Kyoko POV“Ikaw pala yan, Terence, Faustina,” aniko. Tumayo na ako at saglit na nag-stretch. Tiningnan ko si Faustina at napansin ko ang kakaibang glow niya. Napangiti ako nang tingnan ang kanyang tiyan na may umbok na rin katulad sa akin. “Buntis ka na rin? Ilang buwan?” tanong ko.Hindi ko napigilan ang sarili ko na yakapin ang kaibigan ko, na ngayon ay hipag na.“Almost three months na rin, Kyoko. Magkasunod lang yata kayong manganganak ni Faustina,” sagot ni Terence.“We are expecting twins as well, Tisay,” ani Terence. Proud ang kaibigan kong pilyo. At natutuwa naman ako na maayos na ang kanilang relasyon. Hinawakan pa nito ang tiyan ng asawa na napaismid na lang sa ginawa ni Terence.“Okay lang ba sayo, Kyoko na umalis si Kuya Raf?” tanong ni Faustina.Tinaasan pa niya ng kilay ang asawa na bumababa ang kamay papunta sa puson nito. “Naku, huwag ka nga malikot, Fontanilla! Kahit kailan talaga ay wala kang pili. Ang hilig-hilig mo! Hindi ka na nahiya kay Kyoko,” saway nito sa asawa
Kyoko POVTatlong araw na ang nakalipas pero hindi pa rin tumatawag si Rafael sa akin. Hindi ko na maiwasan ang mag-alala lalo at dapat kahapon pa siya tumawag sa akin. Umuwi na sa Digos City ang mag-asawang Terence at Faustina lalo at busy ang una sa shipment ng mga cavendish banana.Hindi ko man maamin sa sarili ko pero may kabang namumuo sa aking dibdib. What if, katulad ng sinabi ni Mama Margarita ay isa naman itong pakana ng ina ni Rafael para ilayo ang asawa ko sa mga Cervantes.“Hija, bakit nandito ka? Malamig na ang hangin. Baka sipunin ka at hindi ka man lang nagsuot ng jacket.” Puno ng pag-aalala na nilapitan ako ni Mama Margarita. Katatapos lang nitong nag-siesta at halata ang maga pa nitong mga mata.“Nagpapahangin lang po at medyo napagod ako sa paglilibot sa hacienda kaninang umaga,” sabi ko. Totoo naman iyon lalo at kanina lang sinimulan ang pagbabakod ng bagong biniling farm ni Ninong Augustus.“Ikaw talagang bata ka! Pwede naman na si Danilo na muna ang utusan mo. Nag
Kyoko POVHindi ko alam kung dapat ba akong matakot sa nalaman ko. Kung naroon nga si Ate Fiona sa Brazil, malaki ang posibilidad na sinundan niya si Rafael.“Oy, Tisay huwag ka na sabi umiyak!” Nag-aalala na si Bebang sa akin at giniya ako sa para tumabi sa daan. “Huwag ka namang ganito. Baka pagalitan ako ni Senyora Margarita kapag nalaman niyang umiyak ka.”Pinigilan ko ang sarili ko na umiyak pa. Suminghot ako at inabutan ng tumbler ni Bebang.“Uminom ka nga muna ng tubig, Tisay.” Ilang beses akong huminga ng malalim para kumalma at saka uminom na ng tubig. “Huwag ka kaagad mag-conclude. Alamin mo lahat mula kay Senyorito.”Pinalipas muna namin ang ilang minuto bago nagtungo sa mga trabahante na maaga pa lang ay naroon na. Nagtaka ako nang makita ang pick up ni Ninong Augustus. Naroon na siya at nakaalalay si Romer sa kanya.“Ninong, anong ginagawa ninyo dito?” tanong ko kaagad. Nagmano ako sa kanya at yumukod na rin kay Romer.“Senyorita, pasensya ka na kung narito si Don Augustu
Kyoko POVUmarko ang kilay ko. At ano ang sadya ng mga Mori dito? Siguro naman ay hindi nila ipipilit na kunin na ang one hundred million ng ora-orada sa mga Cervantes. Disappointed ako dahil kung hindi sana nila nalaman na anak ako ni Kenji Mori, hindi nagkaproblema sina Ninong Augustus. I feel guilty and useless at the same time. Nang dahil sa akin, napasubo si Ninong Augustus.“She is here,” saad ni Ninong Augustus. “Kyoko, hija your grandfather wants to talk to you,” ani Ninong Augustus. Nilapitan ko siya at tiningnan. Malungkot ang mata niya. Tumiim ang aking bagang at pinakiusapan ko siya na gusto kong makausap in private ang ‘abuelo’ ko. “Spill the beans, Mr. Mori,” saad ko. Seryoso ko itong tiningnan at hindi man lang ako nakadama ng kahit anong emosyon para rito. Oo at given na lolo ko siya pero hindi maalis sa isip ko na dahil sa kanya, mas pinili na lang ng aking ama na si Kenji na kitlin ang buhay kaysa sundin ang gusto ng ama.“At least you should bow in front of me, aft
Kyoko POVNanlumo ako sa narinig ko. Hindi aabot si Rafael sa panganganak ko. Hindi ko maitago ang aking dismaya.“Malungkot ka ba, Misis? Kailangan ko pang ayusin ang Construction Firm ng asawa ni Mama. May sakit ang stepdad ko at kailangan kong pansamantala na mag-proxy sa pamamahala ng negosyo n’ya,” paliwanag ni Rafael.Wala akong magawa. Hindi ko naman pwedeng pigilan si Rafael dahil ang mamanahin niya sa mga ito ay siyang gagamitin niya para sa project niya sa Isla Esmeralda. “Payag naman ako. So, bakit ako malungkot? Nanghihinayang lang ako na wala ka sa panganganak ko. Siya nga pala, may narinig akong tsismis na nandyan si Ate Fiona sa Brazil.” Binantayan ko kung paano nag-iba ang mukha ni Rafael. Naging balisa siya at hindi makatingin sa akin. Nakikita kong alam ni Rafael na naroon nga si Ate Fiona. Napahawak siya sa kanyang sintido at napabuga ng hangin.“Actually, Misis ngayong araw ko lang din nalaman na isa siya sa mga modelo na naka-sign under kay Mama,” mahinang saad
Kyoko POV“Okay lang naman. Ikaw ang kumusta na? Siguro nag-enjoy ka ng husto sa Hacienda Bautista at hindi ka na masyadong dumadalaw dito,” sagot ko kay Sebastian. Kung totoo man na may gusto siya sa akin, ay hindi ko alam. Pero, hindi ko talaga nakikita ang sarili ko na nagkakagusto sa kanya. Or maybe, I just feel so safe on his side that any idea of romance between us will only destroy our friendship.“Ito, naka move on na sa pagpapakasal mo kay Kuya Rafael,” aniya. Rinig ko pa ang pagbuga niya ng malalim na hininga. It’s like a relief from some sort of sickness. Nevertheless, masaya ako sa kung anuman ang narating niya sa ngayon. And soonest, alam kong makakakita siya ng babaeng sasambahin siya. Yung babaeng siya lang ang iibigin at walang kahati.“Baliw ka talaga. Bata pa tayo noon, yan na palagi ang biro mo sa akin. At consistent naman ang sagot ko sayo. I never have any feelings for you, other than older brother I never had.”“Maybe, because back then gusto mo na talaga si Kuy
Rafael POVAfter thirty five hours of agonizing flight from Davao City, I finally arrived at Rio de Janeiro, Brazil. Habang nasa lay over, I was tempted to call my wife multiple times. I resisted the urge to call her for the fear that I might miss her and turn around and go back to Davao City.I missed her. The reality is so suffocating but there is nothing I can do with it. As I need to make sure that I will be able to achieve my dreams. Para din sa mga anak ko ang gagawin ko.After I went to the immigration counter, I saw my mother with some girl. Tiim ang bagang ko nang mapag sino yun. Why is Fiona with my mother? Ano ang ginagawa niya dito sa Brazil? Nagmamadali akong maglakad at nilapitan na si Mama Natalia.“Mama!” tawag ko sa kanya. Nang lumingon siya sa akin ay naluha siya. She may not have that good of a mother to me but I can see the longing in her eyes. I hugged her tightly.“Eu sinto sua falta, filho,” saad niya sa wikang Portuguese."Mãe, já faz tempo," sagot ko naman. M
Kyoko POV Naging abala ako sa mga sumunod na araw. Halos wala na akong time para isipin kung ano na ang kahihinatnan ng lakad ni Rafael. Though, palagi naman siyang may update sa akin ay hindi ako interesado doon. Natatakot ako na one day ay bigla na lang niyang maisipan na hindi niya ako mahal dahil na rin sa pangungulit ko.Tulad ngayon, nasa taniman ako ng kape na masayang nakatunghay sa mga tanim na kape ng mga tauhan. Alas otso pa lang ng umaga pero patapos na sila sa kanilang pagtatanim. Ang ilang tauhan ay nagtatabas naman ng damo habang ang kani-kanilang asawa ay naghahatid ng kanilang almusal. Hindi na ako nakihalo sa kanila. Hindi dahil sa ayoko silang saluhan kundi naiinggit ako sa kanila.Mabuti pa sila kahit na simple lang ang buhay ay hindi sila pinaglayo ng kung anumang sirkumstansya. Napahawak ako sa maumbok ko ng tiyan. Magli limang buwan na pala ang pinagbubuntis ko. Sa awa ng Diyos ay naging okay naman ako. Naging matiyaga si Bebang sa araw-araw na pagsama niya sa
Kyoko POV Ilang araw na rin mula nang umalis si Rafael. Pang apat na araw ko na dito sa mga Fontanilla at kahit paano ay naaaliw ako sa mag-asawang Terence at Faustina. Kaibigan ko na sila dati pa lalo at madalas naman sila dumadalaw sa Hacienda Esmeralda kahit noon pa. Nasa veranda ako at nagpapahangin lalo at siesta ngayon. Wala naman masyadong ganap sa bahay nila lalo at busy din sa niyugan at sagingan si Terence. Shipment ng cavendish banana ang negosyo ng mga ito. Kabilang ang Hong Kong, Japan, at Russia sa mga bansa kung saan nagsu-supply sila ng mga nasabing uri ng saging at pawang chain of supermarket ang kanilang kliyente. “Nandito ka lang pala. Halika nga at bumaba ka na. Isasama kaya kita sa koprahan, Tamang tama at nagbibiyak ng mga niyog ang mga tauhan. Baka gusto mo umusyoso.” Ayoko naman lumabas na bastos kaya sumama na ako kay Faustina. Binabaybay namin ang daan patungo sa koprahan nang masilayan ang isang pigura. Natatandaan ko ang babaeng iy
Rafael "You didn't listen to your wife's request?" Kumunot ang noo ni Lolo Augustus habang tumatayo mula sa kanyang swivel chair. Nasa library kami kasama ang kanyang personal therapist na si Romer. "Lolo, I have to make sure na hindi apektado si Kyoko sa nasagap niyang tsismis," maikli kong sagot. "Was it just a rumor, Rafael? Siguraduhin mo lang na hindi mo ginalaw ang babaeng 'yon. Kung hindi ay malilintikan ka talaga sa akin." May papel na binagsak si Lolo Augustus sa kanyang table. "Sign this and the lawyers will submit these to the court. It will be my assurance na hindi ka na lalapitan ng babaeng 'yon." Pinulot ko ang papel na iyon at nakita na plano magsampa ng reklamo ni Lolo Augustus under my name para pigilan si Fiona na lumapit at manggulo sa aming mag-asawa. "Nag-offer na ako ng pera sa kanya pero hindi niya kinagat. And now all I have to do is coax you to finally file a complaint. If you are serious about fixing your marriage, heed my ad
Kyoko POV "Anong ginagawa mo dito, Rafael? Bakit ang hirap mong intindihin ang sinabi ng asawa mo?" Asik ni nanay habang binababa ang hawak na tray. Naamoy ko na ang dala niyang pagkain ay pihadong tinolang manok lalo at nakausli pa ang dahon ng sili sa gilid ng mangkok. "At saka ibaba mo nga asawa mo. Hindi naman siya pilay o lumpo bakit kinakarga mo 'yan?" Napakapit ako sa balikat ni Rafael. Though alam ko naman na magaan lang ako kahit pa malaki na ang tiyan ko dahil kambal nga ang pinagbubuntis ko. Hindi na nakatiis si nanay at inagaw na niya ako kay Rafael. "Nay, relax ka lang. Magaan lang naman ang misis ko. Okay naman na si Kyoko na mag-stay ako dito. Please hayaan mo na ako ang magpakain sa kanya sa dala niyo na pagkain," may halong pagtaboy na saad pa ng asawa ko. Mahigpit ang hawak niya sa akin lalo at desidido si nanay na bawiin ako sa mga bisig niya. Kaya napatingin si Nanay Celina sa akin. Tumango ako lalo at ayaw ko na humaba pa ang diskusyon. Padabo
Rafael "Ayaw mo ba talagang tumigil, Fiona?" Nagtagis ang mga ngipin ko at ilang beses na pinindot ang busina. I want her to feel that I am not pleased with her presence. Kung hindi lang kasalanan na sumagasa ng tao at babae pa talaga ay ginawa ko na! "Susuyuin mo na naman ang maarte kong half sister? Kung ako ang pinili mo, Rafael hindi ka sana namamalimos ng atensyon sa pangit na 'yon!" sigaw pa ni Fiona habang ginugulo ang kanyang buhok. Sa inis ko, bumababa ako ng sasakyan. Nilapitan ko siya at hinaklit ang kanyang braso. "Don't you ever insult the mother of my kids, Fiona. You will not like it when you anger me this much." Pinisil ko pa lalo ang kanyang braso kaya mapaigik siya. Hindi ko akalain na darating ang araw na kinamumuhian ko ang babae na minsan ay halos mabaliw ako sa kanyang alindog. I repulse the idea that once I was so madly and obsessed by her bed prowess. Gone are the days when she had me at her command. "Hindi ka ba napapagod intindi
Rafael Wala akong nagawa sa kagustuhan ni Misis. Pinilit ko na lang ang sarili ko na bumalik sa Hacienda Esmeralda. Nasa bukana na ako ng malaking gate papasok ng hacienda nang makita ko si Fiona na nasa gitna ng daan. Kaagad kong binusinahan ito. Hindi man lang siya natinag. Matay mang isipin, gusto ko siyang sagasaan sa pagdudulot niya ng problema naming mag-asawa. "Rafael, wait!" sigaw ni Fiona habang nag-wave siya ng kamay. "Rafael, ano ba? Please, stop!" Hinarang na talaga niya ang sarili at dinantay ang kanyang matambok na pwet sa hood ng aking sasakyan. "Not right now, Fiona. Please, pabayaan mo na kaming mag-asawa. Give us peace," pagsamo ko sa kanya. Ni hindi ko siya makuhang tingnan lalo at bumabalik sa isip ko ang mga ginawa niya at ng kanyang tiyuhin na si Delfin. "What happened to us, Rafael. Hayaan mo na lang si Kyoko kung ayaw niya sa iyo. Nandito naman ako na willing maging side chick mo. Please, I am begging you to take me back
Kyoko POV Natawa na lang si Faustina sa sinabi ko. Nakayakap si Terence sa kanya. Nakikita ko sa kanilang mag-asawa ang naging journey namin ni Rafael bilang mag-asawa. Like them, arranged marriage ang nagbuklod sa kanila. Mas maganda pa nga ang naging history nila dahil family friend ng mga Cervantes ang mga Fontanilla. Samantanlang kami ni Rafael ay parang aso at pusa na munting kibot lang nagbabangayan na kami. Simula pa nga noong bata pa ako, gigil na gigil na siya sa akin. Only to find out na kalahi ko pa ang babaeng nanakit sa kanya noong college siya. “Oy, naiinggit na si bilas oh,” tukso ni Terence sa akin habang may panakaw na halik sa pisngi ng asawa. Napangiti ako lalo at lumilipad ang utak ko kung saan habang naghaharutan ang dalawa sa harapan ko. Natawa na lang ako sa biro niya. The usual Terence na inaalaska ako every time may pagkakataon siya. “Terence, isa!” Halata sa boses ni Faustina ang inis. “Alam mo naman na bawal ma-stress si Kyoko.” “Sor
Kyoko POV Marahan kong minulat ang aking mata. Pawang puti ang kapaligiran at amo alcohol at disinfectant ang sumalubong sa pang-amoy ko. Saglit kong iniisip kung bakit narito ako sa hospital. Kinapa ko ang aking tiyan at dinama ang mga anak ko. Nakahinga ako nang maluwag nang maramdaman na sumipa ang mga anak ko. Napaigik ako nang maramdaman ang kirot ng kaliwang kamay ko. Bumukas ang pinto at pumasok ang isang lalaking nakasuot ng coat kasunod sina Mama Margarita at Rafael. Muntik ko ng nakalimutan na nakabalik na pala ang asawa ko mula sa Brazil. Halos takbuhin ni Mama Margarita ang papuntang hospital bed ko. “Hija, okay na ba ang pakiramdam mo? Grabe ang takot namin nang mawalan ka ng malay,” aniya. Puno ng pag-aalala ang kanyang boses. Napadako ang tingin ko kay Rafael na nasa tabi lang ni Mama Margarita. Bigla na lang ako nalungkot habang pinagmamasdan siya. Ginagap ni Rafael ang kamay kong may swero at dinala iyon sa kanyang labi para halikan.
Kyoko POV “NO!” Tutol ako sa gustong mangyari ni Rafael. Umiling ako at napayuko habang tinatakpan ng aking mga palad ang aking dibdib. Pero, tinanggal ni Rafael ang aking mga palad doon. “Don’t cover it, Misis. Na-miss ko ang mga ito.” Bago pa man ako makapagprotesta, sinakop na ng kanyang labi ang aking dibdib. Napasabunot na lang ako sa buhok niya kiliting dulot nito. Ang kanyang kamay ay abalang gumagapang sa aking maumbok ng tiyan. Hindi ako makapag-concentrate lalo at pababa nang pababa ang kanyang kamay sa pagitan ng aking mga hita. “You are ready for me, Misis,” bulong pa ni Rafael. Namula ako sa sinabi niya, lalo at totoo naman iyon. Kung bakit kasi pinagkanulo ako ng aking taksil na katawan. I may say no, but my body told me otherwise. “Why are you still shy? It’s normal for married couples to enjoy s*x even if the wife is pregnant,” paliwanag pa rin niya nang pabulong. Kinikilabutan ako sa pagnanasang bumabalot sa aking sistema. Napailing ako
Kyoko POVHindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon. Bakit narito si Rafael? Dapat ay dalawang buwan pa siya sa Brazil bago umuwi.“OMG! Kinikilig pati ang atay at balunbalunan ko!” sigaw ni Bebang. Nilingon ko siya lalo at masakit ang hampas niya sa braso ko. “May forever nga Tisay!” Napantastikuhan ako sa reaksyon niya na basta na lang siyang tumakbo palayo sa akin. Lumingon siya at muling nagsalita. “Senyorito, galingan mo sa panunuyo sa kaibigan ko. Magpapaluto ako ng bulalo kay Tatay Erning at tiyak mapapalaban kayo ni Tisay sa bakbakan.”Napapikit ako sa sinabing ‘yon ni Bebang. Hello? Malaki na ang tiyan ko at mabigat para isipin ang sinasabi niya. Muling kumaripas ng takbo si Bebang nang tuluyan palayo sa amin. Naiwan kami ni Rafael sa gitna ng taniman ng kape. Gustuhin ko man lumapit sa kanya pero hindi ko maigalaw ang aking mga paa. Nagkasya na lang akong hintayin siya sa gitna ng taniman. Naghinang ang aming mga paningin. Malakas ang tibok ng aking puso at dinig ko i