Mateo's POV:"May your conscience make your soul at peace after your son leaves his mother's womb... dead."I closed my eyes as I remembered again those words of my grandfather three years ago before he stormed out fuming mad at me. Halos araw araw ko na lang naalala ang mga salitang iyon na magpahanggang sa ngayon ay hindi ko pa rin malaman kung ano ba talaga ang tunay na kuwento sa likod no'n. Hindi ka-agad ako nakapag-react dahil sa pagkabigla ko buhat nang sabihin iyon ni Lolo. Imposibleng nagbibiro lang siya sa akin. Aaminin ko. Gusto ko siyang sagutin pa-tungkol sa mga salitang hindi ko maintindihan... but i was too stunned to speak up."Nakakailang bote ka na, Mateo. Baka nakakalimutan mong may anak ka pang uuwian."Nilingon ko si Gio na naglapag ng sandamakmak na papeles sa lamesa ko. Pinakatitigan ko ang magkikita iyon at inilapag sa tabi ang baso ko na naglalaman ng alak. "I'm not coming home---" "You should, Mateo." Duro nito sa akin. Napasandal ako sa kinauupuan ko at
"Sigurado ka na ba talaga dito, Mateo? Kung ako kasi ang tatanungin ay alam na alam ko na ang isasagot sa 'yo ng kapatid mo."Napabuntong hininga ako sa sinabi ni Giovanni kasabay ng pagpatay ko sa makina. Mula sa loob ng sasakyan ay tanaw namin ang isang pamilya na nasa hardin at masayang nakaupo sa carpet at may mga pagkain pa. Panay ang tawanan nila, lalong lalo na ang lalaking matagal ko na ring hindi nakikita sa personal dahil sa kagustuhan kong lumayo muna sa kanila ng asawa niya.Unti unti kong nararamdaman ang pagkabuhay ng inggit sa kalooban ko. Inuna ko ang sarili kong damdamin sa pag-aakalang magiging purong kasiyahan lang ang matatamo ko, ngunit malaki ang naging pagkakamali ko."Bumaba na tayo, Gio. Gusto kong makausap ang kapatid ko." Aniya at nagpatiuna na.Walang alinlangan kong pinindot ang doorbell nila, at gayon naman din ang bilis nang pagsilip ng mag-asawa sa akin.Nagbigay ako ng ngiti sa kanila ngunit tanging ang kapatid ko lang ang nagpaunlak sa akin dahil pagr
"Isama mo na lang sila Rose, Mateo. Tutal ay para naman 'to sa foundation. Nandoon rin naman ang mag-ina ko, si Sébastien at Isabella ay darating din. Even Giovanni will be coming with us." Ani Morgan sa akin habang inilapag ang pamangkin kong si Maureen sa may carpet kasama ni Rian.Nasa opisina kami ngayon at naisipan kong dalhin na lang si Rian sa akin tutal ay wala na naman si Rose sa bahay. Hindi ko alam kung saan pupunta ang babaeng 'yon. Ni hindi na nga nagpaalam sa akin o maski kay manang man lang. Imbes na ma-stress sa isipin ko sa kaniya ay iwinaksi ko na lang siya sa isipan ko. Malaki naman na siya, kung ano mang gusto niyang gawin sa buhay niya ay bahala na siya. Mas maganda nga itong ganito, dahil unti unti ay nagagawa kong mailayo ang sarili ko sa kaniya."Hindi ko alam kung maisasama ko si Rose. Siguro kami na lang ni Rian ang sasama sa inyo---""By partner 'yon, Mateo. Sige ka, ikaw lang ang walang kapareha sa foundation." May bahid ng pang-aasar sa boses ni Morgan.Na
"Iyong mga benefactor ng foundation daw po ay sa booth muna, since mamaya pa po mag-s-start ang program." Saad ng isang empleyado ng foundation at inalalayan pa kami sa open booth. Naupo ako sa tabi at ikinalong ko naman sa isang hita ko si Rian. Panay ang laro nito sa phone ko, habang sa kabilang hita ko naman ay si Maui na nakayakap kay Rian. Napangiti ako nang makita ko silang dalawa. I wonder how would be the scenery if my son was here. "Kumpleto na ba tayo? Asaan sila Massimo?" Si Morgan na umupo sa tabi ko't kinintilan ng halik ang anak at si Rian na pinagkukurot niya pa ang pisngi."Akala ko tayo lang?" Tanong ko sa kaniya na ikinakibit balikat niya."Iyon din ang pagkakaalam ko. Kaso nandito daw si Giovanni kaya they'll come over." Sagot nito sa akin, sabay tayo para alalayan ang asawa niyang nasa akin na naman ang tingin kahit na nasa malayo pa.Pasimple akong bumuntong hininga."Ang asawa mo, Mateo?" Kaagad niyang bungad sa akin at binalingan ang dalawang paslit. "Hello m
I expected it would be difficult for me to see her after three years. I assumed I'd have to rely on my imagination and the one photograph taken during our wedding for the rest of my life. But everything I had thought was now in front of me. But everything changed.After Lyden persuaded Fayra to join our table, the previous Fayra had vanished; the new Fayra is fiercer and barely even glances at me for a split second. Tanging sila Morgan lang ang pinapasadahan niya ng tingin at kung magtatanong naman ang mga ito ay ngingitian niya lang. "Missed na missed talaga kita, Fayra. Nakakainis ka, bakit mo naman kami nilayasan ng gano'n?! Saan ka dumaan ha? Magsabi ka nga!" Pangingibabaw na naman ng boses ni Lyden. Ang foundation program na dadausin sana ay ipinatigil muna nila Morgan. Isang linggo naman kaming nandito kaya't puwede pa naming ipagpabukas na sinang-ayunan naman ng lahat. "Bintana." Tipid na sagot nito at natigilan ang lahat. "How come??" Si Sébastien naman na punong puno nan
"Thank you so much sa mga benefactor na'tin para sa project ng foundation na ito. As long as naniniwala kayo sa amin, maraming bata sa iba't ibang foundation ang maaari na'ting matulungan. Especially, kay Ms. Fayra na simula't sapol ay naka-suporta sa amin. Maraming salamat ma'am, kung hindi dahil sa 'yo ay maaaring wala na ang foundation namin ngayon."Masigabong palakpakan ang namutawi sa buong ground ng resort nang magbigay ng talumpati niya ang host ng event na ito. Marami pa itong sinabi na hindi ko naman maintindihan dahil nakay Fayra ang paningin ko't isipan.Kagabi ay hindi pa ako nakatulog. Sa makatuwid ay magdamag akong gising, kakaisip kung papaano ko itatawid ang kaarawan ng anak ko gayong ang pangalan nito ay hindi ko alam.Nanliliit ako sa sarili ko. Ni hindi ko rin matanong ang ina ng anak ko dahil ilap ito sa akin. Hindi niya man sabihin na ayaw niya sa presensiya ko ay ipinaparamdam niya naman 'yon sa akin.Ganito rin siguro ang naramdaman niya sa akin noon. Hindi ko
Fayra speaks in a way that makes each word seem like a reality that she demonstrates and gradually —not directly at me, pero parang gano'n din, dahil tagos na tagos sa akin ang mga iyon. Every time she spoke, I was reminded of how I had denied her the affection she wanted to experience from me—which is ultimately insufficient for someone like her.Gusto kong umalis kung nasaan man ako ngayon. Pero kanina pa ako pinipigilan ni Morgan. Alam ko naman ang rason niya. Gusto niyang marinig ko ang lahat para kahit papaano ay matauhan pa akong lalo sa mga pinaggagawa ko noon kay Fayra.Wala naman akong balak na hindi makinig. Ang sa akin lang, gusto ko sana ay 'yong kaming dalawa lang. Iyong tipong makakayanan kong sumabat at siya naman ay makakayanan akong sumbatan sa lahat lahat nang pasakit na dinulot ko sa kaniya. But it's impossible."Oh, saan ka pupunta?" Pigil muli ni Morgan sa akin nang magtangka akong tumayo."Kukunin ko pa si Rian kay nila Sébastien, Kuya. Kagabi ko pa hindi nakikit
Fayra's POV It's been what? 3 and a half years... since I saw him. Simula nang umalis ako that day, akala ko malabo ko na siyang makita ulit. But here he was. Standing in front of me while hugging my son, Ace. Seeing how he hold my son, hindi ako natutuwa. He abondoned him. He abondoned everything. But I'm not that kind of person na magpapakabulag sa bugso ng damdamin para lang mailayo nang husto sa kaniya si Ace. Hindi ko kailangan gawin 'yon dahil wala naman akong balak siyang gantihan simula't sapol na makabangon ako. Ang gusto ko lang ay katahimikan, pero mukhang sa pagbabalik ko ay hindi iyon mangyayari. Sa loob ng ilang taon, alam kong maraming nagbago. Sa palagay ko nga rin ay maayos na ang magkapatid, sangga na ulit sila kagaya ng dati. Maging si Sébastien at Isabella ay nakikita kong maayos na. At si Morgan at Lyden, magkakaroon na ng pangawalang anak. Ang daming ganap, at ang hindi ko inaasahan ay ang pag-aangat ni Lyden ng bangko kay Mateo. I know what she's doing at k