MALAPIT nang labasan si Mia pero mayroon siyang palagay na wala pa rin sa plano ni Erik ang magmenor ng kahit kaunti. Pero sa kabila ng takot na unti-unting nabubuhay ngayon sa kanyang dibdib ay nanatiling hindi sumasalungat si Mia sa lahat ng kaganapan.Pamilyar naman kasi sa kanya ang takot na iyon. At iyon ay ang takot na nararamdaman niya tuwing nagtutumindi na ang pamamaraan ng pag-angkin sa kanya ni Erik. Iyon ay ang takot na sa kaniya ay sumasapuso tuwing ang papalapit na kaligayahang nakikita niya ay parang hindi na niya magawang tingnan. Dahil gaya ng sinabi niya, nakakatakot ito.Takot siyang baka hindi niya makayang i-handle ang taas ng grado ng sensasyon at sensuwalidad na pwede rumagasa ng paulit ulit hindi lamang sa kanyang pagkababae kundi pati na rin sa buo niyang katawan.Pero gaya ng madalas niyang sabihin, alam niyang wala sa plano ni Erik ang huminto.“M-Malapit na akong labasan,” bulong ni Mia para ipaalam sa binata kung nasaan na ba siya nang mga sandaling iyon.
IYON na marahil ang naging simula ng masarap na paghampas ng delubyo sa pagkababae ni Mia. At pati na rin sa kanyang buong pagkatao.Hindi mawari ni Mia kung anong dapat niyang gawin nang mga sandaling iyon. Kung sisigaw ba siya o magpapatuloy sa ginagawa niya pagpipigil ng dapat sana ay malalakas niyang mga pag-ungol. Hanggang sa tuluyan na nga umabot sa sukdulan ang kanyang pagpipigil. Dahil natural mente, katulad ng dati ay binigyan siya ni Erik ng matinding dahilan para gawin iyon.Binigyan siya ng binata ng isang umaatikabong pag-angkin na literal na nagpatirik sa kanyang mga mata. Umiikot na ang paningin niya at sa kalaunan ay naging malabo na iyon. Dahil wala na siyang iba pang makita kundi ang tila kulay puting ulap ng magkakahalong paghahangad, orgasmo, at sensasyon.Pero sa kabila ng lahat ng kapangahasan na nang mga sandaling iyon ay tila ba nagdidigma sa pagitan nilang dalawa. Hindi pa rin nawala sa pakiramdam ng dalaga ang totoong pagmamahal na kalakip ng lahat ng ginagaw
“MASAYA kaming para sa’yo, Mia.”Iyon ang masayang sinabi ni Rosanna sa kanya matapos niyang ibalita sa mga ito ang tungkol sa nalalapit nilang kasal ni Erik.“Pasensya na kayo kung ngayon ko lang kayo nasabihan ah. Naging busy kasi kami sa pag-aasikaso ng mga kailangan kaya ngayon lang din ako nagkaroon ng chance para puntahan kayo dito.”Noon naman tamang pumasok ng opisina ni Rosanna si Dahlia saka inilapag sa mesa ang tatlong baso ng malamig na orange juice. Pagkatapos niyon ay niyakap siya nito ng mahigpit habang nakangiti.“Parang kailan lang noong una kang nag-apply dito para maipagamot ang nanay mo. Ngayon, heto at ikakasal kana. Masaya kami na isang katulad ni Erik ang makakasama mo habang buhay, Mia,” halata sa tono ng pananalita ni Dahlia ang kasiyahan na nararamdaman nito para sa kanya.Sa sinabing iyon ni Dahlia ay agad na nagbalik sa alaala ni Mia ang pinagdaanan niyang hirap matapos mag-migrate patungong Canada si Erik kasama ang mga magulang nito.TEN YEARS BEFORE“Ano
“IYAN lang ba ang dahilan kung bakit ka nagpunta dito? Dahil gusto mong pakiusapan kami ng Tatay mo na tanggapin ang pagpapakasal mo sa babaeng iyon bukas?”Mapait at puno ng kalamigan ang bawat katagang sinambit ni Aurora.Magkakaharap sila noon sa sala ng kanilang bahay. Ang bahay na alam niyang hindi maglalaon ay mawawala na rin ng tuluyan sa kanila. Dahil nga sa desisyon ng nanay niyang ibenta iyon.“Buo na po ang desisyon ko. At sa tingin ko ay makabubuti kung tatanggapin na lamang ninyo ang pasya ko, Nay,” aniya sa mababang tono ng boses.Kung alam lang marahil ni Aurora kung gaano kasakit sa kanya ang lahat ng ito. Na ang sitwasyon nila ngayon ang nagbibigay ng hindi mahimbing na pagtulog sa kanya sa gabi. Pero hindi niya iyon pwedeng sabihin dito. Dahil may palagay siya na oras na gawin niya iyon ay lalo lamang lalakas ang loob nitong hadlangan ang pagmamahalan nila ni Mia.“At talagang kinalimutan mo na kami na nagpalaki sa iyo mula pagkabata, ganoon ba?” bakas ang matinding
KANINA pa naghihintay si Bernie sa labas ng Pegasus Bar kung saan niya nakitang pumasok kanina si Mia. Alam niyang anumang sandali ay lalabas na ito. At iyon ang pinakahihintay niya. Dahil gusto niyang muling makausap ang dalaga.“Hindi ko pa rin matanggap hanggang ngayon na muli na naman akong tinalo ng Erik na iyon,” ang galit niyang sambit saka sinuntok ng mahina ang manibela ng sasakyan.Ilang sandali pa at nakita na rin niya sa wakas na lumabas ng bar ang babaeng hinihintay niya.Wala naman talaga siyang kasiguraduhan na sasama ito sa kanya. Pero kailangan niya itong mabawi sa ayaw man nito o sa gusto. Sabihin man nilang sakim siya, wala siyang pakialam. Dahil ang totoo, mahal lang talaga niya si Mia. Kahit pa sabihing hindi niya kayang maging tapat dito at hindi niya ito pinakasalan.Sa huli niyang naisip ay natawa nalang ng mahina si Bernie.Bakit? Ang pagpapakasal lamang ba ang sukatan ng pag-ibig? Hindi naman lahat ng nagpapakasal ay nagmamahalan. At hindi rin lahat ng nagmam
“E-ERIK, kumusta na si Mia?”Tinig iyon ni Rosanna na nilapitan siya kasama si Dahlia. Nakaupo siya noon sa lobby chair habang naghihintay sa paglabas ng doktor na kasalukuyang uma-attend kay Mia sa loob ng Emergency Room.Noon nilingon ng binata ang dalawang babaeng naupo sa kanyang tabi. “Hinihintay ko pa ang doktor,” aniyang lumunok. “N-Natatakot ako,” iyon ang sa huli ay minabuti na rin niyang aminin.Hindi alintana ang dalawang babaeng kasama ay tila nahahapo at pinanghihinaan ng loob na yumuko si Erik sapo ang kanyang noo.Kanina pa niya gustong umiyak. Nagpipigil lang siya. Kahit ang totoo ay parang unti-unting nilalamon ng takot ang lahat ng pag-asa na nasa puso niya.“M-Mahal na mahal ka ni Mia, Erik,” iyon ang narinig niyang isinatinig ni Rosanna. Dahilan kaya niya ito muling nilingon kasabay ng pagtutuwid niya ng kanyang upo.“A-Alam ko, ako rin naman, mahal na mahal ko siya. At iyon ang dahilan kaya ako natatakot ngayon,” pagtatapat niya saka tinuyo ang kanyang mga luha.N
NANG makababa ng kotse ay agad na sinalubong si Erik ng matinding kalungkutan habang nakatanaw siya sa malaking bahay sa kanyang harapan. “Mia, miss na miss na kita,” bulong niya bago itinulak pabukas ang gate para maipasok sa loob ng bakuran ang sasakyan. Mulis siyang sumakay sa loob ng kanyang kotse para igarahe ng maayos ang sasakyan niya. Pagkababa niya ay noon naman eksaktong huminto sa tapat ng bahay ang isang traysikel kung saan bumaba si Rosanna. Kasama nito si Dahlia. “Erik, may balita ka na ba kung nasaan si Mia?” iyon ang agad na tanong sa kanya ni Dahlia nang makalapit. Kung ilang beses na niyang narinig ang kaparehong tanong mula sa dalawa, hindi na niya mabilang. Ang totoo, sa araw-araw na ginawa ng Diyos, para bang gumising, nabubuhay, at umuuwi na lamang siya sa bahay na iyon para marinig ang kaparehong tanong. Malungkot na umiling si Erik. “Mukhang wala na tayong option, Erik. Kailangan na talaga nating mag-post sa social media para mahanap siya,” ani Rosanna na
“MABUTI naman ang dumating ka na, hijo, pwede mo bang samahan si Mia sa doktor niya?”Iyon ang agad na itinanong sa kanya ng kanyang Tiya Ising nang lapitan niya ito para magmano.“Ay, oo ng apala, ngayon ng apala ang schedule niya ng checkup,” ang nakangiti niyang sabi saka tumango. “Walang problema, Tiya,” ang dugtong pa niya.“Maraming salamat, hijo,” anitong tinapik siya sa balikat. “Kumain kana ba? Nagluto si Mia ng adobong atay ng manok.”Sa narinig ay agad na nakaramdam ng pagkagutom ang binata. “Kumain na po ako. Pero dahil masarap magluto si Mia, kakain ulit ako,” sagot niya sa masiglang tinig.Malapad at matamis ang ngiting pumunit muli sa mga labi ng kanyang tiyahin. Ilang sandali pa ang iniwan na niya ito. Saktong may bumili sa tindahan kaya tumayo ang tiya niya para pagbilhan iyon.Sa loob ng ilang buwang pananalita ni Mia sa bahay nila ay hindi niya maitatanggi na magaan ang loob niya dito. Likas na mabait kasi ang dalaga. Sa kabila iyon ng pagiging mahiyain nito na una
“ERIK? Tama ba?” Marahil nang makaramdam na rin si Nathaniel ay ito na ang unang lumapit sa kanyang nobyo. “Ako nga pala si Nathaniel, kapatid ni Mia,” anitong hindi na nagpaliguy-ligoy pa sabay abot ng kamay nito sa kanyang nobyo. Sa puntong iyon ay muling tiningala ni Mia ang mukha ng nobyo. Kaya naman kitang-kita niya ang mabilis na pagbabago ng aura ni Erik saka tinanggap ang pakikipagkamay ni Nathaniel. “Oo, would you believe it, may kuya pala ako?” aniyang muling impit na napahagikhik. “Tapos ikaw naman magseselos ka nalang ng hindi ako tinatanong?” dugtong pa niya saka niyakap muli ng mahigpit si Erik. Noon siya mahigpit munang niyakap ni Erik saka pagkatapos ay pinakawalan at walang anumang salitang siniil ng mariing halik sa kanyang mga labi. Hindi alintana ang mga taong alam niyang nakakakita sa kanila ay nagawang iparamdam sa kanya ng binata kung gaano katindi ang pananabik na mayroon ito para sa kanya. “Halika na sa loob?” anito pa ng nakangiti habang nangingislap ang
“BAKIT hindi mo tawagan si Mia, para naman may ideya siya tungkol sa pagdating natin,” suhestiyon kay Erik ng ama niyang si Fidel.Nasa byahe na sila noon patungo ng probinsya. At dahil nga nasa walo hanggang sampung oras ang biyahe. Alas kuwatro pa lamang ng madaling araw ay nasa daan na sila.“Hindi ko alam ang number niya, Tay. Ang totoo, hindi ko sure kung nagpalit ba siya ng numero o pirming nakapatay lang ang phone niya. Ilang beses ko na siyang sinubukang tawagan pero wala pa rin.”“Kunsabagay, baka mas mainam na rin ang ganitong wala siyang ideya na darating ka. Mas masosorpresa siya,” sagot naman ng kanyang ina na sa backseat ng sasakyan nakaupo.*****“MAY problema tayo, Mia,” si Nathaniel iyon na sumilip sa pintuan ng kanyang silid.“Problema?” tanong ni Mia sa kapatid niya.Abala siya noon sa pag-aayos ng mga gamit niya. Babalik na siya ng Maynila at ihahatid na siya ni Nathaniel kasama rin sina Tiya Ising at maging si Elena.“Hindi ako pinayagang hindi pumasok ngayon eh.
“HINDI ka na pwedeng bumiyahe ngayon pa-probinsya, hijo. Masyadong malayo, nasa walong ang biyahe kung tutuusin.”Si Aurora iyon nang nasa byahe na sila pauwi.Ngayon alam na niya kung saan matatagpuan si Mia, hindi na niya gustong mag-aksaya pa ng kahit kaunti panahon. Masyado na siyang nasasabik na makita ito. Gusto na niyang iuwi ang dalaga para maalagaan lalo na sa kundisyon nito.“Nay, hindi ko na mahihintay pa ang bukas. Gusto ko ng makita si Mia,” sagot niya habang pinanatiling nakatuon sa kalsada ang kanyang paningin.“Pero anak, kahit magpahinga ka naman muna,” si Fidel naman iyon. “At isa pa, gusto rin sana naming samahan ka. Kaming dalawa ng nanay mo,” dugtong pa nito.Hindi napigilan ni Erik ang kasiyahang pumuno ng mabilis sa puso niya dahil sa sinabing iyon ng kanyang ama. Kaya naman hindi na rin niya naitago pa ang nararamdaman iyon nang humalo sa tono ng kanyang boses nang siya ay magsalita.“Talaga, Tay?” tanong pa niya saka sandaling nilingon ang kanyang ama.Narinig
“E-ELENA?”Nang marahil makilala ni Tiya Ising ang babaeng noon ay abala sa pagsasampay ng mga kubre kama sa likurang bahaging iyon ng ampunan.Hindi pa man ay nakaramdam na ng mabilis na pagtahip sa kanyang dibdib si Mia. Pagkatapos ay tiningala niya ang kapatid na si Nathaniel. Nagtatanong na ang mga mata niya itong tinitigan. At nang marahil makuha nito ang ibig sabihin ng pagtitig niya ay nagkibit lamang ito ng mga balikat.“A-Ate Ising?”Ang babaeng tinawag kanina ni Tiya Ising sa pangalang Elena ang sumagot.“S-Sino po siya, Sister Cecilia?” nang hindi makatiis si Mia ay iyon na nga ang itinanong niya sa kasamang madre.“Siya ang babaeng nag-iwan sa inyo ng kuya mo dito sa ampunang ito maraming taon na ang nakalilipas,” sagot nito sa kanya saka siya mabait na nginitian.Nagulat o nasorpresa?Hindi matukoy ni Mia kung alin sa dalawa ang naging mas dominanteng emosyon sa puso niya.Hindi rin siya agad na nakapagsalita dahil nanatili siyang nakatitig lang sa babae.Katulad ng nangy
“MA’AM Eden, may naghahanap po sa inyo.”Iyon ang narinig na Bernie na sinabi ng kasambahay na si Lita sa ina niyang noon ay abalang nagdidilig ng halaman sa garden ng kanilang bahay sa Maynila.“Sino?” iyon ang itinanong nito saka lumingon sa kanila at mabilis na natigilan nang makilala siya. “A-Anak?” anitong mabilis na binitiwan ang hawak na hose saka siya nilapitan at mahigpit na niyakap.“M-Mama,” iyon ang tanging nasambit niya saka gumanti ng mahigpit na yakap sa kanyang ina. “M-Miss na miss ko kayo,” aniya pang tuluyan na ngang napaiyak.Ilang sandali pa at niyakag na siya ni Eden sa loob ng kanilang bahay. “Lita, maghanda ka ng makakain,” anitong hinaplos ang mukha niya pagkatapos.“Ano bang nangyari anak? Bakit ka tumakas?” ang masinsin nitong tanong sa kanya nang makapag-solo sila sa sala.Agad na iginala ni Bernie ang paningin niya sa loob ng malawak nilang kabahayan. “Ang Papa? Nasaan siya?” tanong niya nang mabigong makita ang hinahanap.“Nag-grocery siya. Mulan ang mabal
“NAY, patawarin ninyo ako kung nasaktan at pinahirapan ko kayo,” ani Erik na ginagap ang kamay ni Aurora.Sa ginawa niyang iyon ay naging mabilis ang pagbalong ng mga luha ni Aurora.“P-patawarin mo rin sana ako. Kaming dalawa ng tatay mo,” anitong tinapik-tapik ang kamay niya.Nakangiting tumango lang si Erik. Pagkatapos niyon ay tumayo na siya saka mahigpit na niyakap ang kanyang ina. Pagkatapos ay sinulyapan niya si Fidel na ngumiti lang sa kanya.Simpleng ngiti man iyon pero alam ni Erik na malalim ang kahulugan niyon.Sa isang iglap, masasabi ni Erik na nabawasan ang bigat sa dibdib niya na matagal na niyang dala-dala. At hindi niya maikakailang dahil iyon sa ginawa niyang pagpapatawad sa kanyang ina.Oo, mahal niya ang mga magulang niya. At ngayong isa na rin siyang ama kahit kung tutuusin ay hindi pa naman naisisilang ang anak nila ni Mia. Nagkaroon na siya ng mas malalim na pagtingin sa tunay na kahulugan ng buhay. Dahilan kaya hindi siya nahirapang unawain ang lahat ng nagawa
“MINSAN naiisip ko, siguro kung hindi namatay si Nanay Rosita, o kaya kung may kapatid ako, baka hindi nangyayari sa akin ang ganoon. Kasi sure ako na may magtatanggol sa akin,” ani Mia nang matapos siya sa pagkukuwento. Kasabay ng pagtatapos ng kanyang pagsasalaysay ay ang mabilis na naging epekto sa kanya ng lahat ng mga pangyayari. Nag-init ang sulok ng kanyang mga mata. Pero sa kabila ng katotohanang gustong-gusto na nga niyang umiyak at pakawalan ang kanyang emosyon ay nagawa pa rin niyang magpigil. “A-Anong ibig mong sabihin?” tanong ni Nathaniel sa kanya. Noon niya nilingon ang binata saka mapait na nginitian. “Ampon lang ako, Kuya.” Sa kalaunan ay minabuti na rin niyang aminin sa binata ang totoo. Tutal nagawa na rin naman niyang isalaysay rito ang tunay na dahilan kung bakit siya nandoon ngayon. “Napulot lang ako, iyon ang totoo,” aniyang sinimulan na ngang isalaysay kay Nathaniel kung ano ang kwento ng buhay niya. Kung ano at sino ang natatandaan niyang unang umampon sa
“MABUTI na rin iyong naisip ni Erik na bumalik sa trabaho. Kahit pa kasi sabihin mong bonggang mayaman ang magiging bayaw namin eh kailangan pa rin niyang kumayod. Aba, sayang naman ang kita! Hindi ba Rosanna?” Iyon ang malakas na patutsada ni Dahlia nang araw na iyon. Dinalaw siya ng mga ito dalawang linggo na rin ang nakalilipas mula nang makalabas siya ng ospital.“Oo naman. Teka nga, Mia. Kumusta naman kayong dalawa ng magiging biyenan mo?” si Rosanna na sandaling inayunan ang tinuran ni Dahlia bago siya hinarap.Tinutulungan siya ng mga ito sa paghihiwa ng mga rekado para sa lulutuin niyang Kare-Kare para sa pananghalian. Nagsabi kasi si Erik sa kanya na magha-half day lamang ngayon araw sa opisina at sa bahay na itutuloy ang iba pa nitong mga trabaho. Sa totoo lang hindi niya maunawaan ang binata kung bakit mula ng makalabas siya sa ospital ay labis na pag-aalaga na lamang ang ginagawa nito sa kanya. Parang gusto na nga rin niyang mag-isip kung minsan na alam na nito ang tungk
MALAYANG namalas ni Mia ang kahubaran ng lalaking pakakasalan niya habang isa-isang nitong inuubos alisin maging ang pinakamaliit na saplot nito sa katawan. Napakasarap pagmasdan ni Erik habang ginagawa nito ng ganoon. Habang siya, pakiramdam niya nang mga sandaling iyon ay labis na pinagpapala. Dahil sa dami ng babaeng nagdaan sa buhay ng lalaking ito. Siya ang pinili nitong alukin ng kasal.Humaplos sa puso ni Mia ang naisip. Nang makita niyang kumilos na ang binata para halikan siya ay malaya at buong pagmamahal niyang sinalubong iyon. Tinugon niya ang mga halik ni Erik sa kanya sa paraang tila ba mas uhaw pa siya kaysa rito. At iyon na nga ang dahilan kaya tuluyan siyang nawala sa sarili niyang katinuan. Ang muling ginawang banayad na paghipo ni Erik sa kanyang kasarian ang nagbigay daan sa paglalandas na naman ng isang pinong ungol sa lalamunan niya.Nanatiling magkahinang ang kanilang mga labi. Habang ang kamay ni Erik na nasa pagitan ng kanyang mga hita ay sinimulan siyang b