Ada POVPagkatapos ng engrandeng seremonya sa simbahan, dire-diretso na ang buong entourage patungo sa aming reception. Dalawang venue ang inihanda namin ni Mishon, isa para sa mga fans ko sa isang five-star hotel event area, at ang pangunahing pagtitipon naman ay magaganap sa napakalawak na garden ng aming mansiyon.Sa loob ng sasakyan, abala ang wedding coordinator sa pag-update sa akin. “Everything is set, Ma’am Ada. Your fans are already at the hotel, waiting for the program to start. The media is covering both venues, and the main reception at the mansion is absolutely breathtaking.”“That’s good to hear,” sagot ko habang abala ako sa pagtingin sa labas ng kotse. Mula sa tinted na bintana ng sasakyan, tanaw ko ang ilang helicopter sa ere, may mga drone at TV network choppers, nagsasahimpapawid ng live coverage ng aming kasal sa buong bansa.Bongga kasi ang mga TV network ay pinaghandaan ang kasal naming ito.**Pagdating namin sa manisyon, naghihintay na roon ang lahat ng bisita
Ada POVPagkatapos ng engrandeng kasal namin ni Mishon, agad kaming lumipad patungong Italy para sa aming bonggang honeymoon. Isang oras lang naming pinagplanuhan ito at dahil pareho naming gustong maranasan ang pinakamagandang honeymoon sa buhay namin, pinili namin ang Italy.Kinabukasan, pagkatapos ng kasal, lumakad na agad kami. Kaya naman pagdating namin sa Rome, tumuloy kami sa isang sikat at magandang hotel na tanaw ang Colosseum. Napakalawak ng aming suite, may floor-to-ceiling windows, bonggang chandeliers at isang private terrace na may panoramic view ng city.“Woah! This view is breathtaking,” bulong ko kay Mishon habang hinahaplos ko ang braso niya.“Not as breathtaking as you, Mrs. Tani,” sagot niya bago ako hinalikan sa noo.Today, nagpahinga lang muna kami dahil napagod kami sa kasal at sa mismong paggayaka kasi ura-urada ang pag-alis namin, saka isang oras lang talaga naming pinag-usapan na dito sa Italy mag-honeymoon. Dapat nga ay wala kasi nasa Pilipinas naman kami, m
Mishon POVSa loob ng ilang buwan, pabalik-balik ako sa Pilipinas at Paris para sa wine company ko na ngayon ay patuloy na lumalakas ang kita at patuloy na nagpapakilala sa buong mundo. Lahat ng farm ko sa Pilipinas, halos sabay-sabay at sunod-sunod na namumunga kaya naman hindi na kami nauubusan ng ubas na ginagamit para sa wine ko. Ang gandahan pala sa maraming farm, ikaw ang magsasawang gumawa ng maraming wine kasi ang dami palaging harvest. Kaya pati rito sa Pilipinas, tuloy-tuloy na rin ang paggawa ng mga wine.Napakasaya na madalas na akong mag-guest sa mga tv show na about sa business, madalas din pag-usapan sa social media ang wine ko kasi kada buwan, iba’t ibang sikat na model o artista ang kasama sa commercial, at iyon ang paraan ko para lalong pasikatin ang Tani Wine company ko.Ngayon, nasa Bicol kami kasi nag-aya si Ada na gusto niya raw makita ang bulkang mayon. Ayoko nga sana kasi takot ako sa mga kalamidad, lalo na sa mga pumuputok na bulkan. Pero imbis na ang mayon an
Ada POVSa wakas, makakauwi na rin kami sa mansiyon. Mabuti na lang din at last day gala na namin sa Bicol nung manganak ako. Habang yakap-yakap ko si Ahvi sa loob ng eroplano, hindi ko mapigilang mapangiti. Ang liit-liit niya, napakaganda at napakapayapa ng mukha nito habang natutulog sa bisig ko. Si Mishon naman ay nasa tabi ko, hindi pa rin makapaniwalang may anak na kami. Katabi niya rin ang anak niyang si Miro. Kung titignan tuloy ay para kaming isang buong masayang pamilya na galing sa masayang galaan.“Are you okay, love?” tanong niya habang hinahaplos ang buhok ko.I smiled at him, though I still felt exhausted. “I’m more than okay. I’m finally taking our little princess home.”Pagkalapag ng eroplano, sinalubong kami agad ng private cars namin na maghahatid sa mansiyon. Wala pang isang oras, narating na namin ang bahay at halos mapaluha ako sa nakita ko. Isang napakalaking banner ang nakasabit sa harap ng mansiyon na may nakasulat na…Welcome home, Mommy Ada & Baby Ahvi. Napakar
Ada POVMakalipas ang isang taon, tila hindi ko na namalayan kung gaano kabilis lumipas ang panahon. Isang taon na pala ang lumipas mula nang isilang ko si Ahvi at sa loob ng panahong iyon, nagawa ko rin ang isang bagay na matagal ko nang gustong gawin, ang magtayo ng sariling pizza company.“Are you really going to be the face of your own brand?” tanong ni Verena habang nakaupo sa isang itim na leather couch sa opisina ko.I smiled, taking a sip of my espresso. “Of course. Who else would it be? If you want your brand to stand out, you have to make it personal.”“Well, you are an international supermodel. People will definitely buy anything with your face on it.” Yanna smirked as she flipped through a magazine featuring an ad for my pizza company, where I was holding a slice of pizza, my signature confident pose on full display.Sa loob ng isang taon, napalago ko ang business ko mula sa isang simpleng pizza shop patungo sa isang napakalaking pizza company. Ang sikat na pangalan ko bil
Mishon POVHumahangos akong pumasok sa ospital, habang kumakabog ang dibdib ko. Para akong nawalan ng pandinig sa lahat ng ingay sa paligid, ang tanging nasa isip ko lang ngayon ay si Miro. Ang anak kong si Miro na nasa loob ng isang silid, sugatan, dahil sa kagagawan ng mga taong walang awang nagpaputok ng baril sa sasakyan nila ng mama niyang Raya.Pero matagal ko nang naisip na may chance na mangyari ito dahil nga isang mafia boss itong mama ni Miro. At naisip ko rin na sobrang delikado na kasama ni Raya si Miro kapag lalabas siya. At heto na nga, nagkatotoo na ang kinakatakot kong mangyari.Pagdating ko sa reception, mabilis kong kinausap ang nurse. “Where is my son? Where is Miro Tani?’The nurse quickly scanned her clipboard and nodded. “Room 307, sir. He is stable now. The doctor has already cleaned his wound.”Hindi na ako naghintay ng kahit isang segundo. Tinakbo ko ang hallway papunta sa kuwarto ni Miro. Halos masunggo ko nga ang mga taong nakakasalubong ko, humingi na lang
Ada POVHindi madaling panoorin ang isang batang tulad ni Miro na dahan-dahang nilalamon ng lungkot. Simula nang mawala si Raya, halos hindi na siya makausap nang maayos. Hindi na siya sumasama sa amin kapag lumalabas para mag-enjoy. Mas pinipili niyang manatili sa loob ng kaniyang kuwarto, nagbabasa ng libro o di kaya’y nanonood ng action movies na hindi ko alam kung bakit niya kinahiligan bigla.Minsan, sinusubukan ko siyang kausapin habang kumakain kami ng hapunan.“Miro, sweetheart, do you want to go to the amusement park this weekend?” tanong ko habang sinasalinan ko ng juice ang kaniyang baso.Umiling lang siya, hindi man lang tumingin sa akin. “I have a book to finish po, e,” maikli niyang sagot. ‘Yung mga new book na binabasa niya ay about palagi sa assassin, basta puro action, ganoon.Napatingin ako kay Mishon, na tahimik lang din at hinahayaan si Miro sa gusto nito. Pero hindi ko kaya. Alam kong hindi ito ang Miro na kilala namin noon, masayahin, palabiro at palaging puno ng
Mishon POVSa unang beses na marinig ko ang boses ni Miro na nanginginig habang nagsusumbong, ramdam kong may bumalot na apoy sa dibdib ko. Walang nananakit sa amin kay Miro, kaya hindi ko nagustuhan nang marinig kong magsumbong siya sa akin.“Papa, some of my schoolmates... they keep saying I’m adopted by a famous fashion model. They make fun of me. Sometimes, they even push me. It’s not just one or two of them... there are a lot.”Tinignan ko ang siko niya, may gasgas at sugat siya sa siko. Dahil siguro sa pagtulak sa kaniya tapos nabuwal siya sa lupaan. Nakita ko rin na malibag ang suot niyang uniform, tapos ang bag niya, sira-sira na tila ginunting. Mukhang pinagkakatuwaan nila ng husto ang anak ko, hindi manlang inisip kung sino ang kinakalaban nila.Nanlilisik ang mga mata ko habang pinipigilan ko ang galit. Hindi ko mawari kung paano nagkaroon ng lakas ng loob ang mga batang iyon para saktan ang anak ko. Hindi ba nila kilala si Miro. Kung nabubuhay lang si Raya, baka kahit mga
Samira POVNasa loob ako ng kuwarto ni Ramil ngayon. Busy sina Miro ngayon, kami lang nila Mama Ada at Ahva ang naiwan dito sa manisyon. Naisip ko naman na puntahan si Ramil kaya dinalhan ko siya ng pagkain—isang tray na may sinigang na baboy, kanin, at manggang hilaw na may bagoong.“You need to eat more,” sabi ko habang iniaabot ko sa kaniya ang tray. “You need strength, Ramil. Hindi ka puwedeng injury na lang habang buhay. Ikaw na ang nagsabi, kailangan nating maghanda kaya magpalakas ka rin.”Ngumiti lang siya sa akin. “Salamat, Samira. Huwag kang mag-alala, ito na, nagpapagaling at nagpapalakas na ako. Baka sa susunod na linggo, makalakad na ulit ako.”Habang kumakain na siya, pinagmamasdan ko lang siya, napansin ko, tila may gusto siyang itanong pero hindi niya agad masabi. Hanggang sa maya-maya'y nagsalita rin siya.“Ang mga manang pala, kumusta na sila?” tanong niya habang nakasandal sa mga unan.Napatingin ako sa kaniya. Biglang lumabas ang ngiti sa mga labi ko. Hindi pa nga
Miro POVPagkapasok namin sa mansiyon, agad kong tinapik ang balikat ni Ramil bilang hudyat na sa wakas ay nandito na kami, tuluyan na namin siyang nauwi. May lumabas na bahagyang ngiti sa labi niya, pero habang naglalakad at inaalalaya siya ng mga tito ko, hindi niya maitago ang pagngiwi ng mukha, halatang nasasaktan siya.Lumapit agad si Ahva at Mama Ada para salubungin siya. Lahat kami, may saya sa pagdating niya, pero may bigat din sa dibdib naming makita siyang halos ‘di na makalakad ng maayos.“Prepare his room,” utos ko sa isa sa mga tauhan. “Make sure it’s comfortable. Ramil needs full rest.”Nagkatinginan kami ni Samira. Ramdam ko ang lungkot sa mga mata niya. Alam naming hindi madali ang pinagdaanan ni Ramil. Kaya naman agad kong tinawagan si Dr. Elson, ang private doctor namin.“Ramil, the doctor will be here in ten minutes,” sabi ko sa kaniya habang inaakay siya papunta sa inihandang kuwarto para sa kaniya.“Thanks, Miro. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin kung ‘d
Miro POVOras na para bumawi kay Ramil. Nanghingi siya ng tulong sa amin na kung maaari ay i-rescue na siya kasi nahihirapan na siya sa kinalalagyan niya ngayon.Ako mismo ang nagmaneho ng sasakyan habang tahimik kami sa loob. Kasama ko sina Tito Zuko, Tito Sorin at Tito Eryx. Dapat, nagbabakasyon sila ngayon sa Palawan kasi matagal na nila itong na-book. Pero dahil nakatanggap kami ng problema, hindi ko na muna sila pinatuloy kasi baka maging maaga ang paggalaw ni Vic. Ayaw ko naman na wala sila kapag lumaban na ulit kami, parang kulang na kasi ako kapag wala sila. Hindi ako nakakapag-isip ng maayos kapag wala ang mga tito ko. Oo, may Samira akong matapang at matalino, pero iba pa rin talaga kapag may nakakatanda na nangangasiwa sa amin.Tanggap ko nang parang hindi ako mafia boss, oo, mas babagay ito kay Samira, pero wala na akong pakelam ngayon sa posisyon na iyon. Ang gusto ko na lang sa ngayon ay matapos ang gulo, wala ng problema at dapat puro kasiyahan na lang.“We finally trac
Samira POVWala pa man ang gulong magiging dala ni Vic, pero ang balita tungkol sa pagbabalik niya ay sapat na para yanigin ang katahimikan ng lahat. Ngunit kahit na natatakot ang lahat, hindi kami puwedeng manatiling walang ginagawa. Walang nakakaalam kung ano ang mga kaya niyang gawin kaya halos parang nanganga pa kami.Sa totoo lang, hindi kami nahirapang pabagsakin si Don Vito, walang masyadong labanan na nangyari, kasi dito pala kami mapapasabak ng husto kay Vic. Pero sana, gaya nang pagbabagsak namin kay Don Vito, ganoon din kadali ang kay Vic.Kaya ngayon, dinala ko sina Mama Ada at Ahva sa garden ng mansiyon para simulan ang isang bagay na mahalaga naming gawin ngayon, at ito ay ang matuto na rin silang lumaban.“Okay, start with your stance,” sabi ko habang pinaposisyon ko si Ahva at Mama Ada. “Feet shoulder-width apart. Arms up. Chin down.”“Like this?” tanong ni Mama Ada, na medyo nag-aalangan habang tinaas ang dalawang kamay.“Yes, ganiyan nga. Pero relax lang po, Mama. Hi
Samira POVPawisan at halos humihingal kaming dalawa ni Miro matapas ang umaatikabong pagse-sëx. Galing si Miro sa isang event at tipsy ito nung umuwi. Pagpasok niya rito sa kuwarto namin, bigla na lang naglambing. Hanggang sa magtanggal na kami ng saplot at wala na akong nagawa kundi ang magpaubaya na lang.Matutulog na dapat ako, pero biglang nag-vibrate ang cellphone ko sa may nightstand. Mabilis ko iyong kinuha, akala ko ay notification lang mula sa social media, pero natigilan ako nang makita ang pangalan na naka-flash sa screen.Si Ramil, tumatawag. Nung una, inisip ko na baka ibang tao, baka may nakakuha lang ng phone niya. Pero nang sagutin ko ang tawag niya, doon na ako lalong nagulat.Buhay pa nga si Ramil.“Ramil?” mahinang tawag ko sa kaniya na halos pabulong lang.“Samira,” bulong rin niya mula sa kabilang linya at agad kong naramdaman ang takot sa boses niya. “Walang oras para magpaliwanag, pero nakatakas ako nung dakpin ako ng mga tauhan ni Don Vito nun. Nung hinahabol
Samira POVMaaga pa lang, tinawag na ako ni Mama Ada. Nagtaka naman ako kung anong kailangan niya. Nakakatawa kasi may gagawin sana kami ni Miro, pero dahil hindi naka-lock ang pinto at tinatawag ako ng isang kasambahay, nahinto tuloy. Pero mukhang mahalaga ang sasabihin niya kaya pinuntahan ko siya kahit kagigising ko palang.Pagkakita ko sa kaniya sa sala sa ibaba, sinalubong niya ako ng maganda niyang ngiti.“Samira, come with us today. Let’s do something fun,” sabi niya habang nakangiti at nakaayos na ang buhok. Kasama niya nun si Ahva, na sa wakas ay masaya na rin at palaging nakatawa.Napatango na lang ako, kahit may kinakabahan. Hindi ko kasi alam kung saan kami pupunta. Hindi na rin kasi ako nakapagtanong. Hindi ako sanay na isinasama nila sa mga ganitong lakarin. Pero habang tinitingnan ko ang ngiti ni Mama Ada, ramdam ko na tanggap na niya talaga ako. Hindi na ako outsider, kundi parte na ng pamilya nila.Nung magpaalam ako kay Miro, natuwa pa siya. Sinabi niya na magandang
Miro POVKapwa kami good mood ni Samira habang umiinom ng milktea, sakay kami ni Samira ng itim na van ko at papunta kami ngayon sa tinutuluyang mansiyon ng mga manang.Habang nasa biyahe, panay ang tingin ko kay Samira. Ang ganda niya sa ayos niya ngayon. Nakakatuwa kasi napag-trip-an siya ni Ahva na ayusan. Naka-light makeup siya, nakakulot ang buhok at naka-dress din. Napilit siya ni Ahva na maging ganito kahit ang totoo ay hindi siya sanay. Pero para sa akin, ibang Samira ang kasama ko. I mean, hindi naman sa sinasabi kong parang iba, maging ako kasi ay hindi makapaniwala na ganito siya kaganda at ka-sexy kapag nakabihis ng maganda at kapag nakaayos ang mukha at buhok. Nawala tuloy bigla ang pagiging assassin cool niya. Kumbaga, parang tanggal angas niya ngayon.Papunta kami ngayon sa mga manang kasi ngayong araw na namin ibibigay ang isang bilyong piso na pabuya sa kanila para sa pagkakahuli nila kay Don Vito. Napapailing pa rin ako hanggang ngayon. Hindi ko pa rin kasi lubos mai
Samira POVPagkagising ko kinabukasan, ramdam ko pa rin ang bigat ng pagod sa katawan ko dahil sa nangyari kagabi, pero mas nangingibabaw ang gaan sa dibdib ko. Sa wakas, ligtas na si Ahva, at si Don Vito naman ay nagpapahinog sa ospital at malapit-lapit na ring makulong na. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na matapang—kahit sa loob-loob ko ay halos gusto ko nang bumigay sa pagod at gutom kagabi.Paglabas ko ng kuwarto, dumiretso ako sa hallway. Doon, nagulat ako nang pagbukas ko ng pinto ng kabilang kuwarto ay lumabas si Mama Ada. Diretso niya akong nilapitan.“Samira, ija,” mahinahon ang boses niya, pero may lungkot at saya na halong-halo sa mga mata niya. Akala ko magtataray na naman siya, pero bigla niya akong niyakap. Hindi lang basta yakap—mahigpit pa ang ginawa niya at dama ko ang init ng pasasalamat niya.“Thank you, Samira. Thank you so much,” bulong niya habang bahagyang nanginginig ang boses niya. “I’m really, really sorry sa lahat ng naging ugali ko sa ‘yo. I was so w
Samira POVHindi pa man lubos na nakakabawi ang katawan ko, kailangan na namang maglakad. Nagdesisyon na kaming maghiwa-hiwalay ng landas sa gubat para mapabilis ang paghahanap kay Ahva. Bawat isa sa amin ay may hawak na radyo at may kasama ring dalawang sundalo para sa seguridad. Gusto ko na rin sanang matulog at mamahinga, pero kailangan pa ring lumaban at kawawa naman si Ahva kung hahayaan naming mag-isa sa gubat. Kung nakaligtas man siya sa kamay ni Don Vito, baka sa mga mamabangis na hayop dito, hindi siya makaligtas.“You okay po, Ma’am Samira?” tanong ng isa sa mga sundalong kasama ko. Tumango lang ako kahit nanghihina pa ako. Mabuti na lang at may dalang tubig sina Miro, kahit papaano ay may laman ang tiyan ko mula sa tinapay na isinabay ko sa pag-inom ng malamig na tubig habang naglalakad.Tahimik ang gubat habang naglalakad kami. Pero parang may ilog kaming naririnig sa hindi kalayuan. Ang flashlight na hawak ng mga sundalo ay tumatama sa mga punong kahoy at mga sanga, para