Paulit-ulit na naririnig ni Apple ang mga salitang iyon sa kanyang isipan habang nakaupo siya sa loob ng kanyang kwarto, yakap si Amara na mahimbing na natutulog. Isang linggo na ang lumipas mula nang huli silang mag-usap ni Lance. Isang linggo ng katahimikan, pero ramdam niya ang bigat sa kanyang dibdib—hindi dahil sa pagkawala ni Lance, kundi dahil sa nalalapit nitong kasal kay Monica.Isang kasal na hindi niya kailanman naisip na masasaksihan niya sa ganitong paraan.Makalipas ng ilang buwan ginanap na ang kasalan sa simbahan.Nakasalansan ang mga mamahaling puting rosas sa altar ng isang marangyang simbahan. Nagkalat ang media, mga panauhin, at ang dalawang pamilyang Martin at Lenon, na parehong mayayaman at makapangyarihan. Ang buong lugar ay punung-puno ng mga kilalang personalidad sa lipunan. Para itong isang fairy tale wedding—pero para kay Lance, ito ang simula ng kanyang bangungot.Nakatayo siya sa harap ng altar, suot ang itim at puting tuxedo, habang nananatili ang walang
Pagkatapos ng kasal, dumiretso si Apple at Mia sa bahay. Tahimik lang si Apple habang karga si Amara, na mahimbing na natutulog."Apple," maingat na sabi ni Mia habang iniaabot ang isang baso ng tubig. "Gusto mo bang pag-usapan?"Umiling si Apple at napangiti nang pilit. "Wala na akong kailangang pag-usapan, Mia. Tapos na talaga."Pero kahit sabihin niya iyon, alam niyang hindi ganoon kadaling tapusin ang isang emosyon. Alam niyang sa kaloob-looban niya, may isang parte pa rin ng puso niya ang nasaktan nang marinig niyang tinanggap na ni Lance si Monica bilang asawa.Hindi na siya lumaban, hindi na siya nagpilit, pero bakit masakit pa rin?Napabuntong-hininga siya at marahang hinalikan sa noo si Amara. "Ito na ang bagong simula natin, anak," bulong niya. "Tayong dalawa na lang."SAMANTALA, SA RECEPTIONMasaya ang lahat, pero may isang taong hindi ganap na masaya—si Lance.Habang pinapalakpakan sila ng mga bisita at pinipilit siyang uminom sa kanilang toast, pakiramdam niya ay may kung
Sa loob ng Wedding Imperial, abala si Apple sa pag-aayos ng mga wedding invitations nang biglang pumasok si Mia na may bitbit na folder. Napansin nitong seryoso ang kaibigan habang nakatutok sa mga disenyo."Apple, mukhang lumalakas lalo ang negosyo natin. Ilang bride-to-be na naman ang nag-inquire ngayong linggo?" tanong ni Mia habang binubuklat ang hawak na folder.Hindi agad sumagot si Apple. Pinagpatuloy nito ang pag-aayos ng mga papel bago tumingin sa kaibigan. "Mga pito. Pero may tatlo na agad ang nagpa-schedule ng final meeting para sa contract signing."Napangiti si Mia at umupo sa tapat ni Apple. "Wow! Hindi na ako magtataka kung maging top wedding planning business tayo sa loob ng isang taon."Napabuntong-hininga si Apple at pinaglaruan ang hawak na ballpen. "Sana nga. Pero hindi ako nagpapaka-kampante. Madaming malalakas na competitors."Muling binuklat ni Mia ang folder. "Pero iba ang passion mo dito, Apple. Kita sa mga disenyo mo at sa effort na binibigay mo. Hindi lang i
Sa mga sumunod na linggo, naging abala si Apple sa pagpapalaki kay Amara at sa negosyo nila ni Mia. Isang maliit na bridal shop ang itinayo nila ilang buwan na ang nakalipas, at ngayon ay unti-unti na itong nakikilala. Ang pangalan ng shop—Wedding Imperial—ay naging simbolo ng bagong simula niya.Sa kabila ng lahat, hindi niya kailanman ipinagkait kay Lance ang pagiging ama nito kay Amara. May schedule sila para sa co-parenting, at tinitiyak niyang may oras ang mag-ama sa isa’t isa. Ngunit sa tuwing susunduin ni Lance si Amara sa kanilang bahay, hindi maiiwasang mapansin ni Apple ang lungkot sa kanyang mga mata.Isang gabi, habang kinakarga niya ang walong buwang gulang na si Amara upang patulugin, dumating si Mia na may dalang mga papel."Apple, grabe! Ang daming nag-inquire sa shop natin! Ang dami rin nagpa-book ng wedding packages!" excited na balita nito habang inilapag ang mga dokumento sa lamesa.Napangiti si Apple at hinalikan sa noo si Amara bago ito dahan-dahang inilapag sa k
Habang yakap-yakap niya ang anak, naramdaman ni Apple ang katiyakan sa puso niya. Wala nang alinlangan, wala nang panghihinayang. Ang nakaraan ay isang kabanatang naisara na, at ngayon, si Amara na lang ang pokus niya.Napatingin sa kanya si Mia, kita ang lungkot ngunit may halong pag-unawa. "Apple, sigurado ka na ba talaga? Wala ka nang kahit katiting na pagdududa?"Napangiti si Apple, mahina ngunit matatag. "Mia, kung may natira mang pagdududa noon, nawala na lahat ‘yon ngayon."Tumango si Mia at marahang hinawakan ang kamay niya. "Mabuti kung gano’n. Gusto ko lang siguraduhin na hindi mo ito ginagawa dahil lang sa sakit o galit. Gusto kong siguruhing masaya ka talaga sa desisyon mo.""Masaya?" Napahagikhik si Apple nang mahina, pero agad ding lumalim ang kanyang tingin. "Hindi ko pa alam kung masaya ako. Pero ang alam ko, wala nang dahilan para bumalik pa ako sa nakaraan. Wala nang dahilan para panghawakan ang isang bagay na hindi ko naman talaga kailanman hinawakan nang buo."Muli
Ang malamig na ihip ng hangin ay tila hindi sapat upang palamigin ang tensyon sa loob ng bahay nina Lance at Monica. Matapos ang pag-uusap nina Lance at Rene Lenon, bumigat ang pakiramdam ni Lance. Para bang may isang bagay na unti-unting kumakain sa kanyang loob—isang bagay na hindi niya kayang ipaliwanag kay Monica.Samantala, si Monica naman ay hindi mapakali. Hindi niya maalis sa isip ang huling sinabi ng kanyang ama. Para bang may nais itong iparating, pero hindi niya magawang unawain nang buo.Habang nasa kusina siya at naghahanda ng hapunan, lumapit si Lance at yumakap mula sa kanyang likuran."Okay ka lang?" tanong nito, ramdam ang bigat sa katawan ng asawa.Nagpanggap si Monica ng ngiti at tumango. "Oo naman. Medyo napagod lang siguro ako."Ngunit alam niyang hindi iyon totoo.Lalong humigpit ang yakap ni Lance, pero sa loob-loob niya, isang pangalan ang gumugulo sa kanyang isipan—Apple.Ilang araw ang lumipas, abala si Lance sa kanyang opisina nang biglang tumunog ang cellph
Hindi na ito tungkol sa kanila ni Apple.Paulit-ulit niya iyong sinasabi sa sarili niya, pero parang hindi naniniwala ang puso niya.Habang nagmamaneho siya papunta sa park, panay naman ang kwento ni Amara tungkol sa mga bagong laruan niya, sa mga kwento ng guro niya sa school, at sa paborito niyang cartoon. Sinusubukan niyang itutok ang buong atensyon niya sa anak, pero sa likod ng isipan niya, bumabalik ang huling titig ni Apple bago siya umalis.Napapansin kaya nito ang paraan ng paghawak niya kay Amara? Nakikita kaya nito kung gaano siya kaseryoso sa pagiging ama? O baka naman sa paningin ni Apple, isa pa rin siyang taong madaling bumitaw at umalis?Napahigpit ang hawak niya sa manibela.Hindi na ito tungkol sa kanila.Tama na, Lance.Pagdating nila sa park, agad na bumaba si Amara at tumakbo papunta sa swings. Tuwang-tuwa ito, para bang ito ang pinakamasayang araw niya. Pinapanood lang siya ni Lance mula sa bench, hindi maiwasang mapangiti."Mahal na mahal kita, baby girl," bulon
Lumipas ang ilang araw at dumating ang Sabado ulit, ang araw na kukunin ni Lance si Amara upang makasama ito sa bahay nila ni Monica. Dumating siya sa bahay ni Apple nang maaga, bitbit ang mga paboritong laruan at gatas ng anak nila. Nang makita niya si Amara na nakadungaw sa kuna nito, malakas siyang natawa.“Ang baby ko!” masayang bati ni Lance habang binuhat si Amara.Humagikgik ang bata at inilapit ang munting mga kamay nito sa mukha ng ama. Mahigpit siyang niyakap ni Lance, tila binubura ang ilang araw na hindi sila nagkasama.“Napakakulit mo na, baby,” natatawang sabi niya habang nilalaro ang maliit na kamay ni Amara.“Syempre, mana sa’yo,” sagot ni Apple, nakangiti habang pinagmamasdan ang dalawa. Ngunit sa likod ng ngiting iyon, alam niyang may kaba siyang nararamdaman. Ito ang unang beses na makakasama ni Amara si Monica, at hindi niya maiwasang mag-alala.“Apple,” seryosong wika ni Lance, “Wala kang dapat ipag-alala. Hindi ko pababayaan si Amara.”Tumango si Apple ngunit hin
Lumapit si Rene, hawak pa rin ang teddy bear ni Lucien. “Anak… lumaban siya. Lumalaban siya, alam ko. Monica is a fighter.”“Pero paano kung hindi na siya magising, Tita? Paano kung... kung hindi ko na masabi sa kanya lahat ng hindi ko nasabi? Hindi ko pa siya napapangakuan ng kasal, hindi ko pa siya nadadala sa paborito niyang lugar sa Bohol, hindi ko pa siya nalalakad ng mahaba sa ulan—lahat ng gusto niyang gawin, hindi pa namin nagagawa.”pag-alalang saad ni Lance“May oras pa. Hindi mo ba naririnig sarili mong boses? Mahal mo siya, anak. At alam kong nararamdaman niya ‘yon. Hindi siya bibitaw. Hindi kayo bibitaw.”naiiyak na sabi ni Rene.Biglang bumukas ang pinto. Lumabas ang isang nurse, may bahid ng tensyon sa mukha."Family of Mrs. Monica Martin?"Tumayo agad si Lance. Nanlalaki ang mga mata niya at nanginginig ang kamay habang lumapit sa nurse."Ako! Ako po! Ano pong nangyayari? Buhay pa siya?"Tumango ang nurse, pero halata sa kanyang mukha ang lungkot at pag-aalala."Buhay pa
Tumango si Rene, sabay tayo. Lumapit siya sa crib at dahan-dahang kinuha si Lucien. Una niyang pagkakataon itong buhatin ang kanyang unang apo."Kamukha mo, Monica," bulong niya, habang hinahaplos ang pisngi ng sanggol. "Pero ‘yung mata… mana sa tatay. Matapang."Sa gilid ng silid, pumasok ang isang nurse na may dalang camera."Sir Lance, Sir Rene, gusto niyo po ba ng first family photo habang mahimbing pa si baby?"Nagkatinginan ang dalawa, sabay ngiti.At doon, sa simpleng kuha ng litrato, naiselyo ang panibagong simula—isang pamilya, puno ng pangakong hindi na muli magkakahiwalay.ROOM 407 – RECOVERY ROOMTahimik ang paligid. Marahang umuugong ang aircon, at ang tunog ng monitor ay tila kampanang dahan-dahang tumutugtog. Si Lance ay nakaupo sa tabi ni Monica, hawak ang kamay nito habang pinagmamasdan si Lucien na mahimbing pa rin sa crib. Katabi nila si Rene, na may ngiting abot-langit habang kinukunan ng larawan ang kanyang apo.Bigla—isang kakaibang tunog ang nagmula sa monitor.
Ligtas na nailipat si Monica sa recovery room. Si Lance naman ay hindi pa rin mapakali—abala sa pag-aasikaso ng birth certificate, sa pagkuha ng gamit, at paminsan-minsan ay sinisilip ang nursery kung nasaan ang kanilang baby boy.Pagbalik niya sa kwarto, nakita niyang gising na si Monica. Nakatingin ito sa kisame, tila malalim ang iniisip.“Moni?”“Lance, napag-isipan ko na ang pangalan niya,” agad na sambit ni Monica.“Talaga? Ano?”“Gusto kong pangalanan siya ng “Lucien.” Ibig sabihin ‘light’… kasi kahit ang dami kong kinatatakutan, pagdating niya, parang may liwanag na. Parang nawala ang dilim.”Napangiti si Lance. “Lucien… Lucien Martin. Maganda. Matapang. Puno ng liwanag.”Tumango si Monica. “Kasi kahit dumaan ako sa pinakamadilim na yugto ng buhay ko, binigyan mo ‘ko ng liwanag. Kaya ikaw ang gusto kong huling makasama sa lahat ng dilim ng buhay ko.”Napatingin si Lance kay Monica, tila ba bawat salitang lumalabas sa kanyang labi ay siniselyuhan sa puso niya.“Moni…” mahina ngu
At sa gabing iyon, hindi lang panaginip ang pag-ibig. Totoo ito.Sa mga bituin sa ibabaw ng Paris, sa mga ilaw ng lungsod, at sa katahimikan ng pagyakap—nabuo ang pangako.Isang pangakong kahit may kapirasong sakit, may puwang pa rin para sa paghilom.Samantala, sa kabilang panig ng mundo, sa Pilipinas, si Lance ay tahimik na nakaupo sa gilid ng kama ni Monica. Hawak-hawak niya ang kamay nito habang natutulog, pagod sa regular na check-up at paghahanda para sa nalalapit na panganganak. May kapayapaan sa mukha ni Monica, habang si Lance naman ay may halong kaba at tuwa sa dibdib.Tila isang eksena ito mula sa ibang buhay—malayo sa dating gulo, sakit, at panghihinayang. Ang lalaki na minsang takot sa pananagutan, ngayon ay buong pusong nakatutok sa bagong yugto ng kanyang buhay.“Hindi ko man nabigyan ng maayos na simula si Apple at Amara… pero sisiguraduhin kong sa pagkakataong ito, magiging buo ang lahat,” bulong niya sa sarili habang pinagmamasdan ang mukha ni Monica.Ilang buwan ang
Nathan, na ramdam na ramdam ang pag-aalala ni Apple, ay nag-abot ng kamay upang magpatuloy sa kanilang usapan. Pinisil niya iyon nang marahan—parang sinasabing, “hindi kita bibitawan.”“Apple, hindi mo kailangang kalimutan ang lahat,” aniya, marahan pero buo ang boses. “Basta’t tandaan mo, nandito ako. Kasama kita. Huwag mong bitawan ang pangarap mo. Huwag mong bitawan si Amara at ako.”Bumuntong-hininga si Apple. Pinilit niyang ngumiti, pero alam ni Nathan, may bigat pa rin sa puso ng babae.Hindi nagtagal, sumabad si Mia mula sa likuran habang karga si Amara. “Oo nga, Apple,” sabay ngiti, “ngayon tinutupad na natin ang mga pangarap natin. Nakapag-expand tayo dito sa Paris, sa tulong ng nobyo mong si Nathan. Dati, nangangarap lang tayo ng maliit na café. Ngayon may ‘Boulangerie de Amara’ na tayo. May brunch café pa tayong padating sa Montmartre. Look how far you’ve come.”Natawa si Apple, hindi dahil sa tuwa kundi sa tila hindi pa rin siya makapaniwala sa lahat ng nangyari.“Grabe, n
Habang si Monica at Lance ay nagsisimula ng bagong paglalakbay, ang kwento ni Apple ay patuloy na umuusad sa isang bagong kabanata. Sa kabila ng lahat ng naging pagsubok at sakit, siya at si Nathan ay nagpatuloy sa pagbuo ng kanilang buhay sa Paris, kasama ang kanilang anak na si Amara. Ang bawat araw sa bagong lungsod ay puno ng hamon, ngunit tila wala nang hadlang sa kanilang pagmamahalan.Sa isang tahimik na apartment sa Paris, ang araw ni Apple ay nagsimula tulad ng karaniwan—ang malambot na sikat ng araw na tumatama sa bintana, ang malamig na hangin na pumapasok sa mga siwang ng kurtina, at ang tunog ng mga kalderetang tumutunog mula sa kusina, kung saan si Nathan ay abala sa paghahanda ng almusal.“Apple, okay na ba ‘to?” tanong ni Nathan habang binabalanse ang isang mangkok ng itlog sa kanyang kamay at sinusubukang i-flip ang pancake.“Siguro nga,” sagot ni Apple, na kasalukuyang nakaupo sa sofa, naglalakad-lakad at tinatanggal ang mga laruan ni Amara mula sa sahig. Tinutulunga
“Pipilitin kong maniwala,” mahina niyang wika, sabay daplis ng palad sa sariling dibdib. “At sana… tulungan mo ‘kong buuing muli ‘yung babaeng minahal mo noon. Kasi ako, willing akong mahalin kang muli… pero sa paraang bago, sa paraang totoo. At sana tuluyan mo nang kalimutan si Apple. Andito na kami ng anak mo. Huwag mo sana akong bibiguin, Lance.”Tumigil si Lance sa gilid ng daan. Pinatay niya ang makina ng sasakyan, sabay harap kay Monica. Tinitigan niya ito ng mariin—hindi bilang babae lang ng kanyang anak, kundi bilang babaeng minsang minahal niya at ngayo'y muling nagpapaubaya, muli siyang tinatanggap sa kabila ng lahat.“Hindi kita bibiguin,” mahinang sagot ni Lance, halos pabulong. “Hindi na. Dahil kung babiguin pa kita ngayon, hindi ko na rin kayang mabuhay nang may ganung klase ng kasalanan. Ayoko na. Tapos na ako sa sakit. Gusto ko nang maging mabuting ama. At mabuting asawa… sa’yo.”Hindi na muling nagsalita si Monica. Bagkus, pumikit siya sandali, pinipigilan ang pag-ago
At habang binabaybay ng sasakyan ang tahimik na lansangan pauwi ng bahay, kapwa tahimik sina Lance at Monica. Wala mang salitang namutawi sa kanilang mga labi, sapat na ang presensya ng isa’t isa para magkaunawaan. Sa pagitan ng musika mula sa radyo at ingay ng kalsada, tumitibok ang tahimik na pag-asa—isa na namang simula, isa na namang pagkakataong ayusin ang mga nawasak na bahagi ng kanilang mga puso.Napalingon si Lance kay Monica na noo’y nakasandal sa bintana, banayad ang pagkakahawak sa kanyang tiyan habang nilalaro ang singsing sa kanyang daliri.“Monica,” mahinang tawag ni Lance.Lumingon si Monica, mabagal, may tamis at pangamba sa mga mata.“Hmm?” tugon niya, mahinang boses, tila pinipigilang masaktan muli.“Salamat,” bulong ni Lance. “Hindi mo alam kung gaano ako nagpapasalamat na kasama kita ngayon. Na kahit ang dami kong pagkukulang, nandito ka pa rin.”Napangiti si Monica, bagaman may bakas pa rin ng luhang naiwan sa gilid ng kanyang mata. “Hindi madaling magpatawad, La
Habang hawak ni Lance ang kamay ni Monica, naramdaman niya ang tensyon na bumangon sa pagitan nilang dalawa. Alam niyang maraming bagay ang kailangang linawin, at isa na rito ang patuloy na koneksyon niya kay Apple at ang anak nilang si Amara. Hindi niya alam kung paano niya dapat ipahayag ito, ngunit kailangan niyang gawin ito para maging tapat at upang maiwasan ang pagkakaroon ng hindi pagkakaintindihan."Bigyan mo ako ng chance na makapagmove on kay Apple," nagpatuloy si Lance, ang boses ay may kabuntot na kalungkutan ngunit puno ng determinasyon. "Sana huwag mo na itong pagselosan. Ina parin ng anak ko si Apple at anak namin si Amara. Sana matanggap mo si Amara at ituring mo ng anak. Lagi mong tandaan na ang koneksyon namin ay si Amara, at co-parenting kami."Si Monica ay nanatiling tahimik sa mga sinabi ni Lance. Ngunit ang mga mata ni Monica ay naglalaman ng mga magkahalong damdamin—pag-aalala, takot, at higit sa lahat, pagmamahal. Hindi madali para sa kanya na tanggapin ang mga