“Hindi ko alam kung paano mo natatagalang tumira sa ganitong bahay, Rick. Kaunti na lang, halos kalaki na ito ng silid mo,” wika ni Vladimir habang iginagala nito ang paningin sa bahay na inuupahan niya.“You are exaggerating, Vlad. Bahay pa rin naman itong maituturing,” aniya sabay lapag ng dalawang lata ng beer sa ibabaw ng center table. Naupo rin siya sa pahabang bangkong gawa sa kahoy saka pinagnmasdan ang kaibigan niya.Vladimir was just standing. Pinagmamasdan nito ang kabuuan ng bahay na wari bang hindi ito makapaniwalang magagawa niyang tumira roon.Hindi iyon ang unang beses na nakapunta roon si Vladimir. Sa tuwina ay lagi nitong kinukuwestiyon kung bakit niya pa kailangang mangupahan sa ganoong kaliit na bahay gayong ang laki ng bahay ng kanyang mga magulang. May sarili rin siyang condo unit na napasakanya nang tumuntong siya sa edad na bente-uno. Kung hindi niya man gustong bumuklod sa mga magulang niya, maaari siyang umuwi sa sarili niyang condo unit.“Hindi ko sukat akala
Busangot ang mukha ni Laica habang naglalakad na siya papasok sa eskinitang papunta sa kanilang bahay. Pasado alas-dies na ng gabi at papauwi pa lamang siya. Inabot kasi siya ng ilang oras sa paghihintay kay Hendrick sa harap ng pinagtatrabahuan niyang kainan. May usapan silang susunduin siya nito ngunit ni anino ng kanyang nobyo ay hindi niya man lang nakita.Nakadarama siya ng pagtatampo dahil sa hindi nito pagdating. Iyon ang unang pagkakataong hindi siya sinipot ng binata. Sana man lang ay nagpasabi itong hindi siya masusundo. Halos hindi na kasi siya mapalagay kanina habang nakatayo roon at naghihintay dito.Hindi kasi mawala sa dibdib niya ang takot matapos ng ginawa ni Rocco. Maituturing nang sexual harassment iyon sapagkat basta na lang siya nitong hinalikan nang walang pahintulot niya. She was afraid and waited for Hendrick to arrive. Gusto niya itong makita. Kung pupuwede, gusto niyang sabihin dito ang ginawa ni Rocco. Alam niyang ang presensiya ng kanyang nobyo ang tanging
“When are you coming home, Hendrick? I just want to remind you about the family meeting that your Lolo Benedicto is conducting. You have to be here before that day, hijo,” mahabang pahayag ni Teresa, ang kanyang ina. Kasalukuyan niya itong kausap sa kanyang cell phone habang abala siyang inaayos ang mga damit na isusuot niya para sa okasyon sa araw na iyon. Hendrick sighed heavily. Inilapag niya muna ang tuxedo sa ibabaw ng kama saka itinuon ang buong atensyon sa pag-uusap nilang mag-ina. Dala ang kanyang cell phone na nakatapat pa rin sa kanyang tainga ay humakbang si Hendrick patungo sa verandah ng silid na kinaroroonan niya. “I’ll be home this weekend, Mom, and that is three days before the family meeting that you are telling me.” Lumanghap siya ng sariwang hangin habang pinagmamasdan ang malawak na dagat na tanaw mula sa kinatatayuan niya. Hindi niya pa maiwasang mamangha sa ganda ng tanawing nasa kanyang harapan. “Just be sure, Hendrick. Hindi makauuwi si Shiela. At least, ika
Inisang lagok ni Hendrick ang champagne na nasa kopita niya habang ang mga tao naman sa kanyang paligid ay masigabong nagpalakpakan. Natapos na kasing kumanta ang wedding singer sa kasal nina Lorenzo at Tamara, sanhi para matapos na ring sumayaw ang bagong kasal. Bago pa tuluyang umalis sa gitna ay pinatakan pa muna ni Lorenzo ng isang halik ang mga labi ni Tamara na mas nag-ani ng hiyawan at palakpakan sa mga tao.He smirked. Ang iba ay talagang kikiligin sa nakikitang sweetness ng mag-asawa. Nakatutuwa naman talagang malaman na natagpuan na ng kaibigan niya ang babaeng makakasama habang buhay. Maging siya man ay labis na masaya para sa mga ito. Hindi niya lang talaga magawang sumabay sa pagsasaya ng mga kasamahan niya dahil sa isang rason--- ang babaeng kumanta kanina sa kasal nina Lorenzo, maging ngayon sa reception ng mga ito.He knew her… Hendrick knew her so well. Ito ang babaeng naging dahilan kung bakit iba na ang pananaw niya sa pag-ibig. Ito ang babaeng naging dahilan kung b
Tuloy-tuloy na naglakad si Hendrick papasok sa malaking bahay ng kanyang abuelo. Pasado alas-siyete na ng gabi at alam niyang ilang minuto na siyang huli sa oras na itinakda ng matandang Montañez para sa kanilang salo-salo. Bago pa man makarating sa komedor ay rinig na niya ang malakas na kuwentuhan ng mga taong naroon. Sadyang natahimik lamang ang mga ito nang makita siya.All of them looked at his direction. Halos gusto niya pa tuloy matawa sa reaksyon ng mga ito. Wari bang hindi na inaasahan ng mga itong darating pa siya.Ngayon nga ang gabing itinakda ng Lolo Benedicto niya para magkasama-sama silang pamilya nito. It’s just a family dinner but he knew very well that something was about to happen. Kilalang-kilala na niya ang matandang lalaki. Hindi ito basta-bastang magpapatawag sa kanilang lahat kung wala itong mahalagang iaanunsiyo.“Hendrick…” Ang kanyang inang si Teresa ang unang nakabawi sa biglang pagsulpot niya. Tumayo ito at agad na lumapit sa kanya. “Come here, hijo, join
Kasabay ng paghakbang ni Laica papasok ng opisina ay ang pagtayo ni Hendrick mula sa prente nitong pagkakaupo sa swivel chair. Agad na natuon ang kanyang mga mata sa binata at hindi niya pa mapigilang manibago sa gayak at kilos nito. Kaibang-kaiba kasi iyon sa Hendrick na madalas niyang makasama noon. Kaibang-kaiba iyon sa Hendrick na naging nobyo niya.He was wearing a business suit right now. Everything about him was screaming authority. Hindi niya makita ang Hendrick na band vocalist, susugod sa iba’t ibang event para mag-gig at maglalaan ng halos isang buong araw kasama siya para magsulat ng kanta. Now, what she’s seeing was a shrewd businessman, authoritative and a man whom anyone would be afraid to talk to.Nasaan na ang Hendrick na una niyang nakilala? What happened? Bakit ibang-iba na ito?“Do you need anything else, Sir?” narinig niyang tanong ni Rhian na naging dahilan para maputol ang mataman niyang paninitig sa binata.“Cancel all my other appointments, Rhian. I won’t acce
Kulang ang salitang gulantang para mailarawan ang naging reaksyon ni Laica matapos marinig ang mga sinabi ni Hendrick. Parang gusto niya pang ipaulit dito ang mga binitiwang salita dahil baka namali lang siya ng pagkakarinig. O baka naman binibiro lamang siya nito at paglipas ng ilang saglit ay biglang babawiin ang mga sinabi.Ganoon ang Hendrick na kilala niya. Palabiro at magaan lamang ang personalidad, hindi katulad ng binatang nasa harapan niya ngayon na kung sa ibang pagkakataon ay talagang pangingiligan niyang lapitan. Ang katotohanang naging nobyo niya ito noon ang waring tanging dahilan kung bakit, kahit papaano ay nagkakalakas siya ng loob na harapin ito.Laica was waiting for him to take back what he has said. Pero lumipas na ang ilang minuto ay hindi pa rin tumitinag si Hendrick sa pagkakaupo sa gilid ng center table at mataman pa ring nakatitig sa kanya.Nag-alis ng bara sa kanyang lalamunan si Laica upang hamigin ang kanyang sarili. “N-Narinig mo ba ang mga sinabi mo, Hen
“Nasaan si Lolo?” tanong ni Hendrick sa unang katulong na kanyang nakasalubong pagpasok na pagpasok niya pa lang sa bahay ng kanyang abuelo.Magalang muna itong bumati sa kanya bago sumagot. “Nasa patio po, Sir Hendrick.”Matapos makapagpasalamat ay humakbang na siya patungo sa binanggit nitong kinaroroonan ng lolo niya. Dire-diretso niyang tinahak ang daang papunta sa patio ng malaking bahay nito at malayo pa lang siya ay natanawan na nga niya ang matandang Montañez. Agad pa nga itong natigil sa pagbabasa ng libro nang mapansin din ang pagdating niya.“Lolo…” sambit niya nang makalapit dito.Benedicto looked at him with so much seriousness on his face. Hindi pa man ito nagsasalita ay dama na niyang galit ito sa kanya. And he knew very well why--- hindi siya sumipot sa itinakda nitong pakikipag-usap sa mga Lagdameo para sa plano nitong kasal nila ni Tracy.“Iwan mo muna kami ng apo ko,” saad ng lolo niya sa isang katulong na nakaupo lamang sa isang silya. Naroon ito para bantayan ang
Busangot ang mukha ni Laica habang naglalakad na siya papasok sa eskinitang papunta sa kanilang bahay. Pasado alas-dies na ng gabi at papauwi pa lamang siya. Inabot kasi siya ng ilang oras sa paghihintay kay Hendrick sa harap ng pinagtatrabahuan niyang kainan. May usapan silang susunduin siya nito ngunit ni anino ng kanyang nobyo ay hindi niya man lang nakita.Nakadarama siya ng pagtatampo dahil sa hindi nito pagdating. Iyon ang unang pagkakataong hindi siya sinipot ng binata. Sana man lang ay nagpasabi itong hindi siya masusundo. Halos hindi na kasi siya mapalagay kanina habang nakatayo roon at naghihintay dito.Hindi kasi mawala sa dibdib niya ang takot matapos ng ginawa ni Rocco. Maituturing nang sexual harassment iyon sapagkat basta na lang siya nitong hinalikan nang walang pahintulot niya. She was afraid and waited for Hendrick to arrive. Gusto niya itong makita. Kung pupuwede, gusto niyang sabihin dito ang ginawa ni Rocco. Alam niyang ang presensiya ng kanyang nobyo ang tanging
“Hindi ko alam kung paano mo natatagalang tumira sa ganitong bahay, Rick. Kaunti na lang, halos kalaki na ito ng silid mo,” wika ni Vladimir habang iginagala nito ang paningin sa bahay na inuupahan niya.“You are exaggerating, Vlad. Bahay pa rin naman itong maituturing,” aniya sabay lapag ng dalawang lata ng beer sa ibabaw ng center table. Naupo rin siya sa pahabang bangkong gawa sa kahoy saka pinagnmasdan ang kaibigan niya.Vladimir was just standing. Pinagmamasdan nito ang kabuuan ng bahay na wari bang hindi ito makapaniwalang magagawa niyang tumira roon.Hindi iyon ang unang beses na nakapunta roon si Vladimir. Sa tuwina ay lagi nitong kinukuwestiyon kung bakit niya pa kailangang mangupahan sa ganoong kaliit na bahay gayong ang laki ng bahay ng kanyang mga magulang. May sarili rin siyang condo unit na napasakanya nang tumuntong siya sa edad na bente-uno. Kung hindi niya man gustong bumuklod sa mga magulang niya, maaari siyang umuwi sa sarili niyang condo unit.“Hindi ko sukat akala
“When loving you keeps me living... It’s the reason why I’m breathing. Baby, couldn’t ask for more. All I want is to love you... forevermore...”Laica couldn’t help but be teary-eyed as she was listening to Hendrick. Kumakanta ito habang sa kanya matamang nakatitig. He was also playing his guitar while singing a song that was not familiar to her. Ngunit sa kabila ng iyon ang kauna-unahang pagkakataong narinig niya ang awiting iyon, hindi pa rin mapigilan ni Laica na maging hilam sa mga luha ang kanyang mga mata habang pinakikinggan ang binata.He was singing so soulfully. Dama niya ang bawat lirikong binabanggit nito. Maging ang melodiya ng naturang awitin ay napakaganda at punong-puno ng emosyon.“I can do anything with you by my side... conquer all obstacles as long as we’re fine,” patuloy pa nito sa pagkanta. “Baby, loving you is the only thing that keeps me living... and I couldn’t ask for more... cause all I want is to love you... forevermore...”Kasabay ng pagtatapos ng pagkanta
Pasado alas-dies na ng gabi ngunit hindi pa rin dalawin ng antok si Laica. Nakahiga na siya sa kama at hindi na mabilang kung ilang beses na siyang pabaling-baling doon. Napakakomportable ng silid na kinaroroonan niya. Malawak iyon, may aircon dahilan para hindi siya mainitan hindi tulad sa silid niya sa kanilang bahay at higit sa lahat ay malambot ang kama na kahit siguro maghapon siyang nakahiga ay hindi sasakit ang kanyang likod.Napakakomportable… pero hindi niya magawang makatulog. Punong-puno ng samu’t saring isipan ang utak niya. Gulong-gulo siya sa lahat ng nangyayari sa buhay niya. Kabaliktaran ng komportableng silid na kinaroroonan niya ngayon ang dibdib niyang labis na nakadarama ng alalahanin.Mablis siyang napaupo sa kama at isinandal ang kanyang likod sa headboard niyon. Napatitig pa siya sa kabilang panig ng kama. Bakante pa iyon at hindi niya sigurado kung doon matutulog si Hendrick. Ipinagpilitan nitong doon siya matulog sa silid na iyon. Nangangahulugan ba iyong tabi
Halos hindi makatingin si Laica sa kanyang Tita Beth at kapatid niyang si Luke. Kapwa nakatitig ang mga ito sa kanila ni Hendrick habang puno ng katanungan ang mga mata. Siya ay nag-iwas ng tingin sa dalawa dahil hindi makaapuhap ng sasabihin samantalang si Hendrick naman ay matapang na nakaharap pa rin, lalo na sa tiyahin niya.“H-Hindi ko maintindihan,” naguguluhang sabi ni Beth. “Ano ang ibig ninyong sabihing… n-nagpakasal kayo? Laica?”Dahan-dahan siyang nag-angat ng kanyang mukha upang salubungin ang tingin nito. “T-Tita---”“Totoo po ang sinabi namin, Tita Beth. I and Laica just got married today,” singit ni Hendrick bago pa man siya matapos sa kanyang pagsasalita.“Ikinasal kayo, Ate?” hindi makapaniwalang bulalas naman ng kapatid niya. Kumpara sa tiyahin nila na pagkabigla ang rumihestro sa mukha, si Luke naman ay kasiyahan ang naging reaksyon.“Tita Beth, hindi ko ho intensyong maglihim. B-Biglaan lang ho kasi,” halos mautal-utal naman niyang sabi.“Biglaan? Ano ang ibig mong
“Let’s go,” narinig niyang wika ni Hendrick sa kanya. Inilahad pa nito ang kanang kamay na wari bang inuudyukan siyang humawak doon at sabay na silang maglakad papasok ng opisina ng judge.Hindi pa rin nakagalaw sa kanyang kinatatayuan si Laica. Napatitig na lamang siya sa kamay ng binatang naghihintay sa paghawak niya. Ni hindi niya alam kung aabutin niya ba iyon o hindi. Pakiramdam niya, ibang-iba na talaga ang sitwasyon nilang dalawa kumpara noon na kahit hawakan niya ang kamay nito ay hindi siya maiilang. Ngayon, hindi niya alam kung may karapatan pa ba siyang madaiti kahit sa mga palad nito.“Let’s go, Laica,” ulit ni Hendrick.She had no choice but to reach for his hand. Awtomatikong ikinulong ni Hendrick ang palad niya sa kamay nito na agad nagbigay sa kanya ng kakaibang damdamin. Hindi niya pa nga mapigilang pagmasdan ang magkahawak nilang mga kamay. Hindi niya man kasi gustong aminin pero labis niyang pinananabikang mahawakan ulit ang binata.“You’re trembling, for goodness’
Hi, guys...You might want to read the other stories under SAVAGE BILLIONAIRE SERIES. This is a series collaboration of me (Yvette Stephanie) and Miss Magzz23.Savage Billioanire Series 1:Lorenzo Olivar (written by Yvette Stephanie)Savage Billioanire Series 2:Ethan Villaver (written by Magzz23)Savage Billionaire Series 3:Romano Silerio (written by Yvette Stephanie)Savage Billionaire Seriess 4:Alonzo Montecarlos (written by Magzz23)Savage Billionaire Series 5:Sergio Arganza (written by Yvette Stephanie)Savage Billionaire Series 7:Hendrick Montañez (written by Yvette Stephanie)As of now (March 2025), iyan pa lamang po ang available sa series na ito. If you notice, alternate po ang number namin. Series 1,3,5,7 and 9 are mine. While Series 2,4,6,8 and 10 ay kay Miss Magzz23. Other stories will be available soon.Thank you...
Matapos maasikaso ng kanyang sekretaryang si Rhian ang lahat ng kailangang dokumento para sa kasal nila ni Laica ay nagpasya si Hendrick na idaos na agad ang pag-iisang dibdib nila ng dalaga. Tinawagan niya ito at inabisuhang sa araw na iyon sila magpapakasal na para bang isang business meeting lamang ang pupuntahan nilang dalawa. Ramdam niya pa ang pagkabigla ni Laica matapos niya itong sunduin at sabihin ang tungkol sa bagay na iyon.Pagkahinto ng kanyang sasakyan sa harap ng gusali kung saan naroon ang opisina ng judge na nakausap ni Rhian ay agad nang lumabas si Hendrick mula sa may driver’s seat. Laica followed and went out from the passenger’s seat as well. Bakas pa sa mukha nito ang pinaghalo-halong emosyon habang nakatitg sa gusaling papasukin nila.“Change of mind?” untag niya rito. Hindi kasi ito tuminag sa kinatatayuan at waring kaylalim ng iniisip.“B-Binigla mo ako. Hindi ko alam na ngayon tayo pakakasal,” anito sabay lingon sa kanya.Hendrick sighed. “Sinabi kong tatawag
“Girlfriend?!” bulalas ni Luke na halatang ikinabigla ang mga sinabi ni Hendrick. Pinaglipat-lipat pa nito ang paningin sa kanya at sa binata. “I-Ibig sabihin, kayo na ulit? Kalian pa? Ang ibig kong sabihin---”“It’s a long story, Luke,” awat na ni Hendrick sa mga sasabihin pa ng kapatid niya. “Sabihin na nating nagkita ulit kami ng ate mo. And we rekindled the relationship that we had before.”Mariing napalunok si Laica. Mataman din siyang napatitig kay Hendrick at halos mabalot pa siya ng labis na pagkailang, hindi lang dahil sa mga sinabi nito, kundi dahil sa uri ng tingin na iginagawad nito sa kanya habang nagsasalita.He’s a good manipulator. Magaling umarte at magpaniwala ng ibang tao. Paano nito naaatim na magsinungaling sa kapatid niya? Ganitong Hendrick ba talaga ang nakilala niya noon? Para kasing hindi niya na talaga makita rito ang lalaking minahal niya. Ibang-iba na ang binata.“Talaga ba?” narinig niyang komento ni Luke dahilan para maputol ang pakikipagpalitan niya ng t