It was a dangerous question kaya hindi siya tumugon. Lumabas agad siya sa silid na iyon.
Maghapon, tahimik na tahimik si Zane. Nag-uutos ito kapag may kailangan ngunit mabibilang niya sa kanyang daliri ang pagkakataon na tinawag siya nito sa loob ng opisina.
Dumating ang oras ng uwian kaya medyo nakahinga na nang maayos ang dalaga. Mistulang pugon ang office dahil parang init na init siyang hindi niya mawari.
"Avery? Can you come in here?" Muntik nang mapatalon sa pagkabigla nang bumuglaw sa adjoining door ang lalaking laman ng kanyang isipan sa maghapon. "I want to talk to you."
"Yes, sir." Ikinubli niya ang pagkagulat.
"Sit down," anito nang makapasok na siya. Nanatili itong nakatayo sa pintuang isinara at sinandalan.
Alumpihit si Avery. "A-ano po ba ang sasabihin ninyo?"
"I'm only thirty-six, for christ sake!" bulalas ni Zane, parang napipikon sa pamumupo niya. "Stop treating me like an old man!"
Napapitlag si Avery. Namutla siya sa takot. "I'm sorry, sir," she mumbled defensively. "You're my boss."
"Forgive me for shouting," he said in a low tone. "You always distract me."
She remained silent.
"I've been thinking," umpisa nito. "Balak kong ligawan ka. Suyuin. Hanggang sa mawala na ang anumang pagdududa mo."
She couldn't believe her own ears!
"Kahit na ano, gagawin ko para lang mapasaakin ka, Avery," pahayag ni Zane. Very serious ang determinasyon.
She was speechless.
"With or without your permission, I'll start changing things for the better," patuloy pa ng lalaki. "Patitingnan ko sa espesyalista ang iyong ina at kukuha ako ng tutor para sa mga bata. Magde-destino ako ng dalawang katulong sa bahay ninyo para hindi na ikaw ang gumagawa ng mga gawain doon pagkagaling dito sa opisina."
"No!" Avery protested. "Wala kang karapatang gawin ang mga iyan. Masyado ka nang nanghihimasok--"
"Ipagdadamot mo ang kaginhawahan sa iyong pamilya?" Zane cut in.
"At ano naman ang kapalit?" pakli niya.
"Ikaw, siyempre, but not against your will," ang maaagap na tugon. "Never against your will, Avery." His voice became huskier and sexier.
Naumid na naman ang dila ni Avery.
"Gusto kong ikaw ang kusang magbigay..."
"Stop!" She was getting breathless with every word he mouthed. "I suggest you don't pursue that crazy idea, sir!"
"No, Avery," tutol ni Zane, very sure of himself. "My reward for this crazy idea will be you." His words seemed final.
'This scene can't happening to me!' she told herself desperately. She shook her head but Zane remained real in front her.
He stood there like a dark angel, bringer of dark news...!
"I can give you everything you may want, Avery," he promised.
"Everything that money could buy," she added numbly.
Nagkaroon ng malaking pagbabago sa Cruz Residence nang mga sumunod na araw. Natupad ang lahat ng mga ipinangako ni Zane.
"Nana Pilang, huwag n'yo po sanang mamasamain," pang-aalo ng lalaki sa matandang yaya nang tila magdamdam ito sa biglang paglitaw ng tutor at mga katulong sa malaking bahay. "Ngunit mas maganda pong maging kausap at kasama na lamang kayo ni Mrs. Cruz. Mas magiging madali ang kanyang paggaling kapag nasa malapit lang kayo palagi."
Mas lalong natuwa si Nana Pilang nang malamang doble ang sasahurin nito sa mas magaan na trabaho.
"Kuu, salamat kay Mr. Dela Cuesta at nawala-wala ang pagsakit ng rayuma ko. Aba'y matutulin nang magsitakbo ang mga alaga ko, a?" pagbabalita nito kay Avery.
She did not have the heart to be a wet blanket. Kitang-kita naman na nagkaroon agad ng malaking improvement sa sitwasyon ng pamilya niya.
"G-ganoon po ba?" Ganito lang ang kaya niyang sabihin kahit na balak niyang sirain ang mga katuparan ng plano ni Zane.
Masyadong maraming tao ang maaapektuhan kapag nagmatigas siya. Ngayon pang nagkakaroon na ng kulay at sigla ang yayat na mukha ng kanyang ina-inahan...
"Avery! Tingnan mo, marunong na akong magtulat at magdyowing," pagbabalita ni Teo habang inilalahad ang isang bond paper.
"Wow! Ang galing naman ng brother ko," pamumuri niya, in a cheerful tone. Automatically, because the child has a twin, her gaze sought out the little girl, Lea. "Patingin nga ng kay Lea?" Nginitian niya ang batang babaeng may pagkakimi na katulad niya.
"Maganda ba ang gawa ko, Avery? Kapag maganda, dalawa na kayong nagtabi ni Ma'am Winnie," paniniguro ni Lea, seryoso.
"Alam n'yo, pareho kayong magaling pero dahil 'boy' si Teo at 'girl' si Lea, magkaiba ang style ninyo--pero parehong mahusay. Okey ba?" Saglit niyang nakalimutan ang kanyang pag-aalinlangan. Hindi niya akalaing magkakaroon kaagad ng improvement sa mga kapatid.
"Talaga po?" Namimilog ang mga mata ng kambal.
"Oo, talaga. Bakit hindi n'yo ipakita kay Mama at Nana Pilang ang mga gawa ninyo?" suhestiyon niya.
Nagtakbuhan ang dalawang paslit palayo.
Nilapitan ni Avery ang batam-batang tutor na si Ma'am Winnie. "Ako si Avery. Nagsimula ka na pala ngayon. Pasensiya ka na kung hindi tayo nagpang-abot kanina. Hindi ka ba nahirapan sa mga bata?" Medyo pormal pero sincere naman ang ngiti niya rito.
Ngumiti ang tinanong niya. "Hindi naman. Okey nga sila, for beginners. Tamang-tama ang pagdating ko. They are ripe for learning. Pihong magiging top sila sa class kapag nag-aral na sila sa isang proper school."
Pakiramdam ni Avery, kalahati na ng katawan niya ang nakabaon sa kumunoy na kinalalagyan. "G-ganoon ba? Mabuti naman kung gayon. Uh, everyday ba ang schedule mo sa kanila?"
Tumango si Ma'am Winnie. "Oo." Dinampot nito ang nakaimis nang portfolio. "Magpapaalam na ako. Bukas na lang ako babalik. Ang days-off ko nga pala ay Saturday and Sunday," dagdag pa.
"Ate, maghahain na ba ng hapunan?" tanong ng pinakaunang newcomer sa bahay nila, si Diding.
"H-ha?" Nagitla siya. Hindi na siya sanay sa katulong sa bahay. "A, e, si Mama na lang ang tanungin mo. Er, hindi pala, tingnan mo muna kung ready na ang kambal."
"Okey, ate," sang-ayon naman ni Diding.
Papaakyat siya nang masalubong si Anabel. Nalito na naman siya. "Er, magandang gabi sa iyo. Nakita mo na ang kambal? Malapit nang kumain ng hapunan, e."
Tumango ang dalagang katulong, nakangiti. "Nagre-request si Teo ng ice cream para sa panghimagas. Itatanong ko lang kay Diding kung nakabili siya ng ice cream kaninang mag-grocery siya."
"Grocery?" ulit ni Avery. Wala pa silang market money dahil hindi pa siya sumusuweldo.
"Pinapunta ni Sir Zane si Mang Narding, 'yong driver para samahan si Diding sa pamamalengke," dagdag-paliwanag ni Anabel.
"G-ganoon ba?" Avery repeated with a forced brightness. "Uhm, okey. Ako na ang magpapatuloy sa pagbibihis ng dalawang bata. Pakitulungan mo na lang si Diding sa ibaba, ha?"
"Sige, ate. Salamat," tugon nito.
Anupa't halos wala nang magawa si Avery. Dumami ang mga bakanteng oras niya, and she suddenly found herself with so much time in her hands. She was somewhat lost.
What bothered her the most was the peculiar attitude of Mama Nena. Parang may itinatago ito sa kanya.
"Mama Nena, kumusta na ang pakiramdam ninyo? Mas magaling ba kay Dr. Fredo ang bagong duktor ninyo ngayon?" Naupo siya sa tabi ng kama ng ina-inahan matapos humalik sa isang luyloy na pisngi nito.
"M-mabuti naman ako, anak. Magkasing-husay naman ang mga duktor, ang mga gamot lamang ang nagkakaiba-iba."
"Ibig n'yong sabihin, may panibagong reseta kayo ngayon?"
"Uh, o-oo, iha. Mas mahal ang mga gamot pero mas mabilis naman ang bisa."
Nanlulumo si Avery habang nakikinig. "B-binibigyan po ba kayo ni Sir Zane ng pera, Mama?" pananalakab niya nang hindi na niya matiis ang saglit ngunit ubod nang bigat na katahimikan.
Alanganing tumango ang pobreng matanda. "N-nangangako siyang pakakasalan ka niya, Avery. Nararamdaman kong tapat siya sa layunin niya sa iyo. Hindi ka mapapariwara sa lalaking iyon." Magkahalong pagkapahiya at pagsusumamo ang nasa mga mata nito.
"I-ipinamimigay n'yo na po ba ako, Mama Nena?" Halos pahikbi na ang pagtatanong niya.
"Oh, Avery! Hindi naman, anak. Hindi ka kukunin sa amin ni Zane. Marahil ay nabubulagaan ka lamang sa kanya sa ngayon; ngunit siya ay isang mabuting lalaki. Liligaya ka sa piling niya, Avery," ang mahabang pahayag ng matanda. "Madali siyang matutuhang mahalin."
Nilunok ni Avery ang kanyang pagdaramdam. Hindi dapat si Mama Nena ang kinukumpronta niya. "P-pasensiya na po kayo sa akin, Mama. Nagugulat lang ako sa bilis ng mga nangyayari sa atin ngayon," paliwanag niya habang hinihimas ang mga kulubot na kamay ng kausap.
Nagkaroon ng pilit na saya sa mga mata nito. "Ah, oo, mabilis nga si Zane mo. Naaalala ko ang aking si Justo sa tuwing nakikita't nakakausap ko siya."
"N-nagpupunta po dito si Sir nang hindi ko alam?"
Tumango si Mama Nena. "Hindi ba siya nagpapaalam sa iyo? Malimit siyang dumaan dito kapag hapon."
'Kaya pala!' bulong ni Avery sa sarili niya. Pulos outside appointments ang nakalista sa black book ng boss niya nitong mga huling araw.
"Mama, maniniwala po ba kayo sa akin kapag sinabi kong--" Hindi niya natapos ang sasabihin dahil tumunog ang doorbell. Napatindig siya dahil nakalimutan na naman niyang may magbubukas na ng pinto para sa kanya.
"Pihong si Zane mo na iyon, iha. Bakit hindi ka magpalit ng damit?"
"N-nagsabi ho ba siya sa inyo na pupunta siya ngayong gabi?" Hindi naniniwala si Avery ngunit wala naman siyang kakilala na pupunta sa kanila nang ganitong oras.
Ang mga kaibigan niya ay bihira na niyang masipot sa kanilang tipanan. Nauunawaan naman siya ng mga ito ngunit alam niyang mayroon na ring paghihinampo kina Rosario, Casandra, at Helena. "Ate, si Sir Zane po," pahayag ni Diding. "Gusto raw po kayong makausap." "Sige na, iha, harapin mo na," pang-uulok ni Mama Nena. Nagpapawis ang mga kamay ni Avery dahil sa labis na nerbiyos. Ang pagkayamot na nadarama niya dahil sa pakikialam ng lalaki ay unti-unti nang pinalis ng mga nasaksihan niyang kasiyahan ng pamilya. Can I be selfish enough to end all the good things for Teo, Lea, and Mama Nena? ukilkil niya sa kanyang sarili, habang patungo sa kinaroroonan ni Zane. Ano ba talaga ang nakita ng lalaking ito sa akin? tanong pa niya. "Good evening, Avery," ang magalang na bat
INESTIMA niya nga si Zane nang dumating ito. And she was utterly surprised to discover that she enjoyed talking with him. Zane was prepared to meet her halfway. "Puwede ba kitang ma-imbitang lumabas?" The question was unexpected. "Bakit? May okasyon ba?" "I want to celebrate something," dugtong ng lalaki nang makita ang pag-aalinlangan niya. "Itong pagkukuwentuhan natin nang hindi tayo nagtatalo ay isa nang okasyon para sa akin, Avery." "Oh." She was suddenly shy. "Payag ka ba?" "Uhm, k-kailan--?" patianod niya. "Tomorrow night? It's a Saturday. We can stay out till late," he suggested with naked eagerness. Avery hesitated. "Hindi ba puwedeng dito na lang sa bahay mag-celebrate?"&n
KINABUKASAN, Linggo, Avery was in tenterhooks all day long. Although, alam niyang hindi naman siya ganoon ka-importante kay Zane, she was expecting him to come after her. "Iha, bakit ba parang hindi ka mapakali diyan?" usisa ni Mama Nena nang mapuna ang ilang ulit na paglabas-masok niya sa kusina at kumedor. "May hinihintay ka ba? Si Zane?" Napilitang tumango ang dalaga. "Hayaan mo't mamayang gabi lamang ay nandito na naman iyon," pang-aalo ng matanda. Hindi kumibo si Avery. Ayaw na niyang madagdagan ang mga kasinungalingang sinasabi niya dito. Kanina lamang ay lubog na siya nang mag-imbento siya ng isang successful evening nila ni Zane. Nataranta siya nang may mag-doorbell. "Roses for Miss Avery Cruz," anang delivery boy na binatilyo. "Kayo ba, miss? Paki-pirma lang di
MISTULANG housewife nga ang naging papel niya sa maghapong iyon. May pagka-demanding ang kanyang pasyente. Naiirita agad kapag nawawala siya sa tabi nito, gayong nag-aasikaso lamang siya ng mga abubot sa palibot. The shower weakened his reservoir of strength kaya maghapong naidlip si Zane; but it was a restless sleep. Maya't maya ay nagigising na para bang binabangungot. "God, it was worse!" bulalas nito nang maalimpungatan mula sa unang malalim na pagtulog, dakong takipsilim na. Dumalo agad si Avery. Dinampot niya ang tuwalyang nakahanda para pamunas ng pawis nito upang idampi sa basang noo at leeg. May kaunting temperature pa ang lalaki. "It's over, you could sleep again," pang-aalo niya sa malamyos na tono. "You're safe now." "I tried to save the babies but it's too late," patuloy ni Zane. Tila nangungumpisal ng isang pagkaka
GUSTO kong umiyak, ang sabi ni Avery sa sarili niya nang matapos ang umaalimpuyong unos ng mga emosyon. Ngunit nanatiling tuyo ang kanyang mga matang nakapikit lamang upang hindi niya makita ang mukha ng kanyang kasalanan, si Zane. "Avery?" His whisper was full of regret and something more powerful than anything on earth. Umungol siya nang hawakan siya ng mahahabang daliri sa magkabilang panga. Pinipilit siyang magmulat ng mga mata. "Sorry," bulong ng lalaki. "Nasaktan na naman kita." Hindi kumibo si Avery. Nananakit ang lalamunan niya dahil sa kasasambit ng pangalan ng lalaking nakaniig. Sa kalagitnaan ng nakahihibang na kasukdulan, hindi na niya alam kung ano pa ang mga katagang nasambit niya. "Marry me, Avery," wika ng paos na b
NAGPASIYANG lumiban sa pagpasok ang dalaga kinabukasan. Umalis siya ng bahay ngunit kay Casandra siya nagtungo. "O, Avery!" Nasorpresa ang kaibigan nang makita siya. "I thought you're in New Zealand? Hindi ka nakarating sa binyag, ha? Pero nauunawaan naman ni Eina, don't worry. Halika, upo. Ano'ng gusto mong inumin? Nagpapatimpla ako ng iced tea, gusto mo na ba 'yon?" Naiinggit si Avery sa kaibigan dahil wala itong kiyeme sa katawan. Casandra had always been good in body language and oral communication. Naalala niya ang love story nito, masalimuot din. "H-huwag ka nang mag-abala, Cassie. Nandito ako dahil gusto ko sanang kumustahin 'yong trabaho sa kumpanya ni Teon." "Sabi ko na nga ba, e. Mamaya na 'yon, ano? Balitaan mo muna ako ng tungkol sa aksidenteng nangyari sa New Zealand. Wala nang follow-up ang local news dito." Naupo
DAHIL pinaandar na naman ni Zane ang kapangyarihan ng salapi, naging madali ang mga preparasyon sa kanilang kasal. Avery was becoming depressed even though a small corner of her foolish heart was rejoicing. "Smile, Avery," Zane growled at her once while they were shopping for her wedding dress and trousseau. "You look dying," he added chidingly. "I'm sorry," bulong niya habang yumuyuko. Parang gusto na naman niyang maiyak. "Dammit, Avery! Don't cry here," he rebuked her in a low voice. "Baka isipin nila dito pinagbabantaan kita para magpakasal sa akin!" "I--I'm sorry," ulit niya, garalgal na ang boses. "Pero tutoo naman, hindi ba?" Tumindig ang lalaki upang alalayan siya palabas ng exclusive boutique. Nagpaalam ito sa sales manager. "Excuse us, ma'am, my fiancee's not f
Sleep with the Boss SYNOPSIS: Indeed… Love comes from the most unexpected places. Gasgas na ang linyang ito pero nagkakatutoo pa rin. Maingat at masinop na babae si Mina, isang sumisikat na interior designer. Sagad sa buto ang kahirapang natakasan niya gamit ang sipag at tiyaga. When she found a gorgeous man sleeping on her bed, lahat ng pinagpaguran ni Mina ay puwedeng maglaho na parang bula. Should she take the chance to gamble for love? But what if the love is just one-sided? Nakakatakot sumugal sa pag-ibig… But Lyon excites her so very much. He makes her feel alive and beautiful. But he feels only desire for her… Ano ang dapat piliin ni Mina? Love or security? * * * Sleep with the Boss - Chapter 1 Mina pushed back the long sleeve of her business suit to look at her gold wristwatch with the briskness of a busy person. "Late na ang eroplano, a?" puna niya
Mesmerizing Eyes - Chapter20"AT last, Mrs. Romulo!" bulalas ng butihing duktor ni Arizona, si Dr. Pierrie. "You shall be able to see how handsome I look!" dugtong pa, pabiro.Excited di si Arizona ngunit ayaw niyang bumigay agad.Paano kung hindi naman pala tagumpay ang operasyon?She killed the ugly thought right away.Hindi dapat mabigo ang lahat ng mga pinaghirapan ni Tyler.Oh, Tyler...! daing ng puso niya. Bakit hindi ka dumating ngayon?She had a series of short but delicate eye operation by laser technology, in the past few weeks.The last one was major. And her husband had remained beside her even though she was unconscious with drugs.Ngunit nang matiyak na wala siya sa peligro, nagpaalam ito na 'sasaglit' lang sa farm para kumustahin si Terry.Ang 'saglit' na iyon ay halos isang linggo na.Nagpadala na raw ng email si Dr. Aguilar. At tumaw
Mesmerizing Eyes - Chapter19 SINIKRETO ni Arizona ang katulong na si Chedeng, bago siya nagtungo sa kumedor. Hinanap niya ang lumang maleta niya na kinalalagyan ng mga tunay na damit. "Dadalhin ko ang mga iyon, Chedeng. Pakisigurado mong naikarga iyon sa sasakyan ng Sir Tyler mo, bago kami umalis, ha?" Ginaya niya ang tono ni Terry kapag nag-uutos sa mga katulong. Magiliw na may kaunting tigas. "Opo, Ma'am Arizona," ang magalang na tugon naman ng kausap. Isang matamis na ngiti ang ibinigay niya rito bilang pasalamat. Naghihintay na ang magkapatid sa hapagkainan nang makarating siya sa kumedor. "Nandito na pala si Ate. Puwede na tayong mag-umpisa," pahayag ni Terry. "Sorry I'm late," wika ni Arizona habang nauupo sa silyang hinila ni Tyler para sa kanya. "It's alright. You look very lovely tonight," papuri ng baritonong tinig ni Tyler. "I like your dress, darling," dugtong
Mesmerizing Eyes - Chapter18 ARIZONA was having a fantastic dream. Tyler was making love with her so exquisitely. His intense kisses were explicitly sensual. His caresses were thoroughly erotic. Iba ang sidhi ng pagnanasang ipinalalasap sa kanya ng mga labing pangahas at dilang mapusok. The fires of passion devoured her inhibitions mercilessly. Her insistent lover was demanding her complete and absolute surrender. I love you... Mula sa kungsaan, biglang sumulpot ang mga katagang iyon. She was longing to hear those sweet words. Walang kasintamis ang pakiramdam niya nang maulinigan ang mga iyon. Para bang napalis na naman ang dilim na nakabalot sa kanya. You're mine, my beautiful goddess... Hindi makapaniwala si Arizona sa mga naririnig. Nananaginip pa ba siya? Pinilit niyang palisin ang mabigat na lambong ng antok. But she d
Mesmerizing Eyes - Chapter17THE days had passed blissfully. And the nights tempestously erotic.Payapa ang mga araw na sumunod, matapos ang simpleng kasal.Their daily routine had developed naturally.Sa umaga, isinasama siya ni Tyler sa paglilibot nito sa farm.Nakasakay sila pareho sa malaking kabayo nito. Ngunit malimit ay sa landrover na minamaneho ng isang tauhan.Basta't ang importante para sa asawa, laging nakayapos sa kanya ang mga bisig at laging magkadikit ang kanilang mga katawan.He introduced her to the lush and rich nature that surrounded them through vivid descriptions. Inilalarawan nito maging ang mga ibon na masisiglang nagliliparan sa mangasul-ngasul na kalangitan.O di kaya'y, mahihiga sila sa gitna ng parang. At magtatalik sa ibabaw ng mga bulaklak at mga damong ligaw.Anupa't ang bawa't sandali ay naging tigib ng tamis at ligaya dahil lagi silang magk
Mesmerizing Eyes - Chapter16IBAYONG pagkapahiya ang nadarama ni Arizona sa mga sandaling dapat ay napakaligaya niya.Paano'y napagtanto niyang hindi siya ipinakilala ni Tyler bilang isang bulag.Ang buong akala ng huwes, kumpletung-kumpleto siya.She heaved a deep sigh. Parang gusto niyang umiyak ngunit hindi naman niya magawa. Wala naman siyang tiyak na dahilan.Kung tutuusin nga, she was now in an enviable position.Tyler was one of the most eligible bachelors in this place. O kahit na saan mang lugar.Simpatiko na, mayaman pa.Napakasuwerte na para sa isang bulag na katulad niya ang makasilo ng ganitong klaseng lalaki.Ngunit bakit hindi na niya magawang sumaya?"Penny for your thoughts?" Nakalapit na pala sa kinaroroonan niya si Terry. "Tila napakalalim naman ng iniisip ng aking bagong hipag?"She summoned a smile on her stiff lips. "H-hindi naman," she
Mesmerizing Eyes - Chapter15NAWALAN ng malay-tao ang dalaga, dahil ibig niyang takasan ang humiliyasyon.Ngunit nang magising siya matapos ang ilang minuto, naghihintay sa kanya ang mga problema.At ang matinding kahihiyan na ayaw niyang harapin.Somebody was fanning her face with a piece of carton.While another was dangling an ammonia-wet cotton-ball near her twitching nose.She protested mutely. She did not like the pungent smell of the first-aid medicine.Dahan-dahan siyang nagmulat ng mga mata."Gising na siya," anang tinig ni Terry, kasabay ng pagkawala ng mabahong amoy.Maya-maya, may gumagap na mainit na palad sa kanyang kamay.Si Tyler."Kumusta na ang pakiramdam mo, sweetheart?"There was a protesting gasp from Terry.Nailang tuloy si Arizona. "Uh, m-mabuti na," tugon niya habang pilit na ibinabangon ang sarili.Maagap na umala
Mesmerizing Eyes - Chapter 14NAKAPIKIT pa rin si Arizona kahit na naihiga na siya ni Tyler sa malambot na kama.Diyos ko, nababaliw na ba ako? usal niya sa sarili. Pumayag akong magpakasal sa isang lalaking hindi ko pa nakikita!Hindi ba tatanaw lang siya ng utang na loob kay Tyler Romulo?Bakit ipapatali niya ang sarili sa lalaking ito?"Arizona?" he murmured her name. Nahiga rin ito sa tabi niya.Ngunit pareho silang walang imik at walang tinag sa loob ng maraming minutong nagdaan.Lumundo ang kama nang kumilos ang lalaki.Naramdaman niya ang pagdapo ng mga titig nito sa kanya kaya napilitan siyang magmulat ng mga mata.Kahit na hindi naman niya ito makikita.Hinaplos ng masusuyong daliri ang mahabang buhok na nakalatag sa unan."Masyado kang tahimik," wika ni Tyler. "Having regrets already?"Umiling si Arizona."Bakit ako magsisisi?" sambit niya.Lumipat sa kanyang
Mesmerizing Eyes - Chapter13SINO ba namang lalaki ang hindi mahihibang sa kabigha-bighaning kariktan na ganito? bulalas ni Tyler sa sarili.Hindi niya maialis ang mga mata sa hubad na kagandahan.Nakaluhod sa Arizona sa ibabaw ng kama. Wala pa ring saplot sa buong katawan.Her naked body was exquisitely alluring. So utterly provocative. Maybe because she was unaware of her nudity as she begged at him with her beautiful eyes."Oh, Tyler!" she murmured imploringly. "You don't h--""I insist, Arizona," pakli niya. "Kung gusto mong ituloy ko ang pagpapaopera sa mga mata mo, pakasalan mo ako."Bumadha ang matinding pagkabigla sa mukha ng babae. "P-pero bakit--?"Gusto nang sumingasing ni Tyler. "I don't have to explain, Arizona. And I don't even have to insist," he expressed wrathfully. "Isa pa, hindi ka na dapat tumanggi dahil nakuha ko na ang lahat-lahat sa 'yo!"The woman f
Mesmerizing Eyes - Chapter12SOMEBODY was staring at her as she slept.Nararamdaman ni Arizona ang mga matang nakatitig sa kanya habang siya ay nahihimbing.She opened her eyes slowly.She was wont to move. Her limbs were feeling sluggish. In fact, her whole body was heavy and lethargic."W-who's there?" she murmured huskily.Pumikit uli siya. Gusto pa niyang matulog. Para bang napagod siya nang husto...She decided to snuggle back to her favorite pillow. Her hand groped for the big comforter.She stopped immediately when her palm encountered a hard and warm thing.The thin and curly hair on a masculine chest tickled her fingers.Nang mapagtantong hindi na panaginip ang nagaganap, tinangka ni Arizona na bumalikwas ng bangon."S-sino ka--?" she cried chokingly. Her unseeing eyes were full of misgivings."T-tyler?" Hindi siya makapaniwala. "A-ano'ng gina