ISABELLA:MARIIN akong napapikit na kumapit sa laylayan ng polo nito. Dinig na dinig ko pa ang malakas na kabog ng dibdib ko. Para akong maiihi habang hinihintay itong dumapo ang mga labi sa balat ko!"Damn," mahinang mura nito na sa pisngi ko dumapo ang mga labi.Hindi ko talaga kayang magpahalik sa kanya sa mga labi. Dalawang dekada kong iniingatan ang katawan ko. Kahit nga ang magpahawak sa aking kamay ay hindi ko ginagawa. Mahirap lang kami. At ito lang ang maiaalay ko sa mapapangasawa ko balang araw. Ang malinis ang dangal at puri ko. Pero dahil sa kagipitan ay mapipilitan akong ibenta ang sarili sa hindi ko kakilala. Maswerte na lang na bata ito at napakagwapong nilalang. Hindi isang matanda na hayok sa laman."I want to kiss your kissable lips, baby," anas nito na napapisil sa baba ko at iniharap ang mukha ko sa kanya."H-hindi ko kaya," mahinang saad kong ikinalunok nito."But I already paid you," anas nito. Napalapat ako ng labi na nangilid ang luha. Lumamlam naman ang mga m
ISABELLA:HAPLOS ang labi na nangangatal ang katawan kong lumabas ng silid. Oo nga't walang namagitan sa amin ng binatang 'yon at binayaran pa rin ako ng dalawang daang libong piso para sa ilang minuto din naming malalim na halikan. Pero hindi ko pa rin makalma ang sarili ko. Pakiramdam ko nga ay nakalutang ako sa kaulapan habang naglakakad. Nakatatak na sa isipan ko ang mapusok nitong halik na may bahid ng panggigigil at pag-iingat. Bawat hagod at sipsip ng kanyang mga labi sa mga labi ko ay kay sarap damhin! Binigyan niya ng hustisya ang unang halik ko na talaga namang tatatak sa isipan ko!Mariin akong napapikit na kusang sumilay ang matamis na ngiti sa aking mga labi. Sinasariwa sa aking isipan ang aming naging halikan nito. Pakiramdam ko tuloy ay nakalapat pa rin ang kanyang mga labi sa akin. Napahaplos ako sa ibabang labi na nangingiti. Para akong kinikiliti na damang-dama pa rin ang kanyang halik. Halik na hindi ko na malilimutan pa sa buong buhay ko. Dahil siya lang naman. .
ISABELLA:HABANG nagkakape kami nito ay pinapaliwanag niya ang mga magiging takbo ng kaso. Kung saan binigyan niya ako ng sarili kong abogado para magabayan din ako. Ayon sa nakalap nila ay walang cctv sa eksaktong lugar na pinangyarihan ng aksidente. Pero sa statement ni Tatay ay maliwanag na mabilis ang patakbo ng driver. At sa uri ng sasakyang gamit nito na isang red ferrari ay masasabing. . .ay kaya ang salarin. Sayang lang at hindi matandaan ni Tatay ang plaka ng sportcar na 'yon para madali sanang mahanap. Ang sabi naman ni Dos ay ginagawa nila ang lahat para makakuha pa ng ibang impormasyon sa salarin. Nakikipag-ugnayan na rin sila sa mga kalapit na barangay para makakuha ng kopya ng cctv. Baka sakaling may nakahagip sa red ferrari na dumaan sa malapit para makuha ang plaka nito.Ang sabi rin nito ay gagawin niya ang lahat para mahuli ang salarin. Tiwala naman ako sa salita nito dahil kita namang determinado ito sa kanyang trabaho. Sana nga. Sana nga ay mahuli niya ang walang
TYPHUS:NAKANGUSO ako na pinapasadaan ng tingin ang resume ng mga bagong aplikante para maging bagong secretary ko. Nakatayo lang naman si Ms Selena sa harapan ko. Hinihintay kung may mapili na ako. Kung tutuusin ay qualified naman silang lahat. Pero wala akong matipuhan sa kanila kahit na four degrees din ang tinapos. Ang iba pa nga ay mga dating beauty queen, model at singer pero heto at naga-apply sa akin. Obviously na ako ang hinahabol at hindi para maging secretary ko."What? Don't tell me, wala kang mapili," ani Selena na pabalang naupo sa silya.Napahinga ako ng malalim na pinapaikot-ikot sa daliri ko ang sign pen ko. "Wala eh. Ayoko sa mga 'yan. Hindi ko sila matipuhan. Hwag ka na kasing umalis. Iiwanan mo talaga ako?" saad ko dito na nagtatampo ang tono."Hoy, Del Mundo, umayos ka nga. Ayokong tumandang dalaga, noh?" paasik nito na ikinatawa ko.Palibhasa ay nasa ten years ko na itong secretary. Mula noong baguhan ako dito sa Cat's Multi Tower ay ito na ang kasama kong nagpa
ISABELLA:NAALIMPUNGATAN ako na marinig ang mga ingay sa labas. Pupungas-pungas pa akong napabangon sa kama ko dahil nabulabog na ang tulog ko. Ang bigat-bigat pa ng ulo ko dahil kulang na kulang pa ako sa tulog. Napatingin ako sa relo ko at pasado alasotso pa lang ng umaga. Dalawang oras pa lang ang tulog ko mula sa magdamag kong pagtatrabaho sa fast-food. Sapo ang ulo na dumungaw ako sa bintana nitong silid ko. Nakita ko naman ang mga kapitbahay namin na nagkakagulong nag-uunahan na nagtungo sa labasan. "Kuya, anong meron?!" sigaw ko sa mga lalakeng nagtatakbuhan."Oh, Bella! Halika na, nasa labasan ang abogado ng may-ari nitong lupa at gusto daw tayong makausap," sagot ng isa na ikinagising ng diwa ko ng tuluyan."Ho?! Sige po! Maghihilamos lang ako!" Kaagad akong bumaba ng hagdanan at nagtungo ng lababo para makapag hilamos. Sabog-sabog pa ang buhok kong pinusod ko ng ponytail ko. Lumabas na ako ng bahay na napasunod sa mga kapitbahay kong bakas ang pag-aalala.Napapalunok ako
ISABELLA:NANGUNOTNOO ako na pinakiramdaman ang paligid ko. Napakatahimik ng lugar at ang lamig din. Ramdam kong napakalambot ng kamang kinahihigaan ko na nababalot ang katawan ko ng malambot at makapal na kumot. Dahan-dahan akong napadilat ng mga mata. Unang bumungad sa nanlalabong paningin ko ang puting kisame. Napakusot-kusot ako ng mga mata hanggang sa unti-unting luminaw ang paningin ko. Mapait akong napangiti na nandidito pa rin ako sa silid na pinagdalhan sa akin. Pero nakadamit na ako ng isang plain white vneck t-shirt at maluwag na pajama. "S-sinong nagbihis sa akin?" piping usal ko.Naipilig ko ang ulo na inalala ang hiling naganap. Mapait na napangiti na nangilid ang luhang maalala ang mga naganap. Madilim na rin sa labas dahil salamin lang naman ang dingding dito. May pagkain din na nasa bedside table na natatakpan ng plastic cover. Dahan-dahan akong naupo na napapangiwi at daing sa pagsidhi ng kirot sa kaselanan ko. Pero dahil kumakalam na ang sikmura kong wala pang ka
ISABELLA:BUONG maghapon akong natulog at bumawi ng lakas. Ang usapan kasi namin ni Dos ay bukas niya ako ipapakilala sa kapatid niya. Sana lang talaga ay kasing bait ni Dos ang Kuya niya. Hindi ko tuloy maiwasang kabahan dahil malaking kumpanya ang papasukan ko. Pakiramdam ko ay hindi ako nababagay magtrabaho doon. Pero dahil malaki-laki din ang kikitain kong singkwenta mill sa loob ng isang buwan ay pagsisikapan ko talaga ang trabaho. Idagdag pang hindi agrabyado ang katawan ko sa oras ng trabaho ko. Pwede na akong makatulog ng payapa sa gabi. Masakit pa rin ang kaselanan ko hanggang ngayon. Pero pinipilit kong gumalaw ng normal dahil baka makahalata ang mga kapatid ko. Ayoko ng dagdagan ang mga alalahanin ni Tatay. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa nagkakamalay si Nanay. Pero ang sabi naman ng mga doctor nito ay stable na si ito. Hinihintay na lang na magkamalay siya para malaman kung may iba pang complication sa pagkakabunggo niya.Naalala ko naman ang hudas na sumagasa sa ina ko.
ISABELLA:NAKABIBINGING katahimikan ang naghahari sa aming dalawa ni Sir Typhus, matapos kaming iwanan ni Dos. Pero bago siya umalis ay paulit-ulit niyang pinaalalahanan ang kapatid na umayos. Tatawa-tawa lang naman ito sa mga babala ni Dos sa kanya. Na tila hindi natatakot kahit sinabihan siya ni Dos na makakatikim siya dito, kapag binastos niya ako.Nagkataon naman na hindi pumasok ang dating secretary nito kaya hindi ko malaman ang gagawin. Nandidito lang ako sa desk ko katabi ito na abala sa pagpirma ng mga papeles. Inaantok tuloy ako dahil wala naman siyang ipinag-uutos sa akin. Ni wala ngang demo dito ng mga dapat kong gawin. Napatuwid ako ng upo na napainat ito at humikab na napalingon sa akin. Napalapat ako ng labi na pinanatili sa laptop ang paningin."Baby, pwede mo ba akong igawan ng kape?" malambing utos nito.Napalunok ako na pilit ngumiti at tumayo na ng desk ko. Nakamata lang naman ito sa akin kaya hindi ko maiwasang mailang sa matiim niyang pagtitig. Nagtungo ako ng p
ISABELLA:LUMIPAS ang mga araw na naging mas magaan ang bawat araw na magkasama kami ni Typhus. Naging mas kampante at komportable ako sa piling nito na malamang siya ang kababata ko. Kahit nasa trabaho kami nito ay nanliligaw pa rin siya na tipong dinaig pa ang isang paslit sa kakulitan nito. Minsan ay nati-temp na rin akong sagutin ko siya dahil aminado naman akong nahuhulog na rin ang puso ko sa kanya. Na hindi ko nga namamalayang nakakahiligan ko na ring makahalikan ito sa araw-araw at oras-oras ba naman niyang pangmamanyak sa akin. Wala pa naman akong kawala sa tuwing ito ang. gumalaw. Ni hindi ako makatanggi sa pagtitig pa lang nito.Nakagat ko ang ibabang labi na nakahalukipkip habang nakatayo dito sa harapan ng glass wall ng opisina nito. Bigla akong kinabahan na hindi ko maipaliwanag ang dahilan. Napalunok ako na maramdamang bumukas ang pinto at may pumasok doon. Napapikit ako na pinakiramdaman ito. Hindi siya si Typhus. Sa prehensya at pabango niya pa lang ay kaagad kong na
ISABELLA:NAKAHALUKIPKIP ako na nakamata sa mga nagtataasang building na kaharap ng opisina ni Typhus. Lumabas kasi ito saglit para ihatid sa baba ang dalawang kaibigan. Napapailing na lamang ako. "Bakit ba ako kinakabahan sa mga 'yon?" piping usal ko na naipilig ang ulo.Pakiramdam ko ay iniiiwas ako ni Typhus sa kanila. Na ayaw niyang naglalalapit ako sa mga taong 'yon. Napanguso ako na malayo ang tanaw nang maramdaman ko ang pagyakap nito mula sa likuran ko. Napangiti akong napakapit sa braso niyang nasa tapat ng dibdib ko pumulupot habang nakasubsob ang baba sa balikat ko. "Okay ka lang?" malambing tanong nito."Okay lang." Kiming sagot kong nilingon ito.Napatitig ako sa mga mata nito na tila may kinakatakutan. Mababakas mo sa mga mata niya na hindi siya palagay na parang may tinatago siya sa akin.Pumihit ako paharap dito na ikinayapos naman nito sa baywang ko. Matiim akong napatitig sa kanyang mga mata na sinusubukang basahin ang reaction nito."May problema ba?" tanong nito
TYPHUS:PANAY ang lunok ko na tila pinipiga ang puso ko habang pinagmamasdan ang ina ng babaeng pinakamamahal kong nakaratay sa kama. May mga galos pa rin ito at kitang hindi pa maayos ang kondisyon. Gusto ko sanang mailipat sila sa hospital namin pero tumanggi naman si Isabella. "Um, Typhus, siya ang Nanay Isabelle at Tatay Ian ko. Um. . . Tay, si Typhus po, ang boss ko," ani Isabella na ikinabalik ng ulirat ko."Ahem! Good day po, Sir, I'm Typhus Del Mundo, your daughter's. . . boss," pormal kong pagpapakilala na naglahad ng kamay sa ama nito.Saglit itong napasulyap sa kamay kong nakalahad na halos hindi ko ikahinga. Akmang babawiin ko na ang kamay ko na nahihiya pero inabot nito iyon na mahigpit na hinawakan. "Magandang araw din sa'yo, Sir. Pasensiya na kayo at dito pa tayo nagkakilanlan," magalang saad nitong ikinangiti ko."Wala ho ito, uhm. . . k-kumusta na ho si. . . si Ma'am?" nahihiyang tanong ko na napasulyap sa asawa nito.Napahinga ito ng malalim na hinaplos pa sa ulo a
ISABELLA:NANGINGITI akong nakayakap dito habang pinagkakasya namin ang sarili dito sa kama ko. Nakakainis naman kasi ang lalakeng ito. Sa laki niyang tao ay halos akupado na niya ang buong kama kong pang dalawahang tao ang kasya. Nakakahiya naman kasing sa sala ko siya patulugin o sa sahig. Kahit nanliligaw pa lang siya sa akin ay nahihiya naman ako lalo na't alam ko naman kung anong uring tao siya at anong kinalakihan niya. Nakaunan ako sa braso nitong kay tigas habang magkaharap kami sa isa't-isa na magkayakap. Dinig na dinig ko na nga ang tibok ng puso nito, maging ng bawat paglunok niya. Nakakakilig din pala na may ganto kang karanasan. Kabado ako dahil ito ang unang beses na may lalake akong pinatuloy dito sa bahay at pinatulog ko pa dito sa silid ko. Kapag naabutan kami ni Tatay dito ay tiyak na malaking gulo. Pero alam ko namang matatagalan pa sila ni Nanay sa hospital kaya malakas ang loob kong patulugin si Typhus dito. "Still awake, baby?" bulong nito."Uhmm," tanging ungo
ISABELLA:PARA akong nagliliyab sa sobrang init ng nadarama ko. Saka ko lang kasi na-realize kung gaano ka-intimate ng position namin ni Typhus. Nakatayo siya sa gitna ng mga hita ko habang nakaupo pa rin ako dito sa countertop at nakalingkis sa kanyang baywang ang mga binti ko. Nakalitaw na rin ang legs ko dahil sa pagkakalihis no'n. Nakakapit naman ito sa baywang ko at nakakapit ako sa kanyang magkabilaang balikat.Hindi ako makatingin sa mga mata niyang nag-aalab. Para akong nanghihina na hindi makaangal sa kanya sa tuwing napapatitig ako sa mga matang 'yon. Na lagi na lang nagpapawala ng puso ko. "Baby," anas nito.Katulad ko ay mabibigat na rin ang kanyang paghinga. Na tila hirap na hirap na rin siyang magpigil ng nadarama. Ayoko namang bumigay sa kanya. Wala pa kaming label at natatakot din ako na ma-turn-off ko siya na hindi na ako birhen. Alam niya noong una namin na birhen pa ako. Kaya sigurado akong nagi-expect itong birhen pa rin ako hanggang ngayon. Ayoko lang na may maka
ISABELLA:HINDI pa man ako nakakasagot dito ay tuluyan ng lumapat ang mga labi nito sa aking labi na ikinanghina ng mga tuhod kong napayapos sa batok nito. Mas humigpit naman ang pagkakayapos nito na masuyong inaangkin ang mga labi ko habang paakyat ang elevator na kinasasakyan namin.Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. Na parang nawalan ako ng lakas para itulak ito o kaya ay umalma sa kanyang kalapastanganan na inaangkin na naman ang mga labi ko!Napasabunot ako dito at kusang naiawang ang bibig ko sa marahan niyang pagkagat sa ibabang labi kong ikinaungol ko. Hindi ko namamalayan na napapasunod na rin ako ditong tinutugon ang kanyang halik, na ikinauungol din nito at mas pinalalalim ang aming halikan!"Uhm. . . teka, kiss lang. Ang manyak mo talaga. May palamas talaga, ha?" naghahabol hiningang asik ko dito na napabungisngis sa pagtabig ko sa kamay nitong nilalamas lang naman ang kanang dibdib ko."Sorry about that, baby. Nakakagigil ka eh, hmm? You're improving," nakangising a
ISABELLA:MATAPOS nitong ipaalam ang progress sa kaso ni Nanay ay magkasabay na kaming lumabas. Nagpaalam pa kasi ito na ihahatid na niya ako sa bahay na ikinasang-ayon nila Nanay at Tatay. Nangingiti ako habang dahan-dahan kaming naglalakad nito sa nadaanan naming parke. Maaga pa naman kaya pinagbigyan ko na lamang itong magpahangin na muna dito. Nagkakasagian kasi ang palad namin at ramdam kong kinakabahan ito. Ibang-iba talaga siya kay Typhus eh. Dahil kung si Typhus lang ang kasama ko sa gantong lugar na nagpapahangin? Tiyak na kung hindi 'yon nakaakbay sa akin ay nakayakap ito. Napailing na lamang ako na winaksi sa isipan ang hudas na 'yon. Bakit ko ba kasi siya naiisip?"Are you cold?" anito na malingunan akong napahalukipkip.Malamig na kasi ang gabi at humahangin hangin pa kaya nilalamig ako na nakasuot ng dress. Hindi pa man ako nakakasagot ay isinuot na nito sa akin ang kanyang makapal na jacket na lihim kong ikinangiti. "Thank you," aniko.Kumindat lang naman itong inakay
ISABELLA:ILANG minuto ko ding inalo si Typhus na parang batang humahagulhol. Naiilang naman akong alamin kung anong problema. Tahimik akong pinapakiramdaman itong abala na sa trabaho. Maya't-maya ang tinatawagan na tungkol naman sa kumpanya ang pinag-uusapan. Naiilang tuloy ako dahil wala naman akong masyadong ginagawa dito sa cubicle ko, katabi ito. "Uhm, Sir? Kape po?" pormal kong tanong.Kahit naman kasi nagkaka palagayan na kami ng loob ay nakakahiya naman kung hindi ako magpaka-formal sa kanya eh nandidito kami sa opisina niya. Nilingon ako nito na pilit ngumiti."Yes, please?" malambing saad nitong ikinangiti kong tumayo sa desk ko."Thank you, baby," pahabol pa nito na ikinakindat ko na lamang.Habang nagtitimpla ng kape namin ay napapasulyap ako ditong abalang muli sa laptop at mga folder na nilalagdaan nito. Nawiwirduhan lang ako sa kanya ngayon. Hindi kasi siya makulit katulad ng inaasahan ko. Tila may malalim itong iniisip, napakaseryoso at tahimik nito. Naiilang tuloy a
TYPHUS:NAKABUSANGOT ako habang nakaupo sa sofa, dito sa mansion. Hinihintay ko ang magaling kong kapatid para makausap siya ng masinsinan. Gusto ko lang linawin kung anong ugnayan nila ni Isabella. Ayoko namang mag-agawan kami sa iisang babae. I know Dos very well. Nakatitiyak naman akong hindi niya rin ako matitiis. Isa pa ay masyado siyang abala sa buhay, kaya sa aming dalawa ay mas mabibigyan ko ng attention si Isabella.Ilang minuto lang ay dumating din ito na ikinatuwid ko sa pagkakaupo. Natigilan pa ito na mabungaran ako dito sa sala at hinihintay siya. "Kuya," anito.Sinenyasan ko naman siyang maupo na ikinasunod nito. Kunot ang noo nito na nakatitig sa akin at hinihintay ang sasabihin. "Ahem!" napapatikhim kong paninimula."Ano ba kasi 'yon, Kuya? Inaantok na ako," reklamo nito."It's about. . . Isabella," walang paligoy-ligoy kong saad.Hindi ko naman ito makitaan ng gulat na prenteng nakaupo lang sa harapan ko. Napapangisi pa ito na nakataas ang isang kilay. "What about