"Hello po Kuya, good morning. Kayo po ang magda-drive sa akin papuntang MGC?" Today I'm going to Monteverde Group of Companies.A man, I think in his early thirties walk towards me. He has a large frame and a well built body. He is tall, dark and handsome. Makapal ang kilay, matangos ang ilong at nakadepina ang mga panga. In short, gwapo."Hi Ma'am, good morning!" Palakaibigan itong ngumiti sa akin at lumapit para pagbuksan ako ng pintuan. "I am Gardo, your chauffeur for today." I was surprised when he speak to me in a straight thick accent. Mukhang sosyalin itong nautusang driver ni Silas ngayong araw ah.Hindi ako masusundo ni Silas dahil meron itong emergency meeting ngayong araw. Nagtext ito sa akin kanina na maaga siyang aalis. Ayos lang naman sa akin na pumasok mag-isa pero ang sabi niya sa akin may susundo daw na driver dito para ihatid ako. Akala ko nga si Kuya Edwin ang susundo sa akin dahil siya naman ang nagbabantay sa akin nung wala si Silas pero iba pala. I am not expecti
Kung malaki ang building na pagmamay-ari ni Kuya Gustavo, malaki din ang building ng MGC. Sa labas pa lang masasabi mo nang hindi ito ordinaryong company lang. "Good morning, Ma'am. May appointment po kayo?" Agad na bati ng security guard pagtapat ko sa pwesto niya. Palakaibigan akong ngumiti bago sumagot sa kanya. "I'm here for work Manong. I'm the new assistant of Mr. Monteverde."Saglit na nagsalubong ang kilay ni Manong pero agad din naman itong ngumiti."Ah kayo po pala ang bagong assistant ni Sir Silas. Pasensya na Ma'am akala ko bisita po kayo. Sige po pumasok na po kayo, nasa ika-tatlumpong palapag ang opisina ni Sir Silas."Tumango ako kay Manong at naglakad papasok pero ilang hakbang pa lang ang nagawa ko nang biglang may sumalubong na babae sa akin. She looks strict and probably in her late forties. "Ikaw ba yung bagong hire na sekretarya ni Sir Monteverde? Bakit ngayon ka lang dumating?"Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Nakaangat ang isang kilay nit
"Tara, Cleo. I'll show you your table." Nabaling ang tingin ko kay Daphne nang magsalita ito. Hinawakan niya ang kamay ko at kahit hindi pa nagsabi si Miss Dela Cruz hinila niya na ako. Saglit pa siyang tinapunan ng tingin ng tatlo pero tumalikod din naman ang mga ito at magkasunod na naglakad papasok sa opisina ni Miss Bienvenida Dela Cruz.Dinala ako ni Daphne sa bakanteng mesa malapit sa kanya. Mabuti na lang na malapit sa kanya dahil kung malapit doon sa mga bruha baka bigla na lang lumabas ang malditang self ko. Baka first day ko pa lang sa trabaho masi-sesante na ako. "Wag mo lang pansinin mga yan, ganyan din ang trato nila sa akin nung bago pa ako dito pero hindi ko lang pinatulan." Mahina niyang pinisil ang kamay ko na tila ba pinapalakas ako. Maliit naman akong ngumiti sa kanya. I just met her pero magaan na agad ang loob ko sa kanya. She seems nice. Medyo may nakikita lang akong lungkot sa mga mata niya. "Come. I will make a tour for you para ma-familiarize mo itong off
"What's the matter? Why don't you want to work anymore? Did anyone in this office do anything wrong to you?" Sunod-sunod na tanong ni Silas sa mababang boses. Nandito kami ngayon sa loob ng opisina niya.Napilitan akong sumama sa kanya pabalik dito dahil nakakakuha na kami ng pansin doon sa canteen. Nagmatigas pa sana ako pero natakot akong baka totohanin niyang buhatin ako paakyat dito sa opisina niya. Kita ko pa naman sa mga mata niya na hindi ito nagbibiro. Pagkarating namin dito sa taas, ang tatlong babae na akala mo nagmamay-ari ng isang hallow block ng kompanya ng Monteverde sa sobrang kasungitan, ngayon ay parang mga maamong tupang naghihintay sa labas. "Answer me, Baby." Ulit niyang tanong pero hindi ako kumibo. Baby!Hindi pa rin nawawala ang inis ko kanya dahil sa mga nalaman ko. At ang kapal ng mukha niyang humarap sa akin na parang walang nangyari?! Wow ha! Wow na wow lang talaga!"Are you mad? I'm sorry if natagalan ako sa meeting. I was supposed to finish early but so
Hindi na ito muling nagsalita pero niyakap niya lang ako sa dibdib niya. Doon ako nagpatuloy sa pag-iyak. Walang pakialam kung nababasa ba ng luha ko ang damit niya. Mahabang katahimikan ang namagitan sa amin. Hinayaan niya akong umiyak hanggang sa napagod lang din ako. Bwesit na buhay 'to!Ang drama! Magtatrabaho lang naman sana ako pero bakit umabot pa sa ganito? Sigurado ako ngayong hindi na ako maganda. Yung make up ko nahulas na."Are you ready to listen now?" Kapagkway tanong niya sa akin. Sumisinok pa ko sa labis na pag-iyak pero kalmado na. Kumuha siya ng tissue at pinasinga ako doon. Pagkatapos nagmamdali itong kumuha ng tubig at pinainom ako."Whatever you are thinking right now, it's not gonna happen. You are not a mistress and I don't have plans of making you my mistress. I have so much respect for you and your family. I can't ruin the trust your brothers and your father gave to me. Malaki ang naitulong ng pamilya niyo sa pamilya ko. Malaki ang utang na loob ko kay Gus
The next few weeks was not that easy but thanks to Daphne madali akong nakapag-adjust sa trabaho ko. I started learning from the very basic. It was very difficult for me at first but eventually I learned. Slowly, I gained knowledge about management. Hindi siya madali pero kaya naman kailangan lang talaga maging focus sa trabaho. Sa free time ko naman madalas akong nagbabasa ng mga libro. Bagamat si Daphne lang ang kasundo ko sa trabaho, mas naging madali sa akin ang matuto. Naroon pa rin ang pagpaparinig nina Daisy at Maricel tungkol sa special treatment sa akin ni Silas pero hindi ko na ito pinatulan. I don't want to waste my energy to people like them. Wala din naman silang ambag sa buhay ko at puro parinig lang din naman ang kaya nilang gawin. Kahit ang masungti na si Ms. Dela Cruz na nangmamata at madalas nagpapatutsada sa akin ay hindi ko na rin pinansin. I don't need to prove to them anything. Wala silang bearing at wala din naman silang naitutulong sa akin dito sa trabaho s
Hindi ako nakasagot agad dahil nabigla ako sa tono ng boses ng ginang. Ito ang unang beses na nakita ko siya pero bigla akong kinabahan. Pagtingin ko kay Heaven nakaangat na ang isang kilay nito at malditang nakatingin sa akin. That same look she throw at me the first time we met. Ngayon lang kami ulit nagkita after nangyari yun at alam kung kating-kati pa itong gumanti sa akin. "Oh the waitress is here. What are you doing here? Delivering coffee?" Dama ko ang pang-uuyam sa boses niya. Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa at nang makitang wala akong dalang kape lalong tumaas ang isang kilay niya. "Where's the coffee? Who give you the right to ride with us?" Hindi ako nakasagot agad. This elevator is for VIP only pero dahil kay Silas nakakasakay ako dito. Hindi naman ako gumagamit nito kapag hindi ko siya kasama pero nawala sa utak ko kanina dahil ka-chat ko siya. "Do you know who's here? Chairwoman Melba Monteverde the owner of this company. How dare you co
Labag man sa loob ko nagmamadali akong pumunta sa pantry. May coffee maker pero hindi na enough ang supply ng coffee shots. Mas madali sana kung mag-order na lang ako ng kape sa labas at ipadeliver pero baka lalo lang magalit si Ms Vien kapag nag-order ako. Gosh! Wala na akong mahanap. Naghalungkat ako sa ibang cabinet. May nakita akong mga kape, yung kape na ginagamit ni Daphne. 3-in-1 coffee sticks. Shit! I don't know how to prepare Daphne’s coffee. Kapag nagkakape kasi kaming dalawa ginagawan ko siya ng espresso. At yung kape niya ginagamit niya lang kapag nagmamadali siya. Paano nga ba ito timplahin? Binasa ko ang instruction na nakalagay doon. Pour hot water in a cup and mix the coffee. Oh, that easy? Maybe I can use Daphne's coffee then. Masarap naman siguro ito dahil ito ang iniinom ni Daphne. Yun nga lang hindi ako sigurado kung magugustuhan ba nila ito. Well let’s hope for the best. Nilagyan ko ng tubig ang water heater at nagsimula akong magpainit ng tubig doon
The saddest part. Finally another story has come to an end. We're in the last chapter of Sandoval Series 5: Shelter in the Rain. Maraming salamat sa pagsama niyo sa akin, sa iyakan, tampuhan, kiligan, mukbangan ni 9" at 5'8" blue eyed princess with a bit of an attitude. Sana may natutunan kayong aral sa kwentong pag-ibig nina Silas Atticus at Cleopatra Cooper and ating ULAN Couple. Daghang Salamat sa inyong tanan! 'Til my next story. Amping ta! _____________________ "Will you marry me again, Cooper? I will make everything right this time. I will marry you in front of the people we love." he said but I remain looking at him. Sa totoo lang gusto ko nang mag-yes pero nagpapakipot pa muna. "Don't worry about the details, the venue, the reception, the dress, it's been ready since five years." "Five years?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. "Yeah Baby, five years. The church, the garden, the beach—" "Oh, and why three?" I asked but my heart is already celebrating
"Do you know why I named my cat Uncle SAM?" Napatingin si Silas sa akin dahil sa tanong ko. "It's because I named him after my hero." Nakita kong saglit itong natigilan pero kapagkway matamis itong ngumiti sa akin. Hinila niya ako palapit sa kanya at hinalikan sa ulo. Ang pusa naman na nasa paanan namin ay parang nakakaintinding tumingin pagkarinig na binanggit ang pangalan niya. Pero, agad din nitong binalik ang tingin sa pusang nasa harapan niya, si Kitty. Ang pusa ni Silas na nakita niya noon sa resort na kulay itim at color blue ang mata. Andito lang kaming apat ngayon sa silid ko. Hindi muna kami gumala ulit ni Silas dito sa hacienda dahil nung huling tour namin nagkasakit kami. Sino ba ang hindi sa mga pinaggagawa naming dalawa? "I didn't know that it was you, Boo. The trauma I experienced that night made me forget that it was you. But even if my mind didn't remember your face, in my heart you remain my hero. Thank you for saving me that night Atticus. If it wasn't for yo
Warning: SPG! Read Responsibly. Sa mga sensitive sa ganitong part, please skip this chapter. This is wild, wag niyo akong ma-gross, eww, yuck! You've been warned. Peaceyow!———————————————-Silas eyes darted on my lips and his adam's apple started moving."You can't kneel here, Baby. I'm just kiddi—.""Well I'm not." Putol ko sa kanya. Inabot ko ang mukha niya at nilapit sa akin. "I want to taste you." I run my finger from his lips to his body down to his shaft. "I want to taste this.""H-huh?" He gulped harshly. "Right here. Right now." I whispered without breaking an eye on him. Dahan-dahang bumaba ang kamay ko sa katawan niya hanggang sa madako ito sa zipper ng pantalon niya. "Baby...s-someone might see us."I smirked naughtily enjoying at his reaction. Para kasing nagdadalawang isip na ito. Pero kabaliktaran naman yung nararamdaman ko. I feel thrilled and excited. Hindi ko na rin alintana ang malakas na buhos ng ulan. Nawala ang takot ko dahil alam kong nandyan si Silas at hi
"Tita Cooper, why po punish ni Lola si Papa Gustavo at sina Tito?" Hera, Kuya Gustavo and Chiara's eldest twin daughter asked me. Kasama niya ang kakambal niyang si Athena na ngayon ay tahimik lang na nakatingin sa Papa niya at kina Kuya. Kambal ang panganay na anak ni Kuya Gustavo. Si Hera ang madaldal at si Athena naman ang tahimik at bilang lang kung magsalita. Kasama din namin ang dalawa pang anak ng mga kapatid k. Si Wyatt na anak ni Kuya Caleb at si Ameeya na anak naman ni Thunder. Andito kami ngayon sa labas nakatingin sa mga kapatid ko dahil hindi pa tapos ang punishment ni Mamá sa kanila. It's been a week long punishment. Si Kuya Gustavo, Kuya Ford at Thunder ang nagsisibak ng kahoy dahil sila ang may pinaka malaking kasalanan. Habang si Kuya Caleb naman at Hunter ang tagahakot ng pinagsibakan nila. At sa tuwing napapalingon sila dito sa pwesto namin ni Silas sabay silang nag-iirapan. I don't know kung para saan ang mga sinibak na kahoy dahil sa tingin ko sobra na ito
Sabay na nag-iwas ng tingin ang mga kapatid ko at pasimpleng nagsisikuhan pero nalipat ang atensyon nilang lahat nang biglang nagising si Silas. "Baby? W-what happened?" He asked confused. Pagkatapos nilipat nito ang tingin kay Mamá na ngayon ay nakatayo na malapit sa amin. Pasimple kong hinawakan ang noo at leeg niya, mainit pa rin ito pero hindi na ganun kainit gaya kanina. "How are you Silas?" Hinawakan din ni Mommy ang noo niya pagkatapos ay matalim ang mga matang binaling sa mga kapatid ko. "T-tita." Tawag ni Silas kay Mamá sa mahinang boses. Bumangon ito sa pagkakahiga at magalang na kinuha ang kamay ni Mamá para magmano. Tumayo din ito para magmano kay Papá ngunit muntik pang mawalan ng balanse kung hindi agad ako nakalapit sa kanya. He's really sick. Inalalayan ko itong maupo pabalik sa pwesto namin. Nakasunod lahat ang tingin ng mga kapatid ko sa kanya. Lahat ay nakasimangot at magkasalubong ang kilay. Nakita ko pa ang pagkunot ng noo ni Kuya Gustavo at ang p
Naging maingay ulit silang lima. Nagtuturuan kung sino ba talaga ang may pinaka malaking kasalanan dahil walang gustong umamin pero biglang tumahimik nang pumailanlang ang boses ni Mamá. "I'm asking you Gideon. Else what?" Pababa pa lang sa hagdan, yun agad ang pambungad na tanong ni Mamá Beth. Kita ko agad ang pagka-panic sa mga mata ni Papá. Mabilis pa itong tumayo para salubungin si Mamá. "D-darling h-hello! How's your sleep honey? Kanina ka pa ba gising? C-come here—" "Answer me Sandoval." Magkasulubong at seryosong tanong ni Mamá kay Papá. Kung kanina si Kuya Gustavo lang ang kinakabahan ngayon silang lima na pati si Papá. "H-huh? Answer what Hon? I-I don't know what you are talking about." Biglang umayos sa pag-upo ang mga kapatid ko. Nakahilera na sila ngayon sa pangunguna ni Kuya Gustavo. Katabi niya si Kuya Caleb, na sinundan ni Kuya Ford, Thunder tsaka si Hunter. Parang maamong tupa ang mga ito at walang ginawang kasalanan. Nakasalikop ang mga kamay at nakalaga
"I told you Ford, wag mo masyadong lakasan ang pagsuntok kay Monteverde kasi malalagot tayo kay Mamá pero ang tigas ng ulo mo. Now, how would you explain that to Mamá huh? Look at his lips, nasugatan. Sabi ko sayo sa katawan lang para hindi mahalata." Parang batang nakasimangot si Kuya Ford habang pinapagalitan ni Kuya Gustavo. Nalaman ni Mamá and ginawa ng mga Kuya ko kay Silas kaya nandito kami ngayon sa hacienda dahil pinauwi kaming lahat. Nandito kami ngayon sa sala hinihintay si Mamá na bumaba dahil natutulog ito nang dumating kami kanina.Kaya heto ang mga kuya nagtuturuan kung sino talaga ang may kasalanan sa kanila. Si Silas naman ay pinagpahinga ko muna dahil nilalagnat. Natutulog ito ngayon at nakaunan ang ulo sa akin kaya alboruto ang mga kuya. Pero hindi nila magawang gisingin dahil nakatingin sa kanila si Papá. Yes Papá is here with us, pero no comment pa ito at hinihintay pa si Mamá na magising. "I didn't hit him the face Kuya, I swear. Sa katawan ko lang siya si
"No!" Mabilis kong putol sa kanya. "I'm sorry Baby, but I think we need to tell your brothers. " "Silas stand up." I gave him a warning look pero umiling lang ito sa akin. Sinubukan ko pang lumapit sa kanya pero hinarang ako ni Kuya Ford. "Wag kang makialam Cleopatra." Kuya Gustavo warned. Kita ko na ang galit sa mga mata niya. Ayaw ko pa sana pero nakita kong may hawak na itong baril at ngayon ay nakatutok na kay Silas. "Kuya please calm down." Hindi ko na mapigilan ang sariling wag umiyak. Nakakatakot na ang mukha ni Kuya. Lumapit si Kuya Caleb sa akin at pinatahan ako pero nagsimula nang manginig ang katawan ko. "Kuya Lexus, please take Kuya's gun." "Princess, I can't. Ako pagagalitan ni Kuya." "Please...please kuya I'm begging you. Wag mo saktan si Silas.” Pero ayaw ako tingnan ni Kuya kaya nilipat ko ang tingin kay Silas. “Atticus tumayo ka dyan. Umayos ka kasi!" Hindi niya pwedeng sabihin kina Kuya Gustavo na pinikot niya ako at baka ngayon pa lang mabu-byuda na ako.
"Open this damn door Monteverde kundi malilintikan ka sa akin!" That's Kuya Ford screaming from outside. Kinakalampag niya pa ang pintuan at natatakot ako na baka bigla niya nalang tadyakan. Nagmamadali na akong bumangon sa kama pero pagtingin ko kay Silas nasa kama pa rin ito. Parang batang nakahaba na ang nguso habang nakatingin sa pintuang kinakalampag ng kapatid ko. "Your twin, Baby, is really annoying. Bakit ba ang sungit ng kambal mong yan? Palagi na lang mainit ang ulo sa akin." "Isa Monteverde! Talagang sinasagad mo ang pasensya ko?" Tawag ni Kuya Ford ulit. "I know you are inside and you are awake! Open this damn door! Cooper, princess, are you okay? Kuya is here. I will rescue you from that fucker. Sinaktan ka ba niya? Silas! Yudeputa ka gid nga sapat ka! Daw si lilintian ka! Mabuol mo gid parte mo karon basin dila mo lang gid ang waay labod ba lantawa balá!" Pinanlakihan ko na ng mata si Silas at hinila na ito. "Clean yourself, bilis!" Nag-i-Ilonggo na ang kuya k