Share

Chapter 2

Author: Mican
last update Huling Na-update: 2020-07-31 13:36:08

ANDROSS POV

NAGLALAKAD si Andross, sa malaking bahay. 

Ang bahay na ito? Paano siya nakapunta kaagad dito? Ang alam niya nasa biyahe pa lang sila patungo Rito at nakaramdam siya ng antok kaya pinaubaya na niya sa pinsan niyang si Froilan, ang pag-drive sa van na sinasakyan nila.

Nakarinig siya ng mga bulungan kaya hinanap niya ang mga bulungan na iyon. Dinala siya ng mga iyon sa isang kwarto. Nakaawang ang pinto nito at nakita niya na may tatlong tao na nakatayo at nakatalikod sa kanya na nag-uusap.

"Sinabi ko sa inyo noon pang pinanganak ko ang batang 'yan, na hindi ko siya anak! Pero hindi kayo nakinig at hinayaan niyong buhayin at palakihin pa ang batang 'yan!" narinig niyang sabi ng boses babae.

"Ano ang gagawin natin? Paano natin siya mapapatahimik?" tanong naman ng isang lalaki.

"Kailangan natin gumawa ng paraan! Hindi maaaring mamuhay pa siya ng matagal sa mundong ito!" diin pa ng babae, na mukhang anak nito ang pinag-uusapan.

Nagulat si Andross nang bumukas ang pinto na pinagsisilipan niya at napatingin ang tatlong tao na nag-uusap sa kanya. Kinabahan siya sa itsura ng mga ito. Malalaki ang mata at itim na itim ang ibaba ng mata ng mga ito.Matalim pa ang pagkakatitig ng mga ito sa kanya.

"Ina, Ama, Tiyo? Ano pong pinag-uusapan niyo?" tanong ng isang babae sa likuran niya. 

Ang lamyos at ang ganda ng boses nito. Kaya napalingon siya sa likuran niya at isang magandang babae ang nakita niya. Ang ganda-ganda nito at ang amo ng mukha nito. Ngumiti pa ito ng pagkalambing-lambing. 

"Ama, Ina, may sorpresa po ba kayo sa akin? Sa aking ikalabing-dalawang taong kaarawan kaya kayo nagbubulungan diyan?" inosenteng tanong ng babae sa kanyang mga magulang.

"Oo anak," sagot naman ng ina nito, "matulog ka na Cassandra, gabi na," utos sa kanya ng ina nito. Lumapit ito sa kanyang ina at niyakap ito. Kitang-kita ang ligaya sa mukha nito.

"Mahal po kita, Ina." Nakita niya ang gumuhit na sakit sa mukha ng ina ni Cassandra at niyakap rin ito si Cassandra.

"Mahal din kita anak. Mahal na mahal."

Biglang nagbago ang eksena na parang nasa isang pelikula at nakita niyang nakatali si Cassandra, sa isang kama.

"Ina! Ina! Tulungan mo ako!" sigaw ni Cassandra, na umiiyak. Nataranta si Andross at mabilis na nilapitan si Cassandra, gusto niya itong tulungan pero tumagos lang ang kamay niya sa braso nitong nakatali. 

Bumukas ang pinto at pumasok ang tatlong tao na nagbubulungan kanina sa isang eksena na nandoon din siya at isa pang babae, na wala sa unang eksena. Parang kilala niya ang babaeng iyon pero hindi niya malaman kung sino iyon.

Bata pa ang babaeng iyon na parang kaedaran lang niya at may hawak itong libro.

"Ina, tulungan mo ako! Ama!" sigaw ni Cassandra na nagmamakaawa.

"Anak ko!" umiiyak na bulalas ng ama ni Cassandra. Nagsalita na ang isang babaeng, na parang pamilyar sa kanya at hindi niya maintindihan ang sinasabi nito. Sumigaw si Cassandra, na parang nasasaktan.

"Ama! Ina! Tulungan niyo ako!" sigaw at pakiusap pa din ni Cassandra. Nakadama ng awa si Andross, pero wala siyang magawa dahil hindi naman niya mahawakan ang kahit anong nandoon.

"Tama na! 'Wag niyong gawin 'yan!" sigaw ni Andross.

May hinawakan na patalim ang babaeng parang pamilyar kay Andross at nilapitan si Cassandra.

"Hindi ka dapat nabuhay pa, Cassandra!" sabi ng babaeng iyon at itinarak ang patalim sa dibdib mismo ni Cassandra.

"Wagggggggg!" sigaw ni Andross. Malakas na sumigaw si Cassandra, na halatang nasasaktan. Diniin pa ang kutsilyo sa dibdib ni Cassandra, walang-awa at walang pag-aalinlangan.

"Hindi niyo ako mapapatay!" sigaw ni Cassandra, na ikinagulat ng mga taong nandoon, "isinusumpa ko! Mabubuhay at mabubuhay akong muli at lahat kayo ay magbabayad sa ginawa niyo sa akin!" sigaw ni Cassandra. Puno ng sakit sa mga mata ni Cassandra at mga luha, "Ina, Ama, mahal ko po kayo at hinding-hindi ko po kayo iiwan," malambing na sabi ni Cassandra. Ngumiti ito ng mapait at unti-unting pumikit.

Naramdaman na lang ni Andross, ang pagtulo ng mga luha sa mga mata niya. Sobra siyang nasaktan sa nasaksihan niya. Bakit kailangan nilang gawin iyon kay Cassandra, samantalang ang buti naman nito?

"Babalik daw siya? Paano kung sa pagbabalik niya ay gantihan niya tayo?" tanong ng tiyuhin ni Cassandra.

"Ikukulong natin ang katawan niya rito at kung babalik man siya ay sisiguraduhin kung muling babalik ako para tapusin siya at sa pagkakataong iyon ay hinding-hindi na siya makakatakas pa sa kamatayan, na sa pangalawang-beses kong gagawin sa kanya. Mukhang hindi kayo naging maingat sa plano natin dahil napaghandaan niya ang gagawin natin kaya imbes na mamatay siya, ay napatulog lang ang katawang-lupa niya."

"Bakit niyo siya pinatay? Anong ginawa niya sa inyong masama?" sigaw ni Andross. Napahagulgol na siya sa pag-iyak. Hindi niya akalaing may sariling mga magulang na kayang patayin ang sariling anak na may mabuting kalooban. Nagulat siya nang biglang tumuon ang paningin sa kanya ng babaeng pamilyar sa kanya.

" 'Wag kang pangahas binata! 'Wag kang padadala sa nakikitang kagandahang panlabas na kaanyuan dahil baka iyan ang ikapamahamak mo! Ninyong magkakaibigan!" Nagulat siya nang matalim siyang tinitigan nito at unti-unting lumapit sa kanya. Napaatras siya at nakita niya ang unti-unting pag-agnas ng mukha ng mga taong iyon.

"Ahhhhhhh!" sigaw niya.

"Hoy! Andross!" Napabalikwas si Andross, sa pagkakahiga sa upuan ng sasakyan nang tampalin siya sa noo ng kung sino man at ng tignan niya ito ay isang naaagnas na mukha ang nakita niya.

" 'Wag kang maging pangahas!" sabi ng agnas na mukha sa harapan niya.

"Layuan mo ako!" sigaw niya. Mabilis siyang umurong sa pagkakaupo para layuan ito.

"Hoy, anong nangyayari sa'yo?" tanong ulit nito sa kanya. Nang tignan niya ito ay hindi na agnas ang mukha nito.

Si Camilla ito isa sa mga kaibigan niya. "Nagda-drugs ka ba?" tanong nito sa kanya.

"Hindi." Umayos siya ng upo at hinilamos ang mga kamay sa mukha, "binangungot kasi ako, akala ko totoo na."

"Mukhang masama talaga ang bangungot mo, hanggang sa gumising ka dala-dala mo, eh," sabi na lang nito. Napatingin siya sa labas ng van na sinasakyan niya. Nakahinto na kasi ang van at napansin niyang silang dalawa na lang ni Camilla, ang nasa loob. Nasa harap sila ng isang luma at malaking bahay.  Iyon ang rest house nila.

"We're here," sabi sa kanya ni Camilla.

"Nasaan na 'yong iba?" usisa niya.

"Nasa loob na at pinapasok na ng pinsan mo. Pinagising ka na lang niya sa akin eh, kaya halika na!"

"Sige."

Kinuha na muna niya ang mga gamit niya saka pumasok sa rest house nila. Nang matitigan niya ang bahay nila ay biglang bumalik sa balintataw niya ang napanaginipan niya.

"Ang bahay na ito! Oo ito nga ang nasa panaginip ko!"

"Hoy! Tulala ka na naman diyan!" sita ni Camilla sa kanya.

"Ha? ah-

"Antok ka pa 'ata eh. Tara na nga at nang makatulog ka ulit."

Pagpasok nila nasa Dining room ang mga kaibigan niya at pinsang kumakain. Nandoon din ang asawa ng care taker ng bahay at ito ang naghanda ng pagkain nila. Bago kasi sila bumiyahe ay binilinan na niya ang mga ito na darating sila at maghanda ng makakain.

"Sir, kain na po kayo," yaya ni Manang Cora sa kanya ang asawa ng care taker ng bahay.

"Sige Manang, sasabay na rin po ako sa kanila," tugon niya sa ginang. Umupo siya sa bakanteng upuan at nagsandok ng pagkain. Sampu silang magkakasama na magbabakasyon sa lugar na iyon, sina Froilan ang pinsan niya, sina Camilla, Viena, Mia, Levi at Colt na katrabaho niya, sina Markus at Joni na kaibigan niya at si Angela, na ex girlfriend niya na ngayon.  Sa totoo lang wala naman sana siyang plano sa ganitong kalayong bakasyon, naisip niya lang ito para makasama si Angela at mapalapit muli rito. Makausap na rin para makapagpaliwanag sa nagawa niya na naging dahilan ng paghihiwalay nila one month ago.

Matapos kumain ay hinatid na niya ang mga kasama, kaibigan at katrabaho niya sa mga kwarto nito para maayos ng mga ito ang mga gamit nila. "Dito na ang kwarto niyo Joni, Gela, kayo na pinagsama ko at alam ko naman na hindi niyo gustong makasama sina Viena at Camilla, eh," sabi niya sa dalawa nang madala niya ito sa kwarto na uukupahin nina Angela at Joni.

"Buti naman alam mo! Pero may kasalanan ka pa rin sa akin!"  Matalim ang tingin sa kanya ni Joni.

"Oo na, sorry na Joni, sa hindi ko pagsabi na makakasama natin si Markus. Alam ko naman kasi na hindi ka sasama kapag nalaman mo, eh," sumusukong amin niya.

"Traydor ka! Tinulungan pa naman din kita kay Angela, pero trinaydor mo ako!" matalim ang mata na sabi nito sabay binigyan siya ng irap at iniwan siya. Naiwan doon si Angela, na nakatingin sa kanya.

"Salamat sa kwaro. Ang ganda nito." Napangiti siya dahil sa wakas ay pinansin siya nito na hindi nagagalit at walang matatalim na tingin.

"Welcome. Ah, pwede ba kita mayaya bukas mamasyal tayo sa-

"Andross," mahinahong putol nito sa sasabihin niya, "hindi porket, sumama ako rito at nakipag-usap ako sa'yo ay papayag na akong makipag-date sa'yo o ano mang lakad na tayong dalawa. Hindi pa rin kita napapatawad at hindi pa rin ako handang magpatawad kaya hayaan mo muna ako hanggang sa kaya ko na."

Napayuko siya at napabuga ng hangin. "Sige. Sana dumating ang panahon na mapatawad mo na ako at bigyan ulit ako ng chance para makapagpaliwanag." Hindi naman na nagsalita si Angela. Nakatingin lang ito sa kanya. "Sige, pahinga ka na muna." Tumango lang ito saka na siya iniwan at sinara na ang pinto ng kwarto. Napabuntong hininga na lang siya saka umalis doon at tumungo sa kwarto niya.

"Mukhang nagalit sa akin si Joni pare, hindi ko kasi nasabi na kasama ka namin sa bakasyon, eh," sabi niya kay Markus, nang maabutan niya ito sa kwarto nila. Kasama niya kasi ito sa kwarto. Nakita niya ang pagbuntong hininga nito.

"Mukhang wala pa akong maasahan kay Joni. Isang taon nang nakakalipas pero galit pa rin siya sa akin." Kita ang lungkot sa mga mata ni Markus.

"Intindihin mo na lang. Hindi madaling makalimutan ang kamatayan ng minamahal niya at wala naman talaga siyang ibang masisisi kundi ikaw, eh."

"Sana mapatawad na niya ako."

ANGELA POV

GABI nang makaramdamn ng uhaw si Angela, kaya naisipan niyang lumabas ng kwarto para kumuha ng tubig sa kusina. Iniwan niyang himbing na himbing ng natutulog si Joni sa kwarto nila at pagdating niya sa kusina ay kaagad niyang binuksan ang ref at kumuha ng tubig. Madilim-dilim pa dahil sa sala lang ang may bukas na ilaw at medyo kulang pa sa liwanag ang ilaw sa sala. Matapos siyang uminom ay pinasok niya ulit ang tubig sa ref at naglakad pabalik sa kwarto.

"Kailangan niyang mawala..

Napalingon si Angela sa nagsalita at pabulong lang iyon.

"Hindi maaari..

Kinilabutan siya dahil parang sumasabay lang ang boses na iyon sa hangin.

"Anong gagawin natin..

"Anong gagawin natin..

Napalinga-linga na siya dahil mas tumitindi ang kilabot niya.

"Gumawa tayo ng paraan..

"Gumawa tayo..

Pinakinggan niya ang boses maigi at naglakad siya para sundan niya ito.  Sa kasusunod niya sa mga bulong na iyon ay sa isang pinto siya napunta.

"Kailangan niyang mawala..

"Hindi maari..

"Anong gagawin natin..

"Gumawa tayo ng paraan..

"Gumawa tayo..

Parang paulit-ulit lang ang sinasabi ng mga ito. Hinawakan niya ang door knob at pinihit ito at bukas ito. kadiliman ang sumalubong sa kanya nang bumukas ang pinto. Kinapa niya ang ding-ding sa loob ng kwarto at may nakapa siyang switch. Pinindot niya ito kaya lumiwanag. Isang hagdan pababa ang sumalubong sa kanya at may pinto pa sa ilalim ng hagdan.

"Tumigil ka!" Nanginig si Angela sa sobrang kilabot dahil sa bulong na iyon sa tenga niya na mismo narinig kaya napalingon siya sa gilid niya at sa likod niya.

"Sino 'yon? B-bakit parang ang lapit-lapit niya lang?"

Muli siyang lumingon sa hagdan na nasa harap niya.

"Sinabing tumigil kaaaaaaaaaaa!" Salubong na sigaw ng babae na nasa harap na niya at agnas ang pagmumukha. Nanlaki ang mata niya sa sobrang takot at sa lakas ng hangin ay natumba siya paupo. 

Napasigaw siya ng malakas kasabay ng pagsara ng malakas na pinto sa harap niya. 

-KamijoMican-

Kaugnay na kabanata

  • SLEEPING BEAUTY (Tagalog)   Chapter 3

    ANGELA POVNANGINGINIG si Angela, habang iniinom ang tubig sa baso. Matapos siyang magsisigaw ay nagising ang halos lahat ng tao sa bahay na iyon kaya lahat ay sinaklolohan siya. Dinala siya ng mga ito sa kusina at pinainom ng tubig. Nanginginig pa siya sa sobrang takot dahil sa kakilakilabot na nasaksihan niya sa lugar na iyon."Ano bang nangyari sa'yo, Gela? Baki

    Huling Na-update : 2020-07-31
  • SLEEPING BEAUTY (Tagalog)   Chapter 4

    JONI POVNASA hapag-kainan na silang lahat at wala ni isang nagtatanong kay Angela, sa nangyari rito kagabi na ipinagtataka ni Joni. Para ngang wala talagang nangyari kagabi."Dross," tawag niya nang makita itong patungo sa hardin at sinundan niya ito.

    Huling Na-update : 2020-07-31
  • SLEEPING BEAUTY (Tagalog)   Chapter 5

    ANGELA POV"BAKIT naman? Eh, nandito naman na tayo, bakit hindi natin alamin kung anong meron diyan?" tanong ni Viena. Nilapitan ni Angela, ang babaeng nakahiga sa kama at niyugyog ito."Hey! What the hell are you doing?" sita sa kanya ni Colt.

    Huling Na-update : 2020-07-31
  • SLEEPING BEAUTY (Tagalog)   Chapter 6

    JONI POVGUMUGULO pa rin sa isip ni Joni, ang Cassandra na iyon. Paano napunta ang babaeng iyon sa ilalim ng basement at sino ba talaga ang babaeng iyon? Isa pa, ano ang sinasabi nitong kinulong at pinatulog daw siya ng isang mangkukulam? Nahihiwagaan talaga siya sa babaeng iyon. May misteryo nga ba ang babaeng iyon o nasisiraan lang ito ng bait?Napabuntong

    Huling Na-update : 2020-08-02
  • SLEEPING BEAUTY (Tagalog)   Chapter 7

    ANDROSS POVLAHAT SILA AY kinilabutan at nagulat sa biglaang pagkamatay ng care taker ng pamilya nila Andross. Mabait si Manang Cora at malakas pa ito, nakakagulat na mamatay itong bigla. Hinawakan ni Andross ang balikat ni Mang Lando para damayan ito, dinala na sa punerarya ang katawan ni Manang Cora at ang mga anak na nito ang nag-asikaso at si Mang Lando, naman ay nanghihina na nakaupo lang sa sofa nila sa bahay at umiiyak pa rin.

    Huling Na-update : 2020-08-02
  • SLEEPING BEAUTY (Tagalog)   Chapter 8

    JONI POV"ANG WIERD NI Colt, ngayon ano?" Napalingon si Joni sa kaibigan. Nasa isang mall sila at naisipan nilang mamasyal matapos kumain ng agahan."Oo nga, eh. Saka bakit nagkagano'n ang itsura niya?"

    Huling Na-update : 2020-08-08
  • SLEEPING BEAUTY (Tagalog)   Chapter 9

    JONI POVNANLAKI ANG MATA ni Joni, sa sinabi sa kanya ni Markus. Anong sinasabi nito? Nagulat siya lalo nang hilahin siya nito."Markus, ano ba! Saan mo ako dadalhin?" sigaw na niya.

    Huling Na-update : 2020-08-10
  • SLEEPING BEAUTY (Tagalog)   Chapter 10

    ANDROSS POV"NASAAN si Markus?" Napatingin si Andross sa tanong ni Joni nang umagang iyon. Paalis na sina Angela, Joni, Viena at Camilla at uuwi na sila ng Maynila."Nasa kwarto at nakakulong pa rin. Saka ko na siya paalisin kapag umalis na kayo, ikaw na magsampa ng kaso sa kanya sa Maynila, nang hindi ka na niya magulo pa," tugon niya rito. Kitang-kita sa it

    Huling Na-update : 2020-08-10

Pinakabagong kabanata

  • SLEEPING BEAUTY (Tagalog)   Epilogue

    MADILIM at wala siyang makita kahit ano sa paligid niya. Iyon ang sumalubong sa kanya sa pagmulat niya ng kanyang mga mata.Tumayo siya sa pagkakahiga at nang may malamig siyang natapakan ay nagulat pa siya at muling dinama ito. Nang makasigurado na matibay ang tinatapakan niya saka na siya tumayo. Subalit nanghihina ang mga tuhod niya kaya napaupo siya sa malamig na tinatapakan. Kinapa-kapa niya ang paligid at naghahanap ng makakapitan, nang may mahawakan siya, kaagad niyang hinawakan iyon at ito ang ginamit niya upang makatayo.

  • SLEEPING BEAUTY (Tagalog)   Chapter 31

    ANDROSS POV"HINDI KO NA kaya, Dross, bitawan mo na ako," nanghihina ng sabi ni Angela kay Andross. Lalong umagos ang mga luha ni Andross sa mga mata niya. Buhat-buhat niya si Angela at nakikita niyang malapit na itong bumigay."Ililigtas kita ha, 'wag kang bibitaw," sabi niya kay Angela. Naglakad na siya paakyat sa hagdan palabas ng basement.

  • SLEEPING BEAUTY (Tagalog)   Chapter 30

    JONI POV"SI ANDROSS? nasaan siya?" tanong ni Joni sa matanda nang maalala niya na kasama pala niya si Andross palakbay sa lugar na iyon subalit sa pagmulat ng mga mata niya ay wala na ito at mag-isa na lang siya."Ang kaibiganmo na dalaga ang nais niyang matagpuan kaya marahil nandoon siya kung nasaan naroon ang dalaga," tugon sa kanya ng matanda.

  • SLEEPING BEAUTY (Tagalog)   Chapter 29

    ANGELA POV"ANONG GINAGAWA ko rito?" gilalas na tanong ni Angela kay Joni. Napalinga siya ng tingin at nandoonrin si Andross, matalim na nakatitig sa kanya. "Dross, t-tulunganmo ako. Si Joni, kino-kontrol na naman siya ng masamang kapangyarihan niya." Hindi siya pinansin ni Andross kaya pinilit niyang tumayo pero hindi siya makabangon sa kinahihigaan niya. Wala namang nakagapos sa kamay at paa niya subalit hindi pa rin siya makatayo. "Ano bang ginawa mo sa akin, Joni! Bakit hindi ako makaalis dito!" sigaw na niya kay Joni.

  • SLEEPING BEAUTY (Tagalog)   Chapter 28

    JONI POVHINDI MAKAPANIWALA si Joni, na ang pamilya pala ni Markus ang dahilan kung bakit nangyayari ito sa kanila. Hindi dahil kay Cassandra at sa Lola niya kundi dahil sa pamilya ni Markus. Gusto niyang maiyak, nasasaktan siya sa isipin na ang taong minahal niya ay ang pamilya na nagtulak sa kanya para maging ganito ang buhay at mabingit sa kamatayan."Mga

  • SLEEPING BEAUTY (Tagalog)   Chapter 27

    ANDROSS POVNAKARATING NA SILA Markus at Andross, sa resthouse nila Andross, magdidilim na dahil sa na traffic pa sila sa biyahe at sa labas na rin nag-agahan at nagtanghalian. Napatitig si Andross sa resthouse nilang parang inabandona na. Wala na kasing naglilinis sa resthouse nila at wala na ring care-taker na nag-aasikaso dahil natakot na sa kababalaghan na nangyari sa bahay na iyon.

  • SLEEPING BEAUTY (Tagalog)   Chapter 26

    MARKUS POV"MAAM, ayos lang po ba kayo?" nag-aalalang tanong ng truck driver kay Joni.Mabilis nilapitan ni Markus ang dalaga at hinila kay Julian para yakapin din. Mabuti na lang at huminto ang truck, sobra ang naging pag-aalala niya rito. Akala niya matutuluyan na ito.

  • SLEEPING BEAUTY (Tagalog)   Chapter 25

    JONI POVSABAY-SABAY kumain sina Joni at ng pamilya niya nang gabing iyon. Ilang-araw na simula nang matagpuan siya ng kuya niya at ng mga kaibigan sa Park, na naging dahilan din nang hindi nila pagkakaintindihan ng kuya niya. Pero ngayon nakadama siya ng konsensiya dahil dapat hindi niya ginawa iyon. Ang tingin niya kasi sa kuya niya noon at kaibigan niya ay halimaw. Marahil dahil na naman iyon sa kapangyarihan niya at nagpadala na naman siya doon. Naging mahina na naman siya, ngayon tuloy kahit ang parents niya ay galit sa kuya Julian niya at m

  • SLEEPING BEAUTY (Tagalog)   Chapter 24

    JONI POV"A-ano? Pumatay ako ng tatlongtao? P-paano nangyari 'yon?" hindi makapaniwalang tanong ni Joni sa sarili.

DMCA.com Protection Status