Share

Chapter 4

Author: LelouchAlleah
last update Last Updated: 2023-04-01 12:28:18

It has been five years since I left my home. At aaminin ko na hanggang ngayon ay hindi pa din ako nakaka-move on sa sakit na dulot ng lalaking iyon pero nagkaroon ako ng bagong dahilan para magpatuloy sa buhay.

Marami-rami na din naman ang nangyari sa loob ng limang taon na iyon.

Tuluyan na din akong nag-resign sa trabaho ko at nagdesisyon na pumunta sa isang lugar kung saan walang nakakakilala sa akin.

Sa tulong ni Ferry, napadpad ako sa isang lugar na alam kong hindi kailanman pupuntahan ni Enver kaya magiging tahimik ang panibagong buhay na gusto ko para sa sarili ko.

Nagtayo ako ng isang maliit na karinderya malapit sa isang factory ng mga candy at naging maganda naman ang naging kita ko dito dahil talagang nasa tamang pwesto din talaga ako.

Marami akong naging customer na nagtatrabaho sa factory at lahat sila ay naging mabait sa akin kaya naman habang tumatagal ay nagiging komportable na din ako sa pagbabagong nagaganap sa buhay ko.

Isa na doon si Mikea Reese, isang line leader sa factory.

Siya ang kauna-unahang customer ng karinderya ko at lagi siyang kumakain doon. Magkalapit din ang inuuwian namin at madalas ay sabay kaming umuwi tuwing gabi kaya naman naging malapit na kami sa isa’t-isa hanggang sa naging magkaibigan.

Pero noong nakaraang dalawang buwan lamang ay nag-resign na siya sa trabaho niya bilang line leader at lumipat sa mas malaking kumpanya bilang sekretarya.

Medyo hectic ang pasok niya dahil sa dami ng trabaho na pinapagawa sa kanya ng boss niya pero masaya niyang ginagawa ang lahat ng iyon dahil malaki din naman ang sinasahod niya doon.

At dahil sa kanyang sipag at tiyaga ay binigyan siya ng kanyang boss ng dalawang araw na bakasyon at naisipan niya iyong gamitin sa pagtambay dito sa karinderya ko.

“Hindi ba dapat ay ginagamit mo ang araw na ito para sa pahinga mo?” sabi ko sa kanya matapos kong ibigay ang order ng isang customer ko. “Bihira ka nga lang mabigyan ng day off kaya dapat ay sulitin mo ito.”

“Ate, madami mang trabaho ang pinapaasikaso sa akin ng boss ko pero hindi naman iyon ganoon kabigat kumpara sa trabaho ko sa pabrika,” sabi niya. “Kaya hindi ko naman talaga kailangan ng day off. Sadyang hindi lang talaga ako pinapasok ng boss ko dahil hindi din naman siya papasok at may pupuntahan daw siyang personal na lakad.”

Well, galing din naman ako noon sa pagtatrabaho sa isang opisina kaya masasabi kong hindi nga ganoon ka-demanding ang trabahong iyon. Isip at kamay ang madalas kumilos sa ganoong trabaho habang nakaupo kaya hindi na nga nakakapagtaka na ayaw matulog maghapon ng babaeng ito.

“Besides, mas gusto kong tumambay dito dahil bihira na lang tayong magkita,” dagdag niya. “Na-miss kita.” Kumapit pa siya sa braso ko habang nagpapa-cure sa akin. “Hindi mo ba ako na-missed?”

Tinitigan ko siya at natawa na lang ako dahil sa ginagawa niya. Pinitik ko ang noo niya kaya mabilis siyang bumitaw sa akin at hinimas ang noo.

“What was that for?” inis niyang tanong.

“Hindi ko alam kung saan mo natutunan iyang ganyang pagpapa-cute.” Oo na’t may pagkaisip-bata pa itong si Mikea pero hindi naman siya ganito sa akin noon kahit pa gaano kami ka-close.

Napanguso siya. “Nakita ko iyon sa mga officemates ko,” aniya. “Nagpapa-cute sila sa boss ko kapag gusto nilang mapansin nito.”

Tinaasan ko siya ng kilay. “At sinubukan mo sa akin?”

Tumango siya.

“At bakit?”

Lumapad ang ngiti niya sa akin. “Para pumayag ka na mamasyal tayo.”

Muli ko sana siyang pipitikin muli sa noo ngunit agad na siyang lumayo sa akin kaya bumuntong hininga ako. “Gustuhin man kitang samahan, alam mong hindi ko basta maiiwan itong karinderya ko.”

“Alam ko,” aniya. “Kaya nga mamayang gabi tayo aalis eh.”

Tinaasan ko siya ng kilay. “At saan naman tayo pupunta ng gabi?”

“Bukas na kasi iyong night market sa kabilang barangay at nakita ko sa social media na masarap daw ang mga pagkain doon,” kwento niya. “Kaya naisip kong dalhin ka doon. Malay mo, may maisip kang idagdag sa mga ulam na niluluto mo kapag nakatikim ka ng mga pagkain doon.”

May point siya. Makakatulong din sa akin kung titikim ako ng ibang luto at hindi lang ako nag-i-stick sa iilang putahe ng ulam na alam ko.

Hindi man sabihin ng mga customer ko, alam kong gusto din nilang makakin ng ibang ulam. Wala lang silang ibang choice dahil ako lang ang nagtitinda ng pagkain malapit sa factory na pinagtatrabahuhan nila.

“So?” Muli siyang lumapit sa akin at kumapit sa braso ko. “Sasamahan mo ako mamayang gabi?”

Napabuntong hininga na lang ako. Mukha namang kahit subukan kong tumanggi ay hindi ako titigilan ng babaeng ito kaya tumango na lang ako.

“Yes!” masaya niyang sabi. “Ako na ang pupunta sa bahay nyo para masabihan si Inday na gagabihin ka sa pag-uwi.”

Hindi na niya ako hinintay pang makasagot at agad na lamang tumakbo papunta sa direksyon kung nasaan ang apartment na inuupahan ko.

Matalino talaga ang babaeng iyon kahit kailan. Umalis agad siya para masiguro na hindi na magbabago ang isip ko at talagang sasamahan ko siya mamayang gabi sa paggagala niya.

Napailing na lang ako at ibinalik ang atensyon sa aking trabaho.

**********

Enver Andrius;

“Hindi ako makapaniwala na nakatiis akong manatiling kaibigan mo,” singhal sa akin ni Dash habang kanina pa siya pabalik-balik ng lakad sa harap ko. “Simple lang naman ang hinihiling ko para sa araw na ito, tutal ay pinag-day off mo naman si Mikea.”

“Just get lost, Dash,” taboy ko sa kanya. “Marami pa akong trabaho na aasikasuhin. At pinag-day off ko si Mikea, hindi para makapagpahinga ako kundi para walang istorbo sa pagtatrabaho ko.”

“Aish!” Tumigil siya sa paglalakad sa mismong harap ng table ko at inis na ginulo ang kanyang buhok. “Bahala ka sa gusto mong gawin ngayon pero sinasabi ko sayo, babalik ako dito mamayang gabi at sasama ka sa akin sa pupuntahan ko, sa ayaw at sa gusto mo!”

At para masigurong hindi ako makakatanggi ay agad na siyang umalis sa harap ko at lumabas sa opisina ko na ikinailing ko na lang.

Masyadong isip-bata ang isang iyon pero kahit ganoon ay nanatili siyang nasa tabi ko kahit noong mga panahong lugmok ako sa lupa.

Napatingin ako sa calendaryo na nasa ibabaw ng mesa ko at napabuntong hininga na lang nang makita kung ano ang petsa ngayon.

Limang taon na din pala ang nakakaraan.

Pero parang kahapon lang dahil sariwa pa sa akin ang sakit ng pag-alis niya nang hindi man lang nagpapaalam sa akin.

Dahil sa isang pagkakamali na hindi ko naman sinasadya ay nasira ang relasyon na ilang taon ko ding iningatan. At wala naman akong ibang masisisi kundi ang sarili ko lamang dahil hinayaan kong mahulog ako sa bitag ng sarili kong ama.

Kung sana ay kinausap ko na lang si Milan, ang aking asawa, at ipinaliwanag sa kanya ang lahat. Sana ay sa akin niya mismo nalaman ang lahat nang sa gayon ay naliwanagan siya na hindi ko ginusto ang mga nangyari.

Simpleng komunikasyon lang naman ang solusyon pero hindi ko ginawa dahil ako mismo ay nagkulang ng pagtitiwala sa aking asawa.

Pero ano pa nga ba ang magagawa ng pagsisisi ko?

Iniwan na niya ako ng tuluyan at kahit saang sulok ko siya hanapin ay hindi ko magawa dahil mismong kaibigan niya ang humaharang sa akin.

Kaya wala akong ibang nagawa kundi ang magpatuloy na lamang sa buhay habang naghihintay ang pagkakataon na muli kaming magkikita.

Wala mang kasiguraduhan ngunit ayaw kong mawalan ng pag-asa dahil naniniwala akong kami pa din ang nakatadhana sa isa’t-isa.

Related chapters

  • Second Time Around (Filipino)   Chapter 5

    At dahil nga gustong makasiguro ni Mikea na sasamahan ko siya sa pupuntahan niya ay sinakto niya ang dating sa mismong oras na nagsasara na ako ng karinderya ko."Nasabihan ko na si Inday at pumayag naman siya na magtagal tayo sa labas hanggang 10pm," sambit ni Mikea matapos kong mai-lock ang gate ng karinderya. "Kaya huwag ka nang mag-alala sa bahay mo, okay?”Napabuntong hininga na lang ako. Wala na talaga akong kawala dahil naasikaso na niya ang lahat mula sa bahay ko. “Oo na.” Inilagay ko na sa bag ko ang susi tsaka lumapit sa kanya. “Siguraduhin ko lang na hindi tayo lalapgpas ng alas-diyes ng gabi, huh. Sasabunutan kita kapag hindi ka nagpatangay umuwi kapag nag-aya ako.”Ngumiti siya at kumapit sa braso ko. “Nako, huwag kang mag-alala. Alam ko naman na hindi ka pwedeng lumagpas sa oras na iyon kaya promise, uuwi tayo agad.”“Good.”Madali namang kausap ang isang ito kaya hindi na masama na pagbigyan ko siya ngayon. Bihira lang din siya kung magkaroon ng day-off at ang mga ganit

    Last Updated : 2023-04-01
  • Second Time Around (Filipino)   Chapter 6

    Woah!Marami na din naman akong night markets na napuntahan noong nasa college ako dahil mahilig kumain sa iba’t-ibang lugar ang ex-husband ko pero hindi ko inaasahan na ang night market na nasa harap ko ngayon ay mayroong kakaibang ganda na talaga namang nakaka-attract sa mga tao.Ang mga pagkain na isine-serve nila dito ay hango sa iba’t-ibang kultura ng ibang bansa. At mayroon din sila mga paraan nang sa gayon ay madali itong makain ng mga customers kahit pa patuloy ang paglilibot nila sa market.Tulad na lang ng box kung saan nila inilalagay ang pagkain at mayroong nakakabit na cup sa ilalim nito na siyang pinaglalagyan ng inumin.Kaya talagang mae-enjoy ng lahat ang pagkain at site-seeing sa paligid.Hindi lang naman kasi puro food stalls ang narito. Mayroon ding mga stalls para sa mga mini games tulad ng mga darts, target shooting, mini-basketball at iba pa na talagang kasisiyahan, hindi lamang ng mga matatanda, kundi maging ang mga bata.Ah, kung alam ko lang na mayroong mga ga

    Last Updated : 2023-04-05
  • Second Time Around (Filipino)   Chapter 7

    Enver Andrius’ Pov“Seriously?” hindi makapaniwala na sabi ni Dashiel nang bumalik siya sa office ko, kinabukasan matapos naming pumunta sa night market. “Nandoon din si Mikea?”Tumango ako. “Nagkita kami sa exit ng night market.”“Mag-isa lang siya?”“May kasama siyang lalaki,” sabi ko. “Pinakilala niya iyon sa akin na kaibigan niya at Francis ang pangalan.”“Oh.” Nahulog siya sa malalim na pag-iisip.Well, hindi naman lingid sa kaalaman ko na kaya madalas na pumupunta ang lalaking ito sa opisina ko ay para lang makita si Mikea. May gusto kasi siya sa sekretarya kong iyon, though, wala akong ideya kung paano sila unang nagka-encounter gayong mukhang kilala na niya ito bago pa mag-apply ang babae dito sa kumpanya.“Papasok na iyon mamaya kaya siya na lang ang tanungin mo kung ano ang nangyari sa day-off niya,” sabi ko. “Ang sabihin mo sa akin ngayon ay kung ano na ang balita sa ipinangako mo.”“Ah…” Mayroon siyang inilabas na papel sa bulsa niya at agad na inilapag iyon sa mesa ko. “Y

    Last Updated : 2023-04-05
  • Second Time Around (Filipino)   Chapter 8

    I always open my cafeteria only for half a day whenever it is Sunday. Hindi naman kasi ganoon karami ang kumakain sa amin kapag ganitong araw dahil walang pasok sa factory na siyang pinanggagalingan ng halos karamihan sa customers ko.Kaya matapos kong isara ang cafeteria at pauwiin ang kasama ko doon ay agad ko nang tinungo ang direksyon pauwi sa bahay.At habang palapit ako sa apartment na inuupahan ko ay napakunot ang aking noo nang makita na para bang may pinagkakaguluhan ang mga kapitbahay ko.Mayroon ding ambulansya doon kaya agad na akong nagmadali sa pag-aalala na naiwan ko sa bahay ko.At nang tuluyan akong makalapit sa apartment ay eksakto namang inilabas ang isang stretcher sa bahay nila Mikea.Nakahiga doon ang kanyang ina na walang malay, kasabay ang kanyang bunsong kapatid na umiiyak pa.“A-anong nangyari?” tanong ko kay Lucile, isa sa mga nakikiusyoso naming kapitbahay. “Bakit walang malay si Ate Michelle?”“Inatake sa puso ang matanda,” sagot nito. “Ang sabi ni Michael

    Last Updated : 2023-04-05
  • Second Time Around (Filipino)   Chapter 9

    Enver Andrius’ PovHumingi ng emergency leave si Mikea para sa natitirang oras niya sa trabaho para sa araw na ito. Nakatanggap kasi siya ng tawag mula sa isang ospital at sinabing isinugod doon ang kanyang ina.Hindi na ako nagtanong kung ano ang nangyari at agad na lamang siyang pinayagan. Wala na din naman kasi siyang kailangan gawin dahil naibigay na niya ang lahat ng papeles na kailangan ko.Pero hindi ko naman inaasahan na sa pag-alis niya ay siyang pagdating ni Dashiel na ngayon ay nag-iinarte dahil hindi niya nasilayan si Mikea.“Why, En?” tanong niya sa akin habang hawak pa ang kanyang dibdib na animo’y talagang nasasaktan. “Bakit hinayaan mo siyang umalis agad?”Napailing ako. Ang drama talaga ng lalaking ito pagdating kay Mikea.“You should at least tell me.”“Isinugod ang nanay niya sa ospital,” sabi ko.At iyon ang nagpatigil sa kadramahan niya at agad na naupo sa silya. “Bakit? Anong nangyari?”Nagkibit-balikat ako. “Hindi ko alam ang detalye pero ang dinig ko ay inatake

    Last Updated : 2023-04-05
  • Second Time Around (Filipino)   Chapter 10

    Hindi ko alam kung paano napunta sa ganito ang sitwasyong kinalalagyan ni Mikea.Sinabi ko naman na gusto kong tumulong pero bakit biglang naging ganito ang paraan na naisip nila?“Sigurado ka ba diyan, Mikea?” tanong ko sa kanya.Pinayagan siya ng kanyang boss na huwag munang pumasok sa araw na ito kaya naman agad siyang nagpunta sa akin para sabihin kung ano ang napag-usapan nila ng kanyang boss na dumalaw din pala sa hospital para sa nanay niya.Hindi lang kami nagpang-abot dahil kinailangan ko ding umuwi agad para kay Millie.“Iyon ang sinabi ni Boss,” sabi niya. “Kailangan kong makahanap ng pansamantalang papalit sa akin bilang secretary niya kung gusto kong mag-leave ng matagal nang hindi nawawala sa akin ang trabahong iyon.”Itinuro ko ang sarili ko. “At ako ang napili mo?”Hindi siya nagdalawang-isip na tumango.Tulad ng napag-usapan nila ng boss niya, pinayagan siyang mag-leave nito hanggang kailan niya gusto at makakabalik siya sa kanyang trabaho nang hindi nawawala ang kany

    Last Updated : 2023-04-05
  • Second Time Around (Filipino)   Chapter 11

    Kanina pa ako kinakabahan mula nang pumasok kami sa building ng Raiden Car Shop. At mukhang napansin iyon ni Mikea kaya naman bago kami tuluyang dumeretso sa opisina ng kanyang boss ay inilibot muna niya ako sa buong building.At sa totoo lang ay nakaka-amaze ang environment na mayroon dito.Kumpleto kasi sa benefits ang bawat empleyado. Mayroon ding mga entertainment facility dito na pwedeng gamitin ng mga empleyado, pero syempre, they can only use that if they are not on duty.Maliban pa doon, free ang meal nila dito na halos iilang kumpanya lang ang nag-i-implement. At talagang maganda ang pasahod.Kaya hindi na nakakapagtaka kung bakit ganoon na lang karami ang naghahangad na maging empleyado dito.Kahit kasi iyong mga nasa production ay pinapayagang gamitin ang mga facility dito sa building.“This place is such an ideal workplace for everyone,” sabi ko habang pabalik na kami ni Mikea sa floor kung nasaan ang opisina ng boss niya. “Siguro ay kung nagtatrabaho ako ay pipilitin ko d

    Last Updated : 2023-04-05
  • Second Time Around (Filipino)   Chapter 12

    Umalis na si Mikea dahil kailangan na niyang sunduin si Millie kaya naman naiwan kaming dalawa ni Enver sa loob ng opisina niya.At halos dalawang oras na nga ang lumipas nang muli kaming magkita ngunit hanggang ngayon ay wala pa ding nangangahas na magsalita sa aming dalawa.Well, on my side, hindi ko din naman alam kung ano ang sasabihin ko. Ayaw ko ding magsalita ng kung anu-ano at baka mabanggit ko pa sa kanya ang tungkol kay Millie.Hindi naman sa ayaw kong maging parte siya ng buhay ng anak namin. Karapatan pa din niya ang malaman ang tungkol dito pero gusto ko munang malaman kung hindi ba masasaktan ang anak ko kapag ipinagtapat ko na sa kanila ang totoo.Dahil iyon ang isang bagay na hindi ko kakayanin na makita, ang masaktan ang nag-iisang tao na siyang dahilan kung bakit nakayanan kong mabuhay kahit pa labis ang dagok na dinanas ko noon.Sa totoo lang ay gusto kong umatras sa usapang ito. Hindi ko kakayanin na magtrabaho kasama ang lalaking ito pero alam ko na kailangan ni M

    Last Updated : 2023-04-07

Latest chapter

  • Second Time Around (Filipino)   Second Time Around's Last Chapter

    “Matagal pa ba tayo?” tanong ko kina Ferry at Castiel na umaalalay sa akin habang naglalakad. Nakapiring ang mata ko dahil mayroon daw silang surprise para sa akin.Kakagaling ko lang sa magulang ni Amethyst at nakausap ko sila sa maaari naming gawin upang tulungan ito sa sitwasyon na kinakaharap.Kahit kasi sila ay nababahala na din sa kahahantungan ng buhay ng anak kung magpapatuloy lang ito sa pagtatago.Matapos naming mag-usap ay sinundo ako ng dalawang ito at bago pa makarating sa pupuntahan namin ay nilagyan na nila ako ng piring sa mata.“Malapit na tayo kaya relax ka lang diyan,” ani Ferry.“Pero halos isang oras ko nang suot ang blindfold na ito,” reklamo ko. “Bakit ba biglaan niyong naisipan na magbigay ng surprise?”“It is not our idea,” ani Castiel. “May ambag kami pero hindi kami ang pasimuno nito. Ang asawa mo ang nangunguna para sa surprise na ito.”“Biglaan nga eh,” sabi pa ni Ferry. “Kahapon niya lang kami kinausap tungkol dito kaya isang mabilisan na pag-aayos na lang

  • Second Time Around (Filipino)   Chapter 76

    Kailanman ay hindi ko inaasahan na darating ang ganitong pagkakataon. Kung saan makikita kong masaya kaming lahat, walang halong pagpapanggap at tunay ang bawat ngiti na ibinibigay sa isa’t-isa.After we finished our dinner, we decided to continue our conversation in the living room. Doon na din dinala ang mga wine at beer dahil nagkayayaan ang magkakapatid na mag-inuman na, tutal ay matagal na din silang hindi nagkakasama.Habang ang magulang nila ay abala sa pagpapakita kay Millie ng mga regalo nila.Kami na lang ang narito dahil sinundo na si Ferry ng kanyang asawa, habang si Castiel ay umakyat na sa guest room dahil maaga pa ang kanyang pasok bukas. Dito ko na siya pinatulog dahil marami na din ang wine na kanyang nainom.“What?” ani Enver sa kapatid. “Enish divorced her husband?” Si Enish ang isa pa nilang kapatid na babae na mas bata lang ng isang taon kay Enver. “Why?”“The bastard was having an affair with his cousin,” ani Ethyl. “Kaya wala nang pali-paliwanag at nang malaman

  • Second Time Around (Filipino)   Chapter 75

    Akala ko ay tatanggihan ni Enver na makipag-usap sa pamilya niya para ayusin ang hidwaan sa pagitan nila. Kaya naman napangiti ako nang dalhin niya ang mga ito sa garden at doon sila nagsimulang mag-usap.Habang kami ni Millie ay tumutulong na sa mga maid para ihanda ang hapag. Nang sa gayon ay makakain na kami pagkatapos nilang mag-usap.“Eh? Seryoso?” sambit ni Ferry matapos ikwento ni Castiel sa kanya ang paghingi ng tawad sa akin ng mga in-laws ko. “Sincere ba?” Bumaling siya sa akin. “Hindi eme lang dahil natatakot na ma-upset ka dahil alam nilang posible mong ipagbawal uli na makalapit sila kay Millie?”“That is the first thing that came to my mind earlier.” Inilapag ko sa harap niya ang isang plato na puno ng slice kiwi at may side sauce na spicy ketchup. Iyon kasi ang pinaglilihian niya. “But it feels like they were sincere. Erwin vouch for that.”“Oh well,” ani Castiel. “It doesn’t really matter now if they were sincere or not. Labis na kahihiyan na ang dinanas sila dahil sa

  • Second Time Around (Filipino)   Chapter 74

    “Are you even breathing?” Castiel whispered to me while we were looking at the car that stopped in front of our house. “You don’t have to be nervous, right?” I glared at her. “I am not nervous.” Inirapan ko siya. “I am just composing myself to avoid the awkwardness that we might feel later.” I turned my attention to the car when it slowly opened. Lumabas doon ang mag-asawang Don Emil at Madame Venice na todo postura pa. May mga bitbit pa silang maraming paper bag na tingin ko ay naglalaman ng mga laruan na ibibigay nila kay Millie. Enver was the one who got out of the house to greet them. Ferry was staying inside while Castiel and I stood in front of the door, together with Millie who was holding my hand. “If you say so,” she said. “But I didn’t expect that they would also bring two of Enver’s siblings.” We both turned our eyes to the other car that just arrived. At laman ng sasakyang iyon ang dalawa sa nakababatang kapatid ni Enver, sina Ethyl at Erwin. “Mukhang hindi din nila i

  • Second Time Around (Filipino)   Chapter 73

    Nakakulong ako ngayon sa banyo at nakatitig sa limang pregnancy test kits na pinabili ko kay Castiel.Kanina pa lumabas ang resulta at pare-pareho lang ang lumabas sa limang test na ito. And I am overwhelmed with the emotion I am feeling right now.Nasa plano ko naman talaga na magkaanak pa, kung papayag si Enver. Gusto ko kasi talagang bigyan ng kapatid si Millie. Pero hindi ko inaasahan na ibibigay ito agad sa amin sa panahong hindi namin inaasahan.Yes, I am pregnant. Ang limang test kits na ginamit ko ay pare-parehong nagresulta ng positive.“Milan!” sigaw ni Ferry mula sa labas. “Nandito na ang asawa mo! Nagsumbong agad ang maid mo na kanina ka pa nagkukulong dito sa banyo kaya siguradong susugurin ka na niya.”Kinuha ko ang isang dalawang test kits pagkuwa’y binuksan ang pinto. Eksakto din na kapapasok lang ng kwarto ni Enver at bakas ang pag-aalala sa kanyang mukha.“Anong nangyayari dito?” tanong niya. Agad siyang lumapit sa akin ngunit bago pa niya ako mahawakan ay agad ko na

  • Second Time Around (Filipino)   Chapter 72

    “Mommy!”I slowly opened my eyes and I saw Millie jumping in bed while calling out for me.“Wake up, Mommy! It is already morning.” She stopped jumping when she saw me awake and sat beside me. “Good morning, my beautiful mommy.” She kissed my cheeks. “Daddy is preparing our breakfast. Bangon ka na po.”I smiled and pulled her closer to me. “Let’s sleep more, baby.” I kissed her neck and tickled her side which made her laugh.“Mom! Don’t tickle me!” Sinubukan niyang makawala sa akin ngunit mahigpit ang pagkakayakap ko sa kanya kaya wala siyang nagawa kundi tumawa na lamang. “Mommy! Please stop!”“Hey…”Tinigilan ko ang pagkiliti sa kanya at sabay kaming bumaling sa pinto. Nakita namin doon si Enver na may dalang isang malaking tray na puno ng pagkain kaya naman agad na kaming bumangon at inayos ang kama.“Breakfast in bed for my lovely ladies.” Nilapag niya ang tray sa kama tsaka hinalikan ang noo namin ni Millie. “Dito na tayo kumain at siguradong hindi mo pa gustong bumangon dito.”“

  • Second Time Around (Filipino)   Chapter 71

    Naging masaya naman ang lahat sa naging company outing. Kaya nang bumalik sa trabaho ay bakas ang kanilang pagiging ganado.Well, hindi na din kasi ganoon ka-hectic ang schedule namin at balik na sa dati ang mga workload kaya relax na ang lahat.Si Mikea na ang nag-aasikaso ng fourt shop at ilan pang errand na kailangan sa labas habang ako naman ang nag-aasikaso ng mga paperworks na kailangan ni Enver.We both decided to switch our jobs so she could learn more things about the industry and everything she needs to learn about Raiden.And it is not really a problem to me. Mas mabuti nga iyon na nagiging flexible siya sa trabaho nya. In this case, kahit na mag-leave ako ay kakayanin niyang hawakan ang lahat ng trabaho bilang sekretarya ni Enver.“You are filing a leave?” kunot-noo na sabi ni Mikea nang makita ang nasa screen ng laptop ko. “I thought you would not be using any of your leave for now?”“I just need to take care of something.” It was just a three-day leave. I promised Enver

  • Second Time Around (Filipino)   Chapter 70

    After just a couple of minutes, nagpasya na kaming balikan sina Millie. Hindi naman kasi pwedeng magkulong lang kami sa kwarto, lalo na’t kasama namin ang lahat ng empleyado ng Raiden.Agad kaming sinalubong ni Millie nang makita kami. Nagpabuhat pa siya kay Enver at inaya itong maligo sa dagat kaya doon na sila dumeretso habang ako naman ay lumapit kina Ferry at Castiel na nakaupo lang sa sun lounge.“Napag-usapan niyo na?”Naupo ako sa tabi nila. “Just the minor details.” Tumitig ako kay Enver at Millie na naglalaro na sa dagat. “I still can’t tell him everything without getting a headache.” Ibinaling ko sa kanila ang tingin at ngumiti. “Hindi naman niya pinilit pang alamin ang lahat kaya nag-suggest na lang ako na sa inyo na magtanong.”“Oh well,” ani Ferry. “I will be happy to tell him everything I know.”“Sinabihan ka na namin tungkol sa bagay na ito,” sabi ni Castiel. “Pero ikaw itong tumatanggi at nagpipilit na hindi na mahalaga kung malaman man niya o hindi.”“Well, maybe beca

  • Second Time Around (Filipino)   Chapter 69

    Enver lifted me and laid me down in our bed. Sinabi niyang magpahinga na muna ako at huwag nang bumaba pa. Naibilin naman namin si Millie kina Ferry at siguradong hindi nila iyon pababayaan.At kailangan ko din talagang magpahinga lalo na’t pakiramdam ko kanina ay tuluyan na akong mawawalan ng malay dahil sa sakit ng ulo.“Okay ka na ba talaga?” tanong ni Enver. “We can go to the resort infirmary.”Umiling ako. “Hindi na naman ito tulad ng kanina,” sabi ko. “Pahinga lang ito.”Huminga siya ng malalim at naupo sa gilid ng kama. “I am sorry for bringing it up. I didn’t expect this.”“It is fine,” sabi ko. “Karapatan mo din na malaman iyon dahil parte iyon ng nakaraan ko. Sadyang hindi ko lang kayang sabihin sayo ang lahat dahil nagkakaganito ako tuwing aalalahanin ang detalye ng mga pangyayaring iyon.”“Don’t worry about that, Mi.” Hinaplos niya ang buhok ko. “Just rest.”“If you want, you can ask Ferry or Castiel about it,” suhestiyon ko. “They know every single detail about that incid

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status