BHELLE:NAGDADABOG akong lumabas ng bahay para makaiwas kay Tyrone. Bwisit na 'yon. Ang sarap niyang pagkakalmutin sa mukha. Nakakagigil!Tumuloy ako ng mini garden kung saan naroon si Isabella at Typhus na masayang nagkukulitan. Napalingon naman ang mga ito na napangiting makita ako."Good morning, Bhelle!"Panabay nilang bati na ikinangiti kong lumapit sa mga ito. Ayoko mang istorbohin ang kulitan nilang mag-asawa pero ayoko namang makaharap ang Tyrone na 'yon lalo na't nandidito din si Leon. Haist!"Good morning," kiming pagbati ko na naupo kaharap sila. "Okay lang bang dito muna ako?""Oo naman. Ikaw talaga," sagot ni Bella na ikinangiti ko."Ahem! Nagising na ba si Tyrone?" ani Typhus na napasulyap pa sa bahay."Uhm, yeah. Nangbubwisit na nga eh," nakangusong sagot ko.Namilog naman ang mata ng mga ito na nagkatinginan. Napahinga ako ng malalim na napapabusangot. "Anong ibig mong sabihin, Bhelle?" naguguluhang tanong ni Isabella sa akin."Nalaman na kasi niyang. . . nanliligaw s
BHELLE:TAHIMIK akong pinapakiramdaman si Leon habang marahan kaming naglalakad dito sa may citrus-san ni Typhus. Hindi ko alam kung paano basagin ang nakabibinging katahimikan sa pagitan naming dalawa. Kita ko kasi sa peripheral vision kong malalim ang iniisip nito. Bagsak ang balikat na nakalarawan ang lungkot sa kanyang mga mata.Paniguradong sinabi na ni Tyrone na dati niya akong kasintahan at siya ang ama ng dinadala ko. Kaya naiilang akong kausapin ito dahil tiyak na nagulat. . . at nasaktan ito.Napahinto ako na tumigil ito at nagtungo sa harapan ko pagdating namin sa may burol. Tumitig ito sa mga mata ko na napakaseryoso pa rin. Pilit itong ngumiti sa akin na hinawakan ang kamay ko. Napapalunok naman akong pigil ang hininga na nakamata dito at hinihintay ang sasabihin."Bhelle, can I ask you something?" anito.Kimi akong ngumiti na tumango bilang sagot. Napahinga ito ng malalim na tila humuhugot ng bwelo sa sasabihin."Do you still love him?" Napipilan ako na hindi makasagot
BHELLE:NANGUNOTNOO ako na maramdamang tila namamasa ang ano ko. Naibaling-baling ko ang ulo na pinapakiramdaman at hindi mapigilang mahinang mapaungol na may mainit at malambot na bibig na humahagod sa aking kaselanan. Nag-iinit ang katawan ko na mas naibuka ang mga hita. Shit! Ang sarap namang panaginip 'to. Napaawang ako ng bibig na mahigpit na napakapit sa kobrekama na madama ang pangsisipsip nito sa clitoris ko na nilalaro-laro iyon! Ang sarap sa pakiramdam na ikinaaalpas ng mahihinang ungol ko. "Ooohh, sige pa, please?" mahinang ungol ko.Hindi naman ako nito binigo na mas pinag-igihan ang paghagod ng mga labi at dila sa talaba kong basang-basa na at sabik na sabik!Namamaluktot ang mga daliri ko sa paa at hindi na mapakaling maramdaman ang pamilyar na tension sa aking puson! Tila mga paru-paro na umiikot-ikot sa puson ko at naghahanap ng malalabasan. Napasabunot ako dito na mahabang napaungol na tuluyan kong naabot ang rurok ng tagumpay!"Gosh, ang sarap no'n," hinihingal kon
BHELLE:PANAY ang lunok ko na nagsisimulang mabuhay ang pamilyar na damdamin sa aking dibdib. Tumatayo ang mga balahibo ko sa katawan at nagsisimulang bumigat ang paghinga."Stop me if you're not comfortable, sweetheart," bulong nito sa punong tainga ko.Para ko namang nalunok ang sariling dila na hindi makaapuhap ng isasagot dito. Masuyo nitong pinapatakan ng halik ang balikat at batok ko habang nakayakap sa akin at marahang hinahaplos ang umbok ko.Nanghihina akong unti-unting natatangay sa nakakadarang sensasyong binubuhay nito habang marahang sinisipsip ang balat ko. Napapaliyad ako ng likuran na mahinang napapaungol at nagugustuhan ang ginagawa nito. Kahit gusto ko itong suwayin katulad ng sinisigaw ng isipan ko ay kusang napapasunod ng puso ko ang katawan ko. Napahawak ako sa kamay nito na dahan-dahang humahaplos pataas hanggang sa maabot no'n ang kanang dibdib ko. Napasinghap ako na madama ang libo-libong boltahe ng kuryente na sumapo ang malaking kamay nito sa dibdib ko at ma
BHELLE:HINDI ko maitago ang ngiti at kilig na nadarama ko habang yakap-yakap ako ni Tyrone na nahihimbing dito sa silid ko. Matapos naming mag-picnic kanina sa batis ay bumalik din kami ng bahay. Kasama naman nila Isabella at Typhus si Tanner na nililibot para hindi kami maistorbo ni Tyrone. Kahit ang kambal namin sa tummy ko ay ramdam kong komportable na sila na napapahaplos sa ama nila. Ang sarap lang sa pakiramdam na wala na akong ibang inaalala sa isipan. Na kampante na ang puso at isipan ko sa mga bagay-bagay. Kahit hindi pa namin napag-uusapan ni Tyrone ang tungkol sa hinaharap ay palagay na ang loob kong. . . doon din ang bagsak naming dalawa. Na sooner or later ay. . . aalukin na niya ako ng kasal.Napahaplos ako sa maamo niyang mukha. Kitang kakaiba na ang aliwalas ng mukha nito ngayon. Na mababasa mong masaya ito at walang inaalala. Napangiti akong magaang napahalik sa noo nito. Pero hindi ko naman mapigilan ang sarili ko na pinaghahalikan siya sa buong mukha.Napapahagikh
BHELLE:Napalabi akong naglaglagan ang butil-butil kong luha habang nakamata sa mag-ama ko. Nasa gilid naman sina Isabella at Typhus maging ang ilang katulong dito sa bahay na nakangiting pinapanood kami. Si Tanner ang unang lumapit sa akin na sinalubong ako dito sa gitna. Napayuko ako na hinagkan ito sa noo at inabot ang bulaklak na inaabot nito sa akin."Nanay, will you marry. . . my Tatay?" tanong nito na nakangiti sa akin.Natawa naman akong napabaling kay Tyrone na nangingiti at napakamot pa sa batok. Sumapo ako sa magkabilaang pisngi ng anak kong nakatingala sa akin at muli siyang hinagkan sa noo."Gusto mo bang pakasalan ni Nanay ang Tatay?" tanong ko."Opo!" masiglang sagot nito na nagniningning ang mga mata na napakalapad ng ngiti.Lumuhod akong niyakap ang anak kong ingat na ingat masagi ang may kalakihan kong tyan. Napangiti akong tumulo ang luha habang yakap ang anak ko. Siya namang paglapit ni Tyrone dito sa kinaroroonan namin na inalalayan na akong makatayo. Napatitig
BHELLE:KABADO ako habang inaayusan ako ng mga make-up artist na kinuha ni Tyrone para maayusan ako. Matapos ang proposal nito sa akin last week sa farm nila Isabella at Typhus ay magkakasama kaming buong pamilya na umuwi dito sa probinsya namin para makausap ng pormal ang pamilya ko tungkol sa pag-iisang dibdib namin ni Tyrone dito din sa amin.Hindi ko inaasahan na maaabutan namin dito sa probinsya. . . si Zayn. Inamin niya sa pamilya ko ang lahat-lahat. Maging ang mga nangyari sa pagitan namin ni Tyrone. Noong una ay ginulpi daw siya nila Tatay at Benedict na kapatid ko. Pero hindi ito sumuko na sinuyo ang pamilya ko para mapatawad ito..Naging tauhan siya sa sakahan. Hindi naman daw ito nagreklamo kahit mabibigat ang trabaho na binibigay ni Tatay sa kanya. Katulad kung paano mag-araro, magtanim ng gulay at magbuhat ng mga sako-sakong palay mula sa sakahan. Magmula pala noong nagkaaway sila ni Tyrone ay nagtungo ito dito sa probinsya namin para harapin ang atrasong nagawa. Noong u
BHELLE:KABADO ako habang hinihintay si Tyrone dito sa loob ng tent namin dito sa may burol. Kung saan kami noon nagtungo at buong pusong inialay ko sa kanya ang katawan ko. Dito din sa burol na 'to nagsumpaan kami na magmamahalan kami hanggang dulo. At dito din siya. . . nangako kasabay ng pagsuot niya ng promise ring sa kamay ko na makakaasa ako sa pagmamahal niya sa akin. Saksi ang burol na ito sa naging pagmamahalan namin ni Tyrone mula umpisa. Kaya naman malaking puwang ang lugar na 'to sa aming dalawa. Binili na nga ito ni Tyrone at planong dito magtayo ng bahay namin. Nangako siyang tutuparin namin ang mga pangarap namin noon. Kung saan dito kami sa probinsya mamumuhay ng simple kasama ang bubuoin naming pamilya. Hindi ko mailarawan ang sayang nadarama ko. Bukas pa ang kasal namin pero pakiramdam ko ay ganap na akong Mrs Del Mundo. Iisipin ko pa lang ang bagay na iyon ay 'di ko mapigilang kiligin na sa wakas ay. . . magiging akin na si Tyrone ng buong-buo. At sobrang saya ko
ISABELLA:LUMIPAS ang mga araw na naging mas magaan ang bawat araw na magkasama kami ni Typhus. Naging mas kampante at komportable ako sa piling nito na malamang siya ang kababata ko. Kahit nasa trabaho kami nito ay nanliligaw pa rin siya na tipong dinaig pa ang isang paslit sa kakulitan nito. Minsan ay nati-temp na rin akong sagutin ko siya dahil aminado naman akong nahuhulog na rin ang puso ko sa kanya. Na hindi ko nga namamalayang nakakahiligan ko na ring makahalikan ito sa araw-araw at oras-oras ba naman niyang pangmamanyak sa akin. Wala pa naman akong kawala sa tuwing ito ang. gumalaw. Ni hindi ako makatanggi sa pagtitig pa lang nito.Nakagat ko ang ibabang labi na nakahalukipkip habang nakatayo dito sa harapan ng glass wall ng opisina nito. Bigla akong kinabahan na hindi ko maipaliwanag ang dahilan. Napalunok ako na maramdamang bumukas ang pinto at may pumasok doon. Napapikit ako na pinakiramdaman ito. Hindi siya si Typhus. Sa prehensya at pabango niya pa lang ay kaagad kong na
ISABELLA:NAKAHALUKIPKIP ako na nakamata sa mga nagtataasang building na kaharap ng opisina ni Typhus. Lumabas kasi ito saglit para ihatid sa baba ang dalawang kaibigan. Napapailing na lamang ako. "Bakit ba ako kinakabahan sa mga 'yon?" piping usal ko na naipilig ang ulo.Pakiramdam ko ay iniiiwas ako ni Typhus sa kanila. Na ayaw niyang naglalalapit ako sa mga taong 'yon. Napanguso ako na malayo ang tanaw nang maramdaman ko ang pagyakap nito mula sa likuran ko. Napangiti akong napakapit sa braso niyang nasa tapat ng dibdib ko pumulupot habang nakasubsob ang baba sa balikat ko. "Okay ka lang?" malambing tanong nito."Okay lang." Kiming sagot kong nilingon ito.Napatitig ako sa mga mata nito na tila may kinakatakutan. Mababakas mo sa mga mata niya na hindi siya palagay na parang may tinatago siya sa akin.Pumihit ako paharap dito na ikinayapos naman nito sa baywang ko. Matiim akong napatitig sa kanyang mga mata na sinusubukang basahin ang reaction nito."May problema ba?" tanong nito
TYPHUS:PANAY ang lunok ko na tila pinipiga ang puso ko habang pinagmamasdan ang ina ng babaeng pinakamamahal kong nakaratay sa kama. May mga galos pa rin ito at kitang hindi pa maayos ang kondisyon. Gusto ko sanang mailipat sila sa hospital namin pero tumanggi naman si Isabella. "Um, Typhus, siya ang Nanay Isabelle at Tatay Ian ko. Um. . . Tay, si Typhus po, ang boss ko," ani Isabella na ikinabalik ng ulirat ko."Ahem! Good day po, Sir, I'm Typhus Del Mundo, your daughter's. . . boss," pormal kong pagpapakilala na naglahad ng kamay sa ama nito.Saglit itong napasulyap sa kamay kong nakalahad na halos hindi ko ikahinga. Akmang babawiin ko na ang kamay ko na nahihiya pero inabot nito iyon na mahigpit na hinawakan. "Magandang araw din sa'yo, Sir. Pasensiya na kayo at dito pa tayo nagkakilanlan," magalang saad nitong ikinangiti ko."Wala ho ito, uhm. . . k-kumusta na ho si. . . si Ma'am?" nahihiyang tanong ko na napasulyap sa asawa nito.Napahinga ito ng malalim na hinaplos pa sa ulo a
ISABELLA:NANGINGITI akong nakayakap dito habang pinagkakasya namin ang sarili dito sa kama ko. Nakakainis naman kasi ang lalakeng ito. Sa laki niyang tao ay halos akupado na niya ang buong kama kong pang dalawahang tao ang kasya. Nakakahiya naman kasing sa sala ko siya patulugin o sa sahig. Kahit nanliligaw pa lang siya sa akin ay nahihiya naman ako lalo na't alam ko naman kung anong uring tao siya at anong kinalakihan niya. Nakaunan ako sa braso nitong kay tigas habang magkaharap kami sa isa't-isa na magkayakap. Dinig na dinig ko na nga ang tibok ng puso nito, maging ng bawat paglunok niya. Nakakakilig din pala na may ganto kang karanasan. Kabado ako dahil ito ang unang beses na may lalake akong pinatuloy dito sa bahay at pinatulog ko pa dito sa silid ko. Kapag naabutan kami ni Tatay dito ay tiyak na malaking gulo. Pero alam ko namang matatagalan pa sila ni Nanay sa hospital kaya malakas ang loob kong patulugin si Typhus dito. "Still awake, baby?" bulong nito."Uhmm," tanging ungo
ISABELLA:PARA akong nagliliyab sa sobrang init ng nadarama ko. Saka ko lang kasi na-realize kung gaano ka-intimate ng position namin ni Typhus. Nakatayo siya sa gitna ng mga hita ko habang nakaupo pa rin ako dito sa countertop at nakalingkis sa kanyang baywang ang mga binti ko. Nakalitaw na rin ang legs ko dahil sa pagkakalihis no'n. Nakakapit naman ito sa baywang ko at nakakapit ako sa kanyang magkabilaang balikat.Hindi ako makatingin sa mga mata niyang nag-aalab. Para akong nanghihina na hindi makaangal sa kanya sa tuwing napapatitig ako sa mga matang 'yon. Na lagi na lang nagpapawala ng puso ko. "Baby," anas nito.Katulad ko ay mabibigat na rin ang kanyang paghinga. Na tila hirap na hirap na rin siyang magpigil ng nadarama. Ayoko namang bumigay sa kanya. Wala pa kaming label at natatakot din ako na ma-turn-off ko siya na hindi na ako birhen. Alam niya noong una namin na birhen pa ako. Kaya sigurado akong nagi-expect itong birhen pa rin ako hanggang ngayon. Ayoko lang na may maka
ISABELLA:HINDI pa man ako nakakasagot dito ay tuluyan ng lumapat ang mga labi nito sa aking labi na ikinanghina ng mga tuhod kong napayapos sa batok nito. Mas humigpit naman ang pagkakayapos nito na masuyong inaangkin ang mga labi ko habang paakyat ang elevator na kinasasakyan namin.Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. Na parang nawalan ako ng lakas para itulak ito o kaya ay umalma sa kanyang kalapastanganan na inaangkin na naman ang mga labi ko!Napasabunot ako dito at kusang naiawang ang bibig ko sa marahan niyang pagkagat sa ibabang labi kong ikinaungol ko. Hindi ko namamalayan na napapasunod na rin ako ditong tinutugon ang kanyang halik, na ikinauungol din nito at mas pinalalalim ang aming halikan!"Uhm. . . teka, kiss lang. Ang manyak mo talaga. May palamas talaga, ha?" naghahabol hiningang asik ko dito na napabungisngis sa pagtabig ko sa kamay nitong nilalamas lang naman ang kanang dibdib ko."Sorry about that, baby. Nakakagigil ka eh, hmm? You're improving," nakangising a
ISABELLA:MATAPOS nitong ipaalam ang progress sa kaso ni Nanay ay magkasabay na kaming lumabas. Nagpaalam pa kasi ito na ihahatid na niya ako sa bahay na ikinasang-ayon nila Nanay at Tatay. Nangingiti ako habang dahan-dahan kaming naglalakad nito sa nadaanan naming parke. Maaga pa naman kaya pinagbigyan ko na lamang itong magpahangin na muna dito. Nagkakasagian kasi ang palad namin at ramdam kong kinakabahan ito. Ibang-iba talaga siya kay Typhus eh. Dahil kung si Typhus lang ang kasama ko sa gantong lugar na nagpapahangin? Tiyak na kung hindi 'yon nakaakbay sa akin ay nakayakap ito. Napailing na lamang ako na winaksi sa isipan ang hudas na 'yon. Bakit ko ba kasi siya naiisip?"Are you cold?" anito na malingunan akong napahalukipkip.Malamig na kasi ang gabi at humahangin hangin pa kaya nilalamig ako na nakasuot ng dress. Hindi pa man ako nakakasagot ay isinuot na nito sa akin ang kanyang makapal na jacket na lihim kong ikinangiti. "Thank you," aniko.Kumindat lang naman itong inakay
ISABELLA:ILANG minuto ko ding inalo si Typhus na parang batang humahagulhol. Naiilang naman akong alamin kung anong problema. Tahimik akong pinapakiramdaman itong abala na sa trabaho. Maya't-maya ang tinatawagan na tungkol naman sa kumpanya ang pinag-uusapan. Naiilang tuloy ako dahil wala naman akong masyadong ginagawa dito sa cubicle ko, katabi ito. "Uhm, Sir? Kape po?" pormal kong tanong.Kahit naman kasi nagkaka palagayan na kami ng loob ay nakakahiya naman kung hindi ako magpaka-formal sa kanya eh nandidito kami sa opisina niya. Nilingon ako nito na pilit ngumiti."Yes, please?" malambing saad nitong ikinangiti kong tumayo sa desk ko."Thank you, baby," pahabol pa nito na ikinakindat ko na lamang.Habang nagtitimpla ng kape namin ay napapasulyap ako ditong abalang muli sa laptop at mga folder na nilalagdaan nito. Nawiwirduhan lang ako sa kanya ngayon. Hindi kasi siya makulit katulad ng inaasahan ko. Tila may malalim itong iniisip, napakaseryoso at tahimik nito. Naiilang tuloy a
TYPHUS:NAKABUSANGOT ako habang nakaupo sa sofa, dito sa mansion. Hinihintay ko ang magaling kong kapatid para makausap siya ng masinsinan. Gusto ko lang linawin kung anong ugnayan nila ni Isabella. Ayoko namang mag-agawan kami sa iisang babae. I know Dos very well. Nakatitiyak naman akong hindi niya rin ako matitiis. Isa pa ay masyado siyang abala sa buhay, kaya sa aming dalawa ay mas mabibigyan ko ng attention si Isabella.Ilang minuto lang ay dumating din ito na ikinatuwid ko sa pagkakaupo. Natigilan pa ito na mabungaran ako dito sa sala at hinihintay siya. "Kuya," anito.Sinenyasan ko naman siyang maupo na ikinasunod nito. Kunot ang noo nito na nakatitig sa akin at hinihintay ang sasabihin. "Ahem!" napapatikhim kong paninimula."Ano ba kasi 'yon, Kuya? Inaantok na ako," reklamo nito."It's about. . . Isabella," walang paligoy-ligoy kong saad.Hindi ko naman ito makitaan ng gulat na prenteng nakaupo lang sa harapan ko. Napapangisi pa ito na nakataas ang isang kilay. "What about