Nagkulitan lang silang dalawa ni Ismael hangang sa matapos sila sa kusina.Dahil may mga labahin si Julliane ay maglalaba na muna siya at si Ismael naman ay kinuha ang laptop nito at umupo sa sala.“Tatapusin ko lang ang ilan sa trabaho ko.“ Sabi nito sa kanya kaya napatango lang si Julliane at tumango dito.Umakyat sa taas si Julliane at kinuha ang marumi nitong mga damit, pero naisipan na rin nito na palitan ang sapin sa kama at punda ng unan kaya kumuna na siya ng bagong pamalit.Nang matapos ay bumaba na ito dala ang basket na may laman na maruruming damit.Napatingin sa kanya si Ismael na nakasuot ng salamin.Napakagwapo talaga nito kapag nakasuot ng salamin sa isip ni Julliane.“Maglalaba ka?“ Tanong nito kaya bahagyang tumango si Julliane ag tumango rin si Ismael.Naging magaan ang ilang oras kay Julliane, naglinis siya sa silid niya habang hinihintay na matapos ang labahin nito.Maging ang sala sa taas ay nilinis ri niya, hindi naman gaanong madumi sa taas kaya hindi nahirapan
Nakabalik na sa Manila ang pamilya Sandoval sa maikling bakasyon nila mula sa Tagaytay, bago ito ay niyakap muna ng dalawang ginang si Julliane.“Bumisita ka sa bahay hija, kahit isang beses lang sa isang linggo.“ Lambing ni Katarina sa apo na babae.Napangiti lang si Julliane at saka tumango dito, na kumaway sa mga magulang, habang nasa tabi nito si Ismael na magaan ang pakiramdam.“Tara na, ihahatid na kita sa bahay mo at para makapagpahinga ka na.“ Sabi ni Ismael dito kaya tumango lang si Julliane.Kumain muna sila ng hapunan at alas otso na rin ng gabi.Wala nang imik pa ang dalawa at nagkasya na si Julliane sa mahinang paghimig ni Ismael habang nagda-drive.Nang makarating sila sa tapat ng bahay ni Julliane ay napatingin siya kay Ismael.“Salamat sa paghatid.“ Sabi nito sa lalaki.“Salamat lang?“ Tanong nito na nakakunot ang noo.Agad naman naintindihan ni Julliane ang sinasabi nito kaya agad niyang tinangal ang seatbelt at hinalikan sa labi si Ismael ng magaan saka nagmamadaling
Napatingin si Julliane kay Miss Alora na tila masama na naman ang araw, kaninang umaga lang ay maganda pa ang mood nito.“Sino ba kasi nagsabi na ipadala nila agad ang kopya!?“ Galit nitong turan sa designer nila na nakatayo na at tila kabado pa ito.“Yong sa kabilang department, sinabi kasi nila na maayos na at last print out na lang ang kailangan.“ Paliwanag nito kaya napahilot ng noo ang babae.“Pero nagreklamo ang writer, may kopya siyang natangap pero mali-mali at sabog ang limang print na napadala sa kanya! Tapos ngayon tignan mo nilagay niya sa social media at maraming nag-react!“ Sigaw nito kaya nataranta na sila.Dito lumabas si Mr. Sullivan na pinakalma ang pinsan nito.“Huminahon ka Alora, hindi natin ito kasalanan. Dapat doon sila magreklamo sa distribution department.“ Sabi nito sa pinsan kaya nagkatinginan na lang si Julliane at Mayi.Agad binuksan ni Julliane ang kanyang cellphone at nagbukas ng social media, napahinga siya ng malalim.Sikat ang isa sa writer na ito, pe
Nagbalat si Analou ng dalandan at binigay ito kay Julliane, alam nito na paborito nito ang dalandan kaya agad nito itong kinuha.“Salamat po mama.“ Nakangiti na sabi ni Julliane sa byenan.“Apple gusto mo apo?“ Tanong naman ni Katarina, kaya napakunot noo si Isamel. Ang dalawang ginang ay si Julliane na ang inaasikaso ng mga ito.Si Ismael ay tumayo at lumakad sa tapat niya, pinandilatan siya ng mapanuksong tingin, at mariing pinunasan ang kanyang labi na may katas ng dalandan.Bata pa rin itong kumain ng makatas na prutas kaya napatanga ang dalawang ginang na nakatitig lang sa dalawa.Nahiya naman si Julliane dahil nasa harap nila ang lola at ang ina ni Ismael na pawang may pilyo ng ngiti sa mga labi, kaya naman pinigilan na niya ang lalaki.Hindi napigilan ni Ismael na mapangiti dahil nahihiya ito sa ginagawa niya sa harap ng kanyang ina at abuela.Napatingin siya sa orasan dahil maggagabi na rin pala, kailangan na niyang ihatid ang asawa sa bahay nito.“Lola, mama ihahatid ko na si
Nagising si Julliane na may nakayakap sa kanya mula sa likod, hindi agad ito nakakilos dahil bigla itong nakaramdam ng takot.Napatingin siya braso na nakayakap sa baywang niya, isang braso na matigas at mabalahibo.Kumilos ito at kinabig pa ang katawan niya payakap dito.Wala siyang natatandaan na may katabi kagabi, ang tanda niya ay nag-away sila ni Ismael.Umiyak siya ng umiyak dahil sa sama ng loob sa lalaki, pinagbintangan siya nito agad kaya sobrang sama ng loob niya.“I know your awake, my sweetheart.“ Bulong ng lalaki at nabosesan niya agad ito.Napasigaw siya ng wala sa oras at agad na napabangon at gulat na gulat sa lalaking hawak ang tainga.“Anong ginagawa mo dito!“ Malakas niyang tanong dito kaya wala sa loob itong napatagilid ng higa paharap sa kanya.“Sleeping beside you.“ Balewala nitong turan kaya lalo siyang nawindang.“Paano ka nakapasok…” Napatigil siya sa pagtatanong dahil naalala niya na hindi niya nai-lock ang pinto kagabi.Basta lang siya nagpalit ng damit at s
Maagang nagising si Julliane isang umaga at bago naligo at pumasok sa trabaho ay nag-vacuum muna ito at naglinis ng buong sala hangang sa kusina.Nandito lagi si Ismael, kaya naman tinitiyak nito na malinis ang bahay nito araw-araw.Nang buksan ni Julliane ang bintana ay umihip ang malamig na simoy ng hanging sa mukha nito.October na at medyo malamig na ang simoy ng hangin, may mga christmas light na rin pala sa mga daan.Ang department nga nila ay may decoration na, ibang-iba talaga ang pasko dito sa Pilipinas.Nong nasa Amerika pa siya ay ganitong buwan ay normal pa rin, nagce-celebrate ang mga amerikano ng pasko pero hindi kasing advance dito sa Pilipinas.Basta sumapit ang ber months na tinatawag nila ay pasko na hangang sa sumapit ang febrero sa susunod pa na taon.Inayos ni Julliane ang halaman na nasa paso sa harap ng bahay niya at saka napangiti.Mahilig sa halaman si Julliane, katulad ng ina nito na kahit anong itanim ay nabubuhay.Laging umuulan nitong nakaraang buwan, mula
Dumating si Ismael pero tila ito papatay ng tao, may mga kasama itong guwardiya at ito ang nagpatigil sa nag-aaway na mga lalaki kanina.“You woman, go to the car now!“ Gigil nitong sabi pero napatingin sa dalawa kong kaibigan na nagulat nang makita nito si Ismael.“Isama mo ang dalawa mong kaibigan, ito ang susi wag kayong lalabas sasakyan maliwanag!“ Utos nito kaya agad nang niyaya ni Julliane ang dalawa palabas.“Diba si Mr. Sandoval iyon?“ Tanong ni Mayi na gulat at hindi makapaniwala, saka sila sumakay sa sasakyan.“Magpapaliwanag ako pero hindi muna ngayon.“ Sabi ni Julliane sa dalawa kaya magkasabay silang napatango.Mayamaya lang ay sumunod naman si Ismael at masama pa rin ang buska ng mukha.“Seatbelt.“ Utos nito kaya agad ko itong sinunod at saka na nito pinaandar ang kotse.Si Mayi at Dina ay nasa likod ng sasakyan ni Ismael, habang ako ay nandito sa tabi nito at nagda-drive na.“Saan ko kayo pwedeng ihatid?“ Tanong ni Ismael sa dalawa kong kaibigan na alam ko na gulat na g
Nang matapos sila sa pagkain ng tanghalian ay bumaba na rin sila.Kahit hindi pa naman time ay kailangan na nilang bumalik sa department nila.“Julliane sakto nakita kita.“ Nasalubong nila si Miss Alora na nakangiti, kaya nagkatinginan naman sila nina Mayi at Dina.“Do you need anything ma'am?“ Tanong ni Julliane dito kaya tumango ito.“Mauuna na kami sa loob.“ Sabi ni Mayi kaya napatango lang dito si Julliane.“Come one doon tayo meeting room mag-usap.“ Sabi nito kay Julliane kaya sumunod siya dito.“I have project for you nakita ko yong mga gawa mo na drafts sa isang writing website.“ Sabi nito kaya napakunot ang noo ni Julliane.“That was just my hobby.“ Sabi ni Julliane dito.“Why don't you make it to physical book? Your story has a million views and still the reader are loving your works.“ Sabi ulit ni Miss Alora kaya napakuyom ang kamao ni Julliane at kinabahan.“Wala po akong balak, at isa pa ay isa lang iyong libangan.“ Sabi pa rin ni Julliane kaya napatawa ito.“Give it a try
Bago magsalita si Ismael, naunahan na siya ng kanyang ina na tumayo at pumunta sa bintana."Oh! Bakit biglang umulan? You two should stay here tonight!"Bago pa natauhan si Julliane, narinig niya ang hindi inaasahang desisyon ng kanyang byenan.“Tama ang mama mo hija, dapat ay dumito ka na muna.“ Segunda naman ng kanyang lola na hinawakan siya sa kamay.Si Julliane ay nadismaya gaya ng kamatayan, ngunit hindi nagtagal ay nabuhay muli at nakaawang sinabi. "Lola, bigla kong naalala na mayroon akong manuskrito na isusulat at kailangan kong bumalik sa trabaho ng overtime."“How dare your manager, ask you to work overtime?"Biglang nagsalita ang panganay na young master na kanina pa tahimik.At nang marinig nito na kailangan mag-overtime ni Julliane ay agad itong kumontra.Biglang naramdaman ng mga matatanda na may mga bagay na hindi nila alam, at tiningnan sila nang may pagtataka.Pagkatapos ay narinig nilang sinabi ni Ismael. "Ibigay mo sa akin ang kanyang numero."Nakita ni Julliane na
Samantala si Julliane ay tinignan si Ismael sa ginawa nito.Nang makita niya ang kanyang aksyon, ang kanyang puso ay umangat at ito ay medyo masakit.Hindi ba talaga gumagana ang kanang kamay niya?Tiningnan ni Ismael ang habag na kumikislap sa kanyang mga mata, dahan-dahang ibinaba ang magazine, dahan-dahang idiniin ang kanang kamay gamit ang kaliwang kamay, at pagkatapos ay sumimangot.Tahimik na nanood si Julliane at lalong hindi komportable.“Kung ayaw mong aminin, ayos lang, pero ang impluwensya ni Armando ay hindi rin biro, kahit gusto mong itanggi, sa tingin ko walang maniniwala."Hindi maiwasan ni Isagani na paalalahanan siya.Walang pakialam si Ismael sa mga bagay na iyon, ngunit nagalit siya na nakatingin lang sa babae sa hindi kalayuan.Nakaupo ito sa pagitan ng matandang babae at ng kanyang ina, mas mukha siyang bata.Walang pinagbago ang relasyon ng mga ito sa kanyang asawa, paano pa kaya kung nandito ang kapatid niya? Edi lalo lang siyang napagtulungan ng mga ito.Isa ri
Si Katarina ay hindi maiwasan na hindi mapaismid habang nakatingin kay Ismael.Kahit kailan talaga ay hindi nila makausal ng matino ang apo niyang ito, pero kita naman sa mukha nito na tinutuya lang nito ang asawa niya."Why are you being so sarcastic? Gusto ka ng hiwalayan ng baby namin, hindi ba dahil sa pinilit mo siya?" Agad namang tinanong ng matandang babae ang sarili niyang apo.“Tama, kung hindi ka nasangkot sa Crissia Montes na iyon, mamahalin ka ng baby natin, makakasama ka ba niya hanggang sa ganito?"Tanong din ni Analou sa anak.Ang mag-ama ay nagsimulang manood ng saya sa katahimikan.Nakakatuwang panoorin ang dalawang babae na pinagtutulungan si Ismael. Pero lumalaban rin ito.Hindi sa bastos na paraan pero pinagtatangol lang nito ang sarili laban sa dalawa.Binalik ng mag-byenan ang tanong kay Ismael, habang ang kanilang anak na lalaki ay hindi makapaniwala na siya na ang nalagay sa hotseat ngayon.Bumagsak si Ismael sa sofa sa inis. "Sino ba talaga ang kadugo ng pamil
Si Julliane ay hindi alam kung matutuwa o ano, ang boses kasi ng kanyang byenan na lalaki ay determinado at mapanganib.Kung nakakatakot kalabanin si Ismael, mas lalo na ito.Si Isagani Sandoval ay kilala bilang isang mapagkumbaba na tao, mapagbigay, mabait at inuuna lagi ang kapakanan ng pamilya.Pero masama itong magalit, hindi alam ni Julliane ang kaya nitong gawin.Pero sa pananahimik pa lang nito ay sigurado siya na hindi gugustuhin ng sinuman na kalabanin ito."So kasalanan ko ang lahat? Buntis ang anak ko sa anak niyo, bilang ama ng anak ko kailangan ko rin protektahan ang pangalan ni Crissia." Hindi pa rin nagpatinag si Armando Montes, at talagang pinipilit nito na anak ni Ismael ang ipinagbubuntis ng anak nito.“Walang sinungaling sa pamilya namin, at responsableng tao si Ismael. Pinalaki namin siyang may takot sa diyos, at kung sakali man na nakabuntis siya pananagutan niya iyon pero alam niya na hindi niya anak ang ipinagbubuntis ng anak mo so saan kayo kumukuha ng kakapala
Hindi inaasahan ni Julliane na parurusahan ni Ismael si Aramando Montes para sa kanya. Akala niya noon ay paghihiganti na ang pagbali sa kanyang mga buto. Pero nang marinig niya ang sinabi nito, hindi niya alam kung matutuwa ba siya o ano. Pero aaminin niya na natuwa siya, at kinarma rin ang matandang ito. Dahil ang bagay na ito ay nauugnay sa kanya, pumasok na siya at lakas loob na binati ang mga tao sa sala. "Lolo, lola, mama at papa, bumalik na po ako." Lakas loob siyang tumingin ng diretso sa taong ayaw niyang makita, dahil naaalala pa rin niya ang ginawa nito sa kanya ng taong ito. Pero nandito ang kanyang pangalawang pamilya, hindi siya dapat na matakot pa. Hindi nagustuhan ng mga matatanda sa sofa si Armando, pigil ang galit ng dalawang lalaking Sandoval. Walang karapatan ang Montes na ito na saktan at pagbantaan ang buhay ng kanilang prinsesa. At nang makita nilang nandito na si Julliane, hindi na nila pinansin ang sasabihin pa sana ni Armando. Tinawag ng matandang
Naisip ni Julliane na magpa-interview, ito na rin ang suhestyon sa kanya ng ama ni Evelyn. Hindi kasi pa rin tumitigil ang mga tao sa pagkomento ng masama sa kanya, medyo over the belt na rin ang sinasabi ng mga ito. Karamihan rin dito ay trolls, ibig sabihin ay binayaran halos ng kung sino ang mga ito. Alam naman niya kung sino ang nasa likod nito, lalo na at nagsalita na rin si Crissia, nagpa-interview na rin ito. At kailangan niyang kontrahin ang sinasabi nito. Si Evelyn mismo ang tumawag sa isang news station para makipagkita sila sa isang reporter. “Sigurado ka na ba Julie?“ Tanong ni Evelyn sa kanya na kasama niyang bumaba mula sa kanilang department. “Oo naman, handa akong magpa-interview. Tingnan ko lang kung hangang saan ang kaya ni Crissia na maging matapang.“ Sabi niya dito na agad na tumawa ng malakas. Nakausap na rin niya ang kaibigan niya si Alexis, abala ito masyado kaya bihira silang magkausap. Pero natuwa ito dahil alam na ng lahat na kasal sila ni Ismael, hi
Nang masaksihan ni Julliane ang sinabi ng babae kay Ismael na nakaluhod sa sahig hawak ang pantalon ni Ismael at nagmamakaawa, natuwa lang siya na maaga siyang nakabalik.Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman, sobrang nakakahiya ang inasta ng babae.Talagang gagawin nito ang lahat para lang pumanig ulit sa kanya ang tiwala ni Ismael.Pero si Ismael ay hindi man lang lumambot ang puso sa babae.Nasaksihan rin niya kung paano utusan ni Ismael si Gilan na alisin na ang babae sa harapan nito.“Huwag mo na yang dadalhin dito maliwanag ba!“ Ito ang galit na utos ni Ismael kay Gilan habang buhat ang nagwawalang babae.Iskandalosa, ito ang bagong taguri ni Julliane sa babae.Bweno, bumaba siyang muli at pinagpatuloy ang paghahanda ng almusal.Pagnatapos siya dito ay uuwi na siya, kaya nang matapos siya ay agad na niyang inayos ang kanyang gamit.Napatingin si Julliane kay Ismael na nakasuot na ng pang-opisina nitong damit at agad na nagsalubong ang kanilang mga mata.“Uuwi na pala ako pag
Ang maitim na itim na mga mata ni Ismael ay tumitig sa kanya saglit, at biglang ibinalik ang singsing. "Gusto mo bang makahanap pa ng ilang lalaki?" Tumingin sa kanya si Julliane na nagtataka, medyo lumayo ang paksa. Ano na naman kaya ang nasa isip nito, bakit bigla itong magtatanong ng ganito? Kinasal sila oo, pero walang libel iyon noon. Kung gusto niya ng ibang lalaki di sana matagal na siyang nagpaligaw kahit nong nasa Amerika pa siya. Di sana hinayaan niya na ligawan siya ni Allen, o kaya ni Gary Sullivan. Baka nagparamdam din siya ng kaunting interes kay Alvin Castañeda, pero hindi. Ang punto niya ay hindi siya kaipanman gagawa ng kasalanan na alam niya na kasal siyang babae. Sagrado ang salitang kasal sa kanya, ang kanyang ina ay mas piniling huwag nabg mag-asawa sa kabila nang may naligaw pa dito noon matapos mamatay ang kanyang ama. Pero laging sinasabi noon ng kanyang ina na dapat isang beses lang magpakasal ang isang babae. Pero siya ay hindi na halos gustong subdi
Napatitig sa kanya si Ismael pero hindi siya pinansin, akma na naman nitong bubuksan ang laptop nito pero pinigilan niya ito. Umirap si Ismael at tumingin sa kanya ng may pagbabanta. Pero siya ay hindi nagpatinag. Tumayo ng diretso si Julliane at taimtim na sinabi. "Hindi natin kailangang ipaalam sa sinuman ang tungkol sa ating kasal." Ngumisi naman si Ismael at walang pakialam na nagtanong. "Talaga? Pero alam na ng lahat. Pinagpyestahan na nga ito ng iba't ibang talaan ng dyaryo at telebisyon diba?" Napatitig si Julliane dito at tama ito, may gusto pa nga na mag-interview sa kanya. Kung hindi ito naharangan ni Ismael baka hangang ngayon nagpupugad pa rin ang media sa tapat ng kanyang bahay. Pero hindi siya dapat magpatinag dito. "Marami na akong nakitang ganito. After ma-discover, nagpapadala na lang sila ng public relations letter para linawin. Sa panahon ngayon, ang mga netizens ay nabubuhay sa sarili nilang perception of truth and falsehood." Paliwanag niya kay Ismael na hi