ISABELLA:NAKANGUSO ako habang hinihintay matapos itong kumain sa pinuntahan naming kalapit na japanese restaurant. Natapos na akong kumain at nakapag pahinga na pero heto at kumakain pa rin siya. Napakahinhin ba namang kumain na dinaig pa akong babae. Napapasulyap ako sa relo ko dahil maga-alasdyes na. Ang sabi nito ay may meeting siya sa investor bago magtanghalian. Pero sa kupad niyang kumilos ay tiyak na aabutin pa kami ng oras dito. Tila nang-aakit pa ang uri ng pagkain nito na malagkit na nakatitig sa akin habang sumusubo. Nag-iinit tuloy ang mukha ko na parang malulusaw dito sa kinauupuan. Napanguso ako na mapansing hindi nito ginagalaw ang mga seafood. Ako nga lang ang tumikim sa mga 'yon. Nakakatakam pa naman ang itsura ng mga sugpo at king crab na in-order nito pero. . . ni tikim ay hindi naman niya ginagawa."Ayaw mo sa seafood, Sir?" 'di nakatiis kong tanong."Ayoko." Agarang sagot nito na sumubong muli."Masarap naman ah," saad ko na ikinangisi lang nito."Sarap now. . .
ISABELLA:LIHIM akong napapangiti habang nakasakay kaming dalawa ni Typhus ng kabayo. May kalayuan daw ang kabilang farm na sadya namin dito sa Zambales para bilhan nito. Hindi naman ako marunong sumakay ng kabayo mag-isa kaya heto. . . magkaangkas kami. Nakakailang pa ang posisyon namin dahil ako sa harapan kaya nakayakap na ito sa akin at sinasadyang yumapos sa tyan ko habang nakasubsob sa balikat ko. Hindi naman ako makaangal dahil natatakot akong baka tumakbo ang kabayo. May isang tauhan naman itong nakasunod sa amin na dala ang kotse nito. Napakaarte kasi nito na gustong sa kabayo kami sumakay. Gusto lang yata akong niyayakap eh! Manyakis talaga ang hudas."Hwag mo nga akong singhutin," pagalit ko na nasa leeg ko na ang mukha nito."Ang tapang kasi ng pabango mo. Parang 'di pambabae eh," sagot naman nito na natatawa.Nasiko ko ito napaiktad at humigpit ang pagkakayapos sa tyan kong ikinanigas ko. Para tumalon na palabas ng dibdib ko ang puso ko sa pagyayakap nito sa akin. "B-bi
ISABELLA:NAKABUSANGOT ako habang nakahalukipkip na sa harapan lang ang tingin. Mabuti na lang at napilit ko din itong uuwi ngayon ng syudad. May pamilya akong mag-aalala sa akin at hinihintay din ako ng mga kapatid ko. Tiyak na mag-aalala ang mga iyon na hindi ako makakauwi. Napapikit akong naisandal ang ulo na makadama ng antok. Pero hindi pa man ako nakakaidlip ay inihinto niya ang kotse at inayos ang pag-slide no'n na lihim kong ikinangiti. Pero napadilat ako ng mga mata na maramdamang tila. . . hinagkan ako nito sa mga labi!"Ahem!" kaagad itong umayos ng upo na pinatakbo na ang kotse.Pinaniningkitan ko ito na napaupo ako. Hindi naman ito makatingin sa mga mata ko na namumula ang pisngi!"Hoy, Typhus, hinalikan mo na naman ba ako!?" paninita ko."Hindi kaya. Inayos ko lang ang pagkakahiga mo. Assuming 'to," anito na ikinamilog ng mga mata kong nag-init ang mukha."Ako? Asumera? Ikaw itong nakaw nang nakaw ng halik!" asik ko na nanggigigil na kinurot ito sa braso."Ouch, baby, m
TYPHUS:NAKABUSANGOT ako habang nakaupo sa sofa, dito sa mansion. Hinihintay ko ang magaling kong kapatid para makausap siya ng masinsinan. Gusto ko lang linawin kung anong ugnayan nila ni Isabella. Ayoko namang mag-agawan kami sa iisang babae. I know Dos very well. Nakatitiyak naman akong hindi niya rin ako matitiis. Isa pa ay masyado siyang abala sa buhay, kaya sa aming dalawa ay mas mabibigyan ko ng attention si Isabella.Ilang minuto lang ay dumating din ito na ikinatuwid ko sa pagkakaupo. Natigilan pa ito na mabungaran ako dito sa sala at hinihintay siya. "Kuya," anito.Sinenyasan ko naman siyang maupo na ikinasunod nito. Kunot ang noo nito na nakatitig sa akin at hinihintay ang sasabihin. "Ahem!" napapatikhim kong paninimula."Ano ba kasi 'yon, Kuya? Inaantok na ako," reklamo nito."It's about. . . Isabella," walang paligoy-ligoy kong saad.Hindi ko naman ito makitaan ng gulat na prenteng nakaupo lang sa harapan ko. Napapangisi pa ito na nakataas ang isang kilay. "What about
ISABELLA:ILANG minuto ko ding inalo si Typhus na parang batang humahagulhol. Naiilang naman akong alamin kung anong problema. Tahimik akong pinapakiramdaman itong abala na sa trabaho. Maya't-maya ang tinatawagan na tungkol naman sa kumpanya ang pinag-uusapan. Naiilang tuloy ako dahil wala naman akong masyadong ginagawa dito sa cubicle ko, katabi ito. "Uhm, Sir? Kape po?" pormal kong tanong.Kahit naman kasi nagkaka palagayan na kami ng loob ay nakakahiya naman kung hindi ako magpaka-formal sa kanya eh nandidito kami sa opisina niya. Nilingon ako nito na pilit ngumiti."Yes, please?" malambing saad nitong ikinangiti kong tumayo sa desk ko."Thank you, baby," pahabol pa nito na ikinakindat ko na lamang.Habang nagtitimpla ng kape namin ay napapasulyap ako ditong abalang muli sa laptop at mga folder na nilalagdaan nito. Nawiwirduhan lang ako sa kanya ngayon. Hindi kasi siya makulit katulad ng inaasahan ko. Tila may malalim itong iniisip, napakaseryoso at tahimik nito. Naiilang tuloy a
ISABELLA:MATAPOS nitong ipaalam ang progress sa kaso ni Nanay ay magkasabay na kaming lumabas. Nagpaalam pa kasi ito na ihahatid na niya ako sa bahay na ikinasang-ayon nila Nanay at Tatay. Nangingiti ako habang dahan-dahan kaming naglalakad nito sa nadaanan naming parke. Maaga pa naman kaya pinagbigyan ko na lamang itong magpahangin na muna dito. Nagkakasagian kasi ang palad namin at ramdam kong kinakabahan ito. Ibang-iba talaga siya kay Typhus eh. Dahil kung si Typhus lang ang kasama ko sa gantong lugar na nagpapahangin? Tiyak na kung hindi 'yon nakaakbay sa akin ay nakayakap ito. Napailing na lamang ako na winaksi sa isipan ang hudas na 'yon. Bakit ko ba kasi siya naiisip?"Are you cold?" anito na malingunan akong napahalukipkip.Malamig na kasi ang gabi at humahangin hangin pa kaya nilalamig ako na nakasuot ng dress. Hindi pa man ako nakakasagot ay isinuot na nito sa akin ang kanyang makapal na jacket na lihim kong ikinangiti. "Thank you," aniko.Kumindat lang naman itong inakay
ISABELLA:HINDI pa man ako nakakasagot dito ay tuluyan ng lumapat ang mga labi nito sa aking labi na ikinanghina ng mga tuhod kong napayapos sa batok nito. Mas humigpit naman ang pagkakayapos nito na masuyong inaangkin ang mga labi ko habang paakyat ang elevator na kinasasakyan namin.Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. Na parang nawalan ako ng lakas para itulak ito o kaya ay umalma sa kanyang kalapastanganan na inaangkin na naman ang mga labi ko!Napasabunot ako dito at kusang naiawang ang bibig ko sa marahan niyang pagkagat sa ibabang labi kong ikinaungol ko. Hindi ko namamalayan na napapasunod na rin ako ditong tinutugon ang kanyang halik, na ikinauungol din nito at mas pinalalalim ang aming halikan!"Uhm. . . teka, kiss lang. Ang manyak mo talaga. May palamas talaga, ha?" naghahabol hiningang asik ko dito na napabungisngis sa pagtabig ko sa kamay nitong nilalamas lang naman ang kanang dibdib ko."Sorry about that, baby. Nakakagigil ka eh, hmm? You're improving," nakangising a
ISABELLA:PARA akong nagliliyab sa sobrang init ng nadarama ko. Saka ko lang kasi na-realize kung gaano ka-intimate ng position namin ni Typhus. Nakatayo siya sa gitna ng mga hita ko habang nakaupo pa rin ako dito sa countertop at nakalingkis sa kanyang baywang ang mga binti ko. Nakalitaw na rin ang legs ko dahil sa pagkakalihis no'n. Nakakapit naman ito sa baywang ko at nakakapit ako sa kanyang magkabilaang balikat.Hindi ako makatingin sa mga mata niyang nag-aalab. Para akong nanghihina na hindi makaangal sa kanya sa tuwing napapatitig ako sa mga matang 'yon. Na lagi na lang nagpapawala ng puso ko. "Baby," anas nito.Katulad ko ay mabibigat na rin ang kanyang paghinga. Na tila hirap na hirap na rin siyang magpigil ng nadarama. Ayoko namang bumigay sa kanya. Wala pa kaming label at natatakot din ako na ma-turn-off ko siya na hindi na ako birhen. Alam niya noong una namin na birhen pa ako. Kaya sigurado akong nagi-expect itong birhen pa rin ako hanggang ngayon. Ayoko lang na may maka