“NARINIG mo ba iyong sinabi ko?” tanong ni Erik sa kanya saka siya matamis na nginitian nang manatili siyang umiiyak habang nakatingala at nakatitig dito.
Tumango lang siya.
“Wala kang sasabihin?” si Erik iyon na titig na titig sa mukha niya.
Noon siya napayuko saka suminghot. “A-Anong gusto mong sabihin ko?” aniyang muling napasigok.
Sa pagkakataong iyon alam ni Mia na iba na ang dahilan ang pag-iyak niya.
Alam niyang hindi na ang nangyari kanina at ang lahat ng masasakit na sinabi ni Bernie ang dahilan ng kanyang mga luha. Kundi ang dalawang maliliit na salitang namutawi mula sa mga labi ng lalaking pinakamamahal niya.
“Well, kung wala kang sasabihin, ako nalang. Kasi marami akong gustong sabihin,” si Erik iyon.
Masaya na ang tono ng boses nito at nakita rin niya ang magandang kislap sa mga mata nito nang muli niyang tingalain ang binata.
“M-Marami kang sasabihin?” ang naguguluhan pero kinukutuban niy
“Kung alam ko lang na mai-in love ako sa iyo ng ganito, sana noon pa man, mga bata palang tayo, hinanap ko na sa puso ko ang pagmamahal na mayroon ako ngayon, para sa iyo,”-ERIK-
“PARA sa akin siya ang pinaka-gwapong lalaki sa mundo ko. Isang sulyap lang niya sa akin noon nabubuo na ang araw ko. At kahit pa pakiramdam ko hindi niya ako nakikita, okay lang, hindi naman kasi ako naghangad na maging girlfriend niya,” pagkukwento pa niya. “Bakit naman? Hindi ka ba niya niligawan?” tanong ni Erik sa tono na halatang interesadong-interesado ito sa isasagot niya. “Hindi eh, pero inalok niya akong maging date niya sa prom nung fourth year, sobrang saya ko nun. Kaya lang nahuli siya kasi naunahan siya ni, alam mo na,” sa puntong iyon ay makahulugan ang ngiting pumunit sa mga labi niya. Ngayon gusto na nga niyang maniwala na magaling siyang magtago ng feelings dahil obviously, walang idea si Erik na ito mismo ang lalaking tinutukoy niya sa kanyang kwento. “Hindi ba niyaya rin kitang maging date nung fourth year sa prom? So ibig sabihin pala hindi lang ako at si Bernie ang talagang naghangad na makasama ka nung gabing iy
“MASAYA ako para sa iyo. At least ngayong malinaw na ang lahat, hindi ka na mahihirapan na protektahan siya,” si William kinabukasan nang ipaalam niya rito ang tungkol sa kanila ni Mia. Nasa harapan noon ni Erik at nakapatong sa ibabaw ng kanyang working table ang isang maliit at kulay pulang kahon. Bukas iyon kaya malaya niyang napagmamasdan ang isang maganda at mamahaling diamond engagement ring na binili niya kanina kasama si William. Para kay Mia iyon. Para sa babaeng mahal na mahal niya kaya pakakasalan niya. Maluwang ang pagkakangiting nagkibit ng kanyang mga balikat si Erik sa sinabing iyon ng kaibigan niya. Pagkatapos ay kinuha niya ang kahon. Isinara at ipinasok sa bulsa ng suot niyang pantalon. Ngayon palang, nai-imagine na niya kung gaano kaganda ang magiging ngiti ni Mia kapag ibinigay niya ito sa dalaga. Kung papaanong nararamdaman narin niya ang matindi at hindi maipaliwanag sa puso niya. “Pero salamat, pare. Kung hindi dahil sa
HINDI alam o matiyak ni Mia kung saan niya kinuha ang lakas ng loob na ginamit niya upang tugunin si Erik sa paraan na katulad ng ginagawa nito sa kanya. Mabilis siyang iwinala sa sarili niyang katinuan ng halik na iyon pero sa kabila niyon ay napaigtad parin siya nang magsimulang malikot ang kamay nito.“I love you, so much,” ang binata nang pakawalan nito ang mga labi niya saka sinuyod ng humahangang tingin ang kanyang mukha.Noon buong pagsuyo na hinaplos ni Mia ang gwapong mukha ni Erik. Pagkatapos ay nag-iinit ang sulok ng mga mata siyang nagsalita.“Mahal na mahal kita. Sobrang mahal na mahal kita. Mula noon hanggang ngayon at hanggang sa kailanman, wala na akong ibang lalaking mamahalin at pag-aalayan ng puso ko kundi ikaw lang,” ang madamdaming hayag ni Mia.Nang ngumiti si Erik ay parang hinipo ng mainit na kamay ang puso ni Mia. At iyon ang dahilan kaya tuluyang humulagpos ang emosyon na kanina pa niya kinokontrol.
ANG tuluyang paglalapat na iyon ng mga labi nila ang naging parang mitsa para sa isang maulan pero mainit at nakakapasong gabi sa pagitan nilang dalawa ng binata.At para kay Mia, kung noo nagawa niyang ibigay kay Bernie ang sarili niya dahil lang sa katotohanang ibinahay siya nito, ano pa kaya kay Erik? Ang lalaking binigyan siya ng singsing at inalok siya ng kasal?Si Erik na tinanggap siya habang ito narin mismo ang pumulot ng bawat piraso ng puso at sarili niya na parang gusto na niyang isuko at itapon noon.Nang pakawalan ni Erik ang mga labi niya ay noon nagkaroon siya Mia ng pagkakataon para sumagap ng hangin. Pakiramdam kasi niya kahit pa sabihing lumalakas ang ulan sa labas ay nilalamon ng malaking apoy ang kabuuan ng kanilang silid. Isa pa ang katotohanan na pareho na silang walang saplot sa katawan kaya naman ramdam na ramdam niya ang init hindi lang ng inilalabas ng balat niya kundi pati narin ng kay Erik.“Mia,” a
PINIGILAN ni Mia ang gumawa ng ingay dahil sa pananalakay ng daliri ni Erik sa kanyang kaselanan pero nabigo siya. Masyadong malakas ang hagupit ng kaligayahan at nakakakuryenteng sarap na ibinigay niyon sa kanya kaya sa huli ay naging magkakasunod narin ang pagsinghap niya. "Mia," ang narinig niyang sinambit ni Erik nang magpatuloy ito sa ginagawa nitong pananalakay sa kanya. Katulad ng dati, parang naging mahirap kay Mia na gawin ang lahat ng bagay dahil sa masarap na pakiramdam na nararamdaman niya. Katulad nalang ng simpleng pagdilat ng kanyang mga mata dahil totoong napakasarap ng ginagawa ni Erik sa kanya nang mga sandaling iyon. "Tumingin ka sa akin, Mia," ang pabulong na utos sa kanya ng binata nang manatiling pikit ang kanyang mga mata. Noon magkakasunod na umiling si Mia saka niya iyon sinundan ng isang pino at mahabang daing. "Oh, Erik," nang hindi siya makatiis ay iyon ang nanulas sa kanyang mga labi habang pikit ang kanyang mga mata.
NANG muling bumaba ang ulo ni Erik ay minabuti narin ni Mia na ibalik sa higaan ang ulo niya. Alam niya na manghihina siya oras na ibigay ng binata sa kanya ang dahilan kung bakit nito siya nagawang tanungin kung ready na siya."Oh!"Iyon ang nanulas sa mga labi niya nang sumayad sa tiyan niya ang mainit nitong bibig na ginawa pang sensuwal ang pakiramdam niya nang maramdaman niya ang pagdama roon ng nakakapaso nitong dila.Hindi na kumibo pa si Erik.Kapag nasa ganitong sitwasyon na sila ay palaging nagiging tahimik ang binata. At iyon ang isa sa mga sensyales na nakikita niya at nagiging basis niya kung gaano kapanganib ang kaligayahan na nakatakda niyang matikman.Ipinagpatuloy ng binata ang ginagawa nito. Hanggang sa para bang nainip ang isa nitong kamay. Inabot nito ang kaliwa niyang dibdib saka doon nagsimulang magmasahe.Muli ay gumuhit ang masarap na kuryente sa katawan ni Mia. Pero hindi rin naman nagtagal doon ang kamay ng bi
PERO nagmistulang walang naririnig ang binata at ipinagpatuloy lang nito ang ginagawa. Habang si Mia, hindi na niya malaman kung papaano siyang magte-react sa lahat ng nangyayaring iyon sa kanyang katawan.Ramdam na ramdam niya ang bawat paghaplos ng dila ni Erik sa pagkababae niya. Na kung tutuusin ay hinila pa nito palapit rito saka itinulak ng husto ang likuran ng kanyang mga hita paitaas. Iyon ang dahilan kaya nagkaroon ito ng mas magandang access sa kanyang kaselanan.Pero hindi lang ang paghaplos at pagsibasib nito ang kanya ang nararamdaman niya nang mga sndaling iyon. Kundi lalong higit ang malakas na lagablab ng apoy sa pagitan nilang dalawa. At iyon ay binuhay ng hindi mailarawang konsenstrasyon ng binata sa kanya habang sinasalanta nito ng pagpapala ang kanyang bukana."Punyeta, Erik ang sarap!" sa huli ay nagmura na siya.Hindi na niya kayang tiisin ang nararamdaman niya nang mga sandaling iyon. Hindi narin niya alam kung sa papaanong pa
UMIKOT ang paningin ni Mia dahil sa hindi maipaliwanag na ligayang nagsasalimabayan sa kanya nang mga sandaling iyon.Alam niyang wala naman na siyang ibang magagawa kundi ang tanggapin ang lahat ng kapangahasan ni Erik. Kahit kung tutuusin, nasa puso rin naman niya ang takot na baka hindi niya kayanin ang iba pang masarap na pagpaparusa na planong iparanas sa kanya ng binata.“Mahal kita,” ani Erik habang hindi ito tumitigil sa ginawang paglalabas-masok sa kanyang bukana.Pumikit si Mia kasabay ang pagkawala ng isang pinong daing. Pero sandali lang iyon, dahil muli niyang idinilat ang kanyang paningin para pagmasdan ang gwapong lalaking ngayon ay buong pagmamahal na umaangkin sa kanya.Hindi pinakawalan ni Erik ang mga kamay niya. Iyon ang dahilan kaya hindi niya magawang haplusin ang mukha nito kahit gustong-gusto niya.“Mahal na mahal kita, Erik. Higit pa sa buhay ko,” pagsasabi niya ng totoo.Iyon naman talaga ang
“ERIK? Tama ba?” Marahil nang makaramdam na rin si Nathaniel ay ito na ang unang lumapit sa kanyang nobyo. “Ako nga pala si Nathaniel, kapatid ni Mia,” anitong hindi na nagpaliguy-ligoy pa sabay abot ng kamay nito sa kanyang nobyo. Sa puntong iyon ay muling tiningala ni Mia ang mukha ng nobyo. Kaya naman kitang-kita niya ang mabilis na pagbabago ng aura ni Erik saka tinanggap ang pakikipagkamay ni Nathaniel. “Oo, would you believe it, may kuya pala ako?” aniyang muling impit na napahagikhik. “Tapos ikaw naman magseselos ka nalang ng hindi ako tinatanong?” dugtong pa niya saka niyakap muli ng mahigpit si Erik. Noon siya mahigpit munang niyakap ni Erik saka pagkatapos ay pinakawalan at walang anumang salitang siniil ng mariing halik sa kanyang mga labi. Hindi alintana ang mga taong alam niyang nakakakita sa kanila ay nagawang iparamdam sa kanya ng binata kung gaano katindi ang pananabik na mayroon ito para sa kanya. “Halika na sa loob?” anito pa ng nakangiti habang nangingislap ang
“BAKIT hindi mo tawagan si Mia, para naman may ideya siya tungkol sa pagdating natin,” suhestiyon kay Erik ng ama niyang si Fidel.Nasa byahe na sila noon patungo ng probinsya. At dahil nga nasa walo hanggang sampung oras ang biyahe. Alas kuwatro pa lamang ng madaling araw ay nasa daan na sila.“Hindi ko alam ang number niya, Tay. Ang totoo, hindi ko sure kung nagpalit ba siya ng numero o pirming nakapatay lang ang phone niya. Ilang beses ko na siyang sinubukang tawagan pero wala pa rin.”“Kunsabagay, baka mas mainam na rin ang ganitong wala siyang ideya na darating ka. Mas masosorpresa siya,” sagot naman ng kanyang ina na sa backseat ng sasakyan nakaupo.*****“MAY problema tayo, Mia,” si Nathaniel iyon na sumilip sa pintuan ng kanyang silid.“Problema?” tanong ni Mia sa kapatid niya.Abala siya noon sa pag-aayos ng mga gamit niya. Babalik na siya ng Maynila at ihahatid na siya ni Nathaniel kasama rin sina Tiya Ising at maging si Elena.“Hindi ako pinayagang hindi pumasok ngayon eh.
“HINDI ka na pwedeng bumiyahe ngayon pa-probinsya, hijo. Masyadong malayo, nasa walong ang biyahe kung tutuusin.”Si Aurora iyon nang nasa byahe na sila pauwi.Ngayon alam na niya kung saan matatagpuan si Mia, hindi na niya gustong mag-aksaya pa ng kahit kaunti panahon. Masyado na siyang nasasabik na makita ito. Gusto na niyang iuwi ang dalaga para maalagaan lalo na sa kundisyon nito.“Nay, hindi ko na mahihintay pa ang bukas. Gusto ko ng makita si Mia,” sagot niya habang pinanatiling nakatuon sa kalsada ang kanyang paningin.“Pero anak, kahit magpahinga ka naman muna,” si Fidel naman iyon. “At isa pa, gusto rin sana naming samahan ka. Kaming dalawa ng nanay mo,” dugtong pa nito.Hindi napigilan ni Erik ang kasiyahang pumuno ng mabilis sa puso niya dahil sa sinabing iyon ng kanyang ama. Kaya naman hindi na rin niya naitago pa ang nararamdaman iyon nang humalo sa tono ng kanyang boses nang siya ay magsalita.“Talaga, Tay?” tanong pa niya saka sandaling nilingon ang kanyang ama.Narinig
“E-ELENA?”Nang marahil makilala ni Tiya Ising ang babaeng noon ay abala sa pagsasampay ng mga kubre kama sa likurang bahaging iyon ng ampunan.Hindi pa man ay nakaramdam na ng mabilis na pagtahip sa kanyang dibdib si Mia. Pagkatapos ay tiningala niya ang kapatid na si Nathaniel. Nagtatanong na ang mga mata niya itong tinitigan. At nang marahil makuha nito ang ibig sabihin ng pagtitig niya ay nagkibit lamang ito ng mga balikat.“A-Ate Ising?”Ang babaeng tinawag kanina ni Tiya Ising sa pangalang Elena ang sumagot.“S-Sino po siya, Sister Cecilia?” nang hindi makatiis si Mia ay iyon na nga ang itinanong niya sa kasamang madre.“Siya ang babaeng nag-iwan sa inyo ng kuya mo dito sa ampunang ito maraming taon na ang nakalilipas,” sagot nito sa kanya saka siya mabait na nginitian.Nagulat o nasorpresa?Hindi matukoy ni Mia kung alin sa dalawa ang naging mas dominanteng emosyon sa puso niya.Hindi rin siya agad na nakapagsalita dahil nanatili siyang nakatitig lang sa babae.Katulad ng nangy
“MA’AM Eden, may naghahanap po sa inyo.”Iyon ang narinig na Bernie na sinabi ng kasambahay na si Lita sa ina niyang noon ay abalang nagdidilig ng halaman sa garden ng kanilang bahay sa Maynila.“Sino?” iyon ang itinanong nito saka lumingon sa kanila at mabilis na natigilan nang makilala siya. “A-Anak?” anitong mabilis na binitiwan ang hawak na hose saka siya nilapitan at mahigpit na niyakap.“M-Mama,” iyon ang tanging nasambit niya saka gumanti ng mahigpit na yakap sa kanyang ina. “M-Miss na miss ko kayo,” aniya pang tuluyan na ngang napaiyak.Ilang sandali pa at niyakag na siya ni Eden sa loob ng kanilang bahay. “Lita, maghanda ka ng makakain,” anitong hinaplos ang mukha niya pagkatapos.“Ano bang nangyari anak? Bakit ka tumakas?” ang masinsin nitong tanong sa kanya nang makapag-solo sila sa sala.Agad na iginala ni Bernie ang paningin niya sa loob ng malawak nilang kabahayan. “Ang Papa? Nasaan siya?” tanong niya nang mabigong makita ang hinahanap.“Nag-grocery siya. Mulan ang mabal
“NAY, patawarin ninyo ako kung nasaktan at pinahirapan ko kayo,” ani Erik na ginagap ang kamay ni Aurora.Sa ginawa niyang iyon ay naging mabilis ang pagbalong ng mga luha ni Aurora.“P-patawarin mo rin sana ako. Kaming dalawa ng tatay mo,” anitong tinapik-tapik ang kamay niya.Nakangiting tumango lang si Erik. Pagkatapos niyon ay tumayo na siya saka mahigpit na niyakap ang kanyang ina. Pagkatapos ay sinulyapan niya si Fidel na ngumiti lang sa kanya.Simpleng ngiti man iyon pero alam ni Erik na malalim ang kahulugan niyon.Sa isang iglap, masasabi ni Erik na nabawasan ang bigat sa dibdib niya na matagal na niyang dala-dala. At hindi niya maikakailang dahil iyon sa ginawa niyang pagpapatawad sa kanyang ina.Oo, mahal niya ang mga magulang niya. At ngayong isa na rin siyang ama kahit kung tutuusin ay hindi pa naman naisisilang ang anak nila ni Mia. Nagkaroon na siya ng mas malalim na pagtingin sa tunay na kahulugan ng buhay. Dahilan kaya hindi siya nahirapang unawain ang lahat ng nagawa
“MINSAN naiisip ko, siguro kung hindi namatay si Nanay Rosita, o kaya kung may kapatid ako, baka hindi nangyayari sa akin ang ganoon. Kasi sure ako na may magtatanggol sa akin,” ani Mia nang matapos siya sa pagkukuwento. Kasabay ng pagtatapos ng kanyang pagsasalaysay ay ang mabilis na naging epekto sa kanya ng lahat ng mga pangyayari. Nag-init ang sulok ng kanyang mga mata. Pero sa kabila ng katotohanang gustong-gusto na nga niyang umiyak at pakawalan ang kanyang emosyon ay nagawa pa rin niyang magpigil. “A-Anong ibig mong sabihin?” tanong ni Nathaniel sa kanya. Noon niya nilingon ang binata saka mapait na nginitian. “Ampon lang ako, Kuya.” Sa kalaunan ay minabuti na rin niyang aminin sa binata ang totoo. Tutal nagawa na rin naman niyang isalaysay rito ang tunay na dahilan kung bakit siya nandoon ngayon. “Napulot lang ako, iyon ang totoo,” aniyang sinimulan na ngang isalaysay kay Nathaniel kung ano ang kwento ng buhay niya. Kung ano at sino ang natatandaan niyang unang umampon sa
“MABUTI na rin iyong naisip ni Erik na bumalik sa trabaho. Kahit pa kasi sabihin mong bonggang mayaman ang magiging bayaw namin eh kailangan pa rin niyang kumayod. Aba, sayang naman ang kita! Hindi ba Rosanna?” Iyon ang malakas na patutsada ni Dahlia nang araw na iyon. Dinalaw siya ng mga ito dalawang linggo na rin ang nakalilipas mula nang makalabas siya ng ospital.“Oo naman. Teka nga, Mia. Kumusta naman kayong dalawa ng magiging biyenan mo?” si Rosanna na sandaling inayunan ang tinuran ni Dahlia bago siya hinarap.Tinutulungan siya ng mga ito sa paghihiwa ng mga rekado para sa lulutuin niyang Kare-Kare para sa pananghalian. Nagsabi kasi si Erik sa kanya na magha-half day lamang ngayon araw sa opisina at sa bahay na itutuloy ang iba pa nitong mga trabaho. Sa totoo lang hindi niya maunawaan ang binata kung bakit mula ng makalabas siya sa ospital ay labis na pag-aalaga na lamang ang ginagawa nito sa kanya. Parang gusto na nga rin niyang mag-isip kung minsan na alam na nito ang tungk
MALAYANG namalas ni Mia ang kahubaran ng lalaking pakakasalan niya habang isa-isang nitong inuubos alisin maging ang pinakamaliit na saplot nito sa katawan. Napakasarap pagmasdan ni Erik habang ginagawa nito ng ganoon. Habang siya, pakiramdam niya nang mga sandaling iyon ay labis na pinagpapala. Dahil sa dami ng babaeng nagdaan sa buhay ng lalaking ito. Siya ang pinili nitong alukin ng kasal.Humaplos sa puso ni Mia ang naisip. Nang makita niyang kumilos na ang binata para halikan siya ay malaya at buong pagmamahal niyang sinalubong iyon. Tinugon niya ang mga halik ni Erik sa kanya sa paraang tila ba mas uhaw pa siya kaysa rito. At iyon na nga ang dahilan kaya tuluyan siyang nawala sa sarili niyang katinuan. Ang muling ginawang banayad na paghipo ni Erik sa kanyang kasarian ang nagbigay daan sa paglalandas na naman ng isang pinong ungol sa lalamunan niya.Nanatiling magkahinang ang kanilang mga labi. Habang ang kamay ni Erik na nasa pagitan ng kanyang mga hita ay sinimulan siyang b