Nagising si Julliane na malat ang lalamunan, kaya naman bumangon siya at nakita na nakahiga sa tabi niya si Ismael.Nakadapa ito at hubad baro, napailing siya dahil nandito pa rin pala ito.Napatingin siya sa orasan na nasa side table niya at nakita na alas sais na ng gabi.Dito nagising na rin si Ismael at nagkatitigan silang dalawa.“Gising ka na pala, how are you?“ Tanong nito kaya napangiti lang siya.“Wag mo akong ngitian lang sweetheart, sagutin mo ako.“ Medyo inis na sabi ni Ismael kaya napahinga ng malalim si Julliane.“Nauuhaw ako at bukod sa masakit ang mga mata ko ay maayos na ang pakiramdam ko.“ Sagot niya kay Ismael na tumayo na at binigay ang kamay sa kanya.Kinuha niya ito at napabangon na siya.“Maghilamos ka muna at saka ka ns bumaba, ihahanda ko ang hapunan natin.“ Sabi ni Ismael habang nagbibihis ng t-shirt nito kaya napatango na lang si Julliane dito.Naghimalos ng mabilis si Julliane at suot pa rin pala niya ang pang-opisina niya na damit.Nagbihis siya ng pangbah
Sinundo ni Ismael si Julliane sa hapon at pinapauwi sila ng mga magulang niya sa kanilang bahay.Hindi naman nagsalita si Julliane at tumango lang ito, pero alam ni Ismael na kinakabahan ito.“Bakit ka kabado? As if naman na may kasalanan ka kina mama at papa.“ Sabi nito sa asawa kaya napatingin si Julliane dito.“Pero tiyak ako na magtatanong sila sa nangyari Ismael.“ Sabi ni Julliane dito kaya napatawa lang siya.“Bago tayo umuwi ay bibili muna tayo ng paboritong carrot cake nina mama.“ Sabi ni Ismael kaya tumango lang ulit si Julliane.Nang makapag-parking si Ismael ay na itong lumabas at pumunta sa side ni Julliane.Nakaupo pa rin roon si Julliane at nagtanong siya dito ng may pagtataka. "Anong problema?" "Well..." Biglang naisip ni Julliane, na lalabas sila sa mataong lugar na ito at tiyak na mayroong makakakilala sa kanila.Biglang nakaisip ng plano Julliane.Binuksan ni Julliane ang kanyang bag saka kumuha ng isang liraso ng mask, at saka ito napatingin kay Ismael na nagtataka
Busog na busog si Julliane matapos ang kanilang tanghalian ni Ismael, pero naalala niya na kailangan niyang makabalik agad sa kanyang trabaho.May trenta minuto pa naman siya bago makabalik sa opisina kaya inayos na niya ang sarili.“Babalik na pala ako sa trabaho ko Ismael.“ Sabi niya sa asawa na napatingin sa kanya.“Ipapahatid kita sa sekretaryo ko, at wag ka nang tumutol pa.“ Sabi ni Ismael kaya napatango na lang siya.Nakabalik si Julliane sa opisina at agad siyang tinanong ng dalawang kaibigan kung saan siya galing kaya sinagot niya ang dalawa na kilig na kilig na naman, nagpaalam siya ng maayos kanina kay Alora kaya alam nito na may importante siyang pinuntahan.Buti na lang ay hindi sila gaanong abala kaninang umaga kaya nakalabas siya.Sabi ni Ismael kanina ay ito ang susundo sa kanya at nagyaya itong maglaro ng tennis.Oo nga pala naalala niya na nong nasa highschool siya ay naglalaro siya ng tennis at nananalo siya sa mga school competition.Matagal na rin na hindi nakakapa
Samantala ay si Allen at Mirko ay pawang nakangiti dahil nakita nila na masayang nag-uusap si Ismael at Julliane.Napaka-pambihira ng ganitong tagpo, dahil magkasundo ang mag-asawang ito.“Tara na nga.“ Niyaya na ni Allen si Mirko na pumunta na kina Ismael.“Bibili lang kami ng miryenda ni Julliane, hintayin niyo kami.“ Sabi ni Ismael sa dalawa na tumango lang.Ayaw niyang iwan ang asawa sa dalaaang kaibigan dahil tiyak na bibiruin lang ito ng dalawang iyon."Ayaw niya talagang iwan dito sa atin ang asawa niya.“ Sabi ni Allen na nakatawa lang habang nagpupunas ng pawis."Bakit sa tingin mo?" Tanong ni Mirko dito kaya napailing lang ito.“Ibang-iba na talaga siya, naaalala mo noon ni ayaw niyang pag-usapan natin si Julliane sa harap niya dahil galit pa rin siya dito.“ Sabi ni Allen kaya napailing na lang si Mirko na napatango na lang.“Oo, grabe ang paglalasing niya nong gabi ng kanilang kasal. Tapos ilang araw lang pinatapon niya si Julie sa Amerika para hindi makarating sa ibang tao
“Ako na ang magbubukas.“ Prisinta ni Allen kaya tumango lang si Ismael.Hinihintay kung sino ang nasa labas.Pero nang marinig nito ang boses ni Crissia ay sumama ang buska ng mukha ni Ismael.Pagpasok pa lang niya, nag-iba agad ang atmosphere sa paligid!“Ismael hindi ka sumasagot sa tawag ko, kaya naisipan ko na puntahan na lang kita dito.“ Nakangiti na sabi ni Crissia na lumapit sa kanya akma siya nitong hahalikan pero umiwas siya.Si Crissia ay nakaramdam ng kakaiba at bumigat agad ang pakiramdam nito.“Gabi na bakit nandito ka pa?“ Tanong na lang ni Ismael na pigil ang galit sa boses.Ang napakalaking apartment ay biglang tila medyo sumikip.Limang tao, limang pag-iisip!Gusto na lang umalis nina Allen at Mirko.Pareho silang mahilig manood ng mga drama, pero hindi sila naglakas loob na panoorin ang dramang ito.“Sagutin mo ang tanong ko!?“ Madiin pa rin na tanong dito ni Ismael na nawawalan na naman ng paensya sa babae.“Bakit hindi? Bawal na ba kitang bisitahin? At saka galing
"Siya ay mananatili sa akin para sa ilang sandali." Biglang hinawakan ni Ismael ang kamay ni Julliane. At gustong matawa na lang ni Allen at Mirko sa paraan ng pagkakasabi ni Ismael. Tila ba balewala dito na nandito ang nobya nito na naghihingalo, pero tinawag nitong asawa si Julliane. Kahit medyo malamig ang kamay nito ay hindi niya binitawan. Napatingin si Julliane sa kanya nang may pagtataka. Wala na sa panganib si Crissia, at talagang hindi na siya kailangang manatili rito. Mabilis na naunawaan nina Allen at Mirko ang intensiyon ni Ismael at naunang umalis ang dalawa. Nagtatakang tinanong siya ni Julliane. "Bakit ako mananatili rito?" "Gusto kong manatili ka sa akin!" Hinawakan ni Ismael ang kanyang kamay, tumingin sa ibaba, at nagtanong. "Bakit ang lamig?" Nakita ni Julliane na hinawakan din niya ang kabilang kamay niya, at agad na gustong alisin ito sa hawak nito. Hinawakan siya ni Ismael ng mahigpit. "Kung sasabihin kong hindi ko na siya mahal, mananatili ka ba sa
Habang kumakain ng agahan si Julliane ay nakatangap ito ng mensahe sa hindi nito kilalang numero.Nang buksan ito ni Julliane ay alam na niya agad kung sino ang taong malakas ang loob na padalhan siya ng mensahe.Ang nakasulat ay ang pagbabanta na, kapag hindi niya sinunod ang sinabi nito sa kanya noong nakaraan ay masisira ang iniingatan niyang trabaho.Ang ama ni Crissia ay napakalakas talaga ng loob na magbanta sa kanya ng ganito, hindi niya binura ang mensahe nito at ipapakita niya ito kay Ismael.Tiningnan muli ni Julliane ang numero at tinabi ang cellphone, nawalan siya ng gana pero kailangan niyang kumain ng marami.Pagkatapos kumain ni Julliane umakyat na siya sa kwarto ulang maghanda sa pagpasok sa trabaho.Nang matapos ay umalis na siya at bago ito ni-lock niya ang gate niya, at saka naglakad palabas ng subdivision.Napaka-busy rin ng publising house noong araw na iyon, at nakakarinig na naman siya ng tsismis tungkol sa kanya kahit na nagpunta siya sa banyo.“Lahat na ng bal
Siya ay legal na asawa ni Ismael Sandoval, hindi makapaniwala na sabi ni Evelyn sa isip.“Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko Julliane…” Bulong ni Evelyn na tila ba isang batang napahiya ng husto.“Ngayon na alam mo na, na asawa ni Ismael Sandoval si Julliane. Tigilan mo na rin ang pag-bully sa kanya.“ Sabi ni Alora dito, kaya naman napatingin dito si Evelyn at tumango.Hindi ito talaga makapaniwala, wala sa hinagap na maiisip niya ang bagay na ito.Si Julliane ay galing sa Amerika, doon ito nag-aral at nang bumalik ay dito ito nagtrabaho sa kanila.Hindi niya gusto ang babae nong una dahil nagkaroon ng interes dito si Gary na gusto niya.Pero nang ma-involve ito sa mga Sandoval ay lalo siyang nainis sa babae, pero ngayon na nalaman nito ang lahat ay hiyang-hiya siya sa mga ginawa niya rito.“Nagyaya pala na kung pwede ay isama ka namin sa dinner mamaya.“ Sabi ni Alora mayamaya kaya napatingin dito si Julliane.“Pupunta ka ba Julliane? Nandoon naman kami ni Gary kaya huwag kang ma
Napatitig si Julliane kay Evelyn at napangiti bigla.“Hindi ko talaga nilagyan o sinave ang numero niya.“ Sabi ni Julliane dito kaya napatawa na lang ito.“Kakaiba talaga ang relasyon niyong dalawa.“ Sabi na lang nito.Pero tumawag ulit si Ismael, at siya na ang sumagot.“I will get you, stay where you are.“ Seryoso nitong sabi sa kanya na agad na pinutol ang tawag.Nagkatinginan na lang si Julliane at Evelyn, at sabay na napailing sa isa't isa.“Mukhang ayaw ka talagang magpalipas ng gabi sa ibang bahay ng asawa mo.“ Nasabi na lang ni Evelyn na nakangiti lang.Si Julliane naman ay nainis lalo kay Ismael, ano na naman kaya ang nasa isip nito at ayaw siya nitong pagpalipasin muna sa ibang bahay.Makalipas ang ilang minuto.Si Ismael ay nagdoorbell na sa mismong tapat ng bahay ni Evelyn.At si Evelyn naman ay agad na binuksan ang pinto, samantala si Julliane ay nagpaalam na kay Evelyn at napatingin kay Ismael na alam nito na galit.Nakaugalian ni Julliane ang kanyang mga kamay sa likod
Nang pumasok si Julliane sa flower shop ay bumungad sa kanya ang mabangong amoy ng mga sariwang bulaklak sa paligid."Welcome! Ano po ang kailangan niyong bulaklak ma'am?"Magalang na bati ng dalaga sa flower shop."Titingnan ko muna."Magalang ding tumango si Julliane, at pagkatapos ay namili nang mag-isa.Hindi naman gaanong nagbago ang palamuti sa loob, ngunit nahaharangan ito ng maraming bulaklak at halaman.Dalawang bata ang biglang lumitaw sa harap ni Julliane. Ang batang babae ay mapang-akit, nakatayo sa harap ng bar na may isang bag sa kanyang likod at tinawag ang batang lalaki. "Bilhin mo ito para sa akin, gusto ko ng dobleng perlas, na may yelo."Hindi sikat ang pagbabayad sa mobile noong panahong iyon. Ang bata ay kumuha ng dalawampung piso mula sa kanyang backpack at inilagay ito sa front desk na may paghamak. "Hindi mo ba alam na hindi ka na makakainom ng malamig ngayon?"Pero binili pa rin niya ito para sa kanya. Bagaman kinuha niya ito pagkatapos lamang ng dalawang
Napakalakas ni Ismael kaya hindi niya pinahintulutan na magalit muli ito.Kung magiging matigas ang ulo niya ay baka dito pa sila mag-away na dalawa.Tiningnan ni Julliane ang kanyang sobrang nakakatakot na mga mata, ngunit siya ay mapagpakumbaba, kinakagat ang laman sa loob ng kanyang mga labi at nanatiling tahimik."Ihahatid na kita! At mag-uusap tayo okay." Sabi ni Ismael sa kanya.Napatitig na lang siya dito at hindi na nakatangi pa dito.“Dapat talaga hindi na kita pinatagal pa dito kanina, sinusubukan talaga ni Crissia ang pasensya ko!“ Gigil nitong bulong pero narinig niya ito ng malinaw mula sa bibig nito.Gulat naman na tumingin sa kanya si Julliane at walang masabi.Akala niya hahamakin siya nito, pero sabi niya, malinaw ang narinig niya? O talagang wala lang ito sa mood.Naramdaman ni Julliane na siya ay nakulong sa maliit na mundong ito, at bigla na lamang siyang hindi naging mapagpakumbaba."Tara na!" Marahan niyang hinaplos ang pisngi nito, at saka hinawakan ang bahagyan
Lumabas siya ulit ng dressing room dahil pagkahawak pa lang niya sa puting damit, tila nanginig na ang kanyang kalamnan.Ang tatlong staff ay napakunot noo dahil nakita siya nila na lumabas ulit.“Hindi ko talaga kayang isuot ang damit!“ Sabi niya sa mga ito na medyo natulala lang ang mga ito kay Julliane.Tinanong siya ng staff. "Miss, may partikular ka ba na damit na gusto?“Pilit na ngumiti si Julliane. "Wala akong gusto, puwede bang huwag niyo na lang akong bigyan ng damit-pangkasal?"Napatango na lang ang mga ito na nagkatinginan at napatitig sa babaeng maganda, napansin talaga nila na wala ito sa mood kanina pa.Akma na kukunin ni Julliane ang cellphone niya sa bag ns nakapatong sa maliit na lamesa ay napatingin siya sa isa sa mga staff.“Kakapasok lang ng isang lalaki mula sa tapat." Isa sa mga tauhan ang pumasok at bumulong.Hindi sinasadyang naisip ni Julliane si Ismael at hindi maiwasan na magsalita siya. "Malapit na silang ikasal!""Sino ba ang groom ng babaeng ito? Yung n
Akmang magsasalita si Julliane, oero sumenyas si Ismael na huwag siyang maingay.Kaya nanatili na lang siyang tahimik, at saka nagpatuloy sa pagkain.Pagtingin niya kay Ismael ay wala na ito sa pinto kaya napahinga na lang siya ng malalim.Nang matapos na kumain si Crissia at Julliane ay agad na siya nitong niyaya sa isang studio kung saan magsusukat nga ito ng damit.Pero nagulat siya dahil nandito na rin si Ismael, at mukhang alam nito kung saan sila sunod na pupunta.Nakatayo si Ismael sa entrance ng studio, at mabilis na ibinaba ang telepono at tumingin sa taong nakatayo sa tabi ng kotse.Kausap nito kanina ang sekretaryo dahil may meeting raw siya, pero kinansela niya ito ng malaman na ang ama ni Crissia ang nasa meeting.Pagkalabas ni Crissia ng kotse, lumapit siya sa kanya at hinawakan ang braso nito. "Ismael, maaga kang dumating!" Malambing sabu nito kay Ismael.Tumingin si Ismael sa taong nasa tapat niya, at pagkaraan ng ilang sabdali, mahina niyang sinagot ang babae.“Oo wal
Kung ano man ang gusto nitong palabasin ay handa naman siya, hindi naman siya tanga tulad ng dati.Sinabi niya sa sarili nitong nakaraan na hindi na siya makikipagusap pa dito.At hindi na siya kailanman pupunta sa lugar na ito.Pero ngayon, pumunta pa rin siya dito.Kung saan siya nakatayo, walang bakas na pininturahan ang katawan ng kanyang ama, ngunit alam niyang nandito ito.May sabi-sabi pa nga na nagmumulto dito ang kanyang ama, kung totoo man iyon ay gusto niya itong makita.Medyo matagal na rin mula nong mapanaginipan niya ito, noon ay nong nasa Amerika pa siya ay binabangungot siya lagi.At lagi niyang nakikita ang kanyang ama, puno ng dugo at umiiyak habang nakatitig sa kanya.Napatigil siya sa pag-babalik tanaw ng tawagin na siya ni Crissia, mula sa labas.Sa pagbabalik, inabot ni Crissia ang kanyang kamay. "Miss mo pa rin ba ang iyong ama?" Tanong nito.Ibinaba ni Julliane ang kanyang mga mata at tiningnan ang singsing sa kamay ni Crissia, at ngumiti ng walang malay. "Mukh
"Ngunit hindi kita hahayaan! At hindi ako papataol sayo!" Malamig na tumanggi si Julliane sa matandang lalaki.Pero mayamaya ay tumawa ito ng malakas, ar napatitig sa kanya.Gustong kunin ni Julliane ang maliit na flower base sa isang lamesa dito sa gilid niya at ibato sa matandang ito."Kung gayon sino ang papatulan mo? Si Ismael ba? Ang tatay niya o ang lolo niya? Kilala ko ang mga katulad mo Julliane, masyado kang pakipot.“ Sabi nito na hindi siya makapaniwala na mababangit ang ama at lolo ni Ismael.Hindi napigilan na mapamura ng malakas ni Julliane, kaya tumawa ito.“Soon hija, alam ko na bibigay ka rin sa akin.“ Sabi nito na akma na siyang lalapitan dahil wala na siyang maatrasan, saka sila nakarinig ng ingay sa labas.Pumasok si Miss Alora, Evelyn, Mayi, Dina at si Gary na agad diyang hinila nito sa likod nito.“Umalis na kayo Mr. Montes! Naka-ban kayo dito at hindi na kayo nahiya sa pinaggagawa niyo!“ Galit na sabi ni Gary dito.Si Armando ay napatingin naman sa mga ito at nap
Naramdaman ni Julliane na si Ismael ay isang tao na hindi basta basta mailalarawan ng salitang gwapo.Siya ay may pakiramdam ng higit na kahusayan at isang marilag na aura. Saan man siya tumayo, kahit na sa isang grupo ng mga international male models, naniniwala siya na siya ang pinaka nakakasilaw!Napatanaw na lang siya sa papalayong sasakyan ni Ismael.Naalala ang napag-usapan nila kanina, habang kumakain.Tumingin si Ismael sa kanya na nakakunot ang noo sa kanya. "Anong problema?""Natuto kang magluto para kay Crissia, tama ba?" Tanong ni Julliane sa kanya.Napangiti si Ismael matapos itong marinig. "Tulad ng dati kong sinabi sa'yo, dahil mag-isa lang ako nong nag-aaral pa ako ay doon ako natutong magluto.“ Sabi nito sa kanya.Napatitig lang dito si Julliane, at saka tumango pero may gusto pa rin siyang itanong dito. Ibinaba ni Julliane ang kutsara sa kanyang kamay at tinitigan siya ng seryoso. "Ismael, minahal mo ba talaga si Crissia?"Si Ismael ay napakunot lalo ang noo nito,
Kinabukasan ay maagang nagising si Julliane, pero wala ang prisensya ni Ismael.Kaya napaisip siya na baka maaga na naman itong umalis.Pumunta siya ng kusina at nakita niya na may ginayat na gulay, at nakasalang ang ruce cooker.Pero wala ito, kaya nagtaka siya kung nasaan ito.Pero mayamaya lang ay dumating si Ismael, may dala itong grocery bag.“Oh, good morning wife. Naubusan ako ng toyo kaya bumili ako sa labas.“ Sabi nito kaya napatango lang siya.Pinanood na lang ito na magprepare ng agahan nila.Habang siya ay humihigop ng mainit na hot chocolate na ito pa rin nag gumawa.Halo-halong emosyon ang naramdaman ni Julliane, ngumiti nang walang malay, tumingin sa kanya at tapat na sinabi."Kung hindi ko alam na matagal na kayong may relasyon ni Crissia sa loob ng napakaraming taon, iisipin ko na mahal mo talaga ako dahil pinaparanas mo sa akin ito!"Nang marinig ni Ismael ang salitang pag-ibig, naging seryoso ang kanyang ekspresyon. Sumulyap siya sa kanya at sinabing, "Julliane, k