Kyoko POVHindi ko alam kung bakit palagi akong naiiyak. I am so dramatic. Kung dahil man ito sa hormonal changes dahil sa pagbubuntis ay ewan ko na lang. Basta, masarap ang ube ice cream kainin habang pinapanood ako ni Rafael.“Don’t look away. Gusto kong pinapanood mo ako habang inuubos ko ang ice cream.” Ewan ko kung bakit gustong gusto kong pinapanood ako ni Rafael na kumakain ako ng ice cream. Gusto kong makita ang matangos na ilong n’ya. Maghintay ka lang ilong ka! Mamaya ka sa akin, pagkatapos kong lantakan ang ice cream na ito.Inabot ko na kay Rafael ang naubos kong ube ice cream. Gusto ko pa sanang humirit kaso tumutol sya.“Masama ang sobra, Misis. Imagine ang liit-liit mo tapos ang laki ng baby sa loob. Remember, kambal ang pinagbubuntis mo. Gusto mo biyakin ang tiyan mo kapag nanganak ka na?” pananakot niya sa akin.Kaya, kahit labag man sa loob ay pinigilan ko ang sarili kong ubusin ang isang tub ng ice cream. Masarap pa sana kumain pero naiisip ko pa lang na bibiyakin
Kyoko POVNapakislot ako nang maramdaman ang mainit na bagay sa aking pisngi. Nang imulat ko ang aking mata, ang mukha ni Rafael ang aking nasilayan. Puno ng pag-aalala ang nakabakas sa kanyang kulay tsokolateng mata.“Bakit nandito ka? Di ba may trabaho ka pa, Paeng?” tanong ko. Nang ilibot ko ang aking paningin, hindi pamilyar ang silid na iyon.“Nasa clinic ka. Dinala ka kaagad nila Papa matapos kang mawalan ng malay. Ano ba kasi ang nangyari, Misis?” tanong ni Rafael sa akin.Kumunot ang aking noo at napatango na lang. “Nag-aaway kasi si Bebang at Ate Fiona kanina. Muntik na akong saktan ni Ate Fiona pero sinalo ni Bebang ang away lalo at pinintasan niya ito,” paliwanag ko.Pumasok ang isang doktor at nagpayo na iwasan akong ma-stress. Okay naman daw ako at walang dapat ipag-alala.“Umuwi na tayo, Paeng. Marami pa akong trabaho na aasikasuhin. Nakakahiya na kay Ninong Augustus.”“No. Hindi ka muna magtatrabaho. Kailangan mo mag-relax. May pansamantalang hahalili sayo habang nagpap
Kyoko POVMatuling lumipas ang mga araw. Tatlong buwan na ang aking tiyan and every time na schedule ng check up, hindi pwedeng hindi kasama si Rafael. Hindi ko na nararamdaman ang morning sickness at hindi na rin ako naglilihi ng kape. Tanging ang white chocolate na lang ang pinanggigilan ko pero kontrolado pa rin ang pagkain ko since nakakataas ng blood glucose ang mga sweets.Super maalaga si Rafael. Wala na akong mahihiling pa. Pampered kung pampered ako. Tuwing gabi, palagi pa niya akong pinapahiran ng warming oil para daw wala akong lamig sa katawan. He insisted that I should start to wear maternity dress kahit nag-uumpisa pa lang naman akong magkaroon ng baby bump. Gusto kong mairita sa asawa ko pero nakabantay ang mga ina namin. Okay si Mama Margarita at natatawa kay Rafael. Pero, si Nanay Celina ay pinandilatan ako ng mata.Nagtataka man kung bakit hindi na nanggugulo si Fiona sa amin, hindi ko na inungkat pa iyon kay Rafael. And just when I think everything runs smoothly b
Kyoko POVNaalerto ako sa sinabing iyon ni Mr. Mori kay Nanay Celina. Lumapit ako sa kanya at puno ng katanungan ang aking mga mata. “Mori-san, ohisashiburi desu,” ani Nanay Celina. Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Nanay. Alam ko naman na nakakaintindi siya ng wikang hapon pero bakit parang kilala niya si Mr. Mori?“Watashi wa anata ga koko ni iru to wa omotte imasen deshita,” sagot naman ni Mr. Mori. Tumiim ang bagang niya at mas naging singkit ang mata nito. May kung anong kaba ang bumundol sa aking dibdib.“Nay, ano ba ang pinag-uusapan ninyo?” tanong ko. Maraming tanong ang nagpaligsahan na dumadagsa sa aking isip. Naramdaman ko ang mahinang pagtapik ni Rafael sa balikat ko at ang mahinang pagtango niya. Inakay niya ako palayo sa dalawa. Maging si Ninong Augustus ay pansamantalang binigyan ng space si Nanay at Mr. Mori.Nang makalayo na kami kay Nanay at Mr. Mori. “Misis, let them talk first, okay?”At ganun nga ang nangyari. Nag-usap sina Nanay at Mr. Mori. Limang minuto rin na
Kyoko POV“That’s bulls*t. . . .” Hindi maiwasang saad ni Rafael.One hundred million? Saan kami kukuha ng halagang iyon? At saan ba ginastos ang halaga na iyon?“Teka lang, Ninong. Bakit ang laki naman ng amount na yan? Hindi naman ganun ka extensive ang naging gastos ah?” tanong ko. Matay man isipin ay nasa twenty million po lang ang na-invest ng mga Mori sa Hacienda Esmeralda. “May mga hindi ka alam, Kyoko. Pumunta dito ang representative ng mga Mori ay may ibang kontrata kaming pinirmahan. And tama ang amount na sinabi ni Mr. Mori,” nanlulumong saad ni Ninong.“May penalty ba ang contract? Not unless may nilabag tayo ay pwede iyon! Pero kung ang pagiging apo niya ang magiging dahilan ay matatalo siya sa kaso kung sakali na magdemanda tayo!” Hindi ko mapigilan na magalit. Kung sa sarili ko o sa kay Mr. Mori ay hindi ko alam.“Still Lolo Augustus, the amount is ridiculous!” giit na rin ni Rafael.“No, it’s not. Ang Fifty million ay ginamit ko sa pagbili ng sampung ektarya sa karati
Rafael POVI don’t know what’s running in my wife’s pretty head. I always laughed at her remarks.“Halika nga rito, Misis. I want to hug you.” Niyakap ko si Kyoko habang pareho kaming nakatingin sa kabilugan ng buwan. “Do you still remember the days when I almost hurt you while in the car? I feel remorseful.” Totoo naman ang sinabi ko na pinagsisisihan ko na ang maling pagtrato ko kay Kyoko noong nakaraan.“Bakit mo naman nabanggit? Hindi naman ako nag kikimkim ng sama ng loob. Natatawa na nga lang ako kapag naalala na pikon na pikon ka sa akin at tinawag mo akong bubwit noon. Bakit nga ba tinawag mo akong bubwit noon, Paeng?” ani Kyoko.Kumawala siya sa aking yakap at hinarap ako. And those penetrating eyes are seeking answers.“Alam mo yung mga bagong panganak na daga, Misis? It’s so white and almost pinkish. That’s why I compared you to it because you are so fair and it’s blinding me whenever you are out in the sunlight. Literal na nakakasilaw ka sa puti,” sagot ko.“So, it’s an in
Rafael POV“Rafael, hijo. Como você está meu filho.”Thinking about my mom and here she is calling me.“Mama, do you have anything you want to talk about?” tanong ko. I don’t know what he wants from me.“Hijo, you are my son. Of course, I care for you!” anito. I rolled my eyes. It’s very unlikely of her to say those things to me. She never cared about me before, then why now?“Spill the beans, Mama. Is there anything I can do for you?” I don’t want her to beat around the bushes and just say what she wants from me.“Hijo, I want you to come to Brazil. My current husband is ill and he wants you to inherit half of his estate. You see, we don’t have kids and it’s a waste that it will just be handed to charity. I can’t let that happen!”Napapikit ako nang marinig ang sinabi ng aking ina. How could she hinder the charity cause of her husband?“But, Mom, just donate some for the charity,” aniko.“Donate? Seriously Rafael? Now, I want you to come here and manage my husband’s business for thr
Kyoko POVMy eyebrows furrowed as I heard ninong’s words. Bakas sa kanyang boses ang disgusto sa dating manugang. Hindi ko alam kung ano ang magiging feelings ko sa nalalapit na pag-alis ni Rafael. Kakabahan ba ako dapat sa paghaharap ng mag-ina sa Brazil?Pagkatapos namin mag-almusal, pumasok na sa trabaho si Rafael. Abala naman ako sa trabaho sa maghapon. Marami akong inasikaso at isa doon ay ang fencing project sa bagong nabili na lupa ni Ninong Augustus. Dumating na ang mga contractor na gagawa ng bakod at kami ni Ninong Augustus ang humarap sa kanila.“Kyoko, this is the old vicinity map of Hacienda Esmeralda. It spans one hundred hectares and to this date I almost have half of the old Hacienda Esmeralda. I dreamed in my lifetime to recover what we lost.” I can see longing in Ninong Augustus’ eyes as he said those words.Tiningnan ko ang nasabing lumang vicinity map. Malawak nga ang sakop ng dating Hacienda Esmeralda. Kaya pala gustong gusto ni Ninong Augustus. Kahit ako ay nan
Kyoko POV Ilang araw na rin mula nang umalis si Rafael. Pang apat na araw ko na dito sa mga Fontanilla at kahit paano ay naaaliw ako sa mag-asawang Terence at Faustina. Kaibigan ko na sila dati pa lalo at madalas naman sila dumadalaw sa Hacienda Esmeralda kahit noon pa. Nasa veranda ako at nagpapahangin lalo at siesta ngayon. Wala naman masyadong ganap sa bahay nila lalo at busy din sa niyugan at sagingan si Terence. Shipment ng cavendish banana ang negosyo ng mga ito. Kabilang ang Hong Kong, Japan, at Russia sa mga bansa kung saan nagsu-supply sila ng mga nasabing uri ng saging at pawang chain of supermarket ang kanilang kliyente. “Nandito ka lang pala. Halika nga at bumaba ka na. Isasama kaya kita sa koprahan, Tamang tama at nagbibiyak ng mga niyog ang mga tauhan. Baka gusto mo umusyoso.” Ayoko naman lumabas na bastos kaya sumama na ako kay Faustina. Binabaybay namin ang daan patungo sa koprahan nang masilayan ang isang pigura. Natatandaan ko ang babaeng iy
Rafael "You didn't listen to your wife's request?" Kumunot ang noo ni Lolo Augustus habang tumatayo mula sa kanyang swivel chair. Nasa library kami kasama ang kanyang personal therapist na si Romer. "Lolo, I have to make sure na hindi apektado si Kyoko sa nasagap niyang tsismis," maikli kong sagot. "Was it just a rumor, Rafael? Siguraduhin mo lang na hindi mo ginalaw ang babaeng 'yon. Kung hindi ay malilintikan ka talaga sa akin." May papel na binagsak si Lolo Augustus sa kanyang table. "Sign this and the lawyers will submit these to the court. It will be my assurance na hindi ka na lalapitan ng babaeng 'yon." Pinulot ko ang papel na iyon at nakita na plano magsampa ng reklamo ni Lolo Augustus under my name para pigilan si Fiona na lumapit at manggulo sa aming mag-asawa. "Nag-offer na ako ng pera sa kanya pero hindi niya kinagat. And now all I have to do is coax you to finally file a complaint. If you are serious about fixing your marriage, heed my ad
Kyoko POV "Anong ginagawa mo dito, Rafael? Bakit ang hirap mong intindihin ang sinabi ng asawa mo?" Asik ni nanay habang binababa ang hawak na tray. Naamoy ko na ang dala niyang pagkain ay pihadong tinolang manok lalo at nakausli pa ang dahon ng sili sa gilid ng mangkok. "At saka ibaba mo nga asawa mo. Hindi naman siya pilay o lumpo bakit kinakarga mo 'yan?" Napakapit ako sa balikat ni Rafael. Though alam ko naman na magaan lang ako kahit pa malaki na ang tiyan ko dahil kambal nga ang pinagbubuntis ko. Hindi na nakatiis si nanay at inagaw na niya ako kay Rafael. "Nay, relax ka lang. Magaan lang naman ang misis ko. Okay naman na si Kyoko na mag-stay ako dito. Please hayaan mo na ako ang magpakain sa kanya sa dala niyo na pagkain," may halong pagtaboy na saad pa ng asawa ko. Mahigpit ang hawak niya sa akin lalo at desidido si nanay na bawiin ako sa mga bisig niya. Kaya napatingin si Nanay Celina sa akin. Tumango ako lalo at ayaw ko na humaba pa ang diskusyon. Padabo
Rafael "Ayaw mo ba talagang tumigil, Fiona?" Nagtagis ang mga ngipin ko at ilang beses na pinindot ang busina. I want her to feel that I am not pleased with her presence. Kung hindi lang kasalanan na sumagasa ng tao at babae pa talaga ay ginawa ko na! "Susuyuin mo na naman ang maarte kong half sister? Kung ako ang pinili mo, Rafael hindi ka sana namamalimos ng atensyon sa pangit na 'yon!" sigaw pa ni Fiona habang ginugulo ang kanyang buhok. Sa inis ko, bumababa ako ng sasakyan. Nilapitan ko siya at hinaklit ang kanyang braso. "Don't you ever insult the mother of my kids, Fiona. You will not like it when you anger me this much." Pinisil ko pa lalo ang kanyang braso kaya mapaigik siya. Hindi ko akalain na darating ang araw na kinamumuhian ko ang babae na minsan ay halos mabaliw ako sa kanyang alindog. I repulse the idea that once I was so madly and obsessed by her bed prowess. Gone are the days when she had me at her command. "Hindi ka ba napapagod intindi
Rafael Wala akong nagawa sa kagustuhan ni Misis. Pinilit ko na lang ang sarili ko na bumalik sa Hacienda Esmeralda. Nasa bukana na ako ng malaking gate papasok ng hacienda nang makita ko si Fiona na nasa gitna ng daan. Kaagad kong binusinahan ito. Hindi man lang siya natinag. Matay mang isipin, gusto ko siyang sagasaan sa pagdudulot niya ng problema naming mag-asawa. "Rafael, wait!" sigaw ni Fiona habang nag-wave siya ng kamay. "Rafael, ano ba? Please, stop!" Hinarang na talaga niya ang sarili at dinantay ang kanyang matambok na pwet sa hood ng aking sasakyan. "Not right now, Fiona. Please, pabayaan mo na kaming mag-asawa. Give us peace," pagsamo ko sa kanya. Ni hindi ko siya makuhang tingnan lalo at bumabalik sa isip ko ang mga ginawa niya at ng kanyang tiyuhin na si Delfin. "What happened to us, Rafael. Hayaan mo na lang si Kyoko kung ayaw niya sa iyo. Nandito naman ako na willing maging side chick mo. Please, I am begging you to take me back
Kyoko POV Natawa na lang si Faustina sa sinabi ko. Nakayakap si Terence sa kanya. Nakikita ko sa kanilang mag-asawa ang naging journey namin ni Rafael bilang mag-asawa. Like them, arranged marriage ang nagbuklod sa kanila. Mas maganda pa nga ang naging history nila dahil family friend ng mga Cervantes ang mga Fontanilla. Samantanlang kami ni Rafael ay parang aso at pusa na munting kibot lang nagbabangayan na kami. Simula pa nga noong bata pa ako, gigil na gigil na siya sa akin. Only to find out na kalahi ko pa ang babaeng nanakit sa kanya noong college siya. “Oy, naiinggit na si bilas oh,” tukso ni Terence sa akin habang may panakaw na halik sa pisngi ng asawa. Napangiti ako lalo at lumilipad ang utak ko kung saan habang naghaharutan ang dalawa sa harapan ko. Natawa na lang ako sa biro niya. The usual Terence na inaalaska ako every time may pagkakataon siya. “Terence, isa!” Halata sa boses ni Faustina ang inis. “Alam mo naman na bawal ma-stress si Kyoko.” “Sor
Kyoko POV Marahan kong minulat ang aking mata. Pawang puti ang kapaligiran at amo alcohol at disinfectant ang sumalubong sa pang-amoy ko. Saglit kong iniisip kung bakit narito ako sa hospital. Kinapa ko ang aking tiyan at dinama ang mga anak ko. Nakahinga ako nang maluwag nang maramdaman na sumipa ang mga anak ko. Napaigik ako nang maramdaman ang kirot ng kaliwang kamay ko. Bumukas ang pinto at pumasok ang isang lalaking nakasuot ng coat kasunod sina Mama Margarita at Rafael. Muntik ko ng nakalimutan na nakabalik na pala ang asawa ko mula sa Brazil. Halos takbuhin ni Mama Margarita ang papuntang hospital bed ko. “Hija, okay na ba ang pakiramdam mo? Grabe ang takot namin nang mawalan ka ng malay,” aniya. Puno ng pag-aalala ang kanyang boses. Napadako ang tingin ko kay Rafael na nasa tabi lang ni Mama Margarita. Bigla na lang ako nalungkot habang pinagmamasdan siya. Ginagap ni Rafael ang kamay kong may swero at dinala iyon sa kanyang labi para halikan.
Kyoko POV “NO!” Tutol ako sa gustong mangyari ni Rafael. Umiling ako at napayuko habang tinatakpan ng aking mga palad ang aking dibdib. Pero, tinanggal ni Rafael ang aking mga palad doon. “Don’t cover it, Misis. Na-miss ko ang mga ito.” Bago pa man ako makapagprotesta, sinakop na ng kanyang labi ang aking dibdib. Napasabunot na lang ako sa buhok niya kiliting dulot nito. Ang kanyang kamay ay abalang gumagapang sa aking maumbok ng tiyan. Hindi ako makapag-concentrate lalo at pababa nang pababa ang kanyang kamay sa pagitan ng aking mga hita. “You are ready for me, Misis,” bulong pa ni Rafael. Namula ako sa sinabi niya, lalo at totoo naman iyon. Kung bakit kasi pinagkanulo ako ng aking taksil na katawan. I may say no, but my body told me otherwise. “Why are you still shy? It’s normal for married couples to enjoy s*x even if the wife is pregnant,” paliwanag pa rin niya nang pabulong. Kinikilabutan ako sa pagnanasang bumabalot sa aking sistema. Napailing ako
Kyoko POVHindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon. Bakit narito si Rafael? Dapat ay dalawang buwan pa siya sa Brazil bago umuwi.“OMG! Kinikilig pati ang atay at balunbalunan ko!” sigaw ni Bebang. Nilingon ko siya lalo at masakit ang hampas niya sa braso ko. “May forever nga Tisay!” Napantastikuhan ako sa reaksyon niya na basta na lang siyang tumakbo palayo sa akin. Lumingon siya at muling nagsalita. “Senyorito, galingan mo sa panunuyo sa kaibigan ko. Magpapaluto ako ng bulalo kay Tatay Erning at tiyak mapapalaban kayo ni Tisay sa bakbakan.”Napapikit ako sa sinabing ‘yon ni Bebang. Hello? Malaki na ang tiyan ko at mabigat para isipin ang sinasabi niya. Muling kumaripas ng takbo si Bebang nang tuluyan palayo sa amin. Naiwan kami ni Rafael sa gitna ng taniman ng kape. Gustuhin ko man lumapit sa kanya pero hindi ko maigalaw ang aking mga paa. Nagkasya na lang akong hintayin siya sa gitna ng taniman. Naghinang ang aming mga paningin. Malakas ang tibok ng aking puso at dinig ko i