MISTULANG housewife nga ang naging papel niya sa maghapong iyon. May pagka-demanding ang kanyang pasyente. Naiirita agad kapag nawawala siya sa tabi nito, gayong nag-aasikaso lamang siya ng mga abubot sa palibot.
The shower weakened his reservoir of strength kaya maghapong naidlip si Zane; but it was a restless sleep. Maya't maya ay nagigising na para bang binabangungot.
"God, it was worse!" bulalas nito nang maalimpungatan mula sa unang malalim na pagtulog, dakong takipsilim na.
Dumalo agad si Avery. Dinampot niya ang tuwalyang nakahanda para pamunas ng pawis nito upang idampi sa basang noo at leeg. May kaunting temperature pa ang lalaki. "It's over, you could sleep again," pang-aalo niya sa malamyos na tono. "You're safe now."
"I tried to save the babies but it's too late," patuloy ni Zane. Tila nangungumpisal ng isang pagkaka
GUSTO kong umiyak, ang sabi ni Avery sa sarili niya nang matapos ang umaalimpuyong unos ng mga emosyon. Ngunit nanatiling tuyo ang kanyang mga matang nakapikit lamang upang hindi niya makita ang mukha ng kanyang kasalanan, si Zane. "Avery?" His whisper was full of regret and something more powerful than anything on earth. Umungol siya nang hawakan siya ng mahahabang daliri sa magkabilang panga. Pinipilit siyang magmulat ng mga mata. "Sorry," bulong ng lalaki. "Nasaktan na naman kita." Hindi kumibo si Avery. Nananakit ang lalamunan niya dahil sa kasasambit ng pangalan ng lalaking nakaniig. Sa kalagitnaan ng nakahihibang na kasukdulan, hindi na niya alam kung ano pa ang mga katagang nasambit niya. "Marry me, Avery," wika ng paos na b
NAGPASIYANG lumiban sa pagpasok ang dalaga kinabukasan. Umalis siya ng bahay ngunit kay Casandra siya nagtungo. "O, Avery!" Nasorpresa ang kaibigan nang makita siya. "I thought you're in New Zealand? Hindi ka nakarating sa binyag, ha? Pero nauunawaan naman ni Eina, don't worry. Halika, upo. Ano'ng gusto mong inumin? Nagpapatimpla ako ng iced tea, gusto mo na ba 'yon?" Naiinggit si Avery sa kaibigan dahil wala itong kiyeme sa katawan. Casandra had always been good in body language and oral communication. Naalala niya ang love story nito, masalimuot din. "H-huwag ka nang mag-abala, Cassie. Nandito ako dahil gusto ko sanang kumustahin 'yong trabaho sa kumpanya ni Teon." "Sabi ko na nga ba, e. Mamaya na 'yon, ano? Balitaan mo muna ako ng tungkol sa aksidenteng nangyari sa New Zealand. Wala nang follow-up ang local news dito." Naupo
DAHIL pinaandar na naman ni Zane ang kapangyarihan ng salapi, naging madali ang mga preparasyon sa kanilang kasal. Avery was becoming depressed even though a small corner of her foolish heart was rejoicing. "Smile, Avery," Zane growled at her once while they were shopping for her wedding dress and trousseau. "You look dying," he added chidingly. "I'm sorry," bulong niya habang yumuyuko. Parang gusto na naman niyang maiyak. "Dammit, Avery! Don't cry here," he rebuked her in a low voice. "Baka isipin nila dito pinagbabantaan kita para magpakasal sa akin!" "I--I'm sorry," ulit niya, garalgal na ang boses. "Pero tutoo naman, hindi ba?" Tumindig ang lalaki upang alalayan siya palabas ng exclusive boutique. Nagpaalam ito sa sales manager. "Excuse us, ma'am, my fiancee's not f
Sleep with the Boss SYNOPSIS: Indeed… Love comes from the most unexpected places. Gasgas na ang linyang ito pero nagkakatutoo pa rin. Maingat at masinop na babae si Mina, isang sumisikat na interior designer. Sagad sa buto ang kahirapang natakasan niya gamit ang sipag at tiyaga. When she found a gorgeous man sleeping on her bed, lahat ng pinagpaguran ni Mina ay puwedeng maglaho na parang bula. Should she take the chance to gamble for love? But what if the love is just one-sided? Nakakatakot sumugal sa pag-ibig… But Lyon excites her so very much. He makes her feel alive and beautiful. But he feels only desire for her… Ano ang dapat piliin ni Mina? Love or security? * * * Sleep with the Boss - Chapter 1 Mina pushed back the long sleeve of her business suit to look at her gold wristwatch with the briskness of a busy person. "Late na ang eroplano, a?" puna niya
"Ma'am, would you like something to drink?" tanong ng magandang stewardess sa kanya. Tumango si Mina habang ngumingiti nang matipid. "A bottle of cold mineral water, please," tugon niya. "What about snack? We're still two hours away to our destination." Isinulat ng babae ang kanyang order at ang seat number sa dalang notepad. "No snack, thank you." Ipinahinga niya ang kanyang mga mata nang umalis na ang kausap. Nanghahapdi ang mga iyon dahil madaling-araw na siyang nakatulog kagabi. Halos magdamag siyang nag-sketch ng iba't ibang anggulo ng isang living room. Nabalitaan niyang mayroong bidding sa reconstruction ng isang salas sa isang pamosong mansiyon sa Forbes Park. Magpapadala siya ng kanyang presyo at ng kanyang ideas. Baka-sakaling manalo siya. She had the advantage of being a small company and, therefore, having a cheaper price. Katanghaliang tapat nang lumapag ang eroplano sa Cebu Airport. "Huu! Napakainit naman!" reklam
Bumuntong-hininga si Mina habang inilalabas ang kanyang wallet, pati ang sobreng kinalalagyan ng kontrata nila ng mayamang donya. Binasa ng lalaki ang harap at likod ng postal I.D. niya. "Mina Alvarez, twenty seven, single." Bumaling ito kay Sam matapos ibalik sa dalaga ang mga papel niya. "Boyfriend ka ba ni Mina?" Umiling ang binata. "Kapatid niya ako." Tumangu-tango ang lalaki na para bang may ina-aproba-han. "Okey. Puwede na kayong tumuloy." "Teka," pigil ni Mina nang tatalikod na ito para magpauna sa pagpasok. "Ano'ng pangalan mo?" Saka lang niya napagtanto ang panganib na papasukin nila nang maikumpara niya ang patpating katawan ni Sam sa matikas na hubog ng di-nakikilalang katiwala ng malaki at lumang bahay-Kastila. "Ako si Lyon," ang matipid na wika nito. "Ibinilin nga kayo ni Mang Waldo sa akin. Inaasahan nila ang inyong pagdating dito," patuloy nito habang isinasara ang tarangkahan. Inihatid sila ni Lyon sa itaas. "Marami sa
Napabilis ang pagpanaog niya. Her first instinct was to follow her brother. "Saan ka pupunta?" "Susundan ko ang kapatid ko," tugon niya. Malapit na siya sa pinto nang maabutan siya ng lalaki. "Hindi na bata ang kapatid mo para sundan-sundan kapag umaalis. Kanina pa naghihintay ang pagkain," ang paangil na pahayag nito. Napahinto si Mina. Pinilit niyang sikilin ang sumibol na pag-aalala. Bakit ba parang naging nerbiyosa siya magmula nang tumuntong sa bahay na ito? panunuya niya sa sarili. "S-sorry," she apologized. "Bakit hindi mo ako ginising kanina?" dugtong niya, in a curious manner. "Nagpunta ako sa kuwarto mo kanina. Kaya lang, nag-alangan akong gisingin ka dahil mahimbing ang tulog mo," wika ng lalaki. Nauuna ito sa paglalakad patungo sa kusina. Namutla si Mina bago namula nang marinig ang tinuran ni Lyon. "P-pumasok ka sa silid ko?" paniniguro niya. The tall man nodded as he gave her a sideways glance. "Don't worr
Hindi napigil ni Mina ang manginig na para bang giniginaw nang muli siyang mapaupo sa silyang pinanggalingan. Nakabadha ang matinding pagkalito sa kanyang mukhang namumutla. He stared at her broodingly for a long moment before moving away from her. Bumigat ang katahimikan habang nagsasalin ng mainit na likido sa dalawang tasa ang lalaki. "Thank you," she mumbled in a subdued tone as she accepted the cup and saucer. Lyon inclined his dark head in acknowledgement. He looked very formal suddenly. Tumikim lang si Mina ng dessert at ininom niya nang mabilis ang kape para makaalis na siya sa hapag-kainan. "Excuse me," aniya habang tumitindig. Awtomatiko ang pagdampot ng mga kamay niya sa mga pinagkanan. "Ako na ang bahala sa mga pinggan," wika ng lalaki. "You do your stuff. That's what you're being paid for." "I believe in division of labor, Mr. Zavala," pakli niya. "Besides, hindi pa naman oras ng trabaho ko." Tiningnan siya
Mesmerizing Eyes - Chapter20"AT last, Mrs. Romulo!" bulalas ng butihing duktor ni Arizona, si Dr. Pierrie. "You shall be able to see how handsome I look!" dugtong pa, pabiro.Excited di si Arizona ngunit ayaw niyang bumigay agad.Paano kung hindi naman pala tagumpay ang operasyon?She killed the ugly thought right away.Hindi dapat mabigo ang lahat ng mga pinaghirapan ni Tyler.Oh, Tyler...! daing ng puso niya. Bakit hindi ka dumating ngayon?She had a series of short but delicate eye operation by laser technology, in the past few weeks.The last one was major. And her husband had remained beside her even though she was unconscious with drugs.Ngunit nang matiyak na wala siya sa peligro, nagpaalam ito na 'sasaglit' lang sa farm para kumustahin si Terry.Ang 'saglit' na iyon ay halos isang linggo na.Nagpadala na raw ng email si Dr. Aguilar. At tumaw
Mesmerizing Eyes - Chapter19 SINIKRETO ni Arizona ang katulong na si Chedeng, bago siya nagtungo sa kumedor. Hinanap niya ang lumang maleta niya na kinalalagyan ng mga tunay na damit. "Dadalhin ko ang mga iyon, Chedeng. Pakisigurado mong naikarga iyon sa sasakyan ng Sir Tyler mo, bago kami umalis, ha?" Ginaya niya ang tono ni Terry kapag nag-uutos sa mga katulong. Magiliw na may kaunting tigas. "Opo, Ma'am Arizona," ang magalang na tugon naman ng kausap. Isang matamis na ngiti ang ibinigay niya rito bilang pasalamat. Naghihintay na ang magkapatid sa hapagkainan nang makarating siya sa kumedor. "Nandito na pala si Ate. Puwede na tayong mag-umpisa," pahayag ni Terry. "Sorry I'm late," wika ni Arizona habang nauupo sa silyang hinila ni Tyler para sa kanya. "It's alright. You look very lovely tonight," papuri ng baritonong tinig ni Tyler. "I like your dress, darling," dugtong
Mesmerizing Eyes - Chapter18 ARIZONA was having a fantastic dream. Tyler was making love with her so exquisitely. His intense kisses were explicitly sensual. His caresses were thoroughly erotic. Iba ang sidhi ng pagnanasang ipinalalasap sa kanya ng mga labing pangahas at dilang mapusok. The fires of passion devoured her inhibitions mercilessly. Her insistent lover was demanding her complete and absolute surrender. I love you... Mula sa kungsaan, biglang sumulpot ang mga katagang iyon. She was longing to hear those sweet words. Walang kasintamis ang pakiramdam niya nang maulinigan ang mga iyon. Para bang napalis na naman ang dilim na nakabalot sa kanya. You're mine, my beautiful goddess... Hindi makapaniwala si Arizona sa mga naririnig. Nananaginip pa ba siya? Pinilit niyang palisin ang mabigat na lambong ng antok. But she d
Mesmerizing Eyes - Chapter17THE days had passed blissfully. And the nights tempestously erotic.Payapa ang mga araw na sumunod, matapos ang simpleng kasal.Their daily routine had developed naturally.Sa umaga, isinasama siya ni Tyler sa paglilibot nito sa farm.Nakasakay sila pareho sa malaking kabayo nito. Ngunit malimit ay sa landrover na minamaneho ng isang tauhan.Basta't ang importante para sa asawa, laging nakayapos sa kanya ang mga bisig at laging magkadikit ang kanilang mga katawan.He introduced her to the lush and rich nature that surrounded them through vivid descriptions. Inilalarawan nito maging ang mga ibon na masisiglang nagliliparan sa mangasul-ngasul na kalangitan.O di kaya'y, mahihiga sila sa gitna ng parang. At magtatalik sa ibabaw ng mga bulaklak at mga damong ligaw.Anupa't ang bawa't sandali ay naging tigib ng tamis at ligaya dahil lagi silang magk
Mesmerizing Eyes - Chapter16IBAYONG pagkapahiya ang nadarama ni Arizona sa mga sandaling dapat ay napakaligaya niya.Paano'y napagtanto niyang hindi siya ipinakilala ni Tyler bilang isang bulag.Ang buong akala ng huwes, kumpletung-kumpleto siya.She heaved a deep sigh. Parang gusto niyang umiyak ngunit hindi naman niya magawa. Wala naman siyang tiyak na dahilan.Kung tutuusin nga, she was now in an enviable position.Tyler was one of the most eligible bachelors in this place. O kahit na saan mang lugar.Simpatiko na, mayaman pa.Napakasuwerte na para sa isang bulag na katulad niya ang makasilo ng ganitong klaseng lalaki.Ngunit bakit hindi na niya magawang sumaya?"Penny for your thoughts?" Nakalapit na pala sa kinaroroonan niya si Terry. "Tila napakalalim naman ng iniisip ng aking bagong hipag?"She summoned a smile on her stiff lips. "H-hindi naman," she
Mesmerizing Eyes - Chapter15NAWALAN ng malay-tao ang dalaga, dahil ibig niyang takasan ang humiliyasyon.Ngunit nang magising siya matapos ang ilang minuto, naghihintay sa kanya ang mga problema.At ang matinding kahihiyan na ayaw niyang harapin.Somebody was fanning her face with a piece of carton.While another was dangling an ammonia-wet cotton-ball near her twitching nose.She protested mutely. She did not like the pungent smell of the first-aid medicine.Dahan-dahan siyang nagmulat ng mga mata."Gising na siya," anang tinig ni Terry, kasabay ng pagkawala ng mabahong amoy.Maya-maya, may gumagap na mainit na palad sa kanyang kamay.Si Tyler."Kumusta na ang pakiramdam mo, sweetheart?"There was a protesting gasp from Terry.Nailang tuloy si Arizona. "Uh, m-mabuti na," tugon niya habang pilit na ibinabangon ang sarili.Maagap na umala
Mesmerizing Eyes - Chapter 14NAKAPIKIT pa rin si Arizona kahit na naihiga na siya ni Tyler sa malambot na kama.Diyos ko, nababaliw na ba ako? usal niya sa sarili. Pumayag akong magpakasal sa isang lalaking hindi ko pa nakikita!Hindi ba tatanaw lang siya ng utang na loob kay Tyler Romulo?Bakit ipapatali niya ang sarili sa lalaking ito?"Arizona?" he murmured her name. Nahiga rin ito sa tabi niya.Ngunit pareho silang walang imik at walang tinag sa loob ng maraming minutong nagdaan.Lumundo ang kama nang kumilos ang lalaki.Naramdaman niya ang pagdapo ng mga titig nito sa kanya kaya napilitan siyang magmulat ng mga mata.Kahit na hindi naman niya ito makikita.Hinaplos ng masusuyong daliri ang mahabang buhok na nakalatag sa unan."Masyado kang tahimik," wika ni Tyler. "Having regrets already?"Umiling si Arizona."Bakit ako magsisisi?" sambit niya.Lumipat sa kanyang
Mesmerizing Eyes - Chapter13SINO ba namang lalaki ang hindi mahihibang sa kabigha-bighaning kariktan na ganito? bulalas ni Tyler sa sarili.Hindi niya maialis ang mga mata sa hubad na kagandahan.Nakaluhod sa Arizona sa ibabaw ng kama. Wala pa ring saplot sa buong katawan.Her naked body was exquisitely alluring. So utterly provocative. Maybe because she was unaware of her nudity as she begged at him with her beautiful eyes."Oh, Tyler!" she murmured imploringly. "You don't h--""I insist, Arizona," pakli niya. "Kung gusto mong ituloy ko ang pagpapaopera sa mga mata mo, pakasalan mo ako."Bumadha ang matinding pagkabigla sa mukha ng babae. "P-pero bakit--?"Gusto nang sumingasing ni Tyler. "I don't have to explain, Arizona. And I don't even have to insist," he expressed wrathfully. "Isa pa, hindi ka na dapat tumanggi dahil nakuha ko na ang lahat-lahat sa 'yo!"The woman f
Mesmerizing Eyes - Chapter12SOMEBODY was staring at her as she slept.Nararamdaman ni Arizona ang mga matang nakatitig sa kanya habang siya ay nahihimbing.She opened her eyes slowly.She was wont to move. Her limbs were feeling sluggish. In fact, her whole body was heavy and lethargic."W-who's there?" she murmured huskily.Pumikit uli siya. Gusto pa niyang matulog. Para bang napagod siya nang husto...She decided to snuggle back to her favorite pillow. Her hand groped for the big comforter.She stopped immediately when her palm encountered a hard and warm thing.The thin and curly hair on a masculine chest tickled her fingers.Nang mapagtantong hindi na panaginip ang nagaganap, tinangka ni Arizona na bumalikwas ng bangon."S-sino ka--?" she cried chokingly. Her unseeing eyes were full of misgivings."T-tyler?" Hindi siya makapaniwala. "A-ano'ng gina