“TUNGKOL SA MGA NASABI KO SAIYO KAHAPON. . .” Panimula ni Sabina habang nasa loob sila ng sasakayan, “Akala ko kasi. . .akala ko kinalimutan mo na iyong napag-usapan natin bago ako pumayag na pakasal saiyo.” “Hindi ko naman nakakalimutan iyon. Sabi ko nga, marunong akong tumupad sa pangako,” sabi nito sa kanya, “Pinaayos ko na kay Atty. Mendez ang lahat para mabawi mo na ang bahay nyo,” anito pa sa kanya. Nilingon niya ito. “Pumayag na ang nakabili ng bahay na makipag-ayos.” Dagdag pa nito. “Makipag-ayos?” may pakla sa mga labing napangiti siya, “As if ganun ko lang kadaling mababawi ang bahay? San naman ako kukuha ng. . .” “Just trust me. Kapag sinabi ko saiyong mababawi mo ang bahay, mababawi mo, okay?” Pagbibigay assurance nito sa kanya. Napatango na lamang siya rito. Pero naisip niyang di naman basta papayag ang nakabili ng bahay na umalis ito nang di naibabalik ang perang binitiwan
PARANG MAY mga kabayong nais kumawala sa dibdib niya habang nakatitig sa kanya si Jeffrey. Nangungusap ang mga mata nito, tila may nais ipahiwatig ngunit nanatiling nakatingin lang ito sa kanya. At parang may pwersang nagbubulong sa kanya kaya bigla siyang napayakap dito at siniil ito ng halik sa mga labi. Shit. Nangako lang siya nuong isang araw na hinding-hindi na niya papayagang maangkin siya nitong muli. Na kahit na anong mangyari, hinding-hindi na siya bibigay. Pero siya pa itong unang humalik dito. Ano ba itong nangyayari sa kanya? Talaga bang hindi na siya titino? Buong init naman nitong tinugon ang mga halik niyang iyon. Tinawag na niya ng kung anu-anong pangalan ang kanyang sarili para lang matauhan siya and yet parang ayaw siyang pakinggan ng puso niya. Parang wala na siyang pakialam sa kung ano ang mangyayari bukas. Ang mahalaga ay ang ngayon. Alam niyang mali ito pero wa
KINAKABAHAN SI SABINA habang naghihintay sa pagdating ni Jeffrey. Dalawang araw na itong hindi umuuwi ng bahay. Nag-aalala na siya. Tinatawagan niya ang phone nito pero can not be reach lamang iyon. Di niya alam kung nasa walang signal itong lugar or talagang ayaw lamang nitong sagutin ang tawag niya. Simula nang umalis ito ay hindi siya gaanong nakatulog sa kaiisip dito. Magkahalo ang pag-aalala at pagkamiss niya rito. God, ilang araw lamang na di niya ito nakita ay miss na miss na kaagad niya ito. Paano pa kaya kapag natapos na ang lahat ng ito? Magsisimula ng dinggin ang kasong isinampa niya laban sa madrasta niya at sa mga naging kasabwat nito para patayin ang kanyang ama. Malapit na ring matapos ang six months contract niya kay Jeffrey. Iniisip pa lamang nilang maghihiwalay sila ay naninikip na ang dibdib niya. Parang hindi niya kakayanin. Masyado ng nahulog ang loob niya dito. Kasalanan bang ibigin ang isa
PARANG SINUNTOK ng matigas na bagay ang dibdib niya sa sinabing iyon ni Jeffrey. Napakurap-kurap siya. Oo nga pala, malapit nang matapos ang kontrata nilang dalawa. Hindi na yata siya sanay na hindi ito kasama. “Alam mong six months lang ang kontrata natin, right?” Sabi ni Jeffrey sa kanya. Hindi siya makaimik. Ngayon pa lang ay parang gusto na niyang umiyak at magmakaawa na huwag siya nitong iiwan. Na mahal na niya ito at payag na siya kahit siya lang ang nagmamahal basta magkasama pa rin sila. Ramdam niya ang pag-iinit ng kanyang mga mata. Parang gustong-gusto ng tumulo ng mga luha niya. “Besides, ayaw mo nun, hindi mo na makikita ang pagmumukhang ito?” Pabiro pa nitong sabi sa kanya, “Wala ng makikialam sa bawat. . .” Tuluyan nang pumatak ang mga luha niya, “What if sabihin ko saiyong mahal na kita? Na natutunan na kitang mahalin at hindi ko na kayang mabuhay na wala ka?” Hindi na nakatiis na sabi
NAGULAT SI JEFFERY nang paglabas niya ng kanyang kuwarto ay makitang nakabukas ang pinto ng kwarto ni Sabina. Bigla ay napuno ng takot ang kanyang dibdib. Nang pumasok siya duon ay wala na ang mga gamit nito. Nagmamadali siyang tumakbo pababa. Wala na ito sa buong bahay. Sumakay siya sa kotse para hanapin ito sa loob ng subdivision ngunit hindi na rin niya ito inabutan. Shit! Shit! Nag-aalala siya kung kaya’t tinawagan niya ang kanyang mga tauhan para hanapin si Sabina. Pakairamdam niya ay may bahagi sa puso niya ang unti-unting namamatay ng mga sandaling iyon. Hindi ba ito naman talaga ang gusto niyang mangyari? Ang matapos na ang kung anumang nagsisimulang umusbong sa kanila ni Sabina? Hindi ba dapat parang nabunutan na ng tinik ang pakiramdam niya dahil si Sabina na mismo ang kusang umalis? Pero bakit nasasaktan siya? Bakit iba itong nararamdaman niya? Damn!!! Maya-maya ay tumaw
IYAK NG IYAK SI SABINA nang makaalis na si Jeffrey. Alam niyang mahihirapan siyang makalimutan ito. Baka nga di niya iyon magawa ngunit nangangako siyang simula ngayon ay sisikapin niyang burahin na ito sa puso niya. Gusto na niyang tapusin ang kahibangan niyang ito sa lalaking iyon. Ang kailangan niyang gawin ngayon ay simulan ang tungkol sa kaso ng Papa niya. Bahala na kung paano niya makakaya ang lahat ng wala ang tulong ni Jeffrey ngunit palagay naman niya ay malakas ang kaso niya laban sa kanyang madrasta. Kailangan na rin niyang maghanap bukas ng matutuluyan. Kahit bed spacer lang. Napahinga siya ng malalim nang maisip na dapat na rin siyang magsimulang maghanap ng trabaho. Maiksi lang ang pisi niya kaya ngayon pa lang ay kailangan na niyang maging maingat sa paggastos ng pera. Nahiga na siya at ipinikit ang mga mata. Bukas na lamang niya iisipin ang iba pa niyang mga problema. Pagod na ang utak at mga mata niya. Walang ma
NAISIP NI SABINA na tama si Atty. Mendez. Kung hindi niya tatanggapin ang tulong na ibinibigay sa kanya ni Jeffrey, paano niya maipapanalo ang kaso ng ama at kailan pa niya mababawi ang bahay ng kanyang mga magulang? Kaya nilunok na muna niya ang kanyang pride. Ngunit gagawa siya ng paraan para unti-unting mabayaran ang lalaki sa lahat ng financial na tulong na ibinigay nito sa kanya. Ayaw niyang isipin nitong pinagsamantalahan niya ang generosity nito. Mapakla ang ngiting pinakawalan niya, iniisip siguro ni Jeffrey na ito ang kabayaran nito sa pagbibigay niya ng katawan dito. Hah, hindi siya prostitute. Ibinigay niya dito ang sarili dahil mahal niya ito. Pero kung iniisip ni Jeffrey na ito ang kabayaran sa lahat ng nangyari sa kanila, mas lalo lamang siyang dapat na magpursige upang maibalik dito ang lahat ng perang nagastos nito para mabawi niya ang bahay at lupa. “Tatanggapin ko po ito Atty. Mendez pero pakisabi sa boss nyo, utang ko ito at ga
NABITIWAN NI SABINA ang hawak na baso nang ibalita ang tungkol kay Ramon Villadigeo. Bigla niyang naisip si Jeffrey. May kinalaman ba ito sa pagkamatay ng pulis na iyon? Hindi niya alam kung anoa ng kanyang mararamdaman habang pinanonood ang balita. Kalahati ng puso niya ay nagdiriwang dahil pakiramdam niya, kahit paano ay nakaganti na rin siya sa ginawa nito sa Papa niya. Ngunit kung siya ang papipiliin, mas gusto sana niya itong makitang unti-unting nabubulok sa bilangguan kasama ng walang hiya niyang madrasta. Sa isang lingo nga pala ay nakatakda silang magharap ng madrasta niya para sa isinampa niyang kaso laban dito. Magkahalo ang kaba at galit na nararamdaman niya. Hindi niya alam kung anoa ng kahihinatnan ng kaso bagaman at sinabihan na siya ni Atty. Mendez na malakas ang pinanghahawakan niyang mga ebedensya. Pero di pa rin niya alam kung gaano kalakas ang proteksyon ng madrasta niya. Ngunit ngayong wala na si Ramon Villadiego, malamang a
GINULAT NILA ang lahat sa anunsyo nilang magpapakasal na sila ngayong daratng na buwan. Masayang-masaya sina Arlene at Vivian para sa kanila. Ganuon rin naman si Von na tinanggap na ang pagkatalo at umaasang magiging masaya ang pagsasama nila ni Jeffrey. Excited din sina Erica at David kaya naman kaagad na nagset ng dinner para sa kanilang apat. “Hindi ako makapaniwalang magkaibigan pa pala ang mga boylet natin,” natatawang sabi ni Erica sa kanya habang nakamasid kina David at Jeffrey na umiinom ng wine sa isang sulok para icelebrate ang naglalapit nilang kasal, “Sinong mag-aakala nito?” Napangiti siya. Masaya siyang nabalik muli sa dati ang friendship nilang dalawa ni Erica. “Gustong-gusto talaga kitang maging hipag kaya ang sama-sama ng loob ko ng binasted mo si Kuya Enzo,” pagtatapat pa ni Erica sa kanya, “Pero tama ka, di naman pwedeng turuan ang puso. Sadyang may mga nakalaan para sa tin na bigla na lang darating sa buhay nati
“IBANG KLASE RIN ANG BOSS MO,” napapailing na sabi ni Von sa driver ni Jeffrey na nakita niyang naninigarilyo sa may gate. “Pasensya na, nagmamahal lang si Boss,” sabi nito sa kanya. Napaismid siya. Matagal na siyang nagmamahal pero hindi siya naging ganito kaswerte na gaya ng Jeffrey na iyon. Ewan ba niya kay Sabina kung bakit kahit yata paulit-ulit itong magkamali ay palagi itong nakahandang magpatawad. “Come on, alam naman nating maraming babae ang boss mo,” patuyang sabi niya sa lalaki. “Diyan ka nagkakamali. Kilala ko si Boss, minsanan lang magmamahal iyon. Alam ko kung ano iyong mga pinagdaanan nya sa buhay kaya wala kang karapatang husgahan sya base lang sa kung ano ang nakikita mo,” matiim na sabi sa kanya ng lalaki na halatang anumang oras ay handang makipagpatayan para lamang sa amo nito. Hindi na siya nakipagtalo pa. Ang totoo ay nasasaktan lamang naman siya. Ang tagal niyang umasa at nag
“P-PERO NATAUHAN AKO,” halos paanas lamang na sabi niya. Parang nakahinga ng maluwag ang dalawa. “OMG, kaya naman pala inis na inis saiyo si Von,” napapailing na sabi ni Arlene sa kanya saka napangiti, “Masarap ba?” Siniko ni Vivian si Arlene, “Ayan ka na naman sa kalibugan mo, Tumigil ka nga!” nakairap na sabi nito sa babae saka muling bumaling sa kanya, “Sabina, sana naman this time matuto ka na. Mahalin mo muna ang sarili mo bago ka matutong magmahal ng ibang tao. Hindi sa lahat ng babagay eh bigay ka lang ng bigay,” Payo nito sa kanya. Hindi siya kumibo. Alam niyang nagmamalasakit lamang ang mga ito dahil nakita ng mga ito kung paano siya nahirapan nuon. “Mabuti pa magpahinga ka na muna, wag ka ng mag-isip ng kung anu-ano, okay?” Sabi ni Arlene sa kanya. “Salamat,” aniya sa mga kaibigan, “Salamat dahil tinutulungan nyong maging magaan ang buhay ko.”NAKITA NI ROWENA si Jeffrey na um
AYAW NI JEFFREY SIRAIN ang espesyal na araw ni David kung kaya’t maaga na lamang siyang nagpaalam sa lalaki. Masama ang loob niya dahil hanggang ngayon ay galit pa rin sa kanya si Sabina. Sabagay ay hindi naman niya ito masisisi dahil matindi naman talaga ang naging atraso niya rito. Pero hindi na ba talaga siya nito maaring bigyan ng isa pang pagkakataon? Hindi na niya alam kung ano gagawin niya. Bumalik na siya sa Maynila at pinili na lamang mapag-isa sa kayang suite. Siguro ay kailangan niya ang tulong ni Geraldine para ito mismo ang magpaliwanag kay Sabina tungkol sa kanila. At para na rin malaman nito na sa nakalipas na panahon ay wala namang ibang umukupa sa puso niya kundi ito lamang. At totoo sa loob niya nang sabihin niya rito na mahal niya ito. Malungkot siyang nahiga sa kama habang paulit-ulit na nanunuot sa kanya ang magandang mukha ni Sabina. Kulang na lang ay lumuhod siya rito kanina para lang magsumamo na patawarin
ARAW NG LINGGO. Madaling araw pa lamang ay gising na si Sabina bilang paghahanda sa kasal ng kaibigan niyang si Erica at ang multi-billionare na mapapagasawa nitong si David Wharton. Siya kasi ang maid of honor ng kaibigan kung kaya’t maaga siyang gumising para ihanda ang kanyang susuoting magenta pink gown. Mabuti na lamang at nagpresinta si Von na sunduin siya. Sa Tagaytay gaganapin ang wedding, one hour drive from Laguna kasama ng ang ilang minutong traffic lalo na kapag araw ng Linggo. Kaya sabi ni Von ay magprepare siya ng maaga para maaga siya nitong susunduin. Siya na rin lang ang magme-make up sa sarili niya tutal naman ay very light lang ang ilalagay niya sa mukha dahil summer naman ngayon. Saka di naman talaga siya mahilig maglagay ng kung anu-anong burluloy sa mukha. Si baby Bean ay iiwanan muna niya sa pangangalaga nina Arlene at Vivian. Sanay naman na ang bata sa mga ito. Gusto ng asana ni Von ay isama niya ang kanyang anak sa wedd
“PASENSYA ka na Sabina kung may pagkamarites ako. Gusto ko lang naman kasing maging masaya ka kaya ipinaalam ko saiyo ang tungkol kay Jeffrey. Kung gusto mo syang makita, dito lang sya naka-check in sa hotel namin.” “Salamat, Rowena pero wag na wag mo na sanang mababanggit pa sa kanya ang tungkol sa amin ng bata,” aniya sa kanyang pinsan. “Pero hindi ba karapatan niyang malaman ang tungkol sa bata?” Tanong ni Rowena sa kanya. “Please Rowena. Tahimik na ang buhay ko. Ayoko ng magkaron pa ng kaugnayan sa kanya,” pigil ang inis na sabi niya sa babae. “Pasensya na, akala ko kasi matutuwa ka sa ibabalita ko,” sabi nito sa kanya, “Pramis, hinding-hindi kita babanggitin sa kanya.” “Salamat.” Pagkatapos ng pakikipag-usap sa pinsan ay hinarap niya sina Arlene at Vivian na halatang curious na curious sa ibabalita niya. “What?” Taas ang kilay na tanong niya sa mga ito.
“ANG CUTE-CUTE naman ni baby Bean,” tuwang-tuwang sabi ni Arlene, kinuha nito sa kanya ang bata, “Di ako makapaniwalang mag-iisang taon na sya. Parang kelan lang,” sabi pa nito sa kanya. Ngumiti siya. Isang taon na ang matuling lumipas at sa tulong ng mga kaibigan niyang sina Arlene, Von at Vivian ay nakapag-set up sila ng isang coffee shop sa Laguna kung saan ay dito na rin niya piniling manirahan habang ang bahay naman niya sa Cubao ay naisipan niyang parentahan na lamang. Balak nga sana niya nuong una ay ipagbili iyon ngunit napagtanto niyang di pala niya kayang pakawalan ang mga magagandang alaalang kalakip ng bahay na iyon bagama’t marami ring masasakit na memories ang bahay na iyon sa kanya. Mas matimbang pa rin ang mga magagandang alaalang nabuo sa tahanang iyon habang siya ay lumalaki. So far ay successful naman ang kanilang coffee shop dito sa Laguna at nagplaplano na silang magput up ng isa pang shop nila sa karatig bayan.
HINDI MAKAPANIWALA SI VON nang pasyalan siya nito sa bahay at ipagtapat niya ang totoong kalagayan niya rito. Disappointed itong malaman na nagdadalang tao siya at the same time ay nag-aalala ito lalo na nang ipagtapat niya ang tungkol sa kanila ni Jeffrey. “Sabi ko na nga ba may something sa inyo ng lalaking iyon. Kaya pala unang kita ko pa lang sa kanya, hindi ko na kaagad siya gusto,” nailing na sabi nito sa kanya saka tiningnan siya ng matiim, “Talaga bang wala kang balak ipaalam sa kanya ang lagay mo?” Umiling siya. “Para ano pa?” “Bakit hindi mo sya bigyan ng pagkakataong magpaliwanag? I know, medyo confusing ang statement ko considering di ko gusto ang lalaking iyon. Pero syempre, iyong kapakanan mo pa rin at kaligayahan mo ang iniisip ko. Kahit masakit para sakin, kung sa kanya ka magiging maligaya, okay lang. Kaya kung ako ang tatanungin mo, mas gusto kong bigyan mo sya ng chance na magpaliwanag.” “Magpali
“I AM ONE MONTH PREGNANT?” Waring hindi makapaniwalang tanong ni Sabina sa sarili habang tinitingnan ang result ng naging eksamenasyon sa kanya ng doctor. “Mabuti na lang safe ang baby mo. Kaya iwasan mo na sana ang stress at magfocus ka sa nandyan sa matris mo,” sabi ni Enzo na bakas ang matinding pag-aalala sa kanya, “Ano nga palang plano mo? Ipapaalam mo ba sa kanya?” Umiling siya. Simula sa araw na ito ay tinatapos na niya ang anumang ugnayan niya kay Jeffrey. Tama na ang kahibangan. Napaisip siya. Hindi niya alam kung ano ang nararamdaman ng mga sandaling ito. Hindi niya alam kung dapat ba siyang matuwa sa bagong kaganapan na ito sa buhay niya. May pait sa mga labing napangiti siya. Sa isang iglap ay nakabuo kaagad ng dalawang bata si Jeffrey. O baka nga hindi lang sila dalawang binuntis nito. Hindi na siya magtataka kung may mababalitaan siyang isa pang naghahabol dito. “Sabagay, kayang-kaya mo namang buhayin