Hindi na alam ni Tajana ang mga sumunod pang nangyari ng makatulog siya. Sobrang himbing ng kanyang tulog kaya naman hindi na talaga siya nagising ng gabing iyon. Paggising niya ay nagulat na lang siya ng mapagtanto niyang nasa kwarto na siya sa barko.
Paano ako nakabalik sa kwarto ko?
Nagtataka pa rin siya hanggang sa mag-umagahan na sila. Hindi niya maiwasang mapaisip kung paano siya nakabalik.
"Bakit? May problema ba?" tanong ni Tajana sa kanyang pinsan ng maramdaman niyang abot ang sulyap nito sa kanya. Ngumiti lang si Catalina at saka umiling.
Nawala na rin sa isip ni Tajana na nagkaroon sila ng hindi pagkakaintindihan dahil sa akupado ang isip niya sa mga tanong kung anong nangyari.
"Hindi kita nakita sa party kagabi. Saan ka nagpunta?" tanong ni Calvin ng makita niya si Tajana.
"Sa karaoke room.
Patuloy lang si Terrence sa pag-inom ng alak sa kanyang baso habang nililibang ang sarili na hindi na maisip pa ang huling napag-usapan nilang magkapatid. Pilit niyang inaalala kung paano niyang nasabi ang sagot sa tanong ng kanyang kapatid. Ang sagot na hindi niya gustong sabihin."Ako may gusto kay Tajana?"tatawa-tawang sabi ni Terrence. Samantalang si Calvin ay tinitingnang mabuti ang kanyang reaksyon."Bro. Mas may taste naman ako sa babae kesa sa'yo. Kaya ligawan mo siya kung gusto mo. Okey lang sa'kin 'yon."Napasabunot ang dalawang kamay ni Terrence sa kanyang buhok habang iniisip ang nangyari."Tajana, magandang tanghali."bati ni Eloisa sa dalaga ng salubungin niya ito pagkababa pa lang ng sasakyan."Magandang tanghali tiya."balik na bati ni Tajana kahit na puno pa rin ng tanong sa kanyang isip dahil sa inaasta nito.Patuloy ang pagtatanong ni Elois
"Kumusta naman si Ginoong Simon?" tanong ni Tajana sa gitna ng usapin nila ni Calvin.Nasa isang restaurant sila sa probinsya. Makikita ang ilang mga ilaw na may katamtamang dalang liwanag lamang para sa lugar."Okey naman na siya. Sinabi ng doctor na kailangan lang niyang magpahinga."Dala ng sunud-sunod na pangyayaring hindi nagkakaintindihan si Simon at si Terrence ay nagdulot ito ng masamang epekto sa kanyang kalusugan."Sigurado ka ba? Baka kailan-" Nahinto sa pagsasalita ang dalaga ng hawakan ni Calvin ang kanyang kamay at binigyan siya ng ngiti nito."Tajana, okey na si dad. Wala kang dapat ipag-alala.""Napapadalas kasi na nagkakaganyan siya kaya gusto ko lang sanang tumulong. Okey lang naman sa'king magbantay sa kanya minsan kung kailangan." Nakatitig pa rin ang maamong mata ni Tajana kay Calvin at pilit itong kinukumbinsi.Ilang beses na rin nilang napag-usapan ang tungkol dito. Nais ni Tajana na tulungan ang kasintahan kahit man lang sa pagtingin
Sumikat na ang araw at tila nasisinagan na ang magandang mukha ni Tajana. Kaya naman nagising na siya ng tuluyan dahil dito. Nang makaupo siya ay agad siyang napahawak sa kanyang ulo. Medyo napadaing siya ng mapamulat siya ng tuluyan. Nararamdaman pa rin niya ang epekto ng alak na kanyang ininom. Dama niya ang hilo. Nang mapatingin siya sa hindi pamilyar na paligid ng kwarto ay doon lamang siya nagising ng tuluyan. Agad siyang napabangon. Hindi na niya matandaan kung ano ang nangyari. At hindi niya din alam kung bakit siya nandito ngayon. Teka nasaan ako? Hindi ba ako nakauwi?! Dali-dali niyang tiningnan ang oras sa kanyang cellphone. Ramdam din niya ang kanyang katawan na wala ng saplot kaya naman agad na din siyang nagbihis. Hanggang sa makabalik siya sa probinsya ay paulit-ulit niyang sinusubukang isipin kung ano ang nangyari. Pero kaunti lamang ang naaalala niya. Karamihan pa ay ang mga pinag-usapan lang nila ni Zoe. Nakaramdam siya ng takot, iniisip niya
"Kumusta naman kayo nitong si Calvin? I'm glad na nadalaw niyo ako dito." masayang sabi ni Sabel. Siya ay tiya ni Calvin sa side ng kanyang tunay na mga magulang. Paborito siya ng kanyang tiya kaya naman may uganayan pa rin sila nito.Ngumiti pabalik si Tajana bago sumagot sa tanong sa kanya."Maayos naman po kaming dalawa. Saka wala naman po akong problema kay Calvin. Hindi pa nga po kami nagkakaroon ng hindi pagkakaintindihan."Tuloy pa rin ang pag-aayos nilang dalawa sa ilang mga bulaklak. May-ari ng isang malaki at kilalang flower shop si Sabel."Wow, that's good. Calvin is a good man. You're very lucky." Makikita sa mga mata ni Sabel na masaya siya para sa dalawa. Gusto niya din si Tajana para sa kanyang pamangkin.Hindi naiwasan ng dalaga na mapatingin sa kanyang minamahal na nakatayo hindi kalayuan sa kanila habang may kausap sa cellphone. Sobrang masaya siya at kontento sa kanilang relasyon."By the way hija. Ano ba ang trabaho
Hindi naiwasan ni Calvin na magdabog papasok ng kanyang kwarto. Si Terrence naman ay tila nagtataka sa ikinikilos ng kanyang kapatid. Babatiin sana niya ito ng makita niyang pumasok sa loob ng mansyon pero hindi naman din siya napansin ni Calvin. Tuloy lang ang paglakad nito.Gusto sana ni Terrence magtanong sa nangyari. Kaya lang mukhang gustong mapag-isa ni Calvin.Lumipas ang araw na iyon ay pinuntahan agad ni Calvin si Tajana sa kanilang mansyon. Wala doon si Don Ismael at ang buong pamilya ng Campoverde. Abala sila sa mga sari-sariling lakad nila. Pero nagtanong pa rin ang binata sa mga kasambahay na nandoon. Hinahanap niya si Tajana sa mga ito."Ah pasensya na po. Pero hindi po siya nakauwi kagabi. Sinilip na rin po namin sa kanyang silid.""Sigurado ba kayo?"Hinanap ni Calvin sa buong mansyon at maging sa mga taniman ng Campoverde si Tajana pero hindi siya natagpuan. Hindi na niya alam ang gagawin niya. Gusto niyang makausap agad si Tajana. Nagsisisi
Sa ilang araw na lumipas. Naisip ni Terrence na wala na ang nararamdaman niya para kay Tajana. Naisip niyang nag-aalala lang siya sa dalaga dahil sa magiging parte na ito ng kanilang pamilya.Napakaganda ng ngiti ng mga tao sa paligid ni Terrence. Puno ng kasiyahan ang lahat. Sumasabay ang pagkislap ng kanilang mga mata sa pagkinang ng magagandang ilaw sa loob ng malapalasyong lugar.Pero isang tao lang ang halos madurog na ang puso habang pinagmamasdan ang mahal niyang binibini kasama ang ibang lalaki. Alam niya na hindi pa dito natatapos ang sakit na mararamdaman niya sa gabing ito.Sumagi sa isip niya ang huling mga salitang sinabi ni Calvin bago sila makarating sa lugar na ito."Terrence." Lumingon agad si Calvin sa kanyang kapatid at napansin niya ang hindi maitagong ngiti nito."Aayain ko ng magpakasal si Tajana bukas ng gabi. 'Wag kang mawawala ah. Suportahan mo ko."Umiwas agad ng tingin si Terrence ng makita niya ang nangyayari ngayon sa ka
Ilang araw na ang nakakalipas matapos ang nangyaring hindi pagkakaintindihan sa pagitan ni Calvin at Tajana. Parehong akupado ang kanilang mga isip sa sari-sarili nilang responsibilidad at buhay. Minsan ay nag-iisip-isip din sila tungkol sa sitwasyon nila ngayon.Madami pa silang kailangang gawin para sa paghahanda sa kanilang kasal. Pero ngayon ay parang nasa pagitan sila ng sitwasyon na hindi muna nila maiisip ang bagay kanilang kasal. Alam nila ngayon na mas malaki ang magiging responsibilidad nila sa isa't isa sa oras na ikasal sila."Mukhang may lagnat ka ngayon ah. Sigurado ka bang ayos lang na magtrabaho ka?" tanong ni Catalina sa kanyang pinsan na kasalukuyang nagsusuklay ng buhok."Maayos lang ang pakiramdam ko. Wala kang dapat ipag-alala. Mamaya din mawawala na 'to.""Basta uminom ka ng gamot. 'Wag ng makulit.""Oo iinom ako." sagot ni Tajana.Pagkadating ng dalaga sa kanilang plantasyon ay nakausap niya ang ilang mga importanteng panauhin ngay
Umaga ng magising si Tajana ay nakita na niya sa kanyang tabi si Calvin. "Kumusta na ang pakiramdam mo?""Okey na ako." medyo mahinang sagot ng dalaga dala ng panghihina pa rin niya dahil sa sakit."Mabuti na lang at bumaba na ang lagnat mo. Kasi kapag hindi pa, idadala na talaga kita sa ospital."May sumilay na ngiti sa labi ni Tajana kaya naman gumaan lalo ang loob ng binata."Mabuti na ang pakiramdam ko. Salamat sa pag-aalaga mo.""Hindi ako ang nag-alaga sayo.""Huh? Sino? Teka..." Nag-isip ng sandali si Tajana bago ipinagpatuloy ang kanyang sinasabi."Oo nga pala paano ako napunta dito?""Alam kong tatanungin mo 'yan. Tumawag sa'kin iyong may-ari ng shop kung saan ka nakatulog.""Huh? Paano nila nalaman ang number mo?""Hmm... Baka naiwan mong nakabukas ang phone mo."Pero wala naman ang number niya sa phone ko. Ginagamit ko lang iyon kapag nagpupunta ako ng syudad."A-Ah siguro nga.""Bakit hindi mo sa'ki
Nakasunod si Alicia sa paglalakad ni Doc Via patungo sa office nito. Hindi niya alam kung gugustuhin niya bang tanungin ang doktor. Hindi niya alam kung tama ang naiisip niyang mga tanong. Pero isa lang ang alam niya, iba ang pakiramdam niya kay Tajana ngayon."Upo po kayo." malumanay na sabi ni Doc Via. Kahit na hindi pa gaanong kilala ng doktor si Alicia ay may kutob na siyang mukhang may nahahalata ito sa kanyang anak."Pasenya na sa abala Doc." nahihiyang sabi ni Alicia."Ayos lang po 'yon, Mrs. Canizales. Tingin ko naman po, hindi kayo pupunta dito kung hindi importante ang gusto niyong itanong."Hinawakan ni Alicia ang kanang kamay niya para mapigilan ang panginginig nito."Salamat sa pagiging maunawain niyo Doc.""Welcome po kayo lagi." Nagbigay ng ngiti si Doc Via kay Alicia para makampante ito sa kanya."Gusto ko lang malaman..." Huminga ng malalim si Alicia bago ipinagpatuloy ang kanyang sinasabi."Kung ano ang pinag-usapan niyo ni Tajana ng bumisita ka sa bahay?"Sa unang t
Nakarating si Terrence sa bahay ni Elisse para ihatid ang dalaga."Thank you so much Terrence for staying by myside." sabi ni Elisse bago pa man siya makababa ng sasakyan nito.Ngumiti si Terrence kay Elisse bago sumagot dito."Lagi mong tatandaan na para na tayong isang pamilya Elisse. You're like a sister to me. Kaya lagi akong nandito para sayo."Nakaramdam ng lungkot si Elisse sa kanyang puso dahil sa sinabi ng binata. Alam niyang magkaiba ang nararamdaman nila sa isa't isa pero hirap pa rin siyang masanay sa katotohanang iyon.Itinago ni Elisse ang lungkot na kanyang naramdaman, ngumiti lang siya sa binata."Lets have some dinner in my house first." aya niya."Uhh..." Tumingin si Terrence sa kanyang relo. Ngunit hinarangan iyon ni Elisse ng kanyang kamay."Com'on Terrence, hindi mo ba ko pagbibigyan? Wala akong kasamang mag-dinner." pagpupumilit ni Elisse.Bumuntong hininga si Terrence ng makita niya ang pagmamakaawa ni Elisse sa pamamagitan ng mga tingin nito."Fine... Pero mad
Umagang-umaga palang ay mainit na ang ulo ni Tajana, halata sa kanyang hitsura na wala siyang gana."Bakit ka nakasimangot?" nagtatakang tanong ni Alicia sa anak. "Ang aga-aga ganyan mo na sinalubong ang araw mo." dagdag pa nito."Wala naman po. Pagod lang sa trabaho." humigop ng kape si Tajana sa kanyang tasa at nabitawan niya ang tasa dahil sa pagkapaso niya dito."Aray!" Mas lalong nag-init ang kanyang ulo sa nangyari, pakiramdam niya ay wala ng magandang mangyayari sa kanyang araw."Ano ba naman 'to!" inis nitong sabi sabay pulot sa ilang nabasag na piraso ng tasa."Ako na diyan anak, magpahinga ka na lang sa loob." Kumuha ng dustpan si Alicia at tinulungan niya si Tajana na linisin ang nabasag na tasa."Ako na dito Ma.""Kaya ko naman 'to anak, sige na at magpahinga ka na lang."Bumuntong hininga si Tajana, tila ubos na rin ang lakas niya na makipagtalo kaya sinunod na lang ang kanyang ina.Si Terrence ay madalas kasama ngayon ni Elisse simula ng maospital ang ama nito. Dinadama
Hindi makapaniwala si Alicia sa mga nangyayari ngayon. Sinaksak siya ni Tajana. Bakit kailangang gawin ito sa kanya ng sarili niyang anak?Hingal na hingal si Alicia ng tuluyan siyang magising sa nakakakilabot na panaginip niya. Tumutulo na rin ang pawis niya na nasa kanyang noo.Alam niyang hindi maganda ang lahat ng mga panaginip niya tuwing kasama niya si Tajana. Naiisip niya ngayon na baka isa itong babala sa kanya."Bakit madalas gabi kang pumupunta sa trabaho mo? Minsan naman gabing-gabi na wala ka pa?""Ma, madami akong ginagawa sa bago kong trabaho. Kailangan hindi ako mareklamo kahit anong oras ang shift ko.""Bakit hindi mo na lang hayaan na tulungan ka ni Terrence?"Napahinto si Tajana sa pag-aayos ng gamit niya sa kanyang bag dahil sa sinabi ng kanyang ina. Tumingin siya kay Alicia."Bakit kailangan kong dumepende sa kanya? Kaya ko ang sarili ko.""Gabi na-""Tama na ang usapan na 'to. Hindi lang naman ito ang mga gabi na nasa labas ako. Noong panahon na hindi pa tayo nagki
Nang makalapit si Alicia sa kwarto ni Tajana ay dama niya ang mabigat na pagkabog ng kanyang puso. Napalulon pa siya ng ilang ulit dahil sa kabang nararamdaman niya. Hiling niya na sana nagkakamali siya sa kanyang naiisip ngayon."Tajana." tawag niya sa dalagang nakaupo at nakatingin sa salamin. Hindi agad ito humarap sa kanya kaya naman mas kinabahan pa siya."Ta-"Pinigilan ni Alicia ang pagkagulat niya ng humarap sa kanya ang anak niya."Mama." nakangiting bati ni Tajana."Para po ba sa'kin 'yan?" tanong nito ng mapatingin siya sa platong hawak ng kanyang ina.Nanatili ang tingin ni Alicia kay Tajana na tila binabasa niya ito.Kinuha ni Tajana ang plato at tinikman ang dessert na ginawa ng kanyang ina."Ang sarap nito ah. Mukhang may talent po kayo sa paggawa ng desserts." masayang mungkahi ni Tajana.Hindi makagalaw si Alicia sa kanyang kinakatayuan. Ang mga mata niya ay nanatili sa kanyang anak. Tatanungin niya ba ito kung sinong kausap nito kanina? O magpapanggap ba siya na wala
Nang makaalis si Elisse ay napunta na ang buong atensyon ni Terrence kay Tajana. Nakatahimik lang ang dalaga at hindi umiimik."Tajana... I'm sorry about Elisse." mahinahon na sabi ni Terrence na medyo nag-aalangan pang umimik."Totoo ba ang sinabi niya?" medyo mahinang tanong ni Tajana. "That's my choice."Umangat ang tingin ni Tajana kay Terrence at direkta din itong tumingin sa kanya pabalik."Bakit mo kailangang piliin ako? Pamilya mo si Ginoong Simon. Isa pa, pangarap mo ang mga 'yon, para makatulong ka sa pamilya mo.""Hindi naman ibig sabihin na nahinto ako sa mga plano ko, hindi ko na pwedeng magawa o maituloy.""Terrence, aalis na lang ako dito. Tama lahat ng sinabi ni Elisse. Ako lang naman ang natutulungan mo. Ako, wala akong nagagawa para sayo.""Hindi 'yan totoo.""Ano pa ba ang gusto mong sabihin ngayon? Gagawa ka na naman ng rason para hindi ko makitang pabigat lang ako sa buhay mo?""Kahit kailan hindi ko inisip 'yan. At kahit kailan hindi ko makikitang pabigat ka sa'
Mas naging malapit si Terrence at Tajana matapos ng pangyayari. Ngayon ay masaya si Terrence na makitang nakangiti si Tajana habang magkasama sila."Anong gusto mong gawin ngayon?""Huh? Kahit ano.""Hindi ba naghahanap ka pala ng trabaho?""Paano mo nalaman?""Nag-apply ka do'n sa kumpanya kung saan ako nagtatrabaho. Nakita ko iyong papel mo kaya nalaman ko din na nandito ka. Noong una nga hindi ako makapaniwala.""Ahh gano'n ba?" Yumuko si Tajana na tila nalungkot ng maalala niya na matapos nga ang insidente sa pagitan nila ni Zoe noon ay wala na siyang maalala sa ilang nangyari dahil ang alter niya ang kumikilos."Kamusta naman ang pakikitungo ko sayo noong mga panahon na 'yon?""Huh?" medyo napatawa si Terrence bago muling umimik kay Tajana. Ibinaba niya ang ilang dokumento na kanina ay hawak niya habang nakaharap sa kanyang laptop."Nagi-guilty ka na ba dahil sa mga ginawa mo no'n sa'kin?""Anong ibig mong sabihin? Sinaktan kita?""Bakit ganyan kang magtanong? Para namang hindi i
Lumipas pa ang dalawang araw bago tuluyang nagkamalay si Tajana. Sobra namang napanataga ang loob ni Terrence ng makitang maayos na ang dalaga.Samantalang si Zoe naman ay naunang nagkamalay kaysa kay Tajana. Nakauwi na ito kaya naman wala na din si Calvin sa ospital. Hindi rin naman nakakausap ni Terrence ngayon ang kanyang kapatid kaya naisip na lang niya na baka abala ito sa mga naiwang trabaho sa negosyo nila.Nakamasid pa rin si Doc Via ng mabuti habang tinitingnan si Tajana. Minsan na siyang naloko ng alter nito kaya mas nag-iingat siya ngayon. Hindi niya pa ito makausap dahil gusto muna niyang siguraduhin na si Tajana talaga ang makakarinig ng sasabihin niya hindi ang kanyang alter."Maiwan ko muna kayo dito. May kailangan lang akong bilhin na ilang gamot." paalam ni Terrence kaya naman naiwan si Doc Via at Tajana sa kwarto.Hindi mapakali si Tajana sa bawat pagtingin sa kanya ni Doc Via para siyang kriminal na kinikilatis ngayon."U-Uhmm may problema po ba?" tanong ni Tajana.
Parehong hindi pa nagigising si Tajana at Zoe. Kaya naman nagbabantay pa rin ang dalawang magkapatid sa kanila. Samantalang si Doc Via naman ay binibisita ang ilan pa niyang pasyente.Kasalukuyang nagbabantay pa rin si Terrence sa loob ng kwarto ni Tajana. Hindi niya magawang iwan ang dalaga dahil sa pag-aalala niya."Terrence, ano bang gusto mong mangyari? Magkasakit ka? You should take care of yourself.""I'm fine, Elisse. Hindi ko kayang iwan si Tajana dito."Hindi maiwasan ni Elisse na mainis dahil sa mga sagot ni Terrence."Ako na ang magbabantay sa kanya. Umuwi ka muna at ayusin mo ang sarili mo.""May trabaho ka--""Okey lang na wala ako do'n ngayon. Please, go home for now." patuloy na pakiusap ni Elisse."Hindi rin magugustuhan ni Tajana na makita kang nagpapabaya sa sarili mo dahil sa kanya."Nakumbinsi naman ni Elisse na umuwi muna si Terrence kaya naman siya muna ang pumalit sa binata.Pagkaalis ni Terrence ay tiningnan agad ni Elisse ang mukha ni Tajana."I hate you." sab