"Nasaan na ba 'yun?" rinig kong inis na sambit ni Yunard habang tinitignan ang phone.
"Papasok na ako, kakausapin ko lang naman siya," sambit ko.
"Ang sabi niya hintayin mo siya, Gillian. Bakit ba patagal ng patagal nagiging matigas ang ulo mo?" kunot noong sambit ni Yunard.
Nakita ko na kasi kanina pa na pumasok doon si Sir kaya gustong gusto ko nang pumasok para kausapin siya, ngunit ayaw akong payagan ni Yunard, ang sabi niya ay binilin daw ni Dexie na bantayan niya ako at huwag hayaang pumasok nang wala siya.
Hindi ko alam na nag-uusap pala ang dalawa, kaya nagulat ako nang sabihin niya iyon.
"Kaya ko naman kasi," sambit ko.
"Ang tigas
Halos manghina na ako habang nagsusuka. Gusto kong isuka na lang lahat para sana minsanan na 'yung hirap. Patuloy lang ako sa pagsusuka hanggang sa hindi ko napansin na nasa pinto na pala ng Cr si Nika at Papa."A-Ate," naramdaman ko ang kamay ni Nika sa likod ko, hinahaplos niya iyon kaya napasulyap ako sa kanya.Araw-araw na lang ganito, paggising ko tatakbo ako papunta sa CR. Sa pagmamadali ko kanina, hindi ko naisara ang pinto. Nanghihina akong kumuha ng tubig sa timba para i-buhos."Ilang araw ka nang ganyan. Sa tingin mo ba hindi ko napapansin?" napapikit ako at napaharap kay Papa. Si Nika ay nasa tabi ko lang, hawak na niya ngayon ang kamay ko. Napakapit ako roon para kumuha ng kaunting lakas. Ilang beses kong sinubukang sabihin sa kanya na buntis ako, pero paano ko sasabihin?
"Pa, saan kaya pupunta?" malakas na tanong ko nang makita kong pinaandar ni Yunard and motor at umangkas si Papa.Mabilis akong tumakbo papalabas para habulin sila, ngunit parang hindi nila ako napansin dahil pinaandar na nila. Mas lalo akong kinabahan."Ate, papasok na ako," napasulyap ako kay Nika nang magsalita siya sa likod ko.Bumuntong hininga ako at tipid na ngumiti. "Mag-iingat ka," sambit ko."Opo, ate, nasa loob po si Zaji hinahanap ka." Muli akong tumango.Hindi ko maiwasang bumuntong hininga muli at isipin ang maaari nilang pag-usapan. Tapos wala pa silang sabi-sabi na umalis. Saan sila pupunta?"Ang lalim no'n ah!" napasulyap ako sa pinto nang marinig ang boses ni Dexie.Sa paulit-ulit na pagpunta rito ni Dexie ang tan
"Ate, Si Zacky gustong maligo sa dagat!" napasulyap ako sa plywood na bintana para makita si Zaji at Zacky."Huwag mong papayagan, inuubo na yan kagabi dahil naligo kahapon," sambit ko at bumalik sa pagkakaupo.Kumuha ako ng damit sa tabi ko at tinupi, hindi ko pa natutupi ng maayos nang marinig ang iyak ni Zacky habang papalapit. Kasunod nito si Zaji na nakasimangot.Kahit hindi magsumbong si Zaji ay alam kuna. Hindi ko alam kung saan nagmana ang anak ko, ang tigas ng ulo niya."Mama, Ligo sa dagat!" Umiiyak na sambit nito. Lumapit ito sa akin bago umakyat sa sofa at niyugyog ang balikat ko."Ako na bahala rito, tapusin mo na yung assignment mo," sambit ko kay Zaji, tumango lang ito bago lumabas.Binalingan ko si Zacky at kinurot ng mahina ang pisngi nito.
"Manager?" Hindi makapaniwalang tanong ko nang marinig ang sabihing iyon ni Dexie.Nakaupo siya ngayon sa harap ko habang sa paanan niya ay may taong pinipinturahan ang mga kuko niya sa paa. Napaiwas ako roon nang tingin nang may maalala. Tumawag siya ng subrang aga at gusto niyang pumunta ako ngayon dito sa resort niya.Hindi ako makapaniwala na iyon ang sasabihin niya. Manager? Gagawìn niya akong manager ng resort niya?"Why? It's a nice job!" sambit nito at pinatigil ang nagpipintura sa kuko niya. "Ipapatawag na lang kita," sambit nito sa taong iyon.Hinintay ko munang makalabas ang taong iyon bago hinarap si Dexie at tinaasan ng kilay."Gagawin mong manager ang taong walang diploma? Nagpapatawa ka ba?"Bu
"Miss!" Nakangiti akong sumulyap sa tumawag sa akin.Nakahiga ito sa sun lounger habang nakasuot ng sun glasses. Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit nagbibilad sila sa araw.Lumapit ako sa kanya sabay tanong. "Yes, Ma'am, ano po 'yon?" tanong ko habang nakangiti."Strawberry Daiquiri," simpleng sambit nito bago hinarap ang ang magandang tanawin ng dagat.Tumango na lang ako at naglakad para lumapit sa bartender at para rin sabihin ang order ng bisitang babae."Strawberry Daiquiri," sambit ko sa bartender. Tumango ito at nagsimula nang mag timpla.Dalawang araw na nang opisyal na binuksan na ni Dexie ang resort niya at pagbukas na pagbukas ay dinayo na agad ito.Iilan lang kasi ang resort rito at ang iba ay malayo pa, kaya
Hindi ko alam ang gagawin ko. Dapat ko bang harapin ang anak ko na sa tingin ko'y papalapit na sa'kin?O magpapanggap na hindi ako ang tinawag na mama ng anak ko? Hindi ko na alam! Ano ba kasing ginagawa dito? Nagbabakasyon? Marami namang resort, pero bakit dito pa sa Ilocos niya naisipan magbakasyon?! Haist!Dahan-dahan akong nagmulat ng mata, unang nakita ko ay ang mata niyang gulat kagaya ko. At hindi ako makapaniwala na sa titig niyang iyon ay halos manginig ang tuhod ko.6 years, 6 years ko siyang hindi nakita at sa 6 years na 'yon sinubukan kong tanggalin siya sa isip ko, sinubukan ko siyang kalimutan, pero subrang hirap, paana ba naman, kapag tinitignan ko ang anak ko ay pumapasok siya sa isip ko."Mamaya na, Sir Zacky," rinig ko ang boses ng nagbabantay kay Zack
Sabado ngayon at walang pasok sila Zaji at Nika, kaya pinakiusapan ko muna sila na bantayan muna si Zacky. Wala akong planong isama siya ngayon, lalo na at alam kong nandoon si Zachary."Huh? Hindi mo siya isasama, Ate? Pumayag si Ate Dexie? Baka hanapin niya si Zacky." Si Nika habang naghuhugas ng pinggan. Sumulyap ito sa'kin para sa sagot sa tanong niya.Papaalis na ako nang sabihin sa kanya na iiwan ko si Zacky. Si Zaji ay nasa loob ng bahay kasama si Zacky, umiiyak kasi at gusto raw sumama."Basta iiwan ko muna, bantayan niyo ng maigi. Huwag niyong paliliguin sa dagat," bilin ko sa kanya."Okay, Ate. Ingat ka. Kami na bahala kay Zacky," sambit nito at itinuon na ang tingin sa hugasin.Dumeretso ako sa locker para magpalit ng uniform. Habang nagpapalit ay muli akong dinalaw nang kaba, anong gagawin ko kapag nagkita ulit kami? Ano sasabihin ko?&n
"Ms. Gillian, sige na. Ngayong gabi lang naman po, kailangan ko lang umuwi at inaapoy nang lagnat ang anak ko," si Leah na ngayon ay halos magmakaawa na.Bumuntong hininga ako at hinarap siya. "Siya sige umuwi ka na," sambit ko.Kinuha ko ang phone at tinawagan si Nika para sabihin na mukhang hindi ako makakauwi ngayon. Binilin ko rin na bantayan nilang maigi si Zacky at patulugin ng maaga. May mini party kasi na nangyayare kapag gabi rito at shempre kakailanganin ng Waiter at isa si Leah sa nakatuka ngayon gabi.Hindi naman ako makahindi dahil ang anak niya na may sakit na ang usapan.Inilugay ko ang buhok ko. Party iyon kaya hindi pwede ang suot ko na slacks at puting polo ang gamitin ko. Lumapit ako sa mga nakahi
"Why are you crying?" Hindi ko namalayan na nasa pinto na si Zachary at nakita nito ang pag-iyak ko. Bakit nga ba ako umiiyak? Siguro ay dahil sa subrang saya. Subrang saya ko sa nangyayare. Kita ko ang galit sa mata niya habang mabilis ang paglapit niya sa'kin. Naupo siya sa kama at pinunasan ang luha ko. "Damn! May ginawa ba si Mommy? May sinabi siy? What is it, Baby?" Nag-aalalang simbit niya. Inilahad ko ang palad ko sa harap niya. Naguguluhan niya iyong tinignan. "Asan na?" Para na akong tanga habang umiiyak na tinatanong 'yun. "Asan ang alin? Come on, Baby? What is it? Baka biglang pumasok ang anak natin dito at isipin na pinapaiyak kita. Badshot pa ako sa anak na'tin-" Taka nitong sambit. "Bakit ang dami mong sinasabi? 'Yung singsing lang naman ang kailangan ko!" Inis na sambit niya. Sinubik nitong magsalita, pero natigilan rin at napatitig sa'kin. "What is it again?" Pinunasan ko ang luha ko. "Ano? Ayaw mo na akong pakasalan?" Inis kong tanong. Pumukit ito
Nasa hapag na kami. Inaasikaso ni Madam si Zacky, si Zacky naman ay tudo ngiti. Napanguso na lang ako. Hindi ako makagalaw galaw ng maayos. Takot ako na mabaling sa'kin ang atensyon ni Madam Anastasia. Kung tanggap niya ang anak ko, hindi ibig sabihin na pati ako ay tanggap niya. "Kumain ka na." Nagulat ako nang magsalita si Zachary. Napasulyap ako sa kanya nang lagyan niya ng pagkain ang pinggan. Dahil sa ginawa niya ay napasulyap silang lahat samin. Zachary naman! Hindi na nga ako gumagalaw rito para hindi nila ako mapansin tapos gaganyan ka pa. Susko! Napainom tuloy ako ng tubig. "Hija, bakit hindi mo sinama ang ama mo para mapag-usapan na ang kasal niyo." Halos mabilaukan ako nang marinig iyon galing sa ama ni Zachary. Napasulyap na lang ako kay Madam Anastsia sa tabi ni Zacky nang bitawan niya ang hawak kubyertos. "Bakit? Ayaw mong pakasalan ang anak ko?" Si Madam Anastasia. Napaubo na ako. Halos pinagpapawisan na ako. Hindi ko na alam ang gagawin at sasabihin ko.
"Wow!" Si Zacky habang nakatingin sa bahay ng papa niya. Kitang kita ko ang paghanga ni Zacky sa mata niya."Let's go. Pasok na tayo," si Zachary habang bitbit na ang gamit namin. Kinuha ko ang isang gamit sa kanya, ayaw pa nga niya noong una, pero binigay pa rin.Papalapit pa lang kami ay bigla nang bumukas ang pinto. Akala ko noong una ay automatic lang, pero kasunod non ang sabay sabay na sigaw at pagputok ng confetti."Welcome home!!" Umawang ang labi ko nang nangunguna ang boses ni Dexie."Tita Ganda!" Si Zacky at tumakbo para yakapin si Dexie."I miss you gwapo kong pamangkin!" Si Dexie at pinaulanan niya ng halik si Zacky sa mukha. Natatawa naman si Zacky sa pinaggagagawa ng tita niya.Ngingiti na sana ako, kaya lang natigilan ako nang mapasulyap sa mga taong nasa gilid lang at nanonood.Para akong nawalan nang lakas nang makita ko si Mandy kasama sila Madam Anastasia, sa tabi nito ay ang sa tingin ko ay Papa ni Zachary. May kasama pa silang matanda. Titig na titig sila kay Za
"Zacky, pupunta tayo sa bahay ni Papa," sambit ko. Nakita ko ang pagningning ng mata ni Zacky, pero hindi kalaunan ay naging simangot ulit iyon. Masaya siya, pero parang may pumipigil sa kanya sa pagpapakita non. "I don't have papa," sambit nito kaya nagkatinginan kami ni Zachary. "Zacky-" Natigilan ako nang hawakan ni Zachary ang isang kamay ko na para bang pinapatigil ako. "Hayaan mo na-- Ouch" Paano ba naman ay biglang kinurot ni Zacky ang kamay ng ama niya na nakahawak sa kamay ko. "Don't touch my mama!" Irita at masungit na sambit ni Zacky habang nakatayo na. Sinununos naman ni Zacky ang ama. Naupo ito at sinuot ang seatbelt. "Okay. Okay, Son. Maupo ka na and put your seatbelt back on." si Zachary at tinanggal na ang kamay niya sa kamay ko. "Damn! Masungit na nga ang ina, masungit pa ang anak," mahina niyang sambit, pero narinig ko. "Are you telling me na sa'kin nag mana ng kasungitan ang anak mo?" Hindi makapaniwalang sambit ko. Ngumuso ito at unti unting ngumit
Pagkatapos kong marinig 'yun ay nanlambot na ako. Parang natibag na ang pader na nilagay ko sa gitna namin nang marinig ang rason niya. "Hindi ako naniniwala. Hindi na ako naniniwala sayo," sambit ko. Kita ko na hindi na niya alam ang gagawin niya. Bago pa siya makapagsalita ay inunahan ko na siya. "Saka lang ako maniniwala kapag sinama mo kami ng anak mo sa manila at makausap si Mandy para matanong sa kanya ang totoo." Hindi ito makapaniwalang tumingin sa'kin. Para bang hindi siya sigurado kung tama ba ang narinig niya. Sunod ay ang sunod sunod na pagmura ito. "Fuck! Damn! Hell! I'm hearing it right, right? Fuck! Sasama ka na sa Manila? Sasama na kayo ni Zacky? Sasama na kayo sa'kin?" Tanong nito at lumapit na para hawakan ang dalawang kamay ko. Kita ko ang saya sa mata niya kaya napaiwas ako. Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko. "Sabihin mo na lang kung kailan," paos kong sambit at naglakad na papunta sa kwarto, pero bago ako makapasok ay narinig ko ang boses niy
"Kung ang pagbubuntis ni Mandy ang usapan, huwag na tayo mag-usap," sambit ko at tinalikuran siya, pero—"Ang mahirap sayo hindi ka nagtatanong. You had time to ask me earlier about Mandy, but the first thing you want me to do is to leave,"Inis ko siyang hinarap. "So anong gusto mo? Kailangan ba na manggaling sayo at marinig ko mula sayo na nakabuntis ka? Na may posibilidad na hindi na talaga mabigyan ng buong pamilya ang anak ko-""Damn it, Gillian! Hindi ako ang ama ng pinagbubuntis ni Mandy! Matagal nang walang kami. Simula noong iniwan mo ako-""Correction, pinagtabuyan mo ako. Hindi ako aalis non kung hindi mo ako pinagtabuyan," bulyaw ko.Napahilot ito sa noo na para bang sumasakit na ang ulo niya."Fine! Simula noong pinagtabuyan kita at umalis ka ay hindi ko na nakaya pang humalik ng ibang babae, tapos makakabuntis? Damn it! I swear, that is not my child, so please stop thinking nonsense. Hindi ako magkakaanak sa iba! Kung may mabubuntis man ako ulit, ikaw ulit 'yun! Kung may
Gillian's POV Hindi ako mapakali habang nakatingin kay Zachary. Pinapaalis ko na siya, pero hanggang ngayon ay nandoon pa rin siya nakaupo sa kung saan ko siya iniwan. Umuulan na rin sa labas, pero parang wala itong pakealam. Parang wala itong pake na maulanan siya. Hindi pa naman siya gaanong basa, pero kahit na! Bakit ba hindi na lang siya umalis! "Binanggit mo, Ate, 'yung tungkol sa nabasa na'tin sa phone ni Zaji?" Tanong ni Nika habang nakatingin rin kay Zachary. Nandito na rin sila papa galing sa bayan. Gaya ko ay gusto rin nilang paalisin si Zachary, pero hindi siya umalis. "Hindi," mahina kong sambit. Siguro hindi lang dahil sa hindi niya pagtupad sa pangako niya kaya gusto ko siyang paalisin. Aaminin ko, isa sa dahilan ay dahil sa magkakaanak na siya sa iba. Hindi ko na talaga alam kung anong gagawin at iisipin ko. "Ate, hindi ka pa ba nadala? Sa tingin mo ba may napapala ang taong sarado ang isip? Ikaw mismo ang nakaranas niyan, Ate. Isipin mo, naging sarado noon a
"Hindi mo ako masisisi kung bakit ako galit sayo dahil hindi mo nakita kung gaano umiyak si Zacky dahil pinaghintay mo siya! Kahit tulog ay tinatawag niya ang pangalan mo. Wala ka noong gabing sabik na sabik siyang makita ka at lagnatin na sa pagkasabik sa pagbalik mo!" Lumapit ako at tinulak siya. Hindi ko alam kung malakas ba ang pagkakatulak ko o ano dahil halos matumba ito. "Bakit ka pa ba bumalik!? Bakit hindi mo na lang panindigan ang hindi mo pagbalik!?" Bulyaw ko. Kasi alam ko naman na aalis ka rin ulit, lalo na at magkakaanak ka na kay Mandy. Magiging bastardo rin naman ang anak ko, at sa huli siya pa rin ang kawawa. Gusto kong sabihin iyon, pero hindi ko tinuloy. "Can you listen to me first?" mahinahon niyang sambit. Umiling ako. "Kapag nakinig ako sayo, baka dumating ulit ang panahon na mangangapa kami ng anak ko. Ang mas nakakabuti mong gawin ay ang umalis rito." "Hindi ako aalis. Suntukin mo ako. Saktan mo ako," lumapit pa siya at siya ang nagdala ng kamay ko sa muk
Gillian's POV Sa isang buwan na hindi niya pagbalik ay bumalik siya. Nang tumingin siya sa'kin ay nagpatuloy ako sa pagsasampay. Anong ibig sabihin nito? Bakit siya nandito? Ilang segundo ay natungo na niya kung nasaan ako. Bago pa siya makapagsalita ay inunahan ko na siya. "Umalis ka na ngayong nakakausap mo pa ako nang maayos," sambit ko at kumuha ulit ng damit para isampay. Nasa loob si Zacky. Gusto kong makita niya ang ama, pero kapag nakita niya ulit ang ama, baka umasa siya sa sinabi ko na sasama na kami sa kanya. Hindi na iyon mangyayare. "I'm sorry, hindi ako nakabali--" "Wala akong pakealam sa sasabihin mo," seryosong sambit ko at sinampay na ang huling damit. "Baby, Listen to--" Isang sampal ang binigay ko sa kanya. Baby? Kung sa tingin niya makukuha niya ulit ako sa pa baby baby niya, nagkakamali siya! Sinubukan kong gawing seryoso ang expression ko. Nakatagilid ang mukha niya at gulat sa ginawa ko. Nagulat din ako sa ginawa ko, pero 'yun naman kasi talaga ang gu