Matapos ang Lunchbreak dumeretso agad ako sa Gymnasium, Wala naman akong klase sa susunod na dalawang oras kaya free akong tumambay dito at manood ng practice ni Myloves. syempre doon ako naka-pwesto sa favorite spot ko. Sa hindi masyado makikita ni Myloves, pero siya kitang kita ko haha,
Actually ang aga ko nga 'e, maya-maya pa naman ang practice nila dahil nag-papahinga pa ang mga 'yon. kaso dahil excited ako ay dito na ako tumambay para ako 'yung ma-uuna 'di ba? Ngayon palang na hindi pa ako Girlfriend ni Myloves, Ganito na ako ka-supportive sa kanya, Paano pa kaya kapag naging kami na? Tsk, Si Myloves kase mahina 'e, hindi pa napapansin ang ka-dyosahan ko, Edi sana araw araw siya may Inspirasyon 'di ba?
"Ok Eizel ayan kana naman, Mag-review kana lang muna habang nag-hihintay sa Myloves mo." kausap ko sa sarili ko, nakakabaliw talaga kapag mag-isa kalang 'e, tapos ikaw pa 'yung tipo ng tao na madaldal at hindi nauubusan ng sasabihin. Hayyy Makapag basa nga ng notes ko para hindi rin ako napapagalitan ng Bestfriend ko. Aral muna bago landi ang moto no'n 'e.
Makalipas ang mahigit kalahating oras ng pag-babasa ng notes ko, napatigil ako at sinara ang notebook na hawak, Naririnig kona kase ang ingay ng team ni Myloves. Nilibot ko ang tingin sa paligid, May ibang tao na rin pala ang nandito, Hindi ko napansin dahil focus ako sa binabasa ko.
Maya maya lang sunod sunod na nag-pasukan ang Teamates ni Myloves. Nag-nining ang mga mata ko ng makita ko siya, ang gwapo talaga ng lintek! Bagay sa kanya ang suot na Jersey short at manipis na white tshirt. Dumeretso ito sa bleacher kung saan sila naka-pwesto. Nag-Stretching muna sila saglit bago nag-practice.
Tutok na tutok ako sa bawat galaw ni Myloves, Bakit ang unfair? kahit anong angulo ang gwapo pa din niya? Ang lakas pa rin ng dating? Tsaka ang solid ng bawat galaw niya nakaka-inlove lalo! Nag five minutes break sila, Sakto nakita kong kinuha ni Myloves ang Cellphone niya sa sports bag na dala, Mukhang may binabasang text. Alright pag-kakataon ko 'to para itext siya.
Me To Myloves: Hi Myloves, ang galing mo talaga kahit practice game palang, Tsaka Bakit ang gwapo mo pa rin kahit pawis na pawis ka?
Tumingin agad ako sa gawi niya ng ma-send kona ang text ko, Napangisi ako ng kumunot ang noo nito at nilibot ang tingin sa paligid. Iniwas ko naman agad ang tingin ko sa kanya at nag-kunwareng nag-babasa. Sa dami ng tao dito ngayon at sa layo ko sa kanya imposibleng makita niya ako, Ayaw ko lang maramdaman niya na may nakatingin sa kanya hehe.
Nang tinawag na sila ng coach nila ay doon lang natigil si Myloves kakatingin sa paligid, Salubong ang kilay nito ng ibalik ang phone sa bag. hihi sorry Myloves hindi pa ito ang tamang panahon para makilala mo ang Dyosang katulad ko.
Nang malapit na ang next class ko ay sumibat na ako paalis sa Gym, Ok na ako. Nakasilay na at buo na ang araw hahaha.
**********
Sa bawat araw na nag-daan hindi ako pumalya sa pag-ttext kay Myloves. Lalo na kapag-nakikita ko siya, Gusto ko lagi nakikita ang reaksyon niya kapag nababasa niya ang message ko.
Katulad ngayon nakikita ko siya sa pwesto ko. Nakasimangot nakatingin na naman sa cellphone niya na parang may hinihintay. Ako nag-dududa na talaga ah! araw araw ko napapansin na lagi siyang nakatingin sa Cellphone niya. Sino ba ang hinihintay niya mag-text? meron ba akong hindi alam? Argh! kailangan ko ata ng tulong ni beshie ko. pero bago 'yon itetext ko muna si Myloves, Hindi ko pa pala siya natetext ngayon umaga hinintay ko muna kase na makita siya.
Nag-tipa ako ng message ko para kay Myloves.
Me To Myloves: Goodmorning Myloves, Bakit ang aga-aga nakasimangot ka?
Napaayos ito ng upo ng mabasa niya ang text ko, Napanguso naman ako ng mas lalong mangunot ang noo niya, Parang hindi niya nagustuhan na nag-text ako ah. Badmood ba siya? Nilibot na naman niya ng tingin ang paligid, Lagi ganito ginagawa niya akala mo naman talaga makikita niya ako.
So dahil isa akong dakilang mag-iinis asarin pa natin ang Myloves ko, Hindi din ako natutuwa na lagi siyang naka-abang sa phone tapos hindi naman text ko ang inaabangan niya.
Me To Myloves: Ayan kana naman Myloves 'e, Patingin tingin kana naman sa paligid, Sabi ko naman sa'yo hindi mo ako makikita. Why so cute?
Biglang tumayo ito, mas lalong bumusangot ang mukha niya. hahaha pero kahit ganoon ang gwapo pa din talaga 'e, Bigla itong nag-walk out tinatawag siya ng teamates niya kaso hindi niya pinansin, Hala napikon? Mabilis ko siyang minessage.
Syempre para asarin lalo hahaha.
To Myloves: Cute talaga 'e, Walk out pa more Myloves,
Putek nawiwili akong asarin si Myloves, Baka mapikon ng tuluyan 'yon tapos iblock na ako ng tuluyan sa contacts niya. Naku! Dapat simula ngayon sweet message lang ang lagi kong itetext sa kanya.
******
Eto na naman gabi na naman at duty ko na naman tumambay sa Wall ni Ivan Myloves, Hindi ko alam bakit nagiging routine kona 'to gabi gabi. Lagi na nga ako pinag-sasabihan ni Beshie na OA kaso anong magagawa ko? Malakas tama ko sa kambal niya, Tsaka hanggang sa ganitong paraan lang naman ako may lakas ng loob. Eto na nga lang 'yung pinang-hahawakan ko 'e.
So dahil wala naman masyadong bago sa wall ni myloves, Umalis na ako doon at nag-status nalang ako ng kalokohan. Maiba naman.
Eizel Francine Evangelista
"Sa sobrang pag-iisip ko sa'yo para na akong adik."
Your post was shared
Wala pang ilang minuto ng makita ko ang sunod sunod na comment ng mga kaibigan ko. Natawa ako ng mahina, Pag tsismiss talaga ang pinag-uusapan ang bibilis.
Marjorie Jade Lucas commented on the status that you shared.
Kyrah Bersamina commented on the status that you shared.
Markisha Ivy Barcelon commented on the status that you shared.
Marjorie Jade Lucas: ano 'yan bakla?
Kyrah Bersamina: Mukhang in-love ka sis, Sino 'yan, Share naman.
Markisha Ivy Barcelon: Adik ba? o Baliw? hahaha
Eizel Francine Evangelista (Me) : Sshh ang ingay, Secret na malupet 'to. hahaha
Kyrah Bersamina: Aba-aba! Share mo samin 'yan sa GC tayo.
Marjorie Jade Lucas: Oo nga, Tara don.
Mapapasubo pa ata ako. hindi na ako nag-comment sa post ko, Wala pang ilang sandali nag pop up na ang name ng GC namin, Nag-kakagulo na sila. Atat na atat sa tsimiss.
Marjorie: Hoy bakla ng taon, ano na? ano 'yung status mo?
Kyrah: Inlove ka 'no? sino 'yon?
Markisha: Sabihin mo na beshie. haha
Eizel(Me): H'wag kayo maingay kapag sinabi ko sainyo ah? Baka pag nalaman niyo lagi kayo mag-parinig? nakoo.pag sinabi niyo 'yon, Magkalimutan na!
Haha maloko nga 'tong dalawa na 'to. Hindi ko p'wede sabihin sa kanila, Hindi pa ito ang tamang panahon. kami muna ni beshie. Sasabihin ko din naman sa kanila but not now. Tsaka mas ok kapag personal ko sasabihin hindi 'yung sa chat lang.
Kyrah: Kilala ba namin 'yan?
Marjorie: Ang tagal mag-reply, Mukhang kilala nga natin.
Kyrah: Kilala nga ata natin pinsan, seen lang oh.
Eizel(Me): Ayoko na nga. nagbago na isip ko mahirap kapag sinabi ko sainyo e. Hahaha kilala ko kayo. So Goodnight girls see you! Byeee
Markisha: Loka ka beshie, Nag-hintay 'yung dalawa.
Marjorie: Pati ba naman ikaw bakla papaasahin kami? Nasaan ang hustisya!?
Kyrah: Ang unfair!
Eizel: Sorry girls, Next time nalang ayokong dito sa chat sabihin, Gusto ko sa personal. Sleep na kayo hahaha Goodnight!
Marjorie: Ano ba 'yan! Humanda ka sakin bakla kapag nag-kita tayo. Excited pa naman ako! Oh sige, Mag si tulog na tayo. Goodnight!
Napangisi nalang ako, For sure puro sabunot at hampas ang makukuha ko sa dalawang 'yon kapag nalaman na nila kung sino ang tinutukoy ko sa post ko.
Namimiss kona rin ang dalawang mag-pinsan na'yon. Akalain mo dati kaaway lang namin sila dahil patay na patay si Kyrah kay Papa sky. Tapos ngayon BFF na namin. Daming ganap noon. Tapos sa bandang huli naging mag-kakaibigan din. Gulo 'di ba? Lakas din ng tama.
Ramdam namin ni beshie na totoo lahat ng pinapakita nila, Hindi nila kami pina-plastic, Siguro kaya ganoon sila dati dahil wala silang friends? or baka ayaw sa kanila. charr lang, Mabait kase si Beshie Kisha naiintindihan niya 'yung kalagayan dati ni kyrah at Marj, Nag-hahanap lang sila ng taong tatanggapin sila kung ano sila.
'Yung mamahalin sila ng buo, hindi kase naranasan ng mag-pinsan 'yun. Kulang sila sa pansin, kaya noon puro pag-papansin ginagawa samin. Tsaka na-inlove kay papa sky, iba din kase talaga ang nagagawa ng pag-ibig, Lalo na kung mahal na mahal mo 'yung tao. Talagang kakalabanin mo ang umaaligid 'e. Well i know that feeling. Since bata pa lang kami ni Ivan Myloves gawain ko na 'yon hehe
Dahil tanggap namin 'yung dalawa, naging open sila samin at pinakita nila ang tunay na sila. And now mag-kakaibigan na kami. Pinapahalagahan ang bawat isa. Hindi nag-kamali si beshie na patawarin 'yung mag-pinsan, Deserve nila ang second chance at mahalin.
Ang parents kase nila puro trabaho, Walang oras sa kanila, hindi nila naramdaman na may parents sila. Mabigay lang ang luho ayos na sa mga ito. kaya 'yung dalawa nag-rebelde.
Kaya kahit galit ako nung una doon sa dalawa, nang malaman ko ang nasa likod ng lahat kung bakit ganoon sila ay tinanggap ko sila ng buo.
Ngayon ay masaya ako dahil nakahanap kami ni beshie ng bagong kaibigan at may kasama na ako sa kalokohan hehe
Makatulog na nga maaga pa ako bukas. Sisilay pa ako sa myloves ko. hihi
******
************KINABUKASANPag-mulat na pag-mulat ng mga mata ko, agad kong kinapa ang cellphone ko na nasa bedside table, magsesend ako ng quotes kay myLoves. Maiba naman. Baka nauumay na siya sa paulit-ulit na minemessage ko sa kanya 'e.Me To Myloves: Did you feel a little warm in the morning? I sent you warm hugs in my thoughts. Goodmorning Myloves! Have a wonderful day. Ingat pag-pasok.Sana naman kiligin siya ng konti, Baka mas sumimangot ang mukha no'n kay aga-aga 'e. Bumangon na ako para makapag-asikaso sabay kami papasok ni Beshie ngayon.**Naglalakad na ako patungo sa bahay nila Beshie ng makita ko agad siya sa labas nila, Malawak akong napangiti, Bibihira nalang kami nag-kakasabay dahil lagi siya sinusundo ni papa sky.pero 'yung ngiti ko unti-unting nawala ng mapansin ko 'yung nasa likod ni Beshie. Oh my g
Papunta ako ngayon sa Gym, may dala akong dalawang gatorade para kay myloves, ilalagay ko 'to kung saan siya madalas naka-pwesto kapag-nagppractice sila, Mag-iiwan nalang ako ng note na saking galing. Sana tanggapin niya at inumin 'to. Napansin ko kase na mahilig siya sa ganitong inumin kapag-nag-lalaro.Actually wala sana akong balak manood ng practice today dahil balak kong makipag-chikahan kay Beshie, Sabay kami nag-lunch kanina at nilibre ko din siya katulad ng pinag-usapan namin kaninang umaga, Umalis lang agad ako sa Cafeteria ng dumating si papa sky niyaya kase nito si Beshie sa music room, Niyaya din naman nila ako kaso tumanggi ako, Hinayaan ko si papa sky na masolo si beshie, Magiging epal lang ako kapag sumama ako, So dahil solo flight na naman naisipan kong manood nalang ng practice nila Myloves,Nang makarating ako sa Gym saktong walang tao, chineck ko munang maige kung ako lang talaga,
"Yes! nakagawa na din ako ng dummy account, mamaya ko nalang i-aadd si Myloves" masayang sambit ni eizel, Nasa Classroom siya ngayon, Wala silang Prof kaya nakagawa siya ng dummy account."Itetext ko na si Beshie na nakagawa na ako ng account." Kinuha niya ang phone sa bulsa at tinext ang kaibigan.Eizel: Beshie! nakagawa na ako ng dummy account. Sabihin mo sa'kin kapag, Go na tayo sa plan natin ah?Beshie Kisha: Ang bilis haha, sige mamaya pag-uwi, subukan kong hiramin phone ni kuya. Itetext agad kita kapag hawak kona 'yung phone, H'wag mo muna siya i-aadd ah. Or kung hindi pupuslitin ko 'yung phone niya para hindi mag-hinala. Wait mo lang text ko.Napangiti siya ng mabasa ang text ng kaibigan, sabik na siya na maging friend si Ivan, Malakas ang pakiramdam niya na mag-rereply ito sa chat n'ya.Eizel: Yes, thank you beshie. wait ko nalang text mo
Nakadapa siya habang nag-tatype ng message sa kaibigan, Gusto niyang ipaalam muna dito ang nang-yare bago siya matulog. Eizel: Beshie oh my gosh! Beshie Kisha: Oh bakit beshie? Eizel: Beshie sheteng gala! Nireplyan ako ni Myloves, Nag-kausap kami thru Chat! Beshie Kisha: Talaga?! Eizel: Mag-ka chat kami kanina, kinikilig ako hahaha tapos tinanong niya ako bakit hindi ako nanood ng practice kanina. Beshie Kisha: Tapos? dali kwento mo. haha isang himala na nag-reply sa'yo si kuya. Eizel: Ayun pag-katapos ko ipaliwanag kung bakit, sineen nalang ako. Beshie Kisha: Aysus! ang abnormal talaga ni kuya, Eizel: Hindi ko alam kung makakatulog ako nito haha, nakakaloka man isipin pero injured kamay ni myloves tapos doon lang siya nag-reply
EIZEL Hindi ako makapag-focus sa pakikinig sa prof namin, Nasa isip ko ang mga text ni beshie. 'yun ang gumugulo sa isip ko, Gusto na akong makilala ni myloves, pero paano niya gagawin 'yun? Bakit? Hindi pa ako handa. Natatakot pa rin ako sa totoo lang, kailangan ko na mag-ingat sa bawat galaw ko, gumagawa na siya ng move para mahuli ako. Nagiging interesado na sa'kin si Mylovess. Paano kung makilala niya ako? malaman niya na ako na bestfriend ni kisha ang nasa likod ng lahat? magagalit kaya siya sakin? lalayo kaya siya? Baka sa sobra niyang galit pag-layuin niya kami ni beshie? Hays, ginugulo na naman ni myloves ang isip ko, tsk, focus na muna ako sa pakikinig baka tawagin ako ng prof tapos wala akong maisagot nakakahiya. Natapos ang unang klase namin na hindi naman ako napatayo, Nakasagot din ako sa quiz na ibinigay, ngayon naman ay inanunsyo ng isa kong ka-klase na wala ang su
EIZEL Grabe akala ko isang araw lang ang tampo sa'kin ni Myloves, Isang linggo na ang nakakalipas, pero hanggang ngayon hindi niya ako nirereplyan, Maski seen sa chat ko ay hindi niya ginagawa.Ganoon na ba kasama ang loob niya sa'kin? Hindi ko din siya nakikita sa Cafeteria, Hindi din ako nakaka-punta sa Practice niya dahil busy na naman ako sa isang research paper. Araw araw ko siyang tinetext at chinachat pero wala snob na talaga niya ang Beauty ko.Si Beshie din nag-kikita lang kami kapag- same kami ng subject pero hindi kami nakakapag-usap dahil busy kami sa pakikinig at sa mga quiz. Bibihira kami mag-sabay mag-lunch dahil mag-kasalungat ang oras naming dalawa. Sobra na akong nalulungkot, itetext ko na si Beshie, Kailangan ko ng makaka-usap. Kailangan ko ng malalabasan ng sama ng loob.Me to Beshie Kisha: Beshieeee.&nbs
EIZELMark Ivan Barcelon: Hey Francine, uhm, can we talk?Oh my gosh! Totoo ba talaga 'to? chinat na niya ako? so means namiss niya ako? Waaah, Gusto ko tumili, gusto ko mag-wala pero hindi ko magawa dahil nasa room ako, wala kaming prof pero nakakahiya sa mga ka-klase ko baka isipin na nababaliw na ako. Well, baliw naman talaga? baliw sa team captain ng Basketball. nanginginig ako hindi ko alam kung sino ang uunahin ko. Kung rereplyan ko na ba si Myloves o ibabalita ko muna kay Beshie ang pag-chachat ng kambal niya.Ilang minuto palang ang nakakalipas simula ng mag-kausap kami ni beshie. Nag-post lang ako ng ka-dramahan ko at eto na! Nag-chat na siya. Ano kayang gusto niya sabihin sa'kin?Pero bago ang lahat kailangan ko muna ito ipaalam kay beshie. Nanginginig ako habang nag-tatype ng message. Geez! Calm down self.Me to Beshie Kisha: Beshieeeeee!
EIZEL Sabi ni Beshie sa'kin na palipasin ko ang ilang araw 'di ba? So pwede ko na replyan si Myloves? Pero syempre masungit at pakipot pa rin muna ako. rereplayan ko ngayon ang chat niya.*Chat Convo*Me: Why Ivan? Hindi ba ito naman ang gusto mo? Ang tigilan kita at hindi na mang-gulo sa'yo?Me: Sorry kung kinulit kita ng two years mahigit, alam kong na pwerwisyo kita sa kakulitan ko, hayaan mo dahil nag-desisyon na akong tigilan ka, I'm sorry sa lahat Ivan.Napangisi ako sa naging reply ko, pwede na akong maging artista nito haha.Seen. Nabasa na niya. ano kayang irereply nito.Mark Ivan Barcelon: No, Please don't do that. H'wag mo akong sukuan please? Ikaw lang ang taong nakatagal sa ugaling meron ako. Hindi mo ako sinukuan ng dalawang taon.Mark Ivan Barcelon: Please basahin mo lahat ng sasabihin ko. please, ayokong mawala ka, a
Nakangiting lumapit sa'kin ang mga kaibigan ko may mga dala silang paper bag. Napangisi ako. For sure regalo nila 'yun sa'kin haha excited tuloy ako. Tumayo si Myloves at hinayaan na maupo sa tabi ko sila Beshie. Tumabi siya kay papa sky na nasa kaliwang upuan, Tinanguan lang niya ako habang nakangiti sa'kin, tapos bumaling na kay papa sky, May pinag-uusapan sila na hindi ko din maintindihan 'e. "Here bakla this is my gift, sana magustuhan mo." Nakangiting inabot sa'kin ni marj ang brown paper bag. "eto naman 'yung akin sis." Isang white paper bag naman ang inabot sa'kin ni kyrah. "Beshie gift ko." Kinuha ko ang inabot na paper bag ni Beshie at Kyrah. Medjo may kalakihan ang kay Beshie. Gosh, akala ko wala silang regalo sa'kin. 'yun pala meron pa rin, Nakakatuwa naman. "Open mo na baklaaa ang regalo namin sa'yo!" Excited na tili n
Sabay sabay kaming nag-lakad palabas ng dressing, kasama si ate kim. I invited her. From now on friends na kami.Habang nag-lalakad hindi ako mapakali, shems sobra na 'yung kaba ko."Hey, are you ok bakla?" Tanong sakin ni marj, siya kase ang kasabay ko sa pag-lalakad habang nasa unahan naman sila Beshie."Kinakabahan ako bakla, eto na ba talaga? ikakasal na ba talaga ako? Hindi naman panaginip 'to 'di ba?""Kalma bakla, totoo na 'to. Ikakasal na kayo ng myloves mo. Chill lang hindi naman nangangain 'si judge ang gwapo nga 'e." kinikilig na sambit ni marj, loka loka pati 'yung mag-kakasal samin naging crush pa ata ng maharot na 'to."Beshie, inhale-exhale 'wag ka kabahan halata sa'yo 'e. Baka isipin ng makakakita sa'yo ayaw mo talaga makasal kay kuya sige ka." Napaayos ako ng tayo. Aba aba wala silang alam sa m
EIZEL POV Ngayon ko lang napansin na wala siyang pinakitang sing-sing sa'kin. Anong klaseg proposal ang pakulo nitong si Myloves? Ngayon ko lang din napansin talaga dahil lutang ako sa mga kaganapan na nang-yayari. Saka 'di ba pag-nag-popropose may sing-sing? Bakit siya wala? Napakamot siya sa ulo. Nakooo mukhang alam ko na, Nakalimutan niya! "Sabi na mahahalata mo." "Malamang myloves!" Naka-pameywang na ako sa harap niya ok na sana lahat 'e. Mula umpisa kaso.. "Wala ka talagang sing-sing ano?" "Tss. meron! actually mamaya 'yon, pag-kinasal na tayo. Gusto ko sabay isusuot sa'yo para maiba naman. At ikakasal din naman tayo ngayong araw. Gusto ko maiba sana. Pero sige, kukunin ko lang 'yung sing-sing hin----" pinigilan ko siya, meron naman pala. Akala o wala talaga iba lang talaga ang trip ni Myloves.
EIZEL POVOh my gosh, totoo ba talagang nang-yayari ang mga ito? Grabe sila, hindi man lang pumasok sa isip ko na may pa surprise sila.This is a big big surprise! I can't think properly anymore my gosh! Matapos malatag ang redcarpet. yes, may pa redcarpet pa sila! Unti-unti ko naman sinundan ang kabilang dulo nito. at doon nakita kong nakatayo ang taong mahal na mahal ko. Grabe, miss na miss ko talaga siya. Unti-unti na siyang humakbang papalapit sa'kin, Nasa gitna na siya ng red carpet, muli siyang sumayaw at sinabayan ang kanta."I'll say will you marry me..I swear that I will mean It..I'll say will you marry me..I'll say will you marry me.."Oh my gosh totoo ba 'to? tama ba ang nasa isip ko? Grabe ka Mark Ivan.. At sa isang iglap nasa harap ko na siya. Nakangiti siya habang kinukuha ang isang kamay ko, Tapos lumuhod
Tumayo rin sila marj at kyrah nakasunod sila samin. Saan ba kami pupunta?"Wait bakit mo ako hinihila beshie? Nag-sasalita pa si Myloves 'a.""Bakla 'wag ng maraming tanong ok? 'wag na umangal. At hindi na mag-sasalita si Myloves mo hanggang doon nalang ang speech niya. So shut up kana lang and go with the flow." sambit ni marj na nasa likod ko. "Oo nga sis, Gosh sobra 'yung kilig ko. Haba ng hair mo eizel. Ikaw na talaga!" Singit naman ni Kyrah. Wala akong nagawa kung hindi sumunod, kung saan ako dadalin ng mga ito.Nakarating kami sa pinaka gitna ng gym, luh anong ginagawa namin dito?! 'wag nilang sabihin na may biglaan kaming introduction number?! Nako1 masasabunutan ko sila, wala silang sinabi sa'kin 'a.Humarap sa'kin si Beshie, Napamaang ako ng makita ko siyang umiiyak. Nataranta ako, bakit siya umi
Kung alam lang nila ang totoo na para na akong mababaliw sa bahay at wala naman akong matinong tulog noon dahil sa kakaisip kay Myloves."WELCOME BACK IDOL! You look beautiful today!" Nakangiting sambit naman ni Ken, Ngumiti naman ako pabalik. ang sarap sa feeling na masabihan ng maganda kaya hahaha"Welcome Back Eizel." Nakangiti ding sambit ni papa sky."Thank you guys namiss ko kayo!""Namiss ka din namin baklaa, Hindi talaga masaya kapag wala ka sa barkada, si Ken naman ka-umay mga jokes e." Nang-iinis na sabi naman ni Marj,"Hoy grabe ka marj, parang hindi kita nahuhuling tumatawa sa mga jokes ko, Minsan nga ikaw pa ang malakas tumawa 'e." ganting sabi naman ni Ken."Hoy ka rin, minsan lang nakaka chamba ka." "Tama na 'yan, para talaga kayong aso't
EIZEL POV Kinuha ko agad ang susi ng aking Baby at lumabas na para puntahan ito, Gosh! I miss my baby tsikot. huhuhu ilang linggo din akong naka-kulong sa kwarto ko. At ngayon para akong t*nga na ninanamnam ang simoy ng hanging pang-umaga at ang ambiance. Finally, makakapasok na ulit ako, kating kati na akong makita ang magaling kong Boyfriend . 'O wait Boyfriend ko pa nga 'ba siya? TSk. Nako Mark Ivan siguraduhin mo lang na maganda ang dahilan mo sa'kin, kung hindi may sapak ka talaga. Nag-tungo na ako sa malaki naming gate para buksan iyon, Saktong bumungad din si Beshie na abot ang pag-kakangiti sa'kin. "Goodmorning Beshie ko! i miss youuuuu." Bigla ako nitong niyakap ng mahigpit. Niyakap ko naman siya pabalik, ilang araw din kaming hindi nag-kita. "Goodmorning din beshie."
Iba 'yung galit ko kay Ivan, iba 'yung ginawa niya sa'kin ngayon nag-mukha akong ewan kakahintay ng text sa kanya araw-araw.Muli kong nireplyan si Beshie.ME: Argh, Seryoso ako dito beshie, 'wag mo ako pagtawanan tsk.BESHIE KISHA: Seryoso ka sa lagay na 'yan? Hahaha gosh, beshie. Ayan ba ang naging resulta ng pag-tama ng ulo mo?ME: MARKISHA IVY!Loka loka 'to 'a, mukha nahahawa na ang kaibigan ko kay Ken, mukhang bad influence siya kay Beshie, Kailangan ko silang mapag-layo. Baka sa susunod mas malala na ang kaibigan ko.BESHIE KISHA: Ok, ok, hindi na ako tatawa seryoso na.ME: Sus.BESHIE KISHA: Hahaha eto na promise seryoso na.ME: Tsk, malaman ko lang na may babae 'yang kambal mo, Nako! Mag-tago na siya sa pinang-galingan niya.&nbs
Me To Myloves: Goodmorning Myloves, Ingat pag-pasok, I love you. Me To Myloves: Myloves? sobrang busy mo na ba talaga? Kahit isang message wala? Me To Myloves: Hays, natapos and araw na 'to na hindi ka man lang nag-tetext, Me To Myloves: Goodnight. Grabe, ngayon lang nang-yari 'to na wala man lang paramdam si Myloves sa'kin. Hindi man lang ako itext. akala ko nung nag-bonding kami dito sa bahay last time, akala ko 'yun na ang simula ng maayos na relasyon namin dahil wala ng mang-gugulo, kaso mukhang meron na naman kaming magiging problema. Nakakainis lang dahil hindi ko alam ang dahilan ni Myloves. Bibihira rin niya ako puntahan dito sa bahay. hindi ko tuloy alam kung anong meron. Matutulog tuloy akong masama ang loob. KINABUKASAN phone ko agad ang hinanap ko pag-mulat na pag-mulat ng mga mata ko