na ang lahat."Nandito na ako sa Charles de Gaulle Airport. See you soon."Ito ang huling text ni Nathan kagabi—maikli, diretso, pero may bigat.Napatitig si Apple sa salamin habang inaayos ang buhok. Simpleng coat lang ang suot niya, kulay beige, at itim na boots. Wala siyang suot na makeup maliban sa light blush sa pisngi. Gusto niyang maging simple—tulad ng pagkatao niya."Hinga lang, Apple. Professional lang 'to," bulong niya sa sarili, bagama’t ramdam niyang bumibilis ang tibok ng puso niya.Nakarating si Apple sa arrival area na may halong excitement at kaba. Maraming tao—may mga naghihi

  • Seductress Unforgotten   Seductress Unforgotten Chapter 206

    Kinabukasan, dumating na ang araw na matagal nang iniiwasan ni Apple. Ang araw ng kanilang flight papuntang Europe, isang malaking hakbang patungo sa bagong buhay. Nasa Pilipinas na sila galing Singapore at ngayon, ang kanilang mga puso ay magaan, pero ang mga alaala ng mga oras na kanilang ginugol sa Singapore ay matindi pa rin ang epekto sa kanilang mga damdamin. Para kay Apple, napakasakit na iwan ang lahat ng iyon—lalo na si Lance.Habang abala si Mia sa paghahanda ng mga gamit, si Apple naman ay naglalakad-lakad sa loob ng kanilang kwarto, nakatingin sa mga gamit at mga pasalubong na binili nila. Maraming alaala—ang mga tawanan, ang mga pagsubok, at lahat ng mga magagandang bagay na nangyari. Ngunit ang masakit, si Lance ay hindi kasama sa lahat ng iyon ngayon."Apple, tapos ka na ba?" tanong ni Mia mula sa kabilang sulok ng kwarto, sabay abot ng bag na malapit sa kama. "May mga oras pa tayo, baka magmamadali tayo."Nagpatuloy sa paglilibot ng mata si Apple sa mga gamit sa paligi

  • Seductress Unforgotten   Seductress Unforgotten Chapter 205

    Pagkauwi ni Lance sa kanilang bahay, ramdam niyang bumigat ang paligid. Hindi pa man siya nakakapasok ng tuluyan, sinalubong na siya ng malamig at matalim na boses ni Monica.“Saan ka na naman galing, Lance?” tanong ni Monica, nakapamewang at halatang mainit ang ulo. “Alas-dos na ng hapon! Alam mong kailangan kong magpahinga, pero ikaw, parang wala kang pakialam!”Pinilit ni Lance ang sarili na huwag magalit, kahit alam niyang pagod na pagod na siya—sa damdamin, sa isipan, sa sitwasyon. Hinubad niya ang sapatos at tumingin kay Monica, na halatang mainit ang ulo.“Galing ako kina Apple. Sinamahan ko lang siya saglit para pag-usapan si Amara,” paliwanag niya, mahinahon ang boses.Napasinghap si Monica, at agad siyang naupo sa sofa habang hawak ang kanyang tiyan. “Si Apple na naman? Bakit parang mas may oras ka pa sa kanya kesa sa akin, ha, Lance? Ako ang asawa mo! Ako ang buntis dito!”“Monica…” bumuntong-hininga si Lance, at naupo sa tapat niya. “Hindi ko naman sinabing mas mahalaga si

  • Seductress Unforgotten   Seductress Unforgotten Chapter 204

    Naglakad si Apple papuntang lugar kung saan sila nagkasundong magtagpo. Ang bawat hakbang ay puno ng pag-aalinlangan, ngunit hindi na niya kayang pigilan ang nararamdaman. Ang huling pagkakataon na makakaharap niya si Lance—ang taong minsan niyang iniwasan ngunit hindi kailanman ganap na nakalimutan.Pagtapat niya sa kanto, nakita niyang naghihintay na si Lance sa isang maliit na coffee shop, ang paborito nilang lugar noong magkasama pa sila. Nang makita siya, tumayo siya mula sa upuan at naglakad papalapit, ang mga mata nitong puno ng emosyon."Apple," tawag ni Lance, ang tinig ay puno ng sakit at pagnanasa. "Salamat at pinayagan mo akong makita ka.""Tama ba ang desisyon ko, Lance?" tanong ni Apple, ang kanyang mga mata ay puno ng pag-aalinlangan.Lance ay ngumiti, ngunit ang ngiti ay may halong kalungkutan. "Hindi ko alam, Apple. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin, pero..." Umiling siya, parang naguguluhan. "Hindi ko kayang mawalan ka. Hindi ko kayang tanggapin na wala na tayo."

Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status