KUMISLAP ang mga mata ni Erik sa sinabi niyang iyon. Pagkatapos, walang anumang salita ay siniil siya nito ng halik at ilang sandali pa ay natagpuan na lamang niya ang sariling siya na ang nakaupo sa ibabaw ng binata.
"Are you okay?" tanong ni Erik nang marahil mahalata nito ang pag-aalangan niya.
Noon lakas-loob na tumango si Mia at pagkatapos ay hinaplos ang gwapong binata na ngayon ay nananatiling nakatitig lang sa kaniya. Hindi man ganoon kaliwanag ang silid dahil sapat lang ang liwanag na pumapasok doon mula sa sala ay malinaw paring nabibista ng dalaga ang kasiyahan sa mga mata ni Erik. At ang damdaming iyon ang nagbigay ng sapat na lakas ng loob sa kaniya upang gawin ang isang bagay na kanina lang ay hiningi niya.
Narinig niya ang marahas na paghugot ng hininga ni Erik nang damhin ng kamay niya ang pagkalalaki nito. At muli pang nasundan ang reaksyon na iyon ng binata nang simulang niyang suyuin ang sandata nito sa paraan na gamit parin niya ang mainit ni
"I'M so sorry sweetheart pero hindi ko na kaya. Bumawi ka nalang next time," si Erik na nakangiti man ay bakas parin sa mukha ang damdamin na magpapatunay patungkol sa mga salitang sinabi nito. Hindi na nag-complain doon si Mia at sa halip ay ngumiti nalang saka tumango. Nang magsimulang gumalaw ang binata sa ibabaw niya ay ipinikit nalang niya ang kaniyang mga mata upang namnamin ang masarap na pananalasang ginagawa ngayon sa kaniya ng katalik. Ilang sandali pa at naramdaman na ng dalaga ang unti-unti niyang paglapit sa dako pa roon. Noon siya nagdilat ng paningin saka sinalubong ang maiitim na mata ni Erik. "Malapit na ako," ang pagbibigay alam niya sa binata. Tumango si Erik saka siya niyuko at siniil ng halik. Inakala niya na pakakawalan ng binata ang bibig niya pero nagkamali siya kaya naman ang anumang ingay na kumawala sa kaniya ay nakulong lahat sa magkabinang nilang mga labi hanggang sa tuluyan na nga niyang naramdaman ang tila ba
NANG araw ring iyon ay minabuti ni Mia na sumadya na sa Pegasus para sa unang araw niya sa trabaho. Pagkatapos ng nangyari sa kanilang dalawa ni Erik kahapon sa bahay nito na naulit pa pa sa bahay naman niya kinagabihan ay parang wala na siyang lakas ng loob na magpakita pa ulit dito. Isama pa ang katotohanan na malaki ang chance na galit ito sa kaniya.Hindi naman kasi biro ang hinihingi nito. Oo nga at may feelings siya para rito, dahil katulad ng sinabi niya, ang nararamdaman niya para sa binata ay hindi nawala sa puso niya at doon lang nanatili sa loob ng mahabang panahon.At ngayong nagkita na silang muli at may nangyari pa sa kanila, alam niyang doon na siya papunta.Sinabi niya kanina na ayaw niyang mas higit pang magalit si Bernie sa kaniya dahil sigurado siya na madadamay ang binata sa galit nito oras na malaman nito ang tungkol sa kanila. At iyon ang hindi niya gustong mangyari. Ayaw niyang madamay si Erik sa problema
"BAKIT dito mo ako dinala Erik?" hindi makatingin si Mia ng diretso kay Erik pero hindi parin niya naitago ang pagtutol na kalakip ng sinabi niyang iyon. Ang tinutukoy niya ay ang bahay ng binata. Inasahan kasi niya na sa bahay niya siya ihahatid nito pero iba ang nangyari. Hindi naman dahil sa ayaw niyang makasama ang lalaki. Ang totoo, nahihiya siya rito dahil sa pagkakatuklas nito ngayon sa totoong hanapbuhay niya. "Ano bang problema kung dito kita dinala? Wala naman akong planong gawan ka nang masama," sagot ng binata saka kinalas ang suot nitong seatbelt. "Alam ko naman iyon," aniyang nagbuntong hininga saka narin minabuting tanggaling ang pagkaka-buckle ng seatbelt niya. "Mia," untag sa kaniya ng binata. "Look at me," utos pa nito sa karaniwan na nitong mabait na tono at iyon ang sa tingin niyang dahilan kaya siya parang kusang napasunod dito. "Pasensya ka na kung nadamay ka pa," iyon ang sa halip ay sinambit niya.
NALITO si Mia dahil sa sinabing iyon ni Erik. Pero sa kabila ng kalituhan ay hindi parin nawala ang kakaibang haplos ng damdamin na palagi niyang nararamdaman sa mga pagkakataong may sinasabing maganda sa kanya ang binata. "Salamat," aniyang itinuon sa kape na nasa kanyang harapan ang kanyang paningin upang itago ang totoong damdamin niya na posibleng mabasa ni Erik sa kanyang mga mata. Kung alam lang ni Erik na ito ang lalaking tinutukoy niya, ano kaya ang mararamdaman ng binata? Ilang sandaling nakiraan sa pagitan nila ang katahimikan. Kakaibang atmosphere rin ang mabilis na naramdam ng dalaga na pumuno sa buong paligid. At iyon ang dahilan kung kaya wala siyang lakas ng loob na salubungin ang mga titig ng kaharap. Ramdam naman kasi niya ang mga pagtitig nito at isa iyon sa mga dahilan kung kaya hindi na naman siya mapakali. Malakas pa nga siyang napasinghap nang biglang ginagap ni Erik ang kamay niya saka iyon maingat n
“IBIG mong sabihin kayong dalawa na ni Mia? Ang akala ko ba naglalaba at naglilinis lang siya sa bahay mo?” ang hindi makapaniwalang tanong sa kanya ni William kinabukasan ng hapon at puntahan siya nito sa mesa niya sa opisina. “No, not literally,” sagot niya. “Inalok ko siya ng kasal pero hindi niya tinanggap. Ilang beses na, pero ayaw parin talaga niya, hindi ko na nga alam kung ano ang pwede kong gawin para mapagbago ko ang isipan niya at makumbinsi ko siyang magpakasal sa akin,” ang mahaba at mababa ang tono ng pananalita niyang sabi saka parang wala sa sariling napatitig sa kawalan. “Anong sinabi mo? Pakiulit nga, kasal? Bakit kayo magpapakasal?” ang magkakasunod na tanong sa kanya ni William sa tono na gulat na gulat. “Pwede ba, hinaan mo ang boses mo,” saway niya kay William. “Sorry,” anito saka napatuwid ng upo sa silyang nasa harapan ng kanyang mesa. “Ano ba talagang nangyayari? Naguguluhan ako sa’yo.” Noon nagbuntong hininga si Erik
“HINDI na importante sa akin Mia kahit ano pa ang gusto mong paniwalaan, basta ang alam ko akin ka lang at kung magmamatigas ka,” anito sa tono na nagbabanta. Mabilis na kinilabutan si Mia sa sinabing iyon ni Bernie. “Umalis ka na at huwag ka nang babalik pa dito kahit na kailan!” iyon ang sa halip ay isinagot niya. Sa puntong iyon ay buong tapang na sinalubong ni Mia ang matatalim na titig sa kanya ni Bernie. Kung saan siya kumuha ng lakas ng loob na gawin iyon, hindi niya alam. Pero kung may natitiyak siya iyon ay ang katotohanan na may bahagi ng pagkatao niya ang nabuo mula nang makasama niya si Erik. Sa pagkakaisip sa binata ay mabilis na nag-init ang sulok ng kanyang mga mata. Kung pwede lang sana niyang aminin sa pagmumukha ng lalaking ito ngayon kung sino ang talagang gusto niyang makasama? Pero hindi niya magagawa iyon. Hindi niya pwedeng ipahamak ang taong alam niyang tanging nagmama-ari ng puso niya noon at hanggang ngayon.
“NARINIG mo ba iyong sinabi ko?” tanong ni Erik sa kanya saka siya matamis na nginitian nang manatili siyang umiiyak habang nakatingala at nakatitig dito. Tumango lang siya. “Wala kang sasabihin?” si Erik iyon na titig na titig sa mukha niya. Noon siya napayuko saka suminghot. “A-Anong gusto mong sabihin ko?” aniyang muling napasigok. Sa pagkakataong iyon alam ni Mia na iba na ang dahilan ang pag-iyak niya. Alam niyang hindi na ang nangyari kanina at ang lahat ng masasakit na sinabi ni Bernie ang dahilan ng kanyang mga luha. Kundi ang dalawang maliliit na salitang namutawi mula sa mga labi ng lalaking pinakamamahal niya. “Well, kung wala kang sasabihin, ako nalang. Kasi marami akong gustong sabihin,” si Erik iyon. Masaya na ang tono ng boses nito at nakita rin niya ang magandang kislap sa mga mata nito nang muli niyang tingalain ang binata. “M-Marami kang sasabihin?” ang naguguluhan pero kinukutuban niy
“PARA sa akin siya ang pinaka-gwapong lalaki sa mundo ko. Isang sulyap lang niya sa akin noon nabubuo na ang araw ko. At kahit pa pakiramdam ko hindi niya ako nakikita, okay lang, hindi naman kasi ako naghangad na maging girlfriend niya,” pagkukwento pa niya. “Bakit naman? Hindi ka ba niya niligawan?” tanong ni Erik sa tono na halatang interesadong-interesado ito sa isasagot niya. “Hindi eh, pero inalok niya akong maging date niya sa prom nung fourth year, sobrang saya ko nun. Kaya lang nahuli siya kasi naunahan siya ni, alam mo na,” sa puntong iyon ay makahulugan ang ngiting pumunit sa mga labi niya. Ngayon gusto na nga niyang maniwala na magaling siyang magtago ng feelings dahil obviously, walang idea si Erik na ito mismo ang lalaking tinutukoy niya sa kanyang kwento. “Hindi ba niyaya rin kitang maging date nung fourth year sa prom? So ibig sabihin pala hindi lang ako at si Bernie ang talagang naghangad na makasama ka nung gabing iy
“ERIK? Tama ba?” Marahil nang makaramdam na rin si Nathaniel ay ito na ang unang lumapit sa kanyang nobyo. “Ako nga pala si Nathaniel, kapatid ni Mia,” anitong hindi na nagpaliguy-ligoy pa sabay abot ng kamay nito sa kanyang nobyo. Sa puntong iyon ay muling tiningala ni Mia ang mukha ng nobyo. Kaya naman kitang-kita niya ang mabilis na pagbabago ng aura ni Erik saka tinanggap ang pakikipagkamay ni Nathaniel. “Oo, would you believe it, may kuya pala ako?” aniyang muling impit na napahagikhik. “Tapos ikaw naman magseselos ka nalang ng hindi ako tinatanong?” dugtong pa niya saka niyakap muli ng mahigpit si Erik. Noon siya mahigpit munang niyakap ni Erik saka pagkatapos ay pinakawalan at walang anumang salitang siniil ng mariing halik sa kanyang mga labi. Hindi alintana ang mga taong alam niyang nakakakita sa kanila ay nagawang iparamdam sa kanya ng binata kung gaano katindi ang pananabik na mayroon ito para sa kanya. “Halika na sa loob?” anito pa ng nakangiti habang nangingislap ang
“BAKIT hindi mo tawagan si Mia, para naman may ideya siya tungkol sa pagdating natin,” suhestiyon kay Erik ng ama niyang si Fidel.Nasa byahe na sila noon patungo ng probinsya. At dahil nga nasa walo hanggang sampung oras ang biyahe. Alas kuwatro pa lamang ng madaling araw ay nasa daan na sila.“Hindi ko alam ang number niya, Tay. Ang totoo, hindi ko sure kung nagpalit ba siya ng numero o pirming nakapatay lang ang phone niya. Ilang beses ko na siyang sinubukang tawagan pero wala pa rin.”“Kunsabagay, baka mas mainam na rin ang ganitong wala siyang ideya na darating ka. Mas masosorpresa siya,” sagot naman ng kanyang ina na sa backseat ng sasakyan nakaupo.*****“MAY problema tayo, Mia,” si Nathaniel iyon na sumilip sa pintuan ng kanyang silid.“Problema?” tanong ni Mia sa kapatid niya.Abala siya noon sa pag-aayos ng mga gamit niya. Babalik na siya ng Maynila at ihahatid na siya ni Nathaniel kasama rin sina Tiya Ising at maging si Elena.“Hindi ako pinayagang hindi pumasok ngayon eh.
“HINDI ka na pwedeng bumiyahe ngayon pa-probinsya, hijo. Masyadong malayo, nasa walong ang biyahe kung tutuusin.”Si Aurora iyon nang nasa byahe na sila pauwi.Ngayon alam na niya kung saan matatagpuan si Mia, hindi na niya gustong mag-aksaya pa ng kahit kaunti panahon. Masyado na siyang nasasabik na makita ito. Gusto na niyang iuwi ang dalaga para maalagaan lalo na sa kundisyon nito.“Nay, hindi ko na mahihintay pa ang bukas. Gusto ko ng makita si Mia,” sagot niya habang pinanatiling nakatuon sa kalsada ang kanyang paningin.“Pero anak, kahit magpahinga ka naman muna,” si Fidel naman iyon. “At isa pa, gusto rin sana naming samahan ka. Kaming dalawa ng nanay mo,” dugtong pa nito.Hindi napigilan ni Erik ang kasiyahang pumuno ng mabilis sa puso niya dahil sa sinabing iyon ng kanyang ama. Kaya naman hindi na rin niya naitago pa ang nararamdaman iyon nang humalo sa tono ng kanyang boses nang siya ay magsalita.“Talaga, Tay?” tanong pa niya saka sandaling nilingon ang kanyang ama.Narinig
“E-ELENA?”Nang marahil makilala ni Tiya Ising ang babaeng noon ay abala sa pagsasampay ng mga kubre kama sa likurang bahaging iyon ng ampunan.Hindi pa man ay nakaramdam na ng mabilis na pagtahip sa kanyang dibdib si Mia. Pagkatapos ay tiningala niya ang kapatid na si Nathaniel. Nagtatanong na ang mga mata niya itong tinitigan. At nang marahil makuha nito ang ibig sabihin ng pagtitig niya ay nagkibit lamang ito ng mga balikat.“A-Ate Ising?”Ang babaeng tinawag kanina ni Tiya Ising sa pangalang Elena ang sumagot.“S-Sino po siya, Sister Cecilia?” nang hindi makatiis si Mia ay iyon na nga ang itinanong niya sa kasamang madre.“Siya ang babaeng nag-iwan sa inyo ng kuya mo dito sa ampunang ito maraming taon na ang nakalilipas,” sagot nito sa kanya saka siya mabait na nginitian.Nagulat o nasorpresa?Hindi matukoy ni Mia kung alin sa dalawa ang naging mas dominanteng emosyon sa puso niya.Hindi rin siya agad na nakapagsalita dahil nanatili siyang nakatitig lang sa babae.Katulad ng nangy
“MA’AM Eden, may naghahanap po sa inyo.”Iyon ang narinig na Bernie na sinabi ng kasambahay na si Lita sa ina niyang noon ay abalang nagdidilig ng halaman sa garden ng kanilang bahay sa Maynila.“Sino?” iyon ang itinanong nito saka lumingon sa kanila at mabilis na natigilan nang makilala siya. “A-Anak?” anitong mabilis na binitiwan ang hawak na hose saka siya nilapitan at mahigpit na niyakap.“M-Mama,” iyon ang tanging nasambit niya saka gumanti ng mahigpit na yakap sa kanyang ina. “M-Miss na miss ko kayo,” aniya pang tuluyan na ngang napaiyak.Ilang sandali pa at niyakag na siya ni Eden sa loob ng kanilang bahay. “Lita, maghanda ka ng makakain,” anitong hinaplos ang mukha niya pagkatapos.“Ano bang nangyari anak? Bakit ka tumakas?” ang masinsin nitong tanong sa kanya nang makapag-solo sila sa sala.Agad na iginala ni Bernie ang paningin niya sa loob ng malawak nilang kabahayan. “Ang Papa? Nasaan siya?” tanong niya nang mabigong makita ang hinahanap.“Nag-grocery siya. Mulan ang mabal
“NAY, patawarin ninyo ako kung nasaktan at pinahirapan ko kayo,” ani Erik na ginagap ang kamay ni Aurora.Sa ginawa niyang iyon ay naging mabilis ang pagbalong ng mga luha ni Aurora.“P-patawarin mo rin sana ako. Kaming dalawa ng tatay mo,” anitong tinapik-tapik ang kamay niya.Nakangiting tumango lang si Erik. Pagkatapos niyon ay tumayo na siya saka mahigpit na niyakap ang kanyang ina. Pagkatapos ay sinulyapan niya si Fidel na ngumiti lang sa kanya.Simpleng ngiti man iyon pero alam ni Erik na malalim ang kahulugan niyon.Sa isang iglap, masasabi ni Erik na nabawasan ang bigat sa dibdib niya na matagal na niyang dala-dala. At hindi niya maikakailang dahil iyon sa ginawa niyang pagpapatawad sa kanyang ina.Oo, mahal niya ang mga magulang niya. At ngayong isa na rin siyang ama kahit kung tutuusin ay hindi pa naman naisisilang ang anak nila ni Mia. Nagkaroon na siya ng mas malalim na pagtingin sa tunay na kahulugan ng buhay. Dahilan kaya hindi siya nahirapang unawain ang lahat ng nagawa
“MINSAN naiisip ko, siguro kung hindi namatay si Nanay Rosita, o kaya kung may kapatid ako, baka hindi nangyayari sa akin ang ganoon. Kasi sure ako na may magtatanggol sa akin,” ani Mia nang matapos siya sa pagkukuwento. Kasabay ng pagtatapos ng kanyang pagsasalaysay ay ang mabilis na naging epekto sa kanya ng lahat ng mga pangyayari. Nag-init ang sulok ng kanyang mga mata. Pero sa kabila ng katotohanang gustong-gusto na nga niyang umiyak at pakawalan ang kanyang emosyon ay nagawa pa rin niyang magpigil. “A-Anong ibig mong sabihin?” tanong ni Nathaniel sa kanya. Noon niya nilingon ang binata saka mapait na nginitian. “Ampon lang ako, Kuya.” Sa kalaunan ay minabuti na rin niyang aminin sa binata ang totoo. Tutal nagawa na rin naman niyang isalaysay rito ang tunay na dahilan kung bakit siya nandoon ngayon. “Napulot lang ako, iyon ang totoo,” aniyang sinimulan na ngang isalaysay kay Nathaniel kung ano ang kwento ng buhay niya. Kung ano at sino ang natatandaan niyang unang umampon sa
“MABUTI na rin iyong naisip ni Erik na bumalik sa trabaho. Kahit pa kasi sabihin mong bonggang mayaman ang magiging bayaw namin eh kailangan pa rin niyang kumayod. Aba, sayang naman ang kita! Hindi ba Rosanna?” Iyon ang malakas na patutsada ni Dahlia nang araw na iyon. Dinalaw siya ng mga ito dalawang linggo na rin ang nakalilipas mula nang makalabas siya ng ospital.“Oo naman. Teka nga, Mia. Kumusta naman kayong dalawa ng magiging biyenan mo?” si Rosanna na sandaling inayunan ang tinuran ni Dahlia bago siya hinarap.Tinutulungan siya ng mga ito sa paghihiwa ng mga rekado para sa lulutuin niyang Kare-Kare para sa pananghalian. Nagsabi kasi si Erik sa kanya na magha-half day lamang ngayon araw sa opisina at sa bahay na itutuloy ang iba pa nitong mga trabaho. Sa totoo lang hindi niya maunawaan ang binata kung bakit mula ng makalabas siya sa ospital ay labis na pag-aalaga na lamang ang ginagawa nito sa kanya. Parang gusto na nga rin niyang mag-isip kung minsan na alam na nito ang tungk
MALAYANG namalas ni Mia ang kahubaran ng lalaking pakakasalan niya habang isa-isang nitong inuubos alisin maging ang pinakamaliit na saplot nito sa katawan. Napakasarap pagmasdan ni Erik habang ginagawa nito ng ganoon. Habang siya, pakiramdam niya nang mga sandaling iyon ay labis na pinagpapala. Dahil sa dami ng babaeng nagdaan sa buhay ng lalaking ito. Siya ang pinili nitong alukin ng kasal.Humaplos sa puso ni Mia ang naisip. Nang makita niyang kumilos na ang binata para halikan siya ay malaya at buong pagmamahal niyang sinalubong iyon. Tinugon niya ang mga halik ni Erik sa kanya sa paraang tila ba mas uhaw pa siya kaysa rito. At iyon na nga ang dahilan kaya tuluyan siyang nawala sa sarili niyang katinuan. Ang muling ginawang banayad na paghipo ni Erik sa kanyang kasarian ang nagbigay daan sa paglalandas na naman ng isang pinong ungol sa lalamunan niya.Nanatiling magkahinang ang kanilang mga labi. Habang ang kamay ni Erik na nasa pagitan ng kanyang mga hita ay sinimulan siyang b