Awtomatikong nagsalubong ang mga kilay niya dahil sa kaniyang narinig. Tama ba siya ng narinig o nagkamali lamang siya ng pandinig?“What?” halos mag- isang linya ang kilay niyang tanong rito. Ano bang sinasabi nito? Aalis? Saan ito pupunta? Wala naman itong naikwento sa kanila ni Sam na aalis ito, isa pa ay wala naman itong dahilan na umalis kaya bakit? Hindi niya maiwasang hindi magtaka. Nag- iwas ito ng tingin sa kaniya at pagkatapos ay tumitig sa mga kamay niya at nilaro- laro. Nakayuko ito at pinapanuod niya lamang ito, hinihintay ang susunod na sasabihin nito sa kaniya dahil sa totoo lang ay na- curious siya. “Vena i’m leaving…” ulit nito sa sinabi nito kanina. “Leaving? What do you mean? Mamamatay ka na ba?” hindi niya alam kung bakit iyon ang nasabi niya ng mga oras na yon kahit na wala naman sana siyang intensiyon na sabihin iyon. Bigla naman siya nitong sinamaan ng tingin at pagkatapos ay tinampal sa kaniyang balikat. “Really Vena?” sarkistong saad nito sa kaniya. “W
Nagpupunas na ng luha si Maxene ng mga oras na iyon. Medyo nahimasmasan na ito at hindi naman na ito umiiyak na katulad nang kanina dahil medyo humupa na ang nararamdaman nito nang bigla itong nagsalita na nakapagpalingon sa kaniya. “Sam and Mike are together again.” sabi nito. Awtomatikong nagdikit ang kaniyang mga kilay at pagkatapos ay napalingon rito na halos hindi makapaniwala sa kaniyang narinig. “What?” “Yes, Sam told me over the phone last night.” sagot nito sa kaniya na sumisinghot- singhot pa at hindi siya nito nilingon dahil nga bala ito sa pagpupunas ng sipon nito. “Anong pumasok sa utak ni Sam at binalikan niya pa ang lalaking iyon?” halos magdikit ang kilay niyang tanong rito. Wala siyang natanggap na tawag galing kay Sam kagabi dahil busy siya kagabi at isa pa ay hindi naman tumunog ang cellphone niya, ni isang text ay wala naman siyang natanggap kaya hindi niya alam na nagkabalikan na ang mga ito. Kung siya lang ang nakausap nito kagabi ay baka naaway niya ito
Napalingon si Vena sa pinto nang muling bumukas iyon at nakita niya si Maxene na pumasok sa kaniyang silid at pagkatapos ay nagmartsa papunta sa tabi niya. Ibinagsak nito ang sarili sa tabi niya. “Ikaw naman kasi Vena dapat hindi mo sinabi yun.” sita nito sa kaniya at pagkatapos ay nakita niyang napahilot ito sa sentido nito. “Pero Maxene diba tama naman ako? Hindi niya na dapat iyon binalikan pa.” sabi niya rito. Bigla naman itong napabuntung- hininga at pagkatapos ay humarap sa kaniya. “Alam mo kasi Vena, kapag ang isang tao ay nagmahal, kahit anong sabihin mo dun hindi niya iyon pakikinggan. Wala siyang pakikinggan kundi sarili niya lang kasi puro puso ang paiiralin nun. Tapos magiging masama ka lang kapag pinagsabihan mo siya, katulad niyan. Tingnan mo kung anong nangyari.” mahabang lintaya nito sa kaniya at pagkatapos ay napasandal sa kinauupuan nila. Narinig niya ang muling paghugot nito ng isang malalim na buntung- hininga. Mukhang may tama naman ito, pero hindi naman siy
Alas sais na ng hapon nang umuwi si Andrei sa condo niya paano ba naman ay napahaba ang kwentuhan nila dahil sa pagdating ni Zake. Isa pa ay wala din naman sana siyang balak na mag- open up tungkol sa problema ng kompanya nila ngunit pinilit siya ng mga ito. Kinonsensiya na anong silbi nila na kaibigan kung hindi niya sasabihin ang problema niya sa mga ito kaya nawalan siya ng choice kundi sabihin sa mga ito ang totoo. Kaagad naman na nag- offer si Zake ng tulong sa kaniya na tinanggihan niya dahil masyado na itong maraming naitulong sa kaniya at nahihiya na siya. Pabagsak siyang napaupo sa kaniyang sofa at pagkatapos ay napahilot sa kaniyang sentido. Medyo nahihilo siya dahil sa epekto ng beer na ininom nila kanina dahil nakailang beer sila dahil napasarap ang kanilang kwentuhan. Napabuga siya ng hangin. Mabuti na lamang at nakumbinsi niya ang mga ito na iyong tungkol nga sa kompanya ng daddy niya ang problema niya. Napamulat siya ng kaniyang mga mata at pagkatapos ay nakita ang m
Ilang minuto ng nanunuod sina Andrei at Lizzy ng pelikula. Dumating na rin ang inorder ni Lizzy na pagkain at ang hinihintay na lamang niya na dumating ay ang order niya. Hindi niya alma kung anong oras ito darating ngunit nasisiguro niya na ilang sandali na nga lamang ay darating na iyon. Katulad nga ng inaasahan niya ay pagkaraan lamang ng ilang minuto ay agad ng tumunog ang doorbell ng kaniyang condo. Nasisiguro niyang iyon na ang order niya kaya agad siyang tumayo mula sa kinauupuan nila ni Lizzy. Nagtatakang pinanuod siya ni Lizzy na lumapit sa kaniyang pinto. Pagbukas nga niya ng pinto ay kaagad niyang nakita ang delivery boy na hawak- hawak na ang isang pumpon ng bulaklak na inorder niya at sa isang kamay naman nito ay hawak nito ang naka- box na cake. Mabilis niya itong inabot at pagkatapos ay nagpasalamat rito. Bayad naman na iyon dahil nang pag- order pa lamang niya ay binayaran na niya. Napangiti siya ng tuluyang umalis ang delivery boy. Siguradong magiging masaya si Liz
Late ng nagising si Vena ng araw na iyon dahil sa hindi niya malamang dahilan. Siguro ay sa daming iniisip niya kaya hindi siya nagising ng maaga. Isa pa ay kagigising niya lang pero nakapag- isip na siya kaagad ng plano niya sa araw na iyon. Kailangan niyang makausap si Andrei lalo pa at isang araw na niya itong hindi nakikita. Hindi niya ito mapupuntahan bukas dahil ihahatid niya si Maxene sa airport. Sasama siya para hindi naman magtampo si Maxene sa kaniya, hindi niya naman papayagan na pati ito ay magtampo pa pati sa kaniya dahil nga nagtampo na sa kaniya si Sam at hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa niya ito natatawagan at hindi pa siya nakahingi ng tawad rito. Sasadyain na lamang niya ito sa bahay nito para personal na humingi ng tawad rito sa ngayon ay si Andrei na muna ang aasikasuhin niya dahil kailangan niya itong makausap. Mabilis siyang bumangon mula sa kaniyang kama at dali- daling pumasok sa kaniyang banyo upang maligo. Hindi naman siya pwedeng magpakita kay And
Agad niyang ipinarada ang kaniyang sasakyan sa parking lot ng gusaling pinuntahan niya. Dahil nga tanghali na ng mga oras na iyon ay nasisiguro niyang nasa opisina na nito si Andrei kaya doon na siya dumiretso at hindi na sa condo nito. Bago siya lumabas ng kotse ay napairap siya sa hangin, paano ba naman ay makikita na naman niya ang impaktang sekretarya ni Andrei na kinaiinisan niya ng sobra- sobra. Napabuga na lamang siya ng malalim na buntung- hininga upang kahit papano ay mabawasan ang stress niya kahit hindi pa man sila nagkikita nito. Ilang sandali pa nga ay mabilis siyang lumabas mula sa kaniyang kotse at pagkatapos ay taas ang nooong naglakad papasok sa gusali. Kitang- kita niya ang mga tinginan sa kaniya na hindi niya naman pinansin. Ang iba ay punong- puno ng paghanga ngunit ang iba ay syempre pagka- disgusto ang makikita sa mga mukha nila marahil siguro sa inggit o kung ano pa man. Ganun pa man ay hindi niya iyon pinansin at nagtuloy- tuloy sa kung nasaan ang elevator at
Pagkalabas na pagkalabas ni Vena sa opisina ni Andrei ay napatitig siya sa pinto kung saan lumabas ang dalaga. Kitang- kita niya sa mga mata nito kung paano gumuhit ang sakit dahil lang sa mga salitang binitawan niya na sa totoo lang ay wala naman sana siyang balak na sabihin ang mga iyon. Maging siya sa sarili niya ay nabigla rin dahil sa sinabi niya ngunit huli na para bawiin niya pa ang mga iyon. Sa tanang buhay niya ay nagyon lamang siya nakunsensiya para sa isang babae. Hindi niya alam pero parang may kung anong kumurot sa puso niya dahil sa ginawa niya. Pero wala siyang ibang choice kundi ang gawin ang bagay na iyon. Alam niyang iyon lang din naman talaga ang paraan para maitaboy niya ito pero hindi naging maganda iyon. Bigla siyang napasandal sa kaniyang swivel chair at pagkatapos ay napahilot sa kaniyang sentido. Ano bang pumasok sa utak niya at bigla- bigla na lamang niya iyong nasabi ng hindi nag- iisip? Bakit hindi na lang niya nagawang pag- isipan ang mga sasabihin niya
Napapikit at napadaing si Vena hindi dahil sa luwalhati kundi dahil sa kirot ng ginawa nitong pagpasok sa sakaniya. Mas lalo pang nagtubig ang kaniyang mga mata at pagkatapos ay napahawak sa dibdib nito upang itulak ito paalis sa ibabaw niya ngunit sadyang mas malakas ito sa kaniya.Nagpatuloy ito sa pag- ulos, walang pakialam sa sakit na nararamdaman niya. Magkahalong kirot at hapdi, tila napunit muli ang kaniyang pagkababae ng mga oras na iyon. Napapikit siya habang nakahawak sa dibdib nito at pilit pa rin itong itinutulak. Nagmulat siya ng kaniyang mga mata. Hindi na niya kaya pang tiisin ang kirot na nararamdaman niya.“Please… stop…” halos pabulong na sambit niya dahil sa kirot.Ngunit sa halip na tumigil ito ay mas lalo pa nitong binilisan ang pagbayo at halos bumaon sa dibdib nito ang mga kuko ni Vena dahil sa matinding kirot hanggang sa naramdaman na lamang niya ang pagpuno ng mainit na katas sa kaloob- looban niya.Ilang minuto ang lumipas ay tuluyan na itong umalis sa ibabaw
Tumulo ang luha mula sa mga mata ni Vena ng mga oras na iyon. Nalilito siya at naguguluhan. Tahimik na nakatitig siya kay Andrei habang bakas sa mukha nito ang galit.“You made me a situation na alam mong hindi ako makakatanggi. Anong klaseng utak ang meron ka?” malamig pa sa yelong turan nito at unti- unting humakbang papunta sa kaniya.Hindi siya nakagalaw mula sa kinauupuan niya dahil pakiramdam niya ay tila walang lakas ang mga kamay niya. Parang ayaw gumana ng utak niya at nananatiling naguguluhan pa rin ito.Hanggang sa tuluyang nasa harap niya na si Andrei at sa puntong iyon ay wala na itong suot na pang- itaas. Biglang bumilis ang tibok ng puso niya dahil halos isang dipa na lamang ang layo nito sa kaniya. Tumigil ito roon at pagkatapos ay humawak sa suot nitong belt at unti- unting tinanggal iyon.Napahigpit ang hawak niya sa bedsheet ng mga oras na iyon. Kung kanina bago ito dumating ang excitement ang nararamdaman niya ngayon ay hindi na, wala siyang ibang maramdaman kundi
Nakaupo si Vena sa ibabaw ng kama ni Andrei. Kanina pa siya sa silid na iyon. Sa totoo nga lang ay katatapos niya lang na maligo. Pagkapasok nila kanina sa silid na iyon ay naroon na agad ang mga gamit niya at nakasalansan na ang lahat sa cabinet na ni Andrei. Napansin niya na medyo kakaunti lang ang mga damit na ipinadala pala ng kaniyang ama dahil hindi niya nakita doon ang lahat ng mga damit niya. Pagkapasok niya kanina doon ay hindi na siya lumabas pa, nanatili siya doon ng ilang oras habang nakahiga at nagtatanong sa kaniyang isip. Ang bumungad sa kaniyang kanina doon ay ang larawan ni Andrei kasama ang girlfriend nito na nasa tabi ng kama. Nakapatong ito sa isang drawer at hindi niya alam kung bakit naroon pa rin iyon gayung kasal na sila. Ano ang ibig sabihin nun? Muli siyang napalingon doon. Bagay naman kung titingnan niya ang mga ito pero mas masasabi niya na mas bagay sila kaysa sa babaeng kasama nito sa larawan. Napahiga siya sa kama at napatitig sa orasan na nakasabit s
“You may now kiss the bride.” saad ng Judge sa kanila ni Andrei. Katatapos lamang ng seremonya at tapos na rin silang pumirma ng kanilang marriage contract. Nang mga oras na iyon ay hindi saya ang nararamdaman niya kundi pagkadismaya. Araw ng kasal nila ng araw na iyon pero hindi man lang kakikitaan ng excitement sa kasal na namamagitan sa kanila. Tila ba tamad na tamad ito at walang gana, higit pa sa lahat ay nakainom ito. Kahit sino naman sigurong babae ay madidismaya kapag ganito ang groom ngunit ganun pa man ay pinilit niya ang maging kalmado. Pinilit niyang ngumiti sa harap ng mga taong kasama nila sa opisinang iyon. Pumihit siya upang humarap rito at ganun din ang ginawa nito. Walang ngiti sa mga labi nito ng mga oras na iyon at walang emosyon din ang mababakas sa mga mata nito. Nang mga oras na iyon ay hindi na niya alam pa kung ano ang gagawin niya at kung ano ang mararamdaman. May part na masaya naman siya dahil sa wakas ay kasal na sila ni Andrei ngunit may parte rin na
“Gusto ng anak ko na wala sanang ibang bisita, bukod sa witness na dalawa lamang sa kasal.” sabi ng ama ni Andrei na narinig niya. Kasalukuyan pa rin silang nasa hapag kainan at kumakain ng mga oras na iyon. Sa totoo lang ay gusto na sana niyang magpaalam para umakyat na sa taas at magkulong na lamang sa silid niya ngunit alam niya na kailangan niya pa ring humarap sa mga ito. “Alam kong gusto niyo ng enggrandeng kasal sana pero iyon ang gusto niya.” narinig niyang dagdag pa nito. Wala siyang narinig na sagot mula sa mga kasama niya sa mesa ng mga oras na iyon, samantalang siya ay abalang kumakain ng kaniyang dessert. Sa isip- isip niya ay sinong matinong utak na papayag sa ganuong klase ng kasal na ni kaibigan ay walang iimbitahin. Hindi ba tila isa iyong secret wedding kapag nagkataon? Pero habang iniisip niya si Andrei ay bigla niyang nasabi na wala siyang pakialam kung dadalawa lamang ang gusto nitong maging witness sa kasal na mangyayari sa pagitan nila. Walang ibang mahalag
Eksaktong alas syete ng gabi nang bumaba si Vena sa kanilang sala. Hindi na niya hinintay pa na tawagin siya mula sa kaniyang silid at siya na mismo ang nagkusa upang bumaba. Gusto niya na pagpasok na pagpasok pa lamang ni Andrei sa bahay nila ay makita na nito kaagad ang kagandahan niya. Nas kalagitnaan na siya ng hagdan pababa nang biglang sabay- sabay na naglingunan ang mga kapatid niya sa kaniya na nasa sala at harap- harap na nakaupo. Kumpleto ang mga ito mula sa paborito niyang Kuya ang panganay hanggang kay Ceazar. Ang kanilang ama ay naroon din. Kitang- kita sa mga mata ng mga ito ang paghanga habang natingin sa kaniya. Sino ba naman ang hindi hahanga e sobrang ganda niya. Napangisi siya ng makita ang mga itsura ng mga ito pagkakita sa kaniya at halatang gulat na gulat sa suot niya. Ang kaniyang ama ang unang nagsalita. “Kung ganiyan lagi ang sinusuot mo.” komento nito sa kaniya. Napaingos naman siya at pagkatapos ay pinahaba niya ang kaniyang nguso. Paano ba naman ay na
Isang katok ang narinig ni Vena. kagigising niya lang ng mga oras na iyon at nakahiga pa siya sa kaniyang kama. Madilim na rin sa labas dahil naiwan niyang bukas ang bintana niya kanina at hindi niya na nagawang isara. Napatagal pala ang tulog niya ng hindi niya inaasahan, marahil ay sa sobrang pagod talaga niya. Nang mga oras din na iyon ay ramdam na niya ang pagkalam ng sikmura niya. Hindi rin kasi siya gaanong nakakain ng maayos sa kaniyang byahe kanina. Akmang magsasalita pa lamang sana siya nang bigla na lamang bumukas ang pinto at inuluwa nito si Ceazar. Nakasuot pa ito ng long- sleeve na nakatupi hanggang sa siko nito at halatang- halata na halos kagagaling lamang nito sa opisina. Ano naman kaya ang kailangan nito sa kaniya? Napatitig siya rito at inantay na magsalita ito. Pagkatapos nitong isara ang pinto ay sumandali ito doon at pagkatapos ay ibinulsa ang kaniyang mga kamay. “We will having a dinner tonight with the Samaniego family.” sabi nito habang nakatitig sa kaniya.
Ilang minuto na ang nakalipas nang matapos ang tawag ngunit nananatili pa ring nakatitig siya sa kaniyang cellphone. Tila nanginginig ito. Nang mga oras na iyon ay hindi niya alam kung ano nga ba ang kaniyang mararamdaman. Tila siya nae- excite na kinakabahan na medyo nalilito dahil paano nangyari iyon? Bakit bigla- bigla na lamang siyang ikakasal at kay Andrei pa? Paano nangyari iyon? Sa mga oras na iyon ay wala pa siyang clue kung paano nangyari iyon. Bigla naman siyang napaisip. Hindi kaya pinuntahan siya sa bahay nila at na- realize nito na siya ang mahal nito at pagakatapos ay hiningi na nito kaagad ang kamay niya sa kaniyang Daddy? Ganun kaya? Dahil sa kaniyang naisip ay hindi niya maiwasan ang hindi kiligin. Hindi kaya biglang nagbago ang ihip ng hangin? Sa mga oras na iyon ay tila nakaramdam siya ng matinding kagustuhan na umuwi ng Pilipinas. Hindi na siya mag- aaksaya pa ng oras na manatili doon dahil baka mamaya ay muli pang magbago ang isip ng mahal niyang Andrei. —-----
Hindi namalayan ni Vena na napasarap na pala ang kwentuhan nila ni Adrianne kaya nang mapansin niya na sobrang tagal na pala niya doon ay nagpaalam na siya. Ayaw pa nga sana siya nitong payagan na umalis dahil hindi pa sila nakakapagkwentuhan ng sobrang tagal ngunit nagpaalam na talaga siya dahil baka mamaya ay hinahanap na pala siya ng mga kaibigan niya. Wala na rin naman itong nagawa kundi ang payagan siyang umalis dahil pinilit niya talaga ito. Mabuti na lamang at tulog na ng mga oras na iyon si Gwen dahil kung gising lamang daw ito ay panguradong nag- iiyak ito. Ang lalaking kinaiinisan niya naman ay wala doon dahil abala sila na nag- uusap ni Zake kaya hindi na rin siya nakapagpaalam sa mga ito. Pagkalabas niya nga sa yate ay kaagad siyang luminga- linga sa kaniyang paligid at pagkatapos ay naglakad- lakad upang hanapin ang mga ito. O kaya ay babalik na lamang siya sa kung nasaan siya kanina. Ilang sandali pa nga ay tuluyan na siyang nakabalik sa kung nasaan siya kanina ngunit