Share

SLY: Chapter 5

Author: Seera Mei
last update Last Updated: 2021-08-23 14:39:01

"Yes! nakagawa na din ako ng dummy account, mamaya ko nalang i-aadd si Myloves" masayang sambit ni eizel, Nasa Classroom siya ngayon, Wala silang Prof kaya nakagawa siya ng dummy account.

"Itetext ko na si Beshie na nakagawa na ako ng account." Kinuha niya ang phone sa bulsa at tinext ang kaibigan.

Eizel: Beshie! nakagawa na ako ng dummy account. Sabihin mo sa'kin kapag, Go na tayo sa plan natin ah? 

Beshie Kisha: Ang bilis haha, sige mamaya pag-uwi, subukan kong hiramin phone ni kuya. Itetext agad kita kapag hawak kona 'yung phone, H'wag mo muna siya i-aadd ah. Or kung hindi pupuslitin ko 'yung phone niya para hindi mag-hinala. Wait mo lang text ko.

Napangiti siya ng mabasa ang text ng kaibigan, sabik na siya na maging friend si Ivan, Malakas ang pakiramdam niya na mag-rereply ito sa chat n'ya.

Eizel: Yes, thank you beshie. wait ko nalang text mo mamaya.

Sumapit ang kinagabihan, hindi siya mapakali habang hinihintay ang text ni Kisha Mukhang nahihirapan ito kunin ang cellphone ng kakambal. Mag-iisang oras ang nakalipas ng makatanggap siya ng text galing kay kisha, Mabilis niya itong binasa. 

Beshie Kisha: Beshie, dali i-add mo na si kuya habang hawak ko ang phone niya. Inutusan kong bumili ng ice cream sa Finds, sakto iniwan niya 'yung phone dito at walang password kaya nabuksan ko. 

Mabilis kumilos si Eizel ng mabasa niya ang text ni kisha, bigla siyang kinabahan baka mahuli sila. nang ma-add na niya si Ivan ay tinext niya agad ang kaibigan.

Eizel: Ok na beshie, accept mona, ikaw nang bahala na hindi niya mahahalata na ginamit mo 'yung phone ah?

Beshie Kisha: Ok na na-accept ko na. Tapos na ang mission ko ah, ikaw ng bahala sa iba. 

Eizel: Yes beshie, Thank youuuu.

Beshie Kisha: Alright, Goodluck, I hope na gumana na 'yang naisip mo. 

Eizel: Sana.

Malawak ang ngiti ng mahiga siya sa kama. "Finally!" impit na tili niya, "Icha-chat kona siya."

*Chat Conversation*

(Me) Eizel: Hi, goodevening.

Eizel: How are you?

Hindi muna nilagyan ni Eizel ng Myloves ang chat niya para sure na mag-rereply ito, Iisipin no'n na kamag-anak siya ng mga ito, dahil same ng Apelyido.

Hindi nga siya nag-kamali, ilang minuto ang lumipas napabangon  siya ng makitang sineen nito ang chat niya.

"Oh my gosh nabasa na niya! much better pala ang chat kase makikita ko kung nababasa niya lahat ng message ko. o hindi 'e."

Tutok na tutok si Eizel sa phone niya hinihintay ang reply ni Ivan. 

Mark Ivan: Hello,Who is this?

Nang mag-reply ay parang t*nga siya na nag-tititili, dahil sa Excitement na nararamdaman ay hindi na niya natiis na hindi mag-pakilala.

"It's me, your future girlfriend, Omg! Finally nagreply ka din sa'kin Myloves!" 

Ngunit ang saya na naramdaman niya ay nawala ng hindi na siya replyan nito at i-seen na lang. Binaba na niya ang phone at nakasimangot na humiga.

"Paasa! nakakainis ka Ivan! akala ko tuloy tuloy na kitang makakausap. Hmp! Sana pala hindi na muna ako nagpakilala, argh! pero sige ayos lang atleast na-seen mo. Pag-bibigyan kita ngayon. Alam kong nag-tataka ka sa lahat pero sorry smart kami ni Beshie. alam kong hindi mo mahahalata na ginalaw namin ang phone mo." 

***********

Nakalipas ang ilang araw na hindi nakakapanood si Eizel ng practice nila Ivan, Naging Busy siya sa isang project at activities, Ilang araw na ring siyang malungkot dahil hindi niya nakikita ang Myloves niya, Kahit tuwing Lunch break ay hindi niya ito nakikita. Araw araw naman niya itong natetext kaso isa o dalawang beses nalang dahil talagang busy siya sa ginagawa. Pag-gabi naman ay sobrang pagod niya kaya kahit gustuhin niya itong itext ay hindi na niya nagagawa deretso tulog na agad siya.

Ngayon ay Lunch Break na, nasa Cafeteria siya, hindi na naman niya nakita si Ivan, Hindi na siya nakatiis tinext niya ito at tinadtad.

To Myloves: Hi Myloves, Bakit wala ka dito sa Cafeteria? Miss na kita, Nag-tatago ka ba?

To Myloves: Sorry ah? hindi kita masyado matext ngayon dahil busy ako.

To Myloves: Hindi din ulit ako makakanood ng practice niyo today. Bawi nalang ako sa susunod.

To Myloves: Galingan mo ah? tsaka dedma kalang sa mga shrimp sa paligid. ok?

Napangiwi si Eizel ng mabasa lahat ng pinag-sasabi niya kay Ivan, Para siyang Girlfriend na nag-papaliwanag. Hindi niya alam parang feelimg niya kase kailangan niya mag-paliwanag 'e.

Hindi siya sanay na hindi nakikita si Ivan, hindi buo ang araw niya at tinatamad talaga siya kaso kailangan niya mag-aral. Hindi pwedeng puro landi lang ang gagawin niya. Magagalit sa kanya si Kisha kapag 'yun lang ang inatupag niya, At gusto din niya na may ipag-malaki, Matalino si Ivan at masipag mag-aral. Napag-sasabay nito ang pag-aaral at ang pagiging team captain, ayaw naman niya na malaman nito na tamad siya at pabaya sa pag-aaral. Si Ivan ang Inspirasyon niya. Kaya kahit malungkot siya ngayon ay ayos lang malapit na nila matapos ang Project. magugulo at makakasilay na rin siya.

Natapos ang Lunch Break na malungkot siya, hindi niya talaga nakita si Ivan, Bakit kaya? Busy din ba ito? May ginagawa rin na project? Sana makita na niya ito.

"Yes! natapos na din guys!" Masayang anunsyo ni Eizel sa ka-grupo niya sa activity. wala silang last subject kaya naisipan na nilang tapusin ang activity para makapag-pahinga na rin at mabawasan ang iniisip. Ilang araw din nila itong binuno at lahat ng pagod nila ay nag-bunga na.

"Hindi namin akalain na matalino ka pala Eizel." Nakangiting komento ng isa niyang ka-klase, habang pinag-sasama sama nito ang activity nila, Napangisi siya. Well..

"Oo nga, tahimik ka lang sa klase pero may tinatagong galing." Sumang-ayon naman ang iba niyang ka-grupo, Naiiling nalang siya habang may ngiti sa labi, well tamad lang din kase siya minsan at lagi siya nakafocus kay Ivan, pero may ibubuga naman siya kahit papano.

"Sus, h'wag niyo na akong bolahin, Ayusin niyo na 'yang activity natin ilagay niyo na sa Folder, para bukas mapasa na natin kay Sir David at para maka-uwi na tayo."

Sumunod naman ang mga ito, Inayos na rin niya ang gamit, Sakto lang din ang tapos nila dahil sabay sa uwian. 

"So paano guys? Kita-kits bukas, Una na ako sainyo ah?" paalam niya sa mga ito. 

"Ingat sa pag-uwi."

"Ingat Eizel," 

"Ingat see you bukas."

Tumango lang siya sa mga ito at nakangiti nang lumabas ng room. Masaya siya dahil tapos na ang ilang araw niyang pag-bubuno sa mga activities. Pwede na ulit siyang manood ng practice ni Ivan, Makakasilay na rin siya.

Habang pababa ng hagdan ay may kasabay siyang dalawang estudyante, nasa unahan niya ang mga ito, Nag-kwe-kwentuhan, Lalagpasan na sana niya ang mga ito ng hindi sinasadyang  marinig ang pinag-uusapan ng dalawa.

"Grabe nabalitaan mo ba 'yung nang-yare sa team captain ng basketball?" Bigla siyang kinabahan, ano ang nangyare sa Myloves niya?  Binagalan niya ang lakad at nakinig sa dalawang estudyante.

"Ay oo, nagkamali daw ng baksak at na-injured, Sana nga hindi malala ang lagay, Ilang weeks nalang Laban na 'e," 

Napatigil siya sa narinig, Injured si Myloves? Agad niyang nilabas ang phone, nakita niyang may text pala doon ang kaibigan. Hindi niya napansin kanina dahil busy siya. 

Beshie Kisha: Beshie si kuya na-aksidente sa practice kanina.

Beshie Eizel: Umuwi na kami Beshie, galing kami sa clinic kanina. Hindi muna makakapag-practice si kuya.

Isang oras na pala ang nakakalipas ng mag-text sa kanya ang kaibigan, Hindi niya talaga chineck ang phone kanina dahil ayaw niya ng istorbo o makaka-agaw sa atensyon niya.

"Gosh, anong nang-yare sa'yo Myloves, Bakit kung kailan malapit na ang Game ay na-Injured ka pa?" Bulong nito sa sarili, Nagtype na rin ito ng sasabihin sa kaibigan,

ME: Beshie? Kamusta si Myloves? Ok na ba siya? Sorry ngayon ko lang nabasa ang text mo, Busy kase ako kanina. 

Matapos ma-send ang text kay kisha ay nag-patuloy na siya sa pag-baba, patingin tingin siya sa phone habang papalabas ng gate, Agad siyang sumakay sa tricycle na nakapila sa labas ng University nila, Gusto na niyang maka-uwi agad, Gusto niyang puntahan si Ivan ngunit nahihiya naman siya, Baka mag-taka 'yun kung bakit nandoon siya. Nasa Biyahe na siya ng mag-reply sa kanya si Kisha.

Beshie Kisha: Ok lang beshie, alam ko naman na busy ka sa activity niyo, Medjo ok na si kuya, Buti nalang talaga na-text agad ako ng teamates niya.

ME: Ano ba ang nang-yare daw? 

Beshie Kisha: Nag-kamali daw ng baksak, naitukod ni kuya 'yung isang kamay niya. Sabi ng mga ka-teamate niya iba daw 'yung laro ni kuya kanina, parang badmood daw at hindi mapakali.

ME: Hays, hindi naman nag-iingat, Bakit naman kaya  badmood si Myloves?

Beshei Kisha: Yun nga din iniisip ko at ng mga teamates ni kuya, Tinatanong ko naman si kuya kaso hindi ako sinasagot. 

ME: Ano kayang problema no'n? Dahil sa badmood niya na-injured tuloy siya. Hindi muna nag-focus sa practice.

Beshie Kisha: Etong si kuya napapansin ko nagiging moody this past few days, Hindi ko alam kung ano natakbo sa isip nito 'e. Mantakin mo sa tagal niyang nag-lalaro ng basketball ngayon lang siya na-injured ah.

ME: Kaya nga, oh siya beshie mamaya nalang ulit pababa na ako ng tricycle 'e. Kinamusta ko lang talaga si Kuya. Ikaw na bahala dyan sa pasaway mong kakambal.

Beshie Kisha: Ok sige, ako nang bahala dito sa kambal ko na 'to. Ingat ka.

********

Kanina pa siya nag-iisip kung saan niya kakamustahin si Ivan, kung sa text ba o chat? Sa huli pinili niyang sa chat para malaman niya kung nababasa ba o hindi.

*Chat Conversation*

Eizel Francine: Hi Myloves, goodevening Nabalitaan ko 'yung nang-yare sa'yo kanina, Kamusta ka na? 

Eizel Francine: Sa susunod mag-iingat kana ah? Pinag-alala mo ako.

Nakatitig lang siya sa message niya kay Ivan, Hinihintay niyang mabasa nito at ma-seen ang chat niya. Kinabahan siya ng makitang sineen nito ang message niya. Rereplyan kaya siya nito? sana kahit ngayon ay mag-reply ito sa kanya.

Mark Ivan Barcelon: Ikaw? pati dito sa messenger hindi mo pinalagpas? Tsaka paano kita naging Friend?

Isang malawak na ngiti ang sumilay sa labi si Eizel ng mag-reply si Ivan sa kanya, Kahit pasungit at malayo ang sagot nito sa tanong niya.

Francine: OMG! Nag-reply ka Myloves!

Mark Ivan Barcelon: Tsk,

Francine: Sungit mo, Ok ka na ba? Masakit pa ba kamay mo? Bakit kase hindi ka nag-iingat.

Francine: May problema ba kaya ka hindi nakapag-focus sa Practice niyo?

Ilang minuto ang nakalipas bago ito nag-reply sa kanya, Napangisi siya akala niya seen na naman 'e.

Mark Ivan Barcelon: Sino ka ba talaga? Kagagawa mo lang nitong account mo, Paano kita naging Friends? Tsaka bakit hindi ka mag-pakilala sakin? Hindi 'yung nag-tatago ka sa text at dummy account, Tss.

Tumaas ang isa niyang kilay, Aba, akala niya ba gano'n kadali 'yun? 

Francine: Grabe wala ka man lang sinagot sa mga tanong ko, Oh siya sige kahit malayo ang sagot mo sa mga tanong ko, Sasagutin ko 'yang tanong mo sa'kin.

Francine: Bakit pag-nakilala mo ba ako sigurado ka bang papansinin mo ako at hindi iiwasan?

Seen.

Tignan mo seen. Magtatanong tanong tapos hay nako.

Francine: Oh hindi ka makasagot ilag ka kase sa mga babae, Ayaw na ayaw mong kinakausap ka, Kaya sa tingin mo paano ako mag-papakilala sa'yo? Alam mo gustuhin man kita lapitan? kausapin? At mag-pakilala sa'yo, Hindi ko magawa kase baka dedmahin mo ako o hindi kaya magalit ka.

Seen.

'Nakakainis ah, ang dami kong sinabi seen lang? uumpisahan niya magtanong hindi naman pala niya kaya panindigan.' bubulong bulong ni Eizel sa sarili.

Francine: Seen, hindi mo na naman ako nirereplyan, dito pa nga lang ganyan na ginagawa mo 'e, paano pa kaya pag nagpakilala ako? Tsk, sige na nga mag-pahinga kana. Goodnight.

Papatayin niya na sana ang wifi ng phone niya ng mag-pop up ang chat ni Ivan, Napataas siya ng kilay dahil humabol ito ng chat.

Mark Ivan: Wait.

Francine: Hmm?

Mark Ivan Barcelon: Francine ba talaga name mo?

Francine: Yes.

Mark Ivan Barcelon: Bakit Barcelon?

Francine: Wala lang trip ko lang, kanina pa ako nag-chachat sa'yo ngayon mo lang napansin?

Mark Ivan Barcelon: Tss.

Francine: Sige na, kahit gusto pa kita ka-chat, kailangan mo mag-pahinga, Thank you dahil nireplyan mo ako. kahit hindi tayo nagkakaintindihan at puro tanong ang sinasagot mo sa tanong ko din.

Mark Ivan Barcelon: Wait, uhm..

Francine: ano ba 'yun? may sasabihin ka ba?

Mark Ivan Barcelon: Bakit hindi ka nanood ng practice kanina?

Para siya ewan ng mabasa ang sinabi ni Ivan, nangingiti siya at kinikilig, Bakit kaya nito natanong?

Francine: Bakit mo tinatanong Myloves?  Gusto mo ba araw araw ako manood ng practice mo?

Francine: Yiee ikaw myloves ah, crush mo ako no? Aminin! Sige na manonood na ako sa susunod, Gusto mo lang icheer kita at dalhan ng gatorade 'e,

Mark Ivan Barcelon: Dami mong sinabi hindi mo naman sinagot ang tanong ko.

Napanguso siya, coming from him talaga ah? siya nga 'tong hindi sinagot mga tanong niya kanina.

Francine: Sungit mo talaga, kase po kaya hindi ako nakanood ng mga practice mo nitong mga nakaraan dahil naging busy ako sa activities at project namin ok? 

Francine: Oh hindi kana nag-reply, 

Francine: Seen na naman.

Francine: Hilig mo talaga mag-basa lang no? tapos hindi nag-rereply, siya sige na mag-pahinga kana at magpagaling goodnight Mr.sungit!

Pabaksak siyang nahiga sa kama habang kinikilig, ngayon lang nag-reply si Ivan sa kanya, Hindi talaga siya nagkamali na gumawa ng dummy account! Sana tuloy tuloy na. Kailangan niya machika kay kisha ang nang-yari ngayon. Dumapa siya at masayang minessage ang kaibigan.

Comments (2)
goodnovel comment avatar
Bhie Rambonanza In
baka kya wala sa mood c Ivan habang may practice kc d ka nanood Eizel
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
oo nga naman bakit hindi ka magpakilala ng malaman mo francine malay mo parehas lang pala kayo ng nararamdaman ng myloves mo
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Secretly Loving You (Tagalog)   SLY: Chapter 6

    Nakadapa siya habang nag-tatype ng message sa kaibigan, Gusto niyang ipaalam muna dito ang nang-yare bago siya matulog. Eizel: Beshie oh my gosh! Beshie Kisha: Oh bakit beshie? Eizel: Beshie sheteng gala! Nireplyan ako ni Myloves, Nag-kausap kami thru Chat! Beshie Kisha: Talaga?! Eizel: Mag-ka chat kami kanina, kinikilig ako hahaha tapos tinanong niya ako bakit hindi ako nanood ng practice kanina. Beshie Kisha: Tapos? dali kwento mo. haha isang himala na nag-reply sa'yo si kuya. Eizel: Ayun pag-katapos ko ipaliwanag kung bakit, sineen nalang ako. Beshie Kisha: Aysus! ang abnormal talaga ni kuya, Eizel: Hindi ko alam kung makakatulog ako nito haha, nakakaloka man isipin pero injured kamay ni myloves tapos doon lang siya nag-reply

    Last Updated : 2021-08-23
  • Secretly Loving You (Tagalog)   SLY: Chapter 7

    EIZEL Hindi ako makapag-focus sa pakikinig sa prof namin, Nasa isip ko ang mga text ni beshie. 'yun ang gumugulo sa isip ko, Gusto na akong makilala ni myloves, pero paano niya gagawin 'yun? Bakit? Hindi pa ako handa. Natatakot pa rin ako sa totoo lang, kailangan ko na mag-ingat sa bawat galaw ko, gumagawa na siya ng move para mahuli ako. Nagiging interesado na sa'kin si Mylovess. Paano kung makilala niya ako? malaman niya na ako na bestfriend ni kisha ang nasa likod ng lahat? magagalit kaya siya sakin? lalayo kaya siya? Baka sa sobra niyang galit pag-layuin niya kami ni beshie? Hays, ginugulo na naman ni myloves ang isip ko, tsk, focus na muna ako sa pakikinig baka tawagin ako ng prof tapos wala akong maisagot nakakahiya. Natapos ang unang klase namin na hindi naman ako napatayo, Nakasagot din ako sa quiz na ibinigay, ngayon naman ay inanunsyo ng isa kong ka-klase na wala ang su

    Last Updated : 2021-08-23
  • Secretly Loving You (Tagalog)   SLY: Chapter 8

    EIZEL Grabe akala ko isang araw lang ang tampo sa'kin ni Myloves, Isang linggo na ang nakakalipas, pero hanggang ngayon hindi niya ako nirereplyan, Maski seen sa chat ko ay hindi niya ginagawa.Ganoon na ba kasama ang loob niya sa'kin? Hindi ko din siya nakikita sa Cafeteria, Hindi din ako nakaka-punta sa Practice niya dahil busy na naman ako sa isang research paper. Araw araw ko siyang tinetext at chinachat pero wala snob na talaga niya ang Beauty ko.Si Beshie din nag-kikita lang kami kapag- same kami ng subject pero hindi kami nakakapag-usap dahil busy kami sa pakikinig at sa mga quiz. Bibihira kami mag-sabay mag-lunch dahil mag-kasalungat ang oras naming dalawa. Sobra na akong nalulungkot, itetext ko na si Beshie, Kailangan ko ng makaka-usap. Kailangan ko ng malalabasan ng sama ng loob.Me to Beshie Kisha: Beshieeee.&nbs

    Last Updated : 2021-08-24
  • Secretly Loving You (Tagalog)   SLY: Chapter 9

    EIZELMark Ivan Barcelon: Hey Francine, uhm, can we talk?Oh my gosh! Totoo ba talaga 'to? chinat na niya ako? so means namiss niya ako? Waaah, Gusto ko tumili, gusto ko mag-wala pero hindi ko magawa dahil nasa room ako, wala kaming prof pero nakakahiya sa mga ka-klase ko baka isipin na nababaliw na ako. Well, baliw naman talaga? baliw sa team captain ng Basketball. nanginginig ako hindi ko alam kung sino ang uunahin ko. Kung rereplyan ko na ba si Myloves o ibabalita ko muna kay Beshie ang pag-chachat ng kambal niya.Ilang minuto palang ang nakakalipas simula ng mag-kausap kami ni beshie. Nag-post lang ako ng ka-dramahan ko at eto na! Nag-chat na siya. Ano kayang gusto niya sabihin sa'kin?Pero bago ang lahat kailangan ko muna ito ipaalam kay beshie. Nanginginig ako habang nag-tatype ng message. Geez! Calm down self.Me to Beshie Kisha: Beshieeeeee!

    Last Updated : 2021-08-25
  • Secretly Loving You (Tagalog)   SLY: Chapter 10

    EIZEL Sabi ni Beshie sa'kin na palipasin ko ang ilang araw 'di ba? So pwede ko na replyan si Myloves? Pero syempre masungit at pakipot pa rin muna ako. rereplayan ko ngayon ang chat niya.*Chat Convo*Me: Why Ivan? Hindi ba ito naman ang gusto mo? Ang tigilan kita at hindi na mang-gulo sa'yo?Me: Sorry kung kinulit kita ng two years mahigit, alam kong na pwerwisyo kita sa kakulitan ko, hayaan mo dahil nag-desisyon na akong tigilan ka, I'm sorry sa lahat Ivan.Napangisi ako sa naging reply ko, pwede na akong maging artista nito haha.Seen. Nabasa na niya. ano kayang irereply nito.Mark Ivan Barcelon: No, Please don't do that. H'wag mo akong sukuan please? Ikaw lang ang taong nakatagal sa ugaling meron ako. Hindi mo ako sinukuan ng dalawang taon.Mark Ivan Barcelon: Please basahin mo lahat ng sasabihin ko. please, ayokong mawala ka, a

    Last Updated : 2021-08-26
  • Secretly Loving You (Tagalog)   SLY: Chapter 11

    Eizel"You brought COLORS in my life, Yes YOU Goodmorning Francine""Are you an alarm lock? You managed to wake up my sleeping heart""When I miss you, I re-read your old messages and smile like an idiot.""I'm in love with your sweet messages, You always make me smile.""I keep myself busy with things to do, but everytime I pause, I still think of you."" I did three things today, Miss you, miss you and miss you." I don't have ABS or orgasmic shoulder muscles but i have a heart that will treat you right. Hi francine."" The best love story is when you fall in-love with the most, unexpected person at the most unexpected time."My Loves: Hi, Goodmorning. Ingat pag-pasok.My Loves: Hi sana manood ka mamaya ng practice.My Loves: Hi. kumain ka na?Para akong ewan na nangingiti habang binabalikan ko ang mga message sa'kin ni Myloves. Hindi pa rin talaga ak

    Last Updated : 2021-08-27
  • Secretly Loving You (Tagalog)   SLY: Chapter 12

    EIZELHindi pa rin ako makapaniwala na ako ang Crush ni Ivan, Shems kung nalaman ko lang 'to nung una. Dumamoves na ako ng bongga! Edi hindi sana ako nag-tago at higit sa lahat hindi umabot ng dalawang taon ang pangungulit ko sa kanya. Wala sa sarili kong dinampot ang Phone ko, Sunod-sunod kase ang pasok ng message. Nag-taka siguro bakit hindi na ako nag-reply. Nakakawindang naman kase 'e.MYLOVES: Naging Crush ko 'yun dahil ang tapang niyang babae, Gagawin no'n lahat para sa kambal ko, Hindi niya iniwan sa ere ang kapatid ko kahit anong mang-yare. Totoong kaibigan siya, ang kaso nga lang napaka daldal at kulit ng babaeng 'yon. Pero hanggang Crush lang naman kase ikaw 'yung gusto at mahal ko.MYLOVES: Hey, Hindi kana nag-reply?MYLOVES: Are you mad?MYLOVES: Hey francine.MYLOVES: Crush ko lang naman 'yon, H'wag kana magalit.ME: So si Eizel pa

    Last Updated : 2021-08-27
  • Secretly Loving You (Tagalog)   SLY: Chapter 13

    EIZEL Binasa ko ang mga message ni Myloves, pero binalik ko pa rin ang tingin ko sa haliparot na Donna na 'yun! ang kapal ng mukha na lumapit sa Myloves ko! Nabuhay pa ang impakta. Nag-kakalat na naman ng lagim. Binalingan ko si Myloves na ngayon ay hindi mapakali sa kinauupuan. Nag-hihintay ito ng reply ko, Habang ang teamates niya nag-pra-practice na, Siya ay naiwan sa upuan. ME to MYLOVES: Hindi ako galit. MYLOVES: Bakit ang tagal mo mag-reply? ME: Pinag-mamasdan ko lang kayo kanina, Bakit hindi kana sumali sa practice niyo. MYLOVES: Sa tingin mo makakapag-practice ako ng maayos kung hindi ka nag-reply sa'kin? Akala ko galit kana'e. ME: Hindi ako galit, sige na mag-practice kana. MYLOVES: Later. ME: Kulit naman, Malapit na ang laban niyo kaya dapat mag-practice kana.

    Last Updated : 2021-08-28

Latest chapter

  • Secretly Loving You (Tagalog)   LAST CHAPTER (END)

    Nakangiting lumapit sa'kin ang mga kaibigan ko may mga dala silang paper bag. Napangisi ako. For sure regalo nila 'yun sa'kin haha excited tuloy ako. Tumayo si Myloves at hinayaan na maupo sa tabi ko sila Beshie. Tumabi siya kay papa sky na nasa kaliwang upuan, Tinanguan lang niya ako habang nakangiti sa'kin, tapos bumaling na kay papa sky, May pinag-uusapan sila na hindi ko din maintindihan 'e. "Here bakla this is my gift, sana magustuhan mo." Nakangiting inabot sa'kin ni marj ang brown paper bag. "eto naman 'yung akin sis." Isang white paper bag naman ang inabot sa'kin ni kyrah. "Beshie gift ko." Kinuha ko ang inabot na paper bag ni Beshie at Kyrah. Medjo may kalakihan ang kay Beshie. Gosh, akala ko wala silang regalo sa'kin. 'yun pala meron pa rin, Nakakatuwa naman. "Open mo na baklaaa ang regalo namin sa'yo!" Excited na tili n

  • Secretly Loving You (Tagalog)   SLY: Chapter 56

    Sabay sabay kaming nag-lakad palabas ng dressing, kasama si ate kim. I invited her. From now on friends na kami.Habang nag-lalakad hindi ako mapakali, shems sobra na 'yung kaba ko."Hey, are you ok bakla?" Tanong sakin ni marj, siya kase ang kasabay ko sa pag-lalakad habang nasa unahan naman sila Beshie."Kinakabahan ako bakla, eto na ba talaga? ikakasal na ba talaga ako? Hindi naman panaginip 'to 'di ba?""Kalma bakla, totoo na 'to. Ikakasal na kayo ng myloves mo. Chill lang hindi naman nangangain 'si judge ang gwapo nga 'e." kinikilig na sambit ni marj, loka loka pati 'yung mag-kakasal samin naging crush pa ata ng maharot na 'to."Beshie, inhale-exhale 'wag ka kabahan halata sa'yo 'e. Baka isipin ng makakakita sa'yo ayaw mo talaga makasal kay kuya sige ka." Napaayos ako ng tayo. Aba aba wala silang alam sa m

  • Secretly Loving You (Tagalog)   SLY: Chapter 55

    EIZEL POV Ngayon ko lang napansin na wala siyang pinakitang sing-sing sa'kin. Anong klaseg proposal ang pakulo nitong si Myloves? Ngayon ko lang din napansin talaga dahil lutang ako sa mga kaganapan na nang-yayari. Saka 'di ba pag-nag-popropose may sing-sing? Bakit siya wala? Napakamot siya sa ulo. Nakooo mukhang alam ko na, Nakalimutan niya! "Sabi na mahahalata mo." "Malamang myloves!" Naka-pameywang na ako sa harap niya ok na sana lahat 'e. Mula umpisa kaso.. "Wala ka talagang sing-sing ano?" "Tss. meron! actually mamaya 'yon, pag-kinasal na tayo. Gusto ko sabay isusuot sa'yo para maiba naman. At ikakasal din naman tayo ngayong araw. Gusto ko maiba sana. Pero sige, kukunin ko lang 'yung sing-sing hin----" pinigilan ko siya, meron naman pala. Akala o wala talaga iba lang talaga ang trip ni Myloves.

  • Secretly Loving You (Tagalog)   SLY: Chapter 54

    EIZEL POVOh my gosh, totoo ba talagang nang-yayari ang mga ito? Grabe sila, hindi man lang pumasok sa isip ko na may pa surprise sila.This is a big big surprise! I can't think properly anymore my gosh! Matapos malatag ang redcarpet. yes, may pa redcarpet pa sila! Unti-unti ko naman sinundan ang kabilang dulo nito. at doon nakita kong nakatayo ang taong mahal na mahal ko. Grabe, miss na miss ko talaga siya. Unti-unti na siyang humakbang papalapit sa'kin, Nasa gitna na siya ng red carpet, muli siyang sumayaw at sinabayan ang kanta."I'll say will you marry me..I swear that I will mean It..I'll say will you marry me..I'll say will you marry me.."Oh my gosh totoo ba 'to? tama ba ang nasa isip ko? Grabe ka Mark Ivan.. At sa isang iglap nasa harap ko na siya. Nakangiti siya habang kinukuha ang isang kamay ko, Tapos lumuhod

  • Secretly Loving You (Tagalog)   SLY: Chapter 53

    Tumayo rin sila marj at kyrah nakasunod sila samin. Saan ba kami pupunta?"Wait bakit mo ako hinihila beshie? Nag-sasalita pa si Myloves 'a.""Bakla 'wag ng maraming tanong ok? 'wag na umangal. At hindi na mag-sasalita si Myloves mo hanggang doon nalang ang speech niya. So shut up kana lang and go with the flow." sambit ni marj na nasa likod ko. "Oo nga sis, Gosh sobra 'yung kilig ko. Haba ng hair mo eizel. Ikaw na talaga!" Singit naman ni Kyrah. Wala akong nagawa kung hindi sumunod, kung saan ako dadalin ng mga ito.Nakarating kami sa pinaka gitna ng gym, luh anong ginagawa namin dito?! 'wag nilang sabihin na may biglaan kaming introduction number?! Nako1 masasabunutan ko sila, wala silang sinabi sa'kin 'a.Humarap sa'kin si Beshie, Napamaang ako ng makita ko siyang umiiyak. Nataranta ako, bakit siya umi

  • Secretly Loving You (Tagalog)   SLY: Chapter 52

    Kung alam lang nila ang totoo na para na akong mababaliw sa bahay at wala naman akong matinong tulog noon dahil sa kakaisip kay Myloves."WELCOME BACK IDOL! You look beautiful today!" Nakangiting sambit naman ni Ken, Ngumiti naman ako pabalik. ang sarap sa feeling na masabihan ng maganda kaya hahaha"Welcome Back Eizel." Nakangiti ding sambit ni papa sky."Thank you guys namiss ko kayo!""Namiss ka din namin baklaa, Hindi talaga masaya kapag wala ka sa barkada, si Ken naman ka-umay mga jokes e." Nang-iinis na sabi naman ni Marj,"Hoy grabe ka marj, parang hindi kita nahuhuling tumatawa sa mga jokes ko, Minsan nga ikaw pa ang malakas tumawa 'e." ganting sabi naman ni Ken."Hoy ka rin, minsan lang nakaka chamba ka." "Tama na 'yan, para talaga kayong aso't

  • Secretly Loving You (Tagalog)   SLY: Chapter 51

    EIZEL POV Kinuha ko agad ang susi ng aking Baby at lumabas na para puntahan ito, Gosh! I miss my baby tsikot. huhuhu ilang linggo din akong naka-kulong sa kwarto ko. At ngayon para akong t*nga na ninanamnam ang simoy ng hanging pang-umaga at ang ambiance. Finally, makakapasok na ulit ako, kating kati na akong makita ang magaling kong Boyfriend . 'O wait Boyfriend ko pa nga 'ba siya? TSk. Nako Mark Ivan siguraduhin mo lang na maganda ang dahilan mo sa'kin, kung hindi may sapak ka talaga. Nag-tungo na ako sa malaki naming gate para buksan iyon, Saktong bumungad din si Beshie na abot ang pag-kakangiti sa'kin. "Goodmorning Beshie ko! i miss youuuuu." Bigla ako nitong niyakap ng mahigpit. Niyakap ko naman siya pabalik, ilang araw din kaming hindi nag-kita. "Goodmorning din beshie."

  • Secretly Loving You (Tagalog)   SLY: Chapter 50

    Iba 'yung galit ko kay Ivan, iba 'yung ginawa niya sa'kin ngayon nag-mukha akong ewan kakahintay ng text sa kanya araw-araw.Muli kong nireplyan si Beshie.ME: Argh, Seryoso ako dito beshie, 'wag mo ako pagtawanan tsk.BESHIE KISHA: Seryoso ka sa lagay na 'yan? Hahaha gosh, beshie. Ayan ba ang naging resulta ng pag-tama ng ulo mo?ME: MARKISHA IVY!Loka loka 'to 'a, mukha nahahawa na ang kaibigan ko kay Ken, mukhang bad influence siya kay Beshie, Kailangan ko silang mapag-layo. Baka sa susunod mas malala na ang kaibigan ko.BESHIE KISHA: Ok, ok, hindi na ako tatawa seryoso na.ME: Sus.BESHIE KISHA: Hahaha eto na promise seryoso na.ME: Tsk, malaman ko lang na may babae 'yang kambal mo, Nako! Mag-tago na siya sa pinang-galingan niya.&nbs

  • Secretly Loving You (Tagalog)   SLY: Chapter 49

    Me To Myloves: Goodmorning Myloves, Ingat pag-pasok, I love you. Me To Myloves: Myloves? sobrang busy mo na ba talaga? Kahit isang message wala? Me To Myloves: Hays, natapos and araw na 'to na hindi ka man lang nag-tetext, Me To Myloves: Goodnight. Grabe, ngayon lang nang-yari 'to na wala man lang paramdam si Myloves sa'kin. Hindi man lang ako itext. akala ko nung nag-bonding kami dito sa bahay last time, akala ko 'yun na ang simula ng maayos na relasyon namin dahil wala ng mang-gugulo, kaso mukhang meron na naman kaming magiging problema. Nakakainis lang dahil hindi ko alam ang dahilan ni Myloves. Bibihira rin niya ako puntahan dito sa bahay. hindi ko tuloy alam kung anong meron. Matutulog tuloy akong masama ang loob. KINABUKASAN phone ko agad ang hinanap ko pag-mulat na pag-mulat ng mga mata ko

DMCA.com Protection Status