Share

Unang Halik

"Magkano ang isang order nitong, dinuguan?"

Dumako ang tingin ni Adelina sa lalaking nakatayo sa kanyang harapan. Inis na inis na siya dito dahil kanina pa nito binubuklat ang mga lalagyanan ng ulam na kanilang tinda ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nakakapili. Nayayamot na siya. Nakatayo siya doon habang nakahalukipkip at nakataas ang kilay. Pinakikita niya ang inip sa kanyang mukha. Inis na inis na siya. Kulang na lang ay tikman nito ang lahat ng putaheng niluto ni Aling Chona. Si Aling Chona ang may-ari ng karinderya na pinagtatrabahuhan niya.

"Kahit magkano pa iyan, ang tanong, bibili ka ba?" Lalong tumaas ang kilay niya. Noon lang dumako ang tingin sa kanya ng namimili. Napapailing ito at saka binuksan na naman ang isang kaldero. Sa inis niya ay hinampas niya ang kamay nito at sinimulan niyang bungangaan. Ayaw na ayaw niya ng mga customer na ganito. Iyong buklat nang buklat tapos hindi naman malaman kung anong bibilihin.

"Kung hindi ka naman bibili, 'wag ka nang magbukl
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status