Nagising ako kinaumagahan dahil sa ingay sa kabilang kwarto. Nakita kong tulog na tulog pa si Gavin sa tabi ko. Mataas na ang sikat ng araw na tumatagos sa manipis na kurtinang tanging panakip sa bintana ng kuwarto. Lumabas ako ng kuwarto namin ni Gavin at saka ko binuksan ang kabilang kuwarto kung saan ko narinig ang ingay.
"Fvck you, Finnral! H'wag mo akong matawag-tawag na pre!" sigaw ni Xavier pagkabukas ko ng pinto. Pareho silang napatingin sa akin.
Nakaupo sa kama si Finnral habang gulat na nakatingin sa akin. Si Xavier naman ay nagmamadaling magsuot ng pantalon. Napansin kong nasa sahig ang mga damit ni Finnral pati ang boxer niya at tanging ang puting kumot lamang ang tumatakip sa pangbaba niyang katawan. Nanlaki ang mga mata ko kaya agad kong isinara ang pinto ng kuwarto. Biglang bumalik sa ala-ala ko ang nangyari kaninang madaling araw.
"Maniwala ka sa akin, Xavier. Wala nga akong maalala! Ano naman kung nakahu
Ibinaba ako ni Gavin sa tapat ng bahay namin. Agad naman akong pumasok sa loob pagkaalis niya. Tanging si manang lang ang tao sa loob ng bahay nang pumasok ako."Hyujin! Saan ka galing? Hinahanap ka ng Daddy mo kanina. Akala namin ay mahimbing lang ang tulog mo kaya hindi ka sumasagot, 'yun pala ay wala ka sa kwarto mo," paliwanag ni manang nang salubungin niya ako."Umalis po ako kagabi, pumunta ako sa bahay ng kaibigan ko," sagot ko at saka umupo sa sofa. Ipinikit ko saglit ang mga mata ko upang mapahinga. Parang mas napagod pa ako sa byahe dahil sa traffic."Ay ganun ba, kumain ka na ba? May inihanda akong pagkain," tanong ni manang na inaantay ang sagot ko."Hindi na po. Kumain po kami bago umalis sa bahay ng kaibigan ko. Nandiyan po ba si Daddy?" tanong ko para maiba ang usapan."Ang Daddy mo umalis kanina pa. May pupuntahan daw. Babalik din daw mamayang gabi." Tumango-tango
Bandang alas-tres ng hapon nang makarating kami sa bahay nina Hyujin. Hinatid kami ni tito Wei papunta dito kasama ang mga gamit namin ni Mama na nasa likod ng sasakyan."Manang, nalinis niyo po ba yung kuwarto na pinapalinis ko?" tanong ni tito sa katulong nila pagkalabas namin sa sasakyan.Dumating pa ang ibang katulong na naglabas ng mga gamit namin. Isa-isa nilang kinuha ang mga maleta namin at ipinasok iyon sa loob ng bahay."Opo, Sir. Naayos at nalinis na po namin," nakangiting sagot ng tinawag ni tito na manang."Salamat, manang. Paki samahan na lang po itong si Seira sa magiging kuwarto niya." Tukoy sa akin ni tito. Ngumiti naman ako kay manang saka kami pumasok sa loob ng bahay.Malaki ang bahay nila Hyujin. Kahit nasa labas ka ay makikita mo na malaki ang bahay kahit na may malaking gate ang nakaharang. Sa loob ay malaki ang espasyo. Hanggang second floor ng bahay namin
Huli na para kumawala dahil nakakulong na ako sa mga bisig niya. "H-Hyujin." Bigla ko siyang naitulak dahil sa gulat ko pero hindi siya nagpatinag. Halos hindi man lang siya gumalaw sa kinatatayuan niya nang itulak ko siya."Come here," sabi niya saka ako hinila papasok sa loob ng kuwarto niya. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa ginawa niya lalo pa ng marinig ko ang pag-lock ng pinto sa likod ko."What are you doing?!" nag-hi-hysterical kong tanong at balak sanang lumabas nang iharang niya ang sariling katawan sa pinto."No! It's dangerous. Why are you here? Paano ka nakapasok dito sa loob ng bahay? Where is Dad?" sunod-sunod niyang tanong. Hawak-hawak niya ako sa magkabilang balikat habang seryosong nakatitig sa akin. Naiilang ako sa mga titig niya na parang nanghahatak. Madilim sa loob ng kuwarto dahil nakapatay ang ilaw kaya hindi ko siya medyo makita."What are you saying? Dito na kami titira at ka
Binuhat ko si Seira patungo sa kama ko nang makatuog siya dahil sa pag-iyak. Hindi ko alam kung ano ang dahilan kung bakit niya ako pinipigilan sa plano ko upang hindi matuloy ang magiging kasal dahil hindi niya naman nasabi sa akin kanina.Napabuntong hininga na lang ako ng makita ko ang mugtong mata ni Seira nang buksan ko ang lampshade sa tabi ng kama ko. Kinumutan ko siya hanggang sa dibdib at saka ako tumabi sa kaniya. Tinanggal ko ang mga buhok na nakaharang sa kaniyang mukha at saka inayos iyon sa likod ng kaniyang tenga.Ngayon ko na nga lang ulit siya nakita at nakausap, pinaiyak ko na naman agad. Napakawalang kuwenta ko talaga. Ilang beses ko na siyang pinaiyak. Siguradong natakot siya sa akin kanina noong nagalit ako. Hindi ko sinasadyang magalit sa kaniya. Nabigla lang ako sa ibinalita niya kaya nakapag-react ako ng ganon.Hinalikan ko siya sa noo at saka ko siya niyakap. Mas mabuting lubos-lubusin ko na dahi
Napasandal ako sa pinto at napaupo sa sahig pagkasara na pagkasara ko ng aking kuwarto. Tuloy-tuloy na pumatak ang mga luha sa aking mga mata. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at sinabi ko ang mga bagay na iyon. Para na rin akong kumuha ng patalim at saka iyon isa-isang sinaksak sa sarili ko."Bakit ba pinoproblema mo ito, Hyujin? Ano naman kung magiging magkapatid tayo? Wala naman na tayong relasyon, hindi ba?" matigas na sabi ko habang pilit pinipigilan ang mga luhang nagbabadyang kumawala sa aking mga mata.Nalasahan ko ang dugo sa aking labi nang kagatin ko iyon sa pagpipigil na h'wag pumatak ang aking mga luha. Inantay ko siyang sumagot. Ilang minuto na ang nakakalipas ngunit wala pa rin siyang responde sa sinabi ko. Naramdaman ko ang pagpatak ng isang takas na luha mula sa aking mata. Ramdam ko na rin na anumang oras ay magtutuloy-tuloy na ito sa pagpatak kasabay ang mga hikbing pilit kong ikinuk
Pagkatapos ko magbihis ay sinabihan ko si Hyujin na ipagpamamaya na lang muna ang gusto niyang sabihin dahil hinahanap na kami nina tito sa baba. Nagpumilit pa siya dahil importante raw ang gusto niyang sabihin ngunit sinabi ko rin na mayayari kami kapag inakyat kami nina mama at nalaman na may relasyon kami dati. At iton ang ayokong mangyari. Sa huli ay wala rin siyang nagawa dahil lumabas na ako ng kuwarto.Bago pa kami makarating sa sala ay sinabihan ko na siyang h'wag sasabihin ang dati naming relasyon at h'wag na h'wag kokontra sa pagpapakasal nila. Idinagdag ko pa na magkunwari na hindi kami magkakilala upang hindi sila maghinala."Opo, daming ibinilin. Tss," reklamo niya habang nakabusangot sa likod ko.Nang makarating kami sa sala ay napansin ko ang mga nakaplastik na pinamili nila na sobrang dami. Sa tingin ko ay nasa pitong plastik ang nakita ko."Nasa kitchen na sila. Kanina pa kayo hinaha
"Hyujin! Ano bang ginagawa mo?! Bitawan mo nga ako!" utos ko sa kaniya at saka ako pilit na nagkukumawala sa pagkakayakap niya at dahil nakaupo rin ako sa mga hita niya."Stay, still or I will kiss you," banta niya saka siya ngumuso sa akin. Ngumisi naman siya ng ilayo ko ang mga labi ko sa kaniya sa takot na baka totohanin niya ang mga sinabi niya."Baka may makakita sa atin! Bitawan mo na ako!" naiinis kong bulong sa kaniya."It's fine. We will tell them that we are doing siblings talk." Ngumisi pa siya sa akin na tila sigurado siya na tatalab ang palusot niya.'Siblings talk?! Nababaliw na ba siya? Sinong maniniwala na nag-uusap lang kami kung kalong-kalong niya ako?!'"May nag-uusap bang nakakalong sa hita ang isa?" nakakunot kong tanong sa kaniya."Tayo," simpleng sagot niya. Napahilamos na lang ako ng mukha dahil sa kunsumisyon. Para akong mauubusan ng
Maaga akong nagising kinabukasan dahil may plano kaming gawin ni mama ngayong araw. Ginawa ko muna ang daily routine ko bago ako lumabas ng kuwarto. Ala-syete ng umaga noong magising ako, halos tulog pa ang mga tao sa loob ng bahay. Nang magtungo ako sa kusina ay si manang lang ang na roon at kasalukuyang nagluluto ng agahan."Good morning, Ijha. Kamusta naman ang unang araw mo dito? Nakatulog ka ba ng maayos?" nakangiting tanong ni manang habang hinahalo ang niluluto niya.Naglakad ako patungo sa ref at kumuha ng tubig. "Good morning din po. Maayos naman po ang tulog ko, na ninibago lang ng konti pero okay naman," magalang kong sagot at saka ako nagsalin ng tubig sa baso na kinuha ko at ininom ito."Narinig ko na parang nag-aaway kayo ni Hyujin sa kuwarto." muntik pa akong mabulunan dahil sa sinabi ni manang. Sino nga ba naman ang hindi makakarinig no'n kung nagsisigawan na kami. "Pagpasensyahan mo na ang alaga ko. Main
Pag-uwi namin ni Seira sa bahay ay nandoon na sina Daddy. Nasa siya kasama si tita at mukhang kararating lang dahil nakakalat pa ang kanilang mga maleta sa sala.Nang makita kami ni Dad ay agad itong lumapit sa akin. Narinig ko pa ang pagsigaw ni tita sa pangalan ni Daddy bago tumama ang palad nito sa aking pisngi. Halos mawalan ako ng balanse dahil doon."Oh God! Hyujin!" agad na sigaw ni Seira. Hinawakan niya ako sa braso upang alalayan ako. Tumutulo na ang luha niya pero nakatulala lang ako kay daddy."W-Wha--" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng sumigaw siya."Walang hiya ka! Wala kang kuwentang anak!" sigaw niya sa akin sa hindi ko malamang dahilan.Nagulat kaming lahat sa ginawa niya. Si tita Janice ay umiiyak habang hawak-hawak ang braso ni daddy at pinipigilan ito."Wei! Tama na! H'wag mo silang sisihin!" Awat ni tita kay daddy.
Alam ko na may masamang ugali si Faye pero hindi ko alam na mas malala pa pala siya sa iniisip ko.Pagkatapos ibigay ni Seira sa akin ang isang folder ng documents na galing daw kay Jinx ay agad ko rin iyong binuksan. Kahit galit ako sa kaniya dahil may gusto siya kay Seira ay hindi ko pa rin maipagkakaila na naging mabait siya kay Seira bilang kaibigan. Besides, aalis na siya kaya hindi ko na kailangan pang mamroblema sa kaniya.Nang buksan ko ang folder ay agad akong nainis ng makita ko ang laman no'n. Napaka gago lang talaga ni Faye Alonzo. Wala akong pake alam kahit babae pa siya. Napaka walang hiya niyang tao. Hindi ko maisip na aabot siya sa ganitong bagay. Balak niya pa akong gamitin.Kaya pala gustong-gusto niyang makipag-sex sa akin. Ginamit niya pa ang mga magulang niya para lang sa plano niya.Noong linggo ay hinanda ko na ang mga plano ko para ngayong lunes.
Sabado na ngayon at mamayang gabi ay susunduin na ako ni Jinx dito sa bahay. Naiinis pa rin si Hyujin dahil makikipag-date ako kahit pa nagkasundo na kami tungkol dito noong nakaraan. Kapalit ng pakikipag-date ko ay ang kundisyong gustong-gusto ng mokong. Halos sa mga nakalipas na araw ay lagi niya akong pinapagod. Sa bawat oras at bawat lugar na walang tao ay sinasamantala niya. Wala naman akong magawa dahil lagi niyang ginagamit sa akin ang pagbabanta na hindi siya papayag sa date namin ni Jinx. Oportunista talaga.Pero ngayon galit pa rin siya pagkatapos niya ako ilang beses pagurin. Pagkatapos niya ilang beses maka-score. Ang sarap lang pumutol ng mahabang saging.Hinatak niya ako patungo sa kuwarto niya kahit kausap ko pa si manang sa sala kanina. Ang paalam niya kaya manang ay may importante raw siyang sasabihin sa akin. Alam ko ang pinaplano niya. Kanina ko pa siya nakikita na nakatitig sa akin habang na nonood daw siya
Kaninang umaga ay nakatanggap ako ng text galing kay Faye na magkita raw kami sa school field. Bukod sa problema namin sa arrange marriage ay hindi ko na lang kung ano pa ang dapat naming pag-usapan. Mas maganda kung may na isip na siyang paraan para hindi matuloy ang kasal para hindi na ako mamroblema. Gustong-gusto ko na rin sabihin sa lahat na akin lang si Seira.Kaninang umaga ay sinundo ng mokong si Seira sa bahay. Sabay daw silang papasok. Wala akong nagawa kahit gustong-gusto ko nang sapakin ang gagong 'yun. Kailangan naming magpanggap ni Seira hanggat maaari. Ayoko rin naman na mabulilyaso ang mga plano namin dahil siguradong delikado na naman si Seira pagnalaman ni daddy ang tungkol sa relasyon namin."Hyujin, saan ang punta mo ngayon?" Inakbayan ako ni Xavier habang nagliiligpit ako ng mga gamit ko. Nilingon ko naman siya ng mapansin ko ang masigla niyang boses. Mukhang nakapag-usap na sila ni Finnral.
Habang kumakain kami ni Hyujin ay nagpaalam si manang na aalis lang siya saglit at mamimili kasama ang isang kasambahay. Nagpatuloy kami sa pagkain pagkaalis ni manang sa kusina.Napag-usapan na namin ni Hyujin ang tungkol sa nakatakdang date namin ni Jinx sa darating na sabado. Ilang beses siyang umangal pero napapayag ko rin siya sa huli. Pero may isang kundisyon siya na nagpapasakit ng ulo ko ngayon.Nakatitig siya sa akin habang kumakain kami. Tumayo siya at saka isinara at inilock ang pinto ng kusina. Nang bumalik siya sa kaniyang upuan ay prente itong umupo habang titig na titig sa akin.Ibinalik ko naman sa kaniya ang titig niya at saka siya tinaasan ng kilay. "Then?" tanong ko habang nasa aking labi pa ang kutsara ko.Ngumiti siya bago bumaba ang tingin patungo sa aking mga labi. Hindi na rin ako umangal ng lumapit ang mukha niya at mapusok akong halikan sa labi. Ito ang kundisy
Sabay kaming umuwi ni Hyujin tulad ng napag-usapan namin. Gusto kong sabihin sa kaniya na inaya ako ni Jinx na mag-date this weekend pero hindi ko nagawang makapagsalita habang nasa byahe kanina at hanggang ngayon na nandito na kami sa bahay. Alam ko kasi na magagalit siya. Pero mas okay na rin ang ganito dahil hindi kami mahahalata. Kapag lagi kaming nasa bahay dalawa ay maraming magtataka.Nang makarating kami sa bahay ay saka lang ako kinausap ni Hyujin bago kami bumaba ng sasakyan niya. "Ang tahimik mo ah. May sakit ka ba?" kunot noong tanopng niya."Ah, wala. Napagod lang siguro ako kanina," sagot ko na lang at saka ako bumaba ng sasakyan.Pagpasok namin sa loob ay na daanan namin si manang na naglilinis. Agad niya kaming binati at ganon din ang ginawa namin. Nagpaalam muna kami na magbibihis kaya agad na rin kaming nagtungo sa mga kuwarto namin.Pagpasok ko sa kuwarto ay agad na a
Nagkasundo kami ni Hyujin na hindi muna namin sasabihin kahit kanino at kahit sa mga kaibigan namin ang trungkol sa relasyon namin. Na nagkabalikan na kami. Bali hanggat hindi pa namin na aayos ang problema namin ay hindi muna kami magpapansinan sa public place. Sabay kaming papasok at sabay kaming uuwi at iyon ay dahil 'yun ang gusto ng mga magulang namin, which is partly true.Noong una ay umangal pa siya dahil naiinis siya kapag may ibang lalaki na lumalapit sa akin. Mas galit siya kay Jinx dahil nililigawa ako ng kaibigan ko. Pero wala rin siyang nagawa dahil sinabi ko na kung gusto niyang ibalandra namin ang relasyon namin sa iba ay mag-isip na siya ng plano.Bukod sa public places ay kasama rin dito sa loob ng bahay. Dahil ayokong kung ano ang isipin ng mga katulong at lalong-lalo na si manang. Ang alam pa naman nito ay may girlfriend na si Hyujin at iyon ay ang babae na dinala niya sa bahay.Sinabiha
Nang magising ako ay gising na rin si Hyujin. Nakatitig siya sa akin habang nakangiti ang mga labi."Good morning," bati niya sa akin kaya agad akong napabangon."Anong oras na?" agad kong tanong."One AM. Why? You have a date?" taas kilay niyang tanong.Kinunutan ko naman siya ng noo at saka ako muling bumalik sa pagkakahiga. "No. Tamang hinala ka masyado." Tumingala ako sa kaniya upang makita ko ang mukha niya. Seryoso ang kaniyang ekspresyon kaya hinalikan ko siya sa labi. Isang mabilis na halik lang.Mukhang hindi naman siya nakuntento kaya muli niyang inilapat ang kaniyang labi sa aking labi. Nagsalo kami sa isang masarap na halik. Halos mawalan kami ng hininga ng maghiwalay ang aming mga labi."Fvck! I miss this," pahayag niya habang hinihimas ang aking labi gamit ang kaniyang hinlalaki. "I miss you.""I miss you too,"
"Hyujin, kailangan natin mag-usap." Nakasunod lang ako sa likod niya habang naglalakad siya patungo sa kuwarto niya.Pagkatapos niyang ihatid sa labas ng bahay ang bago niyang girlfriend ay agad ko siyang nilapitan pero nilagpasan niya lang ako at tinalikuran. Ilang beses ko siyang tinawag pero hindi niya ako ni lilingon. Ang cold treatment niya sa akin ay mas lumala."Wala na tayong dapat pang pag-usapan," sagot niya ng hindi ako ni lilingon. Binuksan niya ang pinto ng kuwarto niya at saka siya pumasok sa loob. Sumunod naman ako at saka ko isinara ang pinto."May dapat tayong pag-usapan. Bakit hindi mo sinabi sa akin ang totoo?" tanong ko habang nakatalikod siya sa akin.Narinig ko ang mahina niyang pagtawa bago siya lumingon sa akin. May ngisi sa kaniyang mga labi. "Talagang sinundan mo ako hanggang dito? Hindi ka ba natatakot sa kaya kong gawin?" taas kilay niyang tanong.&nbs