IYON na marahil ang naging simula ng masarap na paghampas ng delubyo sa pagkababae ni Mia. At pati na rin sa kanyang buong pagkatao.Hindi mawari ni Mia kung anong dapat niyang gawin nang mga sandaling iyon. Kung sisigaw ba siya o magpapatuloy sa ginagawa niya pagpipigil ng dapat sana ay malalakas niyang mga pag-ungol. Hanggang sa tuluyan na nga umabot sa sukdulan ang kanyang pagpipigil. Dahil natural mente, katulad ng dati ay binigyan siya ni Erik ng matinding dahilan para gawin iyon.Binigyan siya ng binata ng isang umaatikabong pag-angkin na literal na nagpatirik sa kanyang mga mata. Umiikot na ang paningin niya at sa kalaunan ay naging malabo na iyon. Dahil wala na siyang iba pang makita kundi ang tila kulay puting ulap ng magkakahalong paghahangad, orgasmo, at sensasyon.Pero sa kabila ng lahat ng kapangahasan na nang mga sandaling iyon ay tila ba nagdidigma sa pagitan nilang dalawa. Hindi pa rin nawala sa pakiramdam ng dalaga ang totoong pagmamahal na kalakip ng lahat ng ginagaw
“MASAYA kaming para sa’yo, Mia.”Iyon ang masayang sinabi ni Rosanna sa kanya matapos niyang ibalita sa mga ito ang tungkol sa nalalapit nilang kasal ni Erik.“Pasensya na kayo kung ngayon ko lang kayo nasabihan ah. Naging busy kasi kami sa pag-aasikaso ng mga kailangan kaya ngayon lang din ako nagkaroon ng chance para puntahan kayo dito.”Noon naman tamang pumasok ng opisina ni Rosanna si Dahlia saka inilapag sa mesa ang tatlong baso ng malamig na orange juice. Pagkatapos niyon ay niyakap siya nito ng mahigpit habang nakangiti.“Parang kailan lang noong una kang nag-apply dito para maipagamot ang nanay mo. Ngayon, heto at ikakasal kana. Masaya kami na isang katulad ni Erik ang makakasama mo habang buhay, Mia,” halata sa tono ng pananalita ni Dahlia ang kasiyahan na nararamdaman nito para sa kanya.Sa sinabing iyon ni Dahlia ay agad na nagbalik sa alaala ni Mia ang pinagdaanan niyang hirap matapos mag-migrate patungong Canada si Erik kasama ang mga magulang nito.TEN YEARS BEFORE“Ano
“IYAN lang ba ang dahilan kung bakit ka nagpunta dito? Dahil gusto mong pakiusapan kami ng Tatay mo na tanggapin ang pagpapakasal mo sa babaeng iyon bukas?”Mapait at puno ng kalamigan ang bawat katagang sinambit ni Aurora.Magkakaharap sila noon sa sala ng kanilang bahay. Ang bahay na alam niyang hindi maglalaon ay mawawala na rin ng tuluyan sa kanila. Dahil nga sa desisyon ng nanay niyang ibenta iyon.“Buo na po ang desisyon ko. At sa tingin ko ay makabubuti kung tatanggapin na lamang ninyo ang pasya ko, Nay,” aniya sa mababang tono ng boses.Kung alam lang marahil ni Aurora kung gaano kasakit sa kanya ang lahat ng ito. Na ang sitwasyon nila ngayon ang nagbibigay ng hindi mahimbing na pagtulog sa kanya sa gabi. Pero hindi niya iyon pwedeng sabihin dito. Dahil may palagay siya na oras na gawin niya iyon ay lalo lamang lalakas ang loob nitong hadlangan ang pagmamahalan nila ni Mia.“At talagang kinalimutan mo na kami na nagpalaki sa iyo mula pagkabata, ganoon ba?” bakas ang matinding
KANINA pa naghihintay si Bernie sa labas ng Pegasus Bar kung saan niya nakitang pumasok kanina si Mia. Alam niyang anumang sandali ay lalabas na ito. At iyon ang pinakahihintay niya. Dahil gusto niyang muling makausap ang dalaga.“Hindi ko pa rin matanggap hanggang ngayon na muli na naman akong tinalo ng Erik na iyon,” ang galit niyang sambit saka sinuntok ng mahina ang manibela ng sasakyan.Ilang sandali pa at nakita na rin niya sa wakas na lumabas ng bar ang babaeng hinihintay niya.Wala naman talaga siyang kasiguraduhan na sasama ito sa kanya. Pero kailangan niya itong mabawi sa ayaw man nito o sa gusto. Sabihin man nilang sakim siya, wala siyang pakialam. Dahil ang totoo, mahal lang talaga niya si Mia. Kahit pa sabihing hindi niya kayang maging tapat dito at hindi niya ito pinakasalan.Sa huli niyang naisip ay natawa nalang ng mahina si Bernie.Bakit? Ang pagpapakasal lamang ba ang sukatan ng pag-ibig? Hindi naman lahat ng nagpapakasal ay nagmamahalan. At hindi rin lahat ng nagmam
“E-ERIK, kumusta na si Mia?”Tinig iyon ni Rosanna na nilapitan siya kasama si Dahlia. Nakaupo siya noon sa lobby chair habang naghihintay sa paglabas ng doktor na kasalukuyang uma-attend kay Mia sa loob ng Emergency Room.Noon nilingon ng binata ang dalawang babaeng naupo sa kanyang tabi. “Hinihintay ko pa ang doktor,” aniyang lumunok. “N-Natatakot ako,” iyon ang sa huli ay minabuti na rin niyang aminin.Hindi alintana ang dalawang babaeng kasama ay tila nahahapo at pinanghihinaan ng loob na yumuko si Erik sapo ang kanyang noo.Kanina pa niya gustong umiyak. Nagpipigil lang siya. Kahit ang totoo ay parang unti-unting nilalamon ng takot ang lahat ng pag-asa na nasa puso niya.“M-Mahal na mahal ka ni Mia, Erik,” iyon ang narinig niyang isinatinig ni Rosanna. Dahilan kaya niya ito muling nilingon kasabay ng pagtutuwid niya ng kanyang upo.“A-Alam ko, ako rin naman, mahal na mahal ko siya. At iyon ang dahilan kaya ako natatakot ngayon,” pagtatapat niya saka tinuyo ang kanyang mga luha.N
NANG makababa ng kotse ay agad na sinalubong si Erik ng matinding kalungkutan habang nakatanaw siya sa malaking bahay sa kanyang harapan. “Mia, miss na miss na kita,” bulong niya bago itinulak pabukas ang gate para maipasok sa loob ng bakuran ang sasakyan. Mulis siyang sumakay sa loob ng kanyang kotse para igarahe ng maayos ang sasakyan niya. Pagkababa niya ay noon naman eksaktong huminto sa tapat ng bahay ang isang traysikel kung saan bumaba si Rosanna. Kasama nito si Dahlia. “Erik, may balita ka na ba kung nasaan si Mia?” iyon ang agad na tanong sa kanya ni Dahlia nang makalapit. Kung ilang beses na niyang narinig ang kaparehong tanong mula sa dalawa, hindi na niya mabilang. Ang totoo, sa araw-araw na ginawa ng Diyos, para bang gumising, nabubuhay, at umuuwi na lamang siya sa bahay na iyon para marinig ang kaparehong tanong. Malungkot na umiling si Erik. “Mukhang wala na tayong option, Erik. Kailangan na talaga nating mag-post sa social media para mahanap siya,” ani Rosanna na
“MABUTI naman ang dumating ka na, hijo, pwede mo bang samahan si Mia sa doktor niya?”Iyon ang agad na itinanong sa kanya ng kanyang Tiya Ising nang lapitan niya ito para magmano.“Ay, oo ng apala, ngayon ng apala ang schedule niya ng checkup,” ang nakangiti niyang sabi saka tumango. “Walang problema, Tiya,” ang dugtong pa niya.“Maraming salamat, hijo,” anitong tinapik siya sa balikat. “Kumain kana ba? Nagluto si Mia ng adobong atay ng manok.”Sa narinig ay agad na nakaramdam ng pagkagutom ang binata. “Kumain na po ako. Pero dahil masarap magluto si Mia, kakain ulit ako,” sagot niya sa masiglang tinig.Malapad at matamis ang ngiting pumunit muli sa mga labi ng kanyang tiyahin. Ilang sandali pa ang iniwan na niya ito. Saktong may bumili sa tindahan kaya tumayo ang tiya niya para pagbilhan iyon.Sa loob ng ilang buwang pananalita ni Mia sa bahay nila ay hindi niya maitatanggi na magaan ang loob niya dito. Likas na mabait kasi ang dalaga. Sa kabila iyon ng pagiging mahiyain nito na una
“PWEDE kitang samahan doon kung gusto mo,” ang winika ni Mia kapagkuwan.“Sa tingin mo ba magandang ideya iyon kung sakali?” tanong ni Nathaniel sa kanya.“Oo naman. Kung sakali kasing makukuha mo ang picture niya at least alam natin kung saan magsisimula para hanapin siya.”“So, meaning to say you are willing to help me?” paglilinaw pa ng binata na sandali siyang nilingon.Noon eksaktong inihinto ni Nathaniel ang sasakyan sa tapat ng gate ng malaking bahay. At dahil nga hapon na ay natanawan nila si Aling Ising na nagwawalis ng bakuran.“Oo naman. Sa ganoong paraan man lamang eh makabawi ako sa lahat ng kabutihang nagawa ninyo sa amin ni Aling Ising,” aniyang nakangiti pang kinalas ang suot niyang seat belt.Maaliwalas ang bukas ng mukha ni Nathaniel na tumitig ito sa kanya. Pagkatapos niyon ay gumalaw ang kamay nito saka bahagyang tinapik ang kanyang pisngi.“Sige, pag-usapan natin iyan mamaya. Kailangan ko munang itanong sa Tiya Ising ang tungkol doon sa ampunan,” anito pang nagpat