Misha’s POVPahinga today sa training para kay Everett kasi nagpasya kaming mag-work muna at ayaw naman naming pabayaan ang kani-kaniyang company na hawak namin. Masaya akong nagmamaneho ng sasakyan ko. Hindi ko na need ng bodyguard kaya parang malaya na ako ngayon, basta ba dapat palagi akong handa sa lahat ng panganib. Ang saya nga kasi palagi na rin akong may dalang baril. Dito sa kotse, hindi rin ako nagpapawala ng ilang baril para in case kailanganin ko o makalimutan kong magdala ay mayroon akong magagamit sa panganib.Habang masaya akong nagmamaneho, may nakita akong parang kakaibang pangyayari sa gilid ng highway, napansin ko ang isang kotse na tila tumigil, at may grupo ng kalalakihan na nakapaligid dito. There was something off. Inayos ko ang sunglasses ko, pinagmasdan pa ng mas mabuti. Isa sa kanila, may suot na cap na parang pilit itinatago ang mukha.Then I froze, my heart lurching as I recognized her — Jaye.She looked trapped, cornered. Nakita ko kung paano siya nakatiti
Misha’s POVNakatayo ako sa gitna ng event area ng hotel dito sa Manila branch. Pinatawag ko ang lahat ng empleyado ng kompanya ko rito at pati na rin sa iba bang branch. Seryoso ang mukha ng bawat isa, lalo na nang makita nilang seryoso ang ekspresyon ko. Alam nilang hindi ko ugali ang basta-bastang magpatawag ng meeting, lalo na sa ganitong klaseng okasyon.Hindi lang ako ang gumawa nito, si Everett din, ngayon ay sabay kaming nagpatawag ng urgent meeting sa kani-kaniyang company na hawak ko para isagawa ang ganitong warning sa lahat.Ang mga ilaw ng event area ay dimmed, at ang nag-iisang spotlight ay nakatutok sa akin. May halong kaba at takot ang mga mata ng mga tauhan ko. Ang iba ay tahimik na nakaupo, ang ilan ay nagkatinginan, at ang iba naman ay halatang kinakabahan na.Sa loob-loob ko, hindi ko sila masisisi. Ilang linggo na ang nakalipas mula nang madiskubre kong may mga traydor sa kompanya. Hindi ko na rin matiis na hindi ito tugunan. Gusto kong ipakita sa lahat na hindi a
Misha’s POVAbala ako sa trabaho ngayon sa opisina ko, tinutukan ko ang bawat detalye ng mga papeles sa mesa ko. Ilang araw na akong nagtutuluy-tuloy sa trabaho—madaming kailangang asikasuhin sa kompanya, pero para sa akin, hindi ko ito alintana. Tuwing sabado at linggo na lang tuloy kami nakakapag-training ng asawa ko.Well, parte na ito ng pamumuhay ko, at wala akong ibang inaasahan kundi ang tagumpay naming mag-asawa sa negosyo namin, dahil alam naming para ito sa future ni Everisha at ng mga future son and daughter pa namin.Bigla na lang bumukas ang pinto ng opisina ko, at pumasok si Marie, ang executive assistant ko na pinsan ko rin. Halatang may kakaibang dalang balita si Marie, at agad ko itong napansin sa ekspresyon niya. Tumigil siya sa harap ng mesa ko, saglit na nagdadalawang-isip bago magsalita.“Naku, Tito Gerald ni Kuya Everett is here,” sabi niya nang may pag-aalangan.Napabuntong-hininga ako nang marinig ang balita niya. Alam ko na kung bakit siya nandito, at alam ko
Misha’s POVPagkatapos ng isang araw na puno ng trabaho, napagdesisyunan kong magpunta sa park para magpahinga. Nais ko lang makalanghap ng sariwang hangin at maglaan ng oras para sa sarili ko. Ang parkeng ito ang paborito kong puntahan; tahimik, malapit sa opisina, at maraming puno na nagbibigay lilim. Kasama ng malamig na ihip ng hangin, nakakadagdag ng gaan sa pakiramdam ang hawak kong iced coffee.Umupo ako sa isang bakanteng bench sa ilalim ng isang malaking puno. Nagpakawala ako ng buntong-hininga at ipinikit ang aking mga mata saglit.Nami-miss ko na ang anak ko, si Everisha. Grabe, siguro big girl na siya ngayon. Alam kong nagtatampo na siya dahil panay ang pangako namin ni Everett na malapit na malapit na siyang umuwi sa Pinas. Nakakailang pangako na kami at nakakahalata na rin siyang puro pangako na lang kami. Gusto ko nang matapos ang lahat ng gulo para maging masaya na kami. Kung bakit ba naman kasi mga baliw ang pinsan ni Everett, isama ang tito at tita niya. Nakakabuwisi
Misha’s POVHabang unti-unti kong hinahagod ng kuko ang zip tie na nakatali sa kamay ko, ramdam ko ang bawat hiblang nagkakalas.“Kung hindi kita natuluyan sa ilog, puwes ngayon, sisiguraduhin kong mabubuta ka na talaga sa mundong ito, Ma’am Misha,” sabi niya habang panay ang sampal sa akin.“Ang weak ay weak na, huwag kang umastang malakas, Belladonna,” sagot ko para maasar ko siya lalo.“Weak pala, puwes, malalaman natin mamaya kung sino ang weak!”Malapit na ako sa kalayaan nang bigla kong naamoy ang matapang na amoy ng panyo na mabilis na itinakip ni Belladonna sa ilong at bibig ko. Pilit kong nilalabanan, ngunit ilang segundo lang ay nawalan ako ng malay at tuluyang nilamon ng kadiliman ang lahat.Nang muli akong magising, ramdam ko ang matinding sakit sa bawat himaymay ng katawan ko. Unti-unti kong binuksan ang mga mata ko at agad kong namalayan ang masangsang na amoy ng kalawang at dumi. Nasa loob ako ng isang lumang bodega, nakatali ang mga kamay ko sa isang mabigat na upuan a
Misha’s POVPagmulat ng mga mata ko, ang unang bumungad sa akin ay ang malambot na puting ilaw ng ospital. Akala ko nasa langit na ako kasing puting-puti ang lahat. Amoy ko ang antiseptic sa hangin, at naramdaman ko ang mga nakatusok sa braso ko. Napansin ko rin ang lamig ng aircon na sumisingit sa bawat balat ko. Para akong latang-lata na parang inaapoy ng lagnat. Dama ko rin ang kasakitan ng katawan ko. Bumagal ang paghinga ko habang pilit kong inuunawa kung nasaan ako.Sa gilid ng kama, nakita ko ang pamilyar na anyo ni Everett—ang asawa kong palaging nasa likod ko sa kabila ng lahat ng unos. Nakakunot ang noo niya, puno ng pag-aalala. May hawak siyang tasa ng kape na halatang matagal nang malamig.Nang makita niya akong gising na, halos matapon pa ang tasa nang kape nang ibaba niya ito bigla sa lamesa. “How are you feeling? Are you okay now?” tanong niya, halos pabulong, pero ramdam ko ang tensyon sa boses niya. Ang mga mata niya, namumugto at tila ba hindi pa rin nakakabawi mula
Everett’s POVHindi ko inaasahang mararamdaman ko ang ganitong klaseng galit sa dalawang tao na minsan kong inakala na mabubuting kaibigan ng asawa kong si Misha. Habang naglalakad ako sa tahimik na hallway ng ospital, papunta sa private room ni Misha, naramdaman ko ang bigat ng bawat hakbang ko. Hindi lamang dahil sa stress na nalaman ko kanina kay Tito Gerald, kundi dahil sa bigat ng emosyon na bumalot sa akin nang makita ko sina Jaye at Conrad, ang mga dati niyang pinakamatalik na kaibigan.Tumigil ako sa paglalakad at napatingin sa kanila. Halata sa mukha nila ang pag-aalangan nang makita ako. Si Jaye, na tila hindi makatingin ng diretso, at si Conrad, na kunwaring walang pakialam, ngunit bakas sa kilos ang tensyon. Nilapitan ko sila nang hindi inaalis ang titig ko sa kanilang dalawa. Ang malamig na galit sa loob ko ay unti-unting pumupuno sa katahimikan sa pagitan namin.Simula nung masunod ang swimming pool resort ni Misha pati na rin ang farm nila, doon nag-umpisang lumayo ang
Misha’s POVPagmulat ng mga mata ko, tumambad agad ang malamlam na liwanag ng araw na pumapasok mula sa kurtina ng aming kuwarto. Ramdam ko pa rin ang kirot sa bawat galaw ng katawan ko, na para bang paalala ng lahat ng pinagdaanan ko nitong mga nakaraang araw. Pero alam kong hindi ito panahon para magpahinga.Kahit gustuhin kong manatili sa kama, wala akong karapatang gawin iyon ngayon. Lalo na’t alam kong may paparating na unos. Ang Tito Gerald ni Everett—galit na galit sa amin. Namatay ang lahat ng anak niya, at nakakulong pa ang asawa niya. Ang huling banta niya ay malinaw na malinaw sa isip namin. Kaya alam kong dapat naming paghandaan ito.Napatingin ako sa kaliwang braso ko, balot ng benda at may bahagyang dugo sa gilid. Sa kabila ng lahat, kailangang umusad. Kailangang maghanda.Lumabas ako ng kuwarto at nakita ko si Everett sa bakuran, nakatayo sa gitna ng tatlong assassin na na-hire ko. Dalawang lalaki, malalaking katawan, at isang babae na may hawak na maliit ngunit mapangan
Samira POVNung buhay pa ang mga magulang ko at ang kapatid kong babae, masaya na kami kapag may isang buong manok sa hapagkainan, pero dito sa manisyon ng mga demonyo, tangina, halos lagpas sampu ang putahe sa lamesa. Nagtataka tuloy ako, bakit parang mas masarap pa ang buhay ng mga taong makasalanan? Tapos, kung sino pa ang mga mababait, sila ang hirap na hirap sa buhay? Ang gara lang.Lalo tuloy akong naiinis, gusto kong lagyan ng lason itong mga pagkain nila, gusto ko lagyan ng pako, lagyan ng blade para magkautasan na silang lahat. Nakakagigil, lalo na’t alam kong makikita ko na ngayong gabi ang hayop na Vito na ‘yon.Sa gabing iyon, isa-isa na naming inilagay sa dining area ang mga pagkain para sa hapunan ng pamilyang demonyo este, pamilyang Salvatore. Kabilang ako sa mga naatasang mag-serve ngayong gabi at hindi ko maitanggi ang excitement sa dibdib ko. Sa wakas, makikita ko na siya. Ang taong pumatay sa kapatid at ama ko. Ang demonyong naging dahilan ng pagkamatay sa atake sa
Miro POVPagkatapos ng klase ko, dumiretso ako sa hacienda ng mga tito-titoan kong sina Tito Zuko, Tito Sorin at Tito Eryx. Isang malaking selebrasyon ang mayroon doon dahil birthday ngayon ni Tito Zuko. Sa likod ng sasakyan ko, maingat kong kinuha ang regalong inihanda ko para sa kanya, isa itong mamahaling samurai na in-order ko pa mula sa Japan, last month. Hindi lang ito basta-basta espada, handcrafted ito ng isang sikat na gumagawa talaga ng mga samurai at may halagang aabot sa daang libo. Alam kong magugulat si Tito Zuko, pero deserve naman niya ito kasi malaki ang naitulong nila sa akin para maging magaling ako sa pakikipaglaban.Pagpasok ko sa malawak na courtyard ng hacienda, sinalubong ako ng ingay ng mga bisitang naroroon na. Puro mga assassin at mga taong bihasa sa pakikipaglaban ang naroon, mga kalalakihan at kababaihang sanay sa patayan, ngunit sa ngayon, ang mga kamay nilang madalas may hawak na armas ay puno ng alak at pagkain.Walang gulo.Walang tensyon.Pero alam ko
Samira POVPumasok sa kuwarto ko si Manang Percy, sinabi niro sa akin na pinapatawag ako ni Manang Luz sa kaniyang kuwarto para kausapin. Hindi ko na kailangang hulaan kung bakit.Tumayo ako mula sa pagkakahiga ko sa kama ko, matutulog at magpapahinga pa naman ako pero istorbo ang gurang na iyon.Pagdating ko sa kuwarto nito, sumalubong sa akin ang magkasalubong na kilay niya, galit na labi at halos nakayukom na mga kamao niya.“Samira, you have to learn how to behave,” bungad niya sa akin habang malamig ang tono ng boses niya. “Next time Ma’am Via bullies you, just take it. Don’t fight back, or you’ll be the one in trouble.”Tumango ako, hindi dahil sang-ayon ako, kundi dahil wala akong balak makipagtalo ngayon. Kung alam lang niya na sa loob-loob ko ay natatawa ako. Lihim akong napatingin sa mga paa niyang parehong may benda. Satisfying talaga sa akin ang pagsadyang kong pagbuhos ng mainit na kape sa mga paa niya.Sa tingin ko, ako palang ang nakakagawa nun sa kaniya. Well, deserve n
Samira POVTangina ni Manang Luz, hinila ba naman ako sa tenga habang palabas sa kuwarto ni Via. Sa inis ko, sinadya kong bitawan ang tasa ng kape sa paanan niya. Kaya pagkatapos magsisigaw ni Via, siya ang sunod na sumigaw kasi napaso ng mainit na kape ang paa niya. Akala niya, maiisahan niya rin ako. Iyon nga lang, pinarusahan niya ako. Sinabi niya na pumunta ako sa garden at magbilad sa araw ng isang oras.Ang araw pa naman ay tirik na tirik, nagbabaga ang sikat nito sa balat ko. Nandoon ako sa part na kung saan ay walang masisilungan. Parusa raw sa kasalanang hindi ko naman sadya. For me, okay lang ang parusa. Mas nakakatawa kasi ang nangyari kay Via at pati na rin kay Manang Luz.Sa totoo lang, ayos nga ito. Makakapahinga pa ako ng isang oras sa trabaho ko. Kung ganito naman pala ang parusa, masarap gumawa ng maraming pagkakamali para marami akong pahinga pala. Hindi nila kasi alam, easy lang ito para sa akin. Noong nagte-training ako sa pakikipaglaban, tatlo o hanggang limang or
Miro POVAng hangin ng dagat ay malamig habang nakasandal ako sa railings ng private yatch ni Zaven. Nasa tabi ko ang mismong may-ari ng yate na si Zaven Montenegro, naka-suot ng designer sunglasses at nakahawak sa baso ng whiskey. Sa kabilang dulo ng deck, si Dristan at Lysander ay abala naman sa pag-aasaran habang nagbibiruan tungkol sa kung sino ang may pinakamaraming babaeng naiuwi sa kanilang mga party nung nakaraang magpunta sila sa La union.Kami ang mga itinuturing na hari ng campus, mga anak-mayaman, mga hinahangaan, mga hinahangad na masungit ng mga babaeng student sa school namin. Ngunit sa kanilang lahat, ako lang ang may lihim na plano, isang planong hindi ko kailanman ipapaalam sa pamilya ko. Hindi nila kailangang malaman na ang tahimik at mapagkumbabang si Miro Tani ay may mas matinding mission sa buhay at ito ay ang paghihiganti ko sa pagpatay sa Mama Raya ko.“Are you serious about this, Miro?” tanong ni Dristan nang inilapag ang kanyang baso sa mesa. “You’re talking
Samira POVHabang hinihiwa ko ang mga gulay sa lamesa, nakilala ko na rin doon ang iba pang matagal ng kasambahay dito sa manisyon ni Don Vito.Sina Manang Josie, Manang Cora, Manang Percy, Manang Luciana at Manang Rowena. Halos lahat sila ay may edad na pala kaya nagulat din ako. Parang dito na sila nagtandaan. Napansin ko kasi na ako lang ang nag-iisang dalaga sa grupo, naalala ko tuloy ang kasambahay na sinagasaan ko. Siya lang pala ang natitirang dalaga dito noon. Ngayon, ako na ang pumalit sa puwesto niya.Napansin kong nakatingin sa akin si Manang Cora. “Hija, you should not have come here. Wala ka nang kawala. Habang buhay ka nang magiging kasambahay dito,” aniya habang patuloy sa paghihiwa ng sibuyas. Nagtaka ako, bakit kaya nasabi niya ‘yon?“She’s right,” sabat ni Manang Luciana. “You might end up just like the others... as one of Don Vito’s toys.”Manang Rowena smirked. “Or worse, you’ll be Via’s new plaything. That brat will make your life a living hell.”Tumawa si Manang
Samira POVSa wakas, sa isang taon kong paghihintay, sa dami ng beses na halos mawalan na ako ng pag-asa, natanggap rin ako bilang kasambahay sa mansiyon ni Don Vito Monteverde. Hindi ko mapigilan ang ngiti ko nang matanggap ko ang message ng mayordoma doon na si Manang Luz.Ang dami kong pinagdaanan para lang makapasok dito, at ngayon, heto na ako sa mismong gate ng engrandeng bahay ng lalaking may kasalanan sa pagkamatay ng pamilya ko. Pero hindi ko rin maiwasang mapabuntong-hininga.Dahil para makuha ko ang trabahong ito, may isang taong nadamay. Isang linggo na ang nakalipas, ngunit ramdam ko pa rin ang malamig na simoy ng hangin nang gabing iyon, ang tunog ng makina ng motor ko, ang malakas na sigaw ng babaeng kasambahay na sinadya kong sagasaan. Hindi ko siya pinatay, pero sinigurado kong hindi siya makakabalik agad sa trabaho rito. Isang pilay lang ang kailangan para mapuwersa siyang magpahinga at isang linggo lang ang lumipas bago ko natanggap ang balitang may bakanteng puwest
Miro POVHabang humaharurot ang luxury motorcycle ko sa matao na lansangan, ramdam ko ang kilabot sa katawan ko. Nakita ko kasi sa side mirror ko ang dalawang grupo ng lalaki na nakasunod sa akin na nakasakay sa kani-kanilang sasakyan.Imbes na matakot, napangisi pa ako. Hindi na ako ang batang Miro na hinahayaan lang na ma-bully nung bata ako. Huwag ngayon, marami na akong kayang gawin at marami na akong napadugong mukha.Gustung-gusto ko kapag ganito, may mga humahabol sa akin at gustong hamunin ako. Mas lalo akong ginaganahan kapag napapalaban. Pero hindi pa ngayon. Hahayaan ko muna silang humabol nang humabol. Hintayin ko lang na makarating kami sa liblib na lugar at doon ko sila haharapin kung away talaga ang habol nila sa akin.Ilang minuto pa ang lumipas bago ko natunton ang magandang lokasyon na gusto kong mapuntahan. Dito, wala ng tao at wala ng mga bahay. Sa bilis ko, halos ilang minuto pa ang tumagal bago sila nakasunod sa akin. Ang chi-cheap kasi mga bulok na kotse ang gami
Mishon POVSa unang beses na marinig ko ang boses ni Miro na nanginginig habang nagsusumbong, ramdam kong may bumalot na apoy sa dibdib ko. Walang nananakit sa amin kay Miro, kaya hindi ko nagustuhan nang marinig kong magsumbong siya sa akin.“Papa, some of my schoolmates... they keep saying I’m adopted by a famous fashion model. They make fun of me. Sometimes, they even push me. It’s not just one or two of them... there are a lot.”Tinignan ko ang siko niya, may gasgas at sugat siya sa siko. Dahil siguro sa pagtulak sa kaniya tapos nabuwal siya sa lupaan. Nakita ko rin na malibag ang suot niyang uniform, tapos ang bag niya, sira-sira na tila ginunting. Mukhang pinagkakatuwaan nila ng husto ang anak ko, hindi manlang inisip kung sino ang kinakalaban nila.Nanlilisik ang mga mata ko habang pinipigilan ko ang galit. Hindi ko mawari kung paano nagkaroon ng lakas ng loob ang mga batang iyon para saktan ang anak ko. Hindi ba nila kilala si Miro. Kung nabubuhay lang si Raya, baka kahit mga